Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MAPAGPANANAMPALATAYANG PAHAYAG NI PABLO

PAUL’S FAITHFUL TESTIMONY

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga, Ika-8 ng Nobyembre taon 2009

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito” (I Kay Timoteo 1:15).


Narito ay isang napaka simpleng berso. Ito’y isang simpleng teksto na nagbibigay sa atin ng tunay na kahulugan, ang pinaka puso, ng tunay na Kristiyanismo. Intindihin ang bersong ito at makukuha mo ang pangunahing punto ng Bagong Tipan.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito”
       (I Kay Timoteo 1:15).

I. Una, ang teksto ay isang tunay na pahayag na dapat matanggap.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat…”
       (I Kay Timoteo 1:15a).

Ang sinasabi ng mga Apostol ay nararapat pagkatiwalaan. Ito’y hindi isang pabula o isang alamat. Ito’y ang katotohanan ng Diyos, na nalalahad kay Kristo, at prinoproklama sa pamamagitan ng Bibliya. Pagkatapos, sa kanyang pangalawang sulat kay Timoteo, ang Apostol ay nagsalita tungkol sa

“…ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Kay Timoteo 3:15).

At sinabi ng Apostol Pedro,

“Ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo” (II Ni Pedro 1:21).

Gayon ang Bibliya’y ang pinagkuhanan ng mapagpananampalatayang pahayag sa ating teksto. Hindi sinundan ng mga Apostol ang mga mapaglinlang na mga nilikhang pabula” noong sila’y nagsalita tungkol kay Krsito, “mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan” (II Ni Pedro 1:16). Nagsalita sila tungkol kay Kristo, na kanilang personal na nakatagpo,

“…yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay…”
       (I Juan 1:1).

Ang mga ito’y ang mga Apostol,

“Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw”
     (Mga Gawa 1:3).

Kung gayon, ang sasabihin ni Pablo sa atin ay lubos na nananampalataya sa katotohanan ng mga Kasulatan, isang mapagkakatiwalaang pahayag na nararapat na matangap at mapaniwalaan. Gayon ayaw ni Satanas na paniwalaan ito. Sinabi ni Spurgeon,

[Si Satanas] ay sumisingit sa gitna ng pulong, at binubulong niya sa puso ng isang [tao], “Huwag mo itong paniwalaan!” at [sa] iba, “Tawanan mo ito!” at [sa] iba na naman, “Layuan mo ito!” [At sa isang kawawang makasalanan, sinasabi ng diablong] “Huwag mo itong paniwalaan – masyado itong mabuti upang maging totoo.” Sasagutin ko ang diablo gamit ang sariling mga salita ng Diyos, “Tapat ang [pasabing ito].” Ito’y mabuti, at ito’y kasing totoo ng kabutihan nito…umaasa akong itutulak mo si Satanas papalayo sa iyo, at hindi ito isiping totoo (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Glorious Gospel,” The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 inilimbag muli, volume IV, p. 158).

Kaya, sinasabi ko sa iyo, huwag kang makinig sa mga pagdududa na inilalagay ni Satanas sa iyong isipan.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito” (I Timoteo 1:15).

“Makaliligtas si Hesus!” Kantahin ito!

Nakarinig tayo ng isang nakasisiyang tunog:
   makaliligtas si Hesus! Makaliligtas si Hesus!
Ikalat ang balita sa lahat:
   makaliligtas si Hesus! Makaliligtas si Hesus!
Dalhin ang balita sa bawat lupain,
   Akyatin ang mga dalusdos at tawirin ang mga alon;
Sumuling! Ito’y ang utos n gating Panginoon;
   makaliligtas si Hesus! Makaliligtas si Hesus!
(“Makaliligtas si Hesus” Isinalin mula sa “Jesus Saves”
       ni Priscilla J. Owens, 1829-1907).

II. Pangalawa, ang teksto ay isang tunay na pahayag tungkol sa Tagapagligtas, kasalanan at kaligtasan.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito”
     
 (I Kay Timoteo 1:15).

Una, tinutukoy nito ang ating Tagapagligtas. Sinabi ni Dr. McGee,

Ito ay napaka mahalagang berso ng Kasulatan dahil pinapatunayan nito na “si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan.” Hindi siya dumating upang maging ang pinaka magaling na guro na nakilala ng mundo, kahit na Siya nga’y ganoon. Hindi Siya dumating upang maglapag ng isang moral na halimbawa, ngunit ginawa nga Niya iyan. Dumating siya sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume V, p. 434; sulat sa I Timoteo 1:15).

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan.” “Naparito siya sa sanglibutan” mula sa Langit,

“Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak…” (Mga Taga Galacias 4:4).

“At nagkatawang-tao ang Verbo…” (Juan 1:14).

Bakit dumating si Kristo sa mundo? “Upang iligtas ang mga makasalanan” (I Kay Timoteo 1:15). Iyan ang sinabi ni Hesus tungkol sa sarili Niya,

“Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lucas 19:10).

Iyan ang dahilan na kinuha ni Hesus ang iyong mga kasalanan sa Kanyang sarili. Iyan ang dahilan na nagpawis Siya ng Dugo sa Hardin ng Gethsemane. Iyang ang dahilan na Kanyang tiniis ang paghahampas, na basang basa sa Dugo. Iyang ang dahilan na Siya’y nagpunta sa Krus, ang mga pakong tumutusok sa Kanyang mga kamay at paa. Iyan ang dahilan na Siya’y namatay ng isang teribleng kamatayan sa Krus, nasa paghihirap, sakit at Dugo – “upang iligtas ang mga makasalanan!” “Makaliligtas si Hesus.” Kantahin ito muli!

Nakarinig tayo ng isang nakasisiyang tunog:
   Makaliligtas si Hesus! Makaliligtas si Hesus!
Ikalat ang balita sa lahat:
   Makaliligtas si Hesus! Makaliligtas si Hesus!
Dalhin ang balita sa bawat lupain,
   Akyatin ang mga dalusdos at tawirin ang mga alon;
Sumuling! Ito’y ang utos ng ating Panginoon;
   Makaliligtas si Hesus! Makaliligtas si Hesus!

Muli, sinasabi ng tekstong si Kristo ay dumating “sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan.” Maari kang magtaka kung bakit ako gumugol ng ganito karaming oras, nitong lumipas na ilang linggong, nangangaral laban sa Darwiniang ebolusyon. Maari mong sabihin, “Bakit siya masyadong nagsasalita tungkol diyan?” Ang sagot ay simple. Itinuturo ng Darwinismo na ang tao ay isa lamang hayop, isa na namang dakilang unggoy, na nagbago mula sa masmababang anyo. Ngunit kung ang Darwinismo ay totoo, bakit kinailangan ni Kristong dumating? Kung ang tao ay isa na namang hayop, bakit kinailangan ni Kristong bumaba mula sa Langit at mamatay sa Krus? Sasabihin ko sa iyo kung bakit – dahil ang tao ay isang espesyal na lalang ng Diyos. Ang tao ay hindi nagbago mula sa mas mababang anyo ng buhay. “Nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan” (Genesis 1:27). Ngunit ang tao ay nagkamali sa umpisa. Nagkasala siya, at sa pamamagitan ng kanyang kasalanan, lahat ng kaniyang mga anak ay naging mga makasalanan sa kalikasan at sa kagawian. Itinuturo ng Bibliya na ang tao ay nilikha ng Diyos, ngunit naging makasalanan. Iyan ang dahilan na kinailangan ni Kristong dumating at mamatay sa Krus, at bumangon mula sa pagkamatay – upang iligtas ang mga kalalakihan at kababaihan mula sa kasalanan!

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan…” (I Timoteo 1:15).

Itinuturo ng Bibliya na ika’y isang makasalanan. Sinabi ni Apostol Pablo,

“Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa: Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa”
       (Mga Taga Roma 3:10-12).

Dahil ika’y isang makasalanan, hindi mo mapasisiyahan ang Diyos, gaano man kahirap mo itong susubukan. Ang iyong mga kasalanan ay dapat mabayaran dahil sa pamamagitan ng napakong si Kristo,

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy…” (I Ni Pedro 2:24).

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).

Kantahin ang koro, “Binayaran ni Hesus Lahat”!

Binayaran ni Hesus lahat,
   Lahat sa Kanya akin utang;
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa,
   Hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.
(“Binayaran ni Hesus Lahat,” isinalin mula sa
    “Jesus Paid It All” ni Elvina M. Hall, 1820-1889).

Kantahin ang “Nasa sa Krus”!

Nasa krus, nasa krus,
   Maging aking luwalhati kailan man;
Hangang sa ang aking nagalak na kaluluwa’y mahanap
   Magpahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus,” isinalin mula sa
    “Near the Cross” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

Kakaunti ang nagsasabi nito ngayon, ngunit maaring isa ka sa kanila. Maaring isa ka sa mga nagsasabing, “Ako’y masyadong malubhang makasalanan upang maligtas ni Hesus.” Ngunit tignan muli ang teksto.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito”
     
 (I Kay Timoteo 1:15).

Sinabi ni Pablo na siya ay sa pinakauna’y isang makasalanan, ang pangulo ng makasalanan. Siya ay nagsasalita ng katotohanan. Isinumpa niya ang Panginoon Hesu-Kristo. Inusig at pinatay niya ang mga Kristiyano. Ngunit niligtas siya ni Kristo! Kung maliligtas ni Kristo ang isang malupit na makasalanan tulad ni Pablo, maliligtas ka rin Niya. Kung mapababago ni Kristo ang isang masamang tao tulad ni Pablo na maging isa sa Kanyang mga Apostol, mapapatawad Niya rin ang iyong mga kasalanan at mabago ang iyong puso, at gawin kang isang tunay na Kristiyano!

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito”
       (I Kay Timoteo 1:15).

Si Hesus ay dumating upang iligtas ang mga makasalanan. Kung nadarama mong ika’y isang makasalanan, maari kang iligtas ni Kristo. Ngunit binabalaan kita – kung hindi mo nararamdaman na ika’y isang makasalanan, hindi ka Niya maliligtas. Dahil

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan,”

at wala ng iba! Dumating lamang Siya upang iligtas ang mga makasalanan. Kaya, kung lumalabag ka na hindi ka isang makasalanan, hindi ka Niya ililigtas. Naway gawin ng Diyos na matagpuan mong ika’y nagkasala ng kasalanan. Naway dalhin ka ng Diyos kay Kristo. Naway mapatunayan ka sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay, at malinisan ka mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Kantahin ang himno bilang 7 sa inyong papel!

Bilang ako lamang, na walang paghingi ng tawad,
   Ngunit ang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin,
At ako’y Iyong tinatawag na lumapit sa Iyo,
   O Cordero ng Diyos, Akoy pupunta sa Iyo, Ako’y pupunta sa Iyo!

Bilang ako lamang, at hindi naghihintay
   Upang malinaw ang aking kaluluwa ng isang itim na mantsa
Sa Iyo na ang dugo’y makalilinis ng bawat mantsa,
   O Cordero ng Diyos, Ako’y pupunta sa Iyo! Ako’y pupunta sa Iyo!

Bilang ako lamang, kahit natitilapon kung saan saan
   Na may maraming kaguluhan, maraming pagdududa,
Mga pakikibaka at mga takot sa loob, na wala,
   O Cordero ng Diyos, Ako’y pupunta sa Iyo! Ako’y pupunta sa Iyo!
(“Bilang Ako Lamang,” isinalin mula sa “Just As I Am”
   ni Charlotte Elliott, 1789-1871).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Kay Timoteo 1:12-16.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O, Anong Bukal!” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


BALANGKAS NG

ANG MAPAGPANANAMPALATAYANG PAHAYAG NI PABLO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito” (I Kay Timoteo 1:15).

I.   Una, ang teksto ay isang tunay na pahayag na dapat matanggap,
I Kay Timoteo 1:15a; II Kay Timoteo 3:15; II Ni Pedro 1:21, 16;
I Juan 1:1; Acts 1:3.

II.  Pangalawa, ang teksto ay isang tunay na pahayag tungkol sa
Tagapagligtas, kasalanan at kaligtasan, I Kay Timoteo 1:15b;
Mga Taga Galacias 4:4; Juan 1:14; Lucas 19:10; Genesis 1:27;
Mga Taga Roma 3:10-12; I Ni Pedro 2:24; Isaias 53:6.