Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MULING PAGKABUHAY NI KRISTO SA LUMANG TIPAN THE RESURRECTION OF CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:27). |
Dalawang mga disipolo ay naglalakad pappunta sa barrio ng Emaus. Ito’y Linggo ng hapon – ang araw na bumangon si Hesus mula sa pagkamatay. Habang sila’y naglalakad si Hesus ay lumapit at sumama kasama nila. Hindi nila Siya namukaan sa simula. Tinanong Niya sila kung anong pinag-uusapan nila at bakit sila napaka lungkot. Sinabi nila na akala nila na ililigtas ni Kristo ang Israel, ngunit imbes Siya ay ipinako sa krus at namatay. Sinabi rin nila na ilang mga kababaihan ay nagpunta sa Kanyang libingan mas maaga sa araw na iyon. Sinabi ng mga kababaihan sa kanila na si Kristo ay buhay. Ang dalawang mga disipolong mga ito ay hindi pa rin natanto na ang kinakausap nila ay ang muling nabuhay na si Kristo. Pinagsabihan Niya sila dahil sa kanilang di paniniwala,
“At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta!: Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian” (Lucas 24:25-27).
Hindi pa rin nila natanto na ang pinakikinggan nila ay ang muling nabuhay na Kristo hanggang sila’y huminto upang kumain ng hapunan. Tapos si Kanya’y [si Hesus],
“…dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito'y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila…” (Lucas 24:30-31).
Sa pinaka araw na siya’y namatay, itinala ni Dr. M. R. DeHaan ang mga salitang ito para sa kanyang tanyag na Klase sa Bibliya sa Radyo. Ito ang mga huling salita ni Dr. DeHaan na ipinangaral sa radio.
Habang dinampot ni Hesus at pinagputolputol Niya ito at ibinigay sa kanila, nakita nila ang mga markang nagpapakilala sa Kanya – ang mga sugat sa Kanyang mga kamay. Habang ipinapasa Niya ang tinapay sa kanila nakita nila ang Kanyang mga kamay. Ang mga nasugatang mga kamay ni Hesus ay ang Kanyang pagkakakilanlan (isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., Portraits of Christ in Genesis, Zondervan Publishing House, 1966 edition, p. 55).
Hindi ko pa nabasa iyan saan man, ngunit ito’y mukhang mainam na paliwanag kung ano ang nangyari. Ngunit kahit na si DeHaan ay tama doon mayroon isang higit sa natural na katangian sa katunayan na “nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila” (Lucas 24:31). Kinakailangan ng kapangyarihan ng Diyos upang maliwanagan “ang mga mata ng [ating pagkaintindi]” (Mga Taga Efeso 1:18).
Ang ipaliwanag na ito, gayon, ay nagpapakita sa atin kung paano nagpunta ang mga taong ito sa Kanya. At ito’y isang larawan kung paano lahat ng mga Kristiyano ay napupuntang makilala si Kristo. Una, nangaral Siya sa kanila mula sa mga Kasulatan (Lucas 24:27). Pangalawa, “nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila” (Lucas 24:31). Ngunit, bago pa na ang kanilang mga mata ay mabuksan, sinabi sa kanila ni Hesus,
“…Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta: Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan”
(Lucas 24:25-27).
Nagsimula si Hesus sa mga isinulat ni Moises, at tapos ay nagpatuloy sa Lumang Tipang mga Kasulatan, “ipinaaninaw [ipinapaliwanag] niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga [Lumang Tipang] kasulatan” (Lucas 24:27). Nagsimula Siya siguro sa aklat ng Genesis, na isinulat ni Moises, dahil tayo ay sinabihan na Siya ay nagsimula sa mga isinulat ni Moises, at nagpatuloy sa ibang mga Lumang Tipang mga Kasulatan, ipinapaliwanag “sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:27). Kung gayon tayo ay magpupunta sa Lumang Tipan at ipapakita ang ilan sa mga bagay na maaring itinuro ni Kristo sa kanila tungkol sa Kanyang pagpapako sa krus, at lalo na sa Kanyang muling pagkabuhay.
I. Una, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay ipinahihiwatig sa Kanyang gawain ng paglilikha.
“Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa”
(Genesis 1:1).
Diyan, sa unang mga salita ng Genesis, nakikita natin si Kristo bilang Tagapagligtas ng langit at lupa. Ang Bagong Tipan ay nagsasabi sa atin,
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya” (Juan 1:1-3).
Ang dakilang Manlilikha, ang Salita ng Diyos, ay si Hesu-Kristo. Ito’y ipinapakitang malinaw sa Juan 1:14,
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
Ang paglilikha ni Kristo ay malapit na nakakabit sa Kanyang muling pakgbuhay mula sa pagkamatay sa Mga Taga Colosas 1:16-18.
“Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya [at para sa kaniya]: At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia: na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan”
(Mga Taga Colosas 1:16-18).
Siyang mayroong kapangyarihan upang ilikha ang “lahat ng mga bagay” ay ang “panganay sa mga patay” rin (Mga Taga Colosas 1:18). Ang Kanyang kakayahang likahain ang sanglibutan ay malakas na ipinapahiwatig ang Kanyang kapangyarihan upang bumangon mula sa pagkapatay. Walang duda na sinabi ito ni Hesus doon sa mga kinausap Niya doon sa kalye papunta sa Emmaus.
“At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:27).
II. Pangalawa, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay inilarawan si Adam.
Si Kristo, ang huling Adam, ay natulog sa libingan, habang ang simbahan ay inalis mula sa Kanyang tabi. Ito ay inilarawan ni Eba na inaalis mula sa tabi ni Adam.
“At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon; At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake” (Genesis 2:21-22).
Ito ay isang larawan ni Kristo at ng simbahan.
“Sapagka't tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan, [ng kanyang laman, at ng kanyang buto]. Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman. Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia” (Mga Taga Efeso 5:30-32).
Natulog si Adam. Kinuha ng Diyos si Eba mula sa kanyang tagiliran. Sinasabi ng sulat sa Scofield, “Si Eba, isang uri ng simbahan ang babaing ikakasal ni Kristo” (isinalin mula sa sulat sa Genesis 2:23). Si Kristo ay natulog sa pagkamatay sa loob ng tatlong mga araw sa libingan. Sinabi ni Dr. DeHaan, “Ang kanyang tagiliran ay nabuksan, at ang nakalilinis na tubig at Kanyang nakapagpapatunay na dugo ay umagos. Ang Simbahan, tulad ni Eba, ay isang bagong nilikha” (isinalin mula kay DeHaan, ibid., p. 33). Ang Simbahan, tulad ni Eba, ay isang bagong nilikha” (isinalin mula kay DeHaan, ibid., p. 33). Gayun din, si Adam ay gumising pagkatapos na si Eba ay kinuha mula sa kanyang tagiliran, na naglalarawan kay Kristo, ang huling Adam, na bumabangon mula sa pagkamatay.
“Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia”
(Mga Taga Efeso 5:32).
III. Pangatlo, ang muling pagkabuhay ni Kristo sa protevangelium.
Lahat ay sumasang-ayon na ang Genesis 3:15 ay ang protevangelium, ang unang pagbabanggit ng Ebanghelyo. Ito’y nakatututok kay Satanas. Sinasabi nito,
“At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong” (Genesis 3:15).
Ang “binhi” ng babae ay si Kristo, dahil ang salitang “binhi” ay hindi kailan man, sa kahit saang lugar sa Lumang Tipan, na ito’y tumutukoy sa isang babae. Ang “binhi” ng babae ay si Kristo,
“Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel”
(Isaias 7:14).
“At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong” (Genesis 3:15).
Tapos, din, ang pagkabugbog ng sakong ni Kristo ay hindi magiging nakamamatay, ngunit ang pagkabugbog ng ulo ni Satanas ay nakamamatay. Sinabi ni Dr. DeHaan, “Ang sakong ng Tagapagligtas ay nabugbog sa Kanyang unang pagdating, ngunit ang ulo ni Satanas ay madudurog sa Kanyang pangalawang pagdating” (Isinalin mula kay DeHaan, ibid., p. 64). Narito, gayon, sa unang pagbanggit sa Ebanghelyo, mayroon tayong larawan ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay.
“At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:27).
IV. Pang-apat, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay inilarawan sa pagpaparay ni Abraham kay Isaac.
Sinabi ng Diyos kay Abraham na kunin ang kanyang anak na si Isaac at ialay sa kanya bilang sakripisyo sa Bundok ng Moriah. Ngunit noong sila’y nakarating sa lugar ng pag-aalay,
“…itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata, at nagmalas, at narito, ang isang tupang lalake, sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay: at pumaroon si Abraham, at kinuha ang tupa, at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak” (Genesis 22:13).
Ang Bagong Tipan ay nagsasabi sa atin na si Isaac na naligtas mula sa pagkamatay ay isang larawan ng muling pagkabuhay,
“Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi: Na inisip na maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang halimbawa” (Mga Taga Hebreo 11:18-19).
Tiyak na itinuro ni Hesus ang pagkakatulad na ito sa Kanyang sariling muling pagkabuhay mula sa pagkamatay noong kinausap niya yoong mga naglalakbay sa Emmaus.
“At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:27).
V. Panlima, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay inilarawan sa
buhay ni Jose.
Ang mga kapatid ni Jose ay naiinggit sa kanya. Itinapon nila siya sa isang hukay. Tapos hinila nila siya palabas ng hukay at ibinenta siya sa pagka-alipin sa Egipto. Doon sa Egipto ibinangon ng Diyos si Jose sa dakilang kabantogan. Ilang taon maya-maya, noong ang kanyang mga kapatid ay naggugutom, sila’y nagpunta kay Jose. Pinakain niya sila at iniligtas ang kanilang mga buhay. Tapos ay sinabi niya sa kanyang mga kapatid,
“At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas. Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios…” (Genesis 45:7-8).
“At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; nguni't ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito, na iligtas ang buhay ng maraming tao” (Genesis 50:20).
Sa kanyang kapitulo, “Ang Ganap na Anti-tipo,” [“The Perfect Antitype”] sinabi ni Dr. DeHaan, “Ang kwento ni Jose ay walang dudang ang pinaka malinaw na uri ng …pagpaparangal ni Kristo na mahahanap saan man sa Lumang Tipan” (isinalin mula kay DeHaan, p. 178). Gaya ni Jose na ipinangaralan sa isang mataas na posisyon sa Egipto, upang mabigyang buhay ang kanyang mga kapatid, gayun din na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay upang magbigay ng buhay sa mundo!
Sa puntong ito nakakita na tayo ng iba’t ibang mga uri at larawan ng muling pagkabuhay ni Hesus sa mga isinulat ni Moises, sa aklat ng Genesis. Maari tayong magpatuloy- tuloy, sa pagbibigay ng uri kada uri na nagpapakita ng propetikal na muling pagkabuhay ni Kristo. Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang Lumang Tipan ay may maraming pagpapahiwatig sa hinaharap na muling pagkabuhay ni Kristo na maaring hindi mapansin ng isang karaniwang mangbabasa” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Resurrection of Jesus Christ, Sword of the Lord Publishers, 1953, p. 16). Sa pangaral na ito makabibigay lang ako ng isa pa sa mga uring ito, itong mga propetikong mga larawan ni Hesus na bumabangong pisikal mula sa hukay. Ang propetikong larawan na iyan ay nasa Lumang Tipan ng aklat ni Jonah.
VI. Pang-anim, ang muling pagkabuhay ni Kristo na inilarawan ni Jonas.
Si Jonas ay tumatakbo mula sa tawag ng Diyos sa kanyang buhay. Itinapon siya sa dagat at nilunok ng isang dagat halimaw. Ngunit, pagkatapos ng tatlong araw, kinausap ng Diyos ang nilalang na iyan “at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa” (Jonas 2:10). Lubos akong sumasang-ayon sa sinabi ni Dr. McGee tungkol rito,
…ang tiyan ng isda ay ang kanyang libingan, at ang isang libingan ay isang lugar para sa mga patay – at hindi ka maglalagay ng isang buhay na tao sa isang libingan. Napansin ni Jonas na siya ay mamamatay sa isdang iyon at na maririnig siya ng Diyos at ibabangon siya mula sa pagkamatay (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan III, p. 749; sulat sa Jonas 2:2)
Sinabi ni Dr. DeHaan ang parehong bagay na sinabi ni Dr. McGee, at sinabi rin ni Dr. Henry M. Morris -- at naniniwala ako na sila’y saktong tama. Si Jonas ay namatay sa loob ng dagat halimaw, ngunit ibinangyon siya ng Diyos mula sa pagkamatay. Sinasabi sa atin ng aklat ni Jonas na si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng dagat halimaw “na tatlong araw at tatlong gabi” (Jonas 1:17).
Nagsalita ang Panginoong Hesu-Kristo tungkol rito bilang isang literal na pagpapaliwanag kung anong nangyari kay Jonas. At si Kristo ay nagsalita patungkol sa nangyari kay Jonas sa dalawang magkaibang pagkakaton (Mateo 12:39-40; Mateo 16:4). Ibibigay ko sa inyo ang una sa dalawang ito,
“Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas: Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena [isda] na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao” (Mateo 12:39-40).
Ang nag-iisang punto na aking ilalabas ngayong umaga ay ang muling pagkabuhay ni Jonas mula sa pagkamatay, pagkatapos ng tatlong mga araw sa loob ng dagat halimaw, ay isang propetikong larawan ng Lumang Tipan ng muling pagkbuhay ni Kristo mula sa pagkamatay. Tiyak na iyan ang isa sa mga bgay na sinabi ni Hesus doon sa mga disipolo sa kalye ng Emmaus!
“At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:27).
Ngunit ngayon lalampasan natin ang mga uri at mga larawang ito patungo sa dalawang malinaw na mga pahayag tungkol sa muling pagkabuhay ni Hesus sa Mga Awit. At gusto kong tignan ninyo ang mga ito. Paki bukas sa Lumang Tipan sa Mga Awit 16:8-10.
VII. Pangpito, ang muling pagkabuhay ni Kristo na hinulaan sa
Mga Awit 16.
Ngayon magsitayo at basahin ng malakas ang Mga Awit 16:8-10.
“Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay. Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa [impiyerno]; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan” (Mga Awit 16:8-10).
Peter said, Maari nang magsi-upo. Ang salitang “impiyerno” sa berso 10 ay nangangahulugang “ang libingan” sa kontekstong ito. Tayo ay malinaw na sinabihan na hindi iniwan ng Diyos ang Kanyang “banal” – ang Mesiyas na si Hesus, sa libingan – at na hindi hahayaan ng Diyos ang katawan ni Hesus na “makakita ng kabulukan.” Ang mga salitang iyan ay payak at malinaw sa pahina ng Kasulatan. At, sa Araw ng Pentekosts, ang Apostol Pedro ay nangaral sa mga ito, gaya ng inyong pagkabasa sa mga ito. Sinabi ni Pedro,
“Sinasabi ni David tungkol sa kaniya [si Hesus], Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan, Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos: Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila; Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa: Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa [impiyerno], Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay; Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha”
(Mga Gawa 2:25-28).
At tapos sinabi ng Apostol,
“Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan” (Mga Gawa 2:31).
Sinabi ni Dr. Rice, “Dito nahulaan natin sa Lumang Tipan ang pakiramdam ni Kristo mismo, nagagalak na…ang Kanyang laman ay makapapahinga sa pag-asa, nalalaman na [ang Diyos] Ama ay hindi iiwan ang Kanyang kaluluwa sa pagkamatay, at ang Kanyang katawan ay hindi makakikita ng kabulukan, kundi ibabangon mula sa libingan. Ang katawan ni Hesus ay hindi kailan man nabulok, ay hindi kailan man babalik sa abo. Ang katawan [ni Hesus] ay ibabangon mula sa pagkamatay at pagkatapos ay matagumpay…na tataas sa Langit at ang parehong Tagapagligtas, sa parehong muling nabuhay na katawan, ay nasa [Langit] ngayon ay naghihintay para sa atin” (isinalin mula kay Rice, ibid., p. 15). Amen! Ngayon pakilipat sa Mga Awit 110:1.
VIII. Pangwalo, ang muling pagkabuhay ni Kristong
hinulaan sa
Mga Awit 110.
Magsitayo at basahin ang berso isa ng malakas.
“Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway” (Mga Awit 110:1).
Maari nang magsi-upo.
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris na “Ang Mga Awit 110:1 ay isinipi ng apat na beses sa Bagong Tipan (Mga Taga Hebreo 1:13)…Marcos 12:36; Lucas 20:42; Mga Gawa 2:34” (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishers, 1995, p. 655; sulat sa Mga Awit 110:1). Ang Mga Awit 110:1 ay nagpahiwatig ng mas maraming pang beses sa Bagong Tipan. Sinipi ng Apostol Pedro ang Mga Awit 110:1 sa kanyang dakilang sermon sa Araw ng Pentekostes,
“Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko, Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa. Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus” (Mga Gawa 2:34-36).
Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay. Siya na ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit!
Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay. Mayroong maraming mga propesiya ng muling pagkabuhay ni Kristo sa Lumang Tipang Kasulatan. Makabibigay lamang ako ng kaunti sa mga ito ngayong umaga. Walang duda na si Kristo ay nagsalita patungkol sa mga ito sa mga disipolo sa kalye sa Emmaus sa unang Araw ng Muling Pagkabuhay na Linggo,
“At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta: Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:25-27).
Panalangin namin na ika’y hindi magiging “[makupad] ang […] pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta” tungkol sa muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo mula sa pagkamatay! Si Kristo ay hindi lamang bumangong pisikal mula sa pagkamatay. Siya ay pumaitaas pabalik sa Langit, at maari kang maidala sa Kanya sa pamamagitan ng Diyos, at “[paupuing] kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:6). Mangangaral ako patungkol riyan mamayang gabi, sa pangaral na pinamagatang, “Muling Pagkabuhay Ngayon!” (Ika-2 ng Mayo 2010, 6:00 PM). Naway madala ka kay Kristo. Naway mahugasan kang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Naway maipanganak kang muli. Naway magpunta ka kay Hesus at maging ligtas sa lahat ng panahon at buong walang hanggan! Magpunta kay Hesus at tanggapin ang kapatawaran ng kasalanan at walang hanggang buhay! Sinabi ni Hesus,
“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).
Naway magpunta ka kay Hesus. Kapag ika’y magpunta sa Kanya, hindi ka niya itataboy!
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 24:13-27.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Kristo’y Bumangon.” Isinalin mula sa
“Christ Arose” (ni Robert Lowry, 1826-1899).
ANG BALANGKAS NG ANG MULING PAGKABUHAY NI KRISTO SA LUMANG TIPAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:27). (Lucas 24:25-27, 30-31; Mga Taga Efeso 1:18) I. Una, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay ipinahihiwatig sa II. Pangalawa, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay inilarawan si III. Pangatlo, ang muling pagkabuhay ni Kristo sa protevangelium, IV. Pang-apat, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay inilarawan sa IV. Panlima, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay inilarawan sa buhay VI. Pang-anim, ang muling pagkabuhay ni Kristo na inilarawan ni Jonas, VII. Pangpito, ang muling pagkabuhay ni Kristo na hinulaan sa VIII. Pangwalo, ang muling pagkabuhay ni Kristong hinulaan sa |