Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TATLONG PATUNAY NG MULING
PAGKABUHAY NI KRISTO

THREE PROOFS OF CHRIST’S RESURRECTION

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-18 ng Abril taon 2010

“Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok” (Mga Gawa 26:26).


Sa ika-26 na kapitulo ng Mga Gawa itinatala ni Lucas ang pagbabagong loob na testimono ni Pablo sa pangatlong beses. Ang dahilan na ibinigay ito ni Lucas ng tatlong beses ay madaling maintindihan. Bukod sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, walang pangyayari sa kasaysayan ng Kristiyanismo na mas mahalaga kay sa sa pagbabagong loob ng Apostol Pablo.

Si Pablo ay inaresto dahil ipinangaral niyang,

“…sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay” (Mga Gawa 25:19).

At ngayon si Pablo ay tumayong, ang kanyang mga kamay ay nakagapos ng kadena, sa harapan ni Haring Agrippa. Si Agrippa ay isang Hudyo mismo. Kaya ipinagtanggol ni Pablo ang kanyang ipinangaral na nakabase sa Lumang Tipan ng mga propesiya ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ipinagtanggol rin ni Pablo ang kanyang sarili sa pagsasabi na alam na ni Haring Agrippa ang tungkol sa pagkaapako sa krus at muling pagkabuhay ni Kristo. Ang pagkapako sa krus at ang muling pagkabuhay ay naganap na ng halos tatlompung taong mas maaga. Bawat Hudyo’y alam ang tungkol rito, kasama si Haring Agrippa. Kaya sinabi ni Pablo,

“…nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok” (Mga Gawa 26:26).

“Sapagka’t ito’y hindi ginawa sa isang sulok.” Iyan ay isang karaniwang Griyegong kasabihan ng panahon. Ang komentaryo ni Dr. Gaebelein ay nagsasabing,

Ang pangangasiwa ni Hesus ay malawakang kilala sa Palestina, at ito’y narinig ni Agrippa. Ang kamatayan ni Hesus at muling pagkabuhay ay sapat na napatunayan, at ang Kristiyanong ebanghelyo ay ngayo’y naproklama na ng tatlong dekada. Tiyak na alam ng hari ang mga bagay na ito, “sapagka’t ito’y hindi ginawa sa isang sulok” (isinalin mula sa The Expositor’s Bible Commentary, Frank E. Gaebelein, D.D., General Editor, Zondervan Publishing House, 1981, volume 9, p. 554; sulat sa Mga Gawa 26:25-27).

Maraming mga tao ngayon ay iniisip na ang muling pagkabuhay ni Kristo ay isang malabong pangyayari na nalalaman ng iilang ignoranteng mangingisda. Ngunit wala nang mas malayo pa sa katotohanan! Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay nalalaman ng bawat Hudyo sa Israel, at ay napag-usap-usapan sa buong Romanong mundo ng malapit sa tatlong taon! Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay hindi naitagong isang sekreto!

“Sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok”
       (Mga Gawa 26:26).

Sinabi ni Dr. Lenski,

Lahat ng nasabi tungkol kay Hesus ay ipinagpangasiwa sa pinaka kapital ng bansa, at ang Sanhedrin at ang [Romanong Gobernador] na si Pilato ay kasangkot, at si Hesus ay isang pambansang kinatawan, kung kaninong katanyagan ay pinuno pati ang mga nakapalibot na mga lupain. “Hindi ginawa sa isang sulok”… hindi isang malabong maliit na pangyayari na walang nakaka-alam, ngunit isang bagay na napakadakila at halaga, napaka-publiko at malawakan, na [si Haring] Agrippa ay naubligahang ibigay rito ang kanyang buong malaharing attensyon (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of the Acts of the Apostles, Augsburg Publishing House, 1961 edition, p. 1053; sulat sa Mga Gawa 26:26).

“Sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok”
       (Mga Gawa 26:26).

Ang mga kaaway ni Kristo ay nagkaroon ng tatlong dekada upang patunayan na hindi Siya bumangon mula sa kamatayan. At gayon man sila’y nabigo. Ano mang katindi nilang sinubukan, nabigong patunayan ng mga kaaway na si Hesus ay nanatiling patay pagkatapos Niyang napako sa krus. Sa panahong si Pablo ay nagsalita kay Haring Agrippa, libo-libong mga Hudyo, at sampung mga libong mga Gentil, ay nagproproklamang, “Si Kristo ay bumangong mula sa pagkamatay.”

Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay ang pundasyon ng Kristiyanismo. Kung ang katawan ni Hesus ay hindi bumangon mula sa libingan, walang basehan para sa Kristiyanong pananampalataya. Sinabi mismo ng Apostol Pablo,

“Kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya” (I Mga Taga Corinto 15:14).

Hindi kataka-takang ang mga kaaway ni Kristo’y sinubukang lubos na pasinungalingan ang Kanyang muling pagkabuhay! At gayon sila’y nabigo. Hindi ako sumasang-ayon kay Greg Laurie sa maraming mga bagay, ngunit sumasang-ayon ako sa kanya sa muling pagkabuhay ni Kristo. Nagbigay si Greg Laurie ng tatlong dahilan kung bakit ang mga kaaway ni Kristo ay nabigo – tatlong mga patunay para sa muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay (isinalin mula kay Greg Laurie, Why the Resurrection? Tyndale House Publishers, 2004, pp. 13-24). Ipapaliwanag ko ang mga ito sa ibang mga pangungusap.

“Sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok”
      (Mga Gawa 26:26).

I. Una, ang libingang walang laman.

Ang unang pruweba ng muling pagkabuhay ni Hesus ay ang libingang walang laman. Ang katunayan na walang laman ang libingan ni Hesus tatlong araw pagkatapos Niyang mamatay ay isa sa mga pruweba ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang lahat ng mga may-akda ng apat na mga Ebanghelyo ay lubos na sumasang-ayon na walang laman ang libingan ni Kristo tatlong araw pagkatapos Niyang mamatay. Maraming ibang mga saksi rin ay kumompirma na walang laman ang libingan.

Ang pinakalumang pag-atake sa muling pagkabuhay ni Kristo ay na mayroong nagnakaw na katawan ni Hesus. Ang mga punong saserdote

“…nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal, Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya’y kanilang ninakaw samantalang kami’y nangatutulog...Kaya’t kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili hanggang sa mga araw na ito” (Mateo 28:12-15).

Ngunit ang akusasyong ito ay hindi nakapagkumbinsi ng maraming mga tao. Maiging pag-iisip ang magsasabi sa iyo na hindi ninakaw ng mga Disipolo ang Kanyang katawan at nagkunwaring Siya’y muling nabuhay. Tatlong araw ng mas maaga tumakas ang mga Disipolo para sa kanilang mga buhay noong si Kristo ay dinakip at ipinako sa krus. Ito’y lubusang di posible na ang mga matatakuting mga kalalakihang ito ay nakakuha ng sapat na tapang upang nakawin ang katawan ni Hesus – at tapos ay magsimulang walang takot na mangaral na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay – na nanganganib ang kanilang buhay. Ang mga Disipolo ay nagtatago sa isang silid na ang pintuan ay nakakandado, “dahil sa katakutan sa mga Judio” (Juan 20:19). Sila’y nasa pagkagulat. Hindi sila naniwala na Siya’y babangon muli. Wala sa mga tagasunod ni Kristo ang nagkaroon ng pananampalataya o tapang upang subukin ang makapangyarihang Romanong gobernador at nakawin ang katawan ni Hesus. Iyan ay isang psikolohikal na katunayan na hindi maaring malampasan.

Ang nag-iisang iba pang mapaghihinalaan, na maaring nagnakaw ng katawan ni Kristo, ay ang Kanyang mga kaaway. Ang problema sa teoryang iyan ay ang mga kaaway ni Kristo ay walang dahilan upang pagnakawan ang Kanyang libingan. Pinapatay ng mga punong saserdote at ibang mga relihiyosong mga pinuno si Kristo dahil iniligay Niya sa panganib ang kanilang relihiyosong sistema at paraan ng pamumuhay. Ang huling bagay na gustong mangyari ng mga taong ito ay ang isipin ng mga tao na si Kristo ay nabuhay muli! Iyan ang dahilan na ang mga relihiyosong mga pinunong ito ay ginawa ang lahat upang maalis ang kahit anong pagpapakita ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang Ebanghelyo ni Mateo ay nagsasabi sa atin na sila’y nagpunta sa Romanong gobernador, si Pontiu Pilato,

“Na nagsisipagsabi, Ginoo, naalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli. Ipagtuos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya’y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya’y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian” (Mateo 27:63-64).

Sinabi sa kanila ni Pilato na kumuha ng mga bantay at “inyong ingatan ayon sa inyong makakaya” ang libingan – maglagay ng mga bantay sa libingan at ingatan ito sa pinaka mahusay na paraang posible (Mateo 27:65). Kaya kanilang sinelyohan ang libingan at inilagay ang kanilang mga kawal doon upang protektahan ito (Mateo 27:66). Nakapapagtaka, na mukhang ang mga punong saserdote at mga relihiyosong mga pinuno ay nagkaroon ng mas higit na kasiguraduhan sa muling pagkabuhay ni Kristo kaysa sa sarili Niyang mga Disipolo!

Ang katotohanan ay ang mga relihiyosong mga pinuno ay gumawa ng mga radikal na mga bagay upang mapigilan ang pagnanakaw ng katawan ni Kristo. Gusto nilang mapatunayan na ang pangako ni Kristong babangon mula sa pakamatay ay isang kasinungalingan. Ginawa ng mga relihiyosong mga pinuno ang lahat ng kanilang magagawa upang alisin ang kahit anong pagkakataon na mga kwento ay kumalat na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay. Ang pagnanakaw ng katawan ang pinaka huling bagay na maaring ginawa ng Kanyang mga kaaway. Ngunit kung kanilang ngang ninakaw ang katawan, walang dudang ipinakita na nila ito noong ang mga Disipolo ay nagsimulang ipangaral ang Kanyang muling pagbabangon. Ngunit ang mga kaaway ni Kristo ay di kailan man nakapagpakita ng Kanyang katawan. Bakit? Simple, dahil wala silang katawan na maipakita! Walang laman ang libingan! Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay!

“Sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok”
       (Mga Gawa 26:26).

Ang walang lamang libingan ay ang unang patunay ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamtay, ngunit mayroong marami pa!

II. Pangalawa, ang mga ulat ng mga saksi.

Noong si Hesus ay napako sa krus, nawalan ng pag-asa ang Kanyang mga Disipolo. Ang kanilang pananampalataya ay nasira. Wala silang pag-asang makikita nila Siyang buhay muli. Pagkatapos si Hesus ay dumating,

“at tumayo sa gitna, at sa kanila’y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo” (Juan 20:19).

Nakita Siyang buhay ng mga Disipolo muli’t muli.

“Nagpakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya’y makapaghirap, napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw” (Mga Gawa 1:3).

Sinabi ng Apostol Pablo na ang bumangong si Kristo ay,

“nagpakita kay Cefas [kay Pedro], at saka sa labingdalawa; Pagkatapos ay nagpakita sa mahigit na limang daang kapatid napaminsan…Saka nagpakita kay Santiago; at saka lahat ng mga apostol. At sa kahulihulihan…ay napakita naman siya sa akin”
     (I Mga Taga Corinto 15:5-8).

Sinabi ni Dr. John R. Rice,

Isipin kung gaano kamangha-mangha na ang saksi ng literal na daan-daang mga taong nakakita kay Hesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, ilan sa kanila muli’t muli sa loob ng apat na pung araw na panahon! [Mga Gawa 1:3]. Ang batas ng Bibliya “ ay nasa mga bibig ng dalawa o tatlong mga saksi.” Narito’y daan-daang mga saksi. Maraming isang tao ay nagkondena sa kamatayan sa testimono ng isa o dalawang saksi.
      Labin dalawang mga bibig lamang ang kinakailangan upang sumang-ayon sa isang lupon upang ma-resolbahan ang isang mahalagang kaso. Dito literal na daan-daang mga saksi ang sumang-ayon na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay. Walang isang tao ang kailan man nagpakita upang sabihin na nakita nila ang Kanyang patay na katawan pagkatapos ng pangatlong araw, o upang kontrahin ang kahit ano sa mga ebidensya.
      Ang testimono noong mga saksi – mga saksing nakakita, mga saksing nakahawak sa Tagapagligtas, nakahipo sa Kanya, naramdaman ang mga marka ng mga pako sa Kanyang mga kamay at paa, ang nakakita sa Kanyang kumain, nakipag-usap sa Kanya ng apat na pung araw – ang testimonong iyan ay mas malakas na ebidensya kaysa kahit anong kasong mahalaga sa harap ng Korte Suprema ng Estados Unidos o sa harap na kahit anong korte sa sanglibutan…Ang ebidensya ay kamangha-mangha na yoon lamang mga ayaw maniwala at hindi kinokumpirma ang ebidensya ang tumatangi rito. Di nakakapagtaka na ang Bibliya ay nagdedeklara na si Hesus ay “[nagpakitang] […] buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan,” Mga Gawa 1:3 (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Resurrection of Jesus Christ, Sword of the Lord Publishers, 1953, pp. 49-50).

“Sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok”
       (Mga Gawa 26:26).

Ang walang lamang libingan, at ang daan-daang mga saksing nakakita, ay malalakas na mga pruweba ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay. Ngunit marami pang iba.

III. Pangatlo, ang pagkamartir ng mga Apostol.

Kung ang muling pagkabuhay ay isang kasinungalingan bakit ang bawat isa sa mga Apostol ay dumaan sa napaka raming paghihirap upang iproklama ito? Hindi lamang nagpagtuloy ang mga Apostol na ipangaral ang muling pagkabuhay ni Kristo, namatay pa nga sila kaysa i-pagkait ito! Habang binabasa natin ang kasaysayan ng simbahan natatagpuan natin na bawat isa sa mga Apostol [maliban nalang si Juan – na pinahirapan at pinatalsik] ay namatay ng mga teribleng kamatayan dahil ipingangaral nila na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay. Sinabi ni Dr. James Kennedy,

      Ito ay isa talagang mahalagang katunayan. Sa kasaysayan ng psikolohiya ito’y hindi kailan man nalaman na nanaisin ng isang tao na ibigay ang kanyang buhay para sa anomang alam niyang isang kasinungalingan. Dati’y nagtataka ako kung bakit pinayagan ng Diyos na ang mga apostol at ang lahat ng mga naunang mga Kristiyanong pagdaanan ang ganoong pagdurusa, ganoong katinding, mga di kapani-paniwalang mga pagpapahirap…mayroon tayo ng mga pananampalataya, karakter, paghihirap, at kamatayan ng mga saksing ito, na karamihan sa kanila’y sinelyohan ang kanilang testimono gamit ang kanilang dugo…sinabi ni Paul Little, “Ang mga tao ay mamamatay para sa pinaniniwalaan nilang totoo… Gayon man, hindi sila namamatay para sa alam nilang isang kasinungalingan” (isinalin mula sa D. James Kennedy, Ph.D., Why I Believe, Thomas Nelson Publishers, 2005 edition, p. 47).

Ang mga kalalakihang ito ay namatay dahil sinabi nila na kanilang nasaksihan ang muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay:

Si Pedro – ay lubos na hinampas at pagkatapos ay pinako sa krus ng patiwarik.
  Si Andres – ay – ay ipinako sa isang hugis X na krus.
     Si Santiago, anak ni Zebedee – ay pinugutan ng ulo.
        Si Juan – ay inilagay sa isang lalagyan ng kumukulong
         langis, at pagkatapos ay pinatalsik sa isla ng Patmos.
           Si Felipe – ay hinampas at pagkatapos ay ipinako sa krus.
              Si Bartolomeo – ay binalatang buhay at pagkatapos ay ipinako sa krus.
                 Si Mateo – ay pinugutan ng ulo.
                    Si Santiago, ang kapatid ng Panginoon – ay itinapon mula sa tuktok ng
                       Templo, at pagkatapos ay binugbog sa kamatayan.
                          Si Tadeo – ay binaril sa kamatayan ng gamit mga pana.
                             Si Marcos – ay kinaladkad sa kamatayan.
                                Si Pablo – ay pinugutan ng ulo.
                                   Si Lucas – ay ibinitin sa isang puno ng olibo.
                                      Si Tomas – ay pinadaanan ng mga sibat, at itinapon sa
                                       mga apoy ng isang hurno.
(Isinalin mula sa The New Foxe’s Book of Martyrs, Bridge-Logos
   Publishers, 1997, pp. 5-10; Greg Laurie, Why the Resurrection?
      Tyndale House Publishers, 2004, pp. 19-20).

Ang mga kalalakihang ito ay dumaan sa maraming teribleng pagdurusa, at namatay ng mga teribleng kamatayan, dahil sinabi nila na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay. Ang tao ay hindi mamamatay para sa isang bagay na hindi nila nakita! Ang mga kalalakihang ito’y nakita si Kristo pagkatapos Niyang bumangon sa libingan! Iyan ang dahilan na ang pagpapahirap at kamatayan mismo ay hindi makapipigil sa kanila sa pagproproklama, “Si Krisot ay bumangon mula sa pagkamatay!”

Nakita Siya ni Pedro sa tabing dagat,
Kumain kasama Niya doon sa tabi ng dagat;
Sinasabi ni Hesus, na ang mga labing noon ay patay,
“Pedro, mahal mo ba Ako?”
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Sinira ang malakas, at nagyeyelong mga posas ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!
   (“Buhay Muli,” isinalin mula sa “Alive Again”
     ni Paul Rader, 1878-1938).

Ang mga kalalakihang ito ay nabago mula sa mga di nananampalatayang mga duwag sa mga walang takot na mga martir – dahil nakita nila si Kristo pagkatapos Niyang bumangon sa libingan!

Nakita Siya ni Tomas doon sa silid,
Tinawag Siyang kanyang Panginoon Amo at Panginoon,
Inilagay ang kanyang mga daliri sa mga butas,
Na gawa ng mga pako at ng espada,
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Sinira ang malakas, at nagyeyelong mga posas ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!
   (Isinalin mula kay Paul Rader, ibid.).

Hiling ko na ang ating mga simbahan ay matututong kantahin muli ang dakilang himno na iyan ni Paul Rader! Kung susulatan ninyo ako at hihingin ito ipapadala ko sa inyo ang musika. Sumulat kay Dr. R. L. Hymers, Jr., P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015 – at hingin ang musika para sa kantang “Buhay Muli” [“Alive Again”].

Maari tayong mag-sama-sama ng marami pang mga ebidensya para sa muling pagkabuhay ni Kristo, ngunit hindi ito makakukumbinsi sa iyo. Ang ilang mga taong nakakita kay Kristo pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay ay “nagduda” pa rin (Mateo 28:17). Dapat kang lumapit kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang nanumbalik na Kristo ay nagsabing,

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong boong puso” (Jeremias 29:13).

“Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid”
       (Mga Taga Roma 10:10).

Nakatagpo ko ang bumangong Kristo ng 10:30 ng umaga, ng ika-28 ng Setyembre taon 1961 sa bulwagan ng Kolehiyo ng Biola (ngayon ay Unibersidad) pagkatapos kong madinig ang isang sermon ni Dr. Charles J. Woodbridge, na umalis mula sa Fuller Theological Seminary noong taon 1957 dahil sa nagsisimulang liberalismo (tignan ang Harold Lindsell, Ph.D., The Battle for the Bible, Zondervan Publishing House, 1978 edition, p. 111). At maari mo ring makilala ang bumangong Kristo rin – kung gusto mo Siyang makilalang sapat “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot” (Lucas 13:24). Kapag lalapit ka kay Kristo ang iyong mga kasalanan ay mapagkakasundo para sa paglilinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo – at ika’y maipapanganak muli sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay. Panalangin ko na malapit ka ng lumapit kay Kristo! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 20:24-31.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
          “Buhay Muli,” isinalin mula sa “Alive Again” (ni Paul Rader, 1878-1938).


ANG BALANGKAS NG

ANG TATLONG PATUNAY NG MULING
PAGKABUHAY NI KRISTO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok” (Mga Gawa 26:26).

(Mga Gawa 25:19; I Mga Taga Corinto 15:14)

I.   Una, ang libingang walang laman, Mateo 28:12-15; Juan 20:19;
Mateo 27:63-64, 65, 66.

II.  Pangalawa, ang mga ulat ng mga saksi, Juan 20:19; Mga Gawa 1:3;
I Mga Taga Corinto 15:5-8.

III. Pangatlo, ang pagkamartir ng mga Apostol, Mateo 28:17;
Jeremias 29:13; Mga Taga Roma 10:10; Lucas 13:24.