Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI KRISTO AT ANG KANYANG KAPATID – ISANG MULING
PAGKABUHAY NA PANGARAL

CHRIST AND HIS BROTHER – A RESURRECTION SERMON

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga, Ika-25 ng Abril taon 2010

“[Pagkatapos] saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga
aposto” (I Mga Taga Corinto 15:7).


Maraming mga teorya tungkol sa muling pagkabuhay ni Hesus. Isa sa mga ito ay inihayag ni Dr. Hugh Schonfield sa isang aklat na tinatawag na The Passover Plot. Natatandaan kong binasa ito noong una itong lumabas noong 1965. Sinabi ni Schonfield na sinabihan ni Hesus si Joseph ng Arimathea na alisin ang Kanyang katawan mula sa libingan upang magmukha Siyang isang Mesiyas. Sinabi niya na ang mga muling pagkabuhay na pagpapakita ni Kristo ay mga kaso ng mga maling pagkatao – at na ang katapangan ng mga Disipolo pagkatapos ay dahil sa katunayan na ang panloloko ay lumoko sa kanila, at hindi mas higit ang kanilang nalalaman. Itinuro ni Dr. Norman Geisler ang mga pagkakamali sa kanyang aklat, When Skeptics Ask:

Ang pinaka dahilan ng problema ay “Bakit, kailan, at saan?” Bakit niya kukunin ang katawan? Wala talagang dahilan si Joseph…Kailan kaya niya maaring kinuha ito?...mayroong isang Romanong bantay na nakabantay sa harapan ng libingan (Mateo 27:62-66). Sa sumunod na umaga ang mga kababaihan ay dumating ng madaling araw (Lucas 24:1). Wala lang talagang pagkakataon. At kung kinuha niya ito, saan niya ito inilagay? Ang katawan ay di kailan man nahanap kahit na halos dalawang buwan ang lumipas bago nagsimulang mangaral ang mga disipolo. Ito’y maraming oras upang ilantad ang isang panloloko kung mayroon mang isa…Walang motibo, pagkakataon, o paraan upang suportahan ang teoryang ito, at hindi ito nagbibigay ng paliwanag ng pagpapakita ni Kristo sa Kanyang muling nabuhay na katawan (isinalin mula kay Norman L. Geisler, Ph.D. and Ronald M. Brooks, Th.M., When Skeptics Ask, Baker Books, 2001 edition, pp. 123-124).

Sinabi rin ni Dr. Geisler na,

Ang pinaka-nangingibabaw na pruweba na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay ay na Siya’y nakita ng higit sa 500 tao sa labin dalawang magkakaibang pangyayari. Ang salaysay na tulad ng isang kredo na nakatala sa I Mga Taga Corinto 15:3-5 ay mula sa pinaka maagang buhay ng simbahan, na nabuo sa loob ng ilang taon ng kamatayan ni Hesus. Dahil rito, ito’y mayroong dakilang makasaysayang pagka-katiwalaan (isinalin mula sa ibid., p. 125; cf. Gary R. Habermas, Ph.D., Ancient Evidence for the Life of Jesus, Thomas Nelson Publishers, 1984, pp. 125-126).

Isa sa pinaka-nangingibabaw na ebidensya ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay ay ang katunayan na,

“…napakita [Siya] kay Santiago” (I Mga Taga Corinto 15:7).

Sinasabi ng kumentaryo ni Dr. Gaebelein, “Ang Santiagong nabanggit sa berso 7 ay tiyak na hindi isa sa dalawang apostol na nagngangalan niyan…dahil ang buong grupo ng mga apostol ay binanggit na sunod at kasali ang dalawang ito dapat. Imbes, ito’y tiyak na ang kalahating-kapatid ng Panginoon (Matt. 13:33), kung sino ay, kasama ng kanyang mga kapatid, ay sinapian ang apostolikong grupo (Mga Gawa 1:14) at naging tanyag sa simbahan sa Jerusalem (Mga Gawa 15:13)…Ang lahat ng ebidensyang ito (berso 5-8) ay tinanggap ni Pablo mula sa mga saksing nakakita” (Isinalin mula kay Frank E. Gaebelein, D.D., General Editor, The Expositor’s Bible Commentary, Zondervan Publishing House, 1981 edition, volume 10, p. 282; sulat sa I Mga Taga Corinto 15:7).

Kaya ating masasabi, sa pamamagitan halos ng lahat ng mga kumentaryo, na ang Santiagong nakakita kay Hesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay ang kanyang kalahating-kapatid.

“…napakita [Siya] kay Santiago” (I Mga Taga Corinto 15:7).

Anong mas maiging ebidensya ang maari tayong magkaroon na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay? Isang taong hindi kilala si Hesus ay maaring posibleng maloko. Ngunit ang sariling kapatid ni Hesus ay hindi maloloko. Alam ng isang tao ang sarili niyang kapatid! Sa wakas, sila’y pinalaking magkasabay, at kilala ang isa’t-isa ng masinsinan simula pagkabata! Higit pa riyan, si Santiago ay naging di nanamapalataya, isang eskeptikong hindi naniniwala na si Hesus ay ang Mesiyas. Lalo pa nitong ginagawang kaakit-akit kapag babasahin natin ang,

“…napakita [Siya] kay Santiago” (I Mga Taga Corinto 15:7).

Tignan natin ang paliwanag ng testimono ni Santiago.

I. Una, si Santiago ay di nananampalataya.

Ginagawa itong malinaw ng mga Kasulatan na si Santiago ay nagsimulang di nananamapalataya. Hindi niya tinanggap ang kanyang kapatid na si Hesus, kahit bilang isang propeta – lalo hindi niya Siya tinanggap bilang ang Mesiya at Anak ng Diyos! Ang Ebanghelyo ng Marcos ay nagsasabi na ang mga tao ng Nazareth, ang bayang tirahan ni Hesus, ay tinanggihan Siya. Sinabi nila,

“Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila. At sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propetang di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak, at sa kaniyang sariling bahay. At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila. At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid” (Marcos 6:3-6).

Ang sarili Niyang mga kamag-anak, kasama ang Kanyang kapatid na si Santiago, ay hindi naniwala sa Kanya,

“At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya”
       (Marcos 6:6).

Ito’y malinaw na ang kalahating-kapatid ni Santiago ay hindi naniniwala sa Kanya. Tayo ay tiyak na sinasabihan sa Ebanghelyo ni Juan,

“…kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya” (Juan 7:5).

Sinabi ni Dr. John R. Rice sa bersong iyan na,

Ang mga kapatid ni Hesus – sina Santiago, Jose, Simon at Judas…ay hindi ligtas bago ng pagpapako sa krus (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Son of God, Sword of the Lord Publishers, 1976, p. 158; sulat sa John 7:5).

Tapos, muli, ang ika-labin dalawang kapitulo ng Mateo ay nagpapakita na ang Kanyang ina at apat na mga kapatid ay hindi pa rin naniniwala sa Kanya.

“Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap. At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid? At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid! Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina” (Mateo 12:46-50).

Sa mga bersong iyon ang ina at mga kapatid ni Hesus ay sumubok na istorbohin Siya habang Siya’y nangangaral. Sinabi ni Dr. Rice, “Ang mga kapatid na mga ito ay halatang hindi napagbabagong loob sa oras na ito at hindi naniniwala kay Hesus” (Isinalin mula kay John R. Rice., D.D., The King of the Jews, Sword of the Lord Publishers, 1980, p. 189). Si Santiago ay kasama sa mga ito – nasa isa di-napagbabagong kalagayan. Sinabi ni Dr. Rice na mayroong “isang pagkutya sa kanilang pagtanggi sa Kanyang pagproklama bilang ang Mesiyas” (Isinalin mula sa The Son of God, ibid.). Gayon, iiwanan natin si Santiagong kinukutya at tinatanggihan si Hesus ang kanyang kapatid.

II. Pangalawa, si Santiago ay napagbagong loob.

Noong sinubukang istorbohin ni Santiago ang pangangaral ni Hesus siya’y “nangakatayo sa labas” (Mateo 12:46). Ngunit pagkatapos na bumangon ni Kristo mula sa pagkamatay siya’y nasa loob! “At nang sila'y magsipasok sa bayan [sila’y kasama ni] Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya” (Mga Gawa 1:13-14). Si Santiago ay nasa loob, nasa pagpupulong ng pananalangin sa silid sa itaas pagkatapos bumangon ni Hesus mula sa pagkamatay! Si Santiago ay naroon, isa sa “mga kapatid niya.” Siya ay sa wakas napagbagong loob! Sinasabi ng The Illustrated Dictionary of the Bible,

Pagkatapos ng pagpapako sa krus ni Hesus, gayunman, si Santiago ay naging isang mananampalataya. Itinuturo ni Pablo na si Santiago ay isang saksi sa pagpapako sa krus ni Hesus (Isinalin mula sa The Illustrated Dictionary of the Bible, Herbert Lockyer, D.D., editor, Thomas Nelson Publishers, 1986, pahina 533).

Sinasabi ng The International Standard Bible Encyclopedia,

…ang mga binhi ng pagbabagong loob ay itinanim sa loob niya, dahil, pagkatapos ng pagpapako sa krus, nanatili siya sa Jerusalem kasama ng kanyang ina at mga kapatid, at binuo ang isa sa pinaka-unang grupo ng mga mananampalataya na “nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin” (Mga Gawa 1:14)… si Santiago ay isa sa pinaka-unang saksi ng muling pagkabuhay, dahil, pagkatapos na ipinakita ang Sarili ng bumangong Panginoon sa limang daan, “napakita kay Santiago” (Mga Taga Corinto 15:7 AV). Sa pamamagitan nito ang kanyang lumalagong pananampalataya at puno ng panalanging pag-asa ay nakatanggap ng kumpirmasyon (Isinalin mula sa The International Standard Bible Encyclopedia, Eerdmans, 1976, volume III, p. 1561).

Hindi natin alam kung kailan nakita ni Santiago si Hesus pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay. Ngunit ito’y pagkatapos na nakita si Kristo ng “limang daang kapatid na paminsan” (I Mga Taga Corinto 15:6).

“[Pagkatapos ay,] saka napakita kay Santiago”
      (I Mga Taga Corinto 15:7).

Hindi natin alam kung kailan iyan nangyari, ngunit ito’y pagkatapos na 500 mga tao ang nakakita sa bumangong si Kristo. Alam natin na si Santiago ay nasa silid sa itaas (Mga Gawa 1:4) – at nabilang kasama ng 120 na mga disipolo (Mga Gawa 1:15). Si Santiago ay napagbagong loob! Nakita niya ang kanyang kapatid pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay! Kung hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong kapatid, sinong maari mong pagkatiwalaan?

“[Pagkatapos ay,] saka napakita kay Santiago”
       (I Mga Taga Corinto 15:7).

III. Pangatlo, si Santiago ay naging isang Kristiyanong pinuno at isang martir.

Napaka tindi ng epekto ng pagkakakita niya sa kanyang kapatid, bumangon mula sa pagkamatay, na si Santiago ay naging isang Apostol, isang Kristiyanong pinuno, ang may-akda ng isa sa mga aklat sa Bagong Tipan, at isang martir. Si Santiago ay binanggit bilang isang pinuno ng simbahan sa Jerusalem, sa Mga Gawa 15:13 at Mga Gawa 21:18,

“At nang sumunod na araw ay pumaroon si Pablo na kasama kami kay Santiago; at ang lahat ng mga matanda ay nangaroroon” (Mga Gawa 21:18).

Si Santiago, na noon ay di nanamapalataya, ay ngayon naging isang pinuno ng simbahan sa Jerusalem! Siya na ngayon ay isang pastor ng unang Kristiyanong simbahan sa mundo!

Ngunit si Santiago ay isang napaka-mapagkumbabang tao. Sa sulat na isinulat niya sa Bagong Tipan, hindi niya tinawag ang sarili niyang isang Apostol, kahit na siya nga ay isa. Hindi niya tinawag ang sarili niya na kahit isang pastor, o pinuno. Lumipat sa aklat ni Santiago, kapitulo isa, berso isa. Narito ang isinulat ni Santiago. Magsitayo tayo at basahin ang bersong ito.

“Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat”
       (Santiago 1:1).

Maari ng magsi-upo.

Nariyan ay isang dakilang Kristiyanong paglalarawan ng kanyang sarili: “Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoong Jesucristo.” Pansinin na tinawag niya si Hesus na, “ang Panginoon Jesucristo.” Wala ng ibang mas mahusay na maka-aalam niyan kundi si Santiago. Sa wakas si Hesus ay kanyang sariling kapatid! At simpleng tinawag ni Santiago ang sarili niyang “alipin” ni Hesus. Paano dumating itong dakilang pagbabago sa kanyang buhay?

“[Pagkatapos ay,] saka napakita kay Santiago…”
       (I Mga Taga Corinto 15:7).

Nakita ni Santiago ang kanyang kapatid pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay. Sa katapusan ng kanyang buhay iprinoklama ni Santiago na kanyang nakita ang muling nabuhay na si Kristo, na kanyang tinawag na, “Panginoon Jesucristo” (Santiago 1:1).

Maari ba nating paniwalaan si Santiago? Siya ba ay isang mapagkakatiwalaang saksi sa muling nabuhay na Kristo? Oo siya nga – dahil isinuko ni Santiago ang kanyang pinaka buhay na iprinoproklama na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay. Siya ay isang saksing nakakita sa muling pagkabuhay ng kanyang kapatid!

Si Eusebius ay isang dalubhasa ng kasaysayan na nabuhay noong ika-apat na siglo. Tinawag ni Eusebius si Santiago na, “Santiago ang Matwid.” Sa kanyang kasaysayn ng unang simbahan, sinasabi sa atin ni Eusebius kung paano namatay si Santiago. Si Eusebius ay sumisipi mula kay Clement, na nabuhay mas maaga pa, sa unang siglo. Isinipi ni Eusebius si Clement patungkol kay Santiago,

Dahil sinasabi nila na si Pedro at Santiago at Juan pagkatapos ng pag-akyat ng ating Tagapagligtas, na parang mas pinili rin ng ating Panginoon, ay hindi nagsikap sumunod sa karangalan, ngunit pinili si Santiago ang Matwid na obispo ng Jerusalem…Ang Panginoon pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay ay nagbahagi ng karunungan kay Santiago ang Matwid at kay Juan at Pedro, at kanilang binahagian ang natitirang mga apostol, at ang natitirang mga apostol sa pitom-pu, na kung sinong ang isa ay si Barnabas… [Si Santiago] ay itinapon mula sa taluktok ng templo at binugbog sa kamatayan gamit ng isang batuta (Isinalin mula kay Eusebius, c. 260-340 A.D., “The Church History of Eusebius” in The Nicene and Post-Nicene Fathers, Eerdmans, 1982 inilimbag muli, volume I, p. 104).

Narito ay isang paglalarawan ng kamatayan ni Santiago mula sa The New Encyclopedia of Christian Martyrs:

      Hinila nila si Santiago sa harapan ng isang matinding pulong at pinilit na kanyang ipagkait si Kristo. Sa kanilang pagkagulat si Santiago ay nanatiling kalmado at nagpakita ng di-inaasahang kapayapaan sa harapan ng naghahamong pulong. Bukas na idineklara ni Santiago na ang ating Tagapagligtas at Panginoong, Hesus, ay sa katunayang ang Anak ng Diyos…
      Sinasabi sa atin ni Clement na kanilang dinaklot si Santiago, at itinapon siya sa kuta [ng templo] at pagkatapos ay hinambalos sa kamatayan…
      Pinilit ng mga Eskriba at mga Fariseo si Santiagong tumayo sa kuta ng Santuwaryo at sumigaw sa kanyang, “Matwid na isa, kaninong testimono ang dapat namin tanggapin, dinadala mo sa pagkaligaw ang mga tao at inuudyok silang sundan si Hesus, na napako sa krus…” Si Santiago ay sumigaw ng pabalik, “Bakit ninyo ako tinatanong ng ukol sa Anak ng Tao? Siya’y naka-upo sa langit sa kanang kamay ng Dakilang Kapangyarihan, at siya’y babalik sa kalingitang mga ulap.”
   Marami sa pulong [sa ibaba] ay nakumbinsi sa mga salita ni Santiago, at sumigaw ng, “Hosana sa Anak ni David.”
      Natanto ng mga Eskriba at mga Fariseo na nagkamali sila…nagkamali sila sa pagpahintulot kay Santiagong tumestigo tungkol kay Hesus…Kaya itinapon nila [siya] sa ibabaw ng kuta, at pagkatapos ay hinambalos siya, dahil hindi siya napatay ng pagbagsak. Si Santiago ay…nanalangin, “Panginoong Diyos at Ama, nananalangin ako sa iyo, patawarin mo sila; hindi nila alam ang ginagawa nila.” Kaya ang Matwid ay namartir. Siya ay inilibing kung saan siya bumagsak at ang kanyang lapida ay nanatili roon (isinalin mula sa The New Encyclopedia of Christian Martyrs, Baker, 2001, p. 23).

Isinuko niya ang kanyang buhay para kay Hesus dahil,

“[Pagkatapos ay,] saka [Siya’y] napakita kay Santiago…”
      (I Mga Taga Corinto 15:7).

Sa katapusan ng kanyang buhay,

“Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo…”
       (Santiago 1:1).

Iniisip mo bang nakita talaga ng taong ito si Kristo pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay? Maari mo bang pagkatiwalaan ang saksi ng taong ito na isinuko ang kanyang buhay para kay Hesus? Mapaniniwalaan mo ba na nakita niya ang kanyang kapatid, si Hesus, pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay? At kung mapagkakatiwalan mo ang testimono ni Santiago, mapagkakatiwalaan mo ba si Hesus Mismo? Mapagkakatiwalaan mo ba si Hesus gaya ni Santiago? “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Panalangin namin na makatagpo mo rin ang bumangong Kristo – at maligtas!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Mga Taga Corinto 15:1-8.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Kristo ay Bumangon.” Isinalin mula sa
“Christ Arose” (ni Robert Lowry, 1826-1899).


ANG BALANGKAS NG

SI KRISTO AT ANG KANYANG KAPATID – ISANG MULING
PAGKABUHAY NA PANGARAL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“[Pagkatapos] saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga
aposto” (I Mga Taga Corinto 15:7).

(Mateo 27:62-66; Lucas 24:1; I Mga Taga Corinto 15:3-5;
Mateo 13:33; Mga Gawa 1:14; 15:13)

I.   Una, si Santiago ay di nananampalataya, Marcos 6:3-6; Juan 7:5;
Mateo 12:46-50.

II.  Pangalawa, si Santiago ay napagbagong loob, Mateo 12:46;
Mga Gawa 1:13-14; I Mga Taga Corinto 15:6, 7;
Mga Gawa 1:14-15.

III. Pangatlo, si Santiago ay naging isang Kristiyanong pinuno at
isang martir, Mga Gawa 15:13; 21:18; Santiago 1:1;
Mga Gawa 16:31.