Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SA PAG-AALALA NI DR. TIMOTHY LIN IN MEMORY OF DR. TIMOTHY LIN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang eulohiya na ibinigay sa libing ni Dr. Lin |
Mahal kong mga kapatid, noong tinanong ako ni Dr. Benny Wong na magsalita sa paglilingkod na ito ako’y nagulat. Ako’y lubos na nararangalang maparito kasama ng aking asawa at mga anak, si Gg. Gene Wilkerson at ilan sa mga Tsinong pinuno sa aming simbahan.
Ito’y isang karangalan, na isang binata, para sa aking magturo ng Pang-linggong Paaralan, mangaral sa Masmababang Simbahan, magturo sa Training Union at mangaral sa iba’t ibang mga bakasyong paaralan ng Bibliya at iba pang mga ebanghelistikong pagpupulong rito sa Unang Tsinong Bautismong Simbahan ng Los Angeles. Ang maging nasa ilalim ng ministro ni Dr. Lin ay isang mataas na punto ng aking buhay sa loob ng matinding pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa muling pagbabangon sa simbahang ito noong mga huling 1960 at kaagahan ng 1970. Masasabi ko, na walang kaunting pag-aalinlangan, na si Dr. Lin ay nangingibabaw sa mga ministor na aking nakilala. Nangingibabaw siya sa bawat paraan – bilang isang mangangaral, bilang isang Lumang Tipang eskolar at dalubhasa ng Biblikal na Hebreo, bilang isang tagapag-salin ng Salita ng Diyos, bilang isang pastor ng isang dakilang simbahan, at bilang pangulo ng Tsina Ebanghelikal na Seminaryo sa Taiwan. Pinasasalamatan ko ang Diyos na hinayaan Niyang makilala ko ang tunay na dakilang taong ito, si Dr. Timothy Lin.
Nagpunta ako sa simbahang ito noong Enero, 1961 na isang dalawampung taong gulang na di-ligtas na binata na di pangkaraniwang nadaramang tinatawag na maging misiyonaryo sa mga Tsino. Pagkatapos kong maligtas sa Unibersidad ng Biola ng Setyembreng iyon, bininyagan ako ni Dr. Lin. Siya’y naging aking pastor simula noon. Itinakda niya akong maging isang mangangaral ng Ebanghelyo noong ika-2 ng Hulyo 1972, pinamumunuan ang komite ng aking ordinasyon dito sa simbahan. Kahit na nagpatuloy ako mula sa tatlong mga seminaryo, tunay na masasabi kong itinuro ni Dr. Lin ang lahat ng alam ko sa pagiging pastor. Tinuruan niya akong mananampalataya at magtiwala sa Bibliya na isang di-nagkakamaling Salita ng Diyos. Tinuruan niya ako kung paano gumawa ng balangkas ng sermon. Itinuro niya sa akin ang sistematikong teolohiya. Itinuro sa akin ni Dr. Lin ang lahat ng mga importanteng mga bagay. Kahit na sa ilang pagkakataon ay napaka-hirap niya, naisip ko na utang na loob ko lahat sa kanya. Hindi ko lamang siya ama sa ministro, ngunit parang isang tunay ring ama sa akin. Mahal ko siyang lubos. Sinabi ko iyan sa kanya ng maraming beses. Lumalambot ang aking puso noong sinabi niya sa aking, “Bob, sa lahat ng mga Amerikanong pastor ikaw ang pinaka malapit kong kaibigan.”
Hiniling ni Pastor Wong na banggitin ko ang ilang mga paraan na naapektuhan ni Dr. Lin ang aking ministro at aking simbahan. Habang aking iniisip ang tungkol rito nitong mga huling mga araw, isa sa mga kabataan sa aming simbahan ay nagpadala sa akin ng isang tarheta kung saan sinabi niya, “Alam ko na higit sa iyong ministro at karakter ay anino nitong nakamamanghang tao Diyos.” Isa sa aming mga pinuno ay sumulat sa aking, “Naway ang mga paggabay ni Dr. Lin at pagpapayo ay magpatuloy na gumabay sa iyo sa iyong ministro.”
Narito, gayon, ay maraming mga bagay na itinuro ni Dr. Lin sa akin. Tinuruan niya akong siguraduhing ako’y tinawag, na walang tao ang dapat pumasok sa ministro na walang tiyak na kasiguraduhan na ipinili siya ng Diyos na maging isang pastor. Itinuro niya sa akin na ang pinakamahalagang responsibilidad ng pastor ay ang alamin, na walang pagdududa, na gusto ng Diyos siyang mangaral sa bawat Araw ng Panginoon. Itinuro niya sa akin ang kahalagahan ng pag-aayuno at pananalangin upang makamit ang mensahe bawat linggo. Sinabi niya, “Kung matatanggap ng isang pastor ang mensahe mula sa Diyos bawat araw ng Panginoon, ang sermon na ipinangangaral niya ay lilikha ng isang mahalagang pagkakaiba” (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., The Secret of Church Growth, pp. 22-23). Natuklasan kong ang pagpapayong iyan na isa sa pinaka nakatutulong na bagay na natutunan ko mula kay Dr. Lin.
Sa pamamagitan ng pagtuturo ni Dr. Lin, natutunan ng ating simbahan na dapat mahalin ng mga Kristiyano ang isa’t isa. Sa pamamagitan lamang ng pagsasakripisyo ng sariling pagmamahal na mararanasan ng mga Kristiyano sa isang simbahan ang piling ng Diyos sa gitna nila. Itinuro rin ni Dr. Lin ang panganib ng pagtatanggap ng mga di-ligtas na mga tao bilang mga miyembro, dahil ang simbahan ay dapat banal. Itinuro niya sa amin na ang mga diakono at ibang mga pinuno ng simbahan ay dapat dalhin ang kanilang mga sarili bilang mga halimbawa. Sinabi niya na ang mga kababaihan ng simbahan ay hindi dapat maging mas mataas sa pagka-espiritwal at paglilingkod kay sa sa asawa ng pastor. Ang pag-iisip na iyan ay lumikha ng mahalagang impluwensiya sa sarili kong asawa. Marami sa aming mga tao ay tinatawag siyang “ina” na aming simbahan. Itinuro niya sa amin na ang simbahan ay dapat maging parang pangalawang tahanan sa mga kabataan, at ang kinabukasan ng kahit anong simbahan ay laging nakasalalay sa mga kabataan. Sa maraming paraan, nagbigay ng espesyal na atensyon si Dr. Lin sa mga kabataan ng simbahang ito noong narito pa siya. Sinubukan kong sundan ang kanyang halimbawa. Madalas kong sabihin sa mga tao, na pabirong, ako ang pinakamatandang pastor ng kabataan sa Hilagang Amerika!
Itinuro rin sa amin ni Dr. Lin na huwag humingi ng pera mula sa mga nawawalang tao. Sa bawat paglilingkod sinsabi doon sa mga bisita namin na huwag maglagay na kahit anong pera sa lalagyan. Ang pag-aalay ng ating pera ay isang paraan ng pagpupuri sa Diyos, at hindi dapat tayo humingi ng abuloy mula sa mga di-nananampalataya. Natutunan ng mga miyembro ng aming simbahan ang magbigay na nagsasakripisyo sa Panginoon mula sa halimbawa ni Dr. Lin. Isa pang bagay na natutunan namin mula kay Dr. Lin ay ang pagtatanggap ng isang tao bilang bahagi ng Katawan ni Kristo dapat munang imbestigahin ng simbahan ang mga sumusunod. Tunay ba talaga siyang naipanganak muli? Ang kanyang mga prioridad, kaisipan at prinsipiyo ba’y nagbago?” (Isinalin mula kay Dr. Lin, ibid., pp. 60-61). Ngunit ang pinakamahalagang bagay na natutunan namin mula kay Dr. Lin ay ang pangangailangan ng paghahanap sa presensya ng Diyos sa simbahan sa pamamagitan ng panalangin, lalo na sa magkakaisang panalangin sa pananalanging pagpupulong sa simbahan. Nagbabala si Dr. Lin na mawawala ng mga simbahan ang pananampalataya ng panalangin, at ang mga pananalanging pagpupulong ay magsasara “sa gabi ng pangalawang pagdating [ni Kristo]” (Isinalin mula kay Dr. Timothy Lin, ibid., p. 95). Dahil sa pagtuturo ni Dr. Lin sa panalangin, ang aming simbahan ay may dalawang pagpupulong upang manalangin, isang araw ng pag-aayuno at panalangin bawat linggo. Ang mga ito ay ilan sa mga bagay na natutunan namin mula kay Dr. Timothy Lin.
Madalas magsalita si Dr. Lin sa aming simbahan. Noong tag-init bago nitong huli tinuruan niya ang mga kabataan pati mga matatanda ng tatlong araw sa aming kampo. Si Dr. Lin ay nakaplanong magsalita muli para sa amin nitong tag-lagas. Ilang araw pagkatapos niyang magpunta sa ospital, mas maaga nitong buwang ito, sinabi niya sa aming diakonong, si Dr. Chan, “Sabihin mo kay Dr. Bob na ako’y mangangaral muli para sa kanya kaagad agad pagkalabas ko rito.” “Nakalabas” nga siya mula doon – upang makasama si Kristo! Hindi ko na siya maririnig mangaral muli hangang sa makapasok tayo sa Kaharian. Hiling ko sanang ito’y mas malapit na! Ang huling beses na nagsalita siya sa aming simbahan ay mas maaga nitong taong ito, noong Pasko ng Pagkabuhay na Linggo ng gabi. Nagkaroon ako ng karangalang ihain sa kanya ang Hapunan ng Panginoon!
Binisita ko si Dr. Lin sa ospital sa hapon bago siya pumanaw, kasama ang aking asawa, aming diakonong si Dr. Chan, at ang aming Tsinong tagapagsaling si Gg. Song. Kinanta namin ang isang taludtod ng “Nakamamanghang Biyaya” sa kanya, habang nakatayo kami sa kanyang tabi.
Sa pamamagitan ng maraming panganib, pagkayod at pagka-ipit,
Ako’y nakapunta na;
Itong biyayang ito ay nakapagdala sa akin sa kaligtasan,
At biyaya ang magdadala sa akin pauwi.
Binasa ko sa kanya ang Mga Taga Filipo 1:6, na berso ng kanyang buhay, na isinasalin ni Gg. Song sa Tsino. Itinaas niya ang kanyang mga kilay at binuksan ang kanyang mga mata habang binabasa ko ang berso: “Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo” (Mga Taga Filipo 1:6).
Mahal kong pastor, pinasasalamatan ko ang Diyos na ginawa Niya ang mabuting gawaing iyan hangang sa araw na ika’y Kanyang kinuha pauwi upang makasama ang Tagapagligtas. Mahal kita pastor, na aking buong puso at kaluluwa at isipan. Hinahangad ko ang araw na tayo’y magiging magkasama muli, kapag “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man” (Apocalipsis 11:15).
Mahal kong pastor, lahat ng karangalan sa Diyos, na gumawa sa iyong buhay na maging isang pagpapala sa libo libong mga simbahan, at di-mabilang na mga tao sa buong mundo, na kasama sa mga iyon ay itong mapagkumbabang misiyonaryo, iyong nagpapasalamat na mag-aaral, Robert Hymers. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”