Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGKA-UHAW NI HESUS SA KRUS THE THIRST OF JESUS ON THE CROSS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako” (Juan 19:28). |
“Lahat ng mga bagay ay naganap na nga.” Natupad na ni Hesus ang dakilang propesiya ng Lumang Tipan patungkol sa Kanyang pagkapako sa Krus. Siya na ay kinamuhian at tinangihan ng Kanyang mga tao. Kanila ng itinago ang kanilang mga mukha sa Kanya at hindi Siya pinahalagahan bilang kanilang Tagapagligtas, gaya ng hula sa Isaias 53 sa propesiya. Kanyang binuhat ang ating mga kasalanan sa Krus, saktong gaya ng pagkahula sa Isaias (Isaias 53:5-6). Kanilang tinusok ang Kanyang mga kamay at paa, gaya ng pagkahula sa Mga Awit 22:16, “binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.” Ang mga kawal sa paanan ng Kanyang Krus ay tumupad sa propesiya ng Mga Awit 22:18, “Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.” Ang lahat ng mga propesiyang ito, at marami pang iba, ay natupad. Kaya, noong nagsalita si Hesus mula sa Krus na nagsasabi kay Juan na alagaan ang Kanyang ina, “pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga,” ay nagsabi pa ng isa pang bagay, “upang matupad ang kasulatan.” Upang lubusang matupad ang mga propesiya ng Lumang Tipang Kasulatanan, sinabi Niya,
“Nauuhaw ako.”
Tinupad nito ang dalawang nakamamanghang propesiya sa Lumang Tipan. Una, tinupad nito ang Mga Awit 22:15,
“Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan” (Mga Awit 22:15).
Pagktapos Niyang nakasabit sa Krus ng maraming oras, na walang mainom na tubig, ang Kanyang dila ay lumalabas sa Kanyang ngalangala, at hindi halos makapagsalita.
Ang pangalawang propesiya na natupad ay ibinigay sa Mga Awit 69:21,
“Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom”
(Mga Awit 69:21).
Upang matupad ang mga Kasulatang ito, sinabi ni Hesus,
“Nauuhaw ako” (John 19:28).
Ang mga salitang ito ay ang pinaka-maiiksing salawikain na Kanyang ibinigay sa Krus. Sa Ingles ito’y dalawang salita, ngunit sa Griyego ito’y isa lamang salita, tamang naisalin ng dalawang salita sa Ingles,
“Nauuhaw ako.”
Mula sa salawikaing iyan marami tayong matatantong mga dakilang katotohanan, ngunit ngayong gabi mayroon lamang akong oras upang bigyan kayo ng tatlo sa mga ito, nakuha mula sa mga salita na nanggaling mula sa tuyong mga labi ng namamatay na Tagapagligtas, noong sinabi Niyang,
“Nauuhaw ako.”
I. Una, ang pagka-uhaw ni Hesus ay tanda ng Kanyang pagkatao.
Ito’y hindi sa ano man di-pangkaraniwan na Siya ay nauuhaw. Mas maaga, habang si Hesus ay lumalakbay sa Samaria, Siya’y pagod sa Kanyang paglalakbay at humingi sa isang babae sa balon ni Jacob, “Painumin mo ako” (Juan 4:7). Ito’y hindi di-pangkaraniwan, gayon, na sa katapusan ng Kanyang buhay – pagkatapos siyang mahampas ng latigo na halos sa kamatayan at napako sa Krus ng maraming oras – na Kanyang sasabihin,
“Nauuhaw ako.”
Ang Kanyang pagka-uhaw ay nagpapakita sa atin na ang Kanyang tunay na pagkatao. Ito’y ang pagka-uhaw ng isang tao, isang tao. Sa dalawang pagkakataon inisip ng mga Disipolo na Siya ay isang espiritu. Noong naglakad siya sa tubig ng Dagat ng Galeliya at “makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot” (Mateo 14:26). Ngunit “nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi… ako nga: huwag kayong mangatakot” (Mateo 14:27). Muli, sa gabing Siya ay bumangon mula sa pagkamatay, nagpakita Siya sa mga Disipolo at nagsabing, “Kapayapaa'y suma inyo” (Lucas 24:36).
“Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu” (Lucas 24:37).
Ngunit pinakalma ni Hesus ang kanilang takot at nagsabing,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Sa parehong pagkakataon pinaalam ni Hesus sa kanila na Siya ay lubusang tao, at hindi lang simpleng “espiritung Kristo.” Ang kaisipang isang “espiritung Kristo” ay lubusang huwad, at isa sa mapanganib ng mga tanda ng huwad ng relihiyon. Hinulaan iyan ni Hesus, “May magsisilitaw na mga bulaang Cristo” (Mateo 24:24). Ang “espiritung Kristo” ng bagong-panahong kilusan, at maraming mga kulto, ay hindi ang tunay na Kristo. Ang “espiritung Kristo” ng mga huwad na mga relihiyong ito ay tinawag na “ibang Jesus” ng Apostol Pablo sa II Mga Taga Corinto 11:4, “sapagka’t ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39). Isang “espiritung Kristo” ay hindi ang tunay na Hesus!
Nilikha ni Hesus ang kalangitan at ang lupa ayon kay Juan 1:1-3.
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya”
(Juan 1:1-3).
Gayon natututunan natin na si Hesus ay parehong Diyos at tao – ang Diyos-taong sa pamamagitan ng hipostatikong uniyon. Hindi dapat natin kailan mang limutin ang Kanyang kabanalan, bilang ang Pangalawang Tauhan ng Trinidad. Ngunit tayo ay pinaaalalahanan sa Kanyang pagka-uhaw sa Krus na Siya rin ay lubusang tao. Masasabi natin kay Hesus ang sinabi ni Adan kay Eba,
“Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman”
(Genesis 2:23).
Inilalarawan nito ang Kanyang pagkakatawang tao. Siya ay ipinadala mula sa Langit sa Birheng Maria, at ipinanganak bilang Diyos-tao mula sa kanyang sinapupunan,
“Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae…”
(Mga Taga Galacias 4:4).
Sinabi ni Spurgeon,
Siya’y tunay na tao; siya nga, “ang buto ng ating buto at laman ng ating laman,” dahil buhat niya ang ating mga kahinaan…si Hesus ay napatunayang tunay na tao, dahil nagdusa siya ng mga sakit na pagmamay-ari ng pagiging tao. Hindi nakadarama ang mga Anghel ng pagka-uhaw. Ang isang multo. gaya ng tawag sa kanya ng ilan ay hindi makakapagdusa sa ganitong paraan; ngunit si Hesus at tunay na nagdusa [at Kanyang] tiniis ang pagka-uhaw sa isang matinding baytang. Dahil ito’y ang pagka-uhaw ng kamatayan na napunta sa kanya… Ang pagka-uhaw na iyan ay sanhi…ng pagkawalan ng dugo, at ang lagnat na sanhi ng iritasyon ng kanyang apat na malulubhang sugat…habang ang bigat ng kanyang katawan ay kumakaladkad sa mga pako sa kanyang pinagpalang laman, at pumunit sa kanyang malalambot na mga litid. Ang matinding tensiyon ay lumikha ng isang sumusunog na pagkalagnat. Sakit ang tumuyo sa kanyang bunganga at ginawa itong parang isang pugon, hangang sa kanyang idineklara, sa wika ng dalawampu’t dalawang Mga Awit, “Ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala” (Isinalin mula sa C. H. Spurgeon, “The Shortest of the Seven Cries,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1972, volume XXIV, pp. 219-220).
Nakakita na ako ng mga kaibigan sa kanilang kamatayan na humihiyaw para sa tubig. Ngunit di ito pinapayagan ng mga doktor dahil hindi sila makalunok. Isang teribleng bagay ang makita ang isang tao na tulad nito, na walang tubig upang patayin ang Kanyang namamatay na pagka-uhaw! Nasabi ko nang, “Bigyan mo siya ng lasa ng tubig, namamatay naman na siya!” Ngunit ang mga doktor na iyon, mas takot sa pagkakademanda kaysa pagiging makatao, ay tumanging kahit isang patak ng tubig upang palamigin ang mga namamatay na mga dilang iyon! Sinabi ni Spurgeon,
Ang ating Panginoon ay tunay na tao na ang lahat ng ating pagdurusa ay nagpapaalala sa atin sa kanya: sa sunod na panahong [ika’y] tunay na nauuhaw maari [kang] tumingin sa kanya; at sa mga oras na makakikita tayo ng isang kaibigan…nauuhaw habang namamatay maari nating [makita ang pagdurusa ni Hesus] ng kaunti, ngunit tunay na nakasalamin…Gaano ka lapit [at gaano ka konektado sa atin] at nauuhaw na Tagapagligtas… (isinalin ibid.).
Siya ay si “Emmanuel,” ang Diyos kasama natin, ang Diyos tao, kahit sa oras na nararamdaman natin ang pagka-uhaw ng kamatayan, dahil sinabi Niya,
“Nauuhaw ako.”
II. Pangalawa, ang pagka-uhaw ni Hesus ay isang tanda ng Kanyang
pakikipagpalit para sa mga makasalanan.
Sinabi ni Hesus, “Nauuhaw ako” dahil Siya ang nagdurusang kapalit ng makasalanan. Kinain ni Adan ang pinagbabawal na prutas gamit ng kanyang bibig at, gayon, sa kanyang bibig lumabas ang prutas na lumason sa buong sangkatauhan.
“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Mga Taga Roma 5:12),
sa bibig ng unang Adan, ginagawa ang lahat ng kanyang mga anak na “mga patay dahil sa inyong mga kasalanan” (Mga Taga Colosas 2:13). Kaya ito’y tamang-tama na ang huling Adan, si Hesus, ang dapat magbayad para sa kasalanan ng bibig ng unang Adan sa pamamagitan ng pagdurusa ng sakit sa Kanyang sariling bibig! Ang bibig ni Adan “ay ang pinto sa kasalanan, at gayon sa [Kanyang bibig] ang ating Panginoon ay inilagay sa sakit” (Isinalin mula kay Surgeon, ibid., p. 222). Dagdag pa rito, ang kasamaan ng ating kalikasan ay lumalabas mula sa ating mga bibig. Sinabi ni Hesus,
“Ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao” (Mateo15:18).
Sa Krus, si Hesus ay tinusok sa puso gamit ang isang sibat, upang ang mga kasalanan ng ating mga puso ay mapapatawad. Nagsuot siya ng isang korona ng tumutusok na mga tinik, upang ang mga kasalanan ng ating mga isipan ay mapatawad. Ang kanyang mga kamay ay naipako sa Krus upang ang mga kasalanang ating magagawa gamit ang ating mga kamay ay mapapatawad. Ang Kanyang mga paa ay naipako sa kahoy upang ang mga kasalanan na ating magagawa sa paglalakad sa mga ito ay mapatutunayan. At Siya ay napa-uuhaw hangang ang Kanyang dila at lumalabas sa Kanyang ngalgala, teribleng pagka-uhaw! upang gamutin ang mga kasalanan ng ating mga bibig.
“siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:5-6).
Sinasabi ng Apostol Pedro sa atin na si Hesus “nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Pedro 2:24). Siguradong ang mga bersong ito’y ginagawang malinaw na ang pagka-uhaw ni Hesus ay bahagi ng pagdurusa na Kanyang pinagdaanan, bilang ating kapalit, sa Krus. Sinabi Niya,
“Nauuhaw ako”
kaya ang bawat kasalanan na lumabas sa iyong bibig ay maparurusahan sa Kanyang bibig! O! nakamamanghang Tagapagligtas! Ika’y nagdusa upang kami’y mabuhay! Ang Iyong bibig ay nagtiis ng matinding sakit sa aming lugar – para ang mga kasalanan ng ating mga bibig mapagkakasundo, mapapatawad, at mahuhugasan sa pamamagitan ng Dugo na umagos mula sa Iyong natuyo’t dumurugong labi!
“Nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin” (Mga Taga Roma 5:8).
“Sapagka't si Cristo…nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid”
(I Pedro 3:18).
Sinabi ni Hesus,
“Nauuhaw ako,”
at ang nagdurusang pagka-uhaw ay nakapagkasundo para sa mga makasalanang salita mula sa bawat bibig ng tao, ng bawat taong nagpupunta sa Kanya. Ngunit mayroon pang isang kaisipan.
III. Pangatlo, ang pagka-uhaw ni Hesus maligtas ka mula sa
pagka-uhaw ng Impiyerno.
Sinasabi ng Ebanghelyo ni Lucas ng isang lalakeng namatay,
“at inilibing; At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata… At siya'y sumigaw at sinabi… maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito” (Lucas 16:22-24).
Kung hindi nagdusa ng pagka-uhaw si Hesus sa Krus, ang bawat isa sa atin ay kakailanganing magdusa ng pagka-uhaw sa Impiyerno. Sinabi ni Spurgeon, “Ang ating makasalanang mga dila…ay siguro’y masusunog ng magpakailan man [sa Impiyerno] kung ang dila ni [Hesus] ay hindi nagdusa ng pagka-uhaw sa ating kapalit” (isinalin mula sa ibid., pp. 222-223) – sa ating lugar sa Krus! Magsitayo at kantahin ang himno bilang anim sa inyong papel – sa tono ng “‘Sa Hating Gabing ito, at sa Tuktok ng Olibo” [‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow’]. Kantahin ang pangalawa, pangatlo at pang-apat na taludtod.
Tignan kung paano ang Kanyang mga kamay at paa ay nakapako;
Ang Kanyang lalamunan na natutuyong pagka-uhaw ay natuyo;
Ang Kanyang humihinang mga mata ay puno ng dugo;
Hesus, aming Panginoon, ay napako sa krus.
Halika tayo na’t tumayo sa ilalim ng krus;
Upang ang dugo mula sa Kanyang tagiliran
Ay dahan dahang bumagsak sa atin patak kada patak;
Hesus, aming Panginoon, ay napako sa krus.
Isang sirang puso, mga matang puno ng luha,
Humingi, at ika’y hindi tatangihan;
Panginoong Hesus, naway kami’y umibig at lumuha,
Nang dahil sa amin Ika’y napako sa krus.
(“Ipinako Nila Siya,” isinalin mula sa “They Crucified Him”
ni Frederick William Faber, 1814-1863; bingo ni Dr. Hymers).
Sinabi ni Augustine, “Ang krus ay isang pulpito, na ipinangaral ni Kristo ang kanyang pagmamahal sa mundo.” Ito’y totoo! Namatay siya sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan dahil mahal ka Niya! Dumaan Siya sa pagdurusa at sakit upang iligtas ka mula sa walang hangang pagdurusa dahil mahal ka Niya! Masasabi mo ba kay Hesus, “Ayaw ko ng iyong pag-ibig!” O sasabihin mo ba sa Kanyang,
Ako’y pupunta na, Panginoon!
Papunta na ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, at linisan ako sa dugo
Na umagos sa Kalbaryo?
(“Ako’y Papunta na Panginoon,” isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 19:23-28.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Kanta para sa Paanan ng Krus.” Isinalin mula sa
“A Song for the Foot of the Cross” (ni John Chandler, 1837).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGKA-UHAW NI HESUS SA KRUS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako” (Juan 19:28). (Isaias 53:5-6; Mga Awit 22:16, 18, 15; Mga Awit 69:21) I. Una, ang pagka-uhaw ni Hesus ay tanda ng Kanyang pagkatao, II. Pangalawa, ang pagka-uhaw ni Hesus ay isang tanda ng Kanyang III. Pangatlo, ang pagka-uhaw ni Hesus maligtas ka mula sa |