Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MANGAGPIGHATI, MAGSIHIBIK, AT MAGSITANGIS BE AFFLICTED, MOURN, AND WEEP ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9). |
Sa likurang takip ng A Sure Guide to Heaven, ni Joseph Alleine sinabi ito ni Iain H. Murray,
Kapag ang espirituwal na kasaysayan ng Kanlurang mundo sa ika-20 na siglo ay naisulat, ito’y mabuting maaring makita bilang panahon ng espirituwal na katamaran at pagtulog. Walang hanggang mga katotohanan ay waring malabong inilalarawan at malayong inaalis mula sa araw-araw na buhay, at ang pakikibagay sa mundo ay naging anyo ng pagkawalang bahala at pagkalimot sa mga espirituwal na mga pangyayari (isinalin mula sa Joseph Alleine, A Sure Guide to Heaven, The Banner of Truth Trust, 2007 reprint, back jacket).
Ang orihinal na pamagat ng aklat ni Alleine ay An Alarm to the Unconverted. Sinabi ni Iain Murray na ito’y “ginamit upang alarmahin at gisingin ang marami sa mga bagabag ng buhay at kamatayan” (isinalin mula sa ibid.).
Ang mga pangaral na tulad ng mga iyon ni Joseph Alleine ay bihirang marinig sa ating mga pulpito ngayon. At ito ang dahilan na ang “kasaysayan ng Kanlurang mundo sa ika-20 na siglo [ay] makikita bilang panahon ng espirituwal na katamaran at pagkatulog.” Kung ang mga nawawala ay hindi “na-aalarma” sa pamamagitan ng pangangaral sila’y di mapagbabagong loob!
Nagdududa ako na maraming mga ministor ngayon ay mangangahas magsalita sa tekstong ito,
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9).
Gayon man si Spurgeon, na nangangaral sa pasaheng ito ay nagsabing,
Sa palagay ko ako’y hindi nagdududa na walang dahilan kung ipapakita ko ang aking takot na ang pangangaral na ngayon lamang ay napaka-karaniwan…na ‘mananampalataya lamang at ika’y maliligtas,’ ay minsan ay sabay-sabay na naging pagkakamali noong mga nakarinig nito. Ang mga sitwasyong ito ay nangayayari kung saan ang mga kabataan ay nagpapatuloy na nabubuhay ng magaan…at pati masasamang mga pamumuuhay, at gayon man ay idinedeklara na sila’y nananampalataya kay Hesu-Kristo. Kapag sila’y iyong kikilatisin ng kaunti matatagpuan mo na ang ibig sabihin ng paniniwala nila kay Kristo ay na kanya silang iniligtas, kahit na ang lahat na naka-aalam ng kanilang karakter ay nakikitang malinaw na sila’y hindi talaga ligtas: ngayon, ano ang kanilang pananampalataya kundi ang pananampalataya na isang kasinungalingan?...Ang aking pananampalataya ay hindi nagtuturo sa aking paniwalaan ko na ako’y ligtas na deretsong sa harap ng aking mga mata mayroon akong patunay na hindi ako ligtas, dahil ako’y nabubuhay sa pinaka-kasalanan na ako’y nagkukunwaring naligtas mula. Kahit na sa isang sandali hindi tayo maglalagay ng pagdududa sa doktrina ng pagmamatwid sa pamamagitan ng pananampalataya at malayang kaligtasan, dapat rin nating ipangaral ng higit iyang kapantay na katotohanan, “Dapat kang maipanganak muli.” Dapat nating dalhin sa harapan ang dakilang lumang salita na itinapon sa likuran ng ilang mga ebanghelista, iyan ay ang, “Magsisi.” Pagsisisi ay mahalaga sa kaligtasan gaya ng pananampalataya…Ang tuyong-matang pananampalataya ay di kailan man makikita ang kaharian ng Diyos. Isang banal na pagkamuhi sa kasalanan ay laging [kasama] ng isang pananampalatayang tulad ng isang bata sa tagabuhat ng kasalanan (isinalin mula kay C.H. Spurgeon, “The Reason Why Many Cannot Find Peace,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1992 inilimbag muli, volume XXIV, p. 213).
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9).
Habang tayo’y papunta sa pagsasabuhay ng tekstong ito, ating isipin ang tatlong mga bagay.
I. Una, ang pagtutol na ito ay “batas.”
Ang pinaka- unang pangaral na aking pinangaral ay mula sa Aklat ng Santiago. Kahit na hindi ko ito ipinaliwanag ng mabuti, bilang isang di-napagbabagong loob rin sa panahon na iyon, sa palagay ko’y ang pinaka-simpleng paksa ay saktong ang kinailangang marinig noong mga kabataan. Inaangkin nilang sila’y “ligtas” ngunit, sa mga taong sumunod, ang propesyon ng kaligtasan ay nagpatunay na walang halaga gaya ng akin sa panahong iyon. Ang taong nag-ayos ng aking sermon ay siya rin ay nabubuhay sa kasalanan, at tiyak na pupunta sa Impiyerno gaya noong mga binanggit ko! Ang nagkukulang sa simbahang iyon ay ang lumang-paraang pangangaral ng batas ng Diyos!
Totoo, hindi tayo naliligtas sa pamamagitan ng pananatili ng batas – ngunit hindi tayo posibleng maligtas na hindi ito naririnig! Yoong mga tumututol sa pangangaral ng batas ay makahahanap na kakaunti ng tumatagal na kabutihan ang lumalabas na wala nito. Ang ating mga simbahan ay puno ng “pag-aaral ng Bibliya.” Ngunit sinong mangangahas na tumutol na tayo ay nabubuhay sa “panahon ng Laodicean” ng Kristiyanong dispensasiyon? Sinasabi ng The Scofield Study Bible, “Ang mensahe sa Laodicea. Ang wakas na kalagayan ng pagtalikod sa dating pananampalataya” (sulat sa #7, p. 1334). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Ito ang kalagayan ng simbahan ngayon, at kahabag-habag, ito ay ang kalagayan ng dakilang maraming tinatawag na pundamental na konserbatibong mga simbahan…ang bagay na lubusang nakasisindak at nakagugulat at nakakatakot ay na sinasabi ni [Kristong], “isusuka kita sa aking bibig” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume V, p. 922).
At ang dahilan ng “Laodiceang” pagkapatay ng mga simbahan ay dahil ang batas ng Diyos ay hindi ipinangangaral! Kung gayon iniisip ng mga taong,
“Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad” (Apocalipsis 3:17).
Paanong hindi nila alam na sila’y aba, at maralita, at dukha at bulag at hubad? Bakit – simpleng dahil hindi nila kailan man iyan narinig na ipinangaral sa kanila! Hindi nila kailan man narinig ang kumukulog na batas – kaya hindi pa sila kailan man tunay na napapagbagong loob!
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9).
II. Pangalawa, ang pangangailangan ng batas.
Sa loob ng huling 125 na taon ang mga mangangaral ay naligaw. Napansin na ni Spurgeon ito noong 1878, noong sinabi niyang marami ang nalito sa pamamagitan ng pangangaral ng “paniniwala lamang na ika’y ligtas” (Isinalin mula sa ibid.). Parehong naintindihan ni Spurgeon at Dr. J. Gresheam Machen na ang iyong kaluluwa ay dapat maararo ng batas bago magkapag-ugat ang Ebanghelyo. Ang aklat ay sumusulit sa presyo sa pagbabasa ng kapitulo ni Machen sa gawain ng batas. Sa kapitulong iyon sinabi niyang, “Ang Kristiyanismo…ay nagsisimula sa [isang] biyak na puso; nagsisimula ito ng may pagkamalay ng kasalanan” (Isinalin mula kay J. Gresham Machen, Ph.D., Christianity and Liberalism, Eerdmans, 1990 reprint of the 1923 edition, p. 65). Ang batas ng Diyos ang nagdadala sa isang makasalanan sa luha at pagsisisi! Sinabi ng Apostol Pablo,
“Ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo” (Mga Taga Galacias 3:24).
Ibinigay ni Luther ang mahusay na kumentaryong ito,
Dahil anong uri siyang guro kung lagi niyang parurusahan at bubugbugin ang bata at turuan siya ng walang anuman? At gayon man ang ganoong uri ng guro ang naroon, sa mga lumipas na panahon, noong ang mga paaralan ay wala kundi isang bilangguan, at isang impiyerno, at ang mga guro ay malulupit na mga diktador at mga mangangatay. Ang mga bata ay laging pinapalo: natuto sila, kung matuto sila, na may sakit at hirap. Ang batas ay hindi ganoong uri ng guro. Dahil ito’y hindi laging nagpapahirap at nagpapasindak, kundi gamit ng nagpapawastong tungkod itinutulak nito sa atin si Kristo…ang batas ay hindi isang gurong nagdadala sa atin sa isa na namang taga-bigay ng batas na humihingi sa atin ng gawain, kundi kay Kristo ang ating taga-patunay at Tagapagligtas, na sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya naway tayo’y mapatunayan (Isinalin mula kay Martin Luther, Th.D., Commentary on Galatians, Kregel Publications, 1979 edition, p. 217).
Gayon man hindi lubusang naintindihan ni Luther na ang Aklat ni Santiago ay saktong ang uri ng batas na kanyang tinutukoy.
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9).
III. Pangatlo, ang batas ay kinakailangan upang magsanhi ng
nakapagkukumbaba, nakapaghihibik at nakapagtatangis.
Sinabi ng Apostol Pablo, “Sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:20). Mayroong pangangailangan sa iyong makita na ika’y isang nasirang makasalanan, at madama na iyong nasira ang batas ng Diyos – at na, sa iyong nawawalang kalagayan, ika’y wala kundi isang makasalanan. Kung iniisip mong ika’y maliligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng “plano ng kaligtasan,” hindi mo kailan man mararanasan ang tunay na pagbabagong loob – dahil ang pagbabagong loob ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pag-aaral! Dapat mayroong pagwawasak ng iyong mapagmatigas na kalooban,
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Ang iyong kalooban ay lubusang mapagmatigas laban sa Diyos. Ito ang natural na kondisiyon na ika’y naipanganak. Ika’y dapat madalang harap-harapan sa katotohanang ika’y isang mang-aalipusta, na ika’y naipanganak na mang-aalispusta, at na (walang ibinigay ng Diyos na pagbabagong loob) ika’y di kailan man magiging kahit ano kundi isang mang-aalispusta! Kung ang iyong puso ay sumasang-ayon na ika’y walang iba kundi isang mang-aalipusta, gayon ika’y maaring madala kay Kristo para sa paglilinis at pagpapatunay. Kung ika’y nawasak ng batas, puwes iyong maaring masigaw,
“Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).
Kamakailan lang nakausap ko ang isang babaeng natutong magsabi ng lahat ng mga tamang salita. Natutunan niya ang tungkol sa pakikipagpalit na sakripisiyo ni Hesus sa Krus, sa kanyang lugar, para sa kanyang mga kasalanan. Ngunit hindi ako nangahas na sabihin sa kanyang siya’y ligtas! Nasasabi kong hindi pa rin siya napagbabagong loob dahil walang pakiramdam ng kasalanan sa kanyang testimono. Kanya lamang natutunan ang tuyong doktrina. Walang pakiramdam ng pagkasira para sa kanyang kasalanan sa kanyang mga salita. Kaya, kailangan kong sabihin sa kanya,
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9).
Sinabi ni Spurgeon,
Nagdadalamhati akong sabihin na nakatagpo na ako ng mga taong nagsasabing, “Hindi ako makahanap ng kapayapaan, hindi ako makakuha ng kaligtasan,” at nagsasalita ng [mabuti] sa paraang iyon; ngunit gayon man sa labas ng pintuan sila’y nagsisibungisngis sa isa’t-isa, na parang ito’y bagay ng katuwaan…wala silang pag-iisip, o pagdurusa para sa kasalanan, walang kahihiyan sa harap ng Diyos… Para sa iyong tumatawa kahit nasa panganib ng pagiging ligaw ay wari sa aking kasing terible at kasing kakilakilabot na para bang ang mga demonyo ng impiyerno ay mag-aayos ng isang teatro at gaganap ng isang komedya…Anong karapatan ang mayroon ka [na tumawa] habang ang [iyong] kasalanan ay di-napapatawad, habang ang Diyos ay galit sa iyo?...Maging seryoso, magsimulang isipin ang kamatayan, at paghahatol, at ang poot na parating… Kung ika’y maliligtas [hayaan ang iyong isipan] ay taimtim na takutin ng walang hangang katotohanan. [Maging] seryoso tungkol sa mga bagay ng buhay at kamatayan; [naway] ang pinaka-isipan ng kasalanan ay magpapalumbay sa iyo [pakumbabahin ka, at mangapipighati sa iyo] (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, ibid., page 215).
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9).
Sinabi ni Spurgeon,
Si Hesu-Kristo ay hindi dumating upang pagalingin [yoong mga magagaling kundi] ang mga may sakit, o kaya namatay upang buklurin yaong mga hindi sira, o gawing buhay yoong mga hindi kailan man pinatay. Kailangang mayroon sa iyong, at naway ibigay sa iyo ng Diyos, ang isang pagwasak ng espiritu…Kung ang iyong puso ay hindi kailan man nasira, paano niya ito bubuklurin? Kung ito’y di kailan man nasugatan, paano niya ito gagamutin? Ang mga ito’y [mahahalagang] mga bagay, at binabanggit ko ang mga ito…sa takot na ang kahit sino sa inyo’y malinlang. Tulungan ka ng Diyos na humiyaw ng, “Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, ibid., p. 216).
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9).
Ang tamang paraan na pumunta kay Hesus ay ang paraan na ang makasalanang babae ay nagpunta sa Kanya. Siya’y “nakatayo…sa kaniyang mga paanan na tumatangis” (Lucas 7:38). Sinabi gayon ni Hesus, “Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig” (Lucas 7:47).
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan. Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo” (Santiago 4:9-10).
Matagal ko ng nilalabanan ang kanyang biyaya,
Matagal ko ng Siyang hinahamon sa Kanyang mukha,
Hindi nakikinig sa Kanyang mga tawag,
Pinighati Siya sa libo-libong pagbagsak.
Kapangyarihan ng awa! Mayroon bang
Awang nakatabi para sa akin?
Ngayon hiyakatin akong magsisi,
Hayaan ngayon pagtangisan ang aking mga kasalanan;
Ngayon aking maduming rebelyon ay ilunos,
Tumangis, mananampalataya, at huwag ng magsasala.
Kapangyarihan ng awa! Mayroon bang
Awang nakatabi para sa akin?
(“Kapangyarihan ng Awa,” isinalin mula sa “Depth of Mercy”
ni Charles Wesley, 1707-1788).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Santiago 4:4-10.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siyasatin Mo Ako O Diyos” Isinalin mula sa
“Search Me, O God” (Mga Awit 139:23-24).
ANG BALANGKAS NG MANGAGPIGHATI, MAGSIHIBIK, AT MAGSITANGIS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9). I. Una, ang pagtutol na ito ay “batas,” Apocalipsis 3:17. II. Pangalawa, ang pangangailangan ng batas, Mga Taga Galacias 3:24. III. Pangatlo, ang batas ay kinakailangan upang magsanhi ng |