Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PANANAKIT, PAGBABALTAK, KAHIHIYAN AT PAGLULURA THE SMITING, PLUCKING, SHAME AND SPITTING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6). |
Ito ang pangatlo sa mga Tagalingkod na pasahe sa Isaias na napaka perpektong hinulaan ang pagdurusa ni Kristo. Sa tekstong ito, sa lahat ng ibang mga teksto, na sumipi si Hesus noong sinabi Niya sa Kanyang mga Disipolong,
“Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka’t siya’y ibibigay sa mga Gentil, at siya’y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan. At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya”
(Lucas 18:31-33).
Ang nakamamanghang propesiya ng Isaias 50:6 ay hindi tumutukoy ng wala ng iba kundi si Hesus. Ito’y literal na natupad ng Panginoong Hesu-Kristo.
“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).
Maglalabas ako ng tatlong dakilang katotohanan mula sa tekstong ito ngayong gabi.
I. Una, “ibinigay” ni Hesus ang Kanyang sarili sa mga mananakit!
Sinasabi sa atin ni Dr. Strong (bilang 5414) na ang Hebreong salitang “nâthan” ay nangangahulugang “upang magbigay.” Tiyak, “ibinigay” ni Hesus ang Kanyang likod sa mga mananakit. “Ibinigay” Niya ang Kanyang mga pisngi sa kanila na nagbaltak ng Kanyang balbas. “Ibinigay” Niya ang Kanyang mukha sa “kahihiyan at paglura.” Sinabi ni Hesus,
“Ibinigay ko ang aking buhay…Sinoma’y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay” (Juan 10:17-18).
Muli, sa Hardin ng Gethsemani, noong nagpunta sila upang dakipin Siya, sinabi ni Hesus kay Pedro,
“O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?” (Mateo 26:53-54).
Kahit na noong ang mga kawal ay dumating upang kaladkarin Siya papalayo, maari tinawag sana ni Hesus ang 72,000 mga angel upang pigilan ito. Ngunit sinadya Niyang tumangging gawin ito. Oo, “ibinigay” ng Tagapagligtas ang Kanyang likod at Kanyang pisngi at Kanyang mukha sa mga “mananakit.” “Ibinigay” Niya ang Kanyang sarili doon sa mga pagdurusang iyon upang matupad ang Kanyang layunin sa pagdating rito sa lupa, upang iligtas ang Kanyang mga tao, upang iligtas ang lahat ng mga magpupunta sa Kanya. Kanyang,
“Ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat”
(I Kay Timoteo 2:6).
Kanyang,
“Nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan” (Mga Taga Galacias 1:4).
Kanyang,
“Nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan” (Titus 2:14).
Sinabi Niya,
“Ibinigay ko ang aking buhay…Sinoma’y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay” (Juan 10:17-18).
Ibinigay Niya ang Kanyang sarili upang mapahirapan, mapahiya at mapako sa krus dahil mahal ka Niya! Sinabi Niya,
“Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan”
(Juan 15:13).
Bumaba si Hesus mula sa trono ng Langit para sa layuning ito: upang ibigay Niya ang Kanyang buhay doon sa mga mananakit at sa kakahiyang iyon upang mabuhay tayo! O, anong kaisipan! Sinasabi Niya, “Ipinain ko ang aking likod sa mga mananakit dahil mahal ko kayo. Ibinigay ko ang aking mga pisngi sa kanila na nagbabaltak ng balbas dahil alam ko na ito lamang ang paraan na maliligtas ko kayo. Ibinigay ko ang aking mukha sa kahihiyan at paglulura upang iligtas ang iyong mukha mula sa kahihiyan sa Huling Paghahatol!” Ipinain Niya ang Kanyang buhay sa ilalim noong mga karumaldumal na mga pangyayari dahil minamahal ka Niya at Siya’y iyong kaibigan! “Si Hesus ay Kaibigan ng mga Makasalanan!” Tumayo at kantahin ito!
Si Hesus ay kaibigan ng mga makasalanan,
Kaibigan ng mga makasalanan, kaibigan ng mga makasalanan;
Si Hesus ay kaibigan ng mga makasalanan,
Mapapalaya ka Niya!
(“Si Hesus ay Kaibigan ng mga Makasalanan.”
Isinalin mula sa “Jesus is the Friend of Sinners,” may-akda di-kilala).
“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).
II. Pangalawa, “ibinigay” ni Hesus ang Kanyang sarili doon sa mga mananakit upang pagalingin ang iyong kaluluwa sa kasalanan!
“Ibinigay” Niya ang [Kanyang] likod sa mga mananakit.” Huwag mo itong tratratuhing wala lang! Sinasabi ng Bibliya,
“Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas” (Juan 19:1).
Sinabi ni Spurgeon,
Si Pilato, ang gobernador, ay nagbigay sa kanya ng hangang sa malupit na proseso ng paghahampas…ang latigo ay gawa sa kalamanan ng baka…na sa mga ito’y nakapulupot ang mga buto ng tupa, upang sa bawat hampas ay pupunit ito sa nakaaawang nanginginig na laman, na durog sa karumaldumal na mga hampas. Ang paghahampas ay anong parusa na ito’y tinitignan ng karamihan na mas matindi pa sa kamatayan mismo, at tiyak, maraming namatay habang tinitiis ito, o kaya agad-agad pagkatapos nito. Ang ating pinagpalang Tagapagligtas ay nagbigay ng kanyang likod sa mga mananakit, at [sila’y] gumawa ng malalalim na mga [sugat] doon. O anong palabas ng pagdurusa! Paano natin matitiis na tignan ito? (Isinalin mula sa C. H. Spurgeon, “The Shame and Spitting,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1972 reprint, volume XXV, p. 422).
“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).
Bakit mo ibinigay ang iyong likod sa mga mananakit, Hesus? Muli, si Isaias ang nagbigay sa atin ng sagot,
“sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo”
(Isaias 53:5).
Sa mga “latay” sa Kanyang likod ang ating mga kaluluwa ay napapagaling mula sa kasalanan! Ginawa iyan ng Apostol Pedro na napaka-linaw noong sinabi niyang,
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo” (I Pedro 2:24).
Ang ating mga kaluluwa, na durog at nasira ng kasalanan, ay mapagagaling ng mga latay na tiniis ni Hesus!
Ang mga pulong ng mga tao ay nagpunta sa Kanya habang Siya ay nasa Dagat ng Tiberias,
“at kaniyang pinagaling silang lahat” (Mateo 12:15).
Habang pinagagaling Niya sila, upang mapagaling Niya ang iyong makasalanang puso, “totoong masama” taong ito (Jeremias 17:9). Sinabi ni Charles Wesley, sa kanyang dakilang himnong Pampasko ‘Tignan, ang mga Taga-anunsyong mga Anghel ay Nagsisikanta,” sinabi na si Kristo ay “Bumangon na may pagpapagaling sa Kanyang mga pakpak…Ipinanganak upang ibangon ang mga anak ng lupa, Ipinanganak upang bigyan sila ng pangalawang pagkapanganak.” Magpunta kay Hesus at ang mga sugat ng iyong kasalanan sa iyong kaluluwa ay mapagagaling ng Kanyang mga latay, at ika’y maipapanganak muli!
III. Pangatlo. “ibinigay” ni Hesus ang Kanyang sarili doon sa mga
mananakit bilang kapalit para sa iyo, isang makasalanan!
“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).
Wala ng mas malinaw pa rito:
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:5-6).
Pinagdaanan ni Hesus ang lahat ng mga pagpapahirap na iyon sa lugar mo, upang iligtas ka mula sa pagpapahirap ng Impiyerno!
“Nang magkagayo'y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba”
(Mateo 26:67).
“At pinasimulang luraan siya ng ilan, at tinakpan ang kaniyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, at sa kaniya'y kanilang sinasabi, Hulaan mo: at siya'y pinagsusuntok ng mga punong kawal” (Marcos 14:65).
“At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo” (Mateo 27:30).
“At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba” (Marcos 15:19).
“At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay. At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas? At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura” (Lucas 22:63-65).
“Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas” (Juan 19:1).
“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).
Sinabi itong mahusay ni Joseph Hart,
Tignan si Hesus na nakatayo,
Nainsulto sa[karumaldumal na lugar na ito]!
Itinali ng mga makasalanan ang mga Makapangyarihang kamay,
At dinuraan ang mukha ng Manlilikha.
(“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa “His Passion”
ni Joseph Hart, 1712-1768; binago ni Dr. Hymers).
Si Hesus ay dumaan sa lahat ng mga pagdurusang iyon. At pagkatapos ay ipinako nila ang Kanyang mga kamay at Kanyang mga paa sa isang Krus! Pinagdaanan Niya ang lahat ng mga teribleng mga bagay na iyon at sakit bilang iyong kapalit. Nagdusa Siya at namatay sa Krus sa lugar mo, upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan at dalhin kang napagaling, at malinis sa Diyos!
“Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro 3:18).
Sinabi ni Dr. Isaac Watts,
Tignan, mula sa Kanyang ulo, Kanyang kamay, Kanyang paa,
Ang pagdurusa at pagmamahal umagos na pababang naghahalo;
Ang ganoong pagmamahal at pagdurusa ba’y nasama kailan man,
O mga tinik na naglalaman ng lubos na yaman na isang korona?
Na ang buong kaharian ng kalikasan ko,
Na isang aguinaldong higit na masyadong maliit;
Pagmamahal na nakamamangha, na napaka-banal,
Na humihingi ng aking kaluluwa, aking buhay, ang lahat ko.
(“Noong Aking Minasdan ang Nakamamanghang Krus.” Isinalin mula sa
“When I Survey the Wondrous Cross” ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).
At sinabi ni William Willliams,
Ang malaking bigat ng pagkakasala ng tao,
Ay ipinatong sa Tagapagligtas,
Na paghihirap na parang isang damit, Kanyang
Para sa mga makasalanan ay isinuot.
Para sa mga makasalanan ay isinuot.
(“Pag-ibig Sa Pagdurusa.” Isinalin mula sa “Love In Agony”
ni William Williams, 1759).
Binayaran ni Hesus ang iyong utang-na-kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa at kamatayan sa Krus! Magpunta kay Hesus at Kanyang patatawarin ang iyong mga kasalanan at ililigtas ang iyong kaluluwa! Naway sabihin mo ng iyong buong puso,
Ako’y pupunta na, Panginoon!
Pupunta na ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, linisin ako sa dugo
Na umagos sa Kalbaryo.
(“Ako’y Papunta na Panginoon.” Isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 18:31-34.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pag-ibig sa Pagdurusa,” isinalin mula sa “Love in Agony” (ni William Williams, 1759;
sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).
ANG BALANGKAS NG ANG PANANAKIT, PAGBABALTAK, KAHIHIYAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6). (Lucas 18:31-33) I. Una, “ibinigay” ni Hesus ang Kanyang sarili sa mga mananakit! II. Pangalawa, “ibinigay” ni Hesus ang Kanyang sarili doon sa mga III. Pangatlo. “ibinigay” ni Hesus ang Kanyang sarili doon sa mga |