Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAG-UUSIG LABAN SA LOKAL NA SIMBAHAN NGAYON! PERSECUTION AGAINST THE LOCAL CHURCH TODAY! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nang araw na yao’y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem…” (Mga Gawa 8:1). |
Maraming mga Amerikanong mangangaral sa telebisyon ay ginagawa na para bang ang Kristiyanismo ay lahat “kasiyahan at kaligayahan.” Ngunit iyan ay mali. Ang sinoman na nagiging isang tunay na Kristiyano ay masasabi sa iyo na ang Kristiyanismo ay hindi lahat “katuwaan at mga laro.” Mayroong mga kalaban ang Kristiyanismo sa mediya at sa araw-araw na buhay. Ngayon, sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ang mga Kristiyano ay inuusig dahil sa kanilang pananampalataya kay Kristo. I-klik ang www.persecution.com upang basahin ang katotohanan tungkol sa malawakang pag-uusig ng mga Kristiyano.
Kahit sa “malayang mundo” ang mga Kristiyano ay palaging sinusugod at pinipintasan ngayon. At mas malala pa sa ibang mga bahagi ng mundo.
Madalas kong ipinupunto ang pag-ibig at kaligayahan na nararanasan ng mga tao sa lokal na simbahan sa Jerusalem. Ngunit nakararanas rin sila ng maraming mga problema. Hindi dapat natin kailan mang isipin na maari tayong magkaroon ng maligaya’t masayang lokal na simbahan na hindi kailan man nararanasan ang pag-uusig ng kahit ano mang anyo. Ito’y isang pagkakamali na ilarawan ang simbahan sa Jerusalem bilang isang lugar ng kasiyahan at kaligayahan – na hindi sinasabing naranasan rin nila ang pag-uusig!
“At nang araw na yao’y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem…” (Mga Gawa 8:1).
Itinuro ni Dr. John Gill (1697-1771) na ang mga salitang, “at nang araw na yao’y” ay maisasaling “sa araw na iyon” (Isinalin mula kay Dr. John Gill, An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume II, p. 211). Gayon sinasabi ni Dr. Gill na ang pag-uusig ay nagsimula sa araw
…na si Esteban ay binato. Agad pagkatapos nila siyang pinatay, ang mga uhaw sa dugong kinasusuklaman ay…gutom para sa dugo ng iba; at ngayon na nasa malaking bilang, at puno ng galit at inggit, ay bumagsak sa mga miyembro ng simbahan saan man nila sila nakasalubong, at pinapatay sila… hindi lahat ng mga miyembro ng simbahan…dahil ating pagkatapos ay nababasa ang tungkol sa mga debotong mga kalalakihan na nagbuhat kay Esteban sa kanyang libingan; at ng sa simbahan na nagawang kaguluhan sa pamamagitan ni Saul; at ng mga kalalakihan at kababaihan na nagiging… tapat sa bilanguan sa pamamagitan niya; ngunit lahat ng mga mangangaral ng salita, maliban sa mga apostol; dahil sila na ikinalat, ay nagpatuloy sa pangangaral ng salita…na isa sa kanila ay si Felipe, na nagpunta sa Samaria; at Ananias, na nasa Damasacus; at mga ibang nagpunta kasing layo ng Phenice, Cyprus, at Antioch: at lalo na na sila ay sinabing maging kalat sa iba’t ibang mga rehiyon ng Hudea at Samaria; kung saan ang kanilang paglilingkod ay napatinding biniyayaan, sa pagbabangong loob ng mga kaluluwa, na madaliang maraming mga simbahan ang naitanim at nabuo sa mga bahaging ito gaya ng pagpapakitang [Mga Gawa 9:31] gayon na ang pag-uusig na ito ay para sa pag-aasenso ng Ebanghelyo…At ang pagkakalat na ito sa pamamagitan ng dahilan ng pag-uusig, ay ng sa lahat ng mga mangangaral, maliban sa mga Apostol; ang labin dalawang mga Apostol, na [nanatili] sa Jerusalem upang alagaan ang simbahan; upang palakasin ang loob ng mga miyembro nito upang magdusang naliligayahan sa alang-alang ni Kristo at kanyang Ebanghelyo (Isinalin mula kay Gill, ibid.).
“At nang araw na yao’y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem…” (Mga Gawa 8:1).
Dapat nating asahan ang pag-uusig rin. Dumarating ito sa atin sa lahat ng iba’t ibang anyo. Kantahin ang “Hesus, Aking Krus Aking Kinuha.”
Hesus, aking krus aking kinuha, Lahat iiwan at susundan Ka.
Mahirap, kinamumuhian, iniwanan, Maging mula gayon sa iyo ang lahat ko.
Mawala ang bawat iniibig na ambisyon, Lahat ng aking hinahanap,
at hinahangad, at nalalaman.
Gayon napakayaman ng aking kondisyon, ang Diyos at Langit ay akin pa rin!
(“Hesus, Aking Krus Aking Kinuha,” isinalin mula sa
“Jesus, I My Cross Have Taken” by Henry F. Lyte, 1793-1847).
I. Una, ang pag-uusig ay nanggagaling sa labas ng lokal na simbahan.
Iyan ang nangyari sa simbahan sa Jerusalem. Ang pag-uusig ay dumating sa kanila mula doon sa labas ng simbahan, mula doon sa mga laban rito. Madalas magsalita si Hesus tungkol rito. Sinabi niya,
“Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin at kayo'y hahampasin sa kanilang mga sinagoga; Oo at kayo'y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin…” (Mateo 10:17-18).
Muli, sinabi ni Hesus,
“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9).
Sinabi ni Apostol Pablo,
“Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig” (II Kay Timoteo 3:12).
Dito ipinaaalala ni Pablo si Timoteo ang isang napaka-importanteng bagay: Bawat tunay na taga-sunod ni Kristo malapit na o maya-maya ay mauusig… Mula sa panahon ni Kristo hangang sa kasalukuyan, lahat ng tunay na Kristiyano ay humarap sa mga pag-subok at pagdurusa ng isang uri (Isinalin mula sa The Applied New Testament Commentary, Kingsway Publications, 1996, page 872).
Sinabi ni Hesus,
“Kayo’y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan” (Mateo 10:22).
Muli, sinabi ni Hesus,
“Kung kayo’y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan, bago kayo. Kung kayo’y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni’t sapagka’t kayo’y hindi taga sanglibutan, kundi kayo’y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan”
(Juan 15:18-19).
Ang mga bagong mga Kristiyano rito sa Kanluran, at sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ay madalas magulat na makahanap ng mga taong aktwal na kinapopootan sila dahil sa pagiging mga Kristiyano. Natatandaan ko na ito’y dumating na isang malaking surpresa sa akin noong ako’y unang naging isang Kristiyano. Ngunit ako’y nasurpresa dahil hindi ko pa gaanong alam ang Bibliya noon. Gayon ginawa ni Hesus itong napaka malinaw noong sinabi Niyang,
“Kayo’y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan” (Mateo 10:22).
Sinasabi ng mga Komunista sa Tsina sa mga tunay na mga Kristiyano na ang kanilang mga utak ay “kinondisyon.” Madalas nilang ilagay ang mga Kristiyano sa kampo para sa “muling-edukasyon” [re-education] at subukan silang makuhang isuko ang Kristiyanismo. Tayo ay hindi nagugulat na marinig ang tungkol riyan – ngunit tayo ay nagugulat kapag ang mga di-Kristiyanong mga kaibigan at mga kamag-anak dito sa Amerika ay sinasabi ang parehong bagay – at sinusubukan tayong ilayo mula sa simbahan. Dapat nating tandaan ang sinabi ni Hesus. “Kayo’y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan” (Mateo 10:22). Hindi lang mga Komunista sa Tsina ang nag-uusig ng mga tunay na Kristiyano. Ang pag-uusig ngayon ay nararanasan ng mga mabubuting Kristiyano sa Amerika at ibang mga bansa sa Kanluran rin, at ito’y lumalago ng napaka-bilis ngayon!
“At nang araw na yao’y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem…” (Mga Gawa 8:1).
Sa panahong ito ng pag-uusig kailangan ng mga tunay na Kristiyanong maging handa upang magdusa ng maraming anyo ng pag-uusig. Kailangan nating buhatin ang ating krus at sundan si Kristo ano man ang kabayaran nito! Kantahin ang, “Hesus Aking Krus Aking Kinuha!”
Hesus, aking krus aking kinuha, Lahat iiwan at susundan Ka.
Mahirap, kinamumuhian, iniwanan, Maging mula gayon sa iyo ang lahat ko.
Mawala ang bawat iniibig na ambisyon, Lahat ng aking hinahanap,
at hinahangad, at nalalaman.
Gayon napakayaman ng aking kondisyon, ang Diyos at Langit ay akin pa rin!
II. Pangalawa, ang pag-uusig ay maaring mangaling
mula sa loob ng lokal na simbahan.
Lumipat sa Mga Gawa 20:29-30. Ito ang mga salita ng Apostol Pablo sa mga pinuno ng lokal na simbahan sa Miletus. Magsitayo tayo at basahin ang dalawang mga berso ng malakas.
“Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan” (Mga Gawa 20:29-30).
Maari ng magsi-upo.
Ibinigay ni Dr. Gill ang kumentong ito:
Hindi lamang mga huwad na mga guro mula sa labas ang dapat pumasok sa kanila, ngunit ang ilan ay lilitaw mula sa kanilang sariling mga komunidad, ang mga tinanggap na mga miyembro nila, at kung sino ay kanilang hinangad ng mabuti…upang pumunit ng mga miyembro mula sa kanilang mga simbahan, pagbibiyak at paghihiwalay, nagbubuo ng mga partido, inilalagay ang mga sarili nila sa panguna sa kanila (Isinalin mula kay Gill, ibid., p. 342).
Sa kanyang aklat na Pagbiyak ng Simbahan, [Church Split] sinasabi ni Dr. Roy Branson,
Sa karamihan ng mga kondisyon ang simbahan ay nagbibiyak dahil isang grupo sa kongregasyon ay laban sa ebanghelismo… Kapag ang isang simbahan ay nagsisimulang abutin ang iba at lumago, bawat orihinal na miyembro…ay dapat gawin ang isa sa tatlong mga bagay: Suportahan ang ebanghelistikong pagpupunyagi ng simbahan, lumubog sa kawalan, o magrebelde sa pamamagitan ng pagtatangi o pag-alis (Isinalin mula kay Dr. Roy L. Branson, Jr., Church Split, Landmark Publications, 1990, pp. 169-170).
Oo, ang mga “pagbiyak” ng simbahan tulad nito ay maaring mangaling sa loob ng lokal na simbahan. Binibiyak nito ang ating mga puso kapag ang paghihiwalay ng simbahan ay dumarating, ngunit maari nating maasahan ito. Sinabi ni Hesus, “Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian” (Juan 16:33). Ang lokal na simbahan ay isang nakamamanghang lugar na mapupuntahan, ngunit ito’y hindi malaya mula sa iba’t ibang mga anyo ng pag-uusig. Ang nag-iisang lugar kung saan walang pag-uusig ay sa Langit!
“At nang araw na yao’y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem” (Mga Gawa 8:1).
Kantahin ang “Hesus, Aking Krus Aking Kinuha.”
Hesus, aking krus aking kinuha, Lahat iiwan at susundan Ka.
Mahirap, kinamumuhian, iniwanan, Maging mula gayon sa iyo ang lahat ko.
Mawala ang bawat iniibig na ambisyon, Lahat ng aking hinahanap,
at hinahangad, at nalalaman.
Gayon napakayaman ng aking kondisyon, ang Diyos at Langit ay akin pa rin!
III. Pangatlo, ang pag-uusig ay nagpapakita ng malaking halaga
ng lokal na simbahan.
Maraming mga magnobiyo ay magkatirang sa isang bahay na hindi nagpapakasal ngayon. Sila’y takot na ipagtapat ang kanilang sarili sa isa’t-isa sa takot na magkaroon ng diborsyo. Ito’y nakalulungkot dahil ang pagpapakasal ay bigay ng Diyos na institusyon.
Pansinin na itong parehong henerasyong ito, na hindi magtitiwala sa kasal, ay may problema rin sa pagtitiwala sa isang lokal na simbahan! Iyan ay hindi dapat sosorpresa sa atin, dahil ang kasal at pakikisapi sa simbahan ay kinukumpara sa isa’t isa sa Bibliya sa Mga Taga Efeso 5:31-32:
“Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman. Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia”
(Mga Taga Efeso 5:31-32).
Sa pasaheng ito ng Kasulatan ang lalake at babae ay inihahambing kay Kristo at ang simbahan. Ang kasal ng isang lalake at babae ay inihambing kay Kristo at ang lokal na simbahan.
Ang isang di-napagbagong loob na lalakeng ayaw maipakasal, o manatiling kasal, ay hindi rin mararanasan ang saya at katatagan ng pagiging miyembro sa isang lokal na simbahan. Yoong mga nakikita mahirap ang pagiging kasapi sa simbahan ay makikita ring mahirap ang pagpapakasal at mga anak. Nakakita na ako ng napaka raming mga taong umaalis sa kanilang lokal na simbahan pagkatapos nilang magkaroon ng isa o dalawang anak. At pagkatapos marami sa kanila ay nagdidiborsyo. Hindi lang nila ito kayang bitbitin – pamilya o simbahan.
Ngunit anong ligaya ang nakakaligtaan ng mga taong ito! Yoong mga hindi makapanatiling kasal at palakihin ang kanilang mga anak ay nakakaligtaan ang isa sa pinaka dakilang kaligayahan ng buhay. Yoong mga hindi mapag-ugnay sa lokal na simbahan ay nakaliligtaan ang isa sa pinaka dakilang kasiyahan ng buhay.
Ang mga pighating dumadating laban sa lokal na pakikisapi sa simbahan ay hindi nagpapakita na ito’y hindi importante. Ito’y kabaligtaran nito! Ang mga pighati at pag-uusig na dumadating laban sa pakikisapi sa lokal na simbahan ay nagpapakita kung gaano lubos na importante ang pakikisapi sa simbahan!
“At nang araw na yao’y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem” (Mga Gawa 8:1).
Bakit ito nangyari? Dahil ang sinusugod ng Diablo ang lokal na simbahan! Hindi gusto ng Diablo na mahanap mo ang kaligtasan, kaligayahan, at magkaroon ng tumatagal na mga kaibigan sa lokal na simbahan! Gusto ng Diablo na ika’y mahipan papalayo tulad ng isang dahon sa hangin.
Ano mang mangyari, ibaba natin ang ating mga ugat, at magtiwala sa isa’t isa sa kasal – at magtiwala sa isa’t isa sa lokal na simbahan! Iyan ay isa sa ating mga tema: “Bakit mag-isa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging ligaw? Umuwi – kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos!”
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 8:1-4.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mahinhin at Mahinahon si Hesus ay Tumatawag,” isinalin mula sa
“Softly and Tenderly Jesus is Calling” (ni Will L. Thompson, 1847-1909).
ANG BALANGKAS NG ANG PAG-UUSIG LABAN SA LOKAL NA SIMBAHAN NGAYON! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nang araw na yao’y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem…” (Mga Gawa 8:1). I. Una, ang pag-uusig ay nanggagaling sa labas ng lokal na simbahan, II. Pangalawa, ang pag-uusig ay maaring mangaling mula sa loob ng lokal III. Pangatlo, ang pag-uusig ay nagpapakita ng malaking halaga ng lokal |