Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG ISANG BAGONG KALANSAY BA’Y NAGPAPATUNAY (SERMON BILANG 59 SA AKLAT NG GENESIS) DOES A NEW SKELETON PROVE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang sermon na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nilalang ng Dios ang tao” (Genesis 1:27). |
Hayan na naman sila! Napakaraming taon ipinakita nila sa atin ang larawan ng “Kanunuan ng Tao,” na nagpapakita ng tao na “nag-nununo” mula sa isang nilalang na tulad ng isang unggoy sa iba’t ibang mga antas– na nagtatapos sa isang modernong tao.
|
|
Ngayon sinasabi nila sa atin na ang larawang ito ay lahat mali! Ang pinakabagong natagpuang tumigas na kalansay sa isang Etiyopang desyerto, ayon sa Los Angeles Times, “ay kapansin-pansing binabaligtad ang mga malawakang pinanghahawakang mga ideya tungkol sa ebolusyon ng tao at kung papaano sila naging nakalalakad ng diretso” (Isinalin mula sa Los Angeles Times, Ika-2 ng Oktubre taon 2009, p. A1). Ang pagkakadiskubre ng isang “halos kumpletong [tumigas] na kalansay ng isang taong ninuno…ay nagpapakita na ang ating pinaka-unang mga ninuno ay walang pagkakatulad sa isang tsimpansi o ibang malaking unggoy, na ngayon ay karaniwang pinaniniwalaan [dahil tinuruan nila tayong paniwalaan ito!]. Imbes, ang mga natagpuan ay nagpapakita na ang huling mga ninuno ng tao at mga unggoy…ay isang primitibong nilalang na may magkakaparehong mga katangian sa mga miyembro ng modernong-araw ng parehong grupo” (Isinalin mula sa ibid.). “Ang mga natagpuan…ay nagpapakita rin na ang ating mga ninuno ay nagsimulang maglakad ng diretso sa mga kagubatan, hindi sa mga damuhang gaya ng [paghuhula] ng maraming henerasyon ng mga mananaliksik” (Isinalin mula sa ibid., pp. A1, A18).
Ang artikulo sa Los Angeles Times ay nagsasabi rin, na “ang talaan ng mga reliko ng mga ninuno ng tao…ay madalas hindi kumpleto” (Isinalin mula sa ibid., p. A18). Ang paleyantropolohistang si Andrew Hill ng Uniberisidad ng Yale ay nagsabing, “Bihirang makakuha ng isang mahigit kumulang na kumpletong [tumigas] na kalansay. Sa buong daanan ng ebolusyon ng tao…mayroon lamang tatlo o apat na namamalagi” (Isinalin mula sa ibid.). Sinabi ni C. Owen Lovejoy ng Unibersidad ng Estado ng Kent, “Ang buong “teoryang kapatagan” [savanna theory] na nagpaliwanag sa patindig na paglalakad ay itinapon…At ang kaisipan na tayo ay nag-iba mula sa isang bagay na tulad ng isang tsimpansi ay itinapon rin.” Sa madaling salita, lahat ng naituro sa atin tungkol sa ebolusyon ng tao ay dapat maitapon! Sinabi ni Lovejoy na ang bagong kalansay ay “nagpapa-ikot sa ulo ng ebolusyon.” Ang “interpretasyon [ni Lovejoy] tungkol sa [reliko ay tumutukoy] ng tungkol sa kagawian,” ayon kay Andrew Hill, ng Unibersidad ng Yale ay isang “maliwanag na walang saysay” (Isinalin mula sa ibid., p. A18).
Ang buong ito ay parang “maliwanag na walang saysay” para sa akin! Karamihan sa mga tao ay hindi naiisip kung gaano kahina at kaliit ang “ebidensya” para sa larawan ng “Kanunuan ng Tao,” na nakita nating lahat sa ating mga aklat sa paaralan. Sinabi ni Andrew Hill ng Unibersidad ng Yale na, “mayroon lamang tatlo o apat na [kasalansay] na namamalagi” (isinalin mula sa Times, p. A18). Isipin ninyo! Ang buong teorya ng ebolusyon ng tao ay base sa “tatlo o apat lamang” na mga kalansay! Ako’y natutulak na isipi si Dr. Hill, ng nakahiwalay, na ang buong larawan ay “maliwanag na walang saysay”!
Isa sa mga problema sa pananaw ni Darwin tungkol sa “kanunuan ng tao” ay na ito ay base sa napaka-kaunting “ebidensya” – isang ngipin rito, isang maliit na piraso ng buto ng binti doon at, gaya ng sinabi ni Andrew Hill ng Unibersidad ng Yale, “mayroon lamang tatlo o apat na mga [kalansay] na namamalagi [upang bakasin] ang buong daanan ng ebolusyon ng tao” (Isinalin mula sa Los Angeles Times, ibid., p. A18). Bakit niya sinasabi na, “tatlo o apat lamang”? Kung mayroong apat eh di sinabi niya na! Ibig sabihin nito na kahit isa sa kanila ay kaunting mas higit kaysa sa isang piraso. Ang ibig sabihin nito’y ang “bagong” tumigas na kalansay doon, ay sa kina-igihan, ay apat lamang o higit kumulang kumpletong mga kalansay. Iyan ang buong basehan para sa teoryang ebolusyonaryo ng “kanunuan ng tao” – “tatlo o apat lamang” na mga kalansay! Ito mukhang napaka hinang “ebidensya” para sa akin, napaka-hina at masyadong mababaw na “pruweba” para sa isang higit na malawakang pinanghahawakang teorya!
Ang buong teorya ng ebolusyon ng tao, gayon, ay nakasalalay sa “tatlo o apat lamang” na mga kalansay at ilang kakaunting piraso ng buto. Paano natin malalaman na ang “tatlo o apat” na mga ito ay hindi lang mga simpleng naglahong mga unggoy? Paano natin malalaman na ang mga ito’y konektado sa mga tao? Mukha itong lubos na paghuhula para sa akin. O, kung sila’y medyo konektado sa modernong tao, paano natin malalaman na ang ilan sa mga “tatlo o apat” na mga ito ay hindi mga unano, dahil ang “bagong” kalansay ay “maliit pa sa apat na paanan ang taas” (isinalin mula sa Los Angeles Times, ibid., p. A18)? O, paano natin malalaman kung ang ilan sa “tatlo o apat” na mga ito man ay mga baldado, o pilay ng mga tao, marahil mula sa pag-papalaking nakahiwalay sa lahat, bilang resulta ng pagkakahiwalay mula sa lahat? Nakakita na ako ng mga taong naglalakad sa kalye ng Los Angeles na kamukha ng mga litrato ng “Neyandertal na Tao” [“Neanderthal Man”]. Paano namin malalaman na ang ilan sa mga itong “tatlo o apat” na mga reliko ay hindi lamang tulad ng isa sa kanila? Hindi natin alam!
Noong ako’y anim na taong gulang dinala ako ng tatay ko upang makita ang “Parada ni Santa Clause” sa Hollywood Boulevard. Binuhat niya ako sa kanyang mga balikat upang makita si “Santa Clause” habang siya’y dumaan sa isang malaking karosa. Noong ibinaba ako ng tatay ko sa tabing daanan isang unano, na kasing liit ko lang, ay dumaan na nagbebenta ng mga diyaryo at naninigarilyo ng isang malaking itim na sigarilyo. Habang tinititigan ko siya, imihip ang unano ng siga ng kanyang sigarilyo at nagsalita, “Hoy totoy!” Kung ang kalansay ng maliit na lalakeng iyon ay nahanap ilang libong taon nakaraan, tatawagin siya ng mga siyentipikong isang “ninuno ng tao.” Maari nilang tawagin ang kanyang kalansay na “Hollywoodicus Pithecus” – “Taong Unggoy Hollywood”! Tumatawa kayo, ngunit hindi ba iyan ang nangyari sa pinangalanang “Taong Nebraska” [“Nebraska Man”]?
Ano ang “siyentipikong” patunay para sa “Taong Nebraska” [“Nebraska Man”]? Isang lalakeng pinangalanang Harold Cook ang nakadiskubre ng reliko sa Nebraska, at isang bagong lahi ng bago ng kasaysayan ng tao ay pinangalanan dahil sa reliko. Ito’y tinawag na “Hespero Pithecus Haroldcookii” – ang “Hespero” ay nangangahulugang “sa kanluran.” Ang “Pithecus” ay nangangahulugang “unggoy.” Ang “Haroldcookii” ay nagmula kay Harold Cook, na nakahanap noong reliko. Kaya ang Hespero Pithecus Haroldicookii ay nangangahulugang “ang taong unggoy ng kanluran na natagpuan ni Harold Cook.” Ito’y tanyag na kilala bilang “Taong Nebraska.” Sinabi ni Dr. W. A. Criswell,
Sa Scopes na ebolusyong paglilitis [1925] si William Jennings Bryan [tagapagtanggol ng Biblikal na Paglilikha] ay hinarap ng isang gang ng dakilang siyentipikong mga kapangyarihan na pinamunuhan ni propesor H. H. Newman ng Unibersidad ng Chicago. Ginulat ng propesor si Gg. Bryan gamit ng mga pinangalanang mga katunayan ng “Taong Nebraska,” [na sinabi ng propesor ay] isa sa mga lahi ng tao na nanirahan sa [Estados Unidos] isang milyon taon ang nakalipas. [Sinabi] ni Bryan na akala niya ang ebidensya ay masyadong kaunti upang pagbasihan ito ng napaka-mahahalagang konklusyon, at nagmaka-awa si Bryan para sa mas marami pang oras at impormasyon (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., “The Hoaxes of Anthropology,” Messages From My Heart, REL Publications, 1994, p. 48).
Isang peryodiko sa Inglatera ay nagpadala ng isang taga-ulat sa Amerika upang matutunan ang tungkol sa “Taong Nebraska.” Nagsulat siya ng isang artikulo tungkol rito para sa Illustrated London News. Sa harap na pahina ng peryodiko ay nakalimbag ang mga larawan ng lalake at babaeng mga miyembro ng “Taong Nebraska.” Si Clarence Darrow, ang abugado para sa ebolusyon sa Scopes na Paglilitis, ay nagwawaging itinaas ang peryodiko sa mga larawan nito ng “Taong Nebraska,” nagsasabi na itong pinaka bagong “siyentipikong ebidensya” ay nagpapatunay na si Bryan ay hangal na paniwalaan ang Bibliya. Sinabi ni Dr. Criswell,
Pinintasan ng mga dalubhasa [si Bryan]; at tinawanan nila siya, ginawa nila itong kalokohan. Ang pinaka magagaling na mga siyentipikong may-kapangyarihan ng mundo’y alam ang edad ng Taong Nebraska ay isang milyong taon ang nakalipas (Isinalin mula kay Criswell, ibid., p. 48).
Ngunit ang buong ebidensya para sa Taong Nebraska ay binubuo lamang ng isang ngipin! Gayon sapat na iyon para sa mga siyentipiko! Sinabi ni Criswell,
Si Dr. William K. Gregory, ang katiwala sa Museo ng Natural na Kasaysayan ng Amerika, at propesor ng paleontolohiya sa Unibersidad ng Columbia, ay tinawag itong “ang milyong dolyares na ngipin,” at inilarawan niya ito na pinagmamay-ari ng isang tao ng may katandaan na ang isang milyong taong gulang ay isang mahinhing pag-huhula.
Si Dr. Fairfield Osborn, ang pinaka magaling na paleontolohista ng Amerika…sa kanyang talumpati sa harapan ng Pilosopikal na Organisasyon ng Amerika sa Philadelphia, ika-27 ng Abril, taon 1927, ay inilagay ang “Hespero Pithecus” [Taong Nebraska] sa pinaka baba ng puno na nagpapakita ng kanunuan ng tao.
Ano nga ba ang ngipin na natagpuan ni Harold Cook sa estado ng Nebraska…na lumikha nitong napaka-laking kasiguraduhan sa bahagi ng mga tinatawag na siyentipiko na pumintas at tinawanan si William Jennings Bryan gamit ang kanilang siyentipikong ebidensya? Ano nga bang mayroon ito na nadiskubre ni Harold Cook?
[Ilang taon pagkatapos] ng Scopes na paglilitis, ang kalansay ng buong hayop [ay] natagpuan. Ang nginpin ay pagmamay-ari ng…isang uri ng [ngayon ay wala na] baboy…Ito’y ngipin ng isang baboy! At ito ang mga kalalakihang tumawa kay William Jennings Bryan! At ito ang mga kalalakihan na gumawa ng isang buong lahi ng katauhan mula sa isang ngipin ng isang baboy…at binigyan ng taon ang [edad] ng sangkatauhan, na inirepresenta ng ngipin, bilang isang milyong taon! Iyan ay isang panloloko ng antropolohiya! (Isinalin mula kay Criswell, ibid., p. 49).
Nagkaroon na ng maraming ganoong “panloloko,” habang ang mga siyentipiko ay desperadong nagsusubok na makahanap ng patunay ng teorya ni Darwin. Ngunit para sa akin ito’y simpleng pagkakamali. Ang “siyentipikong paraan” ay nangangailangan na ika’y mangolekta ng ebidensyam, at tapos lamang noon na magbubuo ng isang teorya mula sa ebidensya. Ngunit sa “Kanunuan ng Tao” ni Darwin ang “siyentipikong paraan” ay isinasantabi. Imbes na unang kumuha ng ebidensya at pagkatapos lamang ay bumuo ng isang teorya, ang ebolusyonista ay bumuo muna ng isang teorya – at sa maraming taon sila’y desperadong nagsusubok na makahanap ng ebidensyang susuporta rito! Iyan ang dahilan na napaka raming kalokohan sa antropolohiya, tulad ng Taong Nebraska, Ang Unggoy-na-Tao ng Java [ang buto ng isang uri ng unggoy na may mahahabang braso], Ang Pangang Heidelberg [na gawa sa plaster ng Paris], at Ang Taong Piltdown [ang hinasang ngipin ng isang unggoy, na kinulayan gamit ng bichromate ng potash]. Ang mga kalokohan ng antropolohiya ay inilagay sa mga tanyag na mga museo, at itinala sa mga aklat ng mga paaralan sa buong mundo. Nabasa ko ang tungkol sa mga ito sa aking mga aklat sa high school, at inakalang totoo ang mga ito! Para sa akin mukhang maraming “usok at salamin,” ang nagaganap upang pigilan ang publikong matagpuan na ang buong kaisipan ng “kanunuan ng tao” ay isang panloloko.
At ngayon, ilang araw lang ang nakalipas, ang Ardipithecus Ramidus ay ibinunyag bilang isang malaking bagong nadiskubre at patunay ng ebolusyon ng tao. Pinupuri ni Dr. Owen Lovejoy ng Unibersidad ng Estado ng Kent ang bagong kalansay, sa pagsasabing, “Kailangan nating isulat muli ang mga aklat ng pinanggalingan ng tao” (isinalin mula sa USA Today, ika-2 ng Oktubre 2009, p. 1A).
Sandali lang! Inilimbag ni Charles Darwin ang aklat niyang The Descent of Man, noong 1871. Ang mga tagasunod niya sa “siyentipikong” komunidad ay nagkaroon ng 138 na taon upang patunayan ang teoryang ito. Gayon nakabuo sila ng mga sunod-sunod ng mga kalokohan, gaya ng sinabi ni Dr. Andrew Hill ng Unibersidad ng Yale, “mayroon lamang tatlo o apat [na aktwal na kalansay] na namamalagi” (isinalin mula sa Los Angeles Times, ibid., p. A18). At ang mga siyentipikong ito ay hindi man kahit magkasundo sa kani-kanila tungkol sa ibig sabihin ng “bagong” kalansay. Tinatawag ni Dr. Andrew Hill ng Yale ang mga paghuhula tungkol rito na ibinigay ni Dr. Owen Lovejoy ng Unibersidad ng Estado ng Kent, na “maliwanag na walang saysay” (Isinalin mula sa Los Angeles Times, ibid.).
Gaya ng sinabi ko kanina, tinatawag ko ang buong kaisipan ng “Kanunuan ng Tao” na maliwanag na walang saysay! Nagkaroon na sila ng 138 na taon upang patunayan ang kanilang pag-aakalang teorya, at sila’y nabigong patunayan itong sapat. Iyan ang dahilan na napaka-rami sa siyentipikong komyunidad ay ngayo’y nagbabalak na kwestyonin ang mga kaisipan ni Darwin. Ngunit pinagdududahan nila ang mga ito na nanganganib – dahil sila’y maaring masisante dahil rito. Ito’y pinatunayan sa pelikula ni Ben Stein na, “Expelled: No Intelligence Allowed.” Nagpapasalamat si Ben Stein sa mga tagapanood na ginawa itong “namumunong dokumentaryo ng taong 2008.” Ang dokumentaryo ni Stein ay nagpapakita na ang akademikong komyunidad ay lubos na dedikado sa mga kaisipan ni Darwin na ang pagdudahan siya sa kahit ano mang paraan na ang mga mag-aaral na gagawin ito ay akademikong parurusahan, at ang mga propesor na kwekwestyunin si Darwin ay haharap sa malakas na posibilidad ng pagkakatalsik mula sa kanilang posisyon. I-klik ito upang makita ang isang pagsusuri ng “Expelled” at upang orderin ito.
Gayon alam namin na maari kang maging isang Kristiyano at makatapos pa rin ng pag-aaral sa unibersidad. Tiklupin lang ang iyong bibig, aralin ang kanilang basura, at ibalik ito sa kanila kapag kayo’y magsusuri. Hindi mo kailangang paniwalaan ang ebolusyon ng tao! Nagtapos ako mula sa Kolehiyo ng Lungsod ng Los Angeles, Cal State L.A., at dalawang lubos na liberal na seminaryo na hindi naniniwala sa itinuro nila tungkol sa “kanunuan ng tao.” Si Dr. Chan at Dra. Judith Cagan ay parehong nagtapos mula sa pag-aaral ng medisina na hindi pinaniniwalaan ito. Si Dr. Cagan ay nagtapos na may Ph.D. sa matematiko mula sa UCLA, at hindi ito pinaniniwalaan. Maraming iba sa ating simbahan ay nakatanggap ng mga diploma mula sa mga sekular na mga kolehiyo at unibersidad na hindi ito pinaniniwalaan, kaya kaya mo rin ito! Lahat kami’y naniniwala sa sinasabi ng Bibliya sa Genesis 1:27,
“At nilalang ng Dios ang tao” (Genesis 1:27).
Sa aming simbahan naniniwala kami na ang tao ay nilikha sa pamamagitan ng tuwirang paggawa ng Diyos. Gayon tinatanggihan namin ang di pa rin napapatunayang siyentipikong katha ng “Kanunuan ng Tao” (1871) ni Darwin. Ang siyentipikong katha ay hindi napapawalang patunay ang Bibliya!
At itinuro ni Dr. Criswell na
Sinoportahan ng Panginoong Hesu-Kristo ang [paliwanag sa Genesis] ng paglilikha ng [tao] (Mateo 19:4-6). Kinompirma [ni Kristo] ang banal na inspirasyon ng pagpapaliwanag ng Genesis ng paglilikha... Siguradong ang banal na Tagapagligtas ay hindi aakalahin ang isang katha para sa isang kasaysayan.
Ang banal na pinukaw na paliwanag ng paglilikha ng tao sa Genesis ay tinanggap rin ni Pablo na nagsulat sa ilalim ng inspirasyon ng Banal na Espiritu. Ikumpara ang Mga Taga Roma 5:14. Basahin ang I Mga Taga Corinto 15:21-22, 45, 47. Tinignan [ng Apostol Pablo] ang…Genesis bilang [isang] makasaysayang pagbubunyag mula sa Diyos (isinalin mula sa W. A. Criswell, Ph.D., “Fact or Fable in Genesis,” Why I Preach that the Bible is Literally True, Broadman Press, 1973 edition, pp. 129-130).
Ang aklat ni Dr. Crisell ay mabibili sa ating tindahan. Ang dakilang aklat ni Dr. Henry M. Morris, na The Genesis Record ay mabibili rin, pati ang The Genesis Flood ni Dr. John C. Whitcomb at Dr. Morris. Ang mga aklat na ito ay makatutulong sa iyong makita kung bakit kami naniniwala sa tuwirang pagkalikha sa tao ng Diyos Mismo.
“At nilalang ng Dios ang tao” (Genesis 1:27).
Gayon man ang pinakamalakas na motibo para sa paniniwala ng Biblikal na paliwanag ng paglilikha ng tao ay nanggagaling sa pagkakaroon ng diretsong pagkakaranas sa Panginoong Hesu-Kristo. Kapag ika’y magpupuntay kay Kristo ika’y naipapanganak muli, at nahuhugasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng mahal Niyang Dugo na ibinuhos upang iligtas ka sa Krus. Kapag ika’y naipapanganak muli ang magandang katotohanan ng Paglilikha ay nagiging isang nabubuhay na katotohanan sa iyo. Panalangin ko na ito ay maging karanasan mo. Amen. Kantahin ang koro, “Ika’y Dapat Maipanganak Muli”!
Ika’y dapat maipanganak muli,
Ika’y dapat maipanganak muli;
Aking lubos, lubos na sinasabi sa iyo,
Ika’y dapat maipanganak muli.
(“Ika’y Dapat Maipanganak Muli,” isinalin mula sa
“Ye Must Be Born Again” ni William T. Sleeper, 1819-1904).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Genesis 1:26-27.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ika’y Dapat Maipanganak Muli,” isinalin mula sa
“Ye Must Be Born Again” (ni William T. Sleeper, 1819-1904).