Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG UNANG PAGPAPAKITA NG BUMANGONG KRISTO THE FIRST APPEARANCE OF ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “[Si Hesus mismo] ay tumayo sa gitna nila at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo” (Lucas 24:36) – KJV. |
Patay na si Hudas. Nagpakamatay siya pagkatapos niyang pagtaksilan si Hesus. Si Tomas ay wala roon dahil sa isang bagay. Ngunit ang ibang sampung mga Disipolo ay nagpulong ng gabing iyon. Katapusan iyon ng Linggo, ang araw na bumangon si Kristo mula sa pagkamatay. Tayo ay nagkaka-utang sa Apostol Juan sa pagsasabi sa atin nito,
“…kinahaounan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila’y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo” (Juan 20:19).
Gabi iyon ng Linggo, “unang araw ng sanglinggo” sa Romanong kalendaryo. Si Hesus ay bumangong maaga ng Linggong umaga – at ngayon Siya’y nagpakita doon sa sampung mga Disipolo ng gabi ng Linggo. Kung gayon, ang unang Kristiyanong paglilingkod ay naganap ng Linggong gabi. Maraming mga simbahan ngayon ay huminto na sa pagsasama-sama ng Linggong gabi. Anong kahihiyan! Hindi na nila sinusundan ang halimbawa ng unang Linggong paglilikod – alin ay sa gabi! Ang ating Bautistong mga ninuno ay palaging nagsasama-sama ng Linggong gabi. Panalangin kong ang ating mga simbahan ay bumalik sa kanilang paraan! Linggong gabi ay halos palaging ang pinaka-magandang paglilingkod ng linggo. Madalas ang muling pagbabangon ay madalas nagsisimula sa gabing paglilingkod. Gaya nito sa simula, gayon din ito noong ang muling pagbabangon ay dumating,
“[Si Hesus mismo] ay tumayo sa gitna nila”
(Lucas 24:36) – KJV.
Pansinin na ang mga Disipolo ay natakot noong nakita nila si Hesus. “Sila’y kinilabutan, at nangahintakutan” (Lucas 24:37). Ipinapakita nito na hindi nila inaasahang bumangon si Hesus mula sa pagkamatay. Sinabihan Niya silang Siya ay babangon, ngunit hindi sila nakinig sa Kanya. Sinabihan Niya sila na “kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya” (Lucas 18:33; Mateo 20:18; Marcos 10:33) – ngunit sa anomang paraan hindi nila natandaan ang sinabi Niya sa kanila. Kaya sila’y “kinilabutan” noong nagpakita Siya sa kanila, nabuhay muli mula sa pagkamatay. At kaya, upang pakalmahin ang kanilang mga takot, sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapayapaa’y sumainyo” (Lucas 24:36).
Mula sa nakamamanghang pasaheng ito ng Kasulatan nalalaman natin ang kasiguraduhan ng muling pagkabuhay ni Kristo, at ang karakter ng bumangong Kristo.
I. Una, ang kasiguraduhan ng muling pagkabuhay ni Kristo.
“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, [si Hesus mismo] ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? At bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:36-40). – KJV.
Noong ako’y nasa isang liberal na seminaryo, nakarinig ako ng mga di-nananampalatayang mga propesor na sumipi sa makabagong teyolohiyang si Rudolph Bultmann, na nagsabing, “Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay sa mga isipan ng mga Disipolo.” Iyan ang mautak na paraan ng pagsasalita ng Ermanong liberal na ito, na nagdedeklara na si Kristo ay di talaga bumangon mula sa pagkamatay – akala lang ito ng mga Dispolo na Siya nga! Ngunit hindi iyan totoo sa anoman paraan! Ang mga Disipolo ay nag-akala ng saktong kabaligtaran! Akala nila’y hindi Siya bumangon! Iyan ang dahilan na sila’y “kinilabutan at nangahintakutan” noong nakita nila Siya (Lucas 24:37).
Alam nila na si Hesus ay pinalo hangang halos sa kamatayan. Alam nila na Siya’y ipinako sa isang krus. Alam nila na Siya ay patay, at na siya’y inilibing sa isang sinelyuhang puntod. Sila’y kinilabutan, at ikinulong ang kanilang mga sarili sa isang silid ng gabing iyon dahil sa takot. Ngunit ayun Siya! Winasak Niya ang mga kandado ng kamatayan. At ngayon ay tumayo Siya sa harapan nila!
“[Si Hesus mismo] ay tumayo sa gitna nila”
(Lucas 24:36) – KJV.
Walang katunayan sa kasaysayan ang mas mahusay na ipinapakita kaysa ang muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay. Si Thomas Arnold, propesor ng kasaysayan sa Unibersidad ng Oxford, at isa sa pinaka-magagaling na dalubhasa ng kasayayan, ay nagsabi na,
Nalalaman ko ang isang katunayan sa kasaysayan ng sangkatauhan na napatunayang mas mahusay, mas puno ng ebidensya ng bawat uri, sa pagka-unawa ng isang karaniwang sumisiyasat ng kasagutan, kaysa sa pinaka dakilang palatandaan na ibinigay ng Diyos sa atin ng namatay na Kristo, at bumangon muli mula sa pagkamatay (isinalin mula kay Thomas Arnold, Ph.D., Sermons on Christian Life, Its Fears and Its Close, 6th edition, London, 1854, p. 324).
Isa sa pinaka dakilang pruweba ng muling pagkabuhay ni Kristo ay ang katunayan na lubos nitong binago ang mga Disipolo. Noong si Hesus ay dinakip, ang gabi bago ng Kanyang pagpapako sa krus, “Iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56). Pagkatapos na nailibing si Kristo, ikinulong nila ang kanilang mga sarili sa isang silid dahil sa “katakutan” (Juan 20:19). Ngunit pagkatapos nilang makaharap ang bumangong Kristo, lumabas silang kasing tapang ng isang leyon – at nangaral sa bawat taong pumako sa krus kay Kristo,
“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12).
Ang labing isang mga Disipolo ay lumabas ng walang takot sa mundo idinedeklara ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa kamatayan! Pagkatapos nilang makaharap ang bumangong Kristo, wala kundi kamatayan mismo ang magkapipigil sa kanila mula sa pagdedeklarang,
“Ang Hesus na ito’y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito’y mga saksi kaming lahat” (Mga Gawa 2:32).
Sinabi ni Dr. Gary Habermas,
Ang muling pagkabuhay [ni Hesus] ay walang dudang ang sentral na proklamasyon ng maagang simbahan mula sa pinaka-simula. Ang pinakaunang mga Kristiyano ay hindi lamang sinoportahan ang mga pagtuturo ni Hesus; sila’y nakumbinsi na nakita nila siyang buhay pagkatapos ng kanyang pagpapako sa krus. Iyan ang nagbago sa kanilang buhay at nagsimula ng simbahan. Tiyak, na dahil ito ang kanilang pinaka-sentral na paniniwala, ginawa nila itong lubos na tiyak na ito’y totoo (isinalin mula sa isinipi mula sa The Case for Christ Study Bible, Lee Strobel, general editor, Zondervan, 2009, p. 1505).
Ang muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay – “iyan ang nagbago sa kanilang buhay at nagsimula ng simbahan.” Amen!
Nakita Siya ni Pedro sa tabing dagat,
Kumain kasama Niya doon sa tabi ng dagat;
Sinasabi ni Hesus, na ang mga labing noon ay patay,
“Pedro, mahal mo ba Ako?”
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Sinira ang malakas, at nagyeyelong mga posas ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!
(“Buhay Muli” Isinalin mula sa “Alive Again” ni Paul Rader, 1878-1938).
Ang mga kalalakihang ito ay namatay dahil sa pagdedeklara ng muling pagkabuhay ni Kristo! Sila’y nabago mula sa pagiging duwag ay naging mga martir dahil nakita nila si Kristo pagkatapos Niyang bumangon mula sa hukay!
Si Santiago ang Anak ni Zebedee ay pinugutan ng ulo.
Si Mateo ay pinugutan ng ulo.
Si Santiago, ang kapatid ng Panginoon, ay itinapon mula sa
tuktok ng Templo, at pagkatapos ay binugbog sa kamatayan.
Si Matias ay binato at pinugutan ng ulo.
Si Andres ay pinako sa krus.
Si Marcos ay kinaladkad sa kamatayan.
Si Pedro ay ipinako sa krus ng patiwarik.
Si Pablo ay pinugutan ng ulo.
Si Judas ay ipinako sa krus.
Si Bartolome ay binugbog at ipinako sa krus.
Si Lucas ay ibinitin sa isang puno ng olibo.
Si Juan ay itinapon sa isang lalagyang puno ng
kumukulong langis at pinatalsik papunta sa Isla ng Patmos.
Si Tomas ay pinadaanan ng mga sibat,
at itinapon sa mga apoy ng isang hurno.
(Isinalin mula sa The New Foxe’s Book of Martyrs, Bridge-Logos
Publishers, 1997, pp. 5-10).
Sinabi ni Dr. D. James Kennedy na ang mga tao ay “di namamatay para sa isang bagay na alam nila ay huwad” (isinalin mula sa Why I Believe, Thomas Nelson Publishers, 2005, p. 127). Ang mga taong ito ay dumaan sa maraming karumaldumal na mga pagdurusa at teribleng mga kamatayan dahil kanilang ipinangaral na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay. Ang mga tao ay di namamatay para sa isang bagay na hindi nila nakita! Nakita ng mga taong ito si Kristo pagkatapos Niyang bumangon mula sa hukay! Iyan ang dahilan na ang pagpapahirap at panganib ng kamatayan ay hindi makapipigil sa kanila mula sa pagdedeklara na “Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay!”
Nakita Siya ni Tomas doon sa silid,
Tinawag Siyang kanyang Panginoon Amo at Panginoon,
Inilagay ang kanyang mga daliri sa mga butas,
Na gawa ng mga pako at ng espada,
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Sinira ang malakas, at nagyeyelong mga posas ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!
(Isinalin mula kay Paul Rader, ibid.).
“[Si Hesus mismo] ay tumayo sa gitna nila”
(Lucas 24:36) – KJV.
II. Pangalawa, ang karakter ng bumangong si Kristo.
Mahalagang malaman kung anong tulad ni Hesus pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay. Matatagpuan natin mula sa pasaheng ito sa Lucas na,
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Hebreo 13:8).
Si Hesus ay Siya rin pagkatapos niyang bumangon mula sa pagkamatay – at Siya pa rin ngayon!
Siya’y di makahintay na magdala ng kapayapaan sa mga puso ng Kanyang mga tao. Agad-agad noong nagpakita Siya sa kanila’y sinabi Niya, “Kapayapaa’y suma inyo.” Gusto ni Hesus kang maging maligaya. Habang Siya’y nasa lupa sinabi Niya,
“Huwag magulumihanan ang inyong puso” (Juan 14:1).
Sinasabi Niya iyan ngayon. Gusto Niya na ang mga Kristiyano ay magkaroon ng kaligayahan sa kanila, na ang kanilang ligaya ay maging puno. Kahit na sa paghihirap, ibinubulong ni Hesus sa atin, “Kapayapaa’y suma inyo.” Minahal Niya ang Kanyang mga Disipolo sa silid noong gabing iyon. Takot sila sa kung anong maaring mangyari. Ngunit nagpunta Siya sa kanila at nagsabing, “Kapayapaa’y suma inyo” – at pagkatapos ang mga Disipolo ay natuwa. Ibinibigay Niya ang parehong kapayapaan sa Kanyang mga disipolo ngayon – kapayapaan na lampas sa pag-unawa ng tao!
Inudyok Niya rin silang magkaroon ng pananampalataya sa Kanya. Sinabi Niya,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Gusto Niyang malaman nila na hindi Siya isang espiritu. Sinabihan Niya silang “hipuin” siya – na hawakan Siya – at tignan na Siya talaga iyon – na ang Kanyang pisikal na katawan at tunay na bumangon mula sa pagkamatay. Ilang araw pagkatapos sinabi niya sa nagdududang si Tomas,
“Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin” (Juan 20:27).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,
Sinasagot ng Panginoon ang modernong [liberal] na mga teyolohiyano, na ipinagkakahulugan ang muling pagkabuhay na ayon sa espiritwal, kay sa pisikal…pinabulaan Niya rin yoong mga nakikipagtalo na ang mga “pagpapakita” sa Kanyang mga disipolo ay “espiritwal na pagpapakita,” o pati mga guniguni. Kahit sila [Ang Kanyang mga Disipolo] sa umpisa ay inakalang Siya ay isang espiritu, ngunit ipinakita Niya sa kanila ang mga pilat ng mga mga malalaking pako na tumusok sa Kanyang mga kamay at paa at kumain pati ng bahagi ng isda at pulot-pukyutan sa harapan nila (Lucas 24:37, 40, 42). Hindi na nila mapagdudahan ang katotohanan ng Kanyang nagkatawang muling pagkabuhay, o kailan man pinagdudahan ito pagkatapos (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishing, 1995, pp. 1128-1129; sulat sa Lucas 24:39).
Napaka lungkot ngayon na maraming mga ebanghelikal ay iniisip na si Hesus ay isang espiritu. Ito talaga ay isang Nostikong pananaw kay Kristo. Ang mga Nostiko ay naniniwala na ang pisikal na bagay ay masama at ang espiritu lamang ang mabuti. Gayon ipinagkakait nila ang pisikal, sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo. Ang sabi-sabi ng bagong-Nostisismo ay humahalo sa mga bagong-panahong kaisipan, na lumilikha ng huwad na Kristo – isa lamang espiritu. Ang Apostol na si Juan, sa kanyang unang sulat, ay pinabulaan na ang sabi-sabi noong sinabi niyang, “Nahipo ng aming mga kamay” si Kristo (I Juan 1:1). Ang Nostikong, bagong-panahong “espiritung Kristo” ay hindi si Hesus! Ito’y “ibang Jesus” (II Mga Taga Corinto 11:4), hindi ang tunay na Hesus na nakita ng mga Disipolo at nahawakan pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay.
“Ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus [ay dumating na nasa laman], ay hindi sa Dios” (I Juan 4:3).
Kung gayon yoong mga nag-iisip kay Hesus na isang espiritu ay hindi “sa Dios” – dahil tinutukoy nila ang “ibang Hesus,” hindi ang tunay na Hesus, na kaninong laman at butong katawan ay bumangon mula sa pagkamatay! Ang tunay na Hesus ay nagsabing,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Binabasa ko ang isang artikulo sa isang magasin na pinamagatang, “Kapag Mauudyok ka ng Espiritu” [“When the Spirit Moves You] (Isinalin mula kay Cathy Lynn Grossman, USA Weekend, Abril 2-4, 2010, pp. 6-7). Sinasabi ng may-akda “Sa banal na panahon na ito maari kang manitili malapit sa Diyos – kahit na hindi ka malapit sa isang likmuan sa simbahan; kapag inuudyok ka ng Espiritu.” Iyan halos ang nagbubuod sa bagong-Nostikong “espiritwalidad” ng bagong-panahong kilusan ng matandang Jeprox (Lumalagong [Boomer]) henerasyon. Sila ay matagumpay na ngayon. Sa pagitan ng mga edad 45 at 65, ang Jeprox na henerasyon ay palaging nasisindak ng “panloob na pakiramdam” at sumesentro-sa-sariling pagsasamba.
Ngunit tinatawag tayo ng Bibliya papalayo mula sa ating mga panloob na pakiramdam at mga karanasan. Si Kristo ay hindi “Diyos gaya ng pag-unawa natin sa Kanya.” O, hindi! Si Kristo ay ang Diyos-tao gaya ng hindi natin maunawaan sa Kanya! Siya ay inihahayag sa atin sa Bibliya. Ang Kristo ng Bibliya ay nangingibabaw – iyan ay, Siya ay nasa itaas sa Langit, naka-upo sa kanang kamay ng Diyos. Kapag dadalhin lamang tayo ng Espiritu ng Diyos papalayo mula sa ating sarili na ating makikilala si Kristo. Ang Espiritu ng Diyos ay nagpapakita sa atin ng ating kasalanan, at nagpapakumbaba sa atin sa pagpapaniwalang sa ating tayo’y nagkasala. Gayon, at sa gayon lang, na ang Espiritu ng Diyos ay magdadala sa atin pataas, palabas ng ating mga sarili, patungo kay Kristo – na nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Kapag tayo’y nadala palabas ng ating mga sarili – at patungo kay Kristo – pagkatapos Siya’y nagsasalita sa atin gaya ng ginawa Niya sa unang Linggo ng Pakua – at nagsabing,
“Kapayapaa’y suma inyo” (Lucas 24:36).
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Naway paniwalain ka ng Diyos ng iyon pagkakasala at pakumbabahin ka. Naway dalhin ka Niya pataas kay Kristo sa “ikatlong langit” (II Mga Taga Corinto 12:2).
“Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios” (Marcos 16:19).
“Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios”
(Mga Gawa 2:33).
“Na siyang nasa kanan ng Dios” (Mga Taga Roma 8:34).
“Lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan” (Hebreo 1:3).
Kapag ika’y napapaniwalang nagkasala, at nandidiri sa iyong “totoong masamang” puso (Jeremias 17:9) – gayon maari kang maihanda upang hatakin ka ng Diyos papunta kay Hesu-Kristo para sa pagpapatunay at paglilinis ng Kanyang Dugo. Tandaan na sinabi ni Hesus,
“Huwag kayong mangagbulongbulungan. Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin…” (Juan 6:43-44).
Ika’y dapat madala papalayo sa mundo, palayo sa sarili mong emosyon at pakiramdam, palayo mula sa iyong sarili – at ika’y dapat madala paitaas, sa ibabaw ng mga ulap, sa ibabaw ng mga bituin, kay Hesus – ang Diyos-tao, ang nag-iisang sakripisyo para sa mga kasalanan, ang nag-iisang makaliligtas ng iyong kaluluwa mula sa poot ng Diyos, ang nag-iisang makahuhugas ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo, at ang nag-iisang makabibigay sa iyo ng walang hangang kapayapaan! Kapag lalapit ka kay Hesus, ito’y para sa iyo gaya nito sa mga Disipolo sa unang Linggong gabi,
“[Si Hesus mismo] ay tumayo sa gitna nila at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo” (Lucas 24:36) – KJV.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 24:36-43.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhay Muli.” Isinalin mula sa “Alive Again” (ni Paul Rader, 1878-1938).
ANG BALANGKAS NG ANG UNANG PAGPAPAKITA NG BUMANGONG KRISTO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “[Si Hesus mismo] ay tumayo sa gitna nila at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo” (Lucas 24:36) – KJV. (Juan 20:19; Lucas 24:37; 18:33; Mateo 20:18; Marcos 10:33) I. Una, ang kasiguraduhan ng muling pagkabuhay ni Kristo, II. Pangalawa, ang karakter ng bumangong si Kristo, Hebreo 13:8; |