Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG KAHALAGAHAN NG LOKAL NA SIMBAHAN

THE IMPORTANCE OF THE LOCAL CHURCH

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga, Araw ng Panginoon, Ika-20 ng Setyembre taon 2009

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].


Ang ilang mga tao ay nagsasabi na idinidiin ko masyado ang lokal na simbahan. Ngunit hindi ito sa palagay ko. Ito’y pakiramdam ko na ang lumang-paraang Bautismong pagdidiin sa lokal na simbahan ay ang sakto kinakailangan ng henerasyong ito. Nakarinig na tayo ng napaka raming nakalilitong mga kaisipan sa paglago ng simbahan na lubos kong kinaguguluhan. Kailangan nating bumalik sa lumang-panahong pagtuturong Bautismo sa lokal na simbahan. Wala ng ibang makaliligtas sa atin sa mga araw na ito ng pagkalito at pagtalikod sa dating pananampalataya.

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

Ano ang sinasabi ng bersong ito? Sasabihin ko sa inyo ang hindi nito sinasabi muna. Hindi nito sinasabi ang tungkol sa isang denominsayon. Ang simbahang tinutukoy nito ay hindi isang Metodistang simabahan, o Presbyterianong denomination, o Katolikong denominasyon. Walang mga denominasyon noong ang bersong ito ay ibinigay! Pangalawa, hindi ito tumutukoy patungkol sa isang gusali ng simbahan sa unang siglo! Walang mga gusali ng simbahan noon. Basahin ang Bagong Tipan at makikita mo agad iyan. Ngayon, kapag ang mga tao ay nagsasalita tungkol sa simbahan, madalas silang nagsasalita tungkol sa isang gusali. Sinasabi nila, “Hindi ba napaka ganda ng simbahang iyan?” Sila’y tumutukoy sa gusali. Ngunit dahil walang kahit anong mga gusali ng simbahan noong ang bersong ito ay naisulat, hindi maaring iyan ang tinutukoy nito. Ang mga tao ay nagpulong sa mga tahanan upang magsagawa ng mga Kristiyanong paglilingkod sa unang siglo! Kaya ang ating teksto ay hindi maaring tumutukoy sa gusaling simbahan! Pangtalo, ito’y hindi tumutukoy ng tungkol sa “unibersal na simbahan.” Walang kaisipang ganyan sa bersong ito. Ito’y simpleng tumutukoy sa mga totoong mga tao, na talagang nagsama-sama, sa isang tunay na lugar, sa isang lokal na simbahan! Ito’y nakilala bilang “iglesia na nasa Jerusalem” (Mga Gawa 8:1).

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

Hindi nito ibig sabihin na mga tao ay naidagdag sa isang denominasyon, o sa isang gusaling “simbahan,” o na sila ay mag-kakaugnay sa “unibersal na simbahan.” Hindi! Ang ibig sabihin nito’y simpleng ang sinasabi nito, na idinagdag ng Panginoon sa simbahan sa Jerusalem “yaong nangaliligtas”! Ang ibig sabihin nito’y ang sinasabi nito! Sinasabi nito ang ibig sabihin nito!

Ang salitang “simbahan” ay ang Ingles na pagsasalin ng Griyegong salitang “ekklesia.” Ito’y isang hugnayang salita, na pinag-uugnay ang pang-ukol na “ek” (labas) at ang pandiwang “kaleo” (tawagin), na literal na ibig sabihin ay “ang mga tinawag” (Isinalin mula sa cf. The Criswell Study Bible, sulat sa Ephesians 5:23). Itinuro ni Dr. Criswell na ang “isang ‘simbahan’ ay isang grupo ng mga tao na, tinawag palabas ng kasalanan at sa di-paniniwala kay Kristo, ay nagbigay saksi sa pananampalatayang iyan sa pamamagitan ng bautismo ng nanampalataya at ipinagsama-sama ang kanilang mga sarili sa isang kagustuhang pakikisama” (Isinalin mula sa ibid.). Iyan ay isang maiging kahulugan. Ang simbahan ay isang grupo ng mga tao na nailigtas at napagsama-sama upang bumuo ng isang samahan. Iyan ang pinag-uusapan sa Mga Gawa 2:47!

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

Iyan ang dahilan na madalas kong sabihin, “Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi kay Hesus at maligtas.” Napaghahalo ko ba ang pagpupunta sa simbahan sa pagpupunta kay Kristo? Hindi sa anomang paraan! Sinasabi kong paulit-ulit na ang pagpunta kay Kristo at pagpunta sa simbahan ay dalawang hiwalay na mga bagay. Kung magpupunta ka sa simbahan na hindi nagpupunta kay Kristo ika’y pupunta sa Impiyerno! Si Kristo lamang ang makaliligtas sa iyo! Madalas kong isipin ang Mga Gawa 16:31, “Manampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka.” Nililinaw naming iyang lubos. Ang kaligtasan at pagiging miyembro ay dalawang hiwalay na mga bagay. Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi – kay Kristo! Iyan ang motto na dapat nating gawing malinaw na ang kaligtasan at pagiging miyembro ay dalawang magkaibang mga bagay.

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

Narito ay apat na simpleng mga punto na aking ihahayag ngayong umaga:

I. Una, ang pagpupunta sa simbahan ay makapagagaling
ng iyong kalungkutan.

Dapat mong maintindihan na kung sino ang kinakausap ko. Kinakausap kita! Ito’y lalabas bawat salita sa ating websayt – sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Maaring mayroong mga taong nagbabasa nito na hindi nakadarama ng kalungkutan. Hindi ko alam. Ang alam ko ay na karamihan sa mga tao’y nakadarama ng kalungkutan ngayon – sa kaliitan sa malalaking mga lungsod. Ngunit hindi ko kinakausap ang Internet ngayong umaga. Yoong mga nagbabasa nito sa ating websayt ay dapat maintindihan na kinakausap kita!

Maraming pag-eebanghelismong ginagawa ang simbahan natin – lalo na sa mga kampus ng maraming sekular na mga kolehiyo, at ibang mga lugar na pinupuntahan ng mga kabataan, sa distrito ng Los Angeles. Ang simbahang ito ay puno ng mga kabataang nasa kolehiyo at high school ngayong umaga bilang resulta – at kinakausap kita! Alam kong malungkot ka. Sa Hardin ng Eden sinabi ng Diyos, “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18). Nilikha ng Diyos si Eba mula sa tadyang ni Adan upang hindi siya mag-isa (Isinalin mula sa cf. Genesis 2:18, 21-22). Hindi gusto ng Diyos na ang tao ay mag-isa. At hindi gusto ng Diyos na ika’y mag-isa. Iyan ang isa sa mga dahilan na nilikha ng Diyos itong lokal na Bagong Tipang Bautismong simbahan – upang hindi ka mga-isa.

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

Nilikha ng Diyos ang babae upang ang lalake ay hindi mag-isa sa Hardin ng Eden. Nilikha ng Diyos ang lokal na simbahan upang hindi ka mag-isa sa mundo ngayon.

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

Kaya, sinasabi namin, “Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan!”

Mali ba kaming sabihin iyan? Dapat ba naming sabihin, “Huwag mong sabihin sa mga bata iyan. Baka magpunta sila sa simbahan para sa maling dahilan.” Mas pipilin ko pang magpunta ka para sa maling dahilan kay sa hindi magpunta kailan man! Maaring maligtas ka pa kung patuloy kang magpupunta! Pagkatapos ay magpupunta ka para sa tamang dahilan!

Kung ang pagpupunta sa simbahan dahil malungkot ka ay ang “maling dahilan,” gayon ako rin ay nagpunta dahil sa maling dahilan. Noong ako’y labin tatlong taong gulang inimbita ako ng mga kapit-bahay sa simbahan. Nagpunta ako dahil ako’y malungkot. Ako’y nagpatuloy magpunta dahil ako’y malungkot. Pagkatapos ako’y napagbagong loob. Anong mali diyan? Walang mali diyan!

Gawin natin ang lokal na simbahan na isang masayang lugar! Gawin natin itong ang pinaka-masayang lugar sa lupa! Kantahin natin ang mga dakilang ebanghelyong kanta’t himno! Ipangaral natin ang lumang panahong ebanghelyong sermon – at sumigaw ng “Amen!” Umupo tayo at kumain ng hapunan (Hindi tanghalian! Tanghalian ay isang bagay na binubuhat sa isang sako!). Mag-“hapunan tayo sa paligiran ng simbahan,” tulad ng ginagawa noong mga nasa lumang panahon! Mag-karoon tayo ng lumang-paraang samahan. Kung mayroong magsasabing, “Ah! Kalokohan! Ang samahan ay kalokohan!” – hayaan siya sa sulok at kumain ng malamig na lugaw tulad noong matandang bulastog na si Ebenezer Scrooge! Kantahin natin iyong kantang, “Umuwi sa Hapunan.” Ito’y ang pangatlong taludtod ng huling kanta sa inyong papel! Kantahin ito!

Ang mga taga-malaking lungsod ay mukhang wala lang paki-alam;
Maliit ang mai-aalay nila at walang pag-ibig na maibigay.
Ngunit umuwi kay Hesus at iyong matutuklasan,
Mayroong pagkain sa mesa at pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
   (“Umuwi sa Hapunan,” isinalin mula sa “Come Home to Dinner”
     ni Dr. R. L. Hymers, Jr., koro sa tono ng
       “On the Wings of a Snow White Dove.”)

Maraming mga kabataan ang dumating upang “maghapunan sa paligiran” sa mga lumang-panahong ebanghelistikong pagpupulong ng ika-labin walo at ika-labin siyam na mga siglo – noong ipinadala ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan at yoong mga kabataan na dumating upang kumain ng hapunan ay nanatili at narinig ang isang mangangaral na ibinabayo ang pulpito at iwinawagaswas ang kanyang Bibliya sa ere – at isinisigaw ang ebanghelyo ni Kristo. Kailangan natin iyan ngayon!

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay”
       (Lucas 14:23).

Oo, ginoo, ang pagpupunta sa simbahan ay makagagaling ng iyong kalungkutan. Bakit maging malungkot? Umuwi – sa simbahan! Kantahin ang koro muli!

Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

II. Ngunit, pangalawa, ang pagpupunta sa simbahan ay
hindi makaliligtas sa iyo.

Madalas sabihin noon ng isang matandang ebanghelista, “Ang pagpupunta sa simbahan ay hindi makagagawa sa iyong mas higit na maging isang Kristiyano kay sa ang pagpupunta sa isang garahe ay makagagawa sa iyong maging isang kotse.” Tama siya sa puntong iyon. Kinakausap niya ang mga taong iniisip na sila’y ligtas dahil nagpupunta sila sa simbahan tuwing Linggo. Ngunit hindi marami ang mga taong tulad ng mga iyon dito sa Los Angeles ngayon. Napaka-kaunting mga “modernong” tao sa ating mga lungsod ang nag-iisip tulad niyon sa ating panahon. Marami silang ibang mga huwad na pag-asa ng kaligtasan ngayon.

Ngunit maaring mayroong ilan sa inyo ngayon rito ngayong umaga na ganoon pa rin mag-isip. Maari mong sabihin sa iyong puso, “Ako’y uuwi sa simbahan ngayon. Ako’y ligtas.” O, hindi! Huwag mong iisipin iyan! Ang pagpupunta sa simbahan ay hindi makagagawa sa iyong mas higit na maging isang Kristiyano kay sa pagpunta sa isang garahe ay makagagawa sa iyong maging isang kotse!

Sinabi ni Kristo, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Dapat mong maranasan ang bagong pagkapanganak upang maligtas. Sinasabi ng Bibliya,

“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8-9).

Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya lamang. Walang gawain ng tao ang makaliligtas sa iyo – hindi kahit ng pagpupunta sa simbahan. Ang paraan lamang upang mapagbagong loob ay sa pamamagitan ng pagpunta kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Sinabi ni Hesus,

“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin”
      (Mateo 11:28).

Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo lamang. Dapat kang magpunta kay Hesus at mananampalataya sa Kanya ng iyong buong puso, “sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid” (Mga Taga Roma 10:10). Ika’y mapagbabagong loob sa pamamagitan ng pagpupunta kay Hesus. Ang pagpupunta sa simbahan ay hindi makaliligtas sa iyo.

Sinasabi ng ating teksto,

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

Ikaw ay totoong “idinaragdag sa [kanilang simbahan]” lamang sa pamamagitan ng pagiging ligtas. At ikaw ay naliligtas lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus.

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
       (Mga Gawa 16:31).

Kantahin ang pangatlong taludtod ng koro ng “Umuwi sa Hapunan.”

Ang mga taga-malaking lungsod ay mukhang wala lang paki-alam;
Maliit ang mai-aalay nila at walang pag-ibig na maibigay.
Ngunit umuwi kay Hesus at iyong matutuklasan,
Mayroong pagkain sa mesa at pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

III. Pangatlo, ang pagpupunta sa simbahan ay maglalagay sa iyo
sa ilalim ng pangangaral ng ebanghelyo.

Sinabi ng Apostol Pablo,

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
       (Mga Gawa 16:31).

Kantahin ang pangatlong taludtod ng koro ng “Umuwi sa Hapunan.”

Ito’y sa pangangaral ni Pedro na ginamit ng Diyos na makuha ang tatlong libong mga taong maligtas sa araw ng Pentekostes (Mga Gawa 2:37-41). Pagkatapos sila ay idinaragdag sa simbahan (Mga Gawa 2:41, 47).

“Nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa” (Mga Gawa 2:41).

Sila’y naidagdag sa simbahan sa pamamagitan ng pagkakaligtas sa ilalim ng pangangaral ni Pedro.

Naniniwala pa rin ako sa pangangaral ng ebanghelyo! Ipinangangaral ko ang ebanghelyo dalawang beses tuwing Linggo sa simbahang ito. Alam ko na iyan ay wala na sa uso sa maraming mga simbahan ngayon. Ngunit wala akong paki-alam sa pagiging “nasa uso!” Kailangan kong mangaral upang makuha maligtas kayong mga kabataang! Sa tingin ko’y hindi natin kailan man makikita ang muling pagbabangon kung hindi tayo babalik sa pangangaral ng lumang-panahong ebanghelyo sa ating paglilingkod tuwing Linggo!

Sinabi ni Pablo sa lokal na simbahan sa Corinto,

“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23).

Ang iba ay maaring magkwento upang magalak ang mga tao. Ang iba ay maaring magbigay ng mahabang paliwanag ng Kasulatan. Ang ilan ay maaring magbigay ng 15 minutong “inspirasyonal na mga mensahe.” “Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23). Dito sa Baptist Tabernacle amin pa ring “ipinangangaral […] ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23). “Datapuwa’t aming ipinangangaral si Kristong napaka sa krus.” Anoman ang sabihin ng iba, patuloy kami sa pangangaral ng Ebanghelyo tuwing Linggo!

Hindi ba gagawin iyang mababaw ang mga tao? Siguradong hindi nito ginawang mababaw ang aming mga tao! Nasa atin ang ilan sa pinaka-maiiging Kristiyanong nakilala ko kailan man sa simbahang ito. Ilan sa kanila ay napagbagong loob sa ilalim ng aking ebanghelyong pangangaral, tuwing umaga at gabi ng Linggo. Sila’y napakain sa pamamagitan ng aking ebanghelyong pangangaral, umaga at gabing Linggo.

Ang ating diakonong, si Gg. Griffith, ay naligtas sa ilalim ng aking ebanghelyong pangangaral – at ay isang dakilang tao ng Diyos. Ang ating diakonong si Dr. Chan, ay naligtas sa ilalim ng aking ebanghelyong pangangaral, at ay isang dakilang tao ng Diyos. Si Dr. Cagan, ang ating pangatlong diakono, ay dumating rito hindi katagalan pagkatapos ng kanyang pagbabagong loob, at iginugol ang 30 taon sa pakikinig sa aking mangaral ng ebanghelyo tuwing umaga ng Linggo at tuwing gabi ng Linggo. Siya ay isa sa pinaka-magaling na Kristiyanong iyong makikilala kailan man. Bawat isa sa mga pinuno ng ating simbahan ay naligtas sa ilalim ng aking ebanghelyong pangangaral. Wala na silang iba pang narinig kundi ang ebanghelyong sermon, Linggo umaga at gabi, sa buong Kristiyanong buhay nila. Sila ay mga dakilang Kristiyano. Sila ay dumating sa ilalim ng lumang-paraang ebanghelyong pangangaral!

Hindi, ang ebanghelyong pangangaral ay hindi makagagawa sa iyong mababaw – imbes na lang kung ito’y isang mababaw na ebanghelyong pangagnaral! Ipinangaral ni Dr. Martyn Lloyd-Jones ang ebanghelyo tuwing gabi ng Linggo sa kanyang dakilang simbahan sa London – at madalas ng umaga ng Linggo rin. Siya ay tinatangap na isa sa pinakadakilang mangangaral ng ika-dalawampung siglo. Nakarinig ako ng isang teyp ng isa sa kanyang ebanghelistikong sermon hindi katagalan noon. Ito’y lubusang nakamamangha! Nakapupukaw! Ang ganoong uri ng ebanghelyong pangangaral ay hindi lamang gagamitin ng Diyos upang ipangaral ka – gagawin ka rin nitong maging isang malakas ng Kristiyano.

Ang ebanghelyong pangangaral ay makakukuha sa iyong mailigtas, at itatatag ka bilang isang Kristiyano, gaya ng ginawa nito sa panahon ng Bibliya. Sinabi ni Pablo,

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
      (I Mga Taga Corinto 2:2).

Oo, umuwi sa simbahan. Ngunit makinig rin sa pangangaral at magpunta kay Hesus. Makinig sa aking mangaral, gaya noong ginawa ng mga tao sa Pentecostes, at maaring maligtas ka rin! Kantahin ang koro, “Umuwi sa Simbahan at Kumain”!

Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

IV. Pang-apat, ang pagpupunta sa simbahan ay magtuturo sa iyong
maging isang mabuting Kristiyano pagkatapos mong maligtas.

Tayo ay sinabihan sa Mga Taga Efeso 4:11-16 na ang mga pinuno ng lokal simbahan ay ibinigay para sa

“ikasasakdal [inihahanda] ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo” (Mga Taga Efeso 4:12).

Sinabi ni Dr. Harold B. Sightler:

Ang simbahan ay ang ahensya ng karunungan at espiritwal na paglago. Ito’y responsibilidad ng simbahan upang pahinogin ang mga musmos kay Kristo…Tayo ay ahensya ng karunungan. Wala tayong ibang pagpipilian ukol sa paksang ito kundi mag-alay ng tulong sa mga musmos kay Kristo habang sila’y lumagong maging isang lubos-na-dalubhasang anak ng Diyos na sinasadya at layunin ng Diyos na ang isang nananampalataya ay dapat maging. Saan sila maaring magpunta para sa ganitong uri ng tulong kundi sa simbahan? Saan pa sila makahahanap ng ganitong uri ng pag-mamahal o ganitong uri ng tulong kundi sa simbahan? (Isinalin mula kay Dr. Harold B. Sightler, The Church, Greenville, SC: Tabernacle Baptist Church, 1983, pp. 41-42).

Kabataan, pumasok sa lokal na Bagong Tipang Bautismong simbahang ito, siguraduhin na ika’y napagbagong loob, at kumayod para kay Kristo. Magpunta sa paghihikayat ng mga kaluluwa kaaga-agad. Bumili ng isang Scofield Study Bible at basahin ito araw-araw. Basahin ang Bibliya kasabay namin.

Tinatapos ni Billy Graham ang bawat palabas niya sa telebisyon noon sa patitig diretso sa kamera ng kanyang matalim na asul na mga mata. Pagkatapos sasabihin niya, “At siguraduhing magpunta sa simbahan sa Linggo.” Mali ba si Billy Graham na sabihin sa mga tao iyan? Hindi, mali siya sa ibang mga bagay, ngunit hindi diyan. Sinasabi ko na walang paghingi ng tawad na si Billy Graham ay sukdulang tama noong sinabi niyang, “At siguraduhing magpunta sa simbahan sa Linggo.”

Ang aking asawa at ako’y noon nagpupunta sa bahay ng nanay ko at pinapanood si Jerry Falwell tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng magsimba. Narinig namin si Dr. Falwell na nagsabi ng maraming beses, sa halos bawat sermon, “At magpunta sa simbahan tuwing ang mga pinto nito’y bukas.” Narinig ko si Jerry Falwell na nagsabi niyan ng hindi mabilang na beses sa telebisyon. Mali ba si Jerry Falwell na magsabi sa mga taong magpunta sa simbahan tuwing ang mga pinto nito’y bukas? Hindi! Sa tinggin ko’y mali siya sa ilang mga bagay, ngunit hindi siya mali noong sinabi niya iyan. Sinasabi ko na walang paghingi ng tawad na si Jerry Falwell ay sukdulang tama noong sinabi niyang, “Magpunta sa simbahan tuwing ang mga pinto nito’y bukas”!

Si Jim Gent ay isang lumang panahong Bautismo. Ang kanyang aklat ay inendorso ni Dr. Lee Roberson at Dr. Tom Malone. Sinabi ni Jim Gent:

Kahit na ipinapayo ng mga tanyag na mga kalalakihan na ang lokal na simbahan ay wala na sa uso at na ang makabagong panahon ay humihingi ng ibang programa at plano, totoong masasabi natin na ang mga apostol ay nakahanap ng mga simbahan at nakahanap sila ng walang ng iba pa, at ang lokal na simbahan pa rin, ngayon, ay ang suporta at pundasyon ng katotohanan! Ayon sa mga Kasulatan, ang simbahan pa rin ang paraan ng Diyos upang matupad ang Kanyang mga programa at plano para sa panahong ito (Isinalin mula kay Jim Gent, God Says You Need the Local Church, Smyrna Publications, 1994, p. 90).

Kabataan, magpunta kay Kristo at hanapin ang kaligtasan – “At siguraduhing magpunta sa simbahan sa sunod na Linggo.” Kabataan, magpunta kay Kristo at mahugasan mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, “at magpunta sa simbahan tuwing bukas ang pinto.”

Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala sa buhay ng kasalanan? Umuwi – kay Hesu-Kristo at maging ligtas! Kantahin ang koro, “Umuwi sa Simbahan at Kumain.”

Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

Kantahin ang huling kanta sa papel, “Umuwi sa Hapunan.”

Umuwi kay Hesus, ang mesa ay nakalatag;
Umuwi sa hapunan at tayo’y maghati ng tinapay.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihing,
Umuwi sa hapunan at maghati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

Ang samahan ay matamis at ang iyong mga kaibigan ay narito;
Tayo’y uupo sa mesa, ang ating pusong puno ng ligaya.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihin,
Umuwi sa hapunan at maghati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

Ang mga taga-malaking lungsod ay mukhang wala lang paki-alam;
Maliit ang mai-aalay nila at walang pag-ibig na maibigay.
Ngunit umuwi kay Hesus at iyong matutuklasan,
Mayroong pagkain sa mesa at pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

Umuwi kay Hesus, ang mesa ay nakalatag;
Umuwi sa hapunan at tayo’y maghati ng tinapay.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihing,
Umuwi sa hapunan at maghati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 2:41-47.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagpalain ang Taling Nag-uugnay,” isinalin mula sa “Blest Be the Tie That Binds” (ni John Fawcett, 1740-1817).


ANG BALANGKAS NG

ANG KAHALAGAHAN NG LOKAL NA SIMBAHAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].

(Mga Gawa 8:1; Mga Taga Efeso 5:23; Mga Gawa 16:31)

I.   Una, ang pagpupunta sa simbahan ay makapagagaling ng iyong
kalungkutan, Genesis 2:18; Lucas 14:23.

II.  Ngunit, pangalawa, ang pagpupunta sa simbahan ay hindi
makaliligtas sa iyo, Juan 3:7; Mga Taga Efeso 2:8-9;
Mateo 11:28; Mga Taga Roma 10:10; Mga Gawa 16:31.

III. Pangatlo, ang pagpupunta sa simbahan ay maglalagay sa iyo sa
ilalim ng pangangaral ng ebanghelyo, Mga Taga Roma 10:14;
Mga Gawa 2:41; I Mga Taga Corinto 1:23; 2:2.

IV. Pang-apat, ang pagpupunta sa simbahan ay magtuturo sa iyong
maging isang mabuting Kristiyano pagkatapos mong maligtas,
Mga Taga Efeso 4:11-16.