Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




2010 – ANONG MANGYAYARI SA SUSUNOD NA TAON?
– ISANG BAGONG TAONG PANGARAL

2010 – WHAT WILL HAPPEN NEXT YEAR?
– A NEW YEAR’S SERMON

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon Ika-27 ng Disyembre taon 2009

“Datapuwa't hindi pa ang wakas” (Mateo 24:6).


Tinanong ng mga Disipolo si Hesus, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan [panahon]?” (Mateo 24:3). Sa susunod na berso sinimulan ni Hesus na sagutin ang kanilang tanong noong sinabi Niya,

“Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari, datapuwa't hindi pa ang wakas” (Mateo 24:4-6).

Naniniwala ako na ito’y totoo ngayon. “Datapuwa’t hindi pa ang wakas.” Ang mga tanda ng katapusan ay lahat nasa lugar na, “datapuwa’t hindi pa ang wakas.” Bakit naghihintay ang Diyos? Ano ang dahilan ng pagpapatagal? Ang sagot ay nasa berso 14,

“At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).

Mukhang malinaw sa mga Kasulatan na ang Mateo 24:14 ay hindi literal at lubusang matutupad hangang sa ang mga natitira ng Israel ay naghihikayat ng sanglibutan “dahil sa salita ng kanilang patotoo” (Apocalipsis 12:11). Ang mga 144,000 na mga Hudyong ebanghelista ay “may patotoo ni Jesus” (Apocalipsis 12:17). At kanilang maddaling ikakalat ang kanilang patotoo sa buong lupa! Pagkatapos, bago agad ng Mangkok ng Paghahatol at ng Armagedon, isang anghel ang ipadadala ng Diyos,

“…na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan” (Apocalipsis 14:6).

“At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).

“Magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14). Kung gayon naniniwala ako na tayo ay nabubuhay pa rin sa panahon noong sinabi ni Hesus na,

“…datapuwa't hindi pa ang wakas” (Mateo 24:6).

Ang mga tanda ng katapusan ay ibinigay ni Kristo sa 4:14, ngunit ang katapusan ay hindi darating hangang sa maririnig ng buong lupa ang Ebanghelyo mula sa mga Hudyong ebanghelista ng Paghahapis, at mula sa anghel ng Apocalipsis 14:6. Kaya, sa kasalukuyang oras na ito, masasabi natin kasama ni Hesus,

“…datapuwa't hindi pa ang wakas” (Mateo 24:6).

Ang masasamang mga tao’y nangungutya at nagsasabing, “Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito?” (II Pedro 3:4). Iniisip nila na ang pagpapatagal ng pagbabalik ni Kristo ay na hindi Siya darating kalian man. Ngunit sinagot sila ng Apostol Pedro,

“Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako…kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi”
       (II Pedro 3:9).

Pinatatagal ng Diyos ang Kanyang paghahatol upang bigyan ang bawat tao ng sapat na oras upang marinig ang Ebanghelyo. Iyan ang dahilan na sinabi ni Hesus,

“…hindi pa ang wakas” (Mateo 24:6).

Ang mga tanda ay nagpapakita na “[ito’y] malapit na, nasa mga pintuan nga” (Mateo 24:33), “datapuwa't hindi pa ang wakas” (Mateo 24:6). Mayroong pagpapatagal, paghihintay, gaya noong mga araw ni Noah,

“…na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong”
        (I Pedro 3:20).

Sa panahong ito, habang naghihintay ang Diyos upang ipadala ang paghahatol, ang sanglibutan ay nagkakagulo, puno ng mga tanda ng katapusan, na ibinigay ni Kristo sa Mateo 24:4-13, at sa Lucas kapitulo 21, kung saan sinabi ni Hesus,

“Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan” (Lucas 21:26).

Tinanong ko si Dr. John S. Waldrip, isang kaibigang pastor, kung ano sa tingin niya ang apat na pinaka-importanteng gawing nangyayari sa sanglibutan ngayon. Narito ay apat na mga bagay na sa palagay niya ay mga pinaka-importante sa panahon ng sanglibutan ngayon:

(1)  Ang pagkasira ng Estados Unidos mula sa looban, na ang liberal na mga puwersa ay kumikilos sa Washington upang kunin ang ating kalayaan, at paliitin ang Amerika sa isang mahina at walang halagang kapangyarihan sa mundo.

(2)  Ang mga Alyansa sa pagitan ng Israel at maraming mga Arabong bansa laban sa Iran. Ang Ehipto, Saudi Arabia, Iraq at Jordan ay lahat natatakot sa gagawin ng Iran kapag mayroon na silang mga nukleyar na mga armas, siguro’y sa taong 2010 o kaagahan ng 2011. Marami sa mga Arabong bansang ito ay nakagugulat na – sinosuportahan ang Israel!

(3)  Tsina. Lahat ng tungkol sa Tsina ay mahalaga. Pinagmamay-ari nila ang lahat. Gayun din, ay isa pinakamatinding muling pagbabangon sa kasaysayan ay nagaganap sa Tsina ngayon. Milyon-milyon ay nakararanas ng muling pagbabagong loob kay Kristo sa Tsina, habang ang mga Amerikanong mga simbahan ay nagsasara ng kanilang mga pintuan, nakatanga, o bumabagsak sa demonikong pagkakamali ng “bumabangong” simbahan.

(4)  Ang muling pagkapanganak ng konserbatismo, magsisimula kasabay ng taglagas na halalan sa taon 2010.


Ang apat na mga bagay na iyan mula kay Dr. Waldrip ay hindi lamang nakamamangha, kundi marahil ay gaganap ng isang napaka-importanteng bahagi sa parating na taon.

Kahit na ang lahat ng mga propetikong tanda ay nasa lugar na, ang Diyos ay mukhang naghihintay – naghihintay para sa mas maraming mga taong mapagbagong loob – bago ng katapusan ng panahong ito at ang pangalawang pagdating ni Kristo. Sinabi ni Hesus,

“Pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga” (Mateo 24:33).

Ngunit hindi dapat natin ilagay ang ating mga ulo sa buhangin na parang isang abestrus, dahil sa takot sa nangyayari sa lupa. Sinabi ni Hesus,

“Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo” (Lucas 21:28).

Ang taon 2010 ay nasa harapan lang natin. Ito ang panahon para sa mga Kristiyano sa buong sanglibutan upang seryosohin ang utos ni Kristo sa Dakilang Komisyon,

“Lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Amen”
       (Mateo 28:18-20).

Sinabi ni Hesus, “narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:20). Pinapangako Niya sa ating makakasama natin Siya habang ating sinusundan ang Kanyang mga utos na “gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa,” na maging tagahikayat at gawing mga disipolo ang lahat ng mga nawawala. Huwag dapat nating hayaan ang pagkamalamig at pagkakulang ng pag-aalala ng maraming mga bagong ebanghelikal na pumigil sa atin mula sa paglalabas at paghihikayat ng mga nawawala. Maari nilang kalimutan ang Dakilang Komisiyon, ngunit hindi dapat natin ito kalimutan kalian man! Mag-sitayo at kantahin ang himno bilang tatlo sa inyong papel!

Bigyan kami ng saligan ng panahon,
   Isang nakamamanghang salita, isang salita ng kapangyarihan,
Isang paghiyaw sa digmaan, isang umaapoy na hininga.
   Na tumatawag upang sumakop o sa kamatayan.
Isang salita upang gisingin ang simbahan mula sa pagpapahinga,
   Upang ingatan ang malakas na hiling ng Panginoon.
Ang tawag ay ibinigay, Kayong hukbo’y, babangon,
   Ang ating saligan ay, msgebanghelismo!

Ang maligayang ebanghel ay ngayo’y nagproroklama,
   Sa lahat ng lupa, sa ngalan ni Hesus;
Ang salitang ito ay kumakalembang sa mga ulap:
   Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
Sa mga namamatay na mga tao, sa isang bumagsak na lahi,
   Gawing kilala ang handog ng Ebanghelyong biyaya;
Ang sanglibutan na ngayo’y nasa kadiliman,
   Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
    (“Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!”
     Isinalin mula sa “Evangelize! Evangelize!” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
       binago ni Dr. Hymers; sa tono ng “And Can It Be?”
         ni Charles Wesley, 1707-1788).

“Ang sanglibutan na ngayo’y nasa kadiliman, mag-ebanghelismo! mag-ebanghelismo!” Iyan ang sinabi ni Kristong gawin natin noong sinabi Niyang,

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay”
       (Lucas 14:23).

Gawin natin iyan sa lahat ng sa lahat ng ating lakas! Sa taon 2010, hayaang ang ating mga isipan ay palaging nakasentro sa ebanghelismo! “Ang sanglibutan na ngayo’y nasa kadiliman, mag-ebanghelismo! mag-ebanghelismo!” Huwag lamang tayong lumabas sa ebanghelismo, kundi kumilos sa lahat ng ating makakaya upang dalhin ang ating mga kamag-anak at mga kaibigan upang madinig rin ang Ebanghelyo! Gawin ito – at si Kristo makakasama, “hanggang sa katapusan ng sanglibutan”! (Mateo 28:20).

Pangalawa, gumugol tayo ng masmaraming oras sa pagdadasal sa taon 2010! Sinabi ni Hesus “na [ang tao’y] dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay” (Lucas 18:1). Maging sigurado tayong humiyaw sa Diyos sa panalangin “araw at gabi…[kahit na] siya'y may pagpapahinuhod sa [atin]” (Lucas 18:7). Maging tiyak na magkaroon ng pang-araw-araw na panalangin! Mag-ingat na hindi makakaligtaan ang mga panalanging pagpupulong sa simbahan! Bigyang halaga rin natin ang pananalangin at pag-aayuno. Isa sa mga sekreto ng muling pagbabangon sa Tsina ay na napakaraming mga Kristiyano doon ay nag-aayuno, gayun din ay nananalangin, para kumilos ang Diyos sa kanilang mga simbahan. Sundan natin ang kanilang halimbawa! Gawing ang pag-aayuno at pananalangin ay magkaroon ng pangunahing bahagi sa gagawin natin sa susunod na taon! Habang ang Diyos ang gumagabay, samahan kami sa pag-aayuno para sa mga pagbabagong loob bawat lingo sa taon 2010! Sinabi ng Apostol Santiago,

“Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid” (Santiago 5:16).

“Turuan Akong Manalangin.” Kantahin ito!

Turuan akong manalangin, Panginoon,
   Turuan akong manalangin;
Ito ang hiyaw ng aking puso,
   Araw-araw;
Hinahangad kong malaman ang iyong kagustuhan at Iyong paraan;
   Turuan akong manalangin, Panginoon,
Turuan akong manalangin.
    (“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
      “Teach Me to Pray” ni Albert S. Reitz, 1879-1966).

Pangatlo, buhatin ang inyong krus at sundan si Kristo sa taon 2010! Sinabi ni Hesus,

“Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).

Oo, alam ko magkakaroon ng mga paghihirap at mga problema sa susunod na taon. Ngunit sinabihan tayo ni Kristo na itanggi ang ating mga sarili. Gaano man kahirap maging ang mga bagay, tandaan natin ang sinabi Niyang,

“Ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin” (Mateo 10:38).

Ang iyong puso ba’y bumabalik sa kasalanan? Nakakaligtaan mo ba ang mga panalanging pagpupulong at pag-eebanghelismo? Naging malamig ka nab a sa pananalangin at pag-aayuno? Oras na ba para muli kang sumentro sa pag-tatangi ng sarili, at buhatin ang iyong krus na muli upang sundan si Kristo? Kantahin ang himno bilang dalawa sa inyong papel, “Hesus, Aking Krus Aking Binuhat.” Kanatahin ito!

Hesus, Aking krus aking binuhat,
   Lahat iiwan at susundan Ka;
Mahirap, kinamumuhian, iniwanan,
   Ikaw, mula gayon, ay aking lahat:
Patayin ang bawat minamahal na ambisyon,
   Lahat ng hinahanap ko, at hinahangad, at nalalaman’
Gayon napaka-yaman pa rin ng aking kalagayan,
   Ang Diyos at langit ay akin pa rin!
(“Hesus Aking Krus Aking Binuhat.” Isinalin mula sa
      “Jesus, I My Cross Have Taken” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).

“Nasa Krus.” Kantahin ito!

Nasa krus, nasa krus,
   Maging aking luwalhati magpakailan man;
Hangang sa ang aking natangay na kaluluwa’y mahanap
   Magpahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus.” Isinalin mula sa
    “Near the Cross” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

Pang-apat, kung hindi ka pa rin napagbabagong loob, ang taon 2010 ay dapat maging ang panahon para sa iyong isiping mahusay ang tungkol sa kaligtasan ng iyong kaluluwa. Alam ko na ang ating pambukas na teksto ay nagsabing, “Datapuwa't hindi pa ang wakas.” Ngunit ang bersong iyan ay tumutukoy sa panahong ito, ang katapusan ng sanglibutan gaya ng pagka-alam natin. Ito’y hindi tumutukoy tungkol sa iyong buhay. Ang iyong buhay ay maaring matapos ngayong taon. Ang kamatayan ay maaring dumating sa iyong biglaan, hindi inaasahan! Maari itong mangyari sa kahit anong sandal, kahit anong oras na ika’y nasa kalye, kahit anong oras na ika’y naglalakad sa lansangan! Sinasabi ng Bibliya,

“Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan” (Hebreo 9:27).

Ang Diyos ay nagsaad ng araw at panahon para sa iyong kamatayan. Ikaw man ay bata or matanda, ang iyong pagkakatakda sa kamatayan ay maaring dumating sa taon 2010. Handa ka nab a?

Marami sa inyo ay nagsikap ng matagal upang maghanda para sa inyong pangwakas na eksamen isang lingo o dalawang lingo ang nakalipas. Sinasabi ko sa inyong maglagay ng parehong lakas – o higit pa – upang maghanda para sa pangwakas na eksamen ng buhay – kapag ika’y mahaharap sa mukha ng Diyos sa kamatayan. Handa ka nab a? Kung ang kamatayan ay darating sa iyo sa taon 2010, handa ka na ba? Sinabi ni Hesus,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
      (Lucas 13:24).

Sinasabi ni Kristo sa ating “magsikap” at “lumaban” upang mapunta sa ilalim ng pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan, at pagkatapos ay magpunta sa Kanya sa isang tunay na pagbabagong loob. Ito’y aking panalangin na ika’y “magpipilit” upang makapasok kay Kristo at maging napagbagong loob sa parating na taon. Kung ang kamtayan ay darating bago ka mapagbagong loob, ika’y magiging ligaw ng walang hangan. “At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi” (Apocalipsis 14:11). Sinabi ni Hesus,

“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan”
       (Marcos 16:16).

Naway ika’y mananampalataya sa Kanyang nakaliligtas! Naway magpunta ka sa Kanya ng buong puso! Naway maging sigurado ka sa Kanyang magpakailan man – upang makasama mo Siyang sa walang hangang! Amen! Kantahin ang huling kanta sa inyong papel. Tumayo at kantahin ito!

Sa labas ng aking paghihirap, pagdurusa, at gabi, Hesus, ako’y papunta, Hesus, ako’y papunta;
   Sa Iyong kalayaan, kaligayahan, at ilaw, Hesus, ako’y papunta sa Iyo;
Sa labas ng aking pagkasakit sa Iyong kalusugan, sa labas ng aking kagustahan papunta sa Iyong kayamanan,
   Sa labas ng aking kasalanan sa iyong Sarili, Hesus, ako’y papunta sa Iyo.
(“Hesus Papunta Ako Sa Iyo” Isinalin mula kay “Jesus, I Come”
     ni William T. Sleeper, 1819-1904).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:3-14.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Ganito.” Isinalin mula sa
“In Times Like These” (ni Ruth Caye Jones, 1944).