Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG AKING TESTIMONYO

MY TESTIMONY

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga Ika-6 ng Disyembre taon 2009

“Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan”
(Mateo 27:4).


Iyan ang unang berso sa Bibliya na aking namemorya (Mateo 27:4). Kung iyan ay mukhang di-pangkaraniwang berso, lalo na bilang pinaka-unang bersong namemorya, makinig ng mabuti sa aking testimonyo at matatagpuan mo ang dahilan na ginamit ng Diyos ito sa aking buhay.

Hindi ako napalaki sa isang Kristiyanong tahanan. Ang aking mga magulang ay hindi kailan man nag-puntang simbahan. Hindi nila kailan man binasa ang Bibliya sa akin. Hindi ko sila kailan mang narinig magdasal. Ang nag-iisang dasal na alam ko noon ay ang “Panalangin ng Panginoon,” [“Ama Namin,”] na aking natutunan mula sa aking tiyo, ang asawa ng kapatid ng nanay ko. Madalas kong dinarasal ang “Panalangin ng Panginoon,” ngunit ginawa ko ito na parang isang uri ng mahiwagang imbokasyon. Dinasal ko ito noong ako ay nasa panganib o natatakot. Ngunit wala akong nalalaman tungkol kay Hesu-Kristo, at ang napaka-liit na pananampalataya ko sa Diyos ay wala kundi higit isang pangitain.

Noong ako’y labing tatlong taong gulang ang mga kapitbahay namin ay nagdala sa akin kasama ng kanilang mga anak sa isang Bautismong simabahan sa unang pagkakataon sa aking buhay. Mayroon akong malinaw na memorya ng paglilingkod, ngunit wala akong matandaan na sinabi ng mangangaral. Ang naaalala ko lamang ay ang siya’y nagsalita ng napaka-lakas at iwinawagayway ang kanyang mga kamay sa ere. Mayroon siyang isang maliwanag na kulay abong amerikana at isang makinang na berdeng korbata. Habang iwinawagay-way niya ang kanyang mga kamay sa ere, ang kanyang korbata ay dumuduyang urong sulong. Iyan ang lahat ng aking natatandaan tungkol sa unang pangaral na narinig ko sa isang Bautismong simbahan. Sa katapusang ng kanyang sermon hiniling niyang ang mga tao ay bumaba sa gitna at tumayo sa harap ng pulpito. Ang mga tao ay nagsi-tayo at nagsimulang nagsi-kanta. Ang aking kaibigan, ang anak ng kapit-bahay namin, ay umalis sa kanyang upuan sa tabi ko at naglakad sa harap ng simbahan. Naisip ko, “Iyan siguro ang dapat gawin.” Kaya sinundan ko siya. Sinabihan kami ng pastor na bumalik ilang mga gabing sumunod upang mabinyagan. Iyan lang ang sinabi niya. Isa iyong “desisyonistang” simbahan, kaya walang kumausap sa amin o nagtanong sa amin bakit kami nagpunta sa harap. Ang kaibigan ko at ako’y bumalik. Nilagyan nila kami ng punting mga balabal at kami’y nabinyagan kasama ng maraming iba pang mga bata. Ganyan ako naging Bautismo! Ngunit hindi ako isang Kristiyano. Hindi ako napagbagong loob. Hindi ko kilala si Hesu-Kristo. Ang bagay na aking pinaniniwalaan lamang ay na maari kang makakuha ng “mahiwagang” tulong sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita ng “Panalangin ng Panginoon.”

Nagpatuloy ako magpunta sa simbhan bawat Linggo kasama ng mga kapit-bahay. Sila’y pala-kaibigan, at gusto kong nagpupunta sa kanilang bahay upang manood ng telebisyon kasama nila halos bawat gabi. Ang isang telebisyon ay isang bagong bagay noong ako’y labing tatlo taon gulang. Lahat kami’y naka-upo sa paligid ng isang maliit na siyam na pulhadang tabing at nanood ng mga itim at puting programa halos bawat gabi. At pagkatapos nagpupunta ako sa simbahan kasama nila bawat umaga ng Linggo. Wala akong natatandaang mga bagay na naituro sa Linggong Paaralan. Wala akong matandang isang bagay mula sa mga sermon na nadinig ko. Sa aking alala, ang pastor ay nagsalita ng matindi tungkol sa Langit. Ngunit wala akong matandaan sa sinabi niya tungkol rito. Lahat ng kanyang mga sermon ay malabo, napaka labo sa aking alalala.

Pagkatapos isang araw noong ako ay halos labing limang taong gulang ang simbahan ay nagpasiyang magbuo ng isang Pasko ng Muling Pagkabuhay na dula tungkol sa pagpapako sa krus ni Kristo. Maski paano’y ako’y nailagay na gumanap bilang si Hudas, ang dispolong nagtaksil kay Kristo para sa tatlong pung piraso ng pilak, na nagdala sa pagka-aresto ni Kristo at kamatayan sa Krus. Ito gayon na aking unang namemorya ang isang berso sa Bibliya.

Ako si Hudas. Binayaran ako ng tatlom pung pirasong pilak upang dalhin ang mga kawal sa lugar kung saan nagdadasal si Hesus. Inaresto nila si Hesus at binugbog Siya sa mukha. Bilang si Hudas, nagpunta ako sa punong saserdote na binayaran ako upang pagtaksilan Siya. Itinapon ko ang mga pilak sa mga paa noong mga saserdote at humiyaw,

“Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan” (Mateo 27:4).

Pagkatapos tumakbo ako at binitay ang aking sarili, gaya ng ginawa ni Hudas.

Ginampanan ko ang parte ni Hudas bawat Pasko ng Muling Pagkabuhay ng tatlong taon. Ang mga salita ni Mateo 26:4, na aking namemorya, ay malalim na nakabaon sa aking isipan,

“Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan” (Mateo 27:4).

Iyan ang pinaka-unang berso sa Bibliya na aking namemorya. Ang mga salita ay lumubog ng malalim sa aking kaluluwa. Para sa akin mukhang ako si Hudas – na pinagtaksilan si Hesus, na akin Siyang ipinako sa Krus sa pamamagitan ng aking kasalanan.

Nabatid kong lubos ang aking kasalanan na gusto kong gumawa ng isang bagay upang maalis ko ito. Sa umaga ng Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, sa edad na labing pitong taon, tinanong ng pastor kung mayroong may gustong idedikado ang kanilang sariling maging isang mangangaral, at kung nais nila, ay magpunta sa harapan at tumayo sa harap ng pulpito. Hindi ko kailan man naisip na maging isang ministor hanggang sa sandaling iyon. Ngunit naisip ko, “Ito ang kailangan kong gawin.” Umalis ako mula sa aking upuan at nagpunta sa harap. Pagkatapos ng paglilingkod lahat ay nagpunta upang abutan ako ng kamay, binabati ako para sa aking “desisyon.”

Naniniwala ako na tinawag talaga ako ng Diyos sa ministro noong umagang iyon. Hindi ako nagduda na gusto ako ng Diyos na maging isang ministor noong araw na iyon, lampas sa limampu’t isang taon ang nakalipas na. Ngunit hindi ako isang Kristiyano. Hindi pa ako napagbabagong loob. Hindi ko kilala si Hesu-Kristo. Wala akong naintindihan tungkol sa paglilinis ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Ngayon ako’y simpleng isang nawawalang Bautismong mangangaral. Nilisensyahan nila akong mangaral ng ilang buwan pagkatapos. Ang lisensyang iyon ay nakalagay sa isang kwadro at nakasabit sa aking opisina dito sa simbahan. Ngunit ako’y hindi napagbagong loob. Namemorya ko ang Ebanghelyo, at nangaral ako ng maraming mga pangaral, ngunit hindi ako napagbagong loob. Ako lamang ay isang nawawalang Bautismong “batang mangangaral,” na sinusubukang makakuha ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging mabuti. Ang mga salita ni Hudas sa Mateo 27:4 ay nagdala sa akin sa ilalim ng pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan, ngunit hindi ako nakahanap ng ginhawa sa pamamagitan ng pagiging isang Bautismong mangangaral. Ang mga salita ay tumusok sa aking puso,

“Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan” (Mateo 27:4).

Ilang taong ang lumipas at nakabasa ako ng tungkol kay James Hudson Taylor, ang dakilang mamumuno ng misyonaryo sa Tsina. Naisip ko, “Iyan ang kailangan kong gawin. Kailangan kong maging isang misiyonaryo sa mga Tsino.” Akala ko’y matutulungan ako nitong maging isang Kristiyano, at maalis ang aking pagkakasala. Kaya nagpunta ako sa Tsinong Bautismong simbahan at sinalihan ito. Sa sunod na taglagas nagpunta ako sa isang paaralan ng Bibliya, sa Kolehiyo ng Biola (ngayon ay Unibersidad na) upang maghandang maging isang misyonaryo. Doon ko narinig si Dr. Charles J. Woodbridge na mangaral ng ilang linggo bawat araw sa isang Kapilya. Si Dr. Woodbridge ay ipinanganak sa Tsina, anak ng mga misiyonaryo. Iyan ang gumawa sa aking makinig sa kanya ng mabuti. Siya rin ay isang di-pangkaraniwang mananalita, at isang napaka-nakasentro sa Bibliyang mangangaral. Siya ay nangangaral deretso mula sa Episel ng II Pedro. Noong narating niya ang II Pedro 2:1, nagsalita siya ng malakas laban sa “huwad na mga propeta” na ikinakait “ang Panginoong bumili sa kanila.” Ginawa niyang napakalinaw ang pagbabasbas ng gawain ni Kristo sa Krus, na si Kristo ay namatay sa ating lugar upang bayaran ang ating kasalanan. Ilang araw ang nakalipas nagpatuloy siya sa II Pedro kapitolo tatlo. Nagsalita siya tungkol sa mga “mangungutya” ng huling mga araw na tinatawanan ang Bibliya at ipinagkakait ang Pangalawang Pagdating ni Kristo. Nagpatuloy siya sa pagsasalita tungkol sa padating na Paghahatol,

“…na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog” (II Pedro 3:10).

Pagkatapos ay napunta siya sa berso labing tatlo, sa mga salitang,

“Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran”
     (II Pedro 3:13).

Sinabi niya, “Silang, mga nawawalang tao sa sanglibutan, ay walang pag-asa! Naghihintay na lamang silang mamatay! ‘Ngunit’ mayroon tayong pag-asa kay Kristo! ‘Nguni’t kilala natin si Kristo, tayo ay naligtas Niya! Wala silang pag-asa! ‘Nguni’t mayroon tayong kaligtasan at pag-asa kay Kristo.” Ang mga salitang iyan ay tumusok sa aking puso na parang isang pana. Lahat ng aking kabutihan at relihiyon ay walang say-say. Alam ko na ang sanglibutan ay tapos na, at ang paghahatol ay padating. Nagpunta ako kay Kristo sa pananampalataya sa sandaling iyon. Ang aking mga kasalanan ay nawala, nahugasang malinis sa Kanyang Dugo. Ako’y napagbagong loob. Alam ko ito noon, at alam ko ito ngayon.

Mula noong sa pamamagitan ng pananampalataya nakita ko ang ilog
   Ang Iyong dumadaloy na sugat ay nagbibigay,
Nakaliligtas na pag-ibig ay naging aking tema,
   At maging hangang sa ako’y mamatay;
At maging hangang sa ako’y mamatay, At hangang sa ako’y mamatay;
   Nakaliligtas na pag-ibig ay naging aking tema,
At maging hangang sa ako’y mamatay
   (“Mayroong Isang Bukal,” isinalin mula sa “There Is a Fountain”
       ni William Cowper, 1731-1800).

Alam ko mula sa personal na karanasan ano ang pakiramdam ng nagpupunta sa simbahan na hindi nalalaman ang kahit ano tungkol sa Kristiyanismo. Ganyan ako nagpunta sa simbahan noong ako ay labing tatlong taong gulang na bata. Alam ko ang pakiramdam na nalilito, at hindi alam ang gagawin upang maging tunay na Kristiyano. Alam ko ang pakiramdam na maging mapailalim sa pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan at hindi alam kung papaano makatakas mula rito. Alam ko ang pakiramdam na magpunta kay Hesus upang maligtas. At alam kong ako ay naligtas ni Hesus upang paglingkuran Siya sa buong buhay ko sa pakikisama ng lokal na simbahan.

Limam pu’t limang taon na simula noong unang beses akong dinala ng aking mga kapit bahay sa isang Bautismong simbahan. Habang ako’y lumilingon sa limang dekada mas tiyak ako na ang mga pinaka mahahalagang mga bagay ay ang mga ito – si Hesu- Kristo at Kanyang simbahan. Si Kristo lamang ang makabibigay sa atin ng kalayaan mula sa pagkakasala at takot. Ang Kanyang simbahan lamang ang makabibigay sa atin ng katatagan, pakikisama at lakas at disiplina sa isang malupit at nag-iisang sanglibutan. Si Kristo lamang at Kanyang simbahan ang makabibigay sa atin ng kahalagahan sa kung hindi ay isang walang silbe at walang pag-asang buhay.

Kung mayroon lamang akong isang sermon na ibibigay sasabihin ko sa iyo, na walang pag-aalinlangan: siguraduhing kilala mo si Hesu-Kristo, at siguraduhin mong buhayin ang iyong buhay rito sa simbahan. Sinabi ni John Calvin, “Sinoman na ang Ama ang Diyos ay mayroon ang simbahan bilang kanyang ina.” Paano ang kahit sinong nagbabasa ng Bibliya ay di-sasang-ayon sa kanya nito?

Ito ang mga bagay na may halagang higit sa katapusan ng iyong buhay. Sa katapusan ng mga ito ay ang mga bagay na magkakahalaga!

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Timoteo 1:15).

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Pedro 2:24).

“Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios” (Marcos 16:19).

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
      (Mga Gawa 16:31).

“At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).

“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan”
       (Marcos 16:16).

Naway bigyan ka ng Diyos ng biyayang makapunta kay Hesus at mananampalataya sa Kanya. Naway pagbaguhing loob ka ni Kristo. Naway mabinyagan ka sa pakikisama ng Kanyang simbahan. Sa huli ito lang ang mga bagay na magkakahalaga!

O, anong bukal ng awa ay dumadaloy,
   Pababa mula sa napakong Tagapagligtas ng tao!
Mahal ang dugo na ibinihos Niya upang maligtas tayo,
   Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating kasalanan.
(“O Anong Bukal,” isinalin mula sa“Oh, What a Fountain!”
     ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 27:27-36.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Anong Bukal,” isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).