Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA KALAMANGAN AT MGA BALAKID NG THE ADVANTAGES AND DISADVANTAGES ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12). |
Ito’y isang simpleng estorya. Isang babae ay hindi magka-anak. Nanalangin siya at nangako sa Diyos na kanyang iaalay ang kanyang anak sa buong buhay nito sa paglilingkod sa tabernakulo kung sasagutin Niya ang kanyang panalangin. Sinagot siya ng Diyos. Isang anak na lalake ang ipinanganak. Pinangalanan niya siyang Samuel, at dinala siya sa tabernakulo, at ibinigay siya sa saserdote na nagngangalang Eli upang palakihin.
Ngayon ang saserdote ay mayroong dalawang lalakeng anak na nagngangalang Phinees at Ophni. Sila’y relihiyoso, ngunit wala silang interest ukol sa mga bagay ng Diyos. Sa kabilang dako, naranasan ni Samuel ang Diyos isang gabi at napagbagong loob. Ngunit ang dalawang mga anak ni Eli ang saserdeto ay nagpatuloy, na relihiyoso ngunit nawawala. Sa wakas hinatulan sila ng Diyos,
“At ang dalawang anak ni Eli, si Ophni at Phinees ay pinatay”
(I Samuel 4:11).
Ang kwento ni Phinees at Hophni ay ibinigay sa Bibliya para sa isang dahilan. At naniniwala ako na ang kanilang kwento ay ibinigay sa Kasulatan bilang isang babala sa mga kabataan na pinalaki sa isang Kristiyanong tahanan. Ika’y ba’y pinalaki sa isang Kristiyanong tahanan? Kung ikaw nga, maraming mga aral sa buhay ng mga kalalakihang ito, ang ibinigay ng Diyos upang bigyan kang babala.
“Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12).
Kukuha ako ng dalawang aral mula sa mga anak ni Eli.
I. Una, ang mga kalamangan ng pagiging isang pinalaki sa simbahan.
Mayroon silang kalamangan na kakaunting mga tao ang mayroon. Lumaki sila sa isang makadiyos na tahanan. Sila’y nasa ilalim ng paraan ng biyaya sa buong buhay nila. Alam nila ang Bibliya. Nakarinig na sila ng maraming mga pangaral. Sila’y nakagawian ng relihiyoso. At gayon man, “hindi nila nakilala ang Panginoon.” Sila’y “mga hamak na lalake [Belial]” (I Samuel 2:12).
Sinong tinutukoy ng Bibliya noong sinasabi nilang sila’y “mga hamak na lalake [Belial]”? Ito’y isang Hebreong salita na nangangahulugang “walang kabuluhan.” Sinabi ni Keil at Delitzsch,
Si Ophni at Phinees ay…mga kalalakihang walang kabuluhan, at hindi kilala ang Panginoong, na [ganoon] dapat Siya’y kilala, hal. hindi Siya kinatakutan o hindi man sila naligalig tungkol sa Kanya (isinalin mula kay C. F. Keil at F. Delitzsch, Commentary on the Old Testament, Eerdmans, 1973 inilimbag muli, volume III, bahagi 2, p. 35).
Sinabi ni Mathew Henry,
Si Eli mismo ay isang mabuting tao, at walang dudang pinag-aral ang kanyang mga anak ng mabuti, binigyan sila ng mga maiging paggabay, pinapakitaan ng mabuting halimbawa, at nag-aalay ng maraming mahuhusay na panalangin para sa kanila; at gayon man, noong sila’y lumaki, napatunayang sila’y mga hamak na lalake,” lumapastangang masasamang lalake… sila’y tinutukoy bilang lubos na walang alam sa Diyos; sila’y nabuhay na parang wala silang alam kahit ano tungkol sa Diyos. Tandaan, hindi kayang bigyan ng biyaya ng mga magulang ang kanilang mga anak, o na ito’y dumadaloy sa dugo (isinalin mula kay Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson, 1996 inilimbag muli, vol. 2, page 226).
Ang dalawang kalalakihang ito ay lumaki sa isang makadiyos na tahanan. Sila’y nasa ilalim ng biyaya sa buong buhay nila. Alam nila ang Bibliya. Sila’y nasa “simbahan,” sa Tabernakulo sa buong buhay nila. Nadinig nila ang mga pangaral ng kanilang amang si Eli. Nakagawiaan na nilang maging relihiyoso. Ang mga iyan ay tiyak na dakilang mga kalamangan na mga tao ng mundong hindi sibilisado’y [heathen] hindi kailan man nagkaroon. Kahit karamihan sa mga Hebreo mismo ay hindi kailan man nagkaroon ng mga kalamangan na nagkaroon ang dalawang lalakeng ito, na napalaki sa pinaka tabernakulo ng Diyos. At gayon man “hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12).
Mayroong mga kabataan ngayon na lumaki sa simbahan na may maraming kalamangan na mga batang pinalaki sa mundo ay hindi nagkaroon. Yoong mga pinalaki sa paligid ng lokal ng simbahan ay mayroong mga Kristiyanong magulang. Sila’y nasa ilalim ng kaparaanan ng biyaya sa buong buhay nila. Nakarinig na sila ng daan daang mga pangaral at aral sa Bibliya. Alam nila ang Kasulatan. Sila’y nasanay na maging nakagawian ng relihiyoso. Ang pagiging nasa simbahan para sa mga pagpupulong ay isang paraan ng buhay para sa kanila.
Ang mga bata mula sa di-Kristiyanong mga tahanan ay walang mga kalamangan na ito. Hindi nagdadasal ang kanilang mga magulang. Hindi nila binabasa ang Bibliya sa kanila. Hindi sila dinadala ng kanilang mga magulang sa simbahan. Sa katunayan, madalas silang pigilan mula sa pagpupunta. Hindi nila alam ang Bibliya. Hindi pa sila nakarinig ng ebanghelistikong pangangaral noon. Wala silang lamang sa kasanayang pagsasagawa ng Kristiyanismo. Kapag sila’y nagpupunta sa lokal na simbahan, lahat ng ito’y bago sa kanila. Hindi nila alam ang mga himno. Hindi nila alam kung paano hanapin ang tamang pahina sa Bibliya. Sila’y ilap at nalilito sa programa ng simbahan na nakagugulo sa pamumuhay nila noon.
At gayon man ang mga kabataang pumapasok mula sa mundo ay nagiging mga tunay na Kristiyano, habang yoong mga pinalaki sa simbahan ay nagpapatuloy sa kanilang relihiyosong ritwal na hindi kailan man nakararanas ng tunay na pagbabagong loob. Maari ring masabi sa mga batang pinalaki sa mga Kristiyanong tahanan, “hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12). Dahil, wala talagang pagkakaiba. Iyan mismo ang sinasabi ng Bibliya,
“Sapagka't walang pagkakaib; Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Mga Taga Roma 3:22-23).
Walang pagkakaiba sa pagitan ng isang taong pinalaki sa simbahan at isang taong hindi pinalaki sa simbahan.
“Sapagka't walang pagkakaib; Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.”
Walang pagkakaiba.
“Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3).
Gayon man, maraming kalamangan yoong mga pinalaki sa simbahan, ngunit walang pagkakaiba pagdating sa kasalanan. At walang pagkakaiba pagdating sa pagbabagong loob.
“Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).
“Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3).
Isang araw noon nabasa ko ang aklat na tinatawag na, The Rise of Evangelicalism: The Age of Edwards, Whitefield and the Wesleys (Dr. Mark A. Noll, InterVarsity Press, 2003). Ito’y ang buod ng Unang Dakilang Pagising noong ika-18 siglo. Nabasa ko na ang materyal na ito ng maraming beses, mula sa iba’t ibang mga pinagkuhanan, ngunit natagpuan ko itong isang nakamamanghang buod ng nangyari sa loob ng nakamamanghang panahon ng muling pagbabangon.
Palapit sa katapusan ng aklat, nabasa ko ang isang salaysay ng isang lalake at kanyang asawa na napagbagong loob sa ilalim ng pangangaral ni William McCulloch noong 1742, sa Cambuslang Scotland. Ang lalake at kanyang asawa ay parehong relihiyoso. Sila’y nasa simbahan na sa buong buhay nila. Sinabi ng lalake,
Nagpunta ako sa simbahan nangunguna dahil sa nakagawian na…nagkaroon ako ng lamang na napalaking relihiyoso, tinuruang magdasal dalawang beses bawat araw, at ito’y aking pinagpatuloy…at ang karaniwang katatagan ng aking ugali inudyok ang paniniwala na ako’y nasa mabuting daan [hal. na ako’y isang Kristiyano] (isinalin ibid., p. 284).
Ngunit noong Pebrero narinig nila si William McCulloch mangaral, “pagkatapos sila’y nasa gulo ng kaluluwa” (isinalin ibid.). Sa wakas isang lalake ay napagbagong loob. Tapos, pagkatapos ng isang mahabang panahong gulo sa kalooban ng kanyang asawa, ang kanyang asawa’y nakaranas ng pagbabagong loob. Sinabi ni Noll, “Isang kapansin-pansing katangian ng kanilang kwento ay kung paano handang-handa na isang buong buhay ng karunungan ng Kasulatan ay maaring dalhin sa paglilingkod ng isang matinding panahon ng ebanghelikal na pagkakatagpong nagkakasala, pakikibaka at kasiguraduhan” (isinalin ibid., pahina 285).
Tapos ibinigay ni Noll ang kwento ni Thomas Taylor (1738-1816). “Nagkaroon [siya] ng malakas na relihiyosong pagpapalaki na kasama rito’y ang pagsasaulo ng Westminister Shorter Catechism sa edad apat” (isinalin ibid., p. 289). Iyan ay tunay na mahigpit na relihiyosong pag-aaral! Ngunit hindi pa rin siya napagbagong loob. Pagkatapos niyang basahin ang Alarm to the Unconverted, ni Alleine at ang Pilgrim’s Progress, ni Bunyan, at pakikinig sa pangangaral ng pinakadakilang ebanghelistang si George Whitefield, si Taylor ay napunta sa ilalim ng malalim na pagkakatagpong nagkakasala ng kasalanan. Sinasabi ni Noll, “Malapit sa edad na dalawam pu, sa loob ng panahon ng diretsong pakikipaglaban kay Satanas…si Taylor ay binago… [Sinabi niya] ‘nakita ko Siya sa mata ng pananampalatayang, na sabit sa Krus…nanampalataya ako sa sandaling iyon’” (isinalin ibid., pahina 289). Siya ay napagbagong loob. Pagkatapos agad-agad nadama niyang tinatawag siyang mangaral at naging isang ebanghelista. Sinasabi ni Noll na nangaral siya sa loob ng napaka habang panahon kay sa kahit sinong Ingles na Metodista.
Sa loob ng daan ng kakaibang buhay na ito, siya ay sinalakay ng mga gang sa Shropshire; maraming beses siya naligtas sa pamamagitan ng espesyal na paggabay mula sa panganib ng kamatayan na dala ng mga bagyo sa karagatan, pagbagsak ng isang tulay, pagkatumba ng kanyang kabayo; naging dalubhasa siya ng Latin, Griyego at Hebreo bilang tulong sa kanyang biblikal na pag-aaral…siya’y napanatili sa mukha ng antagonismo…at palaging siya’y…nangaral, nangaral, nangaral. Ang kanyang ipinangaral ay… pagsisisi, pananampalataya at bagong pagkapanganak (isinalin ibid., pp. 289-290).
Ang tatlong mga taong ito, ang lalake at kanyang asawa at si Thomas Taylor, ay lahat naging relihiyoso ng maraming taon bago ng kanilang pagbabagong loob. Silang tatlo ay napagbagong loob pagkatapos na sila’y nasa isang mahigpit na simbahan ng maraming taon. Gayon man lahat sila’y kinailangang dumaan sa pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan, at tapos ay maranasan ang bagong pagkapanganak!
Ngunit ang mga anak ni Eli ay hindi iyan naranasan kailan man. Sila’y “mga hamak na lalake; hindi nila nakilala ang Panginooon,” o kailan man ay dumating sa pagkakakilala sa Kanya (I Samuel 2:12).
II. Pangalawa, ang mga balakid ng pagiging napalaki sa simbahan.
Napakita ko sa inyo na napaka raming mga kalamangan ng pagiging napalaki sa simbahan. Ngunit mayroon ring mga balakid. Dalawang balakid ay dumarating agad sa isipan.
Una, yoong mga pinalaki sa simbahan sa pangkalahatan ay hindi nararanasan ang pagiging mag-isa na gumugulo sa mga kabataang lumalabas mula sa mundo. Wala na akong natitirang oras upang ipaliwanag itong detalye, ngunit aking simpleng sasabihin na si Samuel ay iniwanan ng kanyang ina sa Tabernakulo. Binisita niya siya – ngunit isang beses sa isang taon lamang. Nakaranas siguro ang bata ng matinding pag-iisa sa kakaibang kapaligiran ng Tabernakulo, na halos walang makakausap kundi ang matandang lalakeng itong si Eli ang saserdote, na nagiging bulag na. Ang dalawang mga anak ni Eli ay mukhang walang pakialam kay Samuel. Habang silang dalawa ay naglalaro, si Samuel ay naiiwan mag-isa.
“At nangyari nang panahon na yaon, nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako… at si Samuel ay nakahiga upang matulog; Na tinawag ng Panginoon si Samuel: at kaniyang sinabi, Narito ako… at nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata”
(I Samuel 3:2-4, 8).
Mula sa kadiliman, ang Diyos ay nagpunta kay Jacob. Nag-iisa sa kawalan ng Midian “Tinawag ng Diyos” si Moises. Naglalakbay mag-isa sa disiyerto ng Hilagang Aprika, kinausap ng Diyos si Eunuch. At dito rin nabasa natin ang isang batang lalakeng nagngangalang Samuel, mag-isa sa kadiliman, tinawag ng Diyos, tinawag mula sa karanasan ng pagkakahiwalay, patungo kay Hesu-Kristo.
Masasabi ko madalas na isang balakid na mapalaki sa loob ng isang Kristiyanong pamilya, sa isang mabuti’t buhay na simbahan maraming beses sa isang linggo. Ilan sa inyo’y hindi pa kailan man naranasang mag-isa. Ilan sa inyong pinalaki sa simbahan ay naging kasing di-makadiyos at kawalang pakialam nina Phinees at Ophni. At kaya, hindi mo pa kailan man nararanasan ang naranasan ni Samuel. Tinatwag ka ng Diyos sa kadiliman? Bakit, hindi mo pa kailan man naranasan ang kadiliman sa iyong buong buhay! Ito’y isang balakid doon sa mga pinalaki sa simbahan. Nakatira ka lagi sa isang Kristiyanong tahanan, napaligiran ng mga Kristiyanong kaibigan. Sinasangahan ka nito mula sa madilim na pag-iisa na nararanasan ng karamihan kabataan ng isang sekular na lungsod. “Umuwi sa simabahan”? Bakit, eh palagi ka namang nakauwi sa simbahan! “Pumunta kay Hesu-Kristo”? Bakit, kilala mo noon pa si Kristo! Ah, ngunit kilala mo ba Siyang personal, para sa iyong sarili? Iyan ay tanong na hindi kailan man nakasalubong ni Phinees at Ophni, dahil,
“ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12).
Alam nilang lahat ang tungkol sa Panginoon, ngunit hindi nila Siya kilalang personal. Kilala mo ba Siyang personal? Iyan ang unang balakid ng pagiging napalaki sa simbahan, o ng pagiging nasa simbahan ng maraming taon na hindi napagbabagong loob. Hindi mo lang nararamdaman ang eksistensyal na pag-iisa na minsan ay nagdadala sa mga kabataan mula sa sekular na mundo kay Kristo.
Ang pangalawang balakid ay narinig mo na itong lahat noon. Sabihin natin na ika’y labin limang taong gulang. Kung ika’y pinalaki sa simbahang ito narinig mo na akong mangaral ng isang libo’t limang daang sermon, kasama sa umaga ng Linggo, gabi ng Linggo, at iba pang beses ng linggo. Kung ika’y dalawam pu, narinig mo na akong mangaral ng dalawang libong sermon. Narinig mo na rin ang ibang mga mangangaral. Sa tingin ko ito’y nasa loob ng marka upang sabihin na nakarinig ka na ng dalawang libo’t limang daang sermon, pati ibang mga aral sa Bibliya at mga Kristiyanong aklat na nabasa mo. Kung magpupunta ka sa isang Kristiyanong paaralan, o nag-aaral sa bahay gamit ang Kristiyanong literatura at mga videyo, walang dudang narinig mo na ang Ebanghelyong pinangaral o ipinaliwanag ng mabuti ng tatlong libong beses, marahil apat na libong beses pa, pagdating sa edad labin siyam o dalawam pu. Ano ang balakid nito?
Kung ika’y hindi pa rin napagbabagong loob, maari itong maging isang teribleng balakid. Ano man ang paksang tutukuyin ng mangangaral, narinig mo na lahat ito noon! Ang natural na ginagawa ng tao kapag naririnig niya ang mga bagay ng paulit-ulit, mawalan ng pakialam, at mag-isip na, “Ngayo’y magsasalita siya tungkol sa kasamaan. Ngayon magsasalita siya tungkol sa pakikipagsundo. Ngayon magsasalita siya tungkol sa Impiyerno. Ngayon magsasalita siya sa bagong pagkapanganak. Ngayon magkakaroon tayo ng ebanghelisktikong mga sermon. Ngayon magsasalita siya tungkol sa kasalanan. Narinig ko na ang lahat ng mga ito nga daan daang beses.” At kaya kinabishanan ng isinasara mo ang iyong isipan sa tuwing pangangaral, na madalas ay paraan ng biyaya ng pagbabagong loob ng mga nawawala. Ako’y lubos na natatakot na kinakausap ka ni Hesus noong sinabi Niyang,
“Natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi, Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas: Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik loob, At sila'y aking pagalingin”
(Mateo 13:14-15).
Iyan ang kondisyon ni Phinees at Ophni. Narinig na nila ito lahat noon. Ang kanilang mga tenga ay “mahirap ng makarinig.” Kahit na binalaan na muli sila ng kanilang matandang amang si Eli, ng huling beses, isinasara nila ang kanilang mga tenga,
“Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik loob, At sila'y aking pagalingin”
(Mateo 13:15).
Iyan ba ang iyong kalagayan ngayong gabi? Kung ito nga, tulungan ka nawa ng Diyos. Mukhang nanganganib kang nalalapit sa isang hudisyal na reprobasyon. Mukhang nanganganib kang nalalapit sa pagkakamit ng tinatawag ni Dr. Rice na “di-mapapatawad na kasalanan.” Mukhang nagnganganib kang nalalapit sa pagsusuko sa Diyos, gaya ng mga anak ni Eli,
“Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12).
“At ang dalawang anak ni Eli, si Ophni at Phinees ay pinatay”
(I Samuel 4:11),
at nagpatuloy sa isang walang diyos na kawalang hangang Impiyerno.
Panalangin ko na ika’y biglang magising mula sa pagkakatulog, gaya ng lalake at kanyang asawa sa Scotland noong 1742. Sinabi ng lalake,
Nagpunta ako sa simbahan nangunguna dahil sa nakagawian na…nagkaroon ako ng lamang na napalaking relihiyoso, tinuruang magdasal dalawang beses bawat araw…at ang karaniwang katatagan ng aking ugali [nagsanhi sa aking paniwalaan] na ako’y nasa mabuting daan [hal. na ako’y isang Kristiyano] (isinalin ibid., p. 284).
Ngunit tapos ay nakarinig siya ng isa pang sermon, isang uri ng sermon na walang duda’y narinig niya ng maraming beses noon. Ngunit sa pagkakataong ito siya’y nasa “gulo ng kaluluwa.” Sa wakas, tumingin siya kay Hesu-Kristo at naligtas.
Iyan ba’y magiging iyong karanasan, o magpapatuloy kang gaya ng iyong sarili, at maisusuko ng Diyos, at sa katapusan ay maitapon sa apoy ng Impiyerno?
“Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12).
“Ngunit sa… mga hindi mananampalataya… ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan” (Apocalipsis 21:8),
sila man ay pinalaki sa simbahan o hindi. Sinabi ng propetang Isaias,
“Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit …” (Isaias 55:6).
Kung mabibigo kang gawin iyan, ibubulong sa ibabaw ng bunganga ng iyong hukay, na iyong “hindi […] nakilala ang Panginoon.”
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Samuel 2:12-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Mananatili Ka Parehas Ng Masyadong Matagal,”
isinalin mula sa “If You Linger Too Long”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
BALANGKAS NG ANG MGA KALAMANGAN AT MGA BALAKID NG ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12). (I Samuel 4:11) I. Una, ang mga kalamangan ng pagiging isang pinalaki sa II. Ngunit, ang mga balakid ng pagiging napalaki sa |