Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




NAGHAHARI KASAMA NI KRISTO SA KANYANG KAHARIAN

REIGNING WITH CHRIST IN HIS KINGDOM

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi, Ika-29 ng Nobyembre taon 2009

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:6).


Si Dr. James O. Combs, dating editor ng Baptist Bible Tribune, ay nangaral sa ating simbahan minsan noon. Nagsalita siya tungkol sa malawak na panorama ng paghuhula sa Bibliya. Mabuting mapaalalahanan ng mga bagay ng hinaharap. Madalas tayong sabihan ng Bibliya tungkol sa mga propetikong kaganapan. At isa sa pinakamahalagang mga bagay na maari nating maisip tungkol sa hinaharap ay ang pagdating ng Kaharian ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Ang aking teksto ngayong gabi ay tumatalakay sa Kanyang padating na Kaharian sa lupa.

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:6).

Maglalabas ako ng tatlong mahahalagang punto mula sa bersong ito.

I. Una, ang teksto ay nagsasalita tungkol sa Pag-aagaw.

Sinasabi nito,

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli …” (Apocalipsis 20:6).

Ang sulat sa Scofield tungkol sa Apocalipsis 20:5 ay nagsasabing,

Ang “pagkabuhay na maguli ng mga ganap” ay binangit sa Lucas 14:13-14, at ang muling pagkabuhay ng “buhay” [ay] maihihiwalay mula sa “pagkabuhay na maguli sa ka paghatol” sa Juan 5:29. Natututunan natin rito [sa Apocalipsis 20:506] ng unang beses kung anong haba ng oras ang naghihiwalay sa dalawang pagkabuhay na maguli ito (Isinalin mula sa sulat sa Scofield sa Apocalipsis 20:5).

Ang unang pagkabuhay maguli ay ang Pag-aagaw, kapag ang mga nabubuhay at patay na mga Kristiyano ay maitatangay upang salubungin ang Panginoong sa alapaap,

“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin…” (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).

Iyan ay ang “unang pagkabuhay maguli” na itinutukoy sa ating teksto. Ang sulat sa Scofield sa I Mga Taga Corinto 15:52 ay nagsasabing,

Dalawang pagkabuhay maguli ay gayo’y hinaharap pa rin [iyong sa mga ligtas, at iyon sa mga nahatol]. Sila ay nakahiwalay ng isang panahon ng isang libong taon. Ang “unang pagkabuhay maguli”…ay magaganap sa pangalawang pagdating ni Kristo [sa alapaap], ang mga santo ng L.T. at mga panahon ng simbahan na sinasalubong Siya sa alapaap; habang ang mga martir ng tribulasyon, na mayroon ring bahagi sa unang pagkabuhay maguli, ay itataas sa katapusan ng dakilang tribulasyon (Isinalin mula sa sulat sa Scofield sa I Mga Taga Corinto 15:52).

Ipinupunto ng Tim LaHaye Prophecy Study Bible na ang unang pagkabuhay maguli ay “nagaganap ng bahagian” (sulat sa Apocalipsis 20:6).

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan…” (Apocalipsis 20:6).

Ang “pangalawang kamatayan” ay tumutukoy sa lawa ng apoy. Hindi ibig sabihin nito’y lubos na pagkasira, kundi tumutukoy ito ng pagkakaputol mula sa Diyos sa walang hangang pagdurusa. Sinasabi ng Bibliya,

“At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:14).

II. Pangalawa, ang teksto ay tumutukoy sa Kaharian ni Kristo.

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:6).

Mayroong isang malinaw na deklarasyon ng isang-libong taong paghahari ni Kristo sa lupa. Ito’y magiging isang sagot sa mga panalangin ng mga Kristiyano sa lahat ng mga siglo,

“Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa”
       (Mateo 6:10).

Si Kristo ay bababa, at ang mga tunay na mga Kristiyano ay maagaw upang magsalubong Siya “sa alapaap” (I Mga Taga Tesalonika 4:16). Pagkatapos, sa katapusan ng Tribulasyon, bababa si Hesus sa lupa, sa Bundok ng Olivo, mula sa kung saan Siya’y pumaitaas, at itatayo ang kanyang 1,000 taong Kaharian sa lupa.

Ngayon lumipat sa Zekarias 14:4. Narito ay isang paglalarawan ng pagbabalik ni Kristo mula sa Langit, sa Bundok ng Olivo, kung saan Siya’y pumaitaas.

“At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan”
     (Zekarias 14:4).

Kapag mahawakan ng mga paa ni Kristo ang Bundok Olivo, ito’y mahahati dahil sa isang lindol.

Ngayon tignan ang huling labing limang salita ng berso lima,

“at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya” (Zekarias 14:5).

Ang tunay na mga Kristiyano ng lahat ng panahon ay bubuhos mula sa langit kasama ni Kristo sa Kanyang Pangalawang Pagdating.

Ngayon lumipat sa Apocalipsis 5:10. Maluluwalhati ng mga Kristiyano ang Diyos dahil Kanya

“…sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa”
       (Apocalipsis 5:10).

Sinasabi ng The Tim LaHaye Prophecy Study Bible

Magkakasama ang mga Kristiyanong naligtas bago ng Tribulasyon, kasama ng mga [Kristiyanong] naligtas mula sa Tribulasyon ay "[mangaghahari]” sa loob ng isang libong taong kaharian ni Kristo (sulat sa Apocalipsis 5:10).

Iyan ang maluwalhating hangarin ng bawat tunay na Kristiyano. Diyan tayo pupunta! Tayo ay naghahanda upang maging “kaharian at mga saserdote […]: at [tayo’y mangaghahari] sa ibabaw ng lupa” (Apocalipsis 5:10). Iyan ang dahilan na kinakanta natin.

Ako’y determinado para sa ipinangakong lupain,
   ako’y determinado para sa ipinangakong lupain.
O sinong sasama sa akin? Ako’y determinado para
   sa ipinangakong lupain
  (“Sa mga Binabagyong Tabing Ilog ng Jordan,”
     isinalin mula sa “On Jordan’s Stormy Banks”
     ni Samuel Stennett, 1727-1795).

Tayo ay literal na “determinado para sa ipinangakong lupain”! Ang ulap ay bubukas at susundan natin si Hesus pababa sa lupa.

“At ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya” (Zekarias 14:5).

Tayo gayon ay gagawing

“iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios”
       (Apocalipsis 5:10).

Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang parehong Hesus, na tinangihan ng tao;
Siya’y darating muli, siya’y darating muli,
Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati,
  Siya’y darating muli.
   (“Siya’y Darating Muli,” isinalin mula sa
     “He is Coming Again” ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:6).

III. Pangatlo, ang teksto ay nagsasalita tungkol sa mga Kristiyanong
naghahari kasama ni Kristo.

“Kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon”
       (Apocalipsis 20:6).

Maraming mga Kristiyano’y hindi naiisip na ito’y isang mahalagang hangarin ng Kristiyanong buhay. Hindi lamang tayo naligtas upang magpunta sa Langit balang araw, dakilang hangarin nga naman iyan. Ngunit mayroong isang kritikal na hangarin. Atin dapat ihanda ang ating sarili upang magharing kasama ni Kristo sa kanyang 1,000 taong Kaharian sa lupa.

Mayroon dalawang pangunahing kwalipikasyon para sa pakikipaghari kasama ni Kristo. Una, dapat magpagbagong loob ka. Iyan ay hindi isang maliit na kwalipikasyon, dahil sinabi ni Hesus,

“Malibang kayo'y magsipanumbalik…hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).

Alam ko mayroong mga gumagawa ng pagpaparis sa pagitan ng iba’t ibang mga parirala tungkol sa Kaharian, ngunit hindi ako kailan man naging gaanong ka-interesado sa ganoong uri ng paghihiwalay at pagpaparis. Kung hindi ka handang pumasok sa kaharian ng Langit sa pamamagitan ng pagiging napagbagong loob, huwag mo dapat isipin na magkakaroon ka ng kahit anong bahagi sa Kanyang Kaharian sa lupa! Iya’y mukhang sapat na simple sa akin. At si Hesus ay napalayo sa pagsasabing,

“Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3).

Kung hindi ka tunay na napagbagong loob hindi ka makapapasok sa kaharian (Mateo 18:3). Kung hindi ka naipanganak muli, hindi mo pati “makikita [ang] kaharian” (Juan 3:3). Ika’y mapupunta sa Impiyerno.

Kaya, ang unang kwalipikasyon para sa paghahari kasama ni Kristo sa Kanyang 1,000 taong Kaharian ay na ika’y mapagbagong loob, tunay na naipanganak muli. Gawin itong ang pangunahing pinag-aalala. Siguraduhing ika’y napagbagong loob sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Hesu-Kristo. Dapat kang mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo kung hinahangad mong maghari kasama Niya sa Kanyang 1,000 taong makalupaing Kaharian.

Ngunit, pumapangalawa, dapat kang masanay bilang isang disipolo ni Kristo. Iniutos sa ating ni Hesus,

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at [turuan ang] lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo”
       (Mateo 28:19-20 [KJV]).

Ipinunto ni Dr. W. A. Criswell na ang “turuan ang lahat ng mga bansa” ay “mas literal na maiintindihan bilang ‘gawing mga disipolo’” (Isinalin mula sa Criswell Study Bible, sulat sa Mateo 28:19). Sumusunod sa pagsasalin ni Dr. Criswell ito’y magiging,

“Magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa” (Mateo 28:19).

Isa sa mga bagay na dapat gawin ng isang Bagong Tipang simbahan ay, sa pagsunod sa utos ni Kristo sa Dakilang Komisyon, ay “gawing alagad [ni Kristo sa] lahat ng mga bansa” (Mateo 28.19).

Ang lokal na Bagong Tipang simbahan ay sinabihang magwagi ng mga tao kay Kristo, at pagkatapos ay sanayin sila upang mga disipolo ni Kristo. Ang pagsasanay ng alagad na tayo ay tinuruan tungkol sa Mateo 28:20 ay nangyari sa loob ng lokal na simbahan. Iyan ay isa sa ating Bautismong pagkakakaparis. Dapat namin kayong sanaying maging mga alagad sa lokal na simbhan. Ang programa ng pagsasanay na iyan sa lokal na simbahan ay mahusay na naibalangkas ng Mga Taga Efeso, kapitulo 4, mga berso 11-12,

“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay [pagtatatag] ng katawan ni Cristo”
     (Mga Taga Efeso 4:11-12).

Isa sa mga dahilan na ika’y dapat nasa simbahan bawat Linggo ay matutunan ang Bibliya, at matutunan kung paano bumuhay ng Kristiyanong buhay, bilang isang disipolo ni Kristo.

Sinabi ni Hesus,

“Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa” (Apocalipsis 22:12).

Pagkatapos ng unang pagkabuhay muli (kilala rin bilang ang Pag-aagaw) lahat ng mga tunay na Kristiyano ay mapaparangalan ayon sa kanilang gawain, sa Paghahatol sa Berna:

“Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan”
       (I Mga Taga Corinto 3:14).

Ang mga parangal ay ibibigay sa mga Kristiyano sa 1,000 taong Kaharian ni Kristo. Ang layunin ng Kristiyanong buhay, gayon, ay hindi lang simpleng magpunta sa Langit, kahit na nakararangal nga iyan – kundi upang magtatag ng mga parangal sa padating na makamundong Kaharian ni Kristo.

Siguraduhing ika’y napagbagong loob. At pagkatapos siguraduhing gawin ang lahat ng makakaya para kay Kristo. Sinabi ni Hesus,

“Mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw”
       (Mateo 6:20).

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:6).

Si Hesu-Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan. Bumangon Siyang lamang-tao mula sa pagkamatay sa pangatlong araw pagkatapos Niyang mailibing. Siya ngayon ay naka-upo sa kanang kamay ng Diyos, sa itaas sa Langit. Pumunta kay Kristo. Mananampalataya kay Kristo. Huhugasan niya ang iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo, at ililigtas ang iyong kaluluwa mula sa Impiyerno.

Pagkatapos ay pumasok sa isang lokal na simbahan at kumayod para kay Kristo. Magpunta sa simbahan tuwing ang pinto ay bukas. Gumawa ng lahat ng iyong makakaya para kay Kristo. Mag-impok ng mga kayamanan sa padating na Kaharian ni Kristo!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Apocalipsis 20:1-6.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siya’y Darating Muling” Isinalin mula sa
“He is Coming Again” (ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).


BALANGKAS NG

NAGHAHARI KASAMA NI KRISTO SA KANYANG KAHARIAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:6).

I.   Una, ang teksto ay nagsasalita tungkol sa Pag-aagaw,
I Mga Taga Tesalonica 4:16-17; Apocalipsis 20:14.

II.  Pangalawa, ang teksto ay tumutukoy sa Kaharian ni Kristo,
Mateo 6:10; I Mga Taga Tesalonica 4:16;
Zekarias 14:4-5; Apocalipsis 5:10.

III. Pangatlo, ang teksto ay nagsasalita tungkol sa mga Kristiyanong
naghahari kasama ni Kristo.
1. Dapat kang mapagbagong loob, Mateo 18:3; Juan 3:3.
2. Dapat kang masanay bilang disipolo ni Kristo,
    Mateo 28:19-20; Mga Taga Efeso 4:11-12;
    Apocalipsis 22:12; I Mga Taga Corinto 3:14;
    Mateo 6:20; Apocalipsis 20:6.