Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG PARANGAL PARA KAY DR. TIMOTHY LIN A TRIBUTE TO DR. TIMOTHY LIN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo” (Mga Taga Filipo 1:6). |
Si Dr. Timothy Lin (林道亮) ay isang Lumang Tipang eskolar na ipinanganak sa Tsina, dalubhasa sa biblikal na mga wika, isang propesor sa seminaryo, pastor, at pangulo ng Tsina Ebanghelikal na Seminaryo sa Taipei, Taiwan.
Si Dr. Lin ay ipinanganak sa pamilya ng isang Episkopal na ministor sa Chekiang, Tsina, noong ika-18 ng Enerao 1911. Pumanaw siya umaga ng Linggo, ika-11 ng Oktubre taon 2009.
Si Timothy Lin ay naturuang basahin ang Bibliya noong siya ay anim na taong gulang. Inilalagay siya ng kanyang ama sa ibabaw ng mesa upang mangaral bago pa man siya anim na taong gulang. Gayon man, si Dr. Lin ay hindi naipanganak muli noong siya’y labin siyam. Sa parehong beses siya’y napasa ilalim ng pagkakatagpong nagkasala at ikinumpisal ang kanyang mga kasalanang nakadetalye, pati pagsusulat ng mga ito at paulit-ulit na binabasa ang mga ito, hangang sa siya’y nagkamalay na ang dugo ni Hesu-Kristo ay luminis sa kanya mula “sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Ayaw niyang pumasok sa ministro, ngunit isang araw isang pastor ay nagmaka-awa sa kanyang may luha sa kanyang mga matang gawin ito. Tinanggap ito ni Lin bilang isang tawag mula sa Diyos at pumasok sa seminaryo sa Nanking upang maghanda para sa ministro. Gayon man, natagpuan niya na nagtuturo ng liberalismo ang seminaryo, ginagamit ang “makasaysayang kritikal na paraan” upang sirain ang reputasyon ng Bibliya. Siya ay pangunang klaseng mag-aaral. Noong siya’y nagprotesta laban sa mga pangungutya sa Bibliya, siya’y sinabihan ng pangulo ng seminaryong, “Manahimik ka Timothy, at ipapadala ka namin sa Oxford.” Ngunit hindi nagpadala si Lin. Iniwanan niya ang seminaryo noong 1934 dahil sa modernistikong pagtuturo nito.
Siya ay naging pastor ng Jubilee Church sa Shanghai hangang 1937. Mula 1938 hangang 1939 siya ang principal ng Alyansa ng Kristiyano at Misyonaryong Institusyon ng Bibliya sa Kwangsi [Christian and Missionary Alliance Bible Institute]. Noong 1940 siya ay nagpunta sa Estados Unidos ng unang beses upang mag-aral ng Hebreo at Griyego sa Concordia Teyolohikal na Seminaryo at Unibersidad ng Washington.
Sa loob ng pangalawang Makamundong Digmaan, si Timothy Lin ang namamahala ng Ampunan Bethel [Bethel Orphanage], at ang prinsipal ng Mataas ng Paaralan ng Bethel. Dito napatay ang kanyang unang asawa mula sa pagputok ng baril mula sa mga puwersa ng Imperiyal ng Hapon, at nabali ni Timothy Lin ang kanyang leeg habang ginagabayan ang mga estudyante mula sa ampunan papunta sa kaligtasan habang nangyayari ang pag-atake. Siya rin ay naging dean ng Kolehiyo ng Bibliya sa Shanghai [Shanghai Bible College]. Pagkatapos ng digmaan siya ay inimbitang maging pangulo ng Timog Tsinang Teyolohikal na Kolehiyo sa Hangchow [East China Theological College], na konektado sa China Inland Mission.
Noong 1940 pinakasalan ni Dr. Lin si Gracie Wu. Nagkaroon sila ng isang anak noong 1945, si Dr. Samuel Lin, na isang surgeyon sa Maryland. Pumanaw si Gracie Lin noong ika-13 ng Setyembre 1967. Noong Pebrero, 1969 pinakasalan ni Dr. Lin si Bb. Lily Wong, na pumanaw bago niya.
Noong 1948 siya ay bumalik sa Estados Unidos para sa mataas na pag-aaral, tumatanggap ng B.D. (ngayon ay M.Div.) at S.T.M. (Master ng Sacred Theology) mula sa Faith Theological Seminary, noon ay matatagpuan sa Wilmington, Delaware. Nakakuha siya ng isang Ph.D. sa Hebreo at Cognate Language mula sa Dropsie University ng Philadelphia, Pennsylvania (ngayon ay nakipag-isa sa University ng Pennsylvania at kilala bilang Sentro para sa Mataas na Pag-aaral ng Hudioismo [Center for Advanced Judaic Studies). Dagdag pa sa kanyang Ph.D. sa Hebreo at Cognate Language, pinarangalan si Dr. Lin ng maraming iba pang mga nakararangal na mga antas.
Noong mga taon 1950 si Dr. Lin ay isang propesor sa pagtatapos na paaralan ng Unibersidad ng Bob Jones sa South Carolina, kung saan itinuro niya ang Sistematikong Teolohiya, Biblikal na Teolohiya, Lumang Tipang Hebreo, Biblikal na Aramaiko, Klasikal na Arabo, at Peshitta Syriac. Pagkatapos siya ay nagturo sa Talbot na Paaralan ng Teolohiya, La Mirada California; at sa Trinidad Ebanghelikal na Seminaryo [Trinity Evangelical Seminary], sa Deerfield, Illinois. Si Dr. Lin rin ay isa sa mga tagasalin ng Lumang Tipang bahagi ng New American Standard Bible. Simula 1980 sinundan niya si Dr. James Hudson Taylor III bilang pangulo ng Tsina Ebanghelikal na Seminaryo sa Taiwan. Sa kanyang pagreretiro noong 1991, ang “Timothy Lin Chair of Biblical Interpretaion and Church Growth” ay nabuo sa Tsina Ebanghelikal na Seminaryo.
Noong 1961 siya ay naging pansamantalang pastor ng Unang Tsinong Bautismong Simbahan ng Los Angeles, isang maliit, nagpupursiging simbahan ng mga 80 na mga miyembro. Noong 1962 siya ay naging permanenteng pastor. Sa loob ng mga huling 1960 at maagang 1970 nakaranas ang simbahan ng muling pagbabangon at, sa loob ng ilang taon, ay nagkaroon ng lampas sa 2,000 sa regular na nagpupunta sa Linggo. Sa ilalim ng paggabay ni Dr. Lin, ang kongregasyon ng Los Angeles ay nagsimula ng maraming misyong simbahan sa Crenshaw (bahagi ng Los Angeles), Sacramento, Calexico, Fountain Valley, Walnut, at Monterey Park. Bawat misyong simbahan ay nagsimula na may lampas sa 300 na mga nagpupunta.
Si Dr. Lin ay isa ring tanyag na mananalita sa mga pagpupulong ukol sa Bibliya, na hinihinging lubos ng mga ministor, guro at mga pinuno ng simbahan para sa pagsasanay sa biblikal na interpretasyon at paglago ng simbahan. Siya ay naglakabay ng lubos-lubos upang magsalita sa maraming bahagi ng Asiya, Hilagang Amerika, Australia at Europa.
Si Dr. Timothy Lin ay pumanaw sa Monterey Park, California, sa ika-11 ng Oktubre 2009, tatlong buwan bago ng kanyang ika-99 na kaarawan. (Ang maikli at masaklaw na ulat na ito na hinangao mula sa biograpiya ni Dr. Timothy Lin sa http://en.wikipedia.org/wiki/Timothy_Lin).
Ang asawa kong si Ileana, ang aming diakonong si Dr. Chan, at ang aming Tsinong tagapagsaling si Gg. Winston Song ay sumamsa sa akin upang makita si Dr. Lin sa ospital sa araw bago sa siya pumanaw (Ika-11 ng Oktubre 2009). Binasa kong malakas ang kanyang pambuhay na berso, sa Mga Taga Filipo 1:6, at isinalin ito ni Gg. Song sa Tsino. Binuksan ni Dr. Lin ang kanyang mga mata at itinaas ang kanyang mga kilay sa pagkakilala niya.
“Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo” (Mga Taga Filipo 1:6).
Naging tapat ang Diyos kay Dr. Lin sa buong mahaba niyang buhay ng 98 na taon at siyam na mga buwan. Dinala siya ng Diyos sa pagkakatagpong nagkasala ng kasalanan na isang labing-siyam na taong gulang na bata at ginugugol ang buong gabing ikinukumpisal ang kanyang mga kasalanan, pati pagsusulat ng mga ito sa papel, at lumuluha para sa mga ito, hangang sa umaga na siya ay nagpunta kay Kristo at nalinisan mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng Dugo na Kanyang ibinuhos sa Krus. Iyan ang umpisa ng Kristiyanong buhay ni Dr. Lin. Naway ika’y magpunta rin kay Hesu-Kristo at mahugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Iyan ang aming panalangin para sa iyo! Amen!
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Filipo 1:1-6.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nakamamanghang Biyaya,” isinalin mula sa
“Amazing Grace” (ni John Newton, 1725-1807).