Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




TUMAKAS PARA SA INYONG BUHAY!
HUWAG TITINGIN SA LIKOD NINYO!
(IBINIGAY SA KABANALAN NG BUHAY NG SANGKATAUHANG LINGO)

ESCAPE FOR YOUR LIVES! LOOK NOT BEHIND YOU!
(GIVEN ON SANCTITY OF HUMAN LIFE SUNDAY)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi sa Araw ng Panginoon Ika-17 ng Enero taon 2010


Nagsalita ako ngayong umaga tungkol sa “Dugo sa Dugo – Ang Amerika sa Kamay ng isang Galit sa Diyos.” Isinipi ko si Dr. John Gill na nagsabing,

Ang pagbubuhos ng inosenteng dugo ay sumisira sa isang bansa, at ang mga naninirahan rito, nagdadala ng sisi rito; at dinadala [ito] sa kaparusahan (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume I, p. 870; sulat sa Mga Bilang 35:33).

Isinipi ko si Pangulong Reagan na nagsabing,

Hindi tayo mabubuhay bilang isang malayang bansa kapag ang ilang mga tao’y nagpapasiya na ang iba ay di-nararapat mabuhay at dapat maabandona sa aborsyon… (isinalin mula kay President Ronald Reagan, Abortion and the Conscience of the Nation, Thomas Nelson Publishers, 1984, pahina 38).

Ang aborsyon ay isang pambansang kasalanan ng Amerika. 51 milyon ng ating mga anak ay pinatay sa sinpupunan, na nagdadala ng poot ng Diyos sa ating bansa. Sumipi ako sa propetikong mga salita ni Leonard Ravenhill, na nagsabing,

Hindi pa kailan man na ang bansang ito ay lubos na napahiya sa mata ng sanglibutan…Ang pinaka matinding panganib sa Amerika ngayon ay hindi Komyunismo, o mga Arabong [terorista], o malubhang ekolohikal na krisis. Ang pinakamatindi at nag-iisang panganib sa Amerika ay ang DIYOS (isinalin mula kay Leonard Ravenhill, America is Too Young to Die, Bethany Fellowship, 1979, pp. 50, 52).

Nitong umagang ito sinabi ko na, “Ang Paghahatol ay bumabagsak na sa Amerika…ang Amerika ay bumabagsak na sa kasiraan sa ating harapan. Darating ang panahon na mawawalan na ng lugar na pagtataguan mula sa lumiliyab na poot ng Diyos, ‘sapagka't ang lupain ay puno ng mga sala sa pagbububo ng dugo, at ang bayan ay puno ng pangdadahas’ (Ezekiel 7:23).”

Sa pagkatanggap ng Kongresiyonal na Gintong Medalya mula sa Pangulo ng Kongreso ng Estados Unidos, sinabi ni Billy Graham,

Tayo ay isang lipunang nasa gilid ng pagkasira ng sarili. Ang ating kabihasnan ay umaapaw ng krimen, kabrutalan, pag-abuso sa droga, sa lahi at etnikong tension, wasak-wasak na mga pamilya at korupsyon (isinalin mula sa Los Angeles Times, May 3, 1996, p. A-10).

Sa isa sa kanyang mga panalanging mga sulat, sinabi ni Billy Graham,

Kapag binabasa ko ang diaryo o nanonood ng balita sa telebisyon, mukhang ang salopilan ng moralidad sa Kanlurang mundo ay bumibiyak pabukas. Ang mga bagay sa telebisyon at sa mga pelikula, at ang literatura na binabasa ng mga tao, ay ginagawang mahiya ang Sodom at Gomorrah. Gaano katagal na mapatatagal ng Diyos [ito]? (isinalin mula kay Billy Graham, prayer letter, January 1998, The Billy Graham Evangelistic Association, mga pahina 1-2).

Sa puntong ito, si Billy Graham ay tama. Gayon dapat kong isipi si Leonard Ravenhill muli,

Ang pinakamatinding panganib sa Amerika ay ang DIYOS.

Ang Amerika ay bumabagsak sa kasiraan! Ang ating bansa ay nasa ilalim ng Paghahatol ng Makapangyarihang Diyos! Darating ang panahon na mawawalan na ng lugar na pagtataguan mula sa Kanyang poot at Paghahatol! Gaya ng paglagay nito ng dakilang mangangaral na si Jonathan Edwards, tayo ay literal na mga “Makasalanan sa mga Kamay ng isang Galit na Diyos.” Na nagdadala sa atin sa katanungang ibinigay sa ating teksto. Pakilipat sa Hebreo 2:3. Tumayo at basahin ang unang hati ng berso ng malakas.

“Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?” (Hebreo 2:3).

Maari ng magsi-upo. Ating paghati-hatiin ang teksto, at suriing mabuti ang mga salita. At maari mong gamitin ang bawat punto sa iyong sarili!

I. Una, kailangan mong makatakas!

Sinasabi ng teksto, “Paanong makatatanan tayo?” Makatatakas mula sa ano? Ang sagot ay ibinigay sa naunang berso,

“…ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran” (Hebreo 2:2).

Iyan ay totoo noong ang Israel ay “nagsitanggap ng kautusan [sa Bundok Sinai] ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap” (Mga Gawa 7:53). At ito’y pantay na totoo ngayon. “ang bawa't pagsalangsang at pagsuway” ay hahatulan ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng teksto, “Paanong makatatanan tayo?” Paano ka makatatakas mula sa paghahatol ng Diyos mula sa iyong mga kasalanan? Alam ng Diyos “ang mga pagiisip at mga haka ng [iyong] puso” (Hebreo 4:12). Nakikita niya ang bawat masama, makasalanan at mapagrebeldeng isipan. Maaring naitago mo ang iyong mga kaisipan sa iyong sarili. Maari mong isipin na walang naka-aalam ng mga ito. Ngunit mali ka! Alam ng Diyos ang lahat ng tungkol sa iyong panloob na buhay at iyong panloob na kasamaan. Siya ay “madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.” Lahat ng kasamaan ng iyong puso at isipan ay dadalhin ng Diyos sa Huling Paghahatol,

“Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama” (Eclesiastes 12:14).

Dagdag pa rito, hahatulan ng Diyos ang iyong masamang puso mismo,

“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam? Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain” (Jeremias 17:9-10).

“Akong Panginoon, ay…tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa’t tao ng ayon sa kanikaniyang lakad.” Ang iyong sumpa ng kasalanang puso mismo ay hahatulan ng Diyos.

“Ngunit,” maaring may magsabing, “hindi alam ng Diyos ang lahat ng aking mga kasalanan.” Mali ka! Sinasabi ng Bibliya,

“Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama…” (Mga Kawikaan 15:3).

“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Ang bawat makasalanang isipan, salita at gawain ay nakatala sa mga Aklat ng Paghahatol ng Diyos, dahil sinasabi ng Bibliya,

“Nangabuksan ang mga aklat… at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12).

At bawat kasalanan sa iyong talaan, sa mga aklat na iyon, ay magkokondena sa iyo, at ika’y “ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15). Maaring hindi ka takot sa Paghahatol ngayon, ngunit darating ang panahong ika’y matatakot.

“[Ang pagkatakot ay gumulat sa mga hipokrito]. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?” (Isaias 33:14) – KJV.

“Paanong makatatanan tayo?” Ang tanong na iyan mula sa ating teksto ay dapat tumunaw sa iyong puso na parang kandila! Dapat sinasabi mong, “Paano ko matatakasan ang nakatatakot na paghahatol ng Makapangyarihang Diyos? Paano ako makatatakas mula sa ‘makatuwirang kabayaran’ para sa aking mga kasalanan?”

“Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?” (Hebreo 2:3).

Dapat mong takasan ang Paghahatol ng Diyos ng iyong kasalanan, na kinamumuhian ang kasalanan at hinuhusgahan ito gamit ng umaapoy na paghihiganti! Dapat mong takasan ang poot ng isang makatuwirang Diyos!

II. Pangalawa, ikaw mismo, ay hindi makatatakas!

Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?” (Hebreo 2:3).

Hindi ka makatatakas mula sa paghahatol ng Diyos sa pagsusubok na “maging mabuti!” Ang pagsusubok na “maging mabuti” ay hindi uubra dahil sa dalawang dahilan.

(1)  Kung mag-uumpisa ka nang “pagiging mabuti” ngayon, at makabubuhay ng isang perpekto’t walang salang buhay hangang sa mamatay ka, ikaw pa rin ay hahatulan dahil sa mga kasalanang iyong nakamit na. Kapag bubuksan ng Diyos yoong mga dakilang aklat sa Araw ng Paghahatol, ang mga kasalanan ng iyong nakaraang buhay ay maitatala roon. Gaano ka pa man magbago ngayon, ang mga kasalanan ng iyong nakaraang buhay ay naka-ukit sa sa mga aklat ng Paghahatol “isa nawang panulat na bakal” (Job 19:24). “Sapagka’t ikaw ay sumusulat mga mabigat na bagay laban sa akin…ang mga kasamaan ng aking kabataan” (Job 13:26).

(2)  Ang pangalawang dahilan na ika’y di maliligtas ay sa pamamagitan ng “pagiging mabuti” ay na hindi mo ito magagawa! Hindi ka maaring maging mabuting sapat, gaano man katindi ang iyong pagsubok! Sinasabi ng Bibliya, “Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa…kaya nga nasumpungan ko na ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin…Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:19, 21, 24).


Hindi mo “maibabaligtad ang isang bagong dahon.” Hindi lang ito posibleng “mag-umpisa muli.” Bakit? Dahil ika’y isang bumagsak na nilalang, lubusang masama sa pamamagitan ng namanang kasalanan, namana mula kay Adan.

“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamgitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay nararanasan ng lahat ng tao”
       (Mga Taga Roma 5:12).

Iyan ang dahilan na sinasabi ng Bibliya na ika’y “patay dahil sa […] mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5).

Ang isang patay na tao ay hindi kayang buhayin ang kanyang sarili! Dahil ika’y “patay dahil sa […] mga kasalanan” hindi mo kayang buhayin ang iyong sarili anoman ang gawin mo!

“Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aaring-ganap sa paningin niya”
       (Mga Taga Roma 3:20).

Wala kang magagawa upang matakasan ang nakatatakot na paghahatol ng Diyos dahil ika’y “patay dahil sa inyong mga pagsalansang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1).

III. Pangatlo, si Kristo ay nag-iisang paraan ng pagtatakas!

“Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?” (Hebreo 2:3).

Mayroon lamang isang paraan upang makatakas mula sa paghahatol ng Diyos. Sinabi ni Hesus,

“Ako ang daan” (Juan 14:6).

Makatatakas ka lamang mula sa paghahatol sa pamamagitan ng kaligtasan na mabibigay ni Hesus! Ang Diyos Mismo ang makabibigay ng paraan para sa iyo upang makatakas mula sa pagkakahatol mula sa iyong mga kasalanan. Sinabi ni Hesus,

“Ako ang daan” (Juan 14:6).

Hindi kinailangan ng Diyos na magbigay ng paraan upang ang kahit sino’y maligtas mula sa paghahatol. Ngunit “sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan” na nagbigay Siya ng isang paraan (Juan 3:16). Bakit hindi Siya nagbigay ng maraming paraan? Dahil hindi Niya ito kinailangang gawin. Sa katunayan, hustisiya’y hindi nangangailangan na Siya’y magbigay ng kahit ano mang paraan! Ngunit sa Kanyang pag-ibig, nagbigay Siya ng paraan. At sinabi ni Hesus,

“Ako ang daan” (Juan 14:6).

Lumabag ka sa utos sa pamamagitan ng kasalanan. Ngunit ipinadala ng Diyos si Hesus upang bayaran ang iyong multa. Binayaran Niya ang iyong mga kasalanan sa Krus! Napalugod Niya ang hustisya ng Diyos sa pamamagitan ng pagbubuhat ng iyong

“mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy”
       (I Pedro 2:24).

Hindi lamang Siya namatay sa Krus, na nahatulan sa lugar mo, upang bayaran ang iyong mga kasalanan – bumangon rin Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay! Sinasabi ng Bibliya,

“Ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:8-9).

“Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?” (Hebreo 2:3).

Sa katapusan nitong tanyag na sermong ito, “Mga Makasalanan sa Kamay ng isang Galit na Diyos,” Sinabi ni Jonathan Edwards, “Tumakas para sa inyong mga buhay, huwag tumungin sa likod ninyo…baka ika’y masimot.” Si Kristo lamang ang nag-iisang paraan ng pagtakas ng poot ng Diyos! Tumakas kay Kristo! Magpunta sa Kanya! Takasan ang poot ng Diyos! Takasan ang iyong buhay! Maari kang iligtas ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo sa iyong lugar sa Krus! Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa Paghahatol! Tumakas kay Hesus! Magtiwala sa Kanya lamang! Magpunta kay Hesus at malalaman mo ang saya noong lumang himno sa pinaka-ilaliman ng iyong kaluluwa! Ito’y bilang 8 sa inyong papel. Kantahin ito!

Malaya mula sa batas, O maligayang kalagayan,
   Si Hesus ay dumugo, at mayroong pagkabawas;
Nasumpa ng batas at [namatay] sa Pagkabagsak,
   [Maliligtas ka ni Kristo] minsan at magpakailan man!

[Maari kang malaya] na walang kaparusahan,
   Si Hesus ay nagbibigay ng isang perpektong kaligtasan;
“Magpunta sa akin,” O dinggin ang Kanyang matamis na tawag,
   Magpunta, at ika’y Kanyang ililigtas minsan at magpakailan man!

“Mga anak ng Diyos,” O maluwalhating pagtatawag,
   Siguradong ang Kanyang biyaya’y pipigilan kang bumagsak;
Dumadaan mula sa kamatayan sa pagkabuhay sa Kanyang tawag,
   Pinagpalang kaligtasan minsan at magpakailan man!
(“Minsan at Magpakailan Man.” Isinalin mula sa “Once For All”
     ni Philip P. Bliss, 1838-1876; dalawang unang taludtod ay
       binago ni Dr. Hymers)

Upang mapanood ang “Stop the Abortion Mandate,” tignan sa Internet sa
http://www.youtube.com/watch?v=_RD7hJhwy5g.

Upang maaral ang Itim na henosidyo sa pamamagitan ng aborsiyon, tignan sa Internet sa
http://www.maafa21.com.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Hebreo 2:1-4.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Eternidad,” isinalin mula sa “Eternity”
(ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).


BALANGKAS NG

TUMAKAS PARA SA INYONG BUHAY!
HUWAG TITINGIN SA LIKOD NINYO!

(IBINIGAY SA KABANALAN NG BUHAY NG SANGKATAUHANG LINGO)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang
ganitong dakilang kaligtasan?” (Hebreo 2:3).

(Ezekiel 7:23)

I.   Una, kailangan mong makatakas! Hebreo 2:2; Mga Gawa 7:53;
Hebreo 4:12; Eclesiastes 12:14; Jeremias 17:9-10;
Mga Kawikaan 15:3; Genesis 6:5; Apocalipsis 20:12, 15;
Isaias 33:14.

II.  Pangalawa, ikaw mismo, ay hindi makatatakas! Job 19:24; 13:26;
Mga Taga Roma 7:19, 21, 24; 5:12; Mga Taga Efeso 2:5, 1;
Mga Taga Roma 3:20.

III. Pangatlo, si Kristo ay nag-iisang paraan ng pagtatakas!
Juan 14:6; 3:16; I Pedro 2:24; Mga Taga Roma 5:8-9.