Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGBIBILANG NG HALAGA – COUNTING THE COST – AND STRUGGLING TO ENTER IN! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24). |
Tandaan tinatalakay ni Kristo ang paksa ng kaligtasan. Isang lalake ang nagsabi sa Kanya, “Kakaunti baga ang mangaliligtas?” (Lucas 13:23). Si Hesus gayon ay lumingon paharap sa marami at sinabi sa kanila kung anong dapat nilang gawin upang maligtas, “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot.” Ang “makipot na pintuan” ay si Kristo Mismo. Ang salitang “magpilit” ay mula sa pangmaramihang anyong salita ng Griyegong salitang “agonizōmai.” Ipinahiwatig ni Danker Bauer (isinalin mula kay Danker Bauer, A Greek-English Lexicon of the New Testament and Other Early Christian Literature, University of Chicago Press, 2000, p. 17) na ang salita ay orihinal na may kinalaman sa pagpupunyagi sa isang atletikong paligsahan, ngunit mayamaya, sa panahon ng Bagong Tipan, ay naging salitang ginamit upang ilarawan ang pakikipaglaban at pagpupunyagi. Ito’y ginamit sa ganoong pagka-unawa ng Apostol Pablo noong sinabi niyang “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya” (II Kay Timoteo 4:7).
Kaya ang salitang “agonizōmai” ay tumutukoy sa pagkikipaglaban at pagpupunyagi – at, sa ating teksto, ay tumutukoy sa pagkikipaglaban at pagpupunyagi upang makapasok kay Kristo, ang “pintuang makipot.” Sinabi ni Dr. Lenski, “Mayroon tayong malakas na pandiwa ‘magpunyagi’ [agonizesthe] na mula rito ay kailangan pa rin nating ‘maghirap’…Dapat tayong magsikap nang sukdulan upang makapasok…Ito ang kabaligtaran ng pagwawalang bahala, pagiging…pabaya, o pamumuhay ng huwad na kasiguruhan” (Isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of St. Luke’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1961 inilimbag muli, p. 747; sulat sa Lucas 13:23). Isinalin ni Dr. Lenski ang ating teksto bilang, “Ang Pagpupunyagi patungo sa pagpasok sa pintuang makipot” (Isinalin mula sa ibid., p. 746).
Kapag ito’y huli na, sila’y gumigising at “mangagsisikap” makapasok at hindi “magtatagumpay”…dahil ang pintuan ay nakasara. Kaya mayroon tayong mga hinaharap na mga pampanahunang “ay mangangasisikap,” “ay hindi magtatagumpay.” Parehong nagtuturo sa panahon na ang pintuan ay magsasara…Ang Pagsisisi…ay gayon magiging imposible (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., ibid., p. 748).
Mayroong isang lumang himno na nagsasabi ng lahat nito,
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y maging nawawala,
Kahit na iyong makuha ang buong mundo para sa sarili mo?
Kahit na ngayon maaring ang linyang iyong natawid,
Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
(“Nabilang Mo Na Ba Ang Halaga” Isinalin mula sa
“Have You Counted the Cost?” ni A. J. Hodge, 1923).
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Ipinakita ko sa inyo noong huling gabi ng Linggo kung laban sa ano ang dapat mong pagpunyagihan upang makapasok kay Kristo – dapat kang magpunyagi laban kay Satanas, dapat kang magpunyagi laban sa iyong sariling masamang likas na pagkatao – ang iyong pagkamataas at di-kagustuhang sumuko kay Kristo. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Walang tao ang kailan man naging isang Kristiyano na hindi tumitigil tignan ang kanyang sarili” (isinalin mula kay Iain H. Murray, Lloyd-Jones: Messenger of Grace, The Banner of Truth Trust, 2008, p. 212). Tinatanong kita, Nakita mo na ba kailan man ang iyong sarili bilang isang hinatulang makasalanan? Hinarap mo na ba kailan man ang tanong ng iyong rebelyon laban kay Kristo? Naamin mo na ba sa sarili mo na iniisip mo na mas alam mo ang tungkol rito kaysa sa Kanya? Naamin mo na ba sa sarili mo na ika’y isang rebelde laban sa Kanya, na Siya’y iyong iniwasan, hinadlangan ang Kanyang pag-ibig, at itinulak Siya papalayo ng lahat ng mga buwan at taong ito? Naamin mo na ba ang lahat ng iyan sa Kanya – at sa iyong sarili? Kung hindi, maaring hindi ka na kailan man makapasok sa Kanya, hindi ka na kailan man mapagbabagong loob, maaring hindi ka na kailan man makakilos lampas ng simpleng “nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Kay Timoteo 3:7).
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Tumayo at kantahin ang koro muli!
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y maging nawawala,
Kahit na iyong makuha ang buong mundo para sa sarili mo?
Kahit na ngayon maaring ang linyang iyong natawid,
Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Maaring magsi-upo.
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
I. Una, isipin kung anong mangyayari sa iyo kung hindi ka magpupunyaging pumasok.
“[Ang] Panginoong Jesus [ay ipapahayag] mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy, Na maghihiganti…sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus”
(II Mga Taga Tesalonica 1:7-8).
Ipinunto ni Dr. W. G. T. Shedd na,
Ang walang katapusang kaparusahan ay makatuwiran…dahil ito’y nasusuportahan sa pamamagitan ng makataong konsensya. Ang sariling konsensya ng makasalanan ay “sasaksi” at pagsasang-ayunan ang sinumpang sentensya “sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni Jesucristo” (Mga Taga Roma 2:16)… [Sinasabi] ng Westminster Larger Catechism 89 na “ang masama, sa pamamagitan ng malinaw na ebidensya at puno ng kombiksyon ng sarili nilang konsenya, ay makukuha ang makatuwirang sentensya ng kondemnasyong iginawad laban sa kanila” (isinalin mula sa W.G.T. Shedd, Ph.D., Dogmatic Theology, P and R Publishing, 2003 edition, p. 920).
Gaya ng paglagay nito ni Frederick W. Faber,
O nakatatakot na kaisipan! Isang gawain ng kasalanan
Sa loob nito’y naglalaman
Ang kapangyarihan ng walang katapusang poot ng Diyos,
At walang hangang mga sakit.
(Isinalin mula kay Frederick W. Faber, 1814-1863).
Kantahin ang koro muli!
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y maging nawawala,
Kahit na iyong makuha ang buong mundo para sa sarili mo?
Kahit na ngayon maaring ang linyang iyong natawid,
Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Maaring magsi-upo. Sinabi ni Dr. Shedd sa atin,
Ang kasalanan ay ang pagpatay sa sariling aksyon ng kagustuhan ng tao. Ang tao ay hindi pinipilit na patayin ang kanyang sarili; ngunit kung gawin nga ito, hindi niya kayang buhayin muli ang kanyang sarili. At ang isang tao ay hindi pinuwersahang magkasala, ngunit kung gawin niya ito, hindi niya kaya sa sarili niyang bumalik kung nasaan siya bago siya nagkakasala. Hindi siya makabalik sa pagka-inosente. [Siya’y nagiging isang alipin ng kasalanan]. “Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan,” ang sabi ni Kristo (Juan 8:34); (isinalin mula kay Shedd, ibid., pp. 923-924).
Muli sinabi sa atin ni Dr. Shedd,
…na ang walang katapusang kaparusahan ay makatwiran ay napatunayan ng kagustuhan ng masasama sa sarili nila. Ang di-pagsusuko, pagkarebelde, mapanlaban at ayaw magsising espiritu ay mas pinipili ang impiyerno kaysa langit. Tamang tamang inirepresenta ni Milton si Satanas sa pagsasabing… “Mas mabuti nang maghari sa impiyerno kaysa maglingkod sa langit” …Ang masama ay di mas magiging mas masaya sa langit kaysa sa impiyerno…Ang masamang tao ay mas pinipili ang…kalayaan sa kasalanan…kaysa sa kadalisayan ng kapisanan ng Kristiyano (isinalin mula kay Shedd, ibid., p. 926).
“At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa” (Juan 3:19-20).
Kantahin ito muli!
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y maging nawawala,
Kahit na iyong makuha ang buong mundo para sa sarili mo?
Kahit na ngayon maaring ang linyang iyong natawid,
Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Maari nang magsi-upo. Sinabi ni Hesus,
“Ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 25:30).
“Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel” (Mateo 25:41).
Sinasabi ng Bibliya,
“Sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya… at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan” (Apocalipsis 21:8).
Mag-isip, mag-isip! Isipin kung anong mangyayari sa iyo kung hindi mo susundin ang utos ni Kristo!
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Kantahin ito!
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y maging nawawala,
Kahit na iyong makuha ang buong mundo para sa sarili mo?
Kahit na ngayon maaring ang linyang iyong natawid,
Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Ang lalake ay patay na ng pitong mga araw bago nila nahanap ang kanyang katawan. Sinabi ko, “Isara ninyo ang ataul – nabubulok na siya!” Ngunit nanaig ang pamilya. Kinailangan naming daanan ang kabaung at tumungin sa kanyang nabulok na mukha. Ang kanyang mga ngipin na nakausli mula sa kanyang nabulok na mga labi. Isipin ito! Ang iyong mukha ay balang araw mabubulok tulad niyan! Ngunit ang iyong kaluluwa ay lulubog sa walang hangang apoy!
“Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?” (Isaias 33:14).
O Diyos! “Sino sa amin ngayong gabi ang tatahan sa walang hangang ningas?”
Kantahin ito muli!
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y maging nawawala,
Kahit na iyong makuha ang buong mundo para sa sarili mo?
Kahit na ngayon maaring ang linyang iyong natawid,
Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Ah, kaluluwa hindi ka ba tatakas mula sa mga kasindakang ito? Hindi na walang pagpipilit pumasok – hindi na walang pagpupunyagi, walang pakikipaglaban, ng lahat ng iyong lakas at puwersa upang makapasok kay Kristo!
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
II. Pangalawa, paano ka dapat magpunyaging makapasok.
Ang tao sa kanyang natural na kalagayan ay dapat magpunyagi upang mahatulan ng kasalanan, upang maramdaman ang kanyang makasalanang kalagayan – upang malaman ang kanyang pangangailangan ng kaligtasan! Ngunit paano maihahanda ng isang natural na tao ang kanyang sarili? Nagbigay si Dr. Shedd ng tatlong mga “tungkulin” na dapat niyang gawin – nang may kasigasigan, ng may pagpupunyagi, ng may kasidhian:
1. Pagbabasa at pakikinig ng Salita ng Diyos. “Ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita [ng Diyos]” (Mga Taga Roma 10:17) – KJV. Sinabi ng Westminister Larger Catechism, “Ang Espiritu ng Diyos ang gumagawa ng pagbabasa, ngunit lalo na ang pangangaral ng salita, isang epektwal na paraan ng pagpapaliwanag, pangungumbinsi, at pagpapakumbaba ng mga makasalanan, ng pagtulak sa kanila palabas ng kanilang mga sarili at pagdadala sa kanila kay Kristo.”
2. Seryosong aplikasyon ng isipan at eksaminasyon ng katotohanan upang maintindihan at maramdaman ang puwersa nito. “Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig: sapagka't sino mang mayroon ay bibigyan” (Lucas 8:18). Sinabi ni John Owen, “Kung ang tao ay kasing kasigasig sa mga espiritwal na mga bagay na tulad nila sa mga bagay [ng sekular na buhay] ito’y magiging mas higit na iba sa kanila.” Ang gamit ng mga paraan ng kombiksyon na ito ay nauuwing magbunga ng isang kamalayan ng mga pangangailangan ng batas at ang pagkabigong masunod ang mga ito, at upang magdala ng mga nawawalang kaluluwa sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan.
3. Panalangin para sa gawain ng Banal na Espiritu sa kombiksyon ng kasalanan. “Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13). Manalangin upang ang Espiritu ng Diyos ay mahatulan ka ng iyong kasalanan – at ang iyong pangangailangan kay Kristo’y magligtas sa iyo. (Isinaling pinaikli mula kay Shedd, ibid., pahina 774).
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Kantahin ito muli ng isa pang beses.
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y maging nawawala,
Kahit na iyong makuha ang buong mundo para sa sarili mo?
Kahit na ngayon maaring ang linyang iyong natawid,
Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Panalangin ko na ika’y mahatulan ng iyong kasalanan, at na ika’y dalhin ng Diyos kay Hesus, “Ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 13:22-28.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Di-Mapapatawad na Kasalanan” Isinalin mula sa
“The Unpardonable Sin” (may-akda di kilala; sa tono ng
“O Set Ye Open Unto Me”).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGBIBILANG NG HALAGA – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24). (Lucas 13:23; II Kay Timoteo 4:7; 3:7) I. Una, isipin kung anong mangyayari sa iyo kung hindi ka II. Pangalawa, paano ka dapat magpunyaging makapasok., |