Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA NAPAGBAGONG LOOB NA MGA SASERDOTE!THE CONVERTED PRIESTS! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7). |
Nagsumikap at nanalangin ako ng ilang mga oras upang malaman kung anong dapat ipangaral sa sermon ito. Alam ko na gusto ako ng Diyos na mangaral muli tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo. Ngunit paano ko dapat tatalakayin ang paksa? Mula sa aling teksto ako dapat magsalita? Ang ulo ko ay lumalangoy habang ako’y naghahandang magpunta sa kama. Ngunit, habang papatapos akong magsipilyo at isuot ang aking pantulog, ang bersong ito ay lumundag sa aking isipan – “nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7). Natatakot ako na malilimutan ko ang teksto, kaya isinulat ko ito sa isang maliit na piraso ng papel at inilagay ito sa aking dibuhista sa banyo. Nagpunta ako sa kama at natulog, alam na ibinigay sa akin ng Diyos ang teksto para sa sermon ito, “Nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7).
Ang Apostol at ang kanilang mga taga-sunod ay hindi mga dakila o mga may mga pinag-aralang mga kalalakihan. Karamihan sa kanila ay mga mahihirap na mangingisda lamang na walang naayon na edukasyon, na walang kayamanan at walang makalupaing kapangyarihan. Ang kanilang pangangaral ay napaka simple. Ilang linggo lang ng mas maaga, sa Araw ng Pentekostes, si Pedro ay nangaral sa pagpapako sa krus at muling pagkabuhay ni Kristo. Dalawa’t ikatlo ng kanyang sermon ay nailaan sa muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay. Tatlong libong mga tao ay naligtas sa katapusan ng sermon ni Pedro. Ilang araw maya-maya, si Pedro ay nangaral sa parehong paksa sa tarangkahan ng Templo,
“Datapuwa't inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito, at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao; At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito” (Mga Gawa 3:14-15).
Sa katapusan ng sermon, sinabi ni Pedro,
“Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan” (Mga Gawa 3:26).
Mayroong dakilang ani ng mga kaluluwa at,
“Marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo” (Mga Gawa 4:4).
Muli, noong si Pedro ay dinala sa harapan ng mataas na saserdote, sumigaw siya,
“Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit” (Mga Gawa 4:10).
Gayon muli, ilang araw maya-maya, si Pedro ay dinakip ng pangalawang beses, at dinala sa harapan ng saserdote. Anong sinabi niya?
“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy” (Mga Gawa 5:30).
Iyan ang ipinangaral niya – ang pagpapako sa krus at muling pagkabuhay ni Kristo!
Ilang araw pagkatapos niyan, tayo ay darating sa ating teksto,
“Nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7).
Ah, ako’y di natutuwa tungkol sa tekstong ito! Bumubukas ito sa harapan ko na parang kweba ni Ali Baba – At nakikita ko ang mga mamahaling mga hiyas na narito!
“Nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7).
Magtatanong ako ng tatlong katanungan, at sasagutin ang mga ito, upang ilabas ang ginto at mga hiyas para makita mo!s
I. Una, ang mga saserdoteng mga ito ba ay mga maiinam na mga prospekto mananampalataya sa muling pagkabuhay ni Kristo?
Hindi! Hindi sila mga prospekto! Sila ay mga pinakadi inaasahang mananampalataya sa bumangong Tagapagligtas – ang pinaka di inaakalang mga kalalakihang sa Jerusalem na mananampalataya na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay. Ito ay mga parehong mga saserdote na pinagsabihan ilang araw na mas maaga,
“Ang mga saserdote [ay] nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay” (Mga Gawa 4:1-2).
Ang mga ito’y ang mga Saduseyong saserdote, na ilang araw lang noon, kasama ng
“…ang dakilang saserdote, at ang lahat ng kasama niya (na siyang sekta ng mga Saduceo), at sila'y nangapuspos ng kainggitan” (Mga Gawa 5:17).
Oo, ang mga saserdoteng ito ay ang mga Saduceo. Itinuro ng kumentaryo ni Dr. Gaebelein na “Karamihan sa mga saserdote ay Saduceong pananampalataya” (isinalin mula kay E. Gaeblein, D. D., pangkaraniwang editor, The Expositor’s Bible Commentary, Zondervan Publishing House, 1981, kabuuan 9, p. 301; sulat sa Mga Gawa 4:1). Sino ang mga saserdoteng ito, at ano ang pinaniwalaan nila? Karamihan sa mga saserdote ay mga Saduceo. Ang mga Saduceong ito ay hindi naniwala sa muling pagkabuhay ng patay, gaya ng pagkabasa natin sa Mateo 22:23 at Mga Gawa 23:8,
“Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo , na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli…” (Mateo 22:23).
“Sapagka't sinasabi ng mga Saduceo na walang pagkabuhay na maguli” (Mga Gawa 23:8).
Sinabi ng tagasulat ng kasaysayan na ang mga Saduceo “ay pinanghawakan ang kaluluwa na isang pinung bagay na namamatay kasama ng katawan” (isinalin mula Antiquities of the Jews, 18:1, 4). Kahit na sila’y kumikiling laban sa bawat ideya ng kahit sino mula sa pagbabangon sa pagkamatay,
“Nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7).
Sinabi ni Dr. Gill,
Na ang mga saserdote, at isang malaking bilang nila, ay dapat gawin ito, ito ay napakakamamangha; dahil sila ang pinaka pusakal na mga kaaway ng Ebanghelyo ang mang-uusig ng mga santo (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan II, p. 191; sulat sa Mga Gawa 6:7).
Maaaring mayroong isa rito ngayong umaga na magsasabi, “Hindi mo ako maaasahan na maniwala sa mulling pagkabuhay ni Kristo!” Bakit hindi? Kung ang mga kalalakihang ito, sa lahat ng mga tao, ay naging nananampalataya sa muling pagkabuhay ni Kristo, bakit hindi ikaw? Ang liberal na kritko ng Bibliyang si Rudolf Bultmann ay nagsabi na ang isang modernong tao ay hindi matanggap ang tinatawag niyang “katha” ng muling pagbuhay ni Kristo. Ang mga saserdoteng ito ay hindi mga modernong tao – at inakala rin nila na ang muling pagkabuhay ni Kristo ay isang katha – hanggang sa ang kapangyarihan ng Diyos ay nagpabagong loob sa kanila! Iyan mismo ang kailangan ng isang modernong taong tulad mo ngayon – pagbabagong loob! Lilinawin lahat niyan ang lahat ng mga problema mo tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo! Noon gang kapangyarihan ng Diyos ay dumating sa kanila,
“Nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7).
Ngunit mayroong mas marami pa.
II. Pangalawa, anong ebidensiya ang mayroong ang mga
saserdoteng ito na si Kristo ay bumangon?
Una sa lahat mayroon silang ebidensya ng walang lamang libingan. Noong ang mga kababaihan ay nagpunta sa walang lamang libingan sila’y sinabihan,
“Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon” (Mateo 28:6).
Sinabi ni Dr. Thiessen,
Sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang libingan ay walang laman. Tiyak na kung ang mga ito’y hindi totoo, mayroon dapat nagpakit na ang mga disipolo ay mandaraya; na ang libingan ay may laman (isinalin mula kay Henry C. Thiessen, Ph.D., Introductory Lectures in Systematic Theology, Eerdmans Publishing Company, 1949 edisyon, pahina 335)
Sinabi ni Josh McDowell,
Walang pagpapabulaan na ibinigay ng mga Hudyo mapangahas ng proklamasyon ni [Pedro] sa muling pagkabuhay ni Kristo. Bakit? Dahil ang ebidensya ng walang lamang libingan ay naroon para kahit kaninong suriin… alam ng lahat na ang libingan ay hindi na naglalaman ng katawan ni Hesu-Kristo…Hindi maipaliwanag ng mga Hudyo ang walang lamang libingan…gaya ng pagkatala ni Fairbairn: “Ang katahimikan ng mga Hudyo ay kasing halaga ng pananlita ng mga Kristiyano” …sa buong unang siglo, mga Kristiyano ay binabalaan, binugbog, pinagpapalo, at piñata dahil sa kanilang pananampalataya [sa muling pagkabuhay ni Kristo]. Mas simple ito siguro na patahimikin sila sa pamamagitan ng pagpapakita ng katawan ni Hesus, ngunit ito’y di kailan man nagawa (isinalin mula kay Josh McDowell, The New Evidence that Demands a Verdict, 1999 edisiyon, p. 251).
Ang walang lamang libingan, ang tahimik na testimony sa muling pagkabuhay ni Kristo, ay di kailan man napasinungalingan. Hindi maiharap ng mga taga Roma at mga Hudyo ang katawan ni Kristo o maipaliwanag kung saan ito napunta (isinalin mula sa McDowell, ibid., p. 252).
Gaya na mahusay na pagkasbi ni John R. W. Stott, ang katahimikan ng mga kalaban ni Kristo “ay kahit husay na salita ng pruweba ng muling pagkabuhay gaya ng saksi ng mga Apostol” (isinalin mula sa McDowell, ibid., p. 251).
Alam ng mga saserdote na walang laman ang libingan. At alam din nila na wala sa mga kalaban ni Kristo ang makakapagpaliwanag kung bakit wala itong laman. Dahil ang libingang walang laman ay naroon sa Jerusalem, marami sa mga saserdote ay tiyak na dumaan doon at tumingin sa loob. Wala itong laman! Ang lahat sa Jerusalem ay pinag-uusapan ito, gaya ng sinabi ni Pablo, “Ito'y hindi ginawa sa isang sulok” (Mga Gawa 26:26). Sa katunayan ito’y usap-usapan ng bayan! Ang walang lamang libingan ay nagdala sa kanilang maniwala na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay.
Nakita rin nila ang kasigasigan ng mga Apostol, na nagproklama nito na nakita nila ang muling nabuhay na Kristo. Nakita nila ang mga Apostol na nakutya, nabugbog, napalo, at naitapon sa bilangguan. Gayon man, agad-agad na sila’y napakawalan, ang mga Apostol ay agad na nagsibalik sa paggawa ng mga ito at nangaral,
“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy” (Mga Gawa 5:30).
Sinabi ni Simon Greenleaf, isang abugado ng Harvard, tungkol sa mga Disipolo, “Ito’y…imposible na sila’y nanindigan sa pagpapatibay ng mga katotohanan na kanilang [ipinangaral] kung si Hesus ay hindi aktwal na bumangon mula sa pagkamatay, at kung hindi nila alam ang katunayan na ito na kasing tiyak ng ibang mga katunayan na kanialng nalalaman” (isinalin mula kay McDowell, ibid., p. 253). Sinabini John R. W. Stott, “…ang transpormasyon ng mga disipolo ni Hesus ay ang pinakamatinding ebidensya ng lahat ng mga muling pagkabuhay” (isinalin mula kay McDowell, ibid., p. 252). Nakita ng mga saserdote ang kanilang nananalig na pananampalataya at kasigasigan, at narinig ang kanilang pangangaral,
“Nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7).
Ako’y kumbinsido na ikaw at ako ay makakakita ng mas higit pang mga pagbabagong loob kung mayroon tayong mas higit pang kasigasigan at mas higit pang pananampalataya. O, kung makapangaral lamang ako na mayroong ang kapangyarihan ni Pedro! O, kung ako lamang ay maging kasing dakilang saksi sa muling pagkabuhay ni Hesus tulad niya! Kahit na ang ating kasigasigan ay mas mahina kaysa ng mga Apostol, panalangin namin na ang Diyos Mismo ang magpapakilos ng iyong puso na ikaw sana’y magpunta kay Hesus, “na panganay sa mga patay” (Apocalipsis 1:5)!
“Nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7).
III. Pangatlo, bakit ang mga saserdoteng ito ay nagsitalima sa pananampalataya?
Hindi lamang ito sa walang lamang libingan o sa kasigasigan ng mga Apostol ang nagkumbinsi sa kanila. Mayroong mas higit pa riyan. Mayroong palagi – sa bawat tunay na pagbabagong loob.
Narinig nila ang Ebanghelyong naipangaral! Ako’y lubos ng sumasang-ayon sa matandang mga Puritano na nagsalita tungkol sa Ebanghelyo bilang isang “paran ng biyaya.” Sinabi ng Apostol Pablo,
“Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
(Mga Taga Roma 10:14).
Ang Diyos ay nagsaad ng mga ebanghelista at mga pastor upang iproklama ang Ebanghelyo (Mga Taga Efeso 4:11-13). Ang pangangaral ng Ebanghelyo ang nagdala sa kanila sa pagbabagong loob. Ang pangangaral ni Kristong napako sa krus at muling nabuhay ang ginamit upang palambutin ang kanilang mga puso, nagpapasiklab ng pananampalataya kay Kristo, nagsasanhi sa kanilang maging “nagsitalima sa pananampalatya.”
Wala sa Bagong Tipang panahon ang naligtas na hindi naniniwala sa bumangong Kristo! Walang dakilang tauhan sa kasaysayan ng Kristiyano ang kailan man naligtas na hindi pinagkakatiwalaan ang muling nabuhay na Tagapaglitas – hindi, hindi si Augustine, hindi si Luther, hindi si Spencer, hindi si Francke, hindi si Zinzendorf, hindi si Wesley, hindi si Whitefield, hindi si Spurgeon, hindi si Moody, hindi si Torrey – wala ni isang aking nakatagpo! Sa katunayan, ginagawa itong ganap na malinaw ng Apostol Pablo,
“Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka” (Mga Taga Roma 10:9).
Upang maligtas dapat kang maniwala sa iyong puso “na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay.” Wala nang mas lilinaw pa sa mga Kasulatan. Ako mismo ay naniwala sa patay na Kristo ng pitong taon bago ako naligtas. Naniwala akong namatay Siya para sa akin, ngunit ako pa rin ay nawawala. Hindi ako naligtas hanggang sa nagtiwala ako sa bumangong Kristo!
Si Dr. John R. Rice ay nagkaroon ng dakilang kaalaman sa Mga Taga Roma 10:9. Sinabi niya,
Ngunit ang mangumpisal sa bibig ay hindi ebidensya ng nakaliligtas na pananampalataya, hangga’t ang isang nagproproklama kay Kristo ay naniniwal sa kanyang pusong tapat na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay…at kung gayon ay kayang makaligtas mula sa kasalanan…Ang kahit sinong kailan man nagsasagawa ng nakaliligtas na pananampalataya kay Kristo ay naniwala sa kanilang puso na ibinangon Siyang muli ng Diyos mula sa patay…Ang isa ay hindi makahanap ng tala ng nag-iisang Bagong Tipang Kristiyano na pinagdudahan ang personal, sa katawang muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo (isinalin mula kay John R. Rice., D.D., The Resurrection of Jesus Christ, Sword of the Lord Publishers, 1953, pp. 11, 7).
Si Dr. Rice ay hindi isang hangal. Nagtapos siya mula sa Unibersidad ng Baylor, gumugol ng dalawang taon sa Bautistang Seminaryo ng Southwester, at gumawa ng mga gawaing pagtatapos sa Unibersidad ng Chicago. Ngunit naniwala si Dr. Rice sa Bibliya, at sinasabi ng Bibliya na ang muling pagkabuhay ni Kristo ay bahagi ng nakaliligtas na Ebanghelyo mismo (I Mga Taga Corinto 15:1-4).
“At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan [walang laman,]; kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa” (I Mga Taga Corinto 15:17).
“Nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7).
Anong pananampalataya ang kanilang tinalima? Ang pinaka pananampaltaya na kanilang narinign na ipinangaral ni Pedro ilang araw ng mas maaga!
“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy” (Mga Gawa 5:30).
Iyan ang pananampalataya na kanilang tinalima!
Panalangin ko ngayong umaga na ika’y maging “[nagtalima] sa pananampalataya” – gaya nitong mga saserdoteng ito. Sila’y “nagsitalima sa pananampalataya.” Mukhang lahat ng Ebanghelyo ay maipagsasama-sama sa salitang iyong “pananampalataya.” Ang tumatalima sa pananampalataya ay ang maniwala kay Hesus, upang magtiwala sa Kanay na nagdusa sa iyong lugar sa Krus, namamatay doon bilang iyong kapalit, nagbabayad para sa iyong mga kasalanan. Ang tumalima sa pananampalataya ay ang magpunta sa Anak ng Diyos, bumangon mula sa patay, nakaupo sa Langit sa kanang kamay ng Diyos, bumangon para sa iyong pagpapatunay, bumangon upang bigyan ka ng buhay, bumangon upang bigyan ka ng bagong pagkapanganak. Panalangin ko na ikaw, oo kahit ikaw, kasama ng lahat ng iyong mga kasalanan – na ika’y magpunta kay Hesus at itapon ang iyong sarili sa Kanyag sa simpleng pananampalataya!
Makipagsapalaran sa Kanya, makipagsapalarang buo,
Huwag hayaan ang ibang tiwalang manghimasok;
Wala kundi si Hesus,
Wala kundi si Hesus,
Ang makagagawa ng mabuti sa walang
Magawang makasalanan.
(“Magpunta Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mula sa
“Come, Ye Sinners” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Maliligtas ka ni Hesus! Mapapatawad Niya ang iyong mga kasalanan at mabibigyan ka ng walang hanggang buhay! Magpunta kay Hesus! Itapon ang iyong sarili sa Kanyang lubusan – huwagn hayaan ang kahit anong tiwalang manghimasok! Wala kundi si Hesus, wala kundi si Hesus ang makagagawa ng mabuti sa walang magawang makasalanan!
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 5:17-30.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Pagsisikap ay Tapos Na.” Isinalin mula sa
“The Strife Is O’er” (isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).
ANG BALANGKAS NG ANG MGA NAPAGBAGONG LOOB NA MGA SASERDOTE! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:7). (Mga Gawa 3:14-15, 26; 4:4, 10; 5:30) I. Una, ang mga saserdoteng mga ito ba ay mga maiinam na mga II. Pangalawa, anong ebidensiya ang mayroong ang mga III. Pangatlo, bakit ang mga saserdoteng ito ay nagsitalima sa |