Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SIMON NG CIRENE

SIMON OF CYRENE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga Ika-21 ng Pebrero taon 2010

“At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus” (Marcos 15:21).


Sinasabi sa atin ni Juan na si Hesus ay “lumabas, na pasan niya ang krus” (Juan 19:17) mula sa patyo ni Pilato papunta sa lugar ng pagpapako sa krus. Tayo ay nagkaka-utang kay Juan sa pagsasabi sa atin nito. Ang ibang tatlong Ebanghelyo ay nagsasabi na binuhat ni Simon ng Cirene ang krus, ngunit sinasabi sa atin ni Juan na lumabas si Hesus na buhat ito sa simula.

Si Hesus ay mahina na sa puntong ito. Siya’y gising ng buong gabi. Wala Siyang kinain o ininum mula noong kinain Niya ang Paskong hapunan sa gabing nauna. Nagdasal siya sa kadiliman ng Gethsemaning pinapawisan ng mga parang malalaking patak ng dugo, sa ilalim ng bigat ng kasalanan ng tao, sa oras ng Kanyang paghihirap (Lucas 22:44). Siya ay inaresto doon, at kinaladkad sa harapan ng matataas na mga saserdote, kung saan dinuraan nila ang Kanyang mukha at binugbog Siya gamit ng kanilang mga kamay (Mateo 26:67). Siya ay dinala sa harapan ng Romanong gobernador na si Pilato, at pagkatapos sa harapan ni Haring Herodes, at pagkatapos sa harap ni Pilato muli. Siya ay hinampas ni Pilato, binugbog na halos mamatay gamit ang isang malupit na Romanong latigo na iniwang punit-punit ang Kanyang likod. Kumumpol ang mga kawal ng korona ng tinik sa Kanyang ulo, na nagsanhi ng di-maihayag na sakit at paghihirap. Pagkatapos dinuraan ng mga kawal ang Kanyang mukha at binugbog ang kanyang ulo gamit ang isang tungkod na kahoy (Mateo 27:30). Ito’y dapat hindi di-pangkaraniwan, pagkatapos maranasan ang lahat ng kalupitang iyon, na si Hesus ay lubos na napagod. Wala sa atin ang lubos na makakaintindi ng pagmamahal na mayroon Siya para sa atin na nakapagpahirap sa Kanyang ganoon!

Ang Katolikong Simbahan ay nagsasabi sa atin na si Hesus ay bumagsak ng tatlong beses papunta sa Kanyang pagpapako sa krus. Marahil nga ito, ngunit hindi ito sinasabi sa atin ng Bibliya. Kung nawalan Siya ng malay minsan, o dalawa, o tatlong beses, hindi tayo sinasbihan. Hindi sinasabi ng Kasulatan kung bakit pinilit ng mga kawal si Simon na buhatin ang Kanyang krus. Mahuhulaan lamang natin na, sa lahat ng posibiledad, na si Hesus ay masyado ng mahina upang buhatin ito mas malayo pa – dahil maari nating masigurado na ang malulupit na mga kawal na ito’y hindi ito ginawa para sa kabutihan, o kahit anong awa para sa dumurugong Tagapagligtas. Sa kanyang mahina, at namamatay ng kalagayan, mukhang hindi na mabuhat ni Hesus ang krus ng mas malayo pa,

“At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus” (Marcos 15:21).

Ito’y makakatulong sa ating isipin ng sandali ngayong umaga ang tungkol kay Simon, ang taong nagbuhat ng krus ni Hesus.

I. Una, si Simon ay naidala sa pagkalapit kay Kristo sa
pamamagitan ng paggabay ng Diyos.

Tayo ay sinabihan sa teksto na siya ay isang taga-Cirene. Na siya ay galing sa Cirene, isang pangunahing lungsod ng Lybia, sa hilagang Aprika. Isang malaking bilang ng mga Hudyo ay nabubuhay roon, na naroon ng napaka tagal na, na may mga pagpapakasal sa pagitan ng dalawang magkaibang grupo, mga Hudyo at Gentil na napagbabagong loob sa Hudiyanismo, na mayroong maliit na pagdududa na si Simon ay maitim na Aprikanong Hudyo. Naisip ni Spugeon na siya ay isang itim na lalake, sa palagay ko siya ay tama (isinalin mula sa The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, vol. XXVII, p. 562). Walang dudang kanyang kinayod at inimpok ang kanyang pera upang magawa ang mahabang paglalakbay patungong Jerusalem para sa dakilang pista ng Pasko at pagdiriwang sa Templo. Sinasabi ng teksto sa atin na siya’y “nagdaraan… na nanggagaling sa bukid.”

“At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid…” (Marcos 15:21).

Habang si Simon ay papunta sa Jerusalem, “[nadaraanan]” niya ang mga kawal at si Hesus na nawawalan ng malay sa ilalim ng bigat ng krus. Wari itong isang “aksidente” na siya gayon ay napunta sa pagkalapit kay Kristo. Sinabi ni Dr. McGee, “si Simon ay nanggaling sa Cirene sa Hilagang Aprika. Kanyang…dinadalo ang Pasko sa Jerusalem. Mistulang siya ay napili mula sa masa sa kapalaran upang tumulong magbuhat ng krus” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, vol. IV, p. 231; sulat sa Marcos 15:21). Ngunit ang “mistulang” nangyari sa kapalaran ay talagang gawain ng paggabay ng Diyos!

“Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang”
       (Mga Kawikain 16:9).

Ang paggabay ng Diyos ay nangangahulugan na hawak ng Diyos ang lahat ng pangyayari sa iyong buhay. Ito’y gaya ng paglagay ni Shakespeare, noong sinabi ni Hamlet kay Horatio,

Mayroong kabanalan na humuhubog sa ating patunguhan,
Anomang marahas na pagsubok na panghawakan natin ito.
   (Isinalin mula sa Hamlet, Yugto V, eksena 2, mga linya 10-11).

Iplinano ni Simon na magpunta sa lungsod at “[daanan]” ang mga kawal at ang bunton ng tao na sumunod kay Hesus sa Kanyang pagpapako sa krus. Hindi niya naisip na ang kanyang mga hakbang ay ginagabayan ng isang gawain ng banal na paggabay! Ginabayan siya ng Diyos na mapunta doon, sa tamang sandali, upang buhatin ang krus ni Hesus!

Iniisip ko na ngayon si Gg. Griffith, na kumanta ilang sandali kanina ng “Ang Diyos ay Kumikilos sa isang Misteryosong Paraan” [“God Moves in a Mysterious Way”] (ni William Cowper, 1731-1800). Ang Diyos ay kumilos sa isang misteryosong paraan sa sariling buhay ni Gg. Griffith. Nagpunta siya sa ating simbahan sa isang motorsiklo kasama ang isang kaibigan, na nagsabi sa kanyang, “Tara punta tayo sa simbahang iyon at manggulo.” Ang kanyang kaibigan ay umalis noong nagsimula akong magpangaral, ngunit si Gg. Griffith ay naiwan at napagbagong loob! Siya na ngayon ay kumakanta bago ako mangaral ng halos tatlompung taon na! Si Gg. Griffith ay nagpunta sa ating simbahan sa pamamagitan ng isang gawa ng paggabay!

At ika’y narito sa pamamagitan ng paggabay ng Diyos ngayong umaga. Mayroong kumausap sa iyo. Inimbita nila kayong pumunta. At narito ka ngayon! Marahil tatlompung taon mula ngayon ikaw rin ay makapagsasabi, kasama ni Gg. Griffith at Simon ng Cirene, “Ang Diyos ay Kumikilos sa isang Misteriyosong Paraan ang Kanyang Kababalaghan upang Itanghal.” Sa parehong beses, hindi naisip ni Simon na ang kanyang ginabagayang paglalapit kay Kristo ay babago sa buong kurso ng kanyang buhay. Marahil ang pagpupunta rito at pagdinig sa Ebanghelyo ngayong umaga ay magiging nakapagbabago ng buhay rin sa iyo! Panalangin namin na iyan nga’y mangyari!

II. Pangalawa, si Simon ay pinilit buhatin ang krus ni Kristo.

“At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus” (Marcos 15:21).

“Pinilit” noong mga Romanong kawal si Simon upang buhatin ang krus ni Kristo. Ang Griyegong salita para sa “pinilit” ay napaka tapang. Ito’y isang militar na salita. Ibig sabihin nito’y siya ay tinawag o naitala. Ibig sabihin nito’y literal na “itinulak” ng mga kawal na buhatin ang krus. Siya ay hindi isang disipolo ni Kristo sa oras na iyon. “Itinulak” siya ng mga kawal upang gawin ito. Kanilang ipinasan ang krus sa kanyang balikat! Siguro’y sinubukan niyang tumakas ngunit hindi niya ito nagawa. Siya’y “itinulak” na buhatin ang krus ng Tagapagligtas.

Ito’y noon na si Simon ay tumingin kay Hesus ng unang beses. Siya’y nakikipagtulakan sa mga kawal. Noong nakita niyang hindi siya makakatakas mula sa kanila, sinimulan niyang buhatin ang krus. Pagkatapos siguro’y kanyang tinignan si Hesus. Anong nakita niya sa mukha ng Tagapagligtas? Masasabi ko lang na siguro’y nakita niya ang kadakilaan ng Kanyang pag-ibig. Siguro’y nadinig niya ang nakamamanghang mga bagay na ginawa ni Hesus – mga himala, pagpapabangon ng mga patay, pagpapakain ng mga gutom, pagpapagaling ng mga nangngailangan ng pagpapagaling. Ngunit ngayon siguro’y nakita niya ang pag-ibig ng Diyos sa pinaka mukha ni Kristo.

Ang Tagapagligtas tapos noon ay nauna sa kanya, at binuhat ni Simon ang krus sa likod. Ngayon ay napahihinuhod niyang gawin ito. Naisip niya, “Sige na, tutulungan ko Siyang dalhin ang krus na ito sa tuktok ng burol. Ngunit hangang doon lang ako! Aalis agad ako pagdating ko roon.” Mga hula lamang ang mga ito, ngunit sa palagay ko posible ang mga ito.

Ngayon, habang naabot nila ang tuktok ng Bundok ng Kalbaryo, at kanyang binitawan ang kris, nakikita ko siyang nakatayo sa likod, sa harap ng mga kawal at nagsisisigaw na mga tao. Pinapanood niya ang mga kawal na pumuwersa sa mga pako sa mga kamay at paa ni Kristo. Nakita niya silang itinaas ang krus ng patiwarik. Sinubukan niyang hatakin ang sarili papalayo at “[dumaan”] muli, ngunit sa anoman ay hindi niya ito magawa. Ang kanyang mga mata ay manghang-mangha kay Hesus, at siya’y nakatayong nakatitig sa basang-basa ng dugong Anak ng Diyos na namamatay sa krus. Narinig niya si Hesus na nanalangin, “Ama, patawarin mo sila” (Lucas 23:34). Iniisip niya, “Anong uri ng tao itong nananalangin upang patawarin ng Diyos yoong mga nagpapako sa krus sa Kanya?” Mga luha siguro’y bumagsak sa mga mata ni Simon, mga luha na nagsalita ng sarili niyang puso, na ngayon ay pinupunit sa pamamagitan ng pag-ibig na ipinakita ni Kristo tungo sa mga pinaka-taong nagparihap sa Kanya. Kanyang walang dudang sinabi kasama ni John Newton,

Nakita ako ng Isang nakabitin sa isang puno
   Na nasa paghihirap at dugo;
Inilapat Niya ang Kanyang mga matang puno ng sakit sa akin,
   Kasing lapit sa Kanyang krus ako’y nakatayo.

Tiyak, di-kailan man, hangang sa pinaka-sunod na hininga,
   Na aking malilimutan ang tinggin na iyon;
Waring inaakusa ako sa Kanyang kamatayan,
   Kahit na walang salita Siyang iminungkahi.

Nadama ng aking konsensya at inangkin ng aking pagkakasala,
   At inilubog ako sa panghihinang loob;
Nakita ko ang aking mga kasalanan ang Kanyang dugo’y natapon
   At tumulong sa Kanyang mapako doon.

Pangalawang tingin ang ibinigay Niya na nagsabing,
   “Malayo kong pinapatawad lahat;
Ang dugong ito’y para sa pagtutubos mo’y bayad na,
   Namatay ako upang ika’y maaring mabuhay.”
(“Nakita ako ng Isang Nakabitin sa isang Puno.”
   Isinalin mula sa“I Saw One Hanging on a Tree,” ni John Newton, 1725-1807;
     Sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).

Ito siguro’y mabuti na si Simon ay “naitulak” na buhatin ang krus ni Kristo agad-agad. Na-obserbanahn ko na, napaka-dalas na ang mga pinaka dakilang mga Kristiyano ay yoong mga kumukuha ng pamatok ni Kristo sa sarili nila sa simula – sinong waring (gaya ng sinasabi ng matatandang mga Protestante’t Bautismo) upang “maitulak” papunta sa kaligtasan sa pamamagitan ng “di-maiiwasang biyaya.” Sinabi ni Hesus,

“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin… sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan” (Mateo11:28-30).

Ang mga pinaka-dakilang mga napagbagong loob ay madalas mga kalalakihan na napasa-ilalim ng matinding pag-kakatagpong nagkasala ng kasalanan – kaya noong sila’y nagpunta kay Hesus nadama nilang ang Kanyang pamatok ay madali, at Kanyang pasan magaan! Ang mga kalalakihang tulad ni Luther, John Bunyan, John Wesley, George Whitefield, at C. H. Spurgeon nakadamang lubos na naginhawaan noong sila’y napatawad ni Hesus na waring madali ng buhatin ang Kanyang pamatok. Nagpunta sila upang kumayod para kay Kristo gamit ang lahat ng kanilang lakas, at hindi kailan man kumalma hangang sa haba ng buhay nila!

Nakikita natin itong nangyaring madalas sa sarili nating simbahan. Tinitignan ang litrato ng 39 na orihinal na mga miyembro ng ating simbahan, naisip ko na karamihan sa kanila’y nagpunta agad-agad, sa gawain sa simbahan. Hindi sila kinailangang pagmaka-awaang magpunta sa ebanghelismo o panalanging pagpupulong. Wari silang “naitulak” sa gawain sa pamamagitan ng Diyos Mismo! Halimbawa, si Dr. Chan ay agad-agad na nagpunta sa marami niyang mga kaklase at dinala silang pumasok. Agad-agad, dinala niya si Gng. Sanders, Dr. Judith Cagan at Winnie Chan. Si Gng. Hymers ay agad-agad na naging taga-tawag sa telepono noong siya ay napagbagong loob. Minamarka ng taong ito ang ika-30 anibersaryo ng kanyang pag-eebanghelismo sa telepono bawat lingo na hindi nakakalaktaw. Si Gg. Griffith, at Gg. Song, at Gg. Mencia, at Gng. Salazar ay lahat kumayod agad-agad sa simbahan. Habang tinitignan ko ang mga mukha ng 39 mga tao sa larawan, naisip ko na hindi ko kinailangang makipagtalo sa kanila, o magmakaawa sa kanila, upang magpunta sa mga pagpupulong at gawin ang gawain ng ebanghelismo. Agad-agad nilang kinuha ang pamatok ni Kristo sa sarili nila! Agad-agad nilang natagpuan na ang Kanyang pamatok ay madali at ang Kanyang pasan ay magaan! Hindi sila nakipagtalo kay Hesus noong sinabi Niyang,

“Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).

Ngunit akin ring natagpuan na yoong mga kinailangan naming samuin at himokin, upang maging tapat sa pagpupunta sa isang paglilingkod sa Lingo, ay bihirang nagiging malalakas na mga Kristiyano. Madalas silang bumibitiw mula sa simbahan kapag isang pista ay dumarating, o kaya sila’y bibitiw pagkatapos ng ilang panahon, o sila’y nagpapatuloy sa sarili nilang daan kapag “iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito” (Lucas 8:14). Ngunit si Simon ng Cirene ay di tulad nila. Ang ating teksto ay malakas na nagpapakita na siya’y naging isang tunay na Kristiyano. Siya’y una’y pinilit na buhatin ang krus ni Kristo, ngunit pagkatapos ay binuhat niya ito sa buong kalooban.

III. Pangatlo, si Simon ay naging isang Kristiyano.

“At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus” (Marcos 15:21).

Ako’y natutuwa na si Marcos ay napakilos na itala ang mga pangalan ng mga anak ni Simon – dahil sa pagdinig sa kanila nalalaman natin ang pagbabagong loob ng kanilang ama, na kung hindi ay hindi natin sana malalaman. Sinabi ni Dr. Lenski,

      Ibinigay ni Marcos ang pangalan ng kanyang mga anak, sino’y pinagsang-ayunan, na maya-maya’y humahawak ng mga mahahalagang posisyon sa simbahan. Mula sa datang [ito] ang konklusyon ay hinango na ang di-pangkaraniwang pagkalapit kay Hesus ay nagdala sa pagbabagong loob ni Simon at gayon ay ang pakakatangi ng kanyang mga anak sa simbahan (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of St. Matthew’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1961 inilimbag muli, p. 1105; sulat sa Mateo 27:32).

Sinasabi ni Dr. Lange na ang mga anak ni Simon, sina Alejandro at Rufo,

…ay marahil mga tanyag na mga tao sa noong nabubuhay na simbahan, at sila’y nagbigay patunay sa personal, at buhay na alaala at orihinalidad ni Marcos…Ito’y pinaka-natural na tignan sila bilang mga taong kilala sa simbahan sa Roma (isinalin mula kay John Peter Lange, D.D., Commentary on the Holy Scriptures – Mark, Zondervan Publishing House, n.d., p. 151; sulat sa Marcos 15:21).

Idinagdag ni Dr. Ellicott,

      Si San Pablo ay nagsasalita tungkol sa ina ni Rufo bilang kanyang ina rin – i.e. minamahal niya sa pamamagitan ng maraming mga patunay ng nauukol sa inang kabutihan – at kaya tayo ay dinadala sa paniniwala na ang asawa ni Simon ng Cirene ay marahil…nanggaling mula sa loob ng palibot ng mga kaibigan ni San Pablo. Ito’y sumusunod na, umuugnay ang sarili nito sa pagkakatanging ibinigay sa mga “kalalakihan ng Cirene” sa mga paliwanag ni San Lucas ng pundasyon ng Gentil na Simbahan ng Antioch, Mga Gawa 11:20 (isinalin mula kay Charles John Ellicott, D.D., Ellicott’s Commentary on the Whole Bible, Zondervan Publishing House, 1954 edition, volume 6, p. 231; sulat sa Marcos 15:21).

At nadarama ko na dapat ko ring idagdag ang mga kumento ni C. H. Spurgeon sa paksang ito:

      Tayo ay sinabihan na [si Simon] ang ama ni Alejandro at Rufo…Tiyak na kilala ni Marcos ang dalawang anak na ito, o hindi siyang mag-aalintanang banggitin sila; sila marahil at karaniwan sa simbahan, o hindi niya marahil gayon inilarawan ang kanilang ama. Ang ama nila ang nagbuhat ng krus. Ito’y higit-higit marahil na ang Rufo na ito ang tinutukoy ni Pablo sa huling kapitulo ng sulat sa mga Romano, dahil si Marcos at kasama ni Pablo, at sa pamamagitan ng paraang ito ay nakilala si Simon at Rufo. Isinusulat ni Pablo, “Saluduhin si Rufo pinili sa Panginoon, at kanyang ina at akin rin.” Ang ina ni [Rufo] ay isang uri ng mapag-inang tao na siya rin ay naging ina kay Pablo gayon din kay Rufo…ito’y mukhang si [Simon], ang kanyang asawa, at kanyang mga anak ay lahat napagbagong loob sa ating Panginoon pagkatapos niyang binuhat ang krus…O anong pagpapala sa isang tao na makilala sa pamamagitan ng kanyang mga anak! Manalangin, mahal kong mga Kristiyanong kaibigan, ikaw na mayroong isang Alejandro at isang Rufo, na ito’y maging parangal sa iyo na makilala bilang kanilang ama (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Great Cross-Bearer and his Followers,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1973 inilimbag muli, volume XXVIII, pp. 562-563).

Ito’y isang di-pangkariwang sermon. Naghirap ako sa paghahanda nito ng dalawang araw, habang may sakit nitong huling lingo. Napaka-kaunti ng nasa Bibliya tungkol kay Simon ng Cirene. At gayon siya ay binanggit sa ngalan niya sa tatlo sa apat na Ebanghelyo – at tayo ay binigyan ng dagdag na impormasyon tungkol sa kanyang mga anak at kanyang asawa sa mga Kasulatan. Inaral ko ito ng masinsinanan ng maraming oras – at nadarama kong tiyak na ang taong si Simon ay naging mahalagang tao sa unang simbahan. Naway sundan mo ang kanyang halimbawa – at maging isang tunay na Kristiyano, gaya niya. Dinala sa piling ni Kristo sa pamamagitan ng misteryosong paggabay ng Diyos, siya ay pinilit buhatin ang krus ni Kristo, ngunit pagkatapos ay kinuha ito sa buong kalooban noong siya ay napagbagong loob – nagbubunga, sa hindi lamang sarili niyang kaligtasan, kundi sa pagbabagong loob rin ng kanyang asawa at mga anak.

Panalangin ko na ika’y magsisi at magpunta kay Kristo, na iyong kukunin ang Kanyang krus at sundan Siya anoman ang kapalit nito. Dahil kung gagawin mo ito, ang iyong buhay at iyong tadhana ay mababago magpakailan man, gaya ng mga buhay ng maraming ibang iyong ma-iimpluwensyahan.

Magpunta kay Hesus! Mahugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Magpunta sa simbahan! Mabuhay para sa Kanya! Pagpalain ka ng Diyos! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 15:16-24.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Diyos ay Kumikilo sa isang Misteryosong Paraan.”
Isinalin mula sa “God Moves in a Mysterious Way”
(ni William Cowper, 1731-1800)/
“Nakita ko ang Isang Nakabitin sa isang Puno.” Isinalin mula sa “I Saw One Hanging on a Tree”
(ni John Newton, 1725-1807).


ANG BALANGKAS NG

SIMON NG CIRENE

by Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus” (Marcos 15:21).

(Juan 19:17; Lucas 22:44; Mateo 26:67; 27:30)

I.   Una, si Simon ay naidala sa pagkalapit kay Kristo sa pamamagitan
ng paggabay ng Diyos, Mga Kawikain 16:9.

II.  Pangalawa, si Simon ay pinilit buhatin ang krus ni Kristo,
Lucas 23:34; Mateo 11:28-30; 16:24; Lucas 8:14.

III. Pangatlo, si Simon ay naging isang Kristiyano, Marcos 15:21.