Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MULING PAGKABUHAY NGAYON!

RESURRECTION NOW!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Ika-2 ng Mayo taon 2010

“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas) At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:4-6).


Ang mga himala ni Kristo ay ginawa upang ilarawan ang mga espiritwal na katotohanan. Binuksan niya ang mga mata ng bulag upang ipakita na kayang Niyang buksan ang mga bulag sa espiritwal na mga puso. Pinagaling Niyang ang mga leproso upang ipakita na kayang Niyang magpagaling ng mga nasirang mga kaluluwa. Ngunit tatlong beses Siyang nagpabangon ng mga patay na katawan. Sa panlimang kapitulo ng Marcos tayo ay sinasabihan na pinabangon Niya ang anak na babae ni Jairus mula sa pagkamatay. Sa pampitong kapitulo ng Lucas tayo ay sinabihan na pinabangon Niya ang anak ng balong babaeng si Nain mula sa pagkamatay. Sa ika labin-isang kapitulo ng Juan nabasa natin na Kanyang pinabangon si Lazarus mula sa pagkamatay. Ang aral na natututunan natin mula sa mga muling pagkabuhay na mga ito ay na kaya ni Hesus na magpabangong mabuhay yoong mga “mga patay dahil sa [kanilang] mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1).

Sa paglilingkod na ito ngayong gabi marami tayong mga anak ni Jairus, mga anak ng mga balo, marami ay mga muling binuhay na Lazarus – dahil marami sa atin ay patay sa pagsalangsang at mga kasalanan, ngunit sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Kristo tayo ay naibangon mula sa espiritwal na kamatayan, upang lumakad sa pagkabago ng buhay! Ang muling pagkabuhay na ating naranasan ay tinatawag na “pagbabagong buhay” – na tumutukoy sa buhay mula sa pagkamatay, kilala rin bilang ang bagong pagkapanganak. Itinuro ni Dr. W. G. T. Shedd na madalas gamitin ng Bibliya ang “muling pagkabuhay upang irepresenta ang muling pagkapanganak”… “na tinutukoy ang muling pagkapanganak bilang isang espiritwal na muling pagkabuhay” (isinalin mula sa W. G. T. Shedd, Ph.D., Dogmatic Theology, P and R Publishing, 2003 edition, pp. 864, 865). Ang koneksyon sa pagitan ng pisikal at espiritwal na muling pagkabuhay ay ginawang malinaw sa pangalawang kapitulo ng Mga Taga Efeso,

“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas) At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:4-6).

Mula sa mga bersong ito nalalaman natin ang tatlong dakilang mga katotohanan tungkol sa bagong pagkapanganak – tatlong mga katotohanan tungkol sa muling pagkapanganak sa pamamagitan ng kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Kristo.

I. Una, tayo ay patay.

Ayon sa Bibliya lahat ng mga tao ay espiritwal na patay. Ilang mga kalalakihan ay nagsasabi sa atin na tayo ay nabugbog sa Pagkabagsak – ngunit hindi tayo naniniwala na tayo ay pinatay nito. Ngunit ang Salita ng Diyos ay napaka linaw. Sinasabi nito na hindi lang tayo nasugatan, kundi tayo “ay mga patay dahil sa mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Ngunit ang mga kalalakihang ito ay nagsasabi sa atin na mayroong lubos na kabutihan na nasa tao, na ang kalikasan ng tao mismo ay hindi patay sa mga kasalanan. Si C. G. Finney ay nagbigay ng huwad na posisyon noong sinabi niyang,

Bakit ang kasalanan ay napaka-natural sa sangkatauhan? Hindi dahil ang kanilang kalikasan ay makasalanan mismo... Ang doktrinang ito ay…higit-higit na nakapahihiya sa Diyos, at ay isang abominasyon na tulad sa Diyos at ang makataong karunungan, at dapat ay maalis mula sa bawat pulpito, at mula sa bawat pamamaraan ng doktrina, at mula sa mundo. Ito’y isang bakas ng paganong pilosopiya, at ipinataw sa kasama ng mga dokrtina ng Kristiyanismo ni Augustin (isinalin mula sa C. G. Finney, Finney’s Systematic Theology, Bethany House Publishers, 1994 edition, pp. 268, 263).

Ang doktrina ng tao bilang patay sa kasalanan ay inalis mula sa karamihan ng ating mga pulpito. Ano ang resulta? Ang moral at espiritwal na anarkyang nakikita natin ngayon – iyan ang resulta!

Ang dokrtina ba ng taong patay sa kasalanan ay inimbento ni Augustin? Hindi, ito’y hindi niya inimbento! Ang tao bilang walang pag-asa’t mahinang makasalanan ay itinuturo sa buong Bibliya. Sa mga araw ni Noe,

“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Sa Aklat ni Job nababasa natin na,

“Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala”
       (Job 14:4).

“Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?” (Job 15:14).

Sinabi ng Salmista,

“Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina” (Mga Awit 51:5).

“Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan” (Mga Awit 58:3).

Sinabi ni Haring Solomon,

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan”
      (Eclesiastes 9:3).

Sinabi ng propeta Jeremias,

“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?” (Jeremias 17:9).

At sinabi ng Apostol Pablo sa atin,

“Kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan… at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba”
       (Mga Taga Efeso 2:1, 3).

Muli, sa mga Taga Colosas, sinabi ng Apostol,

“Kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan”
      (Mga Taga Colossas 2:13).

Sinalakay ni Finney ang dokrtina ng taong patay sa kasalanan sa pamamagitan ng pag-uugnay nito kay Augustin. Gayon, gaya ng naipakita ko, ang doktrinang ito ay itinuro mula sa isang dulo ng Bibliya hangang sa kabilang dulo. Sa katunayan, ang mga ideya ni Finney ay nanggaling mula sa heretikong si Pelagius (A.D. 354-420). Ang kanyang heretikal na mga ideya ay nabubuhay na ng maraming mga siglo. Ang itinuro ni Finney ay Pelagianismo sa lubos nitong pwersa! Tayo’y manindigan sa mga doktrinang iyon na malinaw na itinuturo sa mga Kasulatan! Ang tao, sa isang di-muling-naipanganak na kondisyon, ay patay sa kasalanan! Ang tao ay hindi may sakit. Siya ay patay sa mga bagay ng Diyos!

“At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1).

“Tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan”
       (Mga Taga Efeso 2:5).

Ano pang mas lilinaw pa riyan? Wala na!

“Patay […] sa mga kasalanan” – hindi ba ito ang tunay na larawan ng tao sa kanyang natural na kalagayan? Sinabi ng dakilang si Spurgeon,

Pansinin ang bangkay: maari mo itong paluin, maari mo itong bugbugin, ngunit hindi ito hihiyaw; maari mo itong tambakan ng mga pasanin, ngunit hindi ito mapapagod; maari mo itong ikulong sa kadiliman, ngunit hindi nito mararamdaman ang kapanglawan. Kaya ang di napagbagong loob na tao ay kinargahan ng pasan ng kanyang kasalanan, ngunit hindi siya napapagod rito; siya ay ikinulong sa bilangguan ng hustisya ng Diyos, ngunit hindi siya hinihingal para sa kalayaan; siya ay nasa ilalim ng sumpa ng Diyos…ngunit ang sumpa ay hindi nagsasanhi ng kaguluhan sa kanyang espiritu, dahil siya ay patay…O! kung ika’y buhay, hindi ka kailan man mananahimik hangang sa ika’y maligtas mula sa poot na darating. Ang tao ay nanatiling walang malay sa mga espiritwal na mga bagay, at hindi nababahala ng mga ito dahil, sa espiritwal na pag-unawa, siya ay patay (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Resurrection With Christ,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, volume 14, pp. 207, 208).

Maari kang umupo sa simbahan at makarinig ng mga sermon na walang epekto sa iyo – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” Maari mong marinig ang paghihirap ni Kristo, Siyang nilatigo at ipinako sa Krus, at magkaroon ng di-tumatagal na pag-aalala – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” Maari mong marinig na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay at nagpakita sa Kanyang mga disipolo sa “pamamagitan ng maraming mga katunayan” (Mga Gawa 1:3) at hindi napapakilos sa kapangyarihan at kamahalan ng Kanyang muling pagkabuhay – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” Maari mong marinig ang tungkol sa Kanyang Dugo, na maaaring makalinis ng iyong mga kasalanan, at hindi maramdaman ang iyong pangangailangan para sa paglilinis – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” Maari mong marinig ang ibang magdasal ng may maalab na kasigasigan, at hindi makapagdasal na tulad niyan sa sarili mo – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” Maari kang bumili ng isang malaking, itim na Bibliya at basahin ito, ngunit ang mga salita ay walang buhay sa kanila; ang mga ito’y mga salita lamang sa iyo – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” Ang iba ay mayroong kaligayahan sa kanilang pananampalataya, ngunit walang kaligayahan sa iyo – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” Ang iba’y kilala si Kristo, at nagagalak sa pagkakakilala sa Kanya, ngunit hindi mo Siya kilala; ika’y puno ng pagdududa at mga takot – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” Ang iba’y magsasabi sa iyong lumapit kay Kristo, ngunit ang lahat na iyong masasabi, muli’t muli ay, “papano?” “Paano ako makalalapit sa Kanya?” Ang sagot ay tumatakas sa iyo at hindi mo ito naiintindihan – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.”

Sinasabi ko sa iyo ngayon na kung susubukan mong maligtas sa pamamagitan ng pagkakatuto nito ito’y palaging pareho. Hindi mo kailan man “matututunan” kung paano maligtas! Di kailan man, sa limam pung taon ng pag-aaral ng Bibliya—di mo kailan man matututunan kung paano maligtas – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.” At mas higit kang mag-aaral, at magtatanong, mas magiging malubha ka, patuloy tuloy hangang sa ang maliit na interest na mayroon ka ng minsan ay mawala, at uupo ka sa simbahan na walang pag-asa na ang kahit anong bagay ay magbabago kailan man – dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan” – “Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:7). At, sa wakas, ika’y mamamatay sa iyong mga kasalanan at mahahanap ang iyong sarili sa susunod na mundo, kung saan ika’y nasa pagdurusa, naitapon papalayo sa piling ng Diyos magpakailan man, sa desperasyon, sa mga apoy, na walang pag-asa, sa “pusikit ng kadiliman magpakailan man” (Judas 13) -- dahil ika’y “patay […] sa mga kasalanan.”

Ngunit ang teksto ay nagbibigay ng isang anagag ng pag-asa – at ang pag-asang iyan ay nakasalalay lamang sa awa at biyaya ng Diyos kay Kristo. Ito’y aking karanasan, at nanalangin ako na ito’y maging iyo rin. Salamat sa Panginoon, na yoong mga sa atin ay naligtas ay masasabi, na tayo ay ginawang mabuhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo!

II. Pangalawa, tayo ay ginawang buhay.

Magsitayo at basahin ang mga berso apat at lima ng malakas.

“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas)” (Mga Taga Efeso 2:4-5).

Maari ng magsi-upo.

O, pakinggan ito, makasalanan! Pakinggan ang pinagpalang mga salita ng Apostol, “Ngunit ang Dios.” Mayroong pag-asa sa mga salitang iyan! “Ngunit ang Dios.” Ika’y patay sa mga kasalanan, “ngunit ang Dios!” Papuri sa Kanya para sa mga salitang iyon! Lumukso’t sumayaw sa ligaya kapag marinig mo sila! “Ngunit ang Dios!” Maari nating magamit ang mga salitang iyan ng muli’t muli sa kasaysayan ng pananampalataya. Kapag ang mga bagay ay walang pag-asa, muli’t mulit ang Diyos Mismo ang namamgitan, at maaring masabi, sa mga salita ng Mga Taga Efeso 2:4, “Ngunit ang Dios!”

Ang buong mundo ay nasira ng kasalanan na sinabi ng Diyos, “Lilipulin ko ang tao na aking nilalang” (Genesis 6:7). “Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon” (Genesis 6:8). “Ngunit ang Dios” ay namagitan at iniligtas si Noe at ang kanyang pamilya mula sa matinding Baha. Ang mga anak ng Israel ay naghinagpis at dumaing sa ilalim ng pagka-alipin sa ilalim ng Paro, sa Ehipto. Ngunit sinabi ng Diyos kay Moses, “Aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio, at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan: At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio” (Exodo 6:6-7). “Ngunit ang Dios.” Sa panahon ng mga Hukom, ang mga anak ng Israel ay “huminang totoo dahil sa Madian” (Mga Hukom 6:6). Ngunit ang Diyos ay nagpunta kay Gedeon habang siya’y nagpapalo ng trigo “upang itago sa mga Madianita” (Mga Hukom 6:11). “At sinabi ng Panginoon [kay Gedeon], Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake” (Mga Hukom 6:16). At si Gedeon ay sumigaw, “Tumindig kayo; sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian” (Mga Hukom 7:15).

“Ngunit ang Dios.” Si Hesus ay dinakip, binugbog, at pinako sa isang krus, namatay at inilibing sa isang selyadong libingan. Ngunit ibinangon Siya ng Diyos mula sa pagkamatay, “Siya'y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag” (Mga Gawa 10:40). “Ngunit ang Diyos.” Ang punong saserdote at kanyang mga alagad ay dinala ang mga Apostol at ikinulong sila “sa bilangguang bayan” (Mga Gawa 5:18) upang patigilin sila mula sa pangangaral ng Ebanghelyo. “Datapuwa't nang gabi na ay binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan…at sinabi, Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa templo, at sabihin ninyo sa bayan ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito” (Mga Gawa 5:19, 20). “Ngunit ang Dios” ay nagbukas ng pintuan ng bilangguan at binasbasan ang kanilang pangangaral.  .

Muli’t muli, sa buong Bibliya, tayo ay binigyan ng mga halimbawang sunod-sunod ng awa ng Diyos.

“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas)” (Mga Taga Efeso 2:4-5).

At dahil ang Diyos ay naawa sa araw ni Noe, at sa araw ni Moses, at sa araw ni Gedeon, at sa araw ng mga Apostol, at sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo – hindi mo ba naiisip na maari Siyang maawa sa iyo?

“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas)” (Mga Taga Efeso 2:4-5).

Tignan at masdan yoong mga “binuhay” sa paligid natin. Tignan at masdan yoong mga kinuha mula sa pagkamatay, at ginawang buhay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos kay Kristo! Tignan – ang lahat ng ating mga diakono, lahat ng mga pinuno ng ating simbahan – lahat sila minsan ay “patay […] sa mga kasalanan.” Gayon, ngayon, tignan at masdan – sila’y “binuhay na kalakip ni Cristo” – ginawang buhay kay Kristo – naligtas sa pamamagitan ng biyaya! Sinong makakapagsabing hindi sila “binuhay na kalakip ni Kristo”? Sinong makakapagduda na sila’y muling nabuhay mula sa pagkamatay “kalakip ni Kristo”? Sinabi ni Spurgeon,

Kawawang Marta ay lubusang nagulat na pinabangon ni Kristo ang kanyang kapatid [si Lazarus] mula sa pagkamatay, ngunit sinabi niya, na para bang upang mas gulatin pa siya, “At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?” (Juan 11:26). Ito ay isa sa mga bagay na ating dapat paniwalaan, na kapag ating natanggap ang espiritwal na buhay, ito’y sa pagsasama sa buhay ni Kristo, at dahil diyan hindi tayo kailan man mamamatay (isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 214).

Oo! “Hindi kailan man mamamatay!” Tinatanggihan namin ang huwad na salaysay ni Finney tungkol sa mga naipanganak muli. Sinabi ni Finney, “Sila’y malinaw na naka-aalam, na ang kanilang kaligtasan ay kondisyonal sa kanilang pagpupursigi sa kabanalan hangang sa katapusan. Sila ay tinatawag…upang matakot…upang hindi maging ligaw” (isinalin mula kay Charles G. Finney, Finney’s Systematic Theology, Bethany House Publishers, 1994 reprint of 1878 edition, p. 546). Oo, sinabi ni Finney na ang isang ligtas na tao ay maaring mawala ang kanyang kaligtasan! Sa katunayan, sinabi ni Finney na ang isang Kristiyano ay maaring mahulog mula sa Langit at mawala ang kanyang kaligtasan, pagkatapos niyang mamatay! Narito ang saktong pagsisipi mula sa teolohiyang aklat ni Finney, “Ang mga santo sa langit ay sa pamamagitan ng natural na posibiledad ay maaring maging taong ganap na tumalikod sa pananampalataya at mahulog, at maging ligaw” (isinalin mula kay C. G. Finney, ibid., p. 508). Oo, sinabi ni Finney na ang isang Kristiyano ay maaring mahulog mula sa Langit at maging ligaw!

Ito ay Pelagianong erehya. Tinatangihan namin ito! Siyang napagbagong loob ay di maaring maging “di-napagbagong loob.” Siyang naipanganak muli at hindi maaring maging “di naipanganak muli”!

“Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay [ng Diyos] na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas)” (Mga Taga Efeso 2:5).

“Na minsang natanggap ang banal na buhay, hindi niya kailan man mawawala ito. Hindi tayo bubuhayin ng Diyos sa panloob na buhay, at pagkatapos ay iiwanan upang mamatay…Hindi Siya magliligtas ngayon, at magsusumpa bukas…Luwalhati sa Diyos, tapos, ikaw na nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo ay bubuhay ng isang imortal na buhay…magalak rito, at ibigay sa Diyos ang lahat ng iyong papuri!” (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 215). Ngunit mayroon isa pang punto. Tayo ay patay. Tayo ay ginawang buhay. Ngunit,

III. Pangatlo, tayo ay ibinangon.

Magsitayo at basahin ang mga berso lima at anim ng malakas.

“Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus”
     
 (Mga Taga Efeso 2:5-6).

Maari ng magsi-upo.

Tinatanong ako ng mga tao, “Paano ako lalapit kay Kristo?” Sila’y nalilito dahil alam nila kung nasaan si Kristo – sa itaas sa Pangatlong Langit (II Mga Taga Corinto 12:2). Alam nilang si Kristo ay naroon, sa itaas sa atmospera, lampas ng mga bituin ng kalawakang ito, sa lugar na tinawag Niyang “paraiso” (Lucas 23:43). Nabasa nila sa Bibliya na naroon si Kristo, naka-upo sa kanang kamay ng Diyos. “Paano ako aakyat doon?” tanong nila. “Paano ako makalalapit kay Kristo doon sa itaas – sa ibang mundo?”

Siyempre, ang sagot ay malinaw. Hindi ka makapupunta roon mag-isa! Ngunit ang “desisiyonismo” ay bumulag sa marami. Iniisip nila na maari silang lumapit kay Kristo sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap! Iyan ang dahilan na sila’y nadarapa kapag nababasa nila ang Juan 6:44,

“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw” (Juan 6:44).

Hindi sila nagugulo sa paniniwala na ang Diyos ang magdadala sa kanila upang makatagpo si Kristo sa himapapawid sa Pagdagit (tignan ang I Mga Taga Tesalonica 4:16-17; I Mga Taga Corinto 15:51-53). Gayon mayroon silang isang matinding pagkakagulo sa paniniwala ng parehong bagay pagdating sa kaligtasan! Ngunit ang parehong bagay ay naroon, para mabasa ng lahat, sa Juan 6:44,

“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw” (Juan 6:44).

Ang parehong makapangyarihang kapangyarihan ng Diyos, na magdadala sa mga Kristiyano upang makatagpo si Kristo sa himpapawid, ay dapat ngayon magdala sa iyo kay Kristo sa kanang kamay ng Diyos! Ang Diyos ang magdadala sa isang makasalanan kay Kristo – hindi ang makasalanan mismo – ngunit ang Diyos. “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang [Ama].” Ito’y tulad ng Pagdadaglit – lamang ito’y nangyayari ngayon – kapag lalapit ka kay Kristo! Pagkatapos, sa nakamamanghang sandaling iyon, ang Mga Taga Efeso 2:6 ay mangyayari! Tignan ito! Tumayo at basahin ito ng malakas!

“At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:” (Mga Taga Efeso 2:6).

Maari ng magsi-upo.

Siinabi ni Dr. Hendriksen sa bersong iyan, “Tayo mismo ay…ginawang buhay, ibinangon, at inilagay sa mga sangkalangitang lugar” (Isinalin mula kay William Hendriksen, Ph.D., New Testament Commentary, Baker Book House, 1981 inilimbag muli, p. 118; sulat sa Mga Taga Efeso 2:6). Inilagay ito ng The Reformation Study Bible na tulad nito,

…ginawa tayong buhay…ibinangon tayo…pina-upo tayo. Ang mga ito’y mga makasaysayang pangyayari sa buhay ni Kristo: Ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay at paglalagay sa trono sa kanang kamay ng Diyos. Ngunit ginagamit rin ni Pablo ang mga ito sa kung anong nangyayari sa mga nananampalataya. Si Pablo ay nagtuturo ng pag-uugnay sa pagitan ni Kristo at ng mga lumalapit sa Kanya…upang ang sinabi tungkol sa Tagapagligtas ay maaring masabi rin sa mga naligtas (isinalin mula sa The Reformation Study Bible, Ligonier Ministries, 2005, p. 1706; sulat sa Mga Taga Efeso 2:5, 6).

Ang paglapit kay Kristo ay nagagawang posible lamang sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ng Diyos, na nagdadala sa ating kaluluwa kay Kristo kapag tayo ay napagbagong loob!

Ngayon anong dapat mong gawin, kung ikaw ay nawawala pa rin? Sinabi ni Hesus, “Magpilit kayong magsipasok” (Lucas 13:24). Basahin at muling basahin ang mga sermong ito. “Magpilit” sa lahat ng iyong pakatao upang “[makapasok].” “Magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan” (Lucas 11:9). Ang mga Griyegong salita ay nagsasabi sa ating “magpatuloy kumatok, magpatuloy mananalangin.” Magdasal ng madalas hangga’t maari para gisingin ng Diyos ang iyong makasalanang, nawawalang kalagayan. Magdasal na Kanyang buhayin ang iyong kaluluwa, gawin kang buhay, at dalhin ka kay Kristo. Isipin ang mga katakutan ng Impiyerno, at walang hangganang wala si Kristo. “Magpilit kayong magsipasok” at ang Diyos ay “[bubuhay sa iyo] na kalakip ni Cristo”…at ibabangon ka sa “makalangitang lugar kay Kristo Hesus.” Naway ang maligayang sandaling iyan ay malapit ng dumating sa iyo! Naway malapit ka nang gawing buhay – na dinala sa itaas sa “makalangitang mga lugar kay Kristo Hesus.” Naway ikaw, na patay sa mga kasalanan, ay maranasan ang muling pagkabuhay ngayon! Naway maipanganak kang muli sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos kay Kristo! Amen.

“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas) At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus”
       (Mga Taga Efeso 2:4-6).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Efeso 2:1-7.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Lumapit, Kayo mga Makasalanan.” Isinalin mula sa
“Come, Ye Sinners” (ni Joseph Hart, 1712-1768; sa tono ng
“Yes, I Know” ni Anna W. Waterman, 1920).


ANG BALANGKAS NG

MULING PAGKABUHAY NGAYON!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas) At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:4-6).

(Mga Taga Efeso 2:1)

I.   Una, tayo ay patay, Mga Taga Efeso 2:1; Genesis 6:5; Job 14:4:
Job 15:14; Mga Awit 51:5; Mga Awit 58:3; Eclesiastes 9:3;
Jeremias 17:9; Mga Taga Efeso 2:1, 3; Mga Taga Colosas
2:13; Mga Taga Efeso 2:1, 5; Ang Mga Gawa 1:3;
II Kay Timoteo 3:7; Judas 13.

II.  Pangalawa, tayo ay ginawang buhay, Mga Taga Efeso 2:4-5;
Genesis 6:7, 8; Exodo 6:6-7; Mga Hukom 6:6, 11, 16, 7:15;
Ang Mga Gawa 10:40; Ang Mga Gawa 5:18, 19, 20;
Juan 11:26.

III. Pangatlo, tayo ay ibinangon, Mga Taga Efeso 2:5-6; II Mga Taga
Corinto 12:2; Lucas 23:43; Juan 6:44; I Mga Taga Tesalonica
4:16-17; I Mga Taga Corinto 15:51-53; Lucas 13:24; 11:9.