Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MALCO – ANG HULING TAONG NAPAGALING NI KRISTO MALCHUS – THE LAST MAN CHRIST HEALED ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang kanang tainga. Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco” (Juan 18:10). |
Pagkatapos kumain ng hapunang Pam-paskua kasama ng Kanyang mga Disipolo, dinala sila ni Hesus sa kadiliman ng Hardin ng Gethsemani. Iniwan Niya ang karamihan sa mga Disopolo sa dulo ng Hardin at dinala si Pedro, Santiago at Juan ng mas malayo sa kadiliman, kung saan iniwanan Niya sila habang, Siya, Mismo, ay nagpunta pa ng mas malayo upang magdasal “nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44), habang nagsimulang “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
Ilang minuto ang nakalipas, habang kinakausap ni Hesus ang mga Disipolo, dinala ni Hudas ang “pulutong ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo” na “nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata” (Juan 18:5). Tinanong sila ni Hesus kung sinong hinahanap nila, “Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret” (Juan 18:5). Literal na sinabi ni Hesus, “Ako nga.” Ang salitang “siya” ay naka italiko sa KJV, na ibig sabihin ay hindi sinabi ni Hesus ang “siya” – ito’y idinagdag ng mga tagapagsalin. Kaya ito’y naka-italiko. Agad-agad noong sinabi Niyang, “Ako nga,” alin ay ang ngalan ng Diyos (Exodo 3:14), “ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa” (Juan 18:6). Pagkatapos ay isang gulo ang naganap at,
“Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang kanang tainga. Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco” (Juan 18:10).
Sinuway ni Hesus si Pedro at sinabihan siyang itago ang kanyang tabak.
Iya’y nagdadala sa atin sa taong nagngangalang Malco, na tinagpas ni Pedro ang kanyang tainga. Winawaring ang pangyayaring ito ay mahalagang sapat dahil ginabayang ng Banal na Espiritu ang apat na Ebanghelyong manunulat upang itala ito (Mateo 26:51; Marcos 14:47; Lucas 22:50; Juan 18:10). Lahat ng apat sa kanila’y nagsasabi sa atin na si Malco ay isang alipin ng Mataas ng Saserdote. Ngunit si Juan lamang ang nagsasabi sa atin na ang kanyang pangalan ay Malco, at si Juan lamang ang nagpangalan kay Pedro bilang ang Disipolong tumagpas ng kanyang tainga. Iniisip ng maraming mga modermong taga-kumento na hindi isinama nina Mateo, Marcos at Lucas ang pangalan ni Pedro dahil, sa panahong iyon, ang pagkatao ni Pedro ay maglalagay sa kanya sa panganib, kung ang pangalan niya ay ibinigay. Ngunit si Pedro ay nasa maraming panganib sa ano mang paraan, kaya nagdududa akong iyan ang dahilan! Winawari kong ang sagot sa mga tanong na tulad niyan ay hindi natin nalalaman, at ito’y pinaka-mabuting sabihin na iniwan ito ng Banal na Espiritu sa mas nahuling manunulat ng Ebanghelyong si Juan upang ibigay sa atin ang pangalan ni Pedro – gayun din ang pangalan ni Malco. At si Lucas lamang ang nagsabi sa atin na pinagaling ni Hesus ang natagpas na tainga ni Malco.
“At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya. Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggang dito. At hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling” (Lucas 22:50-51).
Ang katunayan na si Malco ay ang “alipin ng dakilang saserdote” (Lucas 22:50) ay nagpapaliwanag na siya ay nasa harapan ng mga kawal na dumating upang arestohin si Hesus. Si Malco’y ang personal na kinatawan ng Mataas na Saserdote, at ay nasa harapan ng mga kawal, pinangungunahan sila, sa likuran lamang ni Hudas. Ipinapaliwanag nito kung bakit tinaga siya ni Pedro, dahil siya ang nangunguna sa iba. Pagkatapos nabasa natin na “hinipo ni [Hesus] ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling” (Lucas 22:51). Sinabi ni Dr. Lenski,
Ito’y kapansin-pansing himala, ang huli na ginawa ni Hesus… [Waring] ang tainga ay nahiwa at sumabit ng isang piraso ng balat upang ang pulos na hipo ni Hesus ay napanumbalik itong perpekto (Isinalin mula sa R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of St. Luke’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1961 reprint, p. 1082; sulat sa Lucas 22:51).
“Sinabi nga ni Jesus kay Pedro, Isalong mo ang iyong tabak: ang sarong sa akin ay ibinigay ng Ama, ay hindi ko baga iinuman?” (Juan 18:11).
“Ang sarong sa akin ay ibinigay ng Ama, ay hindi ko baga iinuman?” (Juan 18:11). Sinabi ni Dr. McGee, “Ito ang sarong ng paghahatol na kanyang pinasan para sa atin sa Krus…Huwag nating isipin na ang Tagapagligtas ay [nagpunta sa Krus] na nag-aalinlangan. Sinasabi ng Hebreo 12:2, ‘…na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios’” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 485; sulat sa Juan 18:11).
Huwag kalimutan na ito’y si Hesus, ang Diyos-tao. Ang mga kawal ay nangalugmok sa ilalim ng Kanyang kapangyarihan noong sinabi Niyang, “Ako nga.” Sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, pinagaling Niya ang tinagpas na tainga ng Kanyang kaaway na si Malco. Ito’y si Hesus ang Diyos-tao, na nagsabi kay Pedrong itago ang kanyang tabak, at nagsabing,
“O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?” (Mateo 26:53).
Tumawag sana Siya ng libo-libong mga anghel upang iligtas Siya mula sa pagkaka-pako, ngunit nagpunta Siya sa Krus ng buong kalooban, upang bayaran ang buong multa ng iyong mga kasalanan.
Ginapos nila ang mga kamay ni Hesus sa hardin kung saan Siya ay nananalangin,
Dinala nila Siya sa mga kalye sa kahihiyan.
Dinuraan nila ang Tagapagligtas, napaka-dalisay at malaya mula sa kasalanan,
Sinabi nila, “Ipako Siya sa Krus; Siya ang sisihin.”
Tumawag sana Siya ng sampung libong mga anghel
Upang sirain ang sanglibutan at palayain Siya.
Tumawag sana Siya ng sampung libong mga anghel,
Ngunit namatay Siyang mag-isa, para sa iyo at ako.
(“Sampung Libong Anghel,” isinalin mula sa
“Ten Thousand Angels” ni Ray Overholt, 1959).
Si Hesus ay nagpunta sa Krus ng buong kalooban, “gaya ng kordero na dinadala sa patayan” (Isaias 53:7) upang bayaran ang halaga ng iyong kasalanan at iligtas ka mula sa paghahatol ng Diyos.
Ngunit ang ating sermon ngayong gabi ay nakasentro sa taong si Malco, ang taong alipin ng Mataas na Saserdote – ang taong ito na kanyang tainga ay natagpas ng tabak ni Pedro – ang taong ito na huling pinagaling ni Hesus bago ng Kanyang pagpapako sa krus. Siya ba’y isang mahalagang tao? Hindi. Siya ay di importante sa antas ng Kristiyanismo. At gayon man siya ay tinukoy sa apat na Ebanghelyo, ay binanggit sa Ebanghelyo ni Juan, at pati tinukoy ng pangalawang beses sa Ebanghelyo ni Juan bilang “ang alipin ng dakilang saserdote…niyaong tinagpas ni Pedro ang tainga” (Juan 18:26).
Siya ay binanggit ng limang beses sa apat na mga Ebanghelyo. Iyan lang ang lahat na narinig natin tungkol sa kanya sa mga Kasulatan. Hindi tayo kailan man na nakaririnig ng iba pa na tungkol sa kanya – yoon lamang na tinagpas ni Pedro ang kanyang tainga, at na pinagaling siya ni Hesus – wala ng iba! Gayun din, walang pagbabanggit sa kanya sa kahit anong lumang tradisyon. Ngayon, hindi ako naglalagay masyado ng halaga sa mga lumang tradisyon. At gayon man, kung siya’y naging isang Kristiyano pagkatapos, maiisip ng isa na mayroon dapat kahit isang pagbanggit nito sa ilang kasaysayan o tradisyon. Kahit isa sa mga Ama ng simbahan o si Eusebius, o isang tao, ang dapat bumanggit sa kanya, kahit sa kaliitliitang pagkakataon. Ngunit wala – wala ng iba tungkol sa kanya sa Bibliya – wala ng iba tungkol sa kanya sa lumang tradisyon. Siya ang huling taong pinagaling ni Hesus bago ng Kanyang pagpapako sa krus, at gayon man walang isang dagdag na salita tungkol sa kanya! Anong sinasabi niyan sa atin? Sa tinggin ko ang dahilan ay halata. Siya’y hindi kailan man napagbabagong loob. Hindi siya kailan man naging isang Kristiyano. Sa tinggin ko iyan ang kapansinpansing kongklusiyon.
Bakit gayon ang kanyang pagkapagaling nabanggit sa mga Kasulatan? Naniniwala ako na ang bawat salita ng Hebreo at Griyegong Kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan – at naniniwala ako na ang lahat ng mga salita ng Kasulatan ay ibinigay dahil sa isang dahilan. Sinabi ng Apostol Pablo,
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran” (II Timoteo 3:16).
Pinaniniwalaan ang II Timoteo 3:16 na totoo, anong nalalaman natin na “mapapakinabangan” mula sa pagkapagaling ni Malco? Hindi ba halata ang sagot? Sinabi ni Dr. Lenski, “Anong epekto ang nagawa ng himalang ito [kay Malco]? Wala tayong naririnig” (Isinalin mula sa ibid., p. 1083; sulat sa Lucas 22:51). Kumbinsido akong iyan ang sagot. Ito ang aral na natututunan natin mula sa pagkapagaling ni Malco – si Hesus ay makakapagsagawa ng isang himala sa isang tao na wala itong kahit anong espirituwal na epektong kahit ano sa kanyang buhay. Ang isang tao ay makararanas ng isang pisikal na himala at gayon man manatili pa ding nawawala – di-napagbabagong loob – di-kailan mang naligtas. Hindi ba iyan ang aral na natututunan natin mula sa pagkapagaling ni Malco? Kung hindi iyan ang natututunan natin mula rito, wala na kong maisip na iba pang dahilan na itinala ng Espiritu ng Diyos ang himalang ito sa Banal na Kasulatan! Ang Diyos ay makagagawa ng isang himala sa iyong buhay na hindi ka naliligtas. Iyan ay isang mahalagang aral para sa ating matutunan sa mga araw na ito kung saan ang pagpapagaling at mga himala ay iniisipan ng lubos na halaga.
Hayaan akong tapusin ang sermong ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa inyo ng isang kwento. Ito’y isang ganap na tunay na kwento, at iniiwan ko itong di dinaragdagan ng pampaganda. Ibibigay ko lamang sa inyo ang walang taklob na mga katotohanan, sakto kung paano sila nangyari.
Disoras isang gabi nakatanggap ako ng isang tawag. Isang taong kilala ko mula pa sa pagkabata ay namamatay. Sa katunayan sinabihan ako na binigyan lamang siya ng mga doktor ng isang oras upang mabuhay. Hiniling nila akong magpunta at magdasal para sa kanyang mapagaling. Umuulan ng matindi, at siya ay nasa napakalayong ospital, kaya hiniling ko na isa sa ating mga diakono, si Dr. Cagan, na sumama sa akin. Kaming dalawa ay sa wakas nakarating sa ospital. Sinabihan kami ng pamilya na isinuko na siya ng mga doktor, na siya’y mamamatay na sa ilang minuto. Ako at si Dr. Cagan ay nagpuntang mag-isa sa silid sa ospital. Inilagay ko ang aking kamay sa kanya at nagdasal sa Diyos upang siya’y pagalingin. Iyon lang. Pagkatapos umalis kami at nagmaneho pauwi. Inasahan kong lubos na siya’y mamamatay ng gabing iyon. Ako’y lubos na nagulat ng sumunod na umagang marinig na siya’y buhay. Mas nagulat pa ako noong nalaman kong, ilang araw ang lumipas, na siya’y pinalabas mula sa ospital at pinauwi! Sinabi ng pamilya niya na ito’y isang himala. Sinabi ng mga doktor na ito’y isang himala. Ang taong ito mismo ay nagsabi na ito’y isang himala. Ako, mismo ay naniwala na ito’y isang himala.
Ngayon, ang dahilan ng halos pagkamatay niya ay dahil sa alkoholismo. Ang kanyang atay ay pumalya. Ngunit kahit papano pinagaling siya ng Diyos. Ako, gayon, ay lubos na nagulat upang malaman na siya ay bumalik sa botelya sa loob ng ilang linggo!
Di nakagugulat, ilang buwan ang pagkatapos nakatanggap nanaman ako ng isang disoras na tawag. Sinabi nilang namamatay na muli siya. Sa pagkakataong ito hindi siya binigyan ng mga doktor ng kahit anong tyansa. Ngunit nagmaka-awa ang pamilya sa aking magpunta. Muli ako at si Dr. Cagan ay bumiyahe ng mahabang biyahe papunta sa ospital. Noong nagpunta kami sa kanyang silid hindi siya halos makapagsalita. Ngunit bumulong siya sa akin na kung pagagalingin siya ng Diyos muli siya’y magpupunta sa aming simbahan at “maliligtas.” Muli, inilagay ko ang aking kamay sa kanya at nagdasal para sa kanyang mapagaling. Muli, nangyari ang himala. Namangha ang mga doktor! Di nagtagal siya ay pinakawalan mula sa ospital. Ilang linggo pagkatapos kalahating tinupad niya ang kanyang pangako. Isang Linggong umaga pumasok siya sa pintuan ng aming simbahan, at umupo kasama ng kanyang asawa sa harapang hanay habang ako’y nangaral. Ngunit habang nagaganap ang sermon hindi niya ako kailan man tinignan. Inilapat niya ang kanyang mga mata sa sahig sa harapan niya. Sa pagsasara ng paglilingkod nagbigay ako ng imbitasyon para doon sa mga may gustong makipag-usap sa akin tungkol sa kaligtasan na itaas nila ang kanilang mga kamay. Hindi itinaas ng taong ito ang kanyang kamay. Pagkatapos ng paglilingkod kinausap ko siyang kaming dalawa lang at nagmaka-awa ako sa kanyang magpunta kay Kristo. Sinabi niya sa akin, “Kailangan ko itong pag-isipan ng maigi pa.”
Upang paiklihin ang kwento, bumalik siya sa alkohol. Ilang buwan pagkatapos namatay siya mula rito. Tinawagan nila ako at hiniling akong isagawa ang kanyang libing, na aking ginawa. Ngunit hindi ko mabigyan ang kanyang pamilya ng isang salita ng kaaliwan. Ang lahat lang na nagawa ko ay magpangaral ng isang simpleng Ebanghelyong sermon at ibigkas ang benediksyon. Hangang sa ako’y nabubuhay akin siyang aalalahanin. Kaibigan ko siya noong bata ako. Siya’y pinagaling ng dalawang beses sa pamamagitan ng isang himala. Ngunit hindi siya kailan man nag-sisi, at hindi siya kailan man napagbagong loob. Nilabanan niya si Kristo hangang sa katapusan.
Ano ang punto nito? Ang buong punto ng sermong ito ay napaka-simple – maari kang makatanggap ng isang himala at hindi maligtas. Maari kang magkaroon ng sagot sa dasal at di maligtas. Maari kang mabiyayaan ng Diyos at di kailan man mapagbagong loob. Iyan ang kondisyon ni Malco sa Bibliya, at iyan ang naging kondisyon ng aking kawawang, nawalang kaibigan, na minahal ng lubos ang alkohol na tumanggi siya lumapit kay Hesus. Ano iyon na minahal ng lubos ni Malco na hindi siya mapagkatiwalaan ang Tagapagligtas na nagpagaling sa kanya? Hindi natin masabi, Ang Bibliya ay nanahimik. Ngunit maari tayong masiguraduhan na mayroong isang bagay sa buhay ni Malco na takot siyang mawala – at kaya nawala niya ang kanyang kaluluwa! Sinabi ni Hesus,
“Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26).
Ano iyon na pumipigil sa iyong lumapit kay Hesus? Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasamaan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Ano iyon na pumipigil sa iyo sa paglapit sa Kanya upang tanggapin iyong dakila at walang hanggang benepisyo? Nagmamakaawa ako sa iyo lumingon mula sa iyong mga kasalanan at lumapit sa Kanyang direstso, dahil sinabi ni Hesus,
“Ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboyt” (Juan 6:37).
Ang pinaka-dakilang himala sa lahat ay ang kaligtasan ng iyong kaluluwa. Kapag dinadala ka ng Diyos kay Hesus, at iyo Siyang pinagkakatiwalaan, ang pinakadakilang himala sa lahat ay mangyayari sa iyong kaluluwa! Ika’y maipapanganak muli sa pamamagitan ng Kanyang awa at biyaya!
Kinailangan ng isang himala upang ilagay ang mga bituin sa lugar,
Kinailangan ng isang himala upang isabit ang sanglibutan sa ere;
Ngunit noong iniligtas Niya ang aking kaluluwa, nilinis at ginawa akong buo,
Kinailangan ng himala ng pag-ibig at biyaya!
(“Kinailangan ng Isang Himala,” isinalin mula sa
“It Took a Miracle” ni John W. Peterson, 1921-2006).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 22:39-51.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kinailangan ng Isang Himala.” Isinalin mula sa
“It Took a Miracle” (ni John W. Peterson, 1921-2006).