Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SI PABLO – ANG MODELONG NAPABAGONG LOOB PAUL – THE MODEL CONVERT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16). |
Maraming mga tao ang nag-iisip na ang pagbabagong loob ng Apostol Pablo ay talagang di pangkaraniwan na hindi natin inaasahang maligtas sa ganoong paraan ang kahit sino ngayon. Sa tinggin ko ang pagkakamaling ito ay nanggagaling mula sa katunayan na napaka-kaunting mga taong nagpupuntang simbahan, lalo na sa Kanlurang mundo, ay nagkaroon ng pagbabagong loob na tulad ng kay Pablo. Gayon iniisip nila na ang kanyang pagbabagong loob ay di-pangkaraniwan, kakaiba. Ngunit sumasalungat ang aking teksto sa kanila. Simpleng sinasabi nito na ang pagbabagong loob ni Pablo ay “isang “halimbawa” ibigsabihin isang kopya… para sa isang pagkakatulad” (Isinalin mula kay Strong). Gayon, sinabi ni Spurgeon na ang pagbabagong loob ni Pablo ay “isang halimbawa noong mga iyon upang sundan…ang halimbawa noong mga ibang nabuo…si Pablo ay ang perpektong [larawan] ng isang napagbagong loob…ang lahat ng [tunay] na pagbabagong loob ay nasa mataas na antas na katulad nitong halimbawang pagbabagong loob na ito. Ang pagbabago ni…Saul ng Tarsus kay Apostol Pablo ay isang karaniwang pangyayari ng gawain ng biyaya sa puso” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Paul as Pattern Convert,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1979 inilimbag muli, volume LIX, p. 385).
Sa madaling salita, kung gusto mong maging tunay na Kristiyano, kailangan mong magkaroon ng tunay na pagbabagong loob tulad ni Pablo, dahil ang pagbabagong loob ni Pablo ay ibinigay “na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya [kay Kristo], sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16).
Sa palagay ko iyan ang dahilan na ang testimono ni Pablo ay inulit ng anim na beses sa Bagong Tipan (I Timothy 1:15-16; Mga Gawa 9:22; 26; Mga Taga Galacias 1, 2; Mga Taga Filipo 3:1-14). Gusto ng Diyos na marinig mo ang pagbabagong loob ni Pablo ng anim na beses sa Bagong Tipan upang malaman mo kung paano ka dapat mapagbabagong loob. Mayroon lamang isang paraan upang maging isang tunay na Kristiyano, at iya’y sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ni Pablo. Ang mga detalye ay maaring iba sa ilang bagay, ngunit ang pangunahing “halimbawa” ng pagbabagong loob ni Pablo ay inuulit sa bawat beses na may isang tunay na napagbabagong loob at nagiging tunay na Kristiyano.
“Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16)
Gayon bibigyan ko kayo ng balangkas ng pagbabagong loob ni Pablo sa apat na mga punto.
I. Una, nakarinig si Pablo ng isang ebanghelistikong pangaral.
Huwag kang magkakamali rito. Si Pablo ay malapit na nakatayo at narinig si Esteban na nagbigay ng isang malakas na ebanghelistikong pangaral. Tayo ay sinabihan sa dalawang lugar sa, Mga Gawa 7:58, at muli sa Mga Gawa 22:20, kung saan sinabi niya, “ako nama'y nakatayo sa malapit [doon].”
Anong ipinangaral ni Esteban? Nangaral siya laban sa mga kasalanan ng mga tao sa kasalukuyan noong araw na iyon. Sinabi niya, “kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo” (Mga Gawa 7:51). Nagsalita siya tungkol kay Hesus “na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao” (Mga Gawa 7:52). Sinabi niya, “nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios” (Mga Gawa 7:56).
Narinig ni Pablo si Esteban na nangaral sa kanyang kasalanan ng pagtatangi kay Kristo at sa pagdadagdag sa Kanyang kamatayan sa Krus. Narinig niya si Esteban na nagsabi na kanyang sinalansang ang Espiritu ng Diyos at sinira ang kautusan ng Diyos (Mga Gawa 7:53). Narinig niya si Esteban na nagsabi na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay at ngayon ay nasa kanang kamay ng Diyos sa Langit.
Ang mga iyon ay dakilang mga ebanghelistikong katotohanan na dapat mong marinig kung inaasahan mong pagbabagong loob sa paraan na napagbagong loob si Pablo, sinusundan ang kanyang “halimbawa.” Iyo ring sinalansang ang Espiritu Santo sa iyong magpagrebeldeng puso. Ikaw rin ay dumagdag sa kamatayan ni Kristo sa pamamagitan ng iyong kasalanan. Iyo ring pinagtaksilan ng paulit-ulit si Kristo sa pagkakalingat magsimba, sa pagbibigay ng mas higit na halaga sa iyong pag-aaral kay sa sa pagsasamba sa Diyos ng Linggo. Hindi mo ba alam na halos lahat kaming nandito ngayong umaga ay naging kolehiyo? Hindi mo ba alam na kinailangan naming planuhin ang aming oras upang makapagbigay kami ng lugar para sa Diyos tuwing Linggo? Nagtrabaho ako ng apat na pung oras bawat linggo at nagsikap ng lubos na magpunta sa kolehiyo ng gabi ng pitong taon. Ngunit hindi ko kailan man nakalingat ang simbahan. Higit pa riyan, nagturo ako ng Linggong Pag-aaral sa mga Tsino bawat Linggo. Nangaral ako sa mga bata ng simbahan pagkatapos ng Linggong Pag-aaral. Sumusundo ako ng maraming mga Tsinong bata para sa simbahan, inuuwi sila pagkatapos, at pagkatapos ay tinuruan sila muli ng gabi ng Linggo. Hindi ko iyan ginawa para sa sarili ko. Ginawa ko ito para sa mga Tsinong mga bata. At nagsikap akong magpunta sa kolehiyo sa gabi, at nagtrabaho ng 8 oras bawat araw, 40 na oras bawat linggo. At tinitignan mo ako at sinasabi sa akin na wala kang oras para sa simbahan. Mahiya ka sa sarili mo! Ang ibig sabihin talaga nito ay wala kang oras para sa Diyos! Palagi mong sinasalangsang ang Espiritu Santo! Binuhay mo ang buong makasarili mong buhay na tinatanggihan ang Diyos at ang pagpapako sa Krus ni Kristo at muli sa pamamagitan ng iyong pagkamakasarili! Iyan ang simpleng katotohanan! Iyan ang narinig ni Pablo, at iyan ang dapat mong marinig! Ika’y isang makasalanan! Ika’y nasa ilalim ng kondemnasyon ng Diyos! Ika’y nasa ilalim ng poot ng Diyos! Ika’y nalalapit na hahatulan ng Diyos,
“at sa Hades… itiningin [ninyo] ang kaniyang mga mata”
(Lucas 16:23).
Maaring may magsabing, “Hindi mo pwedeng sabihin iyan sa akin! Hindi na ako babalik!” Gayon, sige huwag kang bumalik! Ngunit ang sinabi ko sa iyo ay totoo – ang totoong katotohanan na narinig ni Pablo na ipinangaral ni Esteban. Tangapin mo ito o tangihan! Ang pagbabagong loob ni Pablo ay halimbawa sa lahat ng pagbabagong loob. Gayon kailangan mong makarinig ng matigas na pangangaral ng ebanghelyo upang magkaroon ng tunay na pagbabagong loob tulad ni Pablo.
“Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16).
Tangapin mo ito o tangihan! Sinabi ko sa iyo ang katotohanan mula sa Bibliya. Tangapin mo ito o tangihan! Kailangan mong marinig ang ganoong uri ng pangangaral o hindi ka kailan man magiging isang tunay na Kristiyano. Kailangan mong sundan ang “halimbawa” ni Pablo.” Iyan ang uri ng pangangaral na kaniyang narinig, at iyan ang uri ng pangangaral na dapat mong marinig! Ika’y isang makasalanan! Tangapin ito o tangihan!
II. Pangalawa, si Pablo ay napunta sa ilalim ng pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan.
Noong nagsalita si Hesus sa kanya, si Pablo ay bumagsak sa lupa. Siya’y nanginig at nagulat (Mga Gawa 9:4, 6). Siya ay nasa ilalim ng matinding pakakakilala ng kanyang pagkakasala na siya’y nag-ayuno at nagdasal ng tatlong araw sa isang madilim na silid (Mga Gawa 9:9-11).
“Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16).
Isang 17 taong gulang na lalake ay nakarinig ng isang lalakeng mangaral sa kalye. Sinabi ng lalake na ang binata ay isang makasalanan, na pupunta sa umaapoy na Impiyerno. Sinabi ng lalake na kinailangan niyang makamit si Kristo, o masunog sa apoy ng walang hangan. Tulad ni Pablo, ang “halimbawa” ng napagbagong loob, ang binata ay tumakbo pauwi, umakyat sa pinakamataas na silid ng bahay, at itinapon ang kanyang sarili sa sahig sa mga luha ng pagkakakilala ng pagkakasala, hangang sa nahanap niya si Kristo. Iyang ang pinagdaanan ni Pablo. At iyan ang pinagdaanan ng 17 taong gulang na si A. W. Tozer. Siya’y naging isa sa pinaka dakilang Kristiyanong may-akda ng ika-dalawam pung siglo. Siya’y naging isang Kristiyano sa parehong paraan ni Pablo, pagkatapos ng parehong halimbawa. At iyan ang dapat mong pagdaanan! Kapag ang Espiritu ng Diyos ay darating sa iyo, kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8).
Kung hindi ka mapupunta sa ilalim ng pagkakakilala ng pagkakasala ng iyong kasalanan hindi ka kailan man magiging tunay na Kristiyano. O, maari kang magpunta sa isang simbahan sa umaga ng Linggo. Ngunit mananatili kang isang tawag lang na taong simbahan. Hindi ka kailan man magigingg isang tunay na mapagbagong loob. Hindi ka kailan man magsisisi at magiging isang tunay na Kristiyano maliban nalang kung iyong makikilala ang iyong pagkamakasalanan gaya ni Pablo!
“Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16).
III. Pangatlo, si Pablo ay naipanganak muli.
Pagkatapos ng tatlong araw ng pagluluha, pag-aayuno at pananalangin, sa ilalim ng malalim na pagkakakilala ng pagkakasala ng kasalanan, natanggap ni Pablo ang Espiritu Santo at naipanganak muli,
“At pagdaka'y…tinanggap niya ang kaniyang paningin”
(Mga Gawa 9:18).
Ang bagong pagkapanganak ay kaagad-agad. Maari kang magpaurong-sulong ng mahabang panahon. Maari mo minsan maramdaman ang iyong kasalanan, at pagkatapos ay mawala mo ang iyong pagkakatagpo ng pagkakasala. Ngunit sa sandaling dumating ang tunay na pagbabagong loob, maliligtas ka ng kasing bilis ni Pablo.
Tinanggihan ni Joseph Hart si Kristo. Kinamumuhian niyang makarinig ng mga sermon na naglalantad ng kanyang kasalanan. Kinamumuhian niyang marinig na siya ay maitatapon sa Lawa ng Apoy. Kinamumuhian niyang marinig na kinailangan niya ang Dugo ni Kristo upang mahugasan ang kanyang mga kasalanan. Ngunit noong nahawakan siya ng Diyos, inuga niya si Joseph Hart at hinawakan siya sa bunganga ng Impiyerno. Si Joseph Hart ay natagpuang nagkasala ng kanyang mga kasalanan. Nagpunta siya kay Kristo. Sa isang sandali ng panahon siya ay naligtas sa pamamagitan ni Hesus, ang kanyang napakong Diyos. Nagpatuloy si Joseph Hart na magsulat ng mga magagandang mga himno. Isa sa mga himnong iyon sinabi niya,
Sa sandaling ang isang makasalanan ay mananampalataya,
At magtiwala sa kanyang napakong Diyos,
Ang kanyang kapatawaran ay agad niyang matatanggap,
Kaligtasan sa kabuuan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo.
(“Sa Sandaling ang isang Makasalanan ay Mananampalataya,”
Isinalin mula sa “The Moment a Sinner Believes” ni Joseph Hart, 1712-1768).
O gaya ng pagkalagay nito ni Robert Lowry,
Anong makakahugas ng aking mga kasalanan?
Wala kundi ang Dugo ni Hesus.
Anong makakagawang buo sa akin muli?
Wala kundi ang Dugo ni Hesus.
Kantahin ang koro!
O, mahal ang pagdaloy
Na gumagawa sa aking kasing puti ng niyebe!
Wala nang ibang bukal ang alam ko,
Wala kundi ang Dugo ni Hesus.
(“Wala Kundi ang Dugo,” Isinalin mula sa
“Nothing But the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).
IV. Pang-apat, nagkaroon si Pablo ng bagong layunin sa buhay pagkatapos niyang maipanganak muli.
Pagkatapos niyang maging tunay na Kristiyano sinabi ni Pablo,
“Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo. Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo” (Mga Taga Filipo 3:7-8).
Ngayon na siya ay naipanganak muli, sinabi ni Pablo na parang lahat ng kanyang nakaraang ambisyon at mga hangarin ay wala kundi mga dumi. Mula sa sandaling siya ay napagbagong loob, si Pablo ay nabuhay para kay Kristo, at na kumayod para kay Kristo, at pinaglingkuran si Kristo. Niligtas siya ni Kristo, at ngayon si Kristo ang kanyang Senyor at Panginoon.
Ang pagbabagong loob ni Pablo ay ibinigay ng anim na beses sa Bibliya “na halimbawa sa mga magsisisampalataya [kay Kristo], sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16). Naway magkaroon ka ng parehong uri ng pagbabagong loob na nagkaroon si Pablo – dahil iyan ang natatanging paraan upang makatakas mula sa apoy ng Impiyerno, makamit ang walang hangang buhay, at mapatawad ang iyong mga kasalanan!
“Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Ni Timoteo 1:12-16.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Dapat Kang Maipanganak Muli,” isinalin mula sa
“Ye Must Be Born Again” (ni William T. Sleeper, 1819-1904).
ANG BALANGKAS NG SI PABLO – ANG MODELONG NAPABAGONG LOOB ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan” (I Timoteo 1:16). (I Ni Timoteo 1:15-16; Mga Gawa 9; 22; 26; Mga Taga Galacias 1, 2; I. Una, nakarinig si Pablo ng isang ebanghelistikong pangaral, II. Pangalawa, si Pablo ay napunta sa ilalim ng pagkakatagpong nagkasala III. Pangatlo, si Pablo ay naipanganak muli, Mga Gawa 9:18. IV. Pang-apat, nagkaroon si Pablo ng bagong layunin sa buhay pagkatapos |