Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BARRABAS

BARABBAS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi sa Araw ng Panginoon, Ika-21 ng Pebrero taon 2010

“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus” (Mateo 27:26).


Sinasabi sa atin ng Kasulatan na nakagawian ng Romanong gobernador na si Pontiu Pilatong magpakawala ng isang bilanggo sa Pista ng Paskua. Ito’y ginagawa ni Pilato upang matuwa ang mga Hudyo. Walang nahanap na nakatala nitong kagawiang ito sa labas ng apat na mga Ebanghelyo. Ito’y maaring maipaliwanag ng madali. Sinasabi sa atin ng Mateo 27:15 “pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo” – iyan ay, ang kinaugalian ni Pilato. Sinasabi ng Marcos 15:8 na ang pagpapakawala ng isang bilanggo ay “isang bagay na ang gaya ng sa kanila'y laging ginagawa” ni Pilato – na iyan ay isang bagay na laging ginagawa ni Pilato. Sinasabi sa atin ng Juan 18:39 na sinabi ni Pilato, “kayo'y may ugali, na pawalan sa inyo ang isa sa paskua.” Walang pagsasalungat rito, gaya ng pinaniniwalaan ng mga kritiko ng Bibliya. Mga tinatawag na “mahihirap” tulad nito ay halos laging madaling sagutin. Kaugalian ni Pilatong magpakawala ng isang bilanggo. Kaugalian din sa mga Hudyong tumanggap ng isang pinakawalang bilanggo mula sa kanya sa Paskua. Lahat ng tatlong pasahe ay nagsasabi sa atin na ang pagpapakawala ng isang bilanggo ay isang bagay na ginagawa ni Pilato. Posibleng wala ng ibang Romanong gobernador ang gumawa nito – kaya walang nakatala na ginawa ito ng kahit sino. Gayon man ito’y lubos na hindi posible na ang Ebanghelyo ay magtatala ng isang bagay na hindi kailan man naganap, dahil ang mga naunang mga tagabasa ng mga Ebanghelyo ay alam kung ginawa ito ni Pilato o hindi. Sila’y naging mga saksi, o narinig ito mula sa mga saksi. Kaya, walang posibilidad na ang pagpapakawala ni Barrabas ay isang katha.

Iniwan ko ang mga paksang ito ng Biblikal na “kristisismo” doon sa mga kumikita ng kanilang sweldo sa “walang ibang […], kundi ang magsipagsaysay o mangakinig ng anomang bagay na bago” (Mga Gawa 17:21). Ang aking layunin ay ang ipangaral ang inilantad ng Diyos sa “banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Timoteo 3:15).

Ang mga katunayan ng mga pangyayaring ito ay malinaw na sapat. Si Hesus ay kinaladkad papalayo mula sa pananalangin sa Hardin ng Gethsemani. Dumaan Siya sa isang “paglilitis” sa harap ng matataas ng saserdote at ng Sanhedrin, ang Hudyong korte. Binugbog nila Siya, at dumura sa Kanyang mukha (Mateo 26:67). Wala silang legal na kapangyarihang bitayin Siya, kaya dinala nila Siya “kay Pilato na [Romanong] gobernador” (Mateo 27:2). Maraming espiya si Pilato na nag-uulat sa kanya ng lahat ng mahahalagang mga bagay na nagaganap sa Jerusalem. Bago Siya kinausap ni Pilato alam niya na si Hesus ay hindi nagkakasala ng pagpupukaw ng isang rebolusyon laban sa Roma, o paglabag ng kahit ano pang batas. Iyan ang dahilan na paulit-ulit na tinawag ni Pilato si Hesus na isang “matuwid na tao” (Mateo 27:24), nagsasabing “wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito” (Lucas 23:14), at “wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya” (Juan 18:38).

Matagal ko ng nadaramang si Pilato ay di isang mabuting tao. Alam niyang lubos na si Hesus ay pumasok sa lungsod ng Jerusalem kasunod ng isang malaking pulong na umaawit ng “Hosanna sa anak ni David” ilang araw lang ng mas maaga. Ikinatakot siguro ni Pilato ang isang rebolusyon noong mga sumunod kay Hesus. Gayun din, alam ng gobernador “na sa kapanaghilian” ay ibinigay siya ng mga pangulong saserdote sa kanya (Marcos 15:10). Isinsip ni Pilato, kung inalok niya ng pagkaraya si Hesus man o Barrabas, tiyak na kanilang pipiliin si Hesus. Si Barrabas ay natagpuang nagkasala ng pagpatay at rebolusiyonaryong gawain (Marcos 15:7; Lucas 23:25). Si Barrabas rin ay isang magnanakaw (Juan 18:40). Waring naisip ni Pilato na hihingin nilang si Hesus ay mapakawalan imbes na “isang bilanggong bantog” gaya nitong magnanakaw at mamamatay taong ito (Mateo 27:16). Ngunit hindi! Noong sinabi ni Pilato, “Ano ang gagawin kay Jesus?” “Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus” (Mateo 27:22).

“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
       (Mateo 27:26).

Mula rito ating nalalaman ang dalawang pangunahing mga aral.

I. Una, ang kanilang magpipili kay Barrabas imbes na si Hesus ay nagpapakita ng pagkabulag ng kanilang di-napagbabagong loob na mga puso.

“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
       (Mateo 27:26).

Gusto ng mga taong ito si Barrabas imbes na si Hesus. At ang kanilang pagpili kay Barrabas ay nagpapakita ng pagkabulag at kasalanan ng kanilang mga puso. Sa pangalawang sermon ni Pedro, pagkatapos ng Pentekostes, sinabi niya,

“Inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito, at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao” (Mga Gawa 3:14).

Sinabi ni Hesus,

“Naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa” (Juan 3:19).

Hindi lamang tinanggihan ng tao si Hesus, tinatanggihan rin nila yoong mga sumusunod sa Kanya. Sinabi ni Hesus,

“Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:19).

Anong aral ang mayroon tayo sa pagtatanggi nila kay Hesus at pagpili kay Barrabas! Ang “sanglibutan” ng mga nawawalang tao ay pinipili si Che Guevara – isang mamamatay tao at isang ateyistiko – imbes na si Hesus. Maraming mga kabataan ay nagsusuot ng mga baro na may mukha nitong mamamatay ng maraming taong naka-imprinta sa mga ito! Ang mga Unibersidad ng Estado ng California ay mayroong isang pista para sa isang hamak na tao, na gumawa ng napakaliit na tumatagal ng kahalagahan, na nagngangalang Cesar Chavez, ngunit wala silang pista para kay Abraham Lincoln, ang ating makadiyos na martir na presidente, na nagligtas sa Uniyon at nagpalaya ng mga alipin! Sila’y yumuyuko sa isang sumasamba sa anitong tulad ng Dalai Lama, ngunit kinukutya at pinipintasan nila ang isang mabuting babae tulad ni Sarah Palin! Pinupuri nila ang mga mabubuting katangingan ni Charles Darwin, ngunit hangang sa araw na ito binubukas nilang malawak ang kanilang mga bunganga, sinusumpa at sinisirang puri si William Jennings Bryan! Pinupuri nila ang mga aktor sa Hollywood sa pagtutulong sa mga Haitiyano, ngunit iniligay nila ang maraming mga Bautismo sa bilangguan sa pagsusubok na tulungan ang ilang mga ulila doon! Huwag kalimutan na sinabi ni Hesus,

“Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:19).

“Naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa” (Juan 3:19).

At hindi ba iyan ang dahilan na ilan sa inyo ay hindi pa rin kailan man napagbabagong loob? Hindi ba tama ang Apostol noong sinabi niyang,

“Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4)?

“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
       (Mateo 27:26).

Sinabi ni Dr. John R. Rice,

Kung tayo ay tulad ni Kristo at ay mga nahirang mula “sa sanglibutan” gayon hindi tayo gugustuhin ng sanglibutan (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Son of God: A Commentary on the Gospel According to John, Sword of the Lord Publishers, 1976 edition, p. 308).

Hindi ba iyan totoo tungkol sa iyo, na gusto mo ang mga “makamundong” mga taong “gustuhin” ka? Hindi ba iyan kasalanan na pumipigil sa ilan sa inyo – iyan ay gumagawa sa iyong hangarin si Barrabas imbes na si Hesus – na ay nagpapanatili sa iyong nakapit ni Satanas?

“Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4),

alin ay, gaya ng sinabi ni Dr. Gill,

…isang kaligayahan sa samahan at kombersasyon ng mga tao ng sanglibutan, at isang pakikibagay sa, at pagsunod sa mga makasalanang pamamaraan at kaugalian ng sanglibutan, ay napaka-raming mga deklarasyon ng digmaan sa Diyos, at mga pagkilos ng paghahamon [laban] sa kanya; at pagpapakita ng poot ng isipan laban sa kanya, at siguro’y lubos-lubos na nakakapagpagalit sa kanya (isinalin ni John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume III, p. 515; sulat sa Santiago 4:4).

Hindi ba ang iyong pagkikipagkaibigan sa ilang “Barrabas” ang pumipigil sa iyong magpunta kay Hesus? Itapon si Barrabas! Iligpit siya, at lahat ng mga tulad niya sa kanilang paghahamak kay Kristo! Lumabas mula sa kanila patungo sa Tagapagligtas! Iwanan ang panig ng sanglibutan at itapon ang iyong sarili kay Kristo bago ito maging huli na magpakailan man! Magpunta kay Kristo – at pumasok ng todo sa simbahan! Iwan sa likod mo si “Barrabas” at ang kanyang mga kaibigan.

II. Pangalawa, ang pakikipagpalit ni Hesus sa lugar ni Barrabas ay naglalarawan ng bikaryong pagbabayad-sala ng Tagapagligtas sa lugar ng mga makasalanan.

“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
       (Mateo 27:26).

Ang ibig sabihin ng salitang “bikaryo” ay ang pagkuha ng lugar ng iba; isang bagay na pinagtitiisan o pinahihirapan ng isang tao sa lugar ng isa pa” (Isinalin mula sa Dictionary, Collins World, 1978). Iyan ang ginawa ni Hesus upang iligtas ang mga makasalanan. Kinuha Niya ang lugar ng mga makasalanan, at imbes na sila ay tiniis Niya ang kanilang kaparusahan!

“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5).

Napapataon nakaririnig tayo ng mga taong nagtatalo kung sinong responsable sa pagpapako sa krus ni Hesus. Ito ba’y yoong mga namumuhi sa Kanya at hiniling si Pilatong ipako Siya sa krus? O ang mga Romano, na nagsagawa ng Kanyang pagbibitay? Ang ilan ay nagsasabi na ang mga binhi ng anti-Semitismo ay ang apat na mga Ebanghelyo mismo. Hindi ito sa palagay ko. Hayaan akong sabihin ko kung bakit. Tinuruan ako ng aking ina mula pagkabata na ang anti-Semitismo ay isang kasalanan. Kaya, kapag binibasa ko ang Ebanghelyo, nakita ko na mayroong dalawang grupo ng mga Hudyo – yoong nagmamahal kay Hesus, at yoong mga namumuhi sa Kanya. Maya-maya natagpuan ko na mayroong isa pang grupo (ang mga Esenes) ang mga walang kinakampihan, dahil hindi sila malapit kay Hesus. Gayon man natagpuan ko ang ibang, tinuruan mula sa maagang edad na kapuotan ang mga Hudyo, ay inisipi na ang mga Ebanghelyo ay anti-Semetiko. Kaya, nakahahanap ako ng mga taong binabasa sa Ebanghelyo ang na-iisip na nila.

Sa katunayan ang mga Ebanghelyo, at ang buong Bagong Tipan, ay nagtuturo na ang bintang para sa kamatayan ni Hesus ay hindi lang bumabagsak sa Hudyo o mga Romano lamang. Noong sinabi ni Isaias, “Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang” (Isaias 53:5) naniniwala kaming ang salitang “ating” ay tumutukoy sa buong lahi ng tao,

“At siya ang pangpalubag-loob [kaluguran, magbayad-salang sakripisyo] sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman”
     
 (I Juan 2:2).

Ang Bagong Tipan ay nagtuturo na si Hesus ay kusang nagpunta sa Krus upang magbayad-sala para sa kasalanan ng buong lahi ng tao. Anomang paraan na subukan ng taong puluputin ang mensahe, at bintangan ang mga Hudyo o mga Romano, ang kanilang mga pangangatwiran ay hindi tumatayo kapag babasahin mo ang Bagong Tipan ng may isipang walang kinakabigan. Hindi ang mga Hudyo o Romanon ang nagpadala kay Hesus sa Krus. Ang Diyos ang nagpadala sa Kanya doon upang magdasal para sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bikaryong kamatayan – ang Tagapagligtas ginagawa ang kabayaran-ng-kasalanan sa lugar ng mga makasalanan! “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak…” (Juan 3:16).

Sa katunayan ang pagkalarawan ni Barrabas ay maaring gamitin upang ilarawan ang bikaryong pagbabayad-sala, ang pakikipagpalit na pagdurusa ni Hesus sa lugar ng mga makasalanan. Sa kanyang kumentaryo sa mga Romano, nagsalita si Dr. Donald Grey Barnhouse tungkol kay Barrabas na nakaupo sa bilangguan, naghihintay upang mapako sa krus. Biglang kanyang narinig ang mga galit na mga tinig na sumisigaw ng “Ipako siya! Ipako siya!” Binuksan ng isang tagapagbilanggo ang pintuan ng kanyang selda. Iniisip ni Barrabas na ang oras ng kanyang pagpapako sa krus ay dumating na. Imbes, sinabi sa kanya ng tagapagpakong siya’y pinakakawalan. Inisip siguro ni Barrabas, “Kinuha ni Kristo ang aking lugar sa krus!”

“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
       (Mateo 27:26).

Sa katunayan, may roon tayong dahilan upang isipin na ang krus sa gitna ay inihanda para kay Barrabas. Maraming mga eskolar ay naniniwala na ang dalawang magnanakaw, na napako sa parehong tabi, ay ka-grupo ni Barrabas, at na siya ay ang kanilang pinuno. Ang tatlo sa kanila’y napiling para sa pagpapako sa krus ng umagang iyon – ngunit kinuha ni Hesus ang lugar ni Barrabas sa gitnang krus. Ibinigay ni Chuck Missler ang sumusunod na mga balangkas ng sermon:

Ang Ebanghelyo Ayon kay Barrabas

Chuck Missler

Ang pakikipagpalit ni Barrabas kay Hesus sa harap ni Pilato sa isang mahalagang araw ay mayroong malalim na implikasyon para sa bawat isa sa atin. (Barrabas sa Hebreo ay nangangahulugang “anak ng ama”). Ito’y nakabibigay linaw na aralin ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mga naakusang mas masinsinan:

1)  Si Barrabas ay tumatayo sa ilalim ng makatuwirang kondemnasyon ng batas.

2)  Alam ni Barrabas na ang Taong kukuha ng lugar niya sa krus ay inosente.

3)  Alam ni Barrabas na si Hesu-Kristo ay isang tunay na kapalit.

4)  Alam ni Barrabas na wala siyang ginawa upang marapat niyang mapalaya habang may isang taong kukuha ng kanyang lugar.

5)  Alam ni Barrabas na ang kamatayan ni Kristo para sa kanya ay lubusang epektibo.

Si Barrabas at Hesus ay nagpalit ng lugar! “Ang gapos ng mamamatay-tao, sumpa, kahihiyan, at mortal na paghihirap ay lahat nailipat sa makatuwirang si Hesus; habang ang kalayaan, pagka-inosente, katiwasayan, at kabutihan ng imakuladang Nazarene ay naging hati ng mamamatay-tao.

“Nailagay kay Barrabas ang lahat ng karapatan at pribilehiyo ni Hesu-Kristo; habang ang nahuli ay pumasok sa isang kahihiyan at katakutan ng lugar ng isang rebelde.

“Parehong pantay na namana ng bawat isa ang sitwasyon ng bawat isa at ano man ang kanilang taglay: Ang sala ng kriminal at krus ay naging hati ng Taong Matuwid, at lahat ng sibil na karapatan at proteksyon ng nahuli ay ang pag-aangkin ng kriminal.” (Isinalin mula kay John W. Lawrence, The Six Trials of Jesus, Kregel Publishing Co., Grand Rapids, MI 1996, p.181; http://idolphin.org/barabbas.html).

“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
       (Mateo 27:26).

Isang bagay lang ang mali sa balangkas ni Chuck Missler – walang patunay sa Bibliya o tradisyon na si Barrabas ay naging isang Krisitiyano! Sa katunayan mayroong Biblikal na ebidensya na hindi siya napagbagong loob. Lampas ng limangpung mga araw pagkatapos na si Kristo ay napako sa krus, sinabi ni Pedro sa isang pulong sa Jerusalem,

“Inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito, at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao” (Mga Gawa 3:14).

Hindi kailan man sana natawag ni Pedro si Barrabas na “isang mamamatay-tao” kung siya’y napagbagong loob. Hindi kaugalian sa mga naunang simbahan ang banggitin ang kasalanan ng isang tao pagkatapos niyang maging isang Kristiyano. Kung si Barrabas ay napagbagong loob siya siguro’y naging isang importanteng tao sa simbahan at Jerusalem. Hindi siya sana tinawag ni Pedrong isang mamamatay-tao mas higit pa kaysa kay Pablo – na pumatay rin bago ng kanyang pagbabagong loob. Hindi, si Barrabas ay pisikal na nailigtas sa pamamagitan ng pagkamatay ni Hesus sa lugar niya, ngunit hindi siya napagbagong loob.

Natatakot ako na ang balangkas ni Gg. Missler ay makalilito isang tao. Sa bawat isa ng huli ng apat na punto, sinasabi niyang “Alam ni Barrabas” – na para bang “ang pagkakaalam” na ang katotohanan ng Ebanghelyo ay nagdadala ng kaligtasan!

Ngunit ang Bibliya ay hindi nagtuturo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagkakaalam o paniniwala ng mga katotohanan ng Ebanghelyo! Ang kaisipan na ika’y maaring maligtas sa pamamagitan ng pagbigay ng pagsasang-ayon sa mga katotohanan ay isang pagkakamaling tinatawag na “Sandemanianismo,” sumusunod sa nakahanap nitong si Robert Sandeman. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd Jones na ang Sandemanianismo ay “isa sa pangunahing problemang humaharap sa atin sa kasalukuyang panahon” (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., “Sandemanianism,” The Puritans: Their Origins and Successors, The Banner of Truth Trust, 1996 inilimbag muli, p. 177). Ang Sandemanianismo ay nagtuturo na ika’y naliligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa mga berso ng Bibliya – ang kaisipan na, kung iyong tinatanggap ang mga berso ng Bibliya sa kaligtasan, ika’y naliligtas! Ang mga Sandemanian ng ika-18 na siglo ay malakas na Kalvinistiko, ngunit kinamumuhian nila ang pangangaral ni Whitefield. Si Whitefield ay isang ring Kalvinistiko, ngunit ipinangaral niya na dapat maramdaman ng mga makasalanan ang kanilang mga kasalanan. Iyan ay, pagkatapos ng lahat, ng itinuturo ng Katekismong Westminister – ang tanyag na aklat sa doktrina ng Kalvinistiko. Kaya si Whitefield ay sumasakto sa Katekismo noong nangaral siya na ang mga di-napagbabagong loob ay dapat makatagpong nagkasala ng kasalanan. Bago sila mapagbagong loob, dapat muna nilang maramdaman ang kanilang kasalanan – at dapat silang magluksa at, karaniwan, dapat silang lumuha para sa kanilang kasalanan bago sila makasali sa pagpapala ng pakikipagpalit ni Kristo! (Isinalin Tignan ang Tanong LXXXVII, The Shorter Catechism Explained From Scripture, ni Thomas Vincent, The Banner of Truth Trust, 1998 inilimbag muli, pp. 227-229).

Oo, alam ni Barrabas na si Kristo ay namatay sa lugar niya – ngunit dahil hindi niya kailan man natagpuan ang sariling nagkasala, siya’y hindi kailan man napagbagong loob. Nakausap ko ang daang-daang mga tao na alam ang doktrina ng pakikipagpalit – ngunit hindi napagbagong loob! Alam ng taong itong si Barrabas na namatay si Kristo sa lugar niya. Anong kahihiyan na siya’y napunta sa Impiyerno kahit na ganoon! Ang pagkakaalam ng doktrina na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ay di-nakaliligtas ng kahit sino! Ika’y dapat makumbinsi ng kasalanan, nadarama ang tunay na pagdurusa at sakit para sa kasamaan ng iyong puso, at ang mga kasalanan ng iyong buhay! Dapat kang makahanap ng sisilungan mula sa poot ng Diyos, at paghuhugas mula sa kasalanan, sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Kristo Mismo, hindi sa isang berso ng Bibliya!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 27:15-26.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siningil ng isang Magulong Pasan.”
Isinalin mula sa “Charged with the Complicated Load”
(ni Charles Wesley, 1762; and Augustus Toplady, 1776).


ANG BALANGKAS NG

BARRABAS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus” (Mateo 27:26).

(Mateo 27:15; Marcos 15:8; Juan 18:39; Mga Gawa 17:21;
II Timoteo 3:15; Mateo 26:67; 27:2, 24; Lucas 23:14;
Juan 18:38; Marcos 15:10, 7; Lucas 23:25;
Juan 18:40; Mateo 27:16, 22)

I.   Una, ang kanilang magpipili kay Barrabas imbes na si Hesus ay
nagpapakita ng pagkabulag ng kanilang di-napagbabagong loob na
mga puso, Mga Gawa 3:14; Juan 3:19; 15:19.

II.  Pangalawa, ang pakikipagpalit ni Hesus sa lugar ni Barrabas ay
naglalarawan ng bikaryong pagkikipagkasundo ng Tagapagligtas sa
lugar ng mga makasalanan, Isaias 53:5; I Juan 2:2; Juan 3:16;
Mga Gawa 3:14.