Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAKSANG INIIWASAN NG KARAMIHAN THE TOPIC MOST MODERN PREACHERS AVOID! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Nabubuhay tayo sa mga di-pangkaraniwang mga panahon – di-pangkaraniwang politikal, di-pangkaraniwang ekonomikal, di-pangkaraniwang espirituwal. Sa Amerika at Europa, wala nang mas di-pangkaraniwan pa kay sa sa mga paksang naririnig natin sa mga pulpit ng bagong-ebanghelikal at pundamental na mga simbahan ngayon. Mayroong mga pag-aaral ng Bibliya tungkol sa pagpapakasal, mayroong mga pag-aaral ng Bibliya tungkol sa paglalabas, pag-aaral ng Bibliya tungkol sa pagpapalaki ng mga anak, pag-aaral ng Bibliya tungkol sa pagdadaig ng pagkalungkot, pag-aaral ng Bibliya kung paano magtagumpay sa buhay Kristiyano, pag-aaral ng Bibliya tungkol sa kung papano magiging mayaman, pag-aaral ng Bibliya tungkol sa kung papano magpalaki ng mga Kristiyanong(?) mga anak, pag-aaral ng Bibliya sa mga aklat ng Bibliya, at mga pag-aaral ng Bibliya sa mga kapitulo ng Bibliya. Ang mga paksang ito’y binabalik-balikan ng maraming mga mangangaral, ng napakaraming dekada, na halos karamihan sa mga pastor ay iniisip na normal na ituro ang mga paksang ito papasok at patapos ng taon!
Ngunit sinasabi ko na higit sa mga pangangaral sa ating mga simbahan ay magulo, buhol-buhol, di-malinaw at, sa karamihang bahagi, hindi nakatutulong kahit kanino – isa lamang pinaghalo-halong mga salita upang punuin ang labin-tatlong-minutong oras na pagitan tuwing umaga ng Linggo!
Ngayon, noon, iyan ay napaka-seryosong pag-aakusang ipinapatang ko laban sa “makabagong” pangangaral sa ating mga simbahan ngayon. Ngunit ako’y handang ipagtanggol ito – mula sa personal na karanasan, at mula sa Bagong Tipan.
Tignan ang Aklat ng Mga Gawa. Nasaan sa Aklat ng Mga Gawa ay may mga nakatalang kahit anomang pangangaral sa paksa na aking inilista? Wala akong mahanap na isang naitalang pangaral sa pagpapakasal, walang isa sa paglalabas, walang isa pagpapalaki ng mga anak, walang isa sa pagdadaig ng pagkalungkot, walang isa kung paano magtatagumpay sa “buhay Kristiyano” (o kahit anong ibang buhay!), walang isa sa kung paano yayaman, walang isang kung paano magpalaki ng “Kristiyanong(?) mga bata,” walang isang aklat ng Bibliya, walang isang kapitulo ng Bibliya, walang isang berso-kada-bersong eksposisyon ng Bibliya! Wala sa mga ito ay mga paksa ng mga pangaral ng mga Apostol, na nakatala sa Aklat ng mga Gawa! Ngayon, kung mali ako, paki-tuwid ako! Sulatan ako sa P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Paki-tuwid ako, at kumbinsihin ako mula sa mga paksang nakatala sa mga Aklat ng Mga Gawa, kung ako’y mali. Kung wala akong madinig mula sa iyo, magpapatuloy ako sa pagsasabi ng iyo lamang nadinig – ang pangangaral sa mga simbahan ay mali, halo-halo, nakalilito, di-nakakatulong, at higit sa lahat aksaya ng panahon! Bakit? Dahil ito’y magulo, walang pagsensentro sa paksa na gusto ng Diyos na gawin nating sentro sa ating pangangaral!
Kapag ang aming mga tao ay nagbabakasyon, at nagpupunta sa ibang mga nananampalataya-sa-Bibliyang mga simbahan, madalas silang bumabalik na dismaya. Muli, nakarinig sila ng isang inspirasiyonal na “pag-aaral ng Bibliya.” Muli, nabigo silang makarinig ng isang pangaral sa pakasa na iniiwasan ng mga makabagong mangangaral na parang isang salot. O, iyong mga makabagong mangangaral madalas ay nagsasabi ng mga nakalilitong mga salita tungkol rito, ngunit hindi sila kailan man nagpapangaral ng buong sermon rito! Ano ang paksang kanilang iniiwasan? At bakit nila ito iniiwasan? Ang mga sagot sa mga tanong na iyan ay ibibigay sa sermong ito.
Ngunit hindi ko pa ibinibigay sa iyo ang teksto! Magsitayo tayo at basahin ito. Ito’y nasa Mga Taga Corinto 1:23, ang unang limang mga salita ng I Mga Taga Corinto 1:23. Paki-basa ang unang limang mga salitang iyon ng malakas.
“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23).
Hindi nila ipinangangaral si Kristo na napako sa krus! Kung ito’y ginagawa nila, paki sabihan ako kailan ito ginawa, at sinong gumawa nito! Masasabi kong hindi nila ipinangangaral si Kristo na napako sa krus. Ngunit anoman ang kanilang ipangaral, sa mga araw ng pagtalikod sa dating pananampalataya, huwag dapat natin silang kopyahin! Dapat tayong palagi’t kailan man tumayo kasama ng Apostol Pablo at magsabing,
“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23).
Tignan natin ang teksto salita-kada-salita ngayong umaga, dahil ibinibigay nito ang pinaka puso ng pangunahing mensahe ng Bagong Tipan.
“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23).
I. Una, “Datapuwa’t ang aming.”
Sinasabi ng Apostol sa atin na mayroong mga sumesentro sa ibang mga paksa. Mayroong ibang nangangailangan ng “mga tanda” (I Mga Taga Corinto 1:22a). Sinabi nila, “Si Moises ay gumawa ng mga himala. Hayaan kaming makakita ng mga himala, at pagkatapos kami’y maniniwala.” Sila’y mga Judiong, nagsalita tungkol sa pagtutuli at iniluwahati ang Matandang Tipan higit sa Bago. Ngunit sinabi ni Spurgeon na hinarap sila ng mga Apostol sa pagsasabing, sa parehong epekto, “Anoman ang gawin ng iba, ipinangangaral naming si Kristong napako sa krus; hindi kami naghahamon, hindi namin magagawa, at hindi namin babaguhin ang dakilang paksa ng aming pangangaral, si Hesu-Kristo, at siyang napako sa krus” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Preaching Christ Crucified,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1979 reprint, volume LVI, p. 480).
Pagkatapos sinasabi sa atin ng mga Apostol na mayroong iba na naghanap “ng karunungan” (I Mga Taga Corinto 1:22b). Nagsalita sila sa mga paksa na magbibigay sa kanilang mga taga-pakinig ng karunungan kung paano mabuhay, kung paano yumaman, at kung paano bumuhay ng mas-mabuting buhay. Sinabi ni Spurgeon na mayroong mga ministor na nagbibigay ng “isang intelektwal na pagpahabag loob. Oo, at madalas kong natatagpuan na ang mga ganoong mga intelektwal na pagpahabag loob ay nagdadala sa pagkasira ng mga kaluluwa; hindi iyan ang uri ng pangangaral na karaniwang pinagpapala ng Diyos sa kaligtasan ng mga kaluluwa, at gayon, kahit na ang iba ay mangaral [sa mga paksang ito] ‘aming ipinangangaral si Cristo na napako sa krus,’ ang Kristong namatay para sa ating mga kasalanan, ang Kristo ng mga tao, at ‘aming ipinangangaral si Cristo na napako sa krus’ sa madaling salita, sa simpleng salita gaya ng naiintindihan ng karaniwang tao” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, ibid., p. 482). Muli sinabi ni Spurgeon, “Ang doktrina ni Kristong napako sa krus ay palaging kasama ko. Gaya ng Romanong sentinel na sa Pompeii na tumayo [sa] kanyang poste kahit na ang lungsod ay nawawasak, gayon din akong nakatayo [para] sa katotohanan ng pagkakasundo kahit na ang simbahan ay inililibing sa ilalim ng kumukulong umaambong-putik ng makabagong maling pananampalataya. Ang ibang mga bagay ay makahihintay, ang isang katotohanan na ito ay dapat maproklama na may boses ng kidlat. Ang iba ay maaring mangaral [na gusto nila], ngunit sa pulpitong ito, palagi nitong itutunog ang pakikipagpalit ni Kristo [para sa ating mga kasalanan sa Krus]. ‘Malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo’ [Mga Taga Galacias 6:14]. Ang ilan ay maaring magpatuloy na ipangaral si Kristo bilang isang halimbawa, at ang iba ay maaring magpatuloy na [magsalita] tungkol sa kanyang [pangalawang] pagdating sa luwalhati: ipinangangaral rin namin ang dalawang ito, ngunit namumuno aming ipinangangaral si Kristong napako sa krus, sa mga Judio isang hadlang, at sa mga Griyego kahangalan; ngunit sa kanilang mga ligtas si Kristo ang kapangyarihan ng Diyos, ang karunungan ng Diyos” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Blood Shed for Many,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1974 inilimbag muli, volume XXXIII, p. 374).
Anoman ay ipangaral ng iba, anoman ang sabihin ng iba sa kanilang mga pulpito, habang ako’y nakatayo sa pulpitong ito ang aming pangunahing pakasa ay palaging
“Si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
(I Mga Taga Corinto 2:2).
“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23).
“Nasa Krus.” Kantahin ito!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakailan man;
Hangang sa ang aking natangay na kaluluwa’y mahanap
Magpahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus,” isinalin mula sa “Near the Cross”
ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
II. Pangalawa, “Datapuwa’t aming ipinangangaral.”
Dito mayroon tayong pangalawang pagkakaiba sa pagitan ng nangyayari sa karamihan ng ating mga pulpito, at sa sinabi ng Apostol, at ginawa. Sinabi ni Pablo, “daptapuwa’t aming ipinangangaral.” Ah, mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng pangangaral at pagtuturo! Ang dalawang mga salita ay iba sa nakasa-ilalim na Griyego, at ay iba sa Ingles rin! Ang pangunahing Griyegong salita para sa “pagtuturo” ay didasko.” Ang ibig sabihin nito’y “upang magbigay ng gabay” (Isinalin mula kay Vine). Ang salita para sa “pangaral” ay “kerusso.” Ang ibig sabihin nito’y “magpauna, magproklama” (Isinalin mula kay Vine), “bilang isang publikong tagahiyaw” (Isinalin mula kay Strong). Ang pagtuturo ay nagbibigay ng gabay. Ang pangangaral ay nagpapauna at nagproproklama. Ang pagtuturo ay lumalayon sa ulo. Ang pangangaral ay lumalayon sa puso! Isang matandang Tagatimog na Bautismong mangangaral, ng lumang paaralan, ay nagsabi sa akin mahabang panahon ang nakalipas. “Anak, kung hindi mo masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng pagtuturo at pangangaral ika’y hindi tinawag upang mangaral! Lumabas ka sa ministro!” Madalas kong nararamdamang gustong isigaw iyan ngayon! “Kung hindi mo masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng pagtuturo at pangangaral – lumabas ka mula sa ministro!”
Si Pedro ay isang mangangaral, hindi isang guro ng Bibliya! Sa Araw ng Pentekostes, hindi niya sila pinagbukas ng kanilang Bibliya at nagturo ng berso kada berso. Walang isang taong mayroong Bibliya roon! Ang mga Bibliya ay nasa mga balumbon, nakatago sa sinagoga. Hindi, si Pedro ay tumayo at “itinaas ang kaniyang tinig” (Mga Gawa 2:14) at nangaral sa kanila! Iyan ang kailangan natin ngayon! Tulungan tayo ng Diyos! Sa mga huling mga araw na ito,
“magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga [guro]”
(II Timoteo 4:3).
“Datapuwa’t,” may isang nagsasabing. “ayaw ng mga tao ng pangangaral.” Sasabihin ko, “Gawin pa rin ito!”
“Magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio” (II Timoteo 4:5).
Itinuturo ko ang Bibliyang berso-kada-berso tatlong gabi sa isang linggo sa pagpupulong na pagdarasal sa aming simbahan at mga pag-aabot na pagpupulong. Ngunit sa umaga ng Linggo at gabi nangangaral ako. Tangapin ito o tangihan ito! Iyan ang makukuha mo rito sa Linggo – nakahahanap ng kaluluwang Ebanghelyong pangangaral! Sinasabi ng Bibliya,
“Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
(Mga Taga Roma 10:14).
Iyan ang kailangan ng isang makasalanang tulad mo – mainit na pangangaral, pangangaral na nakapadadama sa iyong ang iyong kasalanan ay nasa mukha ng isang galit ng Diyos – pangangaral na nakapadadama sa iyo ng poot ng Diyos at ng apoy ng Impiyerno – at ang paghahatol na nararapt sa iyo dahil sa pamumuhay ng isang buhay ng kasalanan – pangangaral na nakasisira ng iyong kahambugan at nagpapakita sa iyo na iyong tinapakan si Kristo sa ilalim ng iyong mga paa at iyong tinanggihan ang Dugong Kanyang ibuhos upang maligtas ka sa Krus! Makasalanan, iyan ang kailangan mo! Kailangan mong mapangaralan sa ilalim ng pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan sa iyong buhay, at ang kasalanan ng iyong puso at ng iyong isipan! Kailangan mong mapangaralan ‘hangang sa tumakbo ka kay Hesu-Kristo para sa paglilinis ng dumi ng iyong kasalanan. Ang iba ay maaring magturo, at magbigay ng maliit na berso-kada-bersong pag-aaral sa Lingo, ngunit sa pulpitong ito sa Lingo, palagi at magpakailan man, naway itong masabi na,
“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23).
III. Pangatlo, “Datapuwa’t aming ipinangangaral ay
ang Cristo na napako sa krus.”
Oo, iyan ang pangunahing tema nag ating Lingong pangaral rito. Hindi lamang ito ang bagay na aking ipinangangaral, ngunit ito’y siguradong ang pangunahing bagay! Hindi sapat na magsabi ng ilang salita tungkol kay Kristo na napako sa krus sa isang sermon. Ginagawa iyan ng mga mangangaral dahil hindi nila pinakikinggan ang mga makasalanan. Kung makikinig sila sa kanilang mga nominal na mga miyembro, ang mga nagpupunta sa umaga ng Linggo lamang, matatagpuan nila na lahat sila’y halos ligaw. Matatagpuan nila na hindi nila nakuha ang Ebanghelyo, dahil hindi ito nadiin sa kanila sa mga buong mga pangaral lingo kada lingo. Gayon, ang pangunahing tema ng ating Linggong pangaral ay si Kristo na napako sa krus! Naway itong magpakailan man!
Isang kaibigan ko ay binisita ang Tabernakulo ni Spurgeon sa London. Sa Pangalawang Pandaigdigang Digmaan lahat ng mga dakilang mga simbahan maliban sa harapang pader ay sumabog sa mga bomba ni Hitler. Noong binisita ng aking kaibigan ang inaayos na simbahan, tinanong niya ang isang taga Scotland na diakono ng simbahan, “Mayroon bang kahit anong maliban sa harapan ng simbahan na pareho gaya noong araw ni Spurgeon?” “Aye,” sabi ng matandang taga-Scotland, “ang doktrina. Ang doktrina ay pareho!”
Ang dakilang doktrina ni Spurgeon ay “ang Cristo na napako sa krus.” Noong si Spurgeon ay nakahigang namamatay sinabi niya sa isang kaibigan, “Ang doktrina ko’y mapaiiksi sa apat na salita, ‘si Hesus ay namatay para sa akin.’” Masasabi mo ba iyan? Masasabi mo ba iyang tiyak na namatay si Hesus para sa iyong kasalanan? Kung hindi mo iyan masabing totoo, nagmamakaawa ako sa iyong magpunta kay Hesus at mahugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang banal na Dugo!
“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23).
Sinasabi ng Bibliya,
“Ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:8-9).
Si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan at iligtas ka mula sa poot ng Diyos. Iyan ang dahilan na
“aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus”
(I Mga Taga Corinto 1:23).
Magpunta kay Kristp! Namatay Siya sa Krus upang iligtas ka mula sa iyong kasalanan at paghahatol. Magpunta kay Kristo! Mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! “Nasa Krus.” Kantahin ito!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakailan man;
Hangang sa ang aking natangay na kaluluwa’y mahanap
Magpahinga sa kabila ng ilog.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
I Mga Taga Corinto 1:18-24.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Anong Bukal.” Isinalin mula sa
“Oh, What a Fountain!” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG ANG PAKSANG INIIWASAN NG KARAMIHAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23). I. Una, “Datapuwa’t ang aming.” I Mga Taga 1:22a, 22b; 2:2; 1:23a. II. Pangalawa, “Datapuwa’t aming ipinangangaral.” Mga Gawa 2:14; III. Pangatlo, “Datapuwa’t aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako |