Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANONG GAGAWIN MO KAPAG ANG PINTUAN AY MAGSARA?

WHAT WILL YOU DO WHEN THE DOOR IS SHUT?

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
ng Araw ng Panginoon, Gabi ng Ika-16 ng Mayo taon 2010

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya’y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo’y taga saan” (Lucas 13:24-25).


Ang teksto ko ngayong gabi ay napaka seryoso. Sinabihan ni Hesus ang mga taong nagpulong sa paligid Niya nitong mga pinaka salitang ito. Maari nating tawagin ang mga itong mga “nakatatakot na mga salita.”

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Sinabihan Niya silang “magpilit […] pumasok sa pintuang makipot.” Ang makipot na pintuan ay si Hesus Mismo. Sinabi Niya, sa Mateo 7:13-14,

“Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13-14).

Sa Juan 10 ginamit ni Hesus ang anyo ng “isang pintuan” sa lugar ng “isang [tarangkahan- KJV].” Pareho ay tumutukoy sa Kanya. Sa Juan 10:9, sinabi Niya,

“Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas …” (Juan 10:9).

Kaya, sa ating teksto, sinabi ni Hesus, “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot” – magpilit na pumasok sa Kanya – “ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas” (Juan 10:9). Ngunit sinabi ni Hesus dapat kang “magpilit […] pumasok” sa Kanya, o ika’y hindi maliligtas. Ang saktong Griyegong salitang isinaling “magpilit” ay “agonizesthe.” Ito’y isang salitang madalas gamitin ng mga Griyego sa mga pakikibakang pangmilitar, at sa mga atletikong pakikibaglaban. Ibig-sabihin nito’y seryosong pagpupunyagi, kahit “makipaglaban.” Maari nating ilagay itong, “Seryosong magpunyagi, kahit makipaglaban, upang makapasok” kay Kristo, “kamkamin” ang pagkakataon upang pumasok kay Kristo! Gawin ang lahat ng pagsisikap na makapasok! Sinabi ng Puritanong si John Trapp, “Magpilit pati sa [punto ng] matinding paghihirap…gaya ng ginawa nila para sa koronang bulaklak sa palaro sa Olimpiks [noong mga panahon ng mga Romano]…ngunit huwag hayaang ang kahit sinong mag-isip na [maari siyang] sumayaw kasama ng diablo ng buong araw at pagkatapos ay maghapunan kasama ni Kristo sa gabi – [o magpunta] sa langit sa isang kamang gawa sa balahibo” (isinalin mula kay John Trapp, Commentary on the Old and New Testaments, Transki Publications, 1997 inilimbag muli, volume 5, p. 326; kumento sa Lucas 13:24). Sinabi ni Mathew Henry itong mas matindi,

Ang lahat ng maliligtas ay dapat pumasok sa makipot na pintuan, ay dapat pagdaanan ang isang pagbabago ng buong pagkatao, gaya ng katumbas na di kukulang kay sa pagiging naipanganak muli…yoong mga papasok sa makipot na pintuan ay dapat magpilit […] pumasok. Isang mahirap na bagay ang makapunta sa langit, at…hindi makukuha ng walang isang matinding parte ng alaga at mga sakit, ng kahirapan at sikap. Dapat tayong magsikap sa Diyos sa panalangin, makipagbuno gaya ni Jacob, magpilit laban sa kasalanan at kay Satanas. Dapat tayong…magsikap gamit ng sariling nating mga puso. Agonizesthe – “Maging nasa matinding paghihirap; magsikap gaya noong mga tumatakbo para sa isang premyo; pukawin at ipag-sikap ang ating sarili sa kasukdulan” (isinalin mula kay Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson Publishers, 1996 inilimbag muli, volume 5, p. 586; sulat sa Lucas 13:24).

Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya’y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo’y taga saan”
     (Lucas 13:24-25).

.

A, napaka rami ang “mangagsisikap” lamang makapasok. “Mangagsisikap” ay isang mas mahinang salita kay sa “magpilit.” Ang Griyegong salita ay “zeteō.” Ibig sabihin nito’y “upang matutong padalo-dalos, o mag-usisa,” upang pag-eksperimentohin ito, upang matuto ng kaunti rito at kaunti doon, na walang kahit anong tunay na kasigasigan o pagpupunyagi upang aktwal na lumaban upang pumasok kay Kristo! A, anong malungkot na kapalaran ang naghihintay sa mga nag-eeksperimento, sa mga sa panlabas ay gumagawa ng kakaunti, na pinaglalaruan lamang ito, na ang gusto lamang ay matuto ng kaunti pa tungkol sa kaligtasan, ngunit walang pagnanasang ipaglaban ang kanilang daan papasok kay Kristo! Sila’y mandaraya, at nag-eeksperimento, at pinaglalaruan ang relihiyon – at “mangagsisikap na pumasok [lamang], at hindi mangyayari”! “Pinaglalaruan” lamang nila ang relihiyon!

Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya’y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo’y taga saan”
     (Lucas 13:24-25).

Si Dr. B. H. Carroll (1843-1914) ay ang presidente ng Southwestern Baptist Theological Seminary. Sinabi ni Dr. Carroll,

…magpilit na ngayong pumasok sa pintuang makipot, dahil marami ang mangagsisikap na pumasok doon mayamaya at hindi makakapasok kapag minsang ang panginoon ng tahanan ay ibinangon at ang pintuan ay magsara. Ang pag-iisip ay ito ngayon: na mayroong limitasyon ayon sa oras; na…mayroong oras na kapag ang isa ay maglalagay ng lahat ng pagpupunyagi sa mundo ito’y hindi lilikha ng kahit anomang pagbabago. Iyan ay tiyak na isang kaisipan ng ating Tagapagligtas rito. Ito’y ang idiniin ni Isaias:

“Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit” (Isaias 55:6).

…Ito ay ang [nangingibabaw] na kaisipan sa parabola ng sampung mga birhen. Ang limang hangal na mga birheng ito ay sumubok makapasok, sinubukang matindi upang makapasok, at kumatok at nagsabing, “Panginoon, Panginoon, buksan mo kami” [Mateo 25:11]…Ang [kanilang] kawalan ng abilidad ay nakabatay sa pagpupunyagi pagkatapos na huli na upang magpunyagi, noong walang kabutihan ang magagawa sa pamamagitan nito, noong ang pintuan ay naisara, noong ang pagkakataon ay wala na. Tapos sila’y gigising; sila’y napukaw, at na may mga matang bukas na bukas [ay makakita] ng isang kakilakilabot na tanaw, ang walang hangang kahalagahan ng tanong, ang pagkadamang ang panlabas ay kadiliman at kamatayan at pagpapalayas, at na sa loob ay buhay at kaluwalhatian. Natatantong sa wakas ang matinding kahalagahan ng personal na kaligtasan kanila gayon siyang ipinangangagsikap, kanila gayon itong sinusubukan, sila nga’y nangagpipilit, sila nga’y kumakatok at nagdarasl, ngunit sa walang kabuluhan. “Huli na; huli na; hindi ka na makapapasok ngayon” … Anong ibig sabihin ng kawalan ng abilidad ng tao upang pumasok [kay] Kristo? Na… ating madaling maintindihan. Binibigyan tayo ng Diyos rito sa lupa ng isang pagkakataon; [ang kahabaan] ng pagkakataong iyan ay kanyang sinusukat mismo. Hindi natin ito masusukat ng sarili natin. Sinusukat ito ng Diyos mismo. Gaano [katagal ang panahon ng pagkakataon para sa] kahit sinong partikular na tao siya lamang ang naka-aalam. Maaring sa isang batang babaeng mag-aaral ay magbigay Siya ng isang sukat ng tatlong linggo. Maaring sa isang masamang tao ay magbigay Siya ng anim-na-pung taon. Hindi ko alam. Ito’y lubusang, ganap, na [nalalaman ng Diyos lamang]. Narito ay isang banal na dakilang kapangyarihan. Ganito kahigit ang ating nalalaman: mayroong isang panahon kung saan si Kristo ay maaring mahanap, at mayroong isang panahon kung saan siya’y hindi mahahanap. Dahil diyan sasabihin ko, “Ipilit ang iyong sarili, hanapin ang Panginoon habang siya’y mahahanap pa…” Ang mga pasahe na aking isinipi ay nagpapakita na ang mga taong ito ay sumusubok na pumasok [kay] Kristo, ngunit si Kristo ay naka-urong na. Isang bagay ang nagsasara sa pintuan, alam natin, at sinasara itong magpakailan man. Kung mahanap tayo ng kamatayang nasa labas ni Kristo wala kailan mang magiging isa pang pagkakataon [para] sa atin…alam natin na ang pintuan ay nakasara na. [Ngunit] ang ating Tagapagligtas ay nagsasabi ng isang kalagayan kapag ito’y magsasara bago pa man ng oras [ng kamatayan]. Sinasabi niya na kung ang isa ay lumapastangan laban sa Banal na Espiritu siya’y nagkamit ng walang hangang kasalanan na walang kailan mang kapatawaran, sa buhay mang ito o sa buhay na darating, na ang ibig sabihin ay habang ang tao ay buhay pa, bago pa [na ang kanilang mga katawan ay mamatay] maaring naisara na sa kanila ang pintuan, at ang pagsasarang iyan ay sa walang hangan, at kahit na sila’y mabuhay ng napaka tagal pagkatapos ng panahong iyon, ang pintuan ay nakasara pa rin at magpakailan mang nakasara laban sa kanila. Gumigising ng maaga, umuupong gising hangang gabihin, kumakatok ng sa araw at sa gabi, lumuluha tulad ng pagluha ni Esau, sila gayon ay hindi makahahanap ng lugar ng kapatawaran (isinalin mula sa B. H. Carroll, D.D., The Four Gospels, Baker Book House, 1976 inilimbag, volume I, pp. 131-135; sulat sa Lucas 13:24-25).

O, napakadalas na ang Bibliya ay nagbibigay ng mga paglalarawan ng mga taong nag-antay ng masyadong matagal – at isinara ng Diyos ang pintuan – at sila’y di kailan man naligtas. Kahit na nabuhay sila ng matagal pagkatapos silang isinuko ng Diyos. Sa Bibliya nakababasa tayo ng kaso pagkatapos ng isang kaso. Makabibigay lamang ako ng ilan sa mga ito ngayong gabi.

Si Kain ay naiingit sa kanyang kapatid na si Abel, dahil tinanggap ng Diyos ang dugong alay ni Abel, ngunit tinanggihan ang mga gulay ni Kain. Si Kain ay nagalit. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin?” (Genesis 4:7). Ngunit tumanggi si Kaing magsisi at lumapit sa Diyos sa dugo. Naubos ang oras para kay Kain. Sa isang araw, at sa isang oras, isinuko ng Diyos si Kain. Ang isipan Niya’y lumagot, at pinatay niya si Abel. Si Kain ay nagpatuloy na nabuhay sa loob ng maraming taon, ngunit huli ng lubos para sa kanyang maligtas. Sumuko ang Diyos sa kanya! Nakamit niya ang di-mapapatawad na kasalanan!

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Sa mga araw ni Noe, sinabi ng Diyos,

“Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw” (Genesis 6:3).

Ang mga araw ay dumaan. Ang mga pahina ng kalendaryo’y napunit na’t naitapon. Ang mga dekada’y dumaan – ngunit ang mga tao’y di nagsisi at di hinanap ang Panginoon. Ang mga taon ay lumipad. Sa wakas, ang huling araw ng huling taon, ng 120 mga taon ay dumating. Si Noe ay nagpangaral ng mahaba at malakas sa kanila tungkol sa darating na paghahatol – ngunit sila’y nagpatuloy sa kanilang mga buhay, na para bang walang panganib, “nagsisikain at nagsisiinom,” na walang takot, “hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong” (Mateo 24:38). Tandaan ang mga salitang iyon! – “hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong”! Sa araw na iyon, na “kinulong siya ng Panginoon” (Genesis 7:16). Pagkatapos, sa araw na iyon, sila’y nagising at sinubukang pumasok – ngunit huli nang lubos! Sumuko na ang Diyos sa kanila. Kanilang nakamit ang di-mapapatawad na kasalanan! Sila’y nagpatuloy mabuhay sa loob ng pitong araw bago dumating ang Baha (Genesis 7:10), ngunit huli na para sa kanilang pumasok sa Daong – huli ng lubos para sa kanilang maligtas! Nakikita ko sila sa aking isipang, kinakalmot, at kinukuskos at humihiyaw para papasukin sila ng Diyos – ngunit huli ng lubos! Bawat isa sa kanila’y nalunod sa Baha. Dinala ng Diyos “ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5). Huli na! Huli na! Sila’y mandaraya, at mag-eeksperimento, at paglalaruan ang relihiyon – hangang sa “[tumayo] ang puno ng sangbahayan, at…mailapat ang pinto” (Lucas 13:25).

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya’y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo’y taga saan”
     (Lucas 13:24-25).

Si Esau para “sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay” sa kanyang kapatid (Hebreo 12:16). Sinabi niya, “Saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?” (Genesis 25:32). “At siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay” (Genesis 25:34). Ang mga taon ay dumaan ng mabilis. Sa wakas nakita ni Esau na ang kanyang pagkapanganay ay mahalaga sa wakas. Ngunit huli na ngayon. Kanyang nakamit na ang di-mapapatawad na kasalanan apat-na-pung taon ng mas maaga! Ngayon siya’y humiyaw at umiyak – ngunit ito’y huli na!

“Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha” (Hebreo 12:17).

Iyo’y ngayon huli na para kay Esau – magpakailan man! At sinabi ng Diyos,

“Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan”
       (Mga Taga Roma 9:13).

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya’y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo’y taga saan”
     (Lucas 13:24-25).

Hindi ko matandaan kung saan ko nabasa ang kwentong ito. Ito’y isa sa mga aklat ni Dr. John R. Rice. Isinulat ko ito, ngunit hindi ko matandaan kung saan ko ito nabasa. Ibibigay ko ito sa inyo gaya ng pagkasulat ko nito ilang taon ang nakalipas.

Minsan ay nakwento si Dr. Rice ang tungkol sa isang lalakeng napunta upang pakingan siyang mangaral gabi pagkatapos ng isang gabi sa mga ebanghelistong pagpupulong. Ang lalake ay umupo sa likuran at tumawa at kinutyaan ang mga sermon. Pagkatapos ang ebanghelista’y nagpatuloy at ang mga pagpupulong ay natapos na. Ang mga taon ay dumaan ngunit ang lalakeng iyon ay di naligtas.

Isang gabi si Dr. Rice ay nakipag-usap sa kanyang kapatid sa telepono. Sinabi niya, “John natatandaan mo ba si Gg. (ganito)?” Sinabi niya, “Oo. Natatandaan kong siya’y nagpunta sa mga paglilingkod, ngunit di naligtas. Kanyang kinutya at biniro at pinagtawanan ang mga sermon.”

Tapos ay sinabi ng kapatid ni Dr. Rice kung anong nangyari sa lalakeng iyon. Nagkasakit siya sa tiyan at dinala nila siya sa doktor. Sinabi ng doktor, “Ito’y masyadong huli na. Wala na akong magagawa. Umuwi ka na at isulat ang iyong mga kagustuhan. Hindi ka na mabubuhay ng matagal.”

Ito’y mainit na tag-init sa Dallas. Ito’y bago pa sila nagkaroon ng airkon. Iniwanan nilang nakabukas ang mga bintana upang papasukin ang kaunting hangin. Ang lalakeng iyon ay nakahiga sa kanyang bahay namamatay sa loob ng mga linggo. Walang makapag papaluwag sa kanya. Tinawag nila ang Bautismong mangangaral, ngunit mukhang hindi niya magabayan ang lalake kay Kristo. Ang namamatay na lalake ay patuloy na nagsasabing huli na, na siya’y nag-antay ng masyadong matagal. Sinabi nilang maririnig mo siyang humihiyaw ng ilang mga bloke sa loob noong maiinit na mga gabi sa Dallas. Sinabi nilang maririnig mo siyang humihiyaw ng, “O Diyos, kailangan ko pa ng mas maraming oras! O Diyos, hindi pa ko handang mamatay! O, Diyos hindi pa ko handang mamatay! Hindi pa ko handang mamatay!” Ito’y huli na. Nakamit niya ang di-mapapatawad na kasalanan. Namatay siyang ganoon, humihiyaw, “O, Diyos, hindi pa ko handang mamatay!”

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya’y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo’y taga saan”
     (Lucas 13:24-25).

Huwag mag-antay! Huwag ng patagalin pa ang bagay! Si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang buong multa ng kasalanan. Lumapit sa Kanya at Kanyang lilinisan ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, at dadamitan ka ng Kanyang katuwiran. “Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit” (Isaias 55:6). “Magpilit kayong magsipasok” kay Kristo ngayon, habang Siya’y malapit – bago magsara sa iyo ang pintuan ng kaligtasan magpakailan man! Sinabi ni Dr. Rice,

Ika’y nag-antay at nagpatagal tinatanggihan pa rin ang Tagapaglitas,
   Lahat ng Kanyang mga babala napaka pasensya, lahat ng Kanyang pagmamakawa
      napaka buti;
Gayon iyong kinain ang prutas na ipinagbawal, pinaniwalaan mo ang pangako ni Satanas;
   Gayon ang iyong puso ay napatigas, pinadilim ng kasalanan ang iyong isipan.
Tapos ay napaka lungkot sa paghaharap ng paghahatol, iyong matatandaan na walang awa
   Na iyong pinanatili at pinatagal hanggang sa ang Espiritu’y wala na;
Anong pagsisisi at pagluluksa, kapag mahanap ka ng kamatayang walang pag-asa,
   Ika’y nagpanatili at nagpatagal at nag-antay ng masyadaong matagal.
(“Kung Patatagalin Mong Matagal Masyado.” Isinalin mula sa “If You Linger Too Long”
   ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 13:24-28.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Patatagalin Mong Matagal Masyado” Isinalin mula sa
“If You Linger Too Long” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).