Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TUNAY NA LAMAN! TUNAY NA MGA BUTO! REAL FLESH! REAL BONES! REAL BLOOD! - PART I ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:41-43).
|
O, alam ko na ang paksa ng sermong ito ay maaring makaligalig ng ilang mga mangangaral! Ngunit maaring hindi nila naaral ang paksa ng mabuti, hindi pinagnilayan ng matagal ng sapat ang mga berso tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo! Ang mga mangangaral ay dapat magsalita ng malakas at malinaw sa pangunahing doktrina ng Kristiyanong pananampalataya, kasama ng pisikal na muling pagkabuhay ni Kristo.
Lubos akong sumasang-ayon kay Dr. Michael Horton na maraming mga tao sa ating mga simbahan na naniniwala sa isang “Nostikong” espiritung-Kristo. Nais kong ang bawat mangangaral sa mundo ng mga ang salita’y Ingles na basahin ang kanyang maliit na aklat na Christless Christianity: The Alternative Gospel of the American Church (Baker Books, 2008). Siya ay lubusang tama noong sinabi niyang maraming mga ebanghelikal ay mayroong makamultong, “nostikong” Kristo, hindi ang tunay na laman at butong Kristo ng Bagong Tipan. Walang maliligtas sa paniniwala sa makataong kaluluwa, dahil ang “nostikong” Kristo ay “ibang Hesus.”
Ngunit mas lalayo pa ako kaysa sa basta-bastang pagsasabi na ang bumangong Kristo ay mayroong laman at mga buto. Oo, alam kong lubos na sinabi ni Hesus na,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Ngunit ang pahayag ni Hesus ay hindi puspos. Hindi Niya ipinaliwanag sa lubos na detalya ang lahat ng katunayan ng Kanyang muling nabuhay na katawan. Hayaan ninyo akong sabihin sa inyo kung bakit naniniwala ako na ang Kanyang bumangong katawan ay hindi lamang mayroong laman at mga buto, kundi mayroong dugo rin.
Naniniwala ako na si Kristo ay bumangon sa isang katawan ng tunay na laman, mga buto at dugo, dahil kinakailangan itong maging ganito ng simpleng pagtuturo ng Bibliya! Natutunan ko sa paglipas ng mga taon na makinig sa mga Kasulatan at sundin ang mga ito. Ang aking matagal ng pastor at gurong si Dr. Timothy Lin, dating propesor ng teolohiya at Bibilikal na mga wika sa Bob Jones University, ay nagturo sa aking paniwalaan ang Bibliya, at manatiling lubos sa kung anong sinasabi nito.
Simpleng itinuturo ng Bibliya na ang parehong katawan ni Hesus, na inilibing sa libingan, ay bumangon mula sa pagkamatay. Hindi isang guniguni o “multo” na bumangon mula sa libingan. Ang pinaka parehong Hesus na inilibing doon ng tatlong araw pagkatapos Niyan mamatay sa Krus. Bumangon Siya mula sa pagkamatay sa parehong katawan na inilibing.
Noong Siya’y bumangon mula sa pagkamatay, bumangon Siyang pisikal. Sinabi Niya sa mga Disipolo sa unang Linggong iyon,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:39-40).
Ngayon ang isang laman at butong katawan ay nangangailangang dapat mayroon paring kaunting dugo.
Binabasa ko ang isang aklat sa medisina sa paksa ng bone marrow. Ang bone marrow ay ang pangalawang pinaka malaking bahagi ng katawan. Si Dr. Chan ay isang nagsasanay na medikal ng doktor dito sa Los Angeles. Ibinigay niya sa akin itong aklat sa medisinang, Hoffman: Hematology, isang aklat sa dugo ng tao. Sa aklat na ito ay isang kapitulong pinamagatang, “Bone Marrow Examination,” ni Dr. Daniel H. Ryan at Dr. Harvey J. Cohen. Sinabi ni Dr. Ryan at Dr. Cohen sa aklat na ito,
Pagkatapos ng balat, ang bone marrow ay ang pinaka malaking bahagi sa katawan. Ang bone marrow ay naglalaman ng 1 trilyong mga cell [na may] halos 200 na bilyong red blood cell, 100 bilyong white blood cell, at 400 bilyong mga platelets (isinalin mula kay Hoffman: Hematology, Churchill, Livingstone, Harcourt, Brace and Co., 2005, p. 2656).
Ang aklat na ito ay inilimbag noong 2005, at ito’y ginagamit ngayon, na isang aklat-aralin sa pag-aaral ng medisina sa maraming mga unibersidad.
Anong sinasabi ng mga medikal na katunayang ito tungkol sa dugo sa utak ng buto ng tao tungkol sa mga buto ng muling nabuhay na si Kristo? Tandaan na sinabi ng bumangong si Kristo sa Kanyang mga Disipolo,
“Hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Narito ang punto – kahit na karamihan sa Dugo ay umagos mula sa katawan ni Hesus sa pagpapako sa krus, ang Kanyang mga buto ay naglalaman pa rin ng maraming Dugo na naglalaman pa rin bone marrow ng Kanyang mga buto. Mayroon pa ring 200 bilyong red blood cells, 100 billion white blood cells, at 400 bilyong blood platelets sa loob ng bone marrow ng mga buto ni Kristo noong Siya’y bumangon mula sa pagkamatay! Dagdag pa rito ang lahat ng dugo sa Kanyang mga buto, mayroon ring kaunting Dugong nakadikit sa mga lamang loob ng Kanyang Katawan, ganoon din sa mga cell at tissue ng Kanyang laman, noong bumangon Siya mula sa pagkamatay. Isang medikal na doktor ay hinulaan na halos 20% ng Dugo ni Hesus ang nanatili sa Kanyang Katawan noong Siya ay nailibing.
Sinabi ni Dr. Norman L. Geisler, ang presidente ng Southern Evangelical Seminary,
Ang tradisyonal na pananaw ay di maiiwasan sa pamamagitan ng pag-aangkin na ang muling nabuhay na katawan ni Hesus ay mayroong laman at mga buto ngunit hindi materyal na laman at dugo (isinalin mula kay Norman L. Geisler, Ph.D., The Battle for the Resurrection, Wipf & Stock Publishers, 1992, p. 122).
Naniniwala si Dr. Geisler na ang muling nabuhay na Kristo ay mayroon pa ring “materyal na laman at dugo.”
Sinabi ni Dr. Geisler na ang Biblikal na pariralang “ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios” (I Mga Taga Corinto 15:50), sa konteksto, ay nangangahulugang mortal na laman at dugo. Ayon kay Dr. Geisler, ang pariralang ito ay tumutukoy sa laman at dugo na hindi pa muling nabubuhay. Itinala ni Dr. Geisler na
isang di pagkaka-intindihan ng tekstong ito ay gumanap ng isang mapaminsalang tungkulin sa Bagong Tipang teolohiya ng huling anim na pung taon. Ang parirala sa I Mga Taga Corinto 15:50 ay tumutukoy sa dugo na hindi pa muling nabubuhay” (isinalin mula sa ibid. p. 123).
Gayon, ayon kay Dr. Geisler, ang I Mga Taga Corinto 15:50 ay hindi maaring gamitin upang ipakita na ang laman at buto ni Hesus, sa Kanyang muling nabuhay na kalagayan, ay hindi naglaman ng kaunting muling nabuhay na Dugo (isinalin mula sa ibid.). Kung gayon, ang Kanyang laman at buto ay nanatili ng halos 20% ng Kanyang Dugo.
Hindi ito isang “bagong” paksa, o kaya di mahalaga. Ang ating mga ninuno ay nakipaglaban sa Pundamentalistang/modernistang kontrobersiya na pabor sa literal na “pisikal” na muling pagkabuhay ni Kristo. Ngunit hinayaan natin ang dakilang doktrinang itong dumulas. Hinayaan natin ang mga liberal na tulad ni George Eldon Ladd, isang dating propersor ng Fuller Theological Seminary, na magsabi sa atin na ang muling pagkabuhay ni Kristo “ay hindi isang muling pagsilang [revivification] ng isang patay na bangkay, na bumabalik sa isang pisikal na buhay” (Isinalin mula kay Geisler, ibid., pp. 93-94). Bakit niya sinabing “muling pagsilang [revivification]” imbes na “muling pagkabuhay?” Parehas ang ibig sabihin ng mga ito! Ngunit gusto niyang gumamit ng isang mahumaling na salita upang itago ang kanyang pinaniniwalaan mula sa isang karaniwang tao na maaring magbasa ng kanyang aklat. Sa simpleng Ingles, sinabi ni Dr. Ladd na ang pagbabangon ni Kristo mula sa libingan, “ay hindi isang muling nabuhay na katawan ng isang patay na katawan.” Mali iyan! Hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya, o ang pinaniniwalaan ng mga Kristiyano sa kabuuan ng mga siglo! Iyan mismo ang ibig sabihin ng ating mga ninuno sa “pisikal” na muling pagkabuhay ni Hesus. Ang patay na bangkay ni Hesus ay bumalik sa pisikal na buhay!
Huwag nating idiskwento ang sinabi ni Dr. John R. Rice tungkol sa paksang ito. Si Dr. Rice ay isang madunong na taong naniniwala sa Bibliya, at ay laging maingat na sundin ang literal na kahuluhgan ng mga Kasulatan, sa pinaka mahusay ng kanyang kakayahan. Sa kanyang mga kumento sa Lucas 24:36-45 sinabi ni Dr. Rice,
Kumain Siya sa harap nila at siniguro ang kanilang nagdududang mga puso. Ito’y si Hesus bumangon mula sa pagkamatay, sa Kanyang laman-at-dugong katawan… Dahil dito binanggit ni Hesus na maari nilang mahipo ang Kanyang laman at dugo ngunit hindi binanggit ang dugo, iniisip ng ibang mga tao na ang ating [mga Kristiyano] mga muling nabuhay na mga katawan ay di magkakaroon ng dugo. Totoo, sinasabi ng I Mga Taga Corinto 15:50 na “ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios.” Ngunit ang berso ay nagpatuloy, “ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan” …Hindi niyan ibig sabihin na ang laman ay hindi makapapasok sa kaharian sa muling nabuhay na mga katawan…Buhat ng si Hesus ay literal na kumain, ng pisikal na pagkain, mayroong bawat dahilan upang paniwalaan na ang pisikal na proseso ng dihestyon ay nagpatuloy at na ang katawan na may laman at mga buto, ay mayroon ring dugo upang magpatuloy ang ang mga natural na mga prosesong ito…Pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ang katawan ni Hesus ay isang laman-at-butong katawan, na may normal na mga proseso. Ito’y isang katawan na nakakakakain at nakatutunaw ng pagkain, isang katawan na marararamdaman ng isa (isinalin mula kay John R. Rice., D.D., The Son of Man: A Verse-by-Verse Commentary on the Gospel According to Luke, Sword of the Lord Publishers, 1971, pp. 556-557).
“At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:41-43).
Ngayon mayroong dalawang napaka importanteng mga punto na nanggagaling mula rito.
1. Ang laman at dugo ng lahat ng mga tunay na Kristiyano ay muling mabubuhay, gaya ng laman at Dugo ni Hesus. Sinabi ng Apostol Pablo,
“Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya” (Mga Taga Filipo 3:20-21).
Gayon sinasabi sa atin ni Apostol Pablo na ang ating “masasamang” mga katawan ay “magiging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian” – iyan ay, magkakaroon tayo ng mga muling nabuhay na mga katawan, na may laman, mga buto, at dugo, gaya ng Kanyang “katawan ng […] kaluwalhatian.” Tayo’y di magiging mga “kaluluwa” o mga “espiritu.” Hindi, ang mga muling nabuhay na mga katawan ng mga tunay na mga Kristiyano ay “babaguhin” kapag sila’y muling mabubuhay sa “walang kasiraan” at “walang kamatayang” mga katawan, babaguhin upang maging tulad ng muling nabuhay na katawan ni Kristo (tignan ang I Mga Taga Corinto 15:51-53). Ako’y natutuwa na ito’y gayon nga. Makikilala natin ang ating mga pumanaw na mga minamahal, gaya ng pagkakilala nina Moses at Elija sa Transpigurasyon! Makikilala natin ang ating mga Kristiyanong minamahal na namatay dahil sila’y maging napabangon, gaya ni Hesus, sa parehong muling nabuhay na mga katawan na namatay!
Nagsabi pang higit ang Apostol Juan sa paksang ito noong sinabi niya sa atin,
“Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, tayo'y magiging katulad niya: sapagka't siya'y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili” (I Juan 3:2).
Sa muling pagkabuhay, ang mga Kristiyano ay “magiging katulad niya,” tulad ni Kristo noong kasama Niya ang mga Disipolo sa unang Linggong iyon, noong sinabi Niyang,
“Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:41-43).
Sa Ebanghelyo ng Lucas, sinabi ni Hesus na Siya’y kakain at iinom kasama nila, “sa kaharian ng Dios.”
“Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap: Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Ito'y hindi ko kakanin, hanggang sa ito'y maganap sa kaharian ng Dios. At siya'y tumanggap ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin: Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios” (Lucas 22:15-18).
Gayon, sa Huling Hapunan, sinabi ni Kristo sa mga Disipolo na Siya’y kakain at iinom kasama nila sa darating na Kaharian. Muli, sa Lucas 22:30, sinabi ni Hesus sa kanila na sila’y “magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko.” Ibig sabihin nito’y ang kanilang muling nabuhay na mga katawan ay kailangang magkaroon ng “dugo upang magpatuloy sa mga natural na proseso” ng dihestiyon, gaya ng sinabi ni Dr. Rice (isinalin mula sa ibid.). Sinabi ni Dr. Rice, “Magkakaroon ng mga likido sa mga katawan ng mga muling nabuhay na mga Kristiyano, gaya ng katawan ni Hesus, dahil sinabi ni Hesus, ‘Hindi ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios” (isinalin mula kay Rice, ibid., p. 558).
Natutuwa ako na hindi ako magiging isang “multo” o “espiritu” sa padating na Kaharian ni Kristo! Natutuwa ako na magkakaroon tayo ng tunay na muling nabuhay na mga katawan, tulad ng Kanya, mga katawan ng laman at buto, at dugo, na kayang umupo at kumain at iminom kasama ni Hesus sa hinaharap na Kaharian, kapag Siya’y babalik upang maghari sa lupa, makakayang ibahagi sa Dakilang Hapunang iyon kasama Niya at ng mga Disipolo, at lahat ng ibang mga Kristiyano, upang “kumain at uminom” kasama nila sa dakilang pista ng pagdiriwang (Lucas 22:30)! Anong pinagpalang pag-asa iyan para sa bawat tunay na Kristiyano!
“Sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:41-43).
Ngunit mayroong isa pang dakilang aral para sa atin rito, isa na dapat nating pag-isipan ng madalas.
2. Ang Dugo ni Hesus ay ngayo’y nasa Langit! Sa kaliitan ang Dugo ng Kanyang buto at laman ay dapat muling mabuhay at tumaas kasama Niya pabalik sa Langit. Si Dr. Rice at maraming pang iba ay lumalayo pa, gaya ko, at nagsasabi na dinala rin Niya ang Dugo na umagos mula sa Kanyang katawan sa Krus. Sinabi ni Dr. Rice, “Siya’y papunta upang iharap ang kanyang banal na dugo sa Langit” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Son of God: A Verse-by-Verse Commentary on the Gospel According to John, Sword of the Lord Publishers, 1976, p. 393).
Ganito kahigit ay tiyak kung ating seseroyosohin ang Bibliya – sa kaliitan ang Dugo na nananatili sa Kanyang laman at sa Kanyang utak ng buto ay ngayon nasa Langit. Dapat walang pagdududa niyan kung ang isa ay naniniwala sa Kanyang pisikal na muling pagkabuhay. Gayon man, maraming mga modernong mga guro, tulad ni George Eldon Ladd at John MacArthur, na nagsasabi na ang Dugo ni Kristo ay wala sa Langit. Sa tingin ko sila’y mali dahil ang Bibliya ay tiyak na nagsasabi sa atin na ang Dugo Ni Hesus ay nasa Langit,
“Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel, Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal, At kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan, at dugong pangwisik”
(Hebreo 12:22-24).
Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin sa Hebreo 12:22-24 na ang Dugo ni Hesus ay isa sa mga bagay na nasa Langit. Ito’y nadala pataas, naisalin, muling nabuhay sa Langit, kasama ng Kanyang laman at butong katawan – gaya ng katawan at dugo ni Eunuch (Hebreo 11:5) at ng katawan at dugo ni Elija (II Mga Hari 2:11) ay muling nabuhay sa Langit. Sinabi ni C. H. Spurgeon,
Kapag tayo’y aakyat sa Langit mismo…hindi tayo makakarating lampas sa Dugo ng pagwiwisik; hindi, makikita natin ito doon ng mas tunay na naroroon kaysa sa iba pang mga lugar. “Ano!” sinasabi mo, “ang dugo ni Hesus sa Langit?” Oo! Hayaan yoong mga mahinahong nagsasalita tungkol sa mahal na dugong ayusin ang kanilang pananaw bago sila magkasala ng kalapastangan sa Diyos…Para sa akin walang nararapat na pag-isipan o magpangaral patungkol sa kundi tungkol sa dakilang temang ito. Ang Dugo ni Kristo ay ang buhay ng ebanghelyo (isinalin ni C. H. Spurgeon, “The Blood of Sprinkling,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1975 inilimbag muli, volume 32, p. 121).
Sinabi ni Spurgeon na ang Dugo ni Kristo ay nasa Langit sa maraming ibang mga sermon rin, na may mga pahayag na tulad ng, “ang dugo ay naroon, namamagitan para sa ating walang katapusan” (Isinalin mula sa “The Saviour’s Precious Blood,” MTP, #3,395).
Nagbigay tayo ng 15 na mga saksi sa Dugo ni Kristo sa Langit sa ating aklat Preaching to a Dying Nation ni R. L. Hymers, Jr., D. Min., at Christopher Cagan, Ph.D. Maari ninyo itong i-order sa pamamagitan ng pagpapadala ng $15.00 at hingin ito sa ngalan nito, sa P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Sa mga iyong nagsabi na ang Dugo ni Kristo ay ngayo’y nasa Langit ay si Chrysostom (ika-5 siglo), si John Calvin (ika-16 siglo), si Matthew Henry (ika-18 siglo), si Charles Wesley (ika-18siglo), ang The Scofield Study Bible (ika-20 siglo), si Dr. John R. Rice (ika-20 siglo), at si Dr. J. Vernon McGee (ika-20 siglo). Sinabi ni Dr. McGee,
Ang Kanyang Dugo ay kahit ngayon ay nasa langit, at sa buong walang katapusang mga panahon ito’y naroroon upang paalalahanin tayo ng kakila-kilabot na halaga na binyaran ni Kristo upang tubusin tayo (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, vol. 5, p. 560).
Lubos kong kinatutuwa na mayroon akong tunay na Ebanghelyong pinapangaral sa inyo ngayong umaga! Si Kristo ay tunay na namatay sa Krus upang bayaran ang buong multa para sa iyong kasalanan. Si Kristo’y tunay na bumangong pisikal – ang Kanyang laman ay bumangon! Ang Kanyang mga buto’y bumangon! Ang Dugo bone marrow ng Kanyang buto at mga cell a bumangon! Siya ay tunay na bumangon mula sa pagkamatay! At dahil Siya ay tunay na nabubuhay, sa kanang kamay ng Diyos, maari kang lumapit sa Kanya. At kapag ika’y lumapit sa Kanya, Kanyang tunay na patatawarin ang iyong mga kasalanan, at Kanyang bibigyan ka ng isang tunay na bagong pagkapanganak, isang tunay na pagbabagong loob, at tunay na walang hanggang buhay. Lahat ng ito’y totoo, aking kaibigan! Lumapit sa tunay na Hesus at Kanyang bibigyan ka ng isang tunay na pagbabagong loob!
“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43).
Iyan ang tunay na Hesus! Lumapit sa Kanya at ika’y Kanyang ililigtas sa buong panahon, at sa buong walang hanggang! Tumayo at kantahin ang koro, “Ikaw ba’y Nahugasan sa Dugo?”
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo,
Sa nakalilinis ng kaluluwang dugo ng Kordero?
Ang iyo bang mga damit ay walang bahid? Ang mga ito ba’y kasing puti ng niyebe?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
(“Ikaw ba’y Nahugasan sa Dugo ng Kordero.” Isinalin mula sa
“Are You Washed in the Blood of the Lamb?”
ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Mr. Abel Prudhomme: Lucas 24:36-43.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhay Muli.” Isinalin mula sa “Alive Again”
(ni Paul Rader, 1878-1938).