Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG LALAKENG ITO! THIS MAN! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ngunit [ang lakakeng ito], nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios; Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tuntungan ng kaniyang mga paa” (Mga Hebreo 10:12-14) – [KJV]. |
Iwanang nakabukas ang inyong Bibliya sa lugar na ito. Ang teksto ay nagsisimula sa salitang “[ang lalakeng ito].” Sino itong tinutukoy ng mga Apostol? “[Ang lalakeng ito]” ay wala nang iba kundi ang Panginoong Hesu-Kristo. “Bakit,” sabi ng isa, “akala ko’y siya’y isang espiritu.” Tiyak, maraming nag-iisip na Siya ay isang espiritu – isang taga kabilang-mundong kaluluwa. Ang mga Disipolo mismo ang nakaisip nito noong nakita nila Siya. Pagkatapos niyang bumangon mula sa pagkamatay,
“sila’y kinilabutan, at nangahinatakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu” (Lucas 24:37).
Ngunit sinabi ni Kristo sa kanila,
“Hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Doon sa mga ngayo’y iniisip na si Hesus ay isang espiritu, sinasabi naming, sa mga salita ng ating teksto, “Ngunit, [ang lalakeng ito]” (Mga Hebreo 10:12) – [KJV]. Siya ay tinatawag sa mga Kasulatang,
“Ang taong si Cristo Jesus” (I Kay Timoteo 2:5).
“Ngunit,” maari mong sabihin, “narinig ko na si Hesus ay isang espiritu.” Sasagot kami sa pamamagitan ng pag-aapila sa Apostol, na nagsabi na sila’y tumutukoy ng
“Ibang Jesus, na hindi naming ipinangangaral”
(II Mga Taga Corinto 11:4).
“Oo,” may isang magsasabing, “yoon lamang Siya. Isa lamang lalake. Isang dakilang propeta, ngunit isang lalake lamang.” Iyan ang sinabi ni Mohammed ngunit, na hindi niya nalalaman ang Bagong Tipan, siya ay mali!
“Ngunit, siyang [lalake]” (Mga Hebreo 10:12) – [KJV].
“[Ang lalakeng ito]” ay hindi katulad ng kahit sinong lalake. “[Ang lalakeng ito]” ay ang Diyos na nagkatawang tao, sa pamamagitan ng pinagsamang katauhan at kabanalan niya [hypostatic union],
“Sapagka’t sa kaniya’y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman” (Colosas 2:9).
“[Ang lalakeng ito],” gayon, ay hindi katulad ng kahit sinong nabuhay kailan man – o mabubuhay pa man! “[Ang lalakeng ito]” ay si Kristo Hesus – ang Salita ng Diyos na ginawang laman – ang Pangalawang Tauhan ng “pagka Diyos” (Mga Taga Colosas 2:9).
“[Sapagka’t mayroong tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Banal na Espiritu: at ang tatlong ito ay iisa]” (I Juan 5:7) – [KJV].
“[Ang lalakeng ito]” ay si Hesu-Kristo, ang Pangalawang Katauhan ng Santisima Trinidad!
“Nang pasimula siya ang Verbo…at ang Verbo ay Dios…At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin”
(Juan 1:1, 14).
Salita ng Ama,
Ngayon sa laman ay nagpapakita!
O tayo na’t, atin Siyang sambahin,
O tayo na’t, atin Siyang sambahin,
O tayo na’t, atin Siyang sambahin,
Si Kristo ang Panginoon!
(“O Tayo Na, Lahat Kayong Nanampalataya,”
isinalin mula sa “O Come, All Ye Faithful, di-kilala;
isinalin ni Frederick Oakeley, 1802-1880).
“[Ang lalakeng ito]” ay ang tinutukoy ng Apostol! Kantahin ito!
Salita ng Ama,
Ngayon sa laman ay nagpapakita!
O tayo na’t, atin Siyang sambahin,
O tayo na’t, atin Siyang sambahin,
O tayo na’t, atin Siyang sambahin,
Si Kristo ang Panginoon!
Sa ating sekular na panahon, madalas magsalita ang mga rasyonalista tungkol sa tatlong dakilang relihiyon na naniniwala sa Diyos. Ngunit ating dapat laging ideklarang ang kaligtasan ay dumarating lamang sa pamamagitan ng “[lalakeng ito].” “[Ang lalakeng ito]” na nagsabing,
“Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Bakit kami sumasang-ayon rito, na sinabi Niya Mismo? Ang teksto ay nagbibigay ng tatlong dahilan.
I. Una, ang lalakeng ito ay nag-alay ng isang hain para sa mga kasalanan!
Ang teksto ay nagsasabing,
“Nguni’t [ang lakakeng ito], nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan…”
(Mga Hebreo 10:12).
Sa inyong isipan, bumaba kasama ni Kristo sa Hardin ng Gethsemane. Doon sa kadiliman ng hating gabi, tignan ang Dugong bumubuhos sa Kanyang pinapawisang balat. Hesus, bakit ka nasa matinding paghihirap? Bakit ka umungol ng ganyan? Bakit ka pinahirapan ng ganito? Walang kamay ng tao ang humawak sa iyo. Bakit, gayon, na ang iyong pawis ay “gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Masasabi lamang natin dito, ay isang makatuwirang Diyos ay “[nagpasan] sa kaniya […] [ng] kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
Sundan Siya sa Korte ni Pilato. Tignan Siyang hinahampas sa likod, nahihiwa hangang sa buto, ang Kaniyang damit ay nakulayang pula ng Dugo. Pagkatapos basahin na may pagkamangha ang mga salita ng propetang, “at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Ngayon sumama sa Kanya papunta sa Via Dolorosa, buhat ang Kanyang Krus patungo sa bundok ng Kalbaryo. Dinggin ang pagbabayo ng pako patagos sa laman ng Kanyang kamay at paa. Tignan ang Kanyang mukhang nasira ng sakit, at dinggin Siyang humiyaw ng, “Tapos na,” habang Kanyang iniyuko ang Kanyang ulo at namatay (Juan 19:30). “Tetelestai.” “Tapos na.” Ano, Panginoon Hesus, ang natapos mo? Ang sagot ay bumabalik sa atin mula sa ating teksto – “isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan” (Hebreo 10:12). Mula sa pagbagsak ni Adan hanggang sa katapusan ng sanglibutan, “[Ang lalakeng ito], nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man” (Hebreo 10:12). Dito’y mayroong isang paghihiwalay na mas higit pa sa Grand Canyon sa pagitan ng mga huwad na “Hesus” ng Koran at tunay na Hesus. Ang Koran ay nagsasabi na hindi Siya namatay sa Krus. Ngunit ang tunay na Hesus ay “namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasultan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
Binayaran ito ni Hesus ang lahat,
Lahat sa Kanya aking utang,
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mansta,
Hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.
(“Binayaran Ito ni Hesus Lahat,” isinalin mula sa
“Jesus Paid It All” ni Elvina M. Hall, 1820-1889).
“Nasa Krus.” Kantahin ito!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati kailan man,
Hanggang sa ang nakuhang kaluluwa ay mahanap
Magpahinga sa kabila ng ilog.
(“Hesus, Panatilihin Akong Malapit sa Krus,” isinalin mula sa
“Jesus, Keep Me Near the Cross” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
Kantahin muli!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati kailan man,
Hanggang sa ang nakuhang kaluluwa ay mahanap
Magpahinga sa kabila ng ilog.
II. Pangalawa, ang lalakeng ito ay hindi nanatiling patay!
Tignan ang teksto.
“Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios” (Hebreo 10:12).
Sabihin itong malakas!
“Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios” (Hebreo 10:12).
Kung si Kristo ay nanatiling patay hindi maaring siya ang lalakeng tinutukoy ng Apostol dahil “ang lalakeng ito” ay bumangon mula sa pagkamatay, at umakyat pabalik kung saan Siya nanggaling, upang makaupo sa “kanan ng Dios” (Hebreo 10:12). Ito ay si Kristo Hesus, na
“ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay […]” (MgaTaga Roma 1:4) – [KJV].
Noong Siya ay pisikal na bumangon mula sa pagkamatay,
“Napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw” (Mga Gawa 1:3).
“Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios” (Marcos 16:19).
Alleluya! Alleluya! Alleluya!
Ang tatlong malungkot na mga araw ay madaling dumaan,
Siya’y bumangong maluwalhati mula sa pagkamatay;
Lahat ng luwalhati sa ating bumangong Puno: Alleluya!
Alleluya! Alleluya! Alleluya!
(“Ang Gulo’y Tapos Na,” isinalin mula sa “The Strife Is O’er,”
ang pagkaka-akda ay di-tiyak, isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).
Kantahin ito!
Alleluya! Alleluya! Alleluya!
Ang tatlong malungkot na mga araw ay madaling dumaan,
Siya’y bumangong maluwalhati mula sa pagkamatay;
Lahat ng luwalhati sa ating bumangong Puno: Alleluya!
Alleluya! Alleluya! Alleluya!
Gayon mayroong isa pang berso sa ating teksto, na nagdadala sa atin sa pangatlong punto.
III. Pangatlo, ang lalakeng ito ay babalik muli!
Paki basa ang berso 12 at 13 ng malakas.
“Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios; Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa”
(Hebreo 10:12-13).
Si Kristo’y darating muli! Pagkatapos
“mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30).
Pagkatapos “ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa” (Hebreo 10:13). Ang dakilang si Spurgeon ay nagsabing,
Ang Anak ng Diyos ay magpapakita, at alam natin na pagka siya’y magpapakita kanyang aapakan ang kanyang mga kaaway, sa ilalim ng kanyang mga paa, at maghahari mula sa isang sa magkabilang dulo, at mula sa ilog hanggang sa dulo ng lupa (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Si Kristong Itinaas,” [“Christ Exalted”] The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 reprint, volume II, p. 303).
Si Kristo ay bababa mula sa luwalhati ng Langit sa Bundok ng Olivo, kung saan Siya ay umakyat!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng tao;
Siya’y babalik muli, Siya’y babalik muli.
Na may kapangyarihan at matinding kaluwalhatian,
Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli” Isinalin mula sa
“He Is Coming Again” ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
“…at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30).
Kantahin ito!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng tao;
Siya’y babalik muli, Siya’y babalik muli.
Na may kapangyarihan at matinding kaluwalhatian,
Siya’y darating muli!
Si Kristo ay napako sa krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Siya ay namatay at nailibing. Siya ay bumangon mula sa hukay at umakyat pabalik sa Kaluwalhatian. Siya ay darating muli at “ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.” Siguraduhing hindi ka isa sa Kanyang mga kaaway. Magpunta kay Kristo! Mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Maipanganak muli sa pamamagitan ng Kanyang biyaya! At siguraduhing magpunta sa simbahan “sa bawat panahong ang pinto ay bukas.” Naway tulungan ka ng Diyos at pagpalain ka! Amen. Kantahin ang koro ng “Nabubuhay, Minahal Niya Ako” [“Living He Loved Me”]! Ito’y kanta bilang 7 sa inyong papel.
Nabubuhay, minahal Niya ako; namatay, iniligtas Niya ako;
Inilibing, bunuhat Niya ang aking mga kasalanan sa malayo;
Bumangon, Kanyang pinagkatotoo ng malaya magpakailan man;
Isang araw Siya’y darating – o, maluwalhating araw!
(“Isang Araw,” isinalin mula sa “One Day”
ni J. Wilbur Chapman, 1859-1918).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Hebreo 10:9-14.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Araw,” isinalin mula sa
“One Day” (ni J. Wilbur Chapman, 1859-1918).
ANG BALANGKAS NG ANG LALAKENG ITO! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ngunit [ang lakakeng ito], nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios; Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tuntungan ng kaniyang mga paa” (Mga Hebreo 10:12-14). – [KJV]. (Lucas 24:37, 39; I Timoteo 2:5; II Mga Taga Corinto 11:4; I. Una, ang lalakeng ito ay nag-alay ng isang hain para sa mga kasalanan! II. Pangalawa, ang lalakeng ito ay hindi nanatiling patay! Hebreo 10:12b; III. Pangatlo, ang lalakeng ito ay babalik muli! Hebreo 10:13; Mateo 24:30. |