Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANGUNAHING PAKSA!
ANG WALANG HANGANANG PAKSA!

THE MAIN SUBJECT! THE INEXHAUSTIBLE SUBJECT!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
ng Araw ng Panginoon Umaga, Ika-7 ng Pebrero taon 2010

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).


Nagtapos ako mula sa isang napaka liberal na seminaryo. Nagpunta lamang ako doon dahil wala akong sapat na pera upang makapunta sa isang konserbatibong paaralan. Nagpursigi akong kakapit ng lubos sa Bibliya, at hindi lalayo mula rito anoman ang ituro nila – at ginawa ko iyan ng mabuti. Ngunit mayroong isang liberal na may-akda na lumito sa akin. Sinabi ni Karl Barth, “Magpangaral na may peryodiko sa isang kamay at Bibliya sa kabila.” Iyan ay mukhang isang maiging ideya para sa akin sa panahon na iyon. Ang kanyang isipan ay – upang ang iyong pangangaral ay maging mahalaga, kailangan mong konektahin ito sa mga balita. Ngunit ngayon ako’y nagsisisi na nakinig ako sa kanyang di-mabuting payo. Binitawan ko na itong matagal na. Ang sermong ito ay magsasabi sa iyo bakit ko binago ang aking isipan.

Naguguglat akong marinig ang maraming mga konserbatibong mangangaral na sinusubukang ikabit ang halos bawat balita sa propesiya sa Bibliya. Para sa akin mukhang wala silang malay na kanilang nakuha ang pananaw noong liberal – na hindi ito namamalayan! Ang “balitang” aking ipinangangaral na lamang ngayon ay isa o dalawang sermon laban sa aborsyon bawat Enero, dahil sa malupit na desisyon ng Korte Supremang pahintulutin ang pagpatay ng 51 milyong walang labang mga bata sa Amerika. Ngunit, kahit na kapag nagsasalita ako laban sa kasamaang ito, ginagawa ko ito upang ipakita na ang Amerika ay hindi na isang Kristiyanong bansa, at upang ipakita ang lubusang kasamaan ng tao – at na ang nag-iisang pag-asa ng tao para sa kaligtasan mula sa opresiyon ng kasalanan ay nakasalalay kay Hesu-Kristo, at Siyang napako sa Krus!

Isang dahilan na ako’y tumigil sa pangangaral na “may peryodiko sa isang kamay at Bibliya sa kabila” ay dahil napaka kaunti na ng nagbabasa ng peryodiko ngayon! Politko at sosyal na pagbabago ay bihirang mayroong epekto sa araw araw na buhay. Pagpaparaya ng mga empleyado, masasamang presidente, digmaan, kalagayan ng klima, at ibang mga bagay na “bumibihag sa mga punong pamagat” ngayon, ay malilimutan bukas. Mukhang importante sila ngayon, ngunit mawawala rin sila mula sa isipan ng tao. Sinong naka-alala ng ginawa ni Napoleon? Sinong nag-aalala sa nangyari sa Digmaan sa Boer, o pati sa Unang Digmaan ng Mundo? Ngunit isang libong panahon mula ngayon ang tadhana ng walang hangang mga kaluluwa ay nakasalalay sa paksa ng ating teksto ngayong umaga – at gayon,

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
     (I Mga Taga Corinto 2:2).

Iyang madugong salaring si Nero ay nasa trono ng Romanong Imperyo noong isinulat ni Apostol Pablo ang mga salitang iyon, gayon si Pablo ay gumawa lamang ng isang nakabalatkayong pagtutukoy sa kanya, hindi kahit binaggit ang kanyang pangalan, ngunit pagsasabi lamang sa mga tao ng Diyos na magdasal para sa “mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan” (I Timoteo 2:2). Kung gayon para sa akin mukhang ang dapat iwan ng mga mangangaral ang mga politikal na mga paksa sa radiyo at sa Fox News. Para sa akin mukhang dapat nating sundan ang halimbawa ng Apostol Pablo at magpursiging manatiling nakasentro doon sa mga dakilang mga paksa na hindi maririnig ng mga tao saan pa man. Kung gayon ating “pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus.” Tatlong mga parirala ay nangingibabaw sa tekstong iyan.

I. Una, ang mga salitang “aking pinasiyahan.”

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
     (I Mga Taga Corinto 2:2).

“Pinasiyahan” ay ang Ingles na pagkakasalin ng Griyegong salitang “krinō.” Ibig sabihin nito’y “upang magpasiya” (Isinalin mula kay Strong). Napagpasiyahan ni Pablo na ang kanyang pangangaral ay magiging nakasentro kay Kristo. Ito’y hindi isang paksa di-sinasadya. Ito’y sinadyang desisyon na kanyang ginawa, isang desisyon upang gawin si Kristo at Kanyang pagpapako sa krus na ang sentrong mga paksa ng kanyang pangangaral. Inilagay ito ni Albert Barnes ng mahusay noong sinabi niyang,

      Ito’y dapat maging resolusyon ng bawat minister ng ebanghelyo. Ito’y kanyang problema. Ito’y hindi pagiging isang politiko; hindi upang sumali sa mga gulo at kontrobersiya ng tao…hindi upang maging isang tao ng may magandang pili at pilosopiya… hindi upang maging isang malalim na pilosopo o metapisika, ngunit upang gawin si Kristong napako sa krus na ang dakilang paksa ng kanyang atensyon, at palaging hanapin at kahit saan upang gawin siyang kilala. Siya’y hindi dapat mahihiya kahit saan ng nakapag kukumbabang doktrina na si Kristo ay napako sa krus. Nito’y dapat siyang maluwalhati. Kahit na kutsain ng mundo, kahit na tumuya ang mga pilosopo; kahit na kutyain ito ng mga mayayaman at matuwain, ito ay dapat ang dakilang paksa ng interes niya, agad-agad, at sa walang lipunan na siya’y mahihiya nito… Ang [pangangaral] na iyan na lubos ang [patungkol] nito ng banal na misiyon, ng respeto, ng mga gawa, ng mga doktrina, ng taon, at ng pagkakasundo ni Kristo, ay magiging tagumpay. Kaya ito’y nasa mga panahon ng mga apostol; kaya ito’y nasa Repormasyon; kaya ito’y nasa Moraviang mga misyon; kaya ito’y nasa lahat ng mga muling pagbabagong relihiyon. Mayroong isang kapangyarihan tungkol sa [naka-sentro-kay-Kristong] pangangaral na ang pilosopiya at makataong pagdadahilan ay wala nito. ‘Si Kristo ay ang pinakadakilang utos ng Diyos’ para sa kaligtasan ng sanglibutan; at nasasalubong natin ang mga krimen at pinagagaan ang mga kalungkutan ng sanglibutan, kapantay lang ng gaya ng pagbubuhat natin ng krus bilang pagtatakda upang malampasan ang isa, at upang ibuhos ang lunas ng paghahango sa iba (Isinalin mula kay Albert Barnes, Notes on the New Testament, Baker Book House, 1983 inilimbag muli, sulat sa I Mga Taga Corinto 2:2).

Si Pablo ay minsan nagsalita tungkol sa propesiya, ngunit hindi ito ang kanyang pangunahing paksa. Minsan ay nagsalita siya tungkol sa pagpapakasl at pamilya, ngunit hindi ito ang pangunahing paksa niya. At ito’y malinaw na hindi siya nagsalita tungkol sa paano maging mayaman, o kung paano mapabuti ang pakiramdam, o ibang mga paksa na naging napaka-tanyag sa “makabagong” naka-sentro sa taong pangangaral. Sinabi ni Dr. Michael Horton, sa kanyang aklat na Christless Christianity, na ang karamihan sa pangangaral sa Amerika, kasama ang mga ebanghelikal na pangangaral, ay base sa tinatawag niyang, “ang sentral na adhikain ng buhay upang maging maligaya at maging mabuti ang pakiramdam ng sarili” (Isinalin mula kay Michael Horton, Ph.D., Christless Christianity, Baker Books, 2008, p. 41). Sinabi niya ang adhikaing ito ay lumalabas sa Amerikanong pangangaral, na nagdadala sa mga pastor upang magsalita tungkol sa mga paksang ito tulad ng, “Paano Maging Mabuti ang Pakiramdam sa Sarili,” “Paano Malalampasan ang Kalungkutan,” “Paano Magkaroon ng Puno at Matagumpay na Buhay,” “Matutong Hawakan ang Iyong Pera na hindi ka nito Hinahawakan,” “Ang Sekreto ng Matagumpay na Pamumuhay ng may Pamilya,” “Paano Malalampasan ang Tensiyon,” atb. (isinalin mula sa ibid., p. 49). Ang mga ito’y mga aktwal na mga paksang sermon na kanyang pinagsipian mula sa promosiynal na materiyal ng isang Bautismong simbahan. Hindi ba mukhang di-pangkaraniwan iyan na ang mga Apostol ay di-kailan man nangaral sa mga paksang ito? Gayon man ang mga modernong ebanghelista ay nangangaral tungkol sa mga ito palagi! Hindi ba ito kailan man nakapapasok sa isipan ng kahit sino na ito’y hindi isang apostolikong pangangaral, na ito’y hindi Biblikal na pangangaral? Ang mga makabagong paksang ito ay naka-sentro sa tao, hindi nakasentro kay Kristo. Ang mga ito’y naglalayong nakatutulong sa psikolohikal na paraan, hindi teyolohikal. Naalala kong nakabasa ng isang salaysay ni Dr. A. W. Tozer, na nagsabing, “Lahat ng problema ay espiritwal na problema. Lahat ng problema ay espiritwal at kung makuha mo ang Diyos, ang lahat ng iba ay sa wakas itutuwid nito ang sarili para sa iyo” (isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., "Men Who Met God"). Sumasang-ayon ako sa kanya. Iyan ang dahilan na ang Apostol Pablo ay hindi kailan man nangaral ng isang sermon doon sa mga makabagong paksa, ayon sa mga talaan ng kanyang pangangaral sa Bibliya. Si Pablo ay palaging nangangaral kay “Hesu-Kristo, at siyang nakapako sa krus,” dahil ang tao ay makapupunta lamang sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo, at siyang nakapako sa krus!

Palagi’t kailan man “pinasiyahan” ni Pablong panatilihing si Jesucristo at siyang napako sa krus” na nasa pinaka-puso at sentro ng kanyang ipinangangaral. Ito’y ganoon nga mula sa una. Pagkatapos na napagbago si Pablo at nabinyagan,

“Pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus”
       (Mga Gawa 9:20).

At kaagad-agad pagkatapos ay siya’y,

“Nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio”
       (Mga Gawa 9:29).

Sa mga taga Corinto, sinabi ni Pablo,

“Ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus”
       (I Mga Taga Corinto 1:23).

Sa mga taga Roma, sinabi niya,

“Hindi ko ikinahihiya ang evangelio [ni Kristo]”
       (Mga Taga Roma 1:16). – KJV.

Tiyak, gaya ng paglagay nito ni Spurgeon, si Pablo ay “Ang Tao ng Isang Paksa”! Sa sermong iyon, sinabi ni Spurgeon,

      Si Pablo ay lubos na determinadong tao, at anoman ang kanyang napagpasiyang gawin ay kanyang nagagawa ng buong puso. Isang beses hayaan mo siyang sabihin niyang, “pinagpasiyahan ko na,” at ika’y makatitiyak ng isang matibay na paraan ng aksyon…ito’y hindi masyadong pinakamanghaan noong siya ay naging isang disipolo nitong parehong Hesus, na kanyang inusig, dapat niyang…dalhin lahat ng kanyang mangagawa upang tiisin ang pangangaral ni Kristong napako sa krus. Ang kanyang pagbabagong loob ay lubos na napansin, napaka lubos, na maasahan mo siyang makitang…lubos na naudyok sa pananampalataya kay Hesus [na siya’y pumasok] sa sanhi ng buong puso at kaluluwa at lakas [determinadong] malaman ang wala ng iba kundi ang kanyang napakong Panginoon (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Man of One Subject,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1971 inilimbag muli, volume XXI, p. 637).

Noong ako’y unang nag-umpisang mangaral, ang Pangalawang Pagdating ni Kristo ang aking pangunahing paksa – dahil ako’y napagbagong loob sa loob ng isang mensahe sa temang iyan. Ngunit habang tumatanda ako, at mas maraming beses na binabasa ang mga Kasulatan, mas higit na ako rin mismo ay naging,

“…aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
       (I Mga Taga Corinto 2:2).

II. Pangalawa, ang mga salita ni “Hesu-Kristo.”

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
     (I Mga Taga Corinto 2:2).

Hilig kong basahin si Dr. John Gill. Sumulat siya ng isang siyam-na-bahaging kumentaryo sa buong Bibliya – mula sa Genesis hangang sa Apocalipsis. Ngunit maari mong buksan ang kahit ano sa mga komentaryong ito at, sa halos bawat pahina, ay mahahanap mo ang mga salita ni “Kristo,” o “Hesu-Kristo,” o “ang Panginoong Hesu-Kristo,” o “ang ebanghelyo.” Anomang pagbabatikos ng mga tao ang gawin laban kay Dr. Gill, ang pagtawag sa kanyang isang “sagarang-Kalvinista,” [“hyper-Calvinist”] ito’y mas tiyak – pinuri ang Panginoong Hesu-Kristo, at nakita si Kristo sa bawat pahina ng Kasulatan. Iyan ang paraan na ang bawat Kritiyano’y dapat tignan ang Bibliyadahil ang dakilang sentral na tema ng Bibliya ay si Hesu-Kristo! Ang pangunahing tema ng Bibliya ay hindi kung paano maging mayaman. Kalokohan! Hindi ito ang mga partikular ng propesiya, o ito’y hindi tungkol sa kung papaano maging mabuti ang pakiramdam sa sarili, o magkaroon ng masayang tahanan, o kung paano magpalaki ng mga anak – o kahit ano sa mga paksang ito na mukhang mahalaga sa maraming mga pastor ngayon. Si Hesu-Kristo mismo ay ang sentral na tema ng buong Bibliya, mula sa isang dulo hangang sa kabila! Si Kristo mismo ang nagsabing,

“Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas” (Apocalipsis 22:13).

Paano natin masasaid ang paksa ni Hesu-Kristo? Paano tayo mapapagod sa kakarinig tungkol sa Kanya? Paano tayo makahanap ng sapat na oras upang magpangaral sa lahat ng mga paksa na umuugnay sa Kanya? Tiyak, paano tayo pati makapag-iisip, o makapagsalita, ng mas higit kay sa kay Hesu-Kristo? O bakit dapat natin gawin ito, yamang si Hesu-Kristo ay

“…na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon”
      (I Mga Taga Corinto 1:30-31)?

Yamang si Hesu-Kristo ang nagbibigay sa mga Kristiyano ng lahat ng mga biyayang ito,

“Aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
       (I Mga Taga Corinto 2:2).

Sinabi ni Dr. Gill na ginawa ng Apostol Pablo si Hesu-Kristo ang sentro ng kanyang pangangaral,

…kung saan siya’y nalugod at naligayahan; ginawa niyang kilala ang mga bagay na umaayon sa katauhan ni Kristo, na siya ay Diyos, ang Anak ng Diyos, at tunay na tao, Diyos at tao sa isang tao; mga bagay na tumutukoy sa kanyang posiyon, na siya ay ang Mesiyas, ang tagapagitna, propeta, saserdote, at Hari, at puno, asawa, Tagapagligtas, at Tagatubos ng kanyang simbahan at tao; at ang mga bagay na tumutukoy sa kanyang gawa bilang ganoon, at ang mga pagpapala ng biyayang nahagilap niya; na ang pagpapatunay ay sa pamamagitan ng kanyang katuwiran, pagpapatawad sa pamamagitan ng kanyang dugo, kapayapaan, pagtatagpo at pagkakasundo sa pamamagitan ng kanyang sakripisiyo, at kaligtasan lamang at lahat-lahat sa pamamagitan niya. Ang kanyang determinasyon ay ang ipangaral ang wala nang iba kundi si Kristo (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli ng 1809 edisiyon, volume II, p. 607; sulat sa II Mga Taga Corinto 2:2).

Si Dr. Gill ay nagbigay ng sapat na mga paksa doon patungkol kay Hesu-Kristo upang punuin ang isang taon ng Lingong pangangaral – hindi, mas mukhang isang buhay! Ilang taon noon nangaral ako ng pitong sermong magkakasunod-sunod kay Kristo sa Hardin ng Gethsemani. Gayon man nadarama kong bahagya ko lamang natalakay ang paksa! Noong 2007 nangaral ako ng labing-apat na mga sermong magkakasunod-sunod kay Hesus, ang nagdurusang Tagaglingkod ng Diyos, mula sa Isaias 52:13 hangang sa Isaias 53:12. Gayon man sigurado akong may marami pang ibang mga sermon kay Hesu-Kristo na maaaring mahagilap mula sa pasaheng iyan ng Kasulatan! Wala nang mas nakamamangha pa, o mas maghalaga, o nakatutulong sa atin kaysa ang marinig ang pangangaral na tungkol kay Hesus, upang magbasa tungkol kay Hesus, at upang mag-isip tungkol kay Hesus! Sumasang-ayon akong lubos kay Samuel Medley, na nagsulat ng mga salita noong himnong iyon na kinanta ni Gg. Griffith isang sandali kanina,

Hesus! Iukit ito sa aking puso,
   Na Ika’y ang nag-iisang kailangan ko:
Kaya kong lumayo sa lahat ng mga bagay,
   Ngunit hindi kailan man, hindi kailan man, Panginoon mula sa Iyo!
(“Hesus Iukot Ito sa Aking Puso.” Isinalin mula sa
   “Jesus! Engrave It On My Heart” ni Samuel Medley, 1738-1799;
     sa tono ng “Just As I Am”).

Ibinigay ko ang tekstong iyan I Mga Taga Corinto 2:2. Kung hindi nito inilalarawan ang isang mangangaral na iyong hinahangaan, wala akong magagawa rito. Nariyan ang teksto. Ibinigay ko lamang ang sinabi ng Apostol. Narito, sa pahina ng Kasulatan! Gawin ang nais mo rito – ngunit narito ito!

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
     (I Mga Taga Corinto 2:2).

Ngunit mayroong isang bahagi ng teksto para sa ating pag-isipan ngayong umaga.

III. Pangatlo, ang mga salitang “at siya na napako sa krus.”

“Aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus
       (I Mga Taga Corinto 2:2).

Ito’y hindi isang multo “espiritung-Kristo” ang ipinangaral ng Apostol. Ito’y ang tunay na laman at buto ni Hesu-Kristo na napako sa isang krus! Hindi ito ang Banal na Espiritu, hindi ang halimbawa ni Kristo, o kahit ang Pangalawang Pagdating ni Kristo, na nag-okupa sa sentral na mensahe ni Pablo. Pakingan ako na may lubos na pag-aalala – ito’y hindi pati ang Kristong ating nababasa sa mga pahina ng Bibliya – dahil ang Kristo na ipinangangaral ni Pablo ay isang tunay na tao, hindi lang isang karakter na inilarawan sa simpleng mga salita. Si Hesus Mismo ay nagsabing,

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin” (Juan 5:39).

Si Pablo ay nangaral sa tunay na Hesu-Kristo, na tunay na nagdusa para sa iyong mga kasalanan upang mailagay sa Kanya sa Hardin ng Gethsemani – na tunay na – sa kadiliman ng Hardin,

“pawis…gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa”
     (Lucas 22:44).

Ito’y ang tunay na Hesus na hinampas sa ilalim ni Pilato, at napako sa isang krus sa pagitan ng dalawang magnanakaw, na itinukoy ng Apostol!

“Aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus
       (I Mga Taga Corinto 2:2).

Ang pagpapako sa krus ni Hesus ay hindi isang bagay na dapat natin pag-isipan lamang kapag tinatangap natin ang Hapunan ng Panginoon. Ito’y inilalagay lang sa Pasko ng Pagkabuhay. Hindi! Ang pagpapako sa krus ni Hesus ay ang pinaka-sentro ng tunay na Kristiyanismo! Iyan ang dahilan na ang pagpapako sa krus ni Kristo ay inilarawang nakadetalye sa lahat ng apat na mga Ebanghelyo. Iyan ang dahilan kung bakit ang pagpapako sa krus ni Kristo ay pinag-usapan ng paulit-ulit ng mga Apostol sa Aklat ng Mga Gawa, at sa mga Sulat! Ang pagpapako sa krus ni Hesu-Kristo ay ang unang punto ng Ebanghelyo, na ibinigay ng Apostol Pablo, sa kanyang sermon sa araw ng Pentekostes:

“Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay” (Mga Gawa 2:23).

At sinabi ng Apostol Pablo,

“Ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus”
       (I Mga Taga Corinto 1:23).

Si Dr. John MacArthur, na katakatakang mali sa paksa ni Kristo, ay sa maraming taon ay ikinakait ang Kanyang walang hangang Pagka-anak at walang hangang katotohanan at epektibo ng Kanyang Dugo, ay tama noong sinabi niyang, “Ang pangangaral ng krus ay napaka namumuno sa mga naunang mga simbahan na ang mga nananampalataya ay inakusang sumasamba sa isang patay na tao” (Isinalin mula kay The MacArthur Study Bible, Word Bibles, 1997; sulat sa I Mga Taga Corinto 2:2). Nagdududa ako na masasabi iyan sa mga tao ng karamihang mga simbahan ngayon, kahit na sa kanyang simbahan.

Mga kapatid, manalangin tayo na ito’y masasabi sa atin – gaya ng pagkasabi nito doon sa mga dakilang mga santo at martir noon! Manalangin na ang mga simbahang iyon sa ating simbahan ay palaging iniisip si Hesus, ang Diyos-tayo, na namatay sa Krus para sa iyong mga kaslanan!

Ang mga di-napagbabagong mga tao’y hindi gustong isipin ang tungkol kay Kristong napako sa krus! Iniisip ng mga makamundong mga tao’y ang kanilang pakiramdam at kaisipan ay lahat mahalaga. Iniisip nila na ang pagpapako sa krus ni Kristo ay isa lamang teribleng pagka-interesado! Ngunit mali sila! Ito’y bagay ng buhay at kamatayan! Ito’y ang sentral na paksa ng Bibliya – ang pinaka mahalagang paksa na ang kahit sinong lalake o babae ay hindi kailan man mahaharap nito – sa kanyang buhay o sa susunod! Pakingan ito, dahil ang kaligtasan ng iyong kaluluwa ay nakasalalay rito,

“Ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga 5:8-9).

Namatay si Hesu-Kristo sa iyong lugar, upang bayaran ang iyong mga kasalanan sa Krus. Humawak sa katotohanang iyan, lumingon mula sa iyong sariling kaisipan kay Hesus, at ang iyong mga kasalanan ay mapapatawad, at ika’y maliligtas! Humawak sa katotohanang iyan, kumapit sa Kanya, at kukunin ka ni Hesu-Kristo sa mga bagyo’t dusa ng buhay – at ibababa kang ligtas sa Kaharian ng Diyos! Iyan ang dahilan na,

“Aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
       (I Mga Taga Corinto 2:2).

Tapos ay kailangan pa rin aking [Kristo]! aking Hari!
   Iyong ngalan walang hanganan kong kakantahin;
Luwalhati at papuri ay kailan man Kanya,
   Ang nag-iisang kailangan, ay si Hesus!
(“Hesus! Iukit Ito sa Aking Puso.” Isinalin mula sa
   “Jesus! Engrave It On My Heart” ni Samuel Medley, 1738-1799;
     binago ni Dr. Hymers; sa tono ng “Just As I Am”).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 23:32-36.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus! Iukit Ito sa Aking Puso,” isinalin mula sa
“Jesus! Engrave It on My Heart” (ni Samuel Medley, 1738-1799).


ANG BALANGKAS NG

ANG PANGUNAHING PAKSA!
ANG WALANG HANGANANG PAKSA!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).

(I Timoteo 2:2)

I.   Una, ang mga salitang “aking pinasiyahan,” I Mga Taga Corinto 2:2a;
Mga Gawa 9:20, 29; I Mga Taga Corinto 1:23; Mga Taga Roma 1:16.

II.  Pangalawa, ang mga salita ni “Hesu-Kristo,” I Mga Taga Corinto 2:2b;
Apocalipsis 22:13; I Mga Taga Corinto 1:30-31.

III. Pangatlo, ang mga salita “at siya na napako sa krus,”
I Mga Taga Corinto 2:2c; Juan 5:39; Lucas 22:44; Mga Gawa 2:23;
I Mga Taga Corinto 1:23; Mga Taga Roma 5:8-9.