Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGDADALA NG DIYOS AT ANG PAGPIPILIT NG TAO GOD’S DRAWING AND MAN’S STRIVING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24). |
Nitong huling gabi ng Linggo nangaral ako ng isang sermong pinamagatang, “Muling Pagkabuhay Ngayon!” Ito’y isang eksposisyon ng Mga Taga Efeso 2:4-6,
“Nguni’t ang Dios, palibhasa’y mayaman sa awa dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama’t tayo’y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas), At tayo’y ibingangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus”
(Mga Taga Efeso 2:4-6).
Sinabi ko na ang bagong pagkapanganak – kilala rin bilang pagbabagong buhay – ay itinutukoy sa Bibliya bilang isang espiritwal na muling pagkabuhay. Ang mga punto ng sermon ay (1) Una, tayo ay patay; (2) Pangalawa, tayo ay ginawang buhay; at (3_ Pangatlo, tayo ay ibingayon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos upang “[umupong] kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:6). Ipinakita ko na ang “Paglapit kay Kristo ay nagagawang posible lamang sa pamamagitan ng biyaya ng kapangyarihan ng Diyos, na nagdadala sa ating mga kaluluwa pataas kay Kristo kapag tayo’y napagbagong loob.” Iyan lamang ang paraan na ang isang anak “ng poot,” “patay sa mga kasalanan,” ay makalalapit kay Kristo (Mga Taga Efeso 2:3, 5).
Ngunit tinapos ko ang sermon sa pagtatanong ng “Anong dapat mong gawin, kung ika’y nawawala pa rin?” At pagkatapos ibinigay ko ang unang bahagi ng ating teksto, “Magpilit kayong magsipasok.” Walang dudang mayroong nag-isip, “Paano ako makapipilit pumasok kay Kristo kung ako’y patay sa kasalanan?” Sa pinaka-kaunti umaasa akong may isang umabot ng ganoon kalayo, at pinag-isipan iyang matindi! Madalas ang mga sermon ay dumadaan lang sa ibabaw ng ulo ng mga tao, at walang pag-iisip na kasama. Ito’y tiyak na isang mahalagang punto! Paanong ang isang taong “patay sa mga kasalanan” ay magawa ang iniutos ni Kristo – “magpilit pumasok”? Paanong ang isang patay sa espiritwal na tao’y magagawa iyan? Paano siya “makapipilit pumasok”? Nagsalita si Dr. Lenski tungkol sa pinaka tanong na iyan,
Ngunit hindi nito kinokontra ang pagtuturo na ang tao ay espiritwal na patay at hindi makakapagpunyagi at makakapagpilit? Ang pagpupunyaging ito ay hindi [gawa ng] masamang natural na kapangyarihan ng tao – hindi nila kailan man makakayang magpilit o magpipilit pasukin iyang makipot na pintuan. Ang pagpupunyaging ito ay dulot ng [kapangyarihan ng Diyos, umeepekto] sa at sa loob ng puso (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of St. Luke’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1961 edition, p. 748; sulat sa Lucas 13:24).
Hindi ako magsasalita ng matagal ngayong gabi. Ngunit gusto kong gawing kasing linaw hangga’t maari ang dalawang panig ng paglalapit kay Kristo.
I. Una, dinadala tayo ng Diyos kay Hesus.
Ginawa itong malinaw ni Hesus na dapat tayong lumapit sa Kanya. Sinabi Niya,
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpahingahin”
(Mateo 11:28).
Dapat tayong lumapit kay Hesus upang magkaroon ng pahinga sa ating mga kaluluwa at kapayapaan sa Diyos. Muli sinabi ni Hesus,
“Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom” (Juan 6:35).
Dapat tayong magpunta kay Hesus, ang tinapay ng buhay, dahil Siya ang makakapag puno ng pagkagutom ng iyong puso at bigyan ka ng buhay. Namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang buong multa ng iyong mga kasalanan, at Siya’y bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hangang buhay. Muli sinabi ni Hesus,
“Ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).
Tinatangap ni Hesus ang lahat ng lumalapit sa Kanya. Hindi Siya kailan man magtataboy ng kahit sinong lumapit sa Kanya.
Gayon tinatanong ng mga tao, “Nasaan si Hesus?” Maraming mga maling sagot sa tanong na iyan. Ngunit sinasabi ng Bibliya sa atin ng maraming beses kung nasaan si Hesus ngayon. Hindi ka makalalapit kay Hesus kung hindi mo alam kung asaan Siya. Sinasabi ng Bibliya sa atin sakto kung nasaan Siya ngayon. Sinabi ni Dr. Henry M. Morris na mayroong “dalawampu’t isang Biblikal na pagtutukoy kay Kristo sa kanang kamay ng Ama” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishing, 1995 edition, p. 655; sulat sa Mga Awit 110:1). Pagkatapos na bumangon ni Kristo mula sa pagkamatay umakyat Siya sa Pangatlong Langit, at umupo sa kanang kamay ng Diyos. Tayo ay sinabihan nitong katunayang ito sa Mga Awit 16:11; Mga Awit 110:1; Mga Hebreo 1:3; Marcos 12:36; Lucas 20:42; Mga Gawa 2:34; Mga Taga Roma 8:34; Mga Taga Efeso 1:20; Mga Taga Colosas 3:1; I Pedro 3:22; at marami pang ibang mga pasahe ng Kasulatan. Sa Marcos 16:19 tayo ay sinabihan,
“Pagkatapos na sila’y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios” (Marcos 16:19).
Kaya, tayo ay sinabihan muli’t muli na si Hesus ay nasa itaas sa Pangatlong Langit (II Mga Taga Corinto 12:2) – sa lugar na iyong tinawag Niyang “paraiso” (Lucas 23:43).
Ngunit tayo ay sinabihan rin na dapat tayong lumapit sa Kanya upang ang ating mga kasalanan ay mapatawad at magkaroon ng walang hanggang buhay. Paano tayo makararating doon – sa ibabaw ng atmospera, lampas ng mga planeta at mga bituin ng kalawakang ito? Sinasabi ng mga tao, “Paano ako makalalapit kay Kristo sa kaitaasang iyon – sa ibang mundo?” Ang sagot ay malinaw. Hindi ka makapupunta doon mag-isa! Dapat kang itaas ng Diyos at gawin kang “[umupong] kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:6). Hindi ka makalalapit kay Hesus ng mag-isa. Kailangan kang dalhin ng Diyos sa Kanya – sa itaas sa paraiso, lampas ng mga bituin! Ginawang iyang malinaw ni Hesus noong sinabi Niyang,
“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin…” (Juan 6:44).
Dapat kang dalhin ng Diyos kay Kristo, na nakaupo sa Kanyang kanang kamay sa kaluwalhatian! Iyan ang banal na panig ng kaligtasan. Dapat kang dalhin ng Diyos kay Hesus upang ika’y malinisan mula sa iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo. Iyan ang gawa ng Diyos! Iyan ang kaligtasan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos – kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya!
Kahanga-hangang biyaya! napaka tamis ng tunog,
Na nagligtas ng isang napakasamang taong tulad ko!
Ako’y minsa’y nawawala, ngunit ngayon nahanap na,
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita na.
(“Kahanga-hangang Biyaya.” isinalin mula sa
“Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).
Iyan ang unang punto. Ngunit mayroong pangalawang punto.
II. Pangalawa, dapat tayong magpilit na pumasok kay Hesus.
Sinabi ni Hesus,
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot …”
(Lucas 13:24).
Iyan ang makataong panig. Ang banal na panig ay na dinadala tayo ng Diyos kay Hesus. Ang makataong panig ay na dapat tayong magpilit na makalapit sa Kanya! Si Hesus Mismo ang “makipot na pintuan.” Ang salitang isinaling “magpilit” ay nangangahulugang “magpunyagi” o pati “makipaglaban.” Ito’y “agonizomai” sa Griyego – ay isinaling “magpilit” sa King James Bible. Ang mga ito, gayon, ay ang dalawang panig ng kung anong mangyayari kapag may isang lalapit kay Hesus at maligtas – dinadala tayo ng Diyos, ngunit dapat tayong magpilit na pumasok. Ang dalawang panig ay ibinigay sa Mga Taga Filipo 2:12-13,
“…lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig. Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban” (Mga Taga Filipo 2:12-13).
Ginigising ka ng Diyos at dinadala. Ngunit dapat kang “magpilit […] pumasok” kay Kristo.
Ang isang alam ang teyolohiya ay maaring magsabing, “Iyan ay sinergismo.” Hindi, ito’y hindi sinergismo. Ito’y monergismo. Itinuturo ng Katolikong Simbahan ang sinergismo – ang ideya na ang biyaya ng Diyos ay nakikipagtulungan kasama ng tao upang magbunga ng kaligtasan. Napulot rin ng “desisyonismo” ang pagkakamaling ito, nagsisimula kay C. G. Finney. Iyan ang dahilan na napakaraming mga ebanghelikal ay hindi nakakakita ng kahit anong importanteng pagkakaiba sa pagitan nila at ng mga Katoliko. Ngunit ang klasikal na Protestante at Bautistang mag-iisip ay tinatanggihan ang sinergismo. Itinuro ng mga matatandang Bautista at Protestante ang monergismo – ang ideya na ang lahat ng kaligtasan ay nanggagagling sa Diyos, at hindi nakasalalay sa kagustuhan ng tao. At ang sinusubukan kong ilabas sa mensaheng ito ay na ang pagdadala ng Diyos at ang pagpipilit ng tao ay parehong nanggagaling mula sa parehong pinagmulan – ang Diyos. Ang parehong punto ay mula sa Diyos lamang. “Kaligtasa'y [mula] sa Panginoon” (Jonas 2:9). Dinadala tayo ng Diyos kay Hesus. At ang Diyos ay kumikilos sa atin upang magsanhi sa ating “magpilit” –
“Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban”
(Mga Taga Filipo 2:13).
Ang banal at makataong panig ng kaligtasan ay parehong dala ng biyaya ng Diyos! Dinadala tayo ng Diyos, at ginigising tayo ng Diyos upang magpilit! Ito’y lahat mula sa Diyos!
“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:8).
Habang aking nililingon ang higit limampung taon, natatanto ko na ito mismo ang nangyari sa akin. Noong ako’y labin lima nagsimula akong naging seryoso sa pagiging isang Kristiyano. Akala ko’y ligtas na ako, ngunit alam ko na mayroong nagkukulang. Kaya aking “muling inihandog” ang aking buhay – ng halos bawat gabi ng Linggo! Pagkatapos ng bawat Linggong gabing sermon ako’y napupunta sa “harap,” kasama ng maraming iba pang mga kabataan, upang “muling ihandog” ang aking buhay kay Kristo. Ngunit iya’y mukhang hindi nakatulong. Nakadama pa rin ako ng pagkakasala at malayo sa Diyos. Kaya noong Linggo ng Paskua, noong ako’y labing pito, “sumuko” akong ipangaral ang Ebanghelyo. Ang lahat ay dumating at nakipagkamay sa akin upang batiin ako para sa paghahandog ng aking sarili upang maging isang ministor. Naniniwala ako na tinawag ako ng Diyos upang mangaral sa oras na iyon, ngunit mayroon paring nagkukulang, kahit na ako’y lisensyado ng mangaral ng First Southern Baptist Church ng Huntington Park, California. Nagsimula akong mangaral noong ako’y labing pito, sa lahat ng lugar na mayroong pagkakataon. Namigay ako ng mga pampleta. Nangaral ako sa kalangang hilerang misyon [skid row missions], sa ilang simbahan, at pati sa mga sulok ng mga kalye. Ngunit mayroon pa ring nagkukulang. Nadarama ko paring puno ng sala at malayo sa Diyos. Pagkatapos ini-ukol ko ang aking sariling maging isang misyonaryo. Sinapian ko ang First Chinese Baptist Church ng Los Angeles. Nagturo ako ng Linggong Paaralan. Nagpunta ako sa Bibliyang kolehiyo. Isinaulo ko ang 139 na mga berso ng Kasulatan. Nasa simbahan ako ng maraming mga gabi bawat lingo, ginagawa ang lahat ng magagawa ko para sa Diyos. Ngunit alam ko na mayroon paring nagkukulang. Akala ko, ako’y maliligtas sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng mga iyan, ngunit alam ko na hindi pa rin ako tama sa Diyos. Nanalangin ako ng higit at sinusubukang pasayahin ang Diyos, ngunit wala pa rin akong kapayapaan. Pagkatapos, noong Ika-28 ng Setyembre taon 1961, ng 10:30 ng umaga, habang ng isang sermon ni Dr. Charles J. Woodbridge, sa auditoriyum ng Kolehiyo ng Biola (ngayon ay Unibersidad) bigla akong lumapit kay Kristo. Masasabi ko lang na ako’y nasa piling ni Kristo, at ako’y lumapit sa Kanya – ng unang beses sa aking buhay. Pagkatapos alam ko na ako’y ligtas! Ang lahat ay iba. Hindi ko maligtas ang aking sarili. Ngunit ng umagang iyon niligtas ako ni Kristo. Iyan ang gumawa ng lahat ng pagkakaiba!
Pagkalumilingon ako ngayon natatanto ko kung ano ang nangyari. Ang lahat ng gawaing iyon ay “pagpipilit” talaga. Nagpipilit akong “[makapasok].” Sa wakas, sa umagang iyon, ang aking pamimilit ay natapos, at dinala ako ng Diyos kay Kristo. Nalinisan ako sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo at naligtas sa pamamagitan ng Kanyang buhay. Pumasok ako kay Hesu-Kristo sa “pintuang makipot.” Mula sa sandaling iyon itinago ako ni Kristo – kahit sa hanggang sa oras na ito – nakatago sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, naligtas sa pamamagitan ng Dugo ng Panginoong Hesu-Kristo!
Sa maraming mga panganib, pagkayod at mga bitag,
Ako’y nakalapit na;
Ito’y biyaya ang nagdala sa aking ligtas hangang sa puntong ito,
At biyaya ang magdadala sa akin pauwi.
(“Kahanga-hangang Biyaya,” isinalin mula sa
“Amazing Grace” ni John Newton, pangatlong taludtod).
Maraming mga tanyag na mga mangangaral ay nagkaroon ng parehong karanasan tulad ko. Si John Bunyan ay nagpilit at nagsikap na pumasok kay Kristo – at pagkatapos ay biglang napagbagong loob. Iyan rin ang karanasan ni Martin Luther, George Whitefield, John Wesley, at Charles Spurgeon. Ito’y parehas din sa ating diakonong, si Dr. Cagan. Sinabi niya, “nakipagbuno ako sa loob sa aking mga naiisip tungkol kay Kristo ng dalawang taon pa…Nagpatuloy akong makipaglaban sa loob laban kay Hesus…Gayon nadama kong di-karaniwang nadadala doon sa mga ebanghelistikong pagpupulong…Sa maraming taon tinalikuran ko Siya…Ngunit sa gabing iyon alam ko na ang oras ay dumating na para sa aking magtiwala sa Kanya…Sa sandaling iyon, sa ilang segundo lamang, lumapit ako kay Hesus…“tumawid” ako patungo kay Hesu-Kristo sa pinakamahalagang kaganapan na maaring mangyari sa aking makataong buhay – pagbabagong loob. Umikot ako at nagpuntang diretso at agad-agad kay Hesu-Kristo” (Isinalin mula kay C. L. Cagan, Ph.D., From Darwin to Design, Whitaker House, 2006, pp. 17, 19).
Si Dr. Cagan ay “[nagpumilit makapasok]” ng mahabang panahon – binabasa ang Bibliya, nagpupunta sa simbahan, nananalangin at nakikipaglaban. Sa wakas, sa ilang sandali ng panahon, dinala siya ng Diyos “diretso at agad-agad kay Hesu-Kristo.”
Mayroong ilan sa inyong narito ngayong gabi na kailangan si Hesus. Kaya kang dalhin ng Diyos sa Kanya. Hindi ka makalalapit kay Hesus mag-isa. “Eh, anong magagawa ko?” ang sasabihin mo, “Magpilit kayong magsipasok” (Lucas 13:24). Kapag ipinamimigay ko ang mga nalimbag na mga sermon sa katapusan ng bawat paglilingkod, kunin ang iyong kopya ng sermon sa bahay at basahin ito muli’t muli. “Magpilit” na maintindihan ang mga sermon at isagawa ito sa iyong sarili. Maging nasa simbahan bawat paglilingkod at makinig ng lahat ng iyong puso’t kaluluwa sa pangangaral ng Ebanghelyo. Manalangin sa Diyos upang gisingin ka at dalhin ka sa ilalim ng paniniwalang ika’y nagkasala. Manalangin sa Diyos upang dalhin ka sa Tagapagligtas. Lumapit kay Hesus. Magtiwala sa Kanya. Talikuran ang mundo at ang mga kasalanan nito at mga kahangalan nito, at lumapit ng “direstso at agad-agad” sa Anak ng Diyos. Ililigtas ka niya mula sa multa ng iyong mga kasalanan. Ika’y Kanyang tutubusin! Bibigyan ka Niya ng walang hangang buhay!
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Naway ang berso ng Kasulatan ay maging paraan ng biyaya upang gisingin ka sa pagkatulog ng iyong kaluluwa at dalhin ka sa minsang ipinako sa krus, ngayon ay bumangong Kristo! Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Efeso 2:1-6.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Lumapit sa Akin.” Isinalin mula sa “Come Unto Me”
(ni Charles P. Jones, 1865-1949).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGDADALA NG DIYOS AT ANG PAGPIPILIT NG TAO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24). (Mga Taga Efeso 2:4-6, 3, 5) I. Una, dinadala tayo ng Diyos kay Hesus, Mateo 11:28; Juan 6:35, 37; II. Pangalawa, dapat tayong magpilit na pumasok kay Hesus, |