Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PRUWEBA NG PAGKA-ANAK NI KRISTO!

THE PROOF OF CHRIST’S SONSHIP!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-16 ng Mayo taon 2010

“Ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 1:4).


Lubos kong hinahangaan si Dr. Wilbur M. Smith para sa kanyang napakalawak na kaalaman ng literatura ng Kristiyanismo, at para sa kanyang integridad sa pag-iwan sa Seminaryo ng Fuller taon 1963, habang ito’y lumayo mula sa pagkawalang-mali ng Bibliya at nagsimulang tangapin ang liberalismo (tignan ang Harold Lindsell, Ph.D., The Battle for the Bible, 1978 edition, pp. 110-112). Si Dr. Smith ay nagtanong ng isang matalim na tanong tungkol sa Mga Taga Roma 1:4, “Nagtataka ako kung bakit ang pinaka-dakila sa ating mga mangangaral ay di kailan man nangaral , o sa kaliitan di kailan man naglimbag ng isang sermon tungkol sa nakapaniniguradong-pananampalatayang tekstong ito?” (isinalin mula kay Wilbur M. Smith, D.D., Therefore, Stand, Keats Publishing, 1981 edition, p. 583). Sa palagay ko ang dahilan ay nakasalalay sa katunayan na mayroong napaka-liit na pangangaral ng ano man sa muling pagkabuhay ni Kristo sa huling 125 na mga taon, lalo ng simula ng pag-angat ng “desisiyonismo.” Dahil sa panahon ni C. G. Finney, ang mga sermon ay tumataas na itinatalaga sa tao, at sa kung anong gawin ng tao. Sa mga araw na ito, ang mga mangangaral ay gumagawing hayaan ang mga bagay ng Diyos na dumulas sa likuran. Imbes, sila’y sumesentro sa gawa ng tao. Gayon ang mga ebanghelikal na mga Kristiyano ngayon ay malawakang naging antropolohikal kaysa sa teyolohikal, psikolohikal kaysa sa Kristolohikal, naka-sentro sa tao kaysa naka-sentro kay Kristo.

Ginawang sentral ng bawat sermon maliban sa isa, ang muling pagkabuhay, na nakatala sa aklat ng mga Gawa. Ang mga Apostol ay hindi makapangaral na hindi nagsasalita tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo! Ito’y nasa pinaka-puso ng Ebanghelyo na kanilang ipinangaral. Ngayon, gayon man, kung ang muling pagkabuhay ni Kristo ay nabanggit, ito’y ibinababa sa umaga ng Paskwa ng Linggo. Kahit na pagkatapos, ang mga ministor ay bihirang mangaral tungkol sa mga doktrinal nitong mga aspeto.

Sa kanyang aklat na, Christless Christianity, ipinupunto ni Dr. Michael Horton na ang mga Pampaskwang mga sermon sa maraming mga konserbatibong mga simbahan ay madalas “tungkol sa kung paano nasupil ni Hesus ang kanyang mga dagok at kaya, kaya rin natin [ipinapakita na] ang mga ebanghelikal ay kasing posible ng [mga liberal] ngayon na magsalita tungkol sa popular na psikolohiya, politiko, o moralismo imbes ng ebanghelyo” (isinalin mula kay Michael Horton, Ph.D., Christless Christianity: The Alternative Gospel of the American Church, Baker Books, 2008, p. 30). Nakakapag-taka, na si Dr. R. A. Torrey, na aking hinahangaan, ay wala ni isang sermon sa muling pagkabuhay ni Kristo sa kanyang kilalang aklat na, How to Work for Christ (Fleming H. Revell, n.d.). Si Dr. Torrey ay nagbigay ng 156 na pahina ng balangkas ng mga sermon para sa mga mangangaral, ngunit wala kahit isa sa mga balangkas na iyon ay nakatalagang lubos sa muling pagkabuhay ni Hesus! Tiyak, ang sitwasyon ay mas malubha ngayon!

Sa pagsisiyasat ng mga makabagong mga himno nakahanap lamang ako ng sampung mga himno sa muling pagkabuhay ni Kristo. Lahat maliban sa isa sa kanila ay naisulat bago ng ika-dalawampung siglo. Dalawa ay isinulat noong ika-18 na siglo, tatlo sa ika-19 na siglo, isa sa ika-16 na siglo, isa sa ika-17 na siglo, isa sa ika-15 na siglo, at dalawa sa ika-8 siglo! Ang nag-iisang tunay na maiging himno sa muling pagkabuhay ay isinulat noong ika-20 na siglo ay ang “Buhay Muli” [“Alive Again”] ni Paul Rader, ngunit hindi ito nagpapakita sa kahit anong himnal na nalalaman ko. Maari ninyo akong sulatan sa P.O. Box 15308, Los Angeles CA 90015 at hingin ang mga salita at musika para sa himno ni Paul Rader. Muli, sa tingin ko ang pagkakulang ng mga modernong mga himno ng muling pagkabuhay ay nagpapakita na ang lubos-na-mahalagang paksa ay napabayaan ng napaka habang panahon, simula ng mga araw ni Finney. Si Kristo ay,

“Ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan…sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay”
       (Mga Taga Roma 1:4),

ngunit bahagya na kahit sino nagpapangaral nito, at halos di tayo kailan man kumakanta tungkol rito! Walang pagtataka na ang mga simbahan sa Kanlurang mundo ay nanunuyo at kumukupas! Walang pananampalataya sa bumangong Kristo walang pag-asa para sa muling pagkabuhay, at walang nabubuhay na mensahe – dahil kalahati ng Ebanghelyo ay nalimutan – karamihan ay inalis mula sa ating pangangaral! Diyos tulungan Ninyo kami!

Natatagpuan ko na iyong mga nasa Pangatlong Mundo ay mas malamang na idiin ang bumangong si Kristo kaysa sa atin sa Europa at Amerika. Walang pagtataka na ang Kristiyanismo ay lumalago roon, ngunit walang pag-unlad rito!

Nakakatugon ko sa pamamagitan ng email ang isang kabataang lalake na ang edad ay sa pagitan ng mga dalawam pu na nanggagagaling mula sa isang Pangatlong Mundong bansa. Tinutukoy niya ang pagdaraan sa “matinding pagpapahirap sa aking pagkabata upang [tangkaing makuha akong] talikuran ang Kristiyanong pananampalataya. Sumigaw ako para tulungan, ngunit walang dumating, at nakakita ako ng maraming mga [Kristiyanong] nasawi...Ang mga bata [ay] inuusig at inilalagay sa mga asilo sa India, Myanmar, paulit-ulit na pinahihirapan gamit ng pagkukuryente upang isuko si Hesus…ako’y isa sa mga nakaligtas.” Kapag binabasa ko iyan naiiyak ako. Saan tayo makahahanap ng mga bata o mga kabataang tulad ng mga iyan rito sa Amerika, o sa Kanluran sa maramihan? Sinabi ng kabataang ito na siya at ibang mga bata ay nakatagpo ang muling nabuhay na si Kristo. Noong kanilang naranasan ang bumangong Kristo alam nila na Siya ang Anak ng Diyos. Tapos ay walang halaga ng pagpapahirap gamit ng pangunguryente o pambubugbog ay gagawa sa kanilang isuko si Hesus. Alam nila na Siya’y buhay – bumangon mula sa pagkamatay! Na gumawa sa kanilang mga tunay na Kristiyano! At iyan ang sinasabi ng Apostol Pablo sa ating teksto.

“Ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan…sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay”
       (Mga Taga Roma 1:4).

Ang Griyegong salitang isinaling “ipinahayag” ay nangangahulugang “upang tukuyin,” “upang markahin” (isinalin mula kay Strong #3724). Si Hesus ay tinukoy, minarkahan, bilang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay. Sinasabi ng The Geneva Bible 1599, “ipinakita ay ginawang kilala” (isinalin mula sa sulat # 1 sa Mga Taga Roma 1:4). Si Kristo ay “ipinakita at ginawang kilala” gaya ng Anak ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay,

“Ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan…sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay”
       (Mga Taga Roma 1:4).

I. Una, paano inihayag si Hesus bilang Anak ng Diyos.

Ito’y hindi unang-una sa pamamagitan ng Kanyang pagtuturo. Nagturo Siya ng maraming nakamamanghang mga bagay kasama ng Sermon sa Bundok. Ngunit ang Kanyang mga pagtuturo lamang ay di nagpatunay na Siya ang Anak ng Diyos. Hindi kahit ng Kanyang mga himala, hindi kahit sa pagpapabangon ng tatlong tao mula sa pagkamatay. Pinabangon ng propeta Elias ang isang bata mula sa pagkamatay sa mga panahon ng Lumang Tipan at na siya ay hindi Anak ng Diyos (I Mga Hari 17:17-24). Si Elisa rin ay nagpabangon ng isang bata mula sa pagkamatay (II Mga Hari 4:32-37) ngunit si Elisa ay hindi ang Anak ng Diyos. Si Moises rin ay nagsagawa ng maraming mga himala, kasama na ang paghihiwalay ng Dagat na Mapula, ngunit hindi siya ang Anak ng Diyos. Ang nag-iisang tanda na naghayag kay Hesus bilang Anak ng Diyos ay ang muling pagkabuhay ng Kanyang sariling katawan. Si Hesus Mismo ay nagsabi na ang Kanyang muling pagkabuhay ay ang tanda na Kanyang ibibigay sa isang masamang henerasyon,

“Siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas: Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao” (Mateo 12:39-40).

Si Hesus ay ipinapatay dahil sa pag-aamin sa punong saserdote na Siya ang Anak ng Diyos (Mateo 26:63-66). Habang Siya’y nakabitin sa Krus pinagtawanan siya ng punong saserdote, na nagsasabing,

“Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios”
       (Mateo 27:43).

Ngunit ipinakita ng Diyos ang pagsang-ayon Niya kay Hesus bilang Kanyang anak sa pamamagitan ng pagbabagon sa Kanya mula sa pagkamatay. Sinabi ni Hesus,

“Ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan…sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay”
       (Mga Taga Roma 1:4).

Inihayag Siya ng Diyos bilang Kanyang Anak sa pamamagitan ng pagpapabangon ng Kanyang patay na katawan sa pangatlong araw!

II. Pangalawa, bakit inihayag si Hesus bilang Anak ng Diyos.

Si Dr. Charles Hodge (1797-1878), matagal ng propesor ng New Testament at Princeton Theological Seminary, ay nagsabing,

Ito’y hindi hanggang sa si Kristo’y bumangon na ang ebidensya ng kanyang Pagka-anak ay na kumpleto, o na ang kalubusan ng kahalagahan nito’y nakilala ng mga apostol…Ito’y sa pamamagitan ng muling pagkabuhay na siya’y napatunayang ang Anak ng Diyos… [Marami] sa mga pasahe [ng Kasulatan] ang muling pagkabuhay ni Kristo ay ikinakatawan bilang ang dakilang wakas na ebidensya ng katotohanan ng lahat ng itinuro ni Kristo, at ng katibayan ng lahat ng kanyang pahayag…gaya ng bukas na pagdedeklara ni Kristo mismo bilang ang Anak ng Diyos, ang kanyang pagbabangon mula sa kamatayan ay ang selyo ng Diyos sa katotohanan ng kanyang deklarasyon. Kung nagpatuloy siya sa ilalim ng kapangyarihan ng kamatayan, ang gayon ay di papayagan [ipagkakait] ang kanyang pahayag bilang kanyang Anak; ngunit ibinangon niya siya mula sa pagkamatay, bukas niyang ipinakilala siya, na nagsasabing, Ika’y aking Anak, sa araw na ito ika’y aking dineklara bilang ganoon. (isinalin mula kay Charles Hodge, Ph.D., A Commentary on Romans, The Banner of Truth Trust, 1997 edition, pp. 20-21; sulat sa Mga Taga Roma 1:4).

Gayon, ang ebidensya na si Kristo ay ang Anak ng Diyos ay ibinigay sa Kanyang muling pagkabuhay, at napatunayan ang lahat ng iba pang Kanyang itinuro.

Sinabi ni Dr. Wilbur M. Simth na ang muling pagkabuhay ni Kristo ay ipinapangako

…ang pagkamakatotohanan, ang pagkamaaasahan ng lahat ng mga wikain ni Kristo. [Simula ng Siya’y bumangon] muli mula sa libingan [gaya ng kanyang prediksyong Siya nga] at ang prediksyong ito ay nangyari, tapos para sa akin mukhang ito’y palagi na ang lahat ng iba pang mga bagay na sinabi ng ating Panginoon ay dapat totoo… Noong sinabi ng ating Panginoon na kung sinomang mananampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng walang hanggang buhay, at sinomang tumangging mananampalataya sa Kanya ay walang hanggang makokondena, nagsalita Siya ng katotohanan… Hindi natin kailan man matatanggap ang Muling Pagkabuhay ni Kristo, at magkaroon ng kahit anong pagdududa tungkol sa katotohanan ng kahit anong wikain na lumalabas mula sa Kanyang mga labi (isinalin mula kay Smith, Therefore Stand, ibid., pp. 418-419).

Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga Disipolo,

“Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraa: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya”
       (Lucas 18:31-33).

Ang prediksyon ni Hesus sa Lucas 18:31-33 ay literal na nangyari. Siya’y inalimura, dinuwahagan, niluraan, pinalo’t pinatay sa Krus. Ngunit sa pangatlong araw pagkatapos ng Kanyang pagpapako sa krus bumangon Siya mula sa pagkamatay. Ang saktong katuparan ng prediksyon ni Hesus tungkol sa Sarili Niya ay gumagarantiya ng pagkamakatotohanan ng lahat ng iba pang Sinabi niya, dahil Siya ay

“Ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan…sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay”
       (Mga Taga Roma 1:4).

Dahil Siya’y bumangon mula sa pagkamatay, sakto gaya ng sinabi Niyang Siya nga, masisigurado tayong nagsasabi Siya ng totoo noong sinabi Niyang,

“Malibang kayo'y [mapagbagong loob]… ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).

Dapat nating kunin tratuhin ang mga salitang iyon ng lubos ng kaseryosohan dahil nanggalin ang mga ito mula sa bibig ng muling nabuhay na Anak ng Diyos. Ikaw ba’y napagbagong loob na? Sigurado ka bang napagbagong loob ka na? Sinabi ng Anak ng Diyos na hindi ka “[makapapasok] sa kaharian ng langit” kung hindi ka pa napagbabagong loob. O, napaka seryosong dapat mong pag-isipan ang tungkol sa iyong pagbabagong loob! Napaka maingat mong dapat gawing tiyak na ika’y napagbagong loob!

Sinabi rin ng bumangong Anak ng Diyos,

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Napaka malubhang dapat kang makinig sa sinabi Niya! Ika’y dapat maging sabik na lumapit sa Kanya at maligtas! Napaka-ingat mong dapat na alisin sa iyong isipan ang lahat ng mga pamahiin at mga huwaad na mga relihiyosong ideya at sumalalay kay Hesus lamang – dahil sinabi Niya, “sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”

Muli, ang bumangong Anak ng Diyos ay nagsabing,

“Ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).

O, na ika’y dapat “magpilit kayong magsipasok” sa Kanya! (Lucas 13:24). Ika’y dapat napaka-ingat at taimtim sa nag-iisip tungkol sa paglapit kay Hesus. Tandaan na sinabi Niyang,

“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin”
       (Mateo 11:28).

Nananalangin kami na ika’y makinig sa muling bumangong Anak ng Diyos. Nananalangin kami na ika’y lumapit ng diretso sa Kanya, na ika’y mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Dugong ibinuhos sa Krus – at maligtas sa pamamagitan ng Kanyang muling nabuhay na buhay. Dinggin Siya! Paniwalaan ang sabihin Niya! Lumapit ng diretso sa Kanya at maligtas, tulad ng sinabi Niya sa iyong gawin mo – dahil Siya ay

“Ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan…sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay”
       (Mga Taga Roma 1:4).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 18:31-34.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Itaas, Itaas ang Inyong mga Tinig Na.” Isinalin mula sa
“Lift Up, Lift Up Your Voices Now” (ni John M. Neale, 1818-1866).


ANG BALANGKAS NG

ANG PRUWEBA NG PAGKA-ANAK NI KRISTO!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 1:4).

I.   Una, paano inihayag si Hesus bilang Anak ng Diyos, I Mga Hari 17:17-24;
II Mga Hari 4:32-37; Mateo 12:39-40; 26:63-66; 27:43.

II.  Pangalawa, bakit inihayag si Hesus bilang Anak ng Diyos,
Lucas 18:31-33; Mateo 18:3; Juan 14:6; 6:37; Lucas 13:24;
Mateo 11:28.