Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG HALIMBAWA NI ESAU –
ISANG BABALA SA MGA MAKASALANAN

THE EXAMPLE OF ESAU – A WARNING TO SINNERS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Huwebes ng Gabi, Ika-25 ng Marso taon 2010

“Baka magkaroon ng sinomang mapakiapid, o mapaglapastangan, gaya ni Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay. Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha” (Hebreo 12:16-17).


Ang halimbawa ni Esau ay ibinigay rito upang ilarawan ang panganib ng mga makasalanan na tumatanggi kay Kristo. Ibinibigay sa atin ng Aklat ng Genesis ang pinanggalingan ni Esau.

“At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot: At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot…At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay. At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?... at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob” (Genesis 25:29-33).

Sinabi ni Dr. Nettleton, “Hindi natin maaring paniwalaan na [si Esau] ay nasa punto ng lubos na pagkagutom sa bahay ng kanyang ama. Ang kahulugan nito ay wala siyang [isususko] makamundong pagbibigay-kasiyahan para sa alang-alang ng espiritwal na pagpapala. Ang buhay ay maikli, at ako’y determinadong sunggaban ang bawat pagkakataon nito… ‘Gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay’” (Isinalin mula kay Asahel Nettleton, D.D., Asahel Nettleton: Sermons From the Second Great Awakening, International Outreach, 1995 inilimbag muli, p. 404). Sinasabi ng Scofield Study Bible,

Si Esau ay isa lamang tao ng lupa…dukha ng pananampalataya, at niwalang halaga ang pagkapanganay dahil ito ay isang espiritwal na bagay, ng halaga habang may pananampalataya lamang ito [mapahahalagahan]…Ang pagkapanganay na ito na ibinenta ni Esau para sa isang panandaliang pagbibigay-kasiyahang na-aayon sa laman (isinalin mula sa The Scofield Study Bible, Oxford University Press, 1917, p. 38; sulat sa Genesis 25:25, 31).

Kasama sa pagkapanganay ang isang propetikong pagpapala, na konektado sa mga dakilang espiritwal na karapatan. Ito ang mga bagay na pinawalang-bahal ni Esau – at dahil sa dahilang ito siya ay tinatawang na isang “walang pakundangang tao” – na, isang walang dino-diyos na tao. At ito ang dahilan kung bakit ang Hebreo 12:16-17 ay naglalarawan kung paano isinasanla ng mga makasalanan ang kanilang kaluluwa. Anong isinasanla nila? Paano nila ito isinasanla? Para sa ano nila ito isinasanla? Ano ang mga kahihinatnan?

I. Una, anong isinasanla nila?

Isinasanla nila ang lahat ng pagpapala na binili ng Dugo ni Kristo, at inialay sa kanila ng Tagapagligtas! Gayon nawawala nila ang kapatawaran ng kasalanan, kapayapaan ng konsensya, at walang hangan sa Langit! Isinasanla nila ang kanilang mga kaluluwa at nawawala ang Kaharian – isang namamana na hindi kumukupas. Isinasanla nila ang lahat ng mga bagay na ini-alay sa kanila sa Ebanghelyo. Sa isang taong tulad niyan, sinasabi ng Diyos,

“Aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya”
       (Jeremias 49:8).

II. Pangalawa, paano nila ito isinasanla?

Sa pamamagitan ng pamimigil ng pagpapaniwalang nagkasala ng Espiritu ng Diyos. Ang lahat ng mga pagpapalang ito ay malapit na konektado sa pagsusumikap ng Espiritu. Sa pamamagitan ng pagpapaniwalang nagkasala ng Espiritu lamang ang makasalanan ay ginagawang handang tangapin ang pamana ng mga santo sa Langit.

Ngunit ang makasalanan, tulad ni Esau, ay maaring ayaw isuko ang senswal na mga kasiyahan. Maari siyang maglagay ng mas mataas na halaga sa kanila kay sa sa kaligtasan ng kanyang kaluluwa. Gayon, maari niyang pigilan ang pagpapaniwalang nagkasala ng Espiritu, at selyuhan ang kanyang walang hangang kaparusahan, dahil sinabi ng Diyos,

“Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man” (Genesis 6:3).

Sa pamamagitan ng pagpipigil ng pagpapaniwalang nagkasala ng Espiritu ng Diyos, maaaring mawala ng makasalanan ang kanyang kaluluwa sa buong walang hangan sa Lawa ng Apoy.

III. Pangatlo, para sa ano nila sinasanla ang kanyang kaluluwa?

Tinanong ni Kristo, “Anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang [kaluluwa]?” (Marcos 8:37). Tulad ni Esau, isinasanla ng mga makasalanan ang kanilang kaluluwa para sa napaka-kaunti – maliliit na mga bagay lamang – para sa walang halaga! Isinasanla nila ang kanilang kaluluwa para sa isang mangkok ng lugaw -- isang panandaliang pagbibigay-kasiyahan – ilang sandali ng kasiyahan. Dahil sa mga ito nawawala nila ang kanilang kaluluwa, kapayapaan ng konsensya, at ang kaligayahan ng Langit! Maaring ito’y para sa kaunting pera, isang mas mabuting posisyon – o marahil upang pasiyahin ang isang nawawalang kaibigan, na kaaway ni Kristo – o sa alang-alang ng isang luho ng laman.

Kapag isinasagawa ang mga kasalanang ito, maaring maranasan ng isang makasalanan ang isang tumutukang konsensya. Hindi nila ito inaasahan, ngunit sa pamamagitan ng mga kagawiang ito ang Espiritu ng Diyos ay umaalis mula sa kanila, at ang pagkakapaniwalang nagkasala’y umaalis sa kanila.

Ngayon tinatanong ko ang makasalanan, Anong nakukuha mo mula rito? Anong makukuha mo mula sa pagsasanla ng iyong kaluluwa sa kasalanan?

“Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, [Ipinagbili ninyo ang inyong sarili] sa wala” (Isaias 52:3) – [KJV].

Ipinagbili ninyo ang inyong sarili para sa wala! O, para sa anong kaunti, di-mahalagang mga bagay na isinasanla ng mga makasalanan ang kanilang mga kaluluwa! Noong si Lysimachus, hari ng Thrace, ay lubos na nauuhaw, inialay niya ang kanyang kaharian sa Getae para sa isang tubig na maiinom. Pagkatapos niyang uminom sinabi niya, “A! Kaawa-awang ako, na para sa ganoong uri ng panandaliang pagbibigay-kasiyahan, ay nawala ang napaka-dakilang kaharian.” Tumutukoy itong lubos sa kanya, sinong, para sa ilang maka-lupaing kasiyahan, ay nawala ang pagkapaniwalang nagkasala, pagbabagong loob, at ang Kaharian ng Langit!

IV. Pang-apat, ano ang mga kahihinatnan ng pagsasanla
ng iyong kaluluawa?

Pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha” (Hebreo 12:16-17).

“Pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala…” Makinig! Mayroon laging isang pagkatapos! Kung hindi ito totoo, hindi namin kayo guguluhin tungkol rito. Apat-na-pu’t limang taon “pagkatapos,” noong namana sana ni Esau ang pagpapala, siya ay itinakuwil! Noong natagpuan niyang nawala niya ang pagpapala magpakailan man siya’y, sumigaw ng may isang napaka-pait na sigaw! Ngunit “sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi” (Hebreo 12:17).

O, napaka-dakila at pait ang magiging sigaw ng makasalanan, kapag ito’y magpakailan mang huli na upang makuhang muli ang nawala niya! Sinabi ni Esau sa kanyang ama, “Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko” (Genesis 27:34). Ngunit huli na para sa kanya! “At humiyaw si Esau at umiyak” (Genesis 27:38). Gayon man hindi siya nakahanap ng lugar ng pagsisisi. Hindi niya makumbinsi ang kanyang amang magbago ang kanyang isipan, “bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha” (Hebreo 12:17). Kaya magiging ganoong rin ito sa iyo balang araw. Sisigaw kang, “Panginoon, Panginoon, buksan mo [ako]” ngunit “inilapat ang pintuan” at sinabi ni Kristo, “Hindi ko kayo nangakikilala” (Mateo 25: 11, 10, 12).

Anong matinding kahihinatnan ang minsan ay konektado sa maliit na aksyon. Para sa isang piraso ng karne – para sa isang kasalanan, sa ilalim ng isang pagkakataon, Langit ay ipinamimigay – at ang kaluluwa ay nawawala magpakilan man sa isang pagtatawad.

Kapag ang makasalanan ay nasa ilalim ng pagpapaniwalang nagkasala, nakaririnig ng isang huwaad na salita mula sa isang nawawalang “kaibigan” ay maaring magresulta ng pagkawala ng kaluluwa. Ang pagkawala mula sa isang ebanghelistikong pagpupulong ay maaring magsanhi sa Espiritung umalis – at di-kailan man babalik. Ang pagkabigong manatili sa isang seryosong panagano pagkatapos ng pagpupulong ay maaring magsanhi ng pagkawala ng pagkapaniwalang nagkasala at mawala ang kaligtasan. Tignan kung gaano katindi ng panganib na ika’y naroon!

“Kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?” (I Pedro 4:18).

Isang seryosong bagay ang mabuhay. Ngayon din – sa buhay na ito – ikaw ay nasa isang pagsubok magpakailan man!

Naway di mo mawala ang nabubuhay na Kristo,
   Para sa isang maikling kasalanan ngayon;
Na may maibiging pag-akap na pagbitin sa isang bisyo,
   At itinatapon ang iyong kaluluwa!

(Ang pangaral na ito ay iniayos at binago para sa modernong paggamit mula sa “Ang Halimbawa ni Esau – Isang Babala sa mga Makasalanan” Isinalin mula sa “The Example of Esau – A Warning to Sinners” ni Dr. Asahel Nettleton (1783-1844), Asahel Nettleton: Sermons From the Second Great Awakening, International Outreach, 1995 edition, pp. 404-407).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”


ANG BALANGKAS NG

ANG HALIMBAWA NI ESAU –
ISANG BABALA SA MGA MAKASALANAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Baka magkaroon ng sinomang mapakiapid, o mapaglapastangan, gaya ni Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay. Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha” (Hebreo 12:16-17).

(Genesis 25:29-33)

I.   Una, anong isinasanla nila? Jeremias 49:8.

II.  Pangalawa, paano nila ito isinasanla? Genesis 6:3.

III. Pangatlo, para sa ano nila sinasanla ang kanyang kaluluwa?
Marcos 8:37; Isaiah 52:3.

IV. Pang-apat, ano ang mga kahihinatnan ng pagsasanla
ng iyong kaluluawa? Hebreo 12:17; Genesis 27:34, 38;
Mateo 25:11, 10, 12; I Pedro 4:18.