Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PANGALAN NI HESUS – ISANG PASKONG PANGARAL THE NAME OF JESUS – A CHRISTMAS SERMON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mateo 1:21). |
Bago Siya naipanganak ang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose at nagsabing,
“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
(Mateo 1:21).
Iyan ang unang beses na narinig ni Jose ang mensahe ng Pasko. Ngunit ang ibig sabihin ng Pasko ay iba-iba na sa mga araw ngayon. Ang ilan ay iniisip na ito’y isa lamang taglamig na pista – isang bakasyon mula sa paaralan o trabaho. Tumatakbo sila mula sa isang sinehan papunta sa isa pa upang manood ng mga nakapambababa ng moralidad na mga pelikula. Ang ilan ay nagpupuntang Las Vegas upang isugal ang kanilang pera. Ang iba ay naglalasing o nagdrodroga upang ipagdiwang ang mga “Pista.” At mayroon rin iyong mga iniiisp na ito’y panahon upang kumita ng mas maraming pera. Maaring hindi pa nga sila naniniwala kay Kristo. Maaring kinamumuhian pa nga nila Siya. Ngunit handa na silang “magbenta” at kumita ng maraming perang posible sa loob ng mga huling linggo ng Disyembre. Gayon ang iba ay nanatili sa kanilang tahanan, naka-upo sa harap ng isang telebisyon, malungkot at putol mula sa pamilya at mga kaibigan.
Materyalismo, huwad na mga kasiyahan, alak, droga at kalungkutan ang lahat na kanilang nararanasan. Marami ay napaka- abala sa ibang mga bagay na wala na silang oras para sa simbahan, walang panahon upang mag-isip tungkol kay Hesus – kahit na ang Pasko ay dapat ang panahon na ipinagdiriwang natin ang Kanyang pagkapanganak!
Sa Taunton, Massachusetts ilang araw ang nakalipas, isang 8-taong-gulang na Aprikanong Amerikanong bata ay pina-uwi mula sa paaralan at inutusang dumaan sa ilalim ng isang psikolohikal na pag-eeksamen pagkatapos siyang sabihang gumawa ng isang Paskong larawan at gumuhit ng isang larawan ni Hesus sa Krus, ang tatay ng batang, si Chester Johnson, ang nagsabi. Sinabihan ng guro ang mga bata sa kanyang klaseng gumuhit ng isang bagay na nakapapaalala sa kanilang ng kapistahan. Ang bata ay nadadala sa simbahan ilang araw bago nito, kung saan nakita niya ang isang larawan ng pagpapako sa krus. Sinabi ng kanyang ama, “Noong nakita niya ang nakapakong si Hesus sa Krus, iyon ang kanyang iginuhit. Gusto niya iyon.” Ang maliliit na mga bata’y natututo ng mabilis. Alam nilang maari silang mapauwi, at kailanganing dumaan sa ilalim ng isang “psikolohikal na pag-eeksamen” kung magbabalak ka sa isang publikong paaralan, na gumuhit ng isang larawan ni Hesus sa panahon ng Pasko! (Pinagkuhanan: “Isang bata sa pangalawang antas sa elementarya pina-uwi dahil sa pagguguhit ng isang krus,” Isinalin mula sa “2nd-grader told to go home over crucifix drawing,” The Associated Press, Disyembre 16, 2009).
Ang kanyang pangalan ay sagarang inalis na sa ngayong tinatawag nilang “mga Pista.” Dati’y nagpapadala tayo ng mga Paskong tarheta. Ngayon ay mga “pistang tarheta” na. Dati’y naririnig natin ang masayang tunog ng “Maligayang Pasko” mula sa ating mga kapit-bahay, at pati sa mga kalye mula sa mga taong hindi natin kilala. Ngayon ang kaherang, nagkakalkula ng iyong mga bilihin sa isang tindahan, ay dumadaing ng isang inutusan silang sabihing “maligayang mga pista.” Ngunit mukhang wala na ¬masyadong naliligayahan rito.
Noong bata pa ako wala kami masyadong pera. Mas mahirap pa kami sa mga tao ngayon. Ngunit nagbigayan kami ng maliliit na mga Paskong regalo sa aming mga kaibigan at minamahal – napaka simpleng mga regalo. At kumanta kami ng mga Paskong mga awit sa mga publikong paaralan. Isa ako sa mga tatlong hari sa isang Paskong dula sa isang publikong paaralan rito sa Los Angeles. Ngayon, ang ACLU at ang Korte Suprema ay ginawang laban sa batas ang lahat ng mga iyan. Sa parehong beses, kanilang ipinahintulot ang pagpatay ng 51 milyong mga bata sa pamamagitan ng aborsyon. Isa’t tatlo ng iyong henerasyon ng mga kabataan ay napatay sa kanilang mga kamay, habang ang mga masasamang mga taong ito’y ginawang ang mga Paskong awitin at mga tagpo ng natividad, at ang “Maligayang Pasko” na kriminal na opensa.
At mukhang inaalis na ng Diyos ang Kanyang pagpapala mula sa ating bansa, at sa mga bansa ng Europa. Dahil ang ating pagkagahaman, pagkamakasarili at pagkawalan ng diyos, tayo na ngayon ay nasa gitna ng pinaka malubhang pinansyal na krisis mula ng Matinding Depresiyon. Pinaglalaruan noong mga nasa Washington ang sosyal na serbisyo, habang ang lumalagong dami ay nawawalan ng trabaho. At mukhang hindi ito alam ng mga politiko! Marami sa kanila’y muhkang walang paki-alam! Ang lahat na kanilang iniisip ay ang pag-kakahalal nila muli! Gaya ng dating sinasabi ng Pangulong Reagan, “Ang gobyerno’y hindi maka-aayos ng problema. Ang gobyerno ay ang problema.”
Sa kabila ng dagat ang isinasara na ng Taliban ang Pakistan, handa nang kunin ang kanilang naitagong tambak ng mga nukleyar ng mga armas. Gagamitin kaya ng mga terorista ang mga ito sa atin? Ang Hilagang Korea ay nagsusubok ng mga bombang kwites na aabot ng Amerika at Europa. Ang Iran ay galit na kumikilos upang bumuo ng mga nukleyar ng mga armas na makawawasak ng Israel, at magsimula ng isang termonukleyar na digmaan, na parang Impiyerno sa lupa, sa Gitang Silangan. At, kung iyan ay hindi pa masamang sapat, maraming mga nangungunang mga siyentipiko at mga tao ng estatdo ay nagsasabi sa atin na maaring masira ng makamundong pag-iinit ang buong kabuhayan sa susunod na mga ilang dekada. Ang lahat ng mga ito’y nagpapaalala sa akin ng sinabi ng isang tanyag na Franses na pilosopong si Jean Paul Sartre – “walang labasan” – walang daan palabas mula sa ating mga takot, at pagtutulak, at mga problema na humaharap ngayon sa lahi ng tao sa oras na ito!
Ngunit mayroon akong magandang balita para sa iyo! Ang anghrl ng Panginoon ay nagpakita at nagsabing,
“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
(Mateo 1:21).
Isang lumang Ingles na Paskong awitin ang nagsasabi ng lahat ng ito!
Ang Diyos ay nagpahinga kayo’y nagsaya, mga ginoo,
Huwag hayaang kahit ano’y magpahinang loob sa iyo,
Tandaan si Kristo ating Tagapagligtas,
Ay ipinanganak sa araw ng Pasko;
Upang iligtas tayong lahat mula sa kapangyarihan ni Satanas,
Noong tayo’y nawala sa landas.
O, balita ng kaginhawaan at kaligayahan,
Kaginhawaan at kaligahayan,
O, balita ng kaginhawaan at kaligayahan!
(“Ang Diyos ay Nagpahinga Kayo’y Nagsaya, Mga Ginoo.”
Isinalin mula sa “God Rest Ye Merry, Gentlemen,”
may akda hindi kilala; inilimbag ni William Sandys, 1833).
Ang pangalang “Hesus” sa Griyegong anyo ng Hebreong pangalang “Yeshua,” ay na-anglisismo bilang “Joshua.” Ito’y mula sa isang kombinasyon ng dalawang Hebreong mga salitang: “Jehovah” at “nagpapalaya, naghahango, nag-iingat, nagsasagip, nagliligtas, nagbibigay tagumpay” (Isinalin mula kay Strong #3467). Ang “Hesus” ay nangangahulugang “Jehovah nagsasagip, nagliligtas, at nagbibigay tagumpay” sa Kanyang mga tao!
Ang Pasko ay dapat magpapaalala sa atin ng pag-asa at kaligtasan na dinadala ni Hesus sa isang sanglibutang ligaw sa kasalanan. Nagsalita ang propetang si Isaias tungkol kay Hesus noong sinabi niyang,
“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Si Hesus ay ipinanganak upang mamatay, ipinako sa isang madugong Krus. Sinabi Niya sa Kanyang mga Disipolo,
“Dahil dito ay naparito ako sa oras na ito” (Juan 12:27).
Nakatayo sa harapan ng Romanong gobernador, nabugbog at nagdurugo, tinanong Siya ng gobernador, “Ikaw nga baga'y hari?” (Juan 18:37). Sinabi ni Hesus, “Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan” (Juan 18:37). “Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus” (Juan 19:16).
Kinaladkad ni Hesus ang Kanyang krus sa isang burol na tinawag na Kalbaryo. Ipinako nila ang Kanyang mga kamay at Kanyang paa sa krus na iyon. At si Hesus ay “namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3). Inilagay nila ang Kanyang patay na katawan sa isang libingang walang laman, na tinakapan ito ng isang malaking bato, at nag-iiwan ng mga Romanong kawal upang magbantay. Ngunit sa pangatlong araw, si Hesus ay bumangong pisikal, laman at buto, mula sa pagkamtaya!
Alleluya! Alleluya! Alleluya!
Ang tatlong malungkot na mga araw ay madaling dumaan;
Bumangon siyang maluwalhati mula sa pagkamatay;
Lahat ng luwalhati sa ating bumangong Puno! Alleluya!
(“Ang Gulo ay Tapos na.” Isinalin mula sa “The Strife Is O’er,”
isinalin mula sa isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).
Iyan ang Ebanghelyo! Iyan ang mabuting balita! Iyan ang tunay na kahulugan ng Pasko! Sinabi itong lahat ng Apostol Pablo!
“Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3-4).
Sa loob ng Franses na Rebolusyon, isang ateyistiko ay nagsabi kay Talleyrand, “Ang Kristiyanong relihiyon – ano iyan? Madaling magsimula ng isang relihiyon na tulad niyan.” Sumagot si Talleyrand, “O, oo, kakailanganin mo lang na mapako sa krus, at bumangon mula sa pagkamatay sa pangatlong araw.”
“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
(Mateo 1:21).
Ang ibig sabihin ng pangalan ni Hesus ay na pinalaya ng Diyos ang mga tunay na mga Kristiyano – hinahango tayo at nililigtas tayo mula sa multa ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus, at Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay! Maaring patawarin ni Hesus ang iyong kasalanan, at hugasan kang malinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Maari kang bigyan ni Hesus ng walang hangang buhay sa pamamagitan ng Kanyang muling pagbabangon mula sa hukay! Magpunta kay Hesus! Mananampalataya sa Kanya. Palalayain ka Niya mula sa kasalanan, at ililigtas ang iyong kaluluwa mula sa Impiyerno. Iyan ang mensahe ng Pasko!
“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mateo 1:21).
“Ang Diyos ay Nagpahinga Kayo’y Nagsaya, Mga Ginoo.” Kantahin ito!
Ang Diyos ay nagpahinga kayo’y nagsaya, mga ginoo,
Huwag hayaang kahit ano’y magpahinang loob sa iyo,
Tandaan si Kristo ating Tagapagligtas,
Ay ipinanganak sa araw ng Pasko;
Upang iligtas tayong lahat mula sa kapangyarihan ni Satanas,
Noong tayo’y nawala sa landas.
O, balita ng kaginhawaan at kaligayahan,
Kaginhawaan at kaligahayan,
O, balita ng kaginhawaan at kaligayahan!
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo1:18-25.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Diyos ay Nagpahinga Kayo’y Nagsaya, Mga Ginoo.”
Isinalin mula sa “God Rest Ye Merry, Gentlemen,”
may akda hindi kilala; inilimbag ni William Sandys, 1833).