Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG LAMANG NG MAGNANAKAW THE THIEF’S ADVANTAGES ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:42-43). |
Nakapangaral na ako ng maraming mga sermon sa pagbabagong loob ng namamatay na magnanakaw. Ngunit ngayong gabi magwawari ako sa isang simpleng kaisipan – ang mga lamang na nagkaroon ang taong ito, na napako sa krus sa tabi ni Hesus. Mga “lamang,” maaring mong sabihing, “anong mga lamang? Siya ay nasa miserableng kalagayan! Paano mo masasabing mayroong siyang mga lamang na anoman?”
May ilan sa inyo rito ngayong gabi ay nakarinig na ng pangangaral ng Ebanghelyo simula noong kayo’y musmos pa lamang. Kayo’y naturuan, binalaan, at naalok – at gayon man ay hindi pa rin nagpupunta kay Kristo. Gayon ang taong ito, na wala nitong mga waring mga lamang, ay nagtiwala kay Kristo sa napaka-ikling panahon! Inaakusa ka ng magnanakaw na ito! Bakit ka nag-antay ng napaka habang panahong hindi naniniwala? Ano pang masasabi ko sa iyo? Ano pang masasabi ng iba sa iyo? At gayon man wari kong ang magnanakaw na ito ay nagkaroon ng mas maraming lamang kaysa sa iyo, maraming mga benepisyo na gumawang mas may pag-asa ang kanyang kalagayan kaysa sa iyo.
I. Una, mayroon siyang lamang ng hindi pagkakakita ng masamang
halimbawa ng iba.
Hindi niya nakasama ang mga Disipolo. Hindi niya nakita si Hudas na lumabas mula sa kanila at itinakwil ang kanyang Panginoon. Hindi niya nakita ang ibang inabandona at iniwanan Siya. Hindi niya narinig si Pedrong ipinagkait Siya. Kung nakita niya ang masasamang mga halimbawang ito siguro’y naisip niya na, “Ang pinaka-ideya ng pagbabagong loob ay huwaad! Tignan mo, wala sa mga iyong sumunod sa Kanya’y tumatayo para sa Kanya ngayon! Ang buong ideya ng pagbabagong loob ay isa lamang ilusyon!”
Hindi ko alam, ngunit ang masamang halimbawa ay nawari kong palusot ng marami. Noong bata pa ako at nagpunta sa simbahan nakakita ako ng napaka kaunting tunay na Kristiyanismo doon sa mga nakapaligid sa akin. Ang lahat na kanilang ginawa ay magtalo at mag-away. Nakakita ako ng dalawang paghihiwalay ng simbahan bago ako napagbagong loob. At gayon man, maski paano, waring sinasabi sa akin ng Diyos na ang kanilang kasalanan ay hindi pinawawalang patunay ang Ebanghelyo. Ang kanilang masamang pagkilos ay nakapagpaisip lamang sa akin na sila’y mga kinagawiang mga makasalanan! At, sa pag-iisip na ito, ako’y naprotektahan sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos mula sa pag-alis sa kalungkutan, at pag-iisip na ang buong kaisipan ng kaligtasan ay kasinungalingan! Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ako’y napahintulutang makita na,
“Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?” (I Juan 4:20).
Ngunit hindi kinailangan ng magnanakaw na itong pagdaanan iyan. Walang huwad na mga Kristiyano doon habang siya’y nakabitin sa krus sa tabi ni Hesus. Mayroon lamang yoong mga bukas na kinamumuhian si Hesus. Kaya mayroon siyang pagpapala ng hindi nalilito ng mga huwad na mga Kristiyano.
II. Pangalawa, mayroon siyang lamang ng pagkakaharang mula sa mga
masasamang taga pagpayo.
Naroon siya, mag-isa sa krus. Wala siyang tagapag-payo kundi si Hesus Mismo. Napaka kaunti ng nagkakaroon ng pagpapalang iyan sa mga araw na ito ng pagtalikod sa dating pananampalataya. Dapat kang balaan mayroong maraming nagdedeklarang mga Kristiyano,
“Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito”
(II Timoteo 3:5).
“Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral… At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Timoteo 4:3, 4).
Ang magnanakaw sa krus ay hindi nagkaroon ng benepisyo ng pagtatangap ng masasamang mga panukala mula sa mga tinatawag na “Krisitiyano” tulad noong mga pumapaligid sa atin sa mga huling mga araw.
Isang binata, na nagpunta sa ating simbahan, ay mayroong kasambahay na nagpapatuloy na magbigay ng masamang payo sa kanya. Sinabihan niya itong binatang itong isantabi ang kanyang Bibliyang King James at kumuha ng isang palpak na “bagong” pagsasalin. Sinabihan niya siya na kinailangan niyang mabinyagan upang maging isang Kristiyano. Walang nakapagpalito sa magnanakaw na tulad niyan. Siya’y naharang mula sa masamang payo, naharang mula sa masasamang tagapagpayo. Iyan ay tiyak na isang benepisyo na kakaunti sa mga naghahanap ng kaligtasan ay mayroon ngayon.
Noong ako’y isang binata, bago ako napagbagong loob, maraming mga tao ang nagbigay sa akin ng masamang payo. Nakarinig ako ng sunod sunod na huwad na mga kaisipian tungkol sa kaligtasan. Masasabi ko lang na ito’y purong biyaya ng Diyos na pumigil sa akin sa pakikinig sa kanila. Maski paano, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, nabukod ko ang tinig ni Hesus at ang tinig ng mundo. Sinabi Mismo ni Hesus,
“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).
Nakinig ako sa aking pastor, dahil naririnig ko ang tinig ni Hesus sa kanyang pangangaral. Nakinig ako kay Dr. Charles J. Woodbridge, at napagbagong loob sa ilalim ng kanyang pangangaral, dahil sa purong biyaya ng Diyos – narinig ko ang tinig ni Hesus sa kanyang pangangral.
Ngunit ang magnanakaw ay nagkaroon ng benepisyong hindi nakarinig ng kahit sino kundi si Hesus! Ang magnanakaw ay malapit kay Hesus habang Kanyang binuhat ang Kanyang Krus papunta sa lugar ng pagbibitay. Narinig ng magnanakaw si Hesus na magsalita sa mga tumatangis na mga kababaihan na sumunod sa Kanya. Narinig niya si Hesus na nagsabi sa kanilang,
“Huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak” (Lucas 23:28).
Gayon, alam niya na kinailangan niyang matagpuan ang sariling nagkasala. Pagkatapos niyang mapako sa krus sa tabi ni Hesus, narinig niya ang Tagapagligtas na nanalanging,
“Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).
Gayon, alam niya na nananalangin si Hesus para sa kanyang mapagbagong loob.
“Ama, patawarin mo sila!” gayon ang Kanyang panalangin,
Kahit na habang ang Kanyang dugong-buhay ay mabilis na umaagos;
Nanalangin para sa mga makasalanan habang nasa ganoong hirap –
Wala ng iba kundi si Hesus ang nagmahal ng ganoon.
Pinagpalang Tagapagtubos! Mahal na Tagapagtubos!
Waring ngayon nakikita ko Siya sa puno ng Kalbaryo;
Sugatan at nagdurugo, para sa mga makasalanan na nagmamakaawa –
Bulag at hindi nagtatago – namamatay para sa akin!
(“Pinagpalang Tagapagtubos,” isinalin mula sa
“Blessed Redeemer” ni Avis B. Christiansen, 1895-1985).
Ang magnanakaw ay napagbagong loob dahil nakinig siya sa tinig ni Hesus! Naway mabigyan ka ng biyayang tumalikod mula sa mga huwad na mga tagapagpayo, at masasamang mga payo, at makinig lamang sa tinig ng Tagapagligtas!
III. Pangatlo, nagkaroon siya ng lamang ng hindi nakapaggawa ng
kahit anong mabuting gawain.
Dahil siya’y nakapako sa krus hindi siya nabinyagan. Nakakapagtaka na kahit ngayon ilang mga tao ay nag-iisip na ang pagbibinyag ay makatutulong sa kanilang maligtas. Sa pamamagitan ng purong biyaya ng Diyos, ang ganoong pag-iisip ay hindi kailan man pumasok sa aking isipan. Ako’y nabinyagan agad noong ako’y unang nagpunta sa isang Bautismong simbahan, ngunit maski paano – sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos – alam kong hindi ito makatutulong sa akin. Ako pa rin ay di napagbabagong loob, ngunit alam ko na ang pagbibinyag ay isang panlabas na tanda lamang, at walang kinalaman sa kaligtasan.
Maraming mga Tsinong magulang ay may mga haka-hakang kaisipan na ang pagbibinyag ay gumagawa sa iyong isang Kristiyano. Iyan ang dahilan na hahayaan nila ang kanilang mga anak na magpunta sa simbahan, ngunit hindi sila papayagang mabinyagan. Iniisip nila na ang pagbibinyag ay ang tunay na bagay na kukuha sa kanilang anak papalayo sa kanila at gagawin silang mga Kristiyano! Anong kakaibang pag-iisip iyan! At ang pagbabagong loob ng magnanakaw ay dapat magpatigil rito – kung mayroon ka nitong pag-iisip na iyan. Siya ay naligtas na hindi nabibinyagan! Ang pagbibinyag ay isang panlabas na gawa, at ito ay
“Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo…” (Titus 3:5).
“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8-9).
Ang magnanakaw ay hindi kailan man nabinyagan, at gayon sinabi sa kanya ni Hesus,
“Kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).
Tamang mabinyagan – pagkatamos mong maligtas! Ngunit ang pagbibinyag ay hindi makabubuti sa iyo ng anoman kung ika’y nasa di-napagbagong loob na kalagayan pa rin! Mga milyon ay nagpunta sa Impiyerno kahit na sila’y nabinyagan! Si Marx, at Darwin, at Hitler, at Stalin, at Mao Tse Tung ay lahat nabinyagan. Ngunit ang kanilang Satanikong mga buhay ay nagpapakita na wala sa kanila ay ligtas. Kahit na sila’y nabinyagan, sila ay walang dudang ngayo’y nasususnog na sa mga apoy ng Impiyerno. Gayon ang magnanakaw na ito’y naligtas na walang pagbibinyag, at ngayon ay kasama ni Kristo sa paraiso! Ipinapakita nito na siya’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus, hindi sa pamamagitan ng pagbibinyag! Magpunta kay Hesus. At mahugasang malinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Iyan ang nag-iisang paraan upang maranasan ang tunay na kaligtasan!
IV. Pang-apat, nagkaroon siya ng lamang sa pagkakaalam na hindi
siya maliligtas sa pamamagitan ng pakatuto pa ng lubos.
Ang pag-iisip na ika’y magiging isang Kristiyano sa pamamagitan ng “pakatuto pa ng lubos” ay isang malakas na delusiyon na ginagamit ni Satanas upang pigilan ang mga Oriyental mula sa pagkakaligtas. Tinanong ko sila, “Paano ka umaasang maligtas?” Madalas nilang isagot, “Sa pamamagitan ng pagkatututo pang lubos.” Isang delusiyon! Tignan ang mga saserdote at mga Fariseo na kumutya kay Hesus, at humiyaw sa Kanya na mapako sa krus! Ang mga kalalakihang iyo’y kilala ang Bibliya sa puso! At gayon man kanilang tinangihan ang Tagapagligtas na tinutukoy ng Bibliya! Sila’y mga
“Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Timoteo 3:7).
Sa kabilang dako, ang magnanakaw ay nagkaroon ng lamang ng pagkakaalam na ang kanyang buhay ay tapos na – at na wala na siyang natitirang oras upang “matuto pa ng lubos.” Alam niya na kinailangan niyang magtiwala kay Kristo agad, o siya mawawala magpakailan man. At kaya, sa kaliitan ng kanyang nalalaman, siya’y nagtiwala sa Tagapagligtas. At ang pinaka sandali na siya’y nagtiwala kay Hesus ay siya’y naligtas – dahil sinabi sa kanya ni Hesus,
“Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).
Si Hesus Mismo ay gumawa nitong malinaw na ang kahit sinong magpunta sa Kanya ay maliligtas. Sinabi Niya,
“Ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy”
(Juan 6:37).
Sa araw ng Pentekostes tatlong libong mga tao ay nagtiwala kay Hesus at agad-agad naligtas. Ang tagapagbilango sa Philippi ay nagtanong, “Ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” (Mga Gawa 16:30). Nagtiwala siya kay Hesus at agad napagbagong loob. At iyan ang saktong nangyari sa magnanakaw na ito. Agad-agad noong siya’y napasa-ilalim ng pagkakatagpong nagkasala nagtiwala siya kay Hesus. At sa sandaling siya ay nagtiwala kay Hesus siya ay nagligtas! Iyan ang dahilan na sinabi sa Kanya ni Hesus,
“Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Luke 23:43).
Si Joseph Hart ay lumaki sa isang Kristiyanong tahanan. Narinig niya ang Ebanghelyo mula sa pagkabata, ngunit hindi siya nagpunta kay Hesus. Sa wakas, sumuko siya sa Tagapagligtas. Siya ay naligtas sa sandaling iyon. Pagkatapos ng mahabang mga taon ng pakikibaka at rebelyon naisulat niyang,
Sa sandaling ang isang makasalanan ay mananampalataya
At magtiwala sa kanyang napakong Diyos,
Ang kanyang kapatawaran ay agad niyang matatangap,
Katubusang lubos sa pamamagitan ng Kanyang dugo,
(“Sa Sandaling ang isang Makasalanan ay Mananampalataya.”
Isinalin mula sa “The Moment a Sinner Believes” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Oo, ang magnanakaw ay nagkaroon ng lamang ng pagkakaalam na hindi siya maliligtas sa pamamagitan ng “pagkakatuto pa ng lubos” – at kahit ikaw! Mas marami ka nang alam kaysa sa kanya! Ngayon oras na para ika’y tumigil sa kakatuto at magpunta kay Hesus! Sa sandaling magtiwala ka sa Kanya ika’y mapagbabagong loob.
V. Panglima, nagkaroon siya ng lamang ng pagkakaalam na siya,
mismo ay kailangang magtiwala kay Hesus.
Pagkatapos ng paglilingkod nitong lumipas na Lingo ng gabi tinanong ko ang isang nagsisiyasat, “Anong ginawa ni Hesu-Kristo para sa iyo?” Sumagot siyang nagsasabing, “Namatay siya para sa atin.” Pansinin na hindi niya sinagot ang aking tanong. Sinabi ko, “Anong nagawa Niya para sa iyo?” Ang sinagot niya’y, “Namatay siya para sa atin.” Iyan ang maling sagot dahil ang mga tao’y di naliligtas ng grupo-grupo. “Anong nagawa ni Hesus para sa iyo?” Ang sagot niya’y nagpapakita na siya ay natututo lamang umulit ng mga salita – at hindi pa rin natatagpuang nagkasala. Hindi kailan man maiisip ng magnanakaw ang ganoong isipan! Alam ng magnanakaw na siya ay isang teribleng makasalanan, at sinabi niya ito sa isa pang magnanakaw. Siya’y nasa ganoong pagkakatagpong nagkasala na kanyang pinagkatiwalaan si Hesus at nagsabing,
“Alalahanin mo ako” (Lucas 23:42).
Hindi niya sinabing, “Alalahanin kami.” Hindi, alam niya na siya ang nangailangan sa kanyang maalalahanan! Kinailangan niyang maligtas – hindi ibang tao. Kaya sinabi niya, “[Panginong,] alalahanin ako.”Kapag makita mo na ito’y “ikaw” – hindi “tayo” ang nangangailangan kay Hesus – ika’y maliligtas – ngunit hindi bago niyan.
Pinagpalang Tagapagtubos! Mahal na Tagapagtubos!
Waring ngayon ay nakikita ko na Siya sa puno ng Kalbaryo;
Sugatan at nagdurugo, para sa mga makasalanan na nagmamakaawa –
Bulag at di-nagtatago – namamataya para sa akin!
“Namamatay para sa akin.” Kapag makita mo ang pinagpalang katotohanan, gaya ng pagkakita nito ng magnanakaw, pagkatapos ay makapagtitiwala ka na sa Kanyang namatay upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Sinabi ng Apostol Pablo,
“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito”
(I Timoteo 1:15).
“Namamatay para sa akin!” Namamatay upang bayaran ang multa ng aking kasalanan! Ngunit mayroong isa pang lamang na nagkaroon ang magnanakaw na ang ilan sa inyo’y wala.
VI. Pang-anim, nagkaroon siya ng lamang na pagkakaalam na siya’y
hindi ligtas.
Iyan ay tunay na isang dakilang pagpapala – isang pagpapala na ang ilan sa inyo’y wala nito. Iniisip mo na ika’y ligtas na, na hindi ka naman talaga. Isang nakamamatay na lason ang mayroon sa ganoong uri ng huwad na kasiguraduhan! Ang mga Fariseo sa panahon ni Hesus ay “nagsisiasa sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid” (Lucas 18:9). Sinabi ng Fariseong, “Kami'y nangakakakita.” Sinabi ni Hesus, “[gayon] nananatili ang inyong kasalanan” (Juan 9:41). Inakala ng mga Fariseo na sila’y ligtas, ngunit sila talaga ay nawawala.
Ang tunay na pagkakatagpong nagkasala ay hindi mangyayari kung iisipin ng isang tao na siya’y ligtas na. Ika’y dapat madalang mababa bago ka i-angat ni Kristo. Sumipi ako mula sa Aklat ni Santiago ngayong umaga,
“Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan” (Santiago 4:9).
Sinabi ni Hesus sa nagsisitangis na mga kababaihan,
“Huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak” (Lucas 23:28).
Ang napagbagong loob na magnanakaw ay alam na siya’y ligaw. Sa isa pang magnanakaw, sinabi niya,
“Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan? At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa” (Lucas 23:40-41).
Nagkaroon siya ng lamang ng pagkakaalam ng tiyak na siya’y ligaw. Walang pagdududa nito sa kanyang isipan. Alam niya na siya’y ligaw na makasalanan, sa ilalim ng kondemnasyon at poot ng Diyos. Sinabi ni Iain H. Murray, “Ang pagkakatagpong nagkasala ay hindi nakaliligtas, ngunit ito’y di pag-alis sa Bagong Tipan na sabihin na ang kaligtasan ay hindi nangyayari na wala nito. Walang napagbabagong loob na hindi niya alam na ito’y kailangan niya” (Isinalin ni Iain H. Murry, The Old Evangelicalism: Old Truths for a New Awakening, The Banner of Truth Trust, 2005, p. 22). Panalangin namin na ika’y mapupunta sa ilalim ng pagkakatagpong nagkasala, gaya ng namamatay na magnanakaw. Panalangin namin na ipakita sa iyo ng Diyos ang iyong mga kasalanan, upang madama mo ito, at magluksa para rito, at sabihin sa Diyos,
“Kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala” (Mga Awit 51:3-4).
Gaya ng sinabi ni Iain Murray, “Walang napagbabagong loob na hindi niya alam na ito’y kailangan niya.” Wala pang tunay na nagtiwala kay Hesus na hindi nararamdaman ang polusyon at kasalanan ng sarili niyang puso at buhay!
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 23:39-43.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pinagpalang Tagapagtubos,” isinalin mula sa
“Blessed Redeemer” (ni Avis B. Christiansen, 1895-1985).
ANG BALANGKAS NG ANG LAMANG NG MAGNANAKAW ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:42-43). I. Una, mayroon siyang lamang ng hindi pagkakakita ng masamang II. Pangalawa, mayroon siyang lamang ng pagkakaharang mula sa mga III. Pangatlo, nagkaroon siya ng lamang ng hindi nakapaggawa ng kahit IV. Pang-apat, nagkaroon siya ng lamang sa pagkakaalam na hindi siya V. Panglima, nagkaroon siya ng lamang ng pagkakaalam na siya, mismo ay VI. Pang-anim, nagkaroon siya ng lamang na pagkakaalam na siya’y hindi |