Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BAKIT SUMASAMBA ANG MGA KRISTIYANO NG LINGGO (ANG
ARAW NG PANGINOON) AT HINDI NG SABADO (ANG SABBATH)

WHY CHRISTIANS WORSHIP ON SUNDAY (THE LORD’S DAY)
AND NOT ON SATURDAY (THE SABBATH)

ni Dr. Timothy Lin
na may dagdag na mga kumento ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-18 ng Oktubre taon 2009

        Si Dr. Lin ay ang pastor ni Dr. Hymers ng maraming taon. Bininyagan niya sa Dr. Hymers noong taglagas ng taon 1961. Itinakda niya si Dr. Hymers sa ministro noong ika-2 ng Hulyo taon 1972, na pinamumunuan ang konseho ng ordinasyon ni Hymers. Madalas sabihin ni Dr. Hymers, “Lahat ng natutunan kong importante ay natutunan ko mula kay Dr. Timothy Lin.” Si Dr. Lin ay madalas mangaral sa simbahan ni Dr. Hymers. Ang huling pagkakataong siya’y nangaral ay noong Abril taon 2009. Siya ay nakaplanong mangaral muli ng taglagas ng taon 2009, ngunit, pumanaw siya ilang araw lang bago niya nagawa ito.
        Si Dr. Timothy Lin ay isang Bautismong pastor na ipinanganak sa Tsina at isang Biblikal na eskolar, na natanggap ang kanyang B.D. at S.T.M. mula sa Faith Theological Seminary. Natanggap niya ang kanyang Ph.D. mula sa Dropsie University (ngayon ay naki-pagisa sa University ng Pennsylvania at kilala bilang Sentro para sa Mataas na Pag-aaral ng Hudaismo). Bilang propesor sa paaralan ng pag-tatapos ng Bob Jones University, itinuro niya ang Sistematikong Teolohiya, Hebreo, Biblikal na Aramaic, Klasikal na Arabik at Peshitta Syriac. Nagturo rin siya sa Paaralan ng Teolohiya sa Talbot at sa Trinidad Ebanghelikong Seminaryo, sa Deerfield Illinois. Siya ang pastor ni Dr. Hymers sa Unang Tsinong Bautismong Simbahan ng Los Angeles sa loob ng mga taong 1960 at 1970, noong ang simbahang iyon ay nakaranas ng muling pagbabangon at lumaki mula sa halos 80 mga miyembro sa 2,000 na mga dumadalo tuwing Linggo. Simula taon 1980 sinundan niya si Dr. James Hudson Taylor III bilang pangulo ng Ebanghelikal na Seminaryo ng Tsina sa Taipei, Taiwan. Pumanaw siya noong ika-11 ng Oktubre taon 2009, sa Monterey Park, California tatlong buwan bago ng kanyang ika-99 na karawan.

Exodo 20:11; Deuteronomio 5:15; Mga Awit 118:22-24; Juan 20:19; Apocalipsis 1:10


Ang pinagmulan ng maraming mga sismo at maraming maling pagkakaintindi ng Kasulatan ay mai-uugnay sa pagkabigong maintindihan ang konsepto ng organiko at progresibong likas ng pagbubunyag. Halimbawa, Ika-pitong Araw na Adventista, pati ang mga Ika-pitong Araw na Bautismo, ay nabigong matanto ang katotohanan patungkol sa progresibong pagbubunyag ng Sabbath sa mga Kasulatan. Ang layunin ng komemorasyon ng Sabbath ay napalitan kahit sa Lumang Tipan mula sa pagkakilala ng paglilikha (Ex. 20:11) tungo doon sa Exodo (Deut. 5:15). Ang Mga Awit 118:22-24 ay tumutukoy sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo at maaring maisip na isang propetikong mensahe para sa pagpapalit ng Sabbath sa araw na yaon na “bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay [na maging] pangulo sa sulok” – ang muling pagkabuhay na araw ng ating Panginoon.

Ang pagbubunyag ng Diyos ay hindi limitado sa mga salita lamang. Sa Kanyang natural na pagbubunyag ginagamit Niya ang “[pagpapakikilala] ng kalawakan [ng] gawa ng kaniyang kamay” (Mga Awit 19:1), at sa Kanyang higit sa natural na pagbubunyag na Kanyang ibinunyag ang kahalagahan ng pananampalataya sa pamamagitan ng buhay ni Abraham at ang kaligtasan ng mga Hentil sa pamamagitan ni Pablo. Sa madaling salita, ang pagbubunyag ng Diyos ay mahahanap sa mga salita gayon rin sa angkin at sa gawa. Isang malinaw na utos na palitan ang Sabbath sa Araw ng Pagninoon ay hindi nakatala sa Bagong Tipan, gayon ang pagbabago ay napakalinaw gaya ng pagkakita nitong progresibo sa Bagong Tipan. Ito’y nagsimula sa salaysay ni Kristo na Siya ang Panginoon ng araw ng Sabbath (Matt. 12:8). Nasa Kanya ang karapatan at kapangyarihan upang ipaliwanag ito at gawin ang gusto Niya para sa kabutihan ng tao. Sa Bagong Tipan ito ang unang pagpapalagong pagbubunyag ng Araw ng Panginoon, inaasahan ang paglago niya mayamaya. Ang kahalagahan ng araw ay hindi na ito’y ang huli o unang araw ng linggo, kundi na ito ang araw na pinili ng Panginoon para sa “ang araw” na hinulaan sa Lumang Tipan. Simula ng ang Panginoon ay muling bumangon at nagpakita sa Kanyang mga disipolo sa unang araw ng linggo (Juan 20:1, 19), at nagpakita muli sa mga apostol sa sunod na unang araw ng linggo (Juan 20:26), walang pagdududang ang unang araw ng linggo ay selyadong “ang araw.” Sa buong kasaysayan anong mas higit na pangyayari ang naganap kay sa sa muling pagkabuhay ng Panginoon, na paulit-ulit na nakumpirmo ng Kanyang maraming pagpapakita? Gayon ang araw na ito na ang pinaka-dakila sa lahat ng mga pangyayaring naganap ay siguradong isang mahalaga araw!

Dag-dag pa rito, noong si Pablo at kanyang mga kasamahan ay nanatili sa Troas na pitong araw, isang Sabbath ay dumaan, gayon man walang nag-iisang bakas na ito’y kanilang inobserbahan. Sa kabaligtaran, noong ang unang araw ng linggo ay dumating, ang mga disipolo ay nagpulong upang maghati ng tinapay, at nangaral si Pablo [Mga Gawa 20:6-7]. Bakit nila kinailangang maghintay hangang sa unang araw ng linggo? Kapansinpansin na sa panahon na ito [ang unang araw ng linggo] ay naging pormal na araw para sa mga Kristiyanong magpulong. Dito, maliban sa kahalagahan ng araw, ibinunyag ng Panginoon ang programa ng komemorasyon o pagsasamba na dapat kasama ang pagsasama-sama at paghahati ng tinapay, at pangangaral. Ilang taong mas maaga ibinunyag na ng Panginoon ang isa pang programa tungkol sa pag-aalay ng mga mananampalataya na dapat rin ay kolektahin sa parehong araw [unang araw ng linggo – Linggo] (1 Mga Taga Cor. 16:1, 2). Gayon, ang kapangyarihan, at kahalagahan, at ang programa ng pagsasamba [sa unang araw] lahat ay progresibong naibunyag; ngunit hindi ang pangalan ng araw, na hindi nabunyag hangang sa huling aklat ng Kasulatan.

Noong si Juan ay nasa Patmos na naghihintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, sa unang araw ng linggo ang Diyos ay biglang nagpakita sa kanya, at sa kanyang inspirasyon ipinangalan ni Juan ang unang araw bilang Araw ng Panginoon, na ang ibig sabihin ay pagmamayari ng Panginoon (Apocalipsis 1:10). Napakaraming nagawa ni Kristo para sa sanglibutan, hindi ba nararapat lang ang isang araw para sa Kanya? Sa bagay, dapat lang “sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan” (Mga Taga Colossas 1:18)!

Tandaan: Ang mga Kristiyanong bumanggit sa Araw ng Panginoon sa kanilang mga pagsusulat sa mga naunang Kasaysayan ng Simbahan:


• Sulat ni Barnabas 15:9 (AD 100)

• Sulat ni Ignacio sa mga Magnesian 9:1 (AD 107)

• Unang Paghingi ng Tawad ni Justin, Kapitulo LXVII (AD 145)


Ito ang pagtatapos ng leksyon ni Dr. Timothy Lin sa Araw ng Panginoon sa pagpapalit ng Sabbath. Ito’y muling inilimbag rito mula sa websayt ng Biblikal Studies Ministries Internationl, Inc., 820 Bennett Court, Carmel, IN 46032 sa www.bsmi.org/lin.htm.

Ating titignan ngayon ang mga teksto na ibinigay ni Dr. Lin upang ipakita ang progresong pagbubunyag sa Bibliya mula sa Sabbath sa Araw ng Panginoon.


1. Una, Exodo 20:11.

“Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal” (Exodo 20:11).

Ang layunin ng Sabbath, sa Sampung Utos, na ibinigay sa ilalim ng ukol kay Moises na Pagkakasundo, ay ang lumingon sa malikhaing gawa ng Diyos sa loob ng anim na araw na Kanyang nilikha ang langit at lupa. Gayon, dahil nilikha ng Diyos ang langit at lupa sa loob ng anim na araw, “ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.” Sinabi ni Dr. Ryrie na pinapaalala ng Sabbath na “ang Diyos ay nagpahinga pagkatapos ng gawain ng paglilikha” (Isinalin mula kay Charles C. Ryrie, Ph.D., The Ryrie Study Bible, Moody Press, 1978; sulat sa Exodo 20:11).


2. Pangalawa, Deuteronomio 5:15.

“At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto, at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng sabbath” (Deuteronomio 5:15).

Sa bersong ito, ayon kay Dr. Lin, isang pag-asenso sa pagbubunyag tungkol sa layunin ng Sabbath. Pansinin ang salitang “kaya’t” sa bandang huli ng berso. Dito ang Sabbath ay hindi lamang nagpapaalala ng pahinga ng Diyos pagkatapos ng paglilikha, kundi ngayon ay manatili sa ating isipan ng Exodo ng mga Hebreo mula sa pagka-alipin sa Egipto rin. Ipinapakita nito ang progresibong pagbubunyag patungkol sa Sabbath.


3. Pangatlo, Mga Awit 118:22-24.

“Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan”
       (Mga Awit 118:22-24).

Ang mga berso 22-23 ay tumutukoy sa muling pagbabangon ni Kristo mula sa pagkamatay, gaya ng ipinunto ni Pedro noong isinipi niya ang berso 22 sa Sanhedrin sa Mga Gawa 4:10-11. Ang berso 24 gayon ay tumutukoy na propetiko sa araw na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamtay.

“Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan” (Mga Awit 118:24).

Sinabi ni Mathew Henry na ito’y “naiintindihan ng mga Kristiyano na ang Sabbath [Linggo] na nagpapala sa pagpapaalala ng muling pagbabangon ni Kristo” (Isinalin mula kay Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson Publishers, 1996 inilimbag muli, vol. 3; sulat sa Mga Awit 118:24).
        Gayon ang Mga Awit 118:24 ay propetikong tumutukoy sa Araw ng Panginoon, ang araw na si Kristo’y babangon mula sa pagkamatay. Gayon, itong mahalagang Mesiyanikong pasahe sa Mga Awit 118 ay propetikong tumutukoy sa “araw na ginawa ng Panginoon,” ang araw na ng muling pagkabuhay ni Kristo, ang unang araw ng linggo, ang “Araw ng Panginoon” ng pagdating ng Bagong Tipan.
        Sa pamamagitan ng paghuhulang ito, ito ang pangatlong hakbang sa progresibong pagbubunyag ng Bibliya sa pagitan ng Sabbath at ng “Araw ng Panginoon” sa Linggo.


4. Pang-apat, Juan 20:19.

“Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo” (Juan 20:19).

Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay sa unang araw ng linggo (Mateo 28:1) alin ay ang Linggo sa Romanong kalendaryo, at pati sa ating modernong mga kalendaryo, na sinusundan parin ang paggamit na Romano.
        Nangkinahapunan, “nang araw na iyon” (Juan 20:19) si Hesus ay nagpakita sa mga Disipolo ng unang pagkakataon mula ng Siya ay bumangon mula sa pagkamatay. Ito’y sa Linggo, “unang araw ng sanglinggo” (Mateo 28:1). Gaya ng sinabi ni Dr. Lin, “Ito’y ang araw na pinili ng Panginoon para ‘sa araw’ na hinulaan sa Lumang Tipan.”
        Muli, sa sumunod na “unang araw” (Linggo) si Hesus muli ay nagpakita sa mga Disipolo, ayon kay Juan 20:26. Kaya ang unang dalawang pagpupulong ng muling nabuhay na si Hesus kasama ng Kanyang mga Disipolo ay nangyari ng Linggo, “ang unang araw ng linggo.” Sinabi ni Dr. Lin, “Sa buong kasaysayan anong masdakilang pangyayari ang naganap kay sa sa muling pagbabangon ng Panginoon…? Gayon ang araw na ito na pinakadakila sa lahat na mga pangyayari ay siguradong isang mahalagang pangyayari!” Sa katunayan ang muling pagbabangon ni Kristo ng Linggo ay ang pinakamahalagang araw para sa mga Kristiyano, dahil sa I Mga Taga Corinto 15:17 ay nagsasabing,

“Kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa” (I Mga Taga Corinto 15:17).


5. Panglima, Mga Gawa 20:7.

“At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi” (Acts 20:7).

Dahil si Pablo ay nasa Troas ng pitong araw, ang sabbath ay dumaan. Sinabi ni Dr. Lin “gayon man walang nag-iisang bakas na ito’y kanilang inobserbahan. Sa kabaligtaran, noong ang unang araw ng linggo ay dumating, ang mga disipolo ay nagpulong upang maghati ng tinapay, at nangaral si Pablo [Mga Gawa 20:6-7]. Bakit nila kinailangang maghintay hangang sa unang araw ng linggo? Kapansinpansin na sa panahon na ito [ang unang araw ng linggo] ay naging pormal na araw para sa mga Kristiyanong magpulong. Dito, maliban sa kahalagahan ng araw, [ang Salita ng Diyos] ay ibinunyag ang…pagsasamba [na iyon] na dapat kasama ang pagsasama-sama at paghahati ng tinapay, at pangangaral.” Ibinunyag rin ng Bibliya na ang mga pag-aalay ay dapat kinukuha sa “unang araw ng linggo” (I Mga Taga Corinto 16:2). Sinabi ni Dr. Lin, “Gayon, ang kapangyarihan, at kahalagahan, at ang programa ng pagsasamba [sa unang araw] lahat ay progresibong naibunyag; ngunit [ang pangalan ng unang araw] ay hindi nabunyag hangang sa huling aklat ng Kasulatan.


6. Pang-anim, Apocalipsis 1:10.

“Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak” (Apocalipsis 1:10).

Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Ang Araw ng Panginoon ay tumutukoy sa tinatawag nating Linggo” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume V, p. 893; kumento sa Apocalipsis 1:10). Ang Applied New Testament Commentary ay nagsabing, “[Sa] panahon na isinulat ni Juan ang aklat na ito ng Apocalipsis, ang mga Kristiyano ay nagsimulang obserbahin…ang Linggo…Tinawag nila itong Araw ng Panginoon, dahil sa Linggo bumangon si Hesus mula sa pagkamatay” (Isinalin mula sa The Applied New Testament Commentary, Kingsway Publications, 1997, p. 1014; sulat sa Apocalipsis 1:10). Gaya ng itinuro ni Dr. Lin, ang salitang “Araw ng Panginoon” ay ginamit para sa pagsasamba ng mga Kristiyano sa unang araw ng linggo, sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ang salitang “Araw ng Panginoon” ay gayon nagpapakita sa pinaka maagang Kristiyanong mga sulatin, gaya ng Sulat ni Barnabas, 15:9 (isinulat AD 100), ang Sulat ni Ignacio sa mga Magnesian, 9:1 (AD 107), ang Unang Paghingi ng Tawad ni Justin, kapitulo LXVII (AD 145).


Si Dr. Lin ay naglagay ng matinding diin sa pananatili ng Araw ng Panginoong banal. Tinuruan niya kaming

…obserbahan ang buong Araw ng Panginoon na tunay na sa Panginoon. Magsimulang sambahin ang Diyos bilang Tagapaglikha sa umaga hangang sa pagsasamba sa Diyos bilang Ama sa Langit sa gabi sa pang-gabing paglilingkod… inilalagay ang Diyos muna sa Kanyang araw (Isinalin mula sa The Testimony of a Shepherd: A Tribute to Dr. Timothy Lin, First Chinese Baptist Church, 1994).

Sa ilalim ni Dr. Lin,

Ang mga sumasamba ay natutong magpakita sa panlabas ang kanilang panloob na respeto sa Diyos sa pamamgitan ng pagdadamit ng pinaka maigi sa Linggo at nagdadala ng handang ugali ng pagkabanal at pagpupuri sa pagsasambang paglilingkod (isinalin mula sa The Testimony of a Shepherd, ibid., p. 4).

Naway ito rin ay maging ugali ng ating simbahan, habang sinusundan natin ang turo ni Dr. Lin. Magpunta sa simbahan parehong umaga at gabi ng Linggo. Humarap tayo sa Diyos at magdamit ng wasto. Magdasal tayo sa bawat paglilingkod para sa presensya ng Diyos sa pagsasambang pangangaral.

At higit sa lahat, patuloy nating ipangaral ang napako sa krus na si Kristo at bumangon! Namatay siya sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Bumangon siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Magpunta kay Hesus at mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal ng Dugo! Amen!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Panalangin Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhay Muli” Isinalin mula sa “Alive Again” (ni Paul Rader, 1878-1938).