Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA SUGAT NI KRISTO THE WOUNDS OF CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40). |
Si Kristo ay ipinako sa isang krus. Namatay Siya doon sa pagdurusa at Dugo. Pagkatapos Niyang namatay, “gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig” (Juan 19:34). Ang Apostol Juan ay naroon malapit sa Krus. Nakita niya ang mga pakong tumutusok sa mga kamay ni Kristo at mga paa. Nakita niya si Hesus na mamatay. Nakita niya ang kawal na tumusok sa tagiliran ni Kristo gamit ang isang sibat. Nakita ni Juan ang Dugo at tubig na lumabas mula sa sugat sa Kanyang tagiliran. Sinabi ni Juan na kanyang “nakakita [at] nagpatotoo” na ito’y nangyari (Juan 19:35). Nakita niya ang mga Romanong mga kawal na ilibing ang patay ng katawan ni Hesus sa “may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman” (Juan 19:41).
Maaga ng sumunod na umaga tumakbo si Mary Magdalene at sinabihan si Pedro at Juan na ang batong nakatakip sa libingan ni Jesus ay “naalis na sa libingan” (Juan 20:1). Tumakbo si Pedro at Juan sa libingang walang laman. Si Juan ang unang nakarating doon. Tumingin siya sa libingan, at “nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob, ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino [na sumugat sa katawan ni Hesus]” (Juan 20:5). Naabutan ni Pedro si Juan “at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino, At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi” (Juan 20:6-7). Pagkatapos sinundan ni Juan si Pedro sa libingan at nakita ang mga damit sa libing, at ang libingang walang laman. Umalis silang nasa litong kalagayan, Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay” (Juan 20:9). Nangyari ang lahat ng mga ito maaga sa umaga ng Linggo.
Pagkatapos “sa parehong araw” ang mga Disipolo ay nagtatago sa isang silid “dahil sa katakutan sa mga Judio” na nagpumilit ng pagpapako sa krus ni Hesus (Juan 20:19). Bigla na lang si Hesus ay naroon, muling nabuhay mula sa pagkamtay! Sinabi niya sa kanila, “Kapayapaan ang sumainyo” (Juan 20:19).
“Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan [natakot], at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:37-40).
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Ang mga sugat na ginawa ng mga pako ay gumawa sa Kanyang mga kamay at paa ay naroon para makita nila sa Kanyang muling nabuhay na katawan. Nakikita nila ang sugat Niya sa Kanyang tagiliran, isang malaking sugat na nilikha ng sibat ng isang kawal. Sinabi ni Hesus kay Tomas,
“Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin” (Juan 20:27).
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Madaling nabura sana ni Kristo ang mga sugat na iyon sa Kanyang katawan. Naalis Niya sana ang lahat ng mga marka ng Kanyang pagdurusa noong bumangon Siya sa libingan. Ngunit hindi Niya ito ginawa. Imbes, ay naroon ang mga sugat mula sa pako sa Kanyang mga kamay at paa, at naroon ang malawak na sugat sa Kanyang tagiliran. Ano ang dahilan para rito? Bakit Niya ipinakita ang kanyang mga sugat sa kanila? Bibigyan ko kayo ng tatlong dahilan,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
I. Una, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang malaman natin na Siya ay ang parehong taong napako sa Krus.
Ang mga Nostikong heretiko ay nagsabi na si Hesus ay hindi talaga namatay sa Krus. Ang Koran ng mga Muslim ay nagsasabi na hindi siya namatay sa Krus. Mayroong maraming mga tao ngayon na hindi naniniwala na pababayaan ng Diyos ang Kanyang Anak na mamatay ng isang teribleng kamatayan. Alam ni Hesus na magkakaroon ng mga di-pananampalataya patungkol sa Kanyang pagpapako sa Krus. Iyan ang unang dahilan,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Gusto ni Hesus na malaman ng lahat na talagang nagdusa Siya at namatay sa Krus. Kaya, hinayaan Niya ang Kanyang mga Disipolong tignan ang Kanyang mga sugat, at hawakan ang mga ito pati. Ang Apostol Juan, na isang saksi, ay nagsalita “yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay” (I Juan 1:1). Sinabi ni Dr. Watts,
Tignan, ang Kanyang ulo, Kanyang kamay, Kanyang paa,
Pagdurusa at pag-ibig ay magkasamang umagos:
Ang gayong pag-ibig at pagdurusa ay nagsama ba kailan man,
O mga tinik ang lamang mayamang isang korona?
(“Kapag Aking Pagmamasdan ang Nakamamanghang Krus.”
Isinalin mula sa “When I Survey the Wondrous Cross”
ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati kailan man;
Hangang sa ang aking nadakip na kaluluwa ay mahanap
Magpahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus.” Isinalin mula sa “Near the Cross”
ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
II. Pangalawa, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang malaman natin na Siya’y nagdusa kapalit para sa ating mga kasalanan.
Sinabi ni Juan Bautista,
“Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29).
Ngunit hindi niya inilantad ng tiyak kung paano tatanggalin ni Hesus ang ating mga kasalanan. Ito’y hindi hangang sa bumangon si Hesus mula sa pagkamatay na naintindihan ng mga Disipolo na si Hesus ay,
“…siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Pedro 2:24).
Ito’y pagkatapos lamang na nakita nila ang mga marka ng sa Kanyang mga kamay at paa na nalaman nila ito,
“Si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Pedro 3:18).
Iyan ang pangalawang dahilan,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Gusto Niyang malaman nating tiyak na nagdusa Siya at namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng ating mga kasalanan, upang tayo ay maligtas mula sa kasalanan at Impiyerno. Gusto Niyang makita natin ang mga marka ng pako sa Kanyang mga kamay at paa upang malaman natin na ang poot ng Diyos ay bumagsak sa Kanya sa Krus, na malaman natin
“…[ang] pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo”
(Mga Taga Roma 3:24-25).
Iyan ang dahilan na,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Kantahin ang himno ni Dr. Watts!
Tignan, ang Kanyang ulo, Kanyang kamay, Kanyang paa,
Pagdurusa at pag-ibig ay magkasamang umagos:
Ang gayong pag-ibig at pagdurusa ay nagsama ba kailan man,
O mga tinik ang lamang mayamang isang korona?
“Nasa Krus.” Kantahin ito!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati kailan man;
Hangang sa ang aking nadakip na kaluluwa ay mahanap
Magpahinga sa kabila ng ilog..
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
III. Pangatlo, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang malaman natin na Siya ang Tagapagligtas ng lahat ng panahon.
Dinala ni Kristo ang Kanyang mga sugat at Kanyang Dugo kasama Niya sa Langit upang magbigay ng walang hangang pagtutubos para sa atin.
“Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito; At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan”
(Mga Hebreo 9:11-12).
“Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin” (Mga Hebreo 9:24).
Naka-upo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit, ang mga sugat ni Hesus ay palagi at magpakailan man na isang paalala sa Diyos at mga anghel na,
“Siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman” (I Juan 2:2).
Gayon ang karamihan sa mga tao sa mundo ngayon ay itinatanggi si Hesus. Karamihan sa mga tao ay gustong maligtas sa sarili nilang mabubuting gawain at kanilang sariling relihiyosong paniniwala. Kaya kanilang itinatanggi si Hesus, sino’y ang probisyon ng Diyos para sa kaligtasan. Hindi ko ito sinabi. Si Hesus Mismo ang nagsabing,
“Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Si Hesus lamang ang daan sa Diyos dahil Siya lang ang mag-isang nagdusa at namatay upang bayaran ang ating mga kasalanan. Wala ng iba pang relihiyosong pinuno ang gumawa niyan – hindi si Confucius, hindi si Buddha, hindi si Mohammed, hindi si Joseph Smith, wala ng iba pa! Kay Hesu-Kristo lamang na maaring sabihin na,
“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Kay Hesus lamang na masasabing,
“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Timoteo 1:15).
Kay Hesus lamang na masasabing,
“Ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:8-9).
Iyan ang dahilan na,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Kantahin ang himno ni Dr. Watts muli!
Tignan, ang Kanyang ulo, Kanyang kamay, Kanyang paa,
Pagdurusa at pag-ibig ay magkasamang umagos:
Ang gayong pag-ibig at pagdurusa ay nagsama ba kailan man,
O mga tinik ang lamang mayamang isang korona?
“Nasa Krus.” Kantahin ito!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati kailan man;
Hangang sa ang aking nadakip na kaluluwa ay mahanap
Magpahinga sa kabila ng ilog.
Kahit na kapag si Hesus ay dumating ng pangalawang beses, Kanya pa ring dala dala ang mga marka ng pagpapako sa Krus sa kanyang mga kamay at paa. Sinabi ni Kristo, sa pamamagitan ng propeta Zekarias,
“At sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya” (Zekarias 12:10).
Yaong mga hindi magpupunta kay Kristo habang nabubuhay, ay magluluksa sa buong walang hangan sa Impiyerno. Sinabi ng Dakilang si Spurgeon, “Yaong mga bukas na mga kamay at iyong natusok na tagiliran ay maging saksi laban sa iyo, kahit na laban sa iyo, kung mamamatay kang tinatangihan siya, at papasok sa walang hangan ang mga kaaway ni Kristo sa pamamagitan ng mga masasamang gawain” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Wounds of Jesus,” The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, volume V, p. 237).
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Ngunit muli, sinabi ni Spurgeon,
Kaawa-awang makasalanan…Natatakot ka bang pagpunta [kay Hesus]? Gayon tignan ang kanyang mga kamay – tignan ang kanyang mga kamay, hindi ka ba niyan mauudyok?...Tignana ang kanyang tagiliran, mayroong madaling daan papunta sa kanyang puso. Ang kanyang tagiliran ay bukas. Ang kanyang tagiliran ay bukas [sa iyo]… O makasalanan, naway ika’y matulungan upang mananampalataya sa Kanyang mga sugat! Hindi mabibigo ang mga ito; mapapagaling ng mga sugat ni Kristo yoong mga maglalagay ng tiwala sa kanya (Isinalin mula sa ibid., pahina 240).
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Sinabingi itong mahusay ni Evangeline Booth, ng dating Salvation Army,
Ang mga sugat ni Kristo ay bukas,
Makasalanan, nilikha ang mga ito para sa iyo;
Ang mga sugat ni Kristo ay bukas,
Naroon para puntahang kublihan.
(“Ang mga Sugat ni Kristo.” Isinalin mula sa
“The Wounds of Christ” ni Evangeline Booth, 1865-1950).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 20:24-29.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang mga Sugat ni Kristo” Isinalin mula sa
“The Wounds of Christ” (ni Evangeline Booth, 1865-1950).
ANG BALANGKAS NG ANG MGA SUGAT NI KRISTO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40). (Juan 19:34, 35, 41; 20:1, 5, 6-7, 9, 19; I. Una, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang II. Pangalawa, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang III. Pangatlo, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang |