Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG DUGO NG PASKUA

THE BLOOD OF THE PASSOVER

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-28 ng Marso taon 2010

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
(Exodo 12:13).


Sa gabing bago umalis ang mga Hebreo mula sa pagka-alipin sa mga Taga-Egipto upang magpunta sa pinangakong lupa, sinabi sa kanila ng Diyos, sa bawat tahanan, na kumuha ng isang tupang walang bahid at patayin ito. At pagkatapos sinabi ng Diyos,

“Kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan” (Exodo 12:7).

“Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon. At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto” (Exodo 12:12-13).

Sa pinaka araw na ito, malapit sa simula ng Abril, naaalala ng mga Hudyo ang gabing iyon, na kilala bilang Pesach, ang dakilang pista ng Paskua. Ang salitang “[paglalampas]” ay nanggagaling mula sa ating teksto,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto” (Exodo 12:13).

Nakamamanghang teksto iyan, puno ng kabuluhan sa puso ng bawat tunay na Kristiyano!

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
      (Exodo 12:13).

Ngayong gabi pag-isipan natin ang bersong iyan. Hayaan ang mensahe nitong lumubog ng malalim sa ating mga puso’t isipan.

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
       (Exodo 12:13).

Anong kahulugan nito sa atin ngayon?

I. Una, ang dugong iyan ay isang tipo ng Dugo ni Kristo.

Sinasabi sa atin ng Diksyonaryo ni Webster na ang isang tipo ay “isang bagay, o pangyayari na kumakatawan o sumisimbolo ng iba, lalong-lalo na ng ibang bagay na padating, isang simbolo, isang sagisag.” Kung mayroon kailan mang isang malinaw na tipo o simbolo ng Dugo ni Hesu-Kristo ito iyon. Sa buong Lumang Tipang Kasulatan, kasama ng lahat ng iba-iba nitong mga prediksyon at mga simbolo ng hinaharap na Dugo ni Kristo, walang mas malinaw kaysa rito,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
       (Exodo12:13).

Hindi aksidente na si Hesus ay namatay sa pista ng Paskua. Ang hapon bago Siya napako sa krus sinabi ng mga Disipolo kay Hesus,

“Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua? At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad” (Mateo 26:17-18).

Ginawa ng mga Disipolo ang sinabi ni Hesus sa kanila. Nagpunta sila sa bahay na iyon at naghanda ng hapunang Paskua. At habang ang gabi ay parating, si Kristo ay umupo upang kumain ng hapunan ng Paskua kasama ng Kanyang labin dalawang Disipolo.

“At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan”
       (Mateo 26:26-28).

Gayon, sa Hapunan ng Panginoon, sa pamamagitan ng tinapay at saro, ibinigay ni Hesus ang kahulugan, ang pagkatupad ng tipong iyon sa aklat ng Exodo,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
      (Exodo12:13).

Pansinin ang waring halata, ang waring maliwanag – at gayon man ay madalas pinahihirapang maintindihan ngayon. Pansinin na ang tinapay at ang saro ay dalawang magkaibang mga bagay! Ang Dugo at ang kamatayan ni Kristo ay di magkaparehong bagay, gaya ng maling pagtuturo ni John MacArthur. Paulit-ulit na sinabi ni Dr. MacArthur na ang dugo ay isang “metonomiya” para sa kamatayan ni Kristo. Iyan ay, na ang Dugo ni Kristo ay isa pang salita para sa Kanyang kamatayan. Sinasabi niya na ang “Dugo ay ginagamit bilang kapalit na salita para sa kamatayan” (Isinalin mula sa The MacArthur Study Bible, sulat sa Hebreo 9:14).

Ang kamatayan ni Kristo ay hindi kapareho ng Kanyang Dugo. Iyan ang dahilan na mayroong dalawang elemento sa Hapunan ng Panginoon. Ang tinapay ay nagpapaalala sa atin ng Kanyang napako sa krus na Katawan. Ang saro ay nagpapaalala sa atin ng Kanyang Dugo. Si Dr. John Gill ay nagsalita tungkol sa “tinapay at ang alak na dalawang magkahiwalay na mga artikolo” sa Hapunan ng Panginoon (Isinalin mula kay John Gill, D.D., A Body of Divinity, The Baptist Standard Bearer, n.d., volume 2, p. 919).

Ang mga bagay ng magka-iba ay hindi magkaparehas. Ang tinapay ay naglalarawan sa Kanyang Katawan, nasira sa Krus upang magbayad-sala para sa ating mga kasalanan. Ang saro ay kumakatawan sa Kanyang Dugo, na lumilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan. Ang saro at ang tinapay ay kinukuhang magkahiwalay sa Hapunan ng Panginoon. Kumakatawan ang mga ito sa dalawang aspeto ng kaligtasan.

“Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad [kalayaan, pagkahango – isinalin mula kay Strong] ng mga kasalanan” (Mateo 26:27-28).

Ginawang napaka-linaw ng Apostol Juan ang kahulugan noong sinabi niyang,

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Juan 1:7).

Iyan ang anti-tipo. Iyan ang katuparan ng tipo, ang kahulugan ng simbolo,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
       (Exodo12:13).

Tumutukoy ito

“Kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan, at dugong pangwisik” (Hebreo 12:24).

“Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y si Cristo” (I Mga Taga Corinto 5:7).

Ang dugo ng kordero sa Exodo 12 ay isang perpektong tipo ni Kristo,

“Ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29).

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
       (Exodo12:13).

Ang dugong iyon, na inilagay ng mga Hebreo sa kanilang mga haligi sa Egipto, ay isang larawan ng

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Juan 1:7).

Pinaka-dakila sa mga makasalanan, ililigtas ni Hesus;
   Lahat ng Kanyang ipinangako, iya’y kanyang gagawin;
Mahugasan sa bukal, Nabuksan para sa kasalanan
   At aking lalampasan, Lalampasan ko kayo.
Pagka aking nakita ang dugo, pagka aking nakita ang dugo,
   Pagka aking nakita ang dugo
Lalampasan ko kayo, lalampasan ko kayo.
   (“Pagka Aking Nakita ang Dugo,” isinalin mula sa
     “When I See the Blood” ni John Foote, 1892).

II. Pangalawa, ang dugong iyan ay dapat maipahid.

Ang sulat sa Scofield Study Bible sa Exodo 12:11 ay nagsasabing, “Ang dugo ay dapat maipahin (Isinalin mula sa Ex.12:7). Sumasagot ito sa apropriasyon sa pamamagitan ng personal na pananampalataya…” Ang sulat na iyan sa Scofield Study Bible ay saktong tama. Gaya ng mga Hebreong nangailangan ng dugo sa haligi ng pinto ng kanilang mga bahay, gayon din na kailangang mayroon ka ng Dugo ni Kristo upang mahugasan ka mula sa iyong kasalanan. Kung wala ka ng Dugo ni Kristo hindi ka lalampasan ng Diyos. Ang salot ng paghahatol ng Diyos, ang Kanyang poot at galit laban sa kasalanan, ay babagsak sa iyo – gaya ng pagbagsak nito doon sa mga Egipto!

Sinabi ng Diyos,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
      (Exodo12:13).

Ngunit kung hindi makita ng Diyos ang Dugo, hindi ka Niya lalampasan!

“Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa: Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya…?”
       (Hebreo 10:28-29).

Siyang wala ang Dugo ni Kristong humuhugas sa Kanyang mga kasalanan ay babagsak sa ilalim ng teribleng paghahatol ng Diyos at,

“Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Hebreo 10:31).

Kaya, ang aking tanong sa iyo ay ito – nasa iyo ba ang Dugo ni Kristo? Sinabi ng Diyos,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
       (Exodo12:13).

Nasa iyo ba ang Dugo ni Kristo? Tandaan ang sulat sa Scofield na, “Ang dugo ay dapat maipahid (Isinalin mula sa Ex. 12:7).” Ang unibersalismo ay nagtuturo na ang lahat, ay malawakang, maliligtas. Ngunit sinasabi ng Bibliya,

“Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya” (Juan 3:36).

Ang iyong mga kasalanan ay napupunas at nahuhugasan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus sa sandaling ika’y maniwala sa Anak ng Diyos. Inilarawan ni Joseph Hart, isang Puritanong manunulat ng himno, ang Madugong pawis ni Kristo ng ating Paskua.

Ang kanyang katawang, napaliguan ng pawis at dugo,
Nabuhusan sa lapag isang ubeng dilubyo;
Ang mayamang alingasaw ay masaganang umagos
Upang [maghugas ng kasalanan ng] tao.
   (“Ang Mataas ng Saserdote,” isinalin mula sa
     “The High Priest” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Na makita Kang nakayuko sa alalim ng aking sala;
   Di-matiis na bigat!
Na makita ang Iyong dugo para sa mga makasalanan ay naitapon,
   Ang aking umuungol, humihingal na Diyos!
(“Ang Hiling,” isinalin mula sa “The Wish” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Si Hesus ay tumatayo sa harap natin sa Gethsemani, nakadamit sa isang barong basang basa ng sarili Niyang Magdugong pawis. Hindi pa nila Siya naaresto, o nahampas, o napako sa krus. Saan nanggagaling ang Dugo na tumutulo mula sa mga butas ng Kanyang balat? Nanggagaling ito mula sa pighati ng iyong kasalanan, pinipitpit Siya sa lapag sa ilalim ng bigat ng poot ng Diyos. Sa ilang sandali ang mga kawal ay dumating at kinaladkad ang Kanyang dumurugong Katawan mula sa Hardin. Binugbog nila Siya sa mukha, at binunot ang mga piraso ng Kanyang balbas. Hinubaran nila Siya at hinampas ang Kanyang likod ng pira-piraso. Tumulak sila ng isang korona ng tinik pababa sa Kanyang ulo. Pinako nila ang Kanyang mga kamay at paa sa isang Krus. Sumabit siya sa paghihirap at Dugo. At mula sa kadiliman ng Egipto sumigaw ang Diyos:

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
      (Exodo12:13).

Lalapit ka ba at tatayo sa ilalim ng Kanyang Krus sa pamamagitan ng pananampalataya? Lalapit ka ba sa basang-basa ng Dugong Tagapagligtas ngayong gabi? Mahuhugasan ka ba mula sa lahat ng polusyon ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Dugo

“ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan?”
       (Apocalipsis 13:8).

Magsitayo tayo at kantahin ang himno bilang lima sa inyong papel.

Lubos nating pinag-uusapan ang dugo ni Hesus,
Ngunit, napaka kaunti ang naiintindihan!
Ng Kanyang paghihirap, na matindi,
Ang mga anghel ay walang perpektong ulirat.

Tignan ang nagdurusang Anak ng Diyo,
Humihingal, umuungol, nagpapawis ng dugo!
Walang hanggang lalim ng pag-ibig na banal!
Hesus, anong pag-ibig sa Iyo!
   (“Ang Iyong Di-nalalamang Paghihirap,” isinalin mula sa
     “Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768,
         sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”
            ni William B. Tappan, 1774-1849).

Anong makahuhugas ng aking kasalanan? Wala kundi ang dugo ni Hesus:
Anong makakapagbugo sa akin muli? Wala kundi ang dugo ni Hesus,
O! mahal ang agos Na gumagawang sa aking kasing puti ng niyebe;
Wala ng ibang bukal na alam ko, Wala kundi ang dugo ni Hesus.
   (“Wala Kundi ang Dugo ni Hesus,” isinalin mula sa
     “Nothing But the Blood of Jesus” ni Robert Lowry, 1826-1899).

Naway pagpalain ng Diyos ang Ebanghelyong sermong ito, at sa pamamagitan nito naway lumapit ka sa nagmamahal na Tagapagligtas na si Hesus, at mahugasang malinis mula sa lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, at maligtas sa buong panahon at walang hanggan! Si Hesus ay namatay sa Krus upang magbayad-sala para sa iyong mga kasalanan. Ibinuhos niya ang Kanyang Dugo upang mahugasan ka mula sa lahat ng kasalanan. Lumapit sa Kanya ang maligtas! Naway ang Kanyang Dugo’y huhugas sa iyong kasalanan! Naway maligtas ka mula sa poot ng Diyo sa pamamagitan Niya!

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
      (Exodo12:13).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Exodo12:21-28.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagka Aking Nakita ang Dugo.” Isinalin mula sa
“When I See the Blood” (ni John G. Foote, 1892).


ANG BALANGKAS NG

ANG DUGO NG PASKUA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo”
(Exodo 12:13).

(Exodo 12:7)

I.   Una, ang dugong iyan ay isang tipo ng Dugo ni Kristo,
Mateo 17-18; 26:26-28; I Juan 1:7; Hebreo 12:24;
I Mga Taga Corinto 5:7; Juan 1:29.

II.  Pangalawa, ang dugong iyan ay dapat maipahid,
Hebreo 10:28-29, 31; Juan 3:36; Apocalipsis 13:8.