Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG LUHO NI HUDAS! THE LUST OF JUDAS! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga [mammon]” (Mateo 6:24) – KJV. |
Hindi ko alam kung bakit ang tagasalin ng King James, na maasahan at mapagkakatiwalaang lubos, ay hindi isinalin ang salitang “mammon.” Imbes ay iniwanan itong di-naisasalin. Marahil takot silang pagalitin ang Hari ng Inglatera, na napaka makapangyarihan sa kanilang panahon. Hindi ko alam kung bakit iniwanan nila ang isang salitang itong di naisasalin imbes ay, binigyan tayo ng isang literal na pagsasalin, binubuhat ang Siryanong salita sa Ingles bilang “mammon.” Ang Bibliyang Geneva ay isinalin mula sa parehong Griyegong teksto 12 taon bago ng KJV. Inilabas ng Bibliya ng Geneva ang ibig sabihin ng “mammon” ng may buong puwersa,
“Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan”
(Mateo 6:24, The Geneva Bible, 1599).
Nagsusulat noong ika-18 siglo, si Dr. John Gill, ang dakilang Bautismong taga kumento ng Bibliya ay nagsabing,
Ang salitang mammon ay isang Siryakong salita [napupunta sa Aramiko], at nagpapahiwatig ng pera… Sinasabi ni Jerome, na ang mga kayamanan, sa Siryakong wika, ay tinatawag na mammon…at nagpapahiwatig ng mga kayamanan; na ang mga ito’y labag sa Diyos, na minamahal, kinamamanghaan, pinagkakatiwalaan at sinasamba ng ilang mga tao, na para bang ang mga ito’y Diyos; at ay hindi tumutugma sa paglilingkod ng tunay na Diyos…hindi nila tunay at buong pusong mapaglilingkuran ang Panginoon. Ang mammon ang diyos na kanilang pinaglilingkuran (Isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, vol. I, pp. 63-64; sulat sa Mateo 6:24).
Sinasabi ng kumentaryo ni Dr. John F. Walvoord, “Ang pera ay ang pagsasalin ng Aramikong salita para sa ‘kayamanan o pagmamay-ari’” (Isinalin mula sa The Bible Knowledge Commentary, Victor Books, 1983, p. 33; sulat sa Mateo 6:24).
Huwag kang magkakamali rito. Hindi kinakausap ni Kristo ang maraming-maraming tao, kundi ang Kanyang mga Disipolo lamang (Mateo 5:1). Si Hudas ay malinaw na narito (Lucas 6:16) noong sinabi ni Hesus ang mga salitang ito sa Lucas 16:13. Alam nang lubos ni Hudas Iscariote ang ibig sabihin ni Hesus noong sinabi Niyang,
“Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan”
(Lucas 16:13).
Ngunit hindi pinaniwalaan ni Hudas simpleng sinabi ni Hesus noong araw na iyon. Ang puso niya ay nakahati at,
“Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad” (Santiago 1:8).
Si Hudas Iscariote ay natatandaan kasama ng mga pinakamagagaling na mga kriminal sa kasaysayan ng tao – ang taong pinagtakwilan si Hesus para sa 30 pilak na barya, na ang nakahihiyang buhay ay natapos sa pagpapakamatay, at walang hangang “kapahamakan” sa apoy ng Impiyerno (Juan 17:12; II Pedro 3:7; Apocalipsis 17:8,12).
Gayon si Hudas Iscariote ay hindi nagsimula na isang traidor. Tinawag siya ni Hesus kasama ng ibang 11 Disipolo. Nakilista siya kasama nila noong si Hesus ay,
“…naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral, At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio” (Marcos 3:14-15).
Nangaral si Hudas. Si Hudas ay binigyan ng kapangyarihan upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo. Narinig ni Hudas na sinabi ni Hesus,
“Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan”
(Lucas 16:13).
Ngunit mayrooong mali sa karakter ni Hudas. Si Hesus at ang mga Disipolo ay nagpunta sa bahay ni Lazarus at kanyang mga kapatid na babaeng sina Maria at Marta upang maghapunan. Pagkatapos ng hapunan si Maria ay kumuha ng mamahaling langis na mabango at ipinahid sa mga paa ni Hesus (Juan 12:3). Si Hudas ay nagprotesta,
“Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?” (Juan 12:5).
Gayon ibinibigay ng Kasulatan sa atin ang mali sa karakter ni Hudas, ang umaapaw na kasalanan ng kanyang puso,
“Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay”
(Juan 12:6).
Si Hudas ay itinakdang tagapaglihim ng mga Disipolo. Buhat niya ang lalagyan kung saan nakatago ang lahat ng pera na mayroon ang mga Disipolo. Ang kanyang pagprotesta kay Maria dahil sa pagwawalgas ng napakaraming pera (na halos kasing dami ng sweldo sa isang taon) upang pahiran si Hesus, ay nagpapakita na mayroon siyang matalim na kaisipang pampinansyal, ngunit walang pag-uunawa sa mga ispiritwal na kahalagahan. Ang pagbubuhos ng mamahaling mabangong langis kay Hesus ay para sa kanya’y aksaya ng pera. Hiling niya na sana ang mabangong langis ay naibenta, at nailagay sa lalagyan na kanyang buhat-buhat, na ipinapalagay na ibibigay sa mahihirap. Ngunit wala siyang paki-alam sa mga mahihirap. Siya ang nagtatago ng pera para sa mga Disipolo. At siya ay isang magnanakaw, nagnanakaw ng pera, paunti-unti, mula sa lalagyan. Dito tayo ay binigyan ng pangunahing kasalanan ng kanyang puso. Siya ay sakim. Siya’y mapagmahal ng pera. Pinag-nanasahan niya ang pera (isinalin mula sac f. I Timoteo 6:9-10). Walang duda niyang sinundan si Hesus dahil akala niya mayroong pera para sa kanya kapag ginawa niya ito. Tulad ng iba, akala niya’y itatatag agad ni Hesus ang Kanyang Kaharian – at magkakaroon ng pera para sa kanya roon!
Ngayon na ang mga bagay ay lumalala at “Si Jesus ay hindi na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio” (Juan 11:54), si Hudas ay di na mapakale. Di maganda ang itsura ng nangyayari. Di mukhang mabuti ang mga bagay-bagay. Nasaan ang kapangyarihan at pera na akala niya ay makukuha niya kapag si Kristo ay kokoronahang Mesiyas at Hari ng Israel? Mukhang hindi siya makakukuha ng maraming PERA sa pagiging isang Disipolo! At ngayon, akala niya, ang hangal na babaeng itong si Maria ay nagtatapon ng isang taong sweldo sa mabangong langis na ipinahid niya sa paa ni Hesus! Ang pagsabog ni Hudas ay nagpapakita na siya ay dismayado dahil hindi niya nakuha ang kanyang PERA! Ipinapakita nito na PERA ang kanyang tunay na panginoon at diyos! Hindi niya naalala, o piniling malimutan, na sinabi ni Hesus na,
“Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan”
(Lucas 16:13).
Nainis si Hudas na ang pera ni Maria ay ginamit upang pahiran si Hesus – imbes na nailagay sa kanyang lalagyan! Agad-agad pagkatapos ng hapunan sa bahay ni Maria si,
“Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak? At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya” (Mateo 26:14-16).
Tatlong pung putol [pirasong] pilak ay hindi maraming pera. Ang tatlongpung baryang pilak ay halaga lamang ng isang patay ng alipin ayon sa Exodo 21:32. Ang tatlongpung pirasong pilak ay ang hinihingi ng batas bilang halaga para sa isang alipin na pinatay ng baka ng kapit bahay. Para sa mga punong saserdote, si Hesus ay humahalaga lamang ng halaga ng isang patay na alipin! Gayon man si Hudas ay mayroong lubos na pagnanasa sa PERA na sumang-ayon siya rito, at naghanap ng pagkakataong itakwil si Kristo. Sinabi ni Hesus,
“Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan”
(Lucas 16:13).
Nakapagpasiya na si Hudas. Pagsisilbihan niya ang pera imbes na ang Diyos!
Nakita ko na iyang nangyaring madalas. Ako’y nasa ministro ng 51 taon, at nakakita ng maraming kabataan na kumilos na parang si Hudas. Gumagawa sila ng maraming pagdadahilan, ngunit sa kailaliman mas mukha silang tulad ni Hudas kay sa sa gusto nilang aminin.
Ang ilan sa kanila’y mga “bata sa simbahan.” Nagpupunta sila sa simbahan hanga’t sila’y binabayarang magpunta. Ngunit kapag sila’y nagkaroon na ng mabuting trabaho, at may kakayahang pinansyal, umaalis sila sa simbahan. Ang polsterong si George Barna ay nagsasabing 88% nila ay umaalis ng simbahan – na di-kailan man bumabalik! Bakit sila umalis noong mayroon na silang kakayahang pinansyal? Napaka simple – ang mga “bata sa simbahang” ito ay nagpupunta lamang sa simabahan dahil sila’y binabayarang magpunta! Noong hindi na sila binabayarang magpunta ng kanilang mga magulang, huminto na silang magpunta! Nagpupunta lamang sila sa simbahan para sa PERA! Tinatawag ko ang mga batang simbahan na iyang – HUDAS! HUDAS! HUDAS!
“Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.”
Ang iba ay tumatangging maging mga Kristiyano dahil takot silang mawalan ng PERA! Sinasabi nilang, “mayroon akong intelektwal na problema. Kaya hindi ako nagiging Kristiyano.” Kabalastugan! Mayroon kang problemang PERA! Takot kang maging Kristiyano dahil iniisip mong hindi ka magkakaroon ng sapat na oras upang makapag-aral para sa iyong mga kurso sa kolehiyo – natatakot na baka magkaroon ka ng isa o dalawang mga B imbes na diretsong mga A – natatakot na baka magbalakid ito sa iyong makapunta sa pinaka magaling na pagtatapos na programa – takot na baka mawalan ka ng PERA!
Hindi mo masasabing hindi mo “makita” si Hesus! Ipinapalagay mo bang nakikita namin siya? Sinabi ni Hesus,
“Mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya” (Juan 20:29).
Hindi, ang iyong problema ay hindi dahil hindi mo pa “nakikita” si Hesus! Ang iyong problema ay na ika’y takot na mawalan ng PERA kung magpupunta ka sa simbahan! Harapin mo ito! Harapin mo ito!
“Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.”
Ito’y PERA, PERA, PERA – na nagbabago sa iyong maging HUDAS! HUDAS! HUDAS! Sinabi ng Apostol Pablo,
“Ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan”
(I Timoteo 6:9).
Upang maiwasang mahulog sa bitag, sa sermon ni John Wesley na “Ang Gamit ng Pera” [“The Use of Money”] ay madunong na sinabing, kumita ng lahat ng iyong makakaya, mag-ipon ng lahat ng makakaya, at magbigay ng lahat na iyong magawa (Isinalin mula sa The Works of John Wesley, Baker Book House, 1979 edition, volume VI, pp. 124-136).
Pagkatapos si Hesus at Kanyang mga Disipolo ay kumain ng hapunang pam-Paskuang sabay-sabay. Sa katapusan ng hapunan ipinakilala ni Hesus ang Hapunan ng Panginoon, hinugasan ni Hesus ang mga paa ng mga Disipolo, at pagkatapos,
“…[inilagay] na ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya” (Juan 13:2).
Hindi Siya madaling itakwil. Takot ang mga punong saserdote sa mga tao dahil hinahangan nila si Hesus bilang isang dakilang propeta. Kaya hindi nila madakip si Hesus na may araw. Mayroong libo-libong mga tao sa Jerusalem para sa pagdidiwang ng Paskua. Makikita nila si Hesus na dinadakip. Magagalit sila. At hindi nila mahahanap si Hesus sa gabi. Lahat ng mga lalake ay may mga suot na balabal. Lahat sila’y mayroong mga balbas. Lahat sila’y magkakamukha sa kadiliman. Hindi, kinailangan nila ang isang taong magdadala sa kanila kay Hesus. Sa pagtatapos ng Hapunan ng Panginoon, sinabi ng Diablo kay Hudas ang gagawin niya. Sinabi ng Diablo kay Hudas na dalhin ang Kanyang mga kaaway sa Hardin ng Gethsemani. Alam ni Hudas na doon nagpupunta si Hesus upang magdasal – ito ang lugar kung saan nagpunta sa Hesus upang magdasal sa gabi (Lucas 22:39). Habang nakaupo si Hudas sa mesa kasama ni Hesus at ng mga Disipolo,
“Si Satanas nga ay pumasok sa kaniya” (Juan 13:27),
at si Hudas
“ay umalis agad: at noo'y gabi na” (Juan 13:30).
Nakita ko iyang nangyari sa mga taon ng aking ministro. Mayroong tinutukso ang Diablo. Sinasabi ng Diablo sa kanyang, “Mayroon kang mawawala. Magkakahalaga ito ng ilang pera. Tumigil ka na sa pagpupunta sa simbahang iyan.” Aantigin at ipupulupot ng Diablo ang isipang iyan sa kanyang isipan muli’t muli. Pagkatapos, bigla na lang, ang Diablo ay papasok sa kanya – at palabas siya nagpunta – palabas ng simbahan, sa gabi – at hindi namin siya kailan man nakita muli. O oo, kapag ang mga tao ay nabibitag sa mga materyal ng mga bagay, ginagawang sakto ng Diablo sa kanila ang ginawa niya kay Hudas dahil,
“Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.”
Sa kadiliman ay nagsidating ang mga kawal, itinutulak ang kanilang sarili sa gitna ng mga sanga ng mga punong olivo sa kadiliman ng Gethsemani. Pinamumunuhan sila ni Hudas. Dumating siya sa likod ng nakaluhod, nagdarasal na anyo ni Hesus. Kanyang hinalikan si Hesus sa pisngi. Ang mga kawal ay nagsihiyaw, “Ayun Siya!” Dinaklot nila si Hesus at kinaladkad Siya papalayo upang mabugbog, mahampas at mapako sa Krus.
Anong nangyari kay Hudas? Tumakbo siya sa kadiliman hawak ang lalagyan na may mga baryang pilak sa kanyang kamay. Ang PERA, ang PERA! Hindi niya maalis ang PERA sa kanyang isipan! Nagmadali siya sa punong saserdote, itinapon ang PERA sa kanila sa sahig ng Templo,
“at siya'y yumaon at nagbigti” (Mateo 27:5).
Bakit hindi siya nagsisi? Huli na! Tinawid niya na ang katapusan! Isinuko na siya ng Diyos! Siya ay ibinigay sa “sa isang mahalay na pagiisip” (Mga Taga Roma 1:28). Kapag sumuko ang Diyos sa iyo, hindi ka na maliligtas! Huli na! Huli na magpakailan man! Huli na sa buong walang hangan!
“HINDI KAYO MAKAPAGLILINGKOD SA DIYOS AT SA MGA KAYAMANAN!”
Ika’y di na maari! Ika’y di na maari! Ika’y di na maari!
Bago pa ito maging huli na para sa iyo – bago ka pa iwanan ng Espiritu ng Diyos magpakailan man – nagmamakaawa ako sa iyong pumalag sa makamundong pagnanasa ng pera at seguridad at isang madaling buhay. Iwanan ang mga ganoong mga pag-aalala! Talikuran ang mga ito! Magpunta kay Hesus, na naipako sa krus upang bayaran ang pagkakautang ng iyong kasalanan, at bumangon mula sa hukay upang bigyan ka ng buhay! Iwanan ang mundo at ang mga palara at mga laruan nito! Magpunta kay Hesus – anuman ang kapalit nito! Tandaan ang sinabi ng misiyonaryong si Jim Elliot bago siya pinatay ng mga Indiyan sa edad na 28, “Hindi siya hangal na nagbibigay ng hindi niya maitatago upang makamit ang hindi niya mawawala.” Magpunta kay Hesus! Magpunta kay Hesus! Magpunta kay Hesus habang mayroon pang panahon!
Malalaking lupa ng mga diamante, mga bundok ng ginto,
Mga ilog ng pilak, mga kayamanang di-mabilang;
Ang lahat ng mga itong magkaaksama, ay hindi mabibili ikaw o ako
Ng kapayapaan kapag tayo’y natutulog o isang konsenysang malaya.
Isang pusong kontento, isang kumpormeng isipan,
Ang mga ito’y mga kayamanang hindi mabibili ng pera;
Kung nasa iyo si Hesus, mas maraming kayamanan sa iyong kaluluwa,
Kaysa malalaking lupa ng diamante at mga bundok ng ginto.
(“Malalaking Lupain ng Diamante,” Isinalin mula sa
“Acres of Diamonds” ni Arthur Smith, 1959).
Magsitayo at kantahin ang bilang 4 sa inyong papel!
Ang aking buhay, ang aking pagmamahal ibinibigay ko sa Iyo,
Ikaw na Cordero ng Diyos na namatay para sa akin;
O, naway akong magpakailan man maging tapat,
Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
Nabubuhay ako para sa Kanyang namatay para sa akin,
Napaka [kumporme] na maging ang aking buhay!
Mabubuhay ako para sa Kanyang namatay para sa akin,
Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
(“Mabubuhay Ako Para sa Kanya,” Isinalin mula sa
“I’ll Live For Him” ni Ralph E. Hudson, 1843-1901).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 16:10-13.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Malalaking Lupain ng Diamante,” isinalin mula sa
“Acres of Diamonds” (ni Arthur Smith, 1959).