Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG BENEPISYO NG PAGPIPILIT THE BENEFIT OF STRIVING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24). |
Alam lahat ng mga Kristiyano na mayroong seryosong pagbagsak sa mga simbahan sa Europa at Amerika. Ang popular na solusyon ay ang maging “progresibo” – upang “baguhin” ang kantang paglilingkod, upang magpasok ng mga bagong pagsasalin ng Bibliya, upang alisin ng pastor ang kanyang kurbata, at hayaan ang mga taong magpunta sa simbahan na para bang sila’y pupunta sa isang salu-salo sa tabing-dagat. Lahat ng ito’y ginagawa dahil akala nila na ang “modernong” tao sa ika-dalawampu’t isang siglo ay nagbago na, at na dapat tayong maging “progresibo” upang maakit siya at gawin siyang isang Kristiyano.
Ngayon, siyempre, ang ganoong uri ng pagdadahilan ay walang katotohanan. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones na ito’y isang seryosong pagkakamali dahil,
Ang tao ay hindi nagbago sa kahit anong paraan. Ang lahat ng pagbabago na pinagmamalaking lubos ng mga tao ay panlabas. Hindi sila mga pagbabago sa tao mismo, ngunit simpleng sa kanyang istolo ng gawain, ang kanyang paligid… Ang tao bilang tao ay hindi nagbago sa kahit anong paraan. Siya pa rin ay nananatiling tulad ng mapagsalungat na tao simula noong Pagbagsak (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Truth Unchanged Unchanging, James Clark Publishers, 1951, pp. 110, 112).
Kaya, kapag tayo’y pumupunta sa tekstong ito, Lucas 13:24, huwag nating isipin na ang mga taong ito ay iba sa atin. Ang panlabas nilang kalagayan ay iba, ngunit sila mismo ay tulad natin – ang “tulad ng mapagsalungat na tao [na ang mga tao’y palagi namang ganoon] simula ng Pagbagsak,” gaya ng paglagay nito ni Dr. Lloyd-Jones. At tulad ng ilan sa inyo ngayong gabi, nakarinig sila ng mga maraming dakilang mga Ebanghelyong sermon. Gaya ng ipinunto ko nitong huling gabing Sabado, nakarinig sila ng pangangaral sa maraming mga okasyon mula sa parehong si Juan Bautista at si Kristo Mismo. Makatotohanan nilang masasabi kay Kristo, “nagturo ka sa aming mga lansangan” (Lucas 13:26). At gayon naroon sila, hindi pa rin naligtas pagkatapos ng lahat ng mga dakilang sermon na iyon. Sa wakas, kaligtasan ang pinag-uusapan ni Kristong patungkol! Tinanong Siya ng isang tao, “kakaunti baga ang mangaliligtas?” Tumalikod Siya mula sa taong ito at sinabi sa buong madla,
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Kaya, dahil ang katauhan ng tao ay hindi kailan man nagbago, at ang Ebanghelyo ay hindi kailan man nagbago, at si Kristo Mismo ay hindi kailan man nagbago – na ang mga salitang ito ay nakatutok doon sa inyong mga narito ngayong gabi na nakarinig na ng Ebanghelyong ipinangaral muli’t muli na hindi naliligtas. Huwag magkakamali tungkol rito. Sa pamamagitan nitong berso ng Kasulatan, si Kristo ay nagsasalita sa iyo!
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Ang tekstong iyan ay nagdadala sa aking tanungin ka ng isang napaka mahalagang tanong – ikaw ba’y nagpipilit pa rin o sumuko ka na? Ikaw ba’y lumalaban pa ring makapasok kay Kristo, o nagpapadaan lang ng oras, umuupo sa simbahan, na walang pag-iisip na ika’y kailan man maliligtas? Tiyak akong umaasa na iyan ay hindi totoo! Umaasa ako’t nananalangin na iyong susundin ang utos ni Kristo,
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
(Lucas 13:24).
Ang Griyegong salitang isinaling “magpilit” ay “agonizesthe.” Ibig sabihin nito’y “masugid na pagpupunyagi,” “paglalaban” pati. Maari nating ilagay itong, “Masugid na pagpupunyari, pati paglalaban, upang makapasok” kay Kristo, sinong Siya Mismo ay ang “pintuang makipot.” Ibig sabihin nito’y gumawa ng pagsisikap na pumasok sa Kanya, upang magpunyaging pumasok kay Kristo.
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
(Lucas 13:24).
Pakikitunguhan ko ito sa tatlong paraan: una, laban sa ano ang dapat mong pagpunyagihan; pangalawa, bakit maari mong isuko ang pagpupunyagi; at pangatlo, paano ka inihahanda ng pagpupunyagi upang pumasok kay Kristo.
I. Una, laban sa ano ang dapat mong pagpunyagihan.
Mayroong isang negatibong aspeto sa pagpupunyaging ito. Malinaw na walang pangangailangang “magpilit” kung walang sumasalungat sa pagpipilit! Walang pangangailangang lumaban o magpunyagi kung hindi ka magpupunyagi at lalaban laban sa isang bagay!
Ito’y hindi isang karaniwang pagpupunyagi. Ito’y isang di nakikitang pakikipaglaban, isang pagpupunyaging nangyayari sa pinaka ilalim ng iyong isipan at puso. Malayong napaka liit ng pagdidiin ang nailagay sa aspetong ito ng pagbabagong loob sa makabagong pangangaral. Ito’y isang panloob na pagpupunyagi.
Ito’y isang pagpupunyagi laban kay Satanas mismo. Nalimutan mo na ba si Satanas? Iniisip mo ba na siya’y tatayong nananahimik at pababayaan kang pumasok kay Kristo na hindi lumalaban? Si Spurgeon ay nangaral ng dalawang sermon sa Lucas 9:42,
“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam” (Lucas 9:42).
Walang nagbago. Gaya ng sinabi ko, kanina, hindi ka naiiba mula sa mga tao sa panahon ng Bibliya. Ibinuwal ng Demonio ang batang lalakeng ito at ipinapangatal siya, upang pigilan siyang lumapit kay Hesus. Sinabi ni Spurgeon,
Bakit ibinubuwal [ng demonio] ang lumalapit na kaluluwa at pinapangatal ito?...dahil ayaw niya itong mawala…ang kanyang desenyo ay ang ibuwal ka…upang pigilan ka mula sa paglapit kay Kristo, bitagin ka sa kanyang lambat, kung saan maari ka niyang lubusang masira (isinalin ni C.H. Spurgeon, “The Comer’s Conflict With Satan,” The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 inilimbag muli, volume II, p. 373).
Si Satanas ay isang matinding kalaban ng iyong kaluluwa. Siya ay
“…[ang] espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2).
Siya ang
“…[bumulag] ng […] mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya” (II Mga Taga Corinto 4:4).
Ito’y,
“…ang diablo, [na nag-aalis ng] salita sa [inyong mga] puso, upang huwag [kayong mananampalataya] at mangaligtas”
(Lucas 8:12).
Kaya, sasabihin ko sa inyo ngayong gabi, “magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot,” dahil gagawin ng Diablo ang lahat ng kanyang makakaya upang pigilan ka mula sa paglapit kay Kristo! Sasabihin niya sa ilan sa inyo na ito’y huli na – na hindi pa ito huli para sa iyo. Sasabihin niya sa ilan sa inyo ito’y di totoo – na walang ganoong bagay na tulad ng tunay ng pagbabagong loob. Ilalagay niya ang lahat ng uri ng mga tanong at pagdududa sa iyong puso upang pigilin ka mula kay Kristo. Sinabi ni Spurgeon, “Maraming beses kapag ang isang kaluluwa ay lumalapit kay Kristo, si Satanas ay marahas na magsisingit ng mga sukab ng mga kaisipan…naghihirap siyang tumurok ng mga kalapastangan sa Diyos na mga kaisipan at tapos ay sasabihan tayong atin ang mga ito” (isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 372).
Si Spurgeon ay dalawampu’t dalawang taon gulang lamang noong ipinangaral niya ang sermong ito, “Ang Gusot ng Lumalapit Kay Satanas” [“The Comer’s Conflict With Satan”]. Malinaw niyang natatandaan kung paano pinuno ni Satanas ang kanyang isipan ng mga masasamang kaisipan bago siya napagbagong loob. Pitong taon ng mas maaga, sa edad na labin lima, sinabi niya, “…bigla na lang mukha bang parang ang mga pintuang pantigil ng tubig ng impiyerno ay napakawalan…sampung libong mga masasmang espiritu ay mukhang nagkakarnibal sa loob ng aking utak…Mga bagay na di ko kailan man narinig o naisip noon ay nagmamadaling pumasok ng marahas sa aking isipan, at mahirap kong matiis ang kanilang impluwensiya…Ngunit kung kinakatakot mong ang mga kaisipang ito’y sarili mo, maari mong sabihing, ‘Ako’y magpupunta kay Kristo, at kahit na ang mga kalapastangan sa Diyos na mga ito’y akin…alam ko na lahat ng uri ng kasalanan at kalapastangan sa Diyos ay mapapatawad [sa pamamagitan Niya]’” (isinalin mula kay Spurgeon, ibid., pp. 372-373). Ika’y dapat lumaban laban sa mga Satanikong kaisipan upang makapasok kay Kristo!
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
(Lucas 13:24).
Ngunit mayroong isa pang kalaban na lalalabanan. Ika’y dapat lumaban laban sa kapootan ng iyong sariling mahalay na isipan,
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7).
Hanggang sa maumpisahan mong matanto na, dahil sa Pagbagsak, ang iyong buong pagkakaugnay sa Diyos ay mali, iyong maiintindihan na ang pinakamatindi mong kalaban ay iyong sarili. Ang sarili mong puso ay mali. Ang kasalanan ay hindi “unang-una isang bagay ng mga paggawa,” sinabi ni Iain H. Murray, “Ang pagkamakasalanan ay malubhang problema kaysa sa mga kasalanan. ‘Ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios’…Hanggang sa ang isang tao mapunta sa pagkaalm ng katotohanan tungkol sa sarili niya hindi niya kailan man malalapitan ang ebanghelyo sa tamang espiritu. Na walang sariling kaalaman maari siyang mag-imbestiga, makipagtalakay at magdahilan ngunit hindi ito makabubuti sa kanya sa anomang paraan” (isinalin mula kay Iain H. Murray, Lloyd-Jones: Messenger of Grace, The Banner of Truth Trust, 2008, p. 74).
Ika’y babaluktot at iikot, “Na may anyo ng kabanalan” (II Ni Timoteo 3:5) hangang sa iyong matanto na ang iyong sariling puso ay makasalanan sa pinaka-ilaliman. Ang lahat ng iyong magagawa ay magtanong, tulad ni Nicodemo. Sinabi ni Hesus, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Ang lahat na masabi ni Nicodemo ay, “Paanong pangyayari ng mga bagay na ito?” (Juan 3:9). “Paano ako maipapanganak muli?” “Paano ako makalalapit kay Kristo?” – lahat ng mga tanong na tulad niyan ay nagpapakita na iyo paring pinagkakatiwalaan ang sarili mong karunungan ng pagdadahilan. “Kaya kong idahilan ito. Kung mayroon laman akong kaunting impormasyon maiintindihan ko kung paano pumunta sa Kanya.” Ang isang tao ay maaring magpatuloy na tulad niyan ng maraming mga taon, bumabaluktot at umiikot, na hindi kailan man napagbabagong loob. Gaya ng sinabi ni Iain Murray, “maari siyang magimbestiga, magdiskusyon at magdahilan ngunit hindi ito makabubuti sa kanya sa ano mang paraan.” Imbes na magdiskusyon at magdahilan, dapat
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
(Lucas 13:24).
Makipaglaban laban sa sarili mong pagmamataas, ang iyong sariling desperadong di-pagkagustong sumuko kay Kristo. Makipaglaban na makita mo ang iyong sarili na bilang isang nahatulang makasalanan, na ang kanyang puso ay di-gustong magtiwala kay Kristo, na ang kanyang pagmamataas ay nahahanap na maintindihan kung hindi maintindihan ng isang makasalanang tao, na ang kanyang buong paraan lamang ay upang “matuto pa ng higit” – kaysa upang makita ang kanyang sarili para sa kung ano siya – isang kalaban ng Diyos. Hinarap mo na ba kailan man ang tanong ng iyong ugali tungo kay Kristo? Naamin mo na ba sa sarili mo na ika’y isang rebelde laban sa Kanya? Naamin mo na ba sa sarili mo na nadarama mong mas marami kang alam tungkol rito kaysa sa Kanya? Kung hindi, hindi mo kailan man mararanasan ang tunay na pagbabagong loob. “Magpilit kayong magsipasok.” Makipaglaban laban sa sarili mong isipan at puso, hangang sa matapat at makatotohanan mong masabi, sa mga salita ng lumang himnong,
Isinusuko ko ang sarili ko, at ano mang alam ko,
Ngayon hugasan ako, at ako’y maging mas maputi kaysa sa niyebe.
(“Mas Maputi Kaysa Niyebe,” isinalin mula sa “Whiter Than Snow”
ni James Nicholson, 1828-1896).
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
(Lucas 13:24).
II. Pangalawa, bakit maari mong isuko ang pagkikipaglaban.
Alam kong makukudkod ko ang mga tainga ng ilan, ngunit ang simpleng katotohanan ay naroon pa rin sa mga pahina ng Kasulatan. Maari mong isuko ang pagkikipaglaban upang pumasok kay Kristo dahil hindi ka “[hinirang] ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama” (I Peter 1:2). Sinong mangangahas na magsabi na ang paghihirang ay hindi itinuro sa Kasulatan? Naiintindihan man natin ito o hindi, ayun ito, sa mga pahina ng Bibliya, tumititig sa iyong mukha, “datapuwa't ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas” (Mga Taga Roma 11:7).
Kung ito’y totoo na ika’y hindi “[hinirang] ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama” gayon, siyempre, ika’y hindi “[magpipilit] […] magsipasok sa pintuang makipot.” Kung iyan ang iyong kalagayan, ika’y uupo at maririnig ang sermon kada sermon na walang kalaliman ng isip, na walang pag-aalala sa iyong kaluluwa, na walang mga kaisipan ng kawalang hangan, na walang paghihirap ng puso, hangang sa “makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto” (Lucas 13:25).
“At inilapat ang pintuan.. Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala” (Mateo 25:10-12).
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24),
bago pa magsara ang pintuan, at ika’y matatadhana sa “dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan” (Apocalipsis 21:8). Lumabang “[makapasok]” ngayon na, bago pa ito maging huli!
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
(Lucas 13:24).
III. Pangatlo, paano ka hinahanda ng pakikipaglabang pumasok kay Kristo.
Upang pakahulugan sa ibang pangungusap ang Puritanong si Thomas Hooker, “Kung magpapatuloy kang magpipilit ika’y maliligtas.” Sinabi ni Hesus, “ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas” (Mateo 11:12). “Ang disididong marahas lamang ang magdidiin nito” (isinalin mula sa The Scofield Study Bible; sulat sa Mateo 11:12). Gaya ng paglagay nito ni Thomas Hooker, “Kung magpapatuloy kang magpipilit ika’y maliligtas.” Sa kabilang dako, kung hindi ka magpapatuloy magpilit, ika’y hindi maliligtas!
Sinabi Dr. John S. Waldrip ang isang bagay sa akin nitong huling linggo na hindi ko pa naisip kailan man noon. Sinabi niya, “Ang iyong pagpipilit ay dapat mabigo! Ang benepisyo ay nasa pagkabigo.” Anong ibig niyang sabihin? Ito’y isang malalim na punto, at mahusay na nararapat na pag-isipan ng mga araw! “Ang benepisyo ay nasa pagkabigo.” Kita mo, kapag magpipilit ka ng iyong buong puso’t kaluluwa – at mabigo – maari ka nitong dalhin, sa wakas, sa katapusan ng iyong sarili. Maari mo gayong sabihin kasama ni Jonas,
“Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon” (Jonas 2:7).
Kapag ang iyong kaluluwa ay mangalupaypay sa ilalim ng mabigat na paggawa ng pagpipilit maari mong matagpuan na si Hesus ay tama sa buong panahon, noong sinabi Niyang yoong nakamamanghang mga salita na iyong di-pinansin ng napaka tagal,
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin”
(Mateo 11:28).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Panalangin Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Di-Mapapatawad na Kasalanan” Isinalin mula
sa “The Unpardonable Sin” (may-akda, di kilala;
kinanta sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).
ANG BALANGKAS NG ANG BENEPISYO NG PAGPIPILIT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24). (Lucas 13:26) I. Una, laban sa ano ang dapat mong pagpunyagihan, Lucas 9:42; II. Pangalawa, bakit maari mong isuko ang pagkikipaglaban, III. Pangatlo, paano ka hinahanda ng pakikipaglabang pumasok kay Kristo, |