Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




APOY AT AZUFRE SA IMPIYERNO

FIRE AND BRIMSTONE IN HELL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Biyernes ng Gabi Ika-4 ng Setyembre taon 2009

“Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro” (Mga Awit 11:6).


Ang sermong ito ay hinango mula sa isang sermong ibinigay ng Puritanong si Thomas Vincent. Ipinanganak noon 1634, nakumpleto ang kanyang master’s degree mula sa Oxford noong 1654. Siya ay inordina ng Simbahan ng Inglatera, ngunit pinatalsik mula sa simbahan sa isang akto ng Parliamento noong 1662, dahil sa paghahawak ng mga ebanghelistikong doktrina. Nagsimula siyang mangaral sa isang Puritanong simbahan. Iniwanan niya ang kongregasyon upang magtrabaho kasama ng mga biktima ng epidemiya na tumama sa London noong taong iyon. Sa loob ng epidemiyang iyon nangaral siya palagi, sa mga malalaking pulong ng mga taong umaapaw upang pakinggan siya. Kahit na 65,000 ng mga tao ang namatay dahil sa epidemiya noong 1665 lamang, milagrosong prinotektahan ng Diyos si Thomas Vincent. Ang epidemiya ay natapos kasabay na ang London ay natupok ng sunog sa isang malaking apoy. Isinulat niya ang tungkol sa karanasang ito na may mga taong namamatay sa epidemiya at matinding apoy sa London na sumunod sa aklat niyang, “Ang Teribleng Tinig ng Diyos sa Lungsod sa pamamgitan ng Epidemya at Apoy” (1667) [“God’s Terrible Voice in the City by Plague and Fire”]. Ang sermong aking paghahanguan ngayong gabi ang, “Apoy at Azufre sa Impiyerno,” [“Fire and Brimstone in Hell”] ay inilimbag sa tatlong bahagi noong 1670. Ang teribleng mga karanasan na pinagdaanan niya sa pagtratrabaho kasama ng mga namamatay sa epidemiya at ang malaking apoy na sumunod ay walang dudang nakatatak sa kanyang isipan ang mga takot noong mga namamatay na wala si Kristo. Walang duda na ang teribleng epidemiya at ang apoy ay nagtulak sa kanyang isulat ang sermong ito sa “Apoy at Azufre sa Impiyerno.”

Sinabi ni Thomas Vincent, Ang pasakit ng Impiyerno sa pamamagitan ng apoy at azufre, ay lampas pa sa pag-uunawa ng ating natural na isipan. Gayon ating naiintindihan ang Apoy at Azufre sa Impiyerno sa pamamagitan ng pag-iisip ng mapusok na paghahatol na bumagsak sa Sodom at Gomorrah, at ang makabagong mga apoy na sumira sa mga malalaki at masasamang mga lungsod tulad ng London. Sa pag-iisip ng mga apoy na ito sa lupa nagkakaraoon tayo ng pag-kakaintindi sa apoy at azufre na ang mararanasan sa Impiyerno ng mga nawawala.

“Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro”
       (Mga Awit 11:6).

Ang bersong ito ay nagsasabi sa atin na ang isang teribleng bagyo ng apoy at azufre ay bubuhos sa mga makasalanan sa Impiyerno, isang paghahatol na nararapat.

Pag-isipan natin kung ano ang katulad ng apoy sa Impiyerno para doon sa mga di-napagbabagong loob na babagsak sa

“apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro” (Mga Awit 11:6).

Ang mga ito ay pitong mga katangian o marka ng Impiyernong-apoy.


1.  Una, ito’y magiging isang malaking apoy.

2.  Pangalawa, ito’y isang madilim na apoy.

3.  Pangatlo, ito’y mabaksik na apoy.

4.  Pang-apat, ito’y isang di-maiiwasang apoy.

5.  Pang-lima, ito’y tuloy-tuloy na apoy.

6.  Pang-anim, ito’y di mapapatay na apoy.

7.  Pang-pito, ito’y walang hangang apoy.


Una, ang apoy ng Impiyerno ay isang malaking apoy. Nakita ninyo ang malaking apoy na tumupok sa mga bundok ng Timog ng California nitong nakaraang mga linggo (tag-lagas, 2009). Marami sa mga unang nakarinig sa sermong ito ay nakita ang apoy na tumupok sa karamihan ng London noong 1666. Ngunit ang apoy ng Impiyerno ay mas higt na mas malaki kay sa mga apoy na ito. Ito’y napaka laki na tutupukin nito ang lahat ng di-napagbagong loob. Ang lahat ng mga makasalanan ay mapupunta sa apoy ng Impiyerno sabay sabay. Sa Apocalipsis 20:1, ang Impiyerno ay tinawag na “ang kailaliman.” Ito’y napakalaking apoy na ito’y inilarawan bilang “kailaliman,” ang “kailiman ng apoy. Dahil sa ang Impiyerno ay isang “kailaliman” maari itong maglaman ng lahat na nawawalng nabuhay kailan man. Ito’y isang kailalimang apoy. At ang apoy ay nanggagaling sa Diyos, gaya noon sa mga lungsod ng Sodom at Gomorrah.

Pangalawa, ang apoy ng Impiyerno ay isang madilim na apoy. Walang ilaw sa Impiyerno. Ang kumpleteong kadiliman ng Impiyerno ay dadagdag sa kilabot nito. Sinabi ni Kristo,

“Ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas” (Mateo 25:30).

“…na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man” (Judas 13).

Walang ilaw na magpapagaan sa iyo – wala kundi pagluluha at paghihiyaw at pagdudurog ng ngipin. Walang ilaw mula sa araw o buwan. Ang apoy mismo, na isang di-natural na apoy mula sa Diyos, ay hindi magbibigay ng ilaw. Lahat ay madilim at itim: itim na mga demonyo, itim na mga kaluluwa, itim na kapaligiran. Tiyakin mo, walang masayang ilaw. Doon ang mga nakondena ay mapupunta sa isang lugar ng kadiliman magpakailan man,

“…na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man” (Judas 13).

Pangatlo, ang apoy ng Impiyerno ay isang mabagsik na apoy. Ang malaking apoy na tumupok sa London sa panahon ni Thomas Vincent ay mabagsik, brutal at bayolente. Gayon din ang apoy sa tumupok sa Sodom. Sa Impiyerno ang apoy ng galit ng Diyos at poot laban sa kasalanan ay mag-aalab ng mabagsik. Ang wika ng tao ay hindi lubusang makahahayag kung gaano ka-bayolente ng poot ng Diyos sa mga makasalanan. Sinabi ni Moises,

“Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit, at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo” (Mga Awit 90:11).

Ang galit ng tao ay limitado. Ngunit sinong nakakaalam ng galit ng Diyos? Ito’y walang wakas. Madalas nating katakutan na kayang gumawa ng tao mas higit sa kaya nilang gawin. Ngunit kaya ng Diyos at paparusahan niya ang mga nawawalang kaluluwa ng natatakot, na lampas pa sa kayang ihayag ng tao. Gagawin ng Diyos na makilala ang Kanyang poot

“sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira”
       (Mga Taga Roma 9:22).

Ang apoy na magpapasakit ay magiging napaka-bagsik at napaka-bayolente. Ito’y napaka bayolente apoy, na pipighatiin nito ang bawat bahagi, mula tuktok ng ulo hangang sa paa ng mga nakondena.

Pang-apat, ang apoy ng Impiyerno ay isang di-maiiwasang apoy. Hindi mapipigil ng lahat ng kapangyarihan ni Satanas at kanyang mga demonyo ang apoy ng galit ng Diyos. Sinabi ng propetang si Nahum,

“Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya” (Nahum 1:6).

Ang apoy ng galit ng Diyos ay di-maiiwasan. Walang makapipigil ng Kanyang galit laban sa kasalanan. Ang apoy ng Impiyerno ay tutupok ng may kabrutalan na sasakupin nito ang lahat ng pumipigil. Walang makapipigil sa galit ng apoy ng Diyos sa Impiyerno. Wala sa mga nawawala ay maproprotektahan mula sa apoy. Siya nga, ang malupit ay matutupok sa Impiyernong-apoy at walang makapipigil sa mga pagliliyab!

Pang-lima, ang apoy ng Impiyerno ay isang tuloy-tuloy na apoy – laging nagliliyab na walang katapusan.

“At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man” (Apocalipsis 14:11).

Walang katapusan sa pagliyab ng galit ng Diyos, walang pagbabawas sa apoy ng Impiyerno. Ang apoy na ito ay palaging mainit, palaging nagliliyab sa pinaka mataas na grado. Sinabi ni Kristo,

“Kung magkagayo'y sasabihin naman niya…Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel” (Mateo 25:41).

Pang-anim, ang apoy ng Impiyerno ay isang di-mapapatay na apoy, isang apoy na hindi mapaptay. Tinawag ito ni Kristong,

“apoy na hindi mapapatay” (Mateo 3:12).

Nagbabala si Kristo tungkol sa pagpunta sa

“Impierno, sa apoy na hindi mapapatay” (Marcos 9:43).

Ngayon, habang ikaw ay buhay, ang apoy ng galit ng Diyos ay maaring mapatay, sa pamamagitan ng Dugo ni Hesu-Kristo; at ang apoy ay maaring maiwasan. Ngunit pagkatapos mong mamatay ito’y huli na. Sa Impiyerno’y huli na. Ang Dugo ni Kristo ay hindi makapapatay nito, o mapahihinahon ang poot ng Diyos doon. Kung ang lahat ng tubig ng mga karagatan ng sanglibutan ay mabubuhos sa mga liyab ng Impiyerno, mapapatay ng mga ito ang mga ito gayon. Isinasalin si Shakespeare,

Ang lahat ng karagtan ng Neptune ba’y
   Makahuhugas sa [kasalanang] ito
Linisin mula sa aking kamay? Hindi;
   Pipiliin ng aking kamay
Ang walang bilang na mga dagat na pula;
   Ginagawa ang mga berdeng pula
(Isinalin mula sa Macbeth, Act II).

Ang Impiyerno ay isang di-mapapatay na apoy.

Pang-pito, ang apoy ng Impiyerno ay isang walang hangang apoy. Sinabi ni Kristo,

“Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel” (Mateo 25:41).

Ang apoy ng Impiyerno ay laging nasusunog, at ang mga kinondena ay magpakailan mang mapapasakit nito. Ito’y walang hangang pasakit para sa nawawala. Sabihin natin na sampung libong taon ay dadaan, at pagkatapos niyan isang daan libong milyon ng mga milyong taong ay dadaan, at gayon man ay ika’y hindi mapupunta sa katapusan ng walang hangan; hindi, hindi pati sa gitna ng walang hangan; ikaw pa rin ay nasa umpisa lamang nito. Idagdag rito ang mga minuto at mga oras ng panahon, lahat ng mga bilang ng aritmetiko na maaring maisip, at ang lahat ng ito ay ang simula lamang ng walang hangan. Gaano kahaba magtatagal ang walang hangang? Magpakailan man! Kailan matatapos ang walang hangan? Hindi kailan man! Habang ang Langit ay magpapatuloy na Langit, at ang Diyos ay magpapatuloy na Diyos, at lahat ng mga ligtas ay magiging maligaya sa kasayahan ng Diyos; sa lahat ng walang hangan na ang mga nawawala ay mapapasakit sa apoy ng Impiyerno. Maari tayong makarinig tungkol sa walang hangang apoy ng Impiyerno, ngunit hindi natin makataong maiintindihan ito. Maari lamang nating sabihin, gamit iyang lumang koro,

Saan mo igugugol ang walang hangan?
   Ang tanong na ito’y dumarating sa iyo at ako.
[Ano ang wakas] na sagot?
   Saan mo igugugol ang walang hangan?
Walang hangan, walang hangan;
   Saan mo igugugol ang walang hangan?
(“Saan Mo Igugugol ang Walang Hangang”
   Isinalin mula sa “Where Will You Spend Eternity?”
     ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maaring mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”