Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGHIHILAHIL AT MULING PAGBABANGON TRIBULATION AND REVIVAL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus” (Apocalipsis 12:17). |
Ang Aklat ng Apocalipsis ay nagpapakita ng isang napaka dilim na larawan ng nalalapit na hinaharap. Karamihan sa aklat ay nagsasalita ng Matinding Paghihilahil, ang huling pitong taon ng sa ngayong panahon. Ang sanglibutan ay pamumunuhan ng Anti-kristo, at ang Diyos ay magbubuhos ng matinding paghahatol sa mundo.
Ngunit mayroong maliwanag na marka sa madilim at teribleng panahong ito. Binasa ng ating diakonong si Dr. Chan ang paghuhulang ito sa Apocalipsis 7:1-14 ilang sandali kanina. Ang maliwanag na marking ito sa panahon ng Paghihilahil ay ang pinakadakilang muling pagbabangon ng tunay na Kristiyanismo na nakita ng mundong ito!
Ang mga muling pagbabangon ay madalas ipinapadala ng Diyos sa mga panahon ng matinding gulo at pagtalikod sa dating pananampalataya. Ang mga muling pagbabangon na naitala sa Aklat ng Mga Gawa ay napunta sa ilalim ng kalupitan ng mga Romanong emperor, at matinding mga maling pananampalataya sa loob ng maraming mga simbahan. Ang mga Kristiyano ay pinugutan ng ulo, at pinahirapan at itinapon sa mga leon sa unang siglo. Marami sa mga simbahan ay tumangap sa maling paniniwalang pagtuturo sa mga araw na iyon. Ngunit, sa gitna ng lahat ng mga gulo at pagtalikod sa dating pananampalataya, ang Espiritu ng Diyos ay naibuhos, at libo-libong mga tao ay napagbagong loob. Sila’y nagsibuhos sa mga simbahan sa Aklat ng Mga Gawa! Sa ika-labing anim na siglo, sa loob ng panahon ng teribleng pag-uusig sa pamamagitan ng Pagsisiyasat at matinding espiritwal na kadiliman, ang matinding Repormasyong muling pagbabangon ay ipinadala ng Diyos upang ibaling ang marami kay Kristo. Ang ika-labing walong siglo ay isang panahon ng matinding pagtalikod sa dating pananampalataya, espiritwal na kamatayan, at rebolusyon. Ngunit, muli, sa loob ng madilim na panahong ito, nagpadala ang Diyos ng muling pagbabangon sa Unang Dakilang Paggising. Sa loob ng gulo at kalituhan at maling pananampalataya, kaagad-agad bago ng Digmaang Sibil, nagpadala ang Diyos ng muling pagbabangon sa Pangatlong Dakilang Paggising. Ang Muling Pagbabangon, na hindi mapapantayan sa kasaysayan ng Tsina, ay nangyayari ngayon, habang ako’y nagsasalita ngayon sa Republika ng Tao ng Tsina, at sa Timog Silangang Asiya, sa ilalim ng teribleng pag-uusig ng Komunismo, sa gitna ng maling pananampalataya at pagtalikod sa dating pananampalataya sa mga huwad na mga kulto na lumitaw doon. Wala sa mga ito ang nakapagpatigil sa muling pagbabangon sa Tsina!
Habang ito’y totoo na ang Diyos ay minsang nagpapadala ng muling pagbabangon sa loob ng mga panahon ng kapayapaan at kaginhawaan, madalas Niyang ginagawa ito sa mga panahon ng gulo at kawalan ng pag-asa rin. At ito’y maging totoo rin sa pitong-taong Paghihilahil, sa katapusan ng panahong ito.
Huwag dapat nating isipin na ang pagtalikod sa dating pananampalataya ay ang pumipigil sa muling pagbabangon. Sinabi ni Pedro sa mga napagbagong loob sa araw ng Pentecostes na ang muling pagbabangong kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay hindi lamang para sa kanila, kundi
“Sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya”
(Mga Gawa 2:39).
At kaya, nakikita natin na ang pinaka matinding muling pagbabangon sa buong kasaysayan ng Tsina ay nangyayari kahit ngayon, habang ako’y nagsasalita. Ang pangako ay tunay na para sa “ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Diyos sa kaniya” (Mga Gawa 2:39).
Ang Diablo ay palaging masikap, lalo na sa mga panahon ng muling pagbabangon. Mahahanap natin sa ating teksto na
“At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus” (Apocalipsis 12:17).
Ang “dragon” rito ay si Satanas. Ang berso siyam ay nagsasabi sa atin na:
“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan…” (Apocalipsis 12:9).
Ang “babae” sa ating teksto ay tumutukoy sa Israel, at ang mga Hudyo. Ang Israel ay itinutukoy na matalinghaga bilang ang “babaing nanganak ng sanggol na lalake” (Apocalipsis 12:13).
Dito sa Aklat ng Apocalipsis natututunan natin ang tatlong mahahalagang katotohanan tungkol sa matinding Paghihilahil na muling pagbabangon.
I. Ang unang bagay na ating natutunan mula sa dakilang katapusan-ng-panahong muling pagbabangon sa Aklat ng Apocalipsis ay patungkol sa 144,000 na Hudyong ebanghelista.
Ang mga ito’y nailarawang nakadetalye sa Apocalipsis 7:1-8. Tayo ay sinabihan na “matatatakan” ng Diyos ang “kanilang mga noo” (Apocalipsis 7:3). Ito’y walang duda na tumutukoy sa “pagtatatak” ng Banal na Espiritu sa pagbabagong loob. Sinabi ng Apostol Pablo,
“mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako” (Mga Taga Efeso 1:13).
At kaya, ang mga Hudyong mananampalataya ay matatatakan rin, ang kanilang mga pusong maitatago sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. O, naway ang Diyos Mismo’y magpadala ng muling pagbabangon sa mga Hudyo!
Tayo ay tiyak na sinabihan na mayroong 144,000 nila. Sinabi ni Dr. Harry Ironside, “Ang isang daan apat na pu’t apat na libo ay binubuo ng labin dalawang libong mga nagmula sa bawat tribo ng anak ng Israel. Walang nag-iisang gentil sa gitna nila” (Isinalin mula sa isinipi ni James O. Combs, Rainbows From Revelation, Tribune Publishers, 1994, p. 79). Hindi alam ng mga Hudyo ngayon kung saang tribo sila nangaling, ngunit alam ng Diyos. At kanyang tatatakan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ang 12,000 mula sa bawat tribo, gumagawang 144,000. Gaya ng isinasaad sa ating teksto, ang 144,000 na mga Hudyong mananampalataya ay magkakaroon ng “patotoo ni Jesus” (Apocalipsis 12:17). Ang ibig sabihin niyan ay kanilang ipangangaral ang ebanghelyo ni Kristo. Tamang sinasabi ni Dr. Tim LaHaye, “Ang 144,000 na mga saksi ay mangangaral ng parehong mensahe na ipinangaral ng Apostol Pablo, o ng Apostol Pedro, ang parehong mensahe na ating ipangangaral” (Isinalin mula sa isinipi ni James O. Combs, ibid., p. 80).
Sa Apocalipsis 14:4, ang 144,000 na mga Hudyong ebanghelista ay inilarawan:
“Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Apocalipsis 14:4).
Inilarawan ni Kristo ang kanilang ebanghelistikong gawain noong sinabi Niya,
“At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).
Ito ay ang parehong ebanghelyong mensahe na ipinangaral ng Apostol Pablo, ayon sa Mga Gawa 28:31. Tayo ay sinabihan tungkol kay Pablo
“…Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo…”
(Mga Gawa 28:31).
Kaya, ang unang bagay na ating natututunan tungkol sa matinding dakilang katapusan-ng-panahong muling pagbabangon sa Aklat ng Apocalipsis tungkol sa 144,000 na mga Hudyong ebanghelista, na iproproklama ang ebanghelyo sa buong mundo sa panahong ito.
II. Ang pangalawang bagay na ating natutunan mula sa matinding katapusan-ng-panahong muling pagbabangon sa Aklat ng Apocalipsis ay na ang walang kapantay na bilang ng mga Gentil ay mapagbabagong loob.
Binasa ng ating diakonong si Dr. Chan ang mga salitang ito mula sa Apocalipsis, kapitulo pito, kaunting sandali kanina,
“Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan… Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero”
(Apocalipsis 7:9, 14).
Si Dr. Arnold Fruchtenbaum, isang iginagalang na iskolar ay nagsabing,
Sinusundan ang pangitain ng 144,000 na mga Hudyo, nakita ni Juan ang isang malaking bilang ng mga Gentil mula sa bawat lahi at grupo ng may iisang wika na nakatayo sa harap ng luklukan ng Diyos. Ang pahayag na [“pagkatapos ng mga bagay na ito” sa berso 9] ay nangangahulugan na ang kaligtasan ng mga laksa ng mga Gentil ay sinusundan na sunod-sunod ang 144,000 na mga Hudyo at mayroong isang sanhi at epektong ugnayan…Ang mga Gentil na ito ay kinikilala bilang yoong mga lumabas mula sa Matinding Pagsubok. Sila ay mga ligtas na mga Gentil dahil kanilang hinugasan ang kanilang mga balabal sa dugo ng Cordero. Dahil sinusundan ng mga ito ng sunod-sunod ang ministro ng 144,000 na mga Hudyo, ang implikasyon ay na sila ay mga Gentil na naging mga tagapagpanalampalataya bilang isang resulta ng pangangaral ng 144,000 na mga Hudyo (Isinalin mula kay Arnold G. Fruchtenbaum, Israelology, Ariel Ministries, 1993, p. 768).
Maaring mukhang mahirap paniwalaan na 144,000 na mga Hudyo ay mapagbabagong loob kay Kristo sa napaka-ikling panahon. Maaring mukhang mas mahirap na paniwalaan na isang hindi mabilang na bilang ng mga Gentil sa buong mundo ay mapagbabagong loob sa pamamagitan ng kanilang pangangaral. Ngunit ito ay sakto kung ano ang hinuhulaan ng Bibliya na mangyayari sa loob ng Matinding Paghihilahil. Ito ang matinding katapusan-ng-panahong muling pagbabangong hinulaan sa mga Kasulataan. Ito ay magiging ang katuparan ng pangako na ibinigay ng propetang si Joel:
“At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain: At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon” (Joel 2:28-32).
III. Ang pangatlong bagay na ating natutunan mula sa matinding katapusan-ng-panahong muling pagbabangon sa Aklat ng Apocalipsis ay na walang dami ng pagtalikod sa dating pananampalataya o pag-uusig ang makatitigil sa Diyos mula sa pagpapadala ng muling pagbabangon.
Ang Anti-kristo magiging isang diktador na kinamumuhian ang Diyos na maghahari sa mundo sa padating na panahon ng pagtalikod sa dating pananampalataya.
“At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan… At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa. At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan” (Apocalipsis 13:6-8).
Sinasabi sa atin ng Bibliya na ang mga Kristiyano ay “pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios” (Apocalipsis 20:4). Sila’y “pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila” (Apocalipsis 6:9).
Gayon, kahit dyan sa padating na teribleng pag-uusig at pagtalikod sa dating pananampalataya, magpapadala ang Diyos ng muling pagbabangon. Hindi tayo dapat magulat nito. Ang Diyos ay nagpadala ng muling pagbabangon sa mga simbahan ng una at pangalawang mga siglo sa ilalim ng teribleng pag-uusig ng mga Romanong emperor tulad ni Caligula, Nero, Hadrian, at Trajan. Gayon, mas higit na ang inuusig at pinapatay ang mga Kristiyano, mas higit na ang Diyos ay magpapadala ng muling pagbabangon – at hindi mabilang na libo-libo ay napagbabagong loob. Walang dami gayon ng maling pananampalataya, paganismo, o pag-uusig ang makapipigil sa muling pagbabangon mula sa pagdating nito – at walang dami ng pag-uusig o huwad na relihiyon ang makapipigil sa muling pagbabangon ngayon – kung pipiliin ng Diyos na ipadala ito! Ngayong gabi, habang ako’y nagsasalita, ang pinaka matinding muling pagbabangon sa buong kasaysayan ng Tsina at Timog-silangang Asiya ay nangyayari. Literal na milyong mga Tsino, at ibang mga Asiyano, ay napagbabagong loob kay Kristo sa mga huling kakaunting taon, sa ilalim ng matinding pag-uusig mula sa mga Komunista. Sinabi ni Dr. Eddie Wang,
Ating natamo ang nakananaig na ebidensya mula sa Voice of the Martyrs, isa sa pinaka-nirerespetong organisasyon sa mundo, na ang mga Kristiyano sa Tsina ay matinding inuusig pa din. Noong Pebrero ng taon 2003, ang Voice of the Martyrs ay nakamit ang isang higit na sekretong dokumento na nagpapatunay na ang gobyernong Tsino ay mayroong nagaganap, na sistematikong kampanya upang ipanghas at sirain ang di nakarehistrong Protestanteng mga simbahan. [Sila’y] naakusahan ng pagiging masamang mga kulto ng mga Komunistang ramunuan. Karamihan sa mga bahay simbahang grupong ito ay may libo libong mga miyembro. Marami mga mangangaral at mga Kristiyano ay naaresto at nailagay sa bilanguan o sa mga kampong gawaan, ang ilan ay matinding pinahirapan, ang ilan ay binugbog hangang sa mamatay o binitay…Nahulaan na simula noong mga taong 1980 ang mga sumusunod ay naganap sa gitna ng 60 milyong mga bahay simbahang miyembro: 2.7 milyon ay inaresto; 440,000 ay nabilango; higit sa 10,000 ay pinahirapan hangang mamatay; 20,000 ay pinilay sa pagpapahirap; 200,000 ay nagtatago o nawawala; 750 ay nasa masamang listahan; at 1.3 milyon ay lubhang namultahan. Sa kaliitliitan may 52 importanteng bahay simbahang mga pinuno at daan daang mga Kristiyano ay naaresto sa unang apat na buwan ng taon 2003. Ilan sa ating mga kapwa-mangagawa ay nagdurusa pa rin sa mga sa mga kampo ng gawaan para sa Panginoon (Isinalin mula kay Dr. Eddie Wang, Christian Way Missions, Inc., Greenville, South Carolina, newsletter, Setyembre 2003)
Paanong nangyari na isang makapangyarihang muling pagbabangon ay nangyayari ngayon sa Tsina sa ilalim ng ganoong pag-uusig? Paanong nangyayari na makapangyarihang muling pagbabangon ay nangyari sa ilalim ng mga Romanong emperor? Paanong nangyayari na ang pinaka matindi sa lahat na muling pagbabangon ay mangyayari sa ilalim ng teribleng pag-uusig at pagtalikod sa dating pananampalataya ng Anti-kristo? Ang sagot lamang ay ito: ang mga muling pagbabangon ay mga himala, na pinapadala ng Diyos. Wala ang himala ng muling pagbabangon hindi magkakaroon ng buhay, na lubhang importanteng Kristiyanismo sa lupa.
Maari bang magkaroon ng muling pagbabangon sa mga simbahan sa Kanlurang mundo? Maari ba na ang mga simbahan sa Amerika’y magkaroon ng muling pagbabangon? Hindi sa palagay ko. Pinagdududahan kong magkakaroon sila kailan man. Gayon man dapat nating ilagay ang ating sariling manalangin para sa muling pagbabangon bawat araw sa ating sariling simbahan. At dapat tayong mag-ebanghelismo ng mga nawawala na may pinaka matinding paguudyok. Ang iba ay maaring magpatuloy na matulog, ngunit dapat nating gupitan ang ating mga lampara at maging handa?
Pagtatapos
Ang Aklat ni Jonah ay ibinigay sa atin karamihan upang ipakita na kayang magpadala ng Diyos ng muling pagbabangon sa pinaka mahirap na mga lugar, sa ilalim ng mga pinaka mapanganib na mga kalagayan. Sinamba ng mga tao ng Nineveh ang isang diyos na isda. Sila’y mga napatigas na mga pagano. Umalis si Jonah mula sa pagpapangaral sa kanila sa simula. Pagkatapos natanto niya,
“Kaligtasa'y sa Panginoon” (Jonah 2:9).
Ang pagkatantong iyan na “kaligtasa’y sa Panginoon” ay nagdala sa kanya na sundan ang Diyos. Nagpunta siya sa Nineveh at nangaral ng isang paggigising na mensahe ng paghahatol. Halos 600,000 na mga tao ay napagbagong loob sa isang nakamamanghang pagkilos ng Diyos. Iyan ay muling pagbabangon!
Ang nag-iisang layunin ng pangaral na ito ay upang udyukin kang maniwala na ang muling pagbabangon ay posible ngayon. Manalangin para rito na lahat ng iyong puso araw araw. Ang mensahe ng ebanghelyo ay pareho pa rin:
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa
mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay
nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan”
(I Mga Taga Corinto 15:3-4).
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).
Ang ilang mga tao ay nagsasabi na ang II Mga Taga Tesalonica 2:3-12 ay nagtuturo na hindi maaring magkaroon ng muling pagbabangon sa Paghihilahil – ngunit mali sila. Oo, “Ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan” (II Mga Taga Tesalonica 2:11). Ngunit ito’y tumutukoy doon sa mga tumatanggi sa muling pagbabangon sa Paghihilahil. Gaya nito ngayon, yoong mga tumatanging magsisi at tinatangihan si Kristo sa panahon na iyon ay magkakasala ng di-napapatawad na kasalanan at isusuko ng Diyos (Isinalin mula sa cf. Mga Taga Roma 1:28). Siguraduhin na hindi ka magkakasala ng di-napapatawad na kasalanan. Pagsisihan ang iyong masama, makasalanang kaisipan. Pumunta kay Hesus at mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo!
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Apocalipsis 7:1-14.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Lumang-Panahong Kapangyarihan” Isinalin mula sa
“Old-Time Power” (ni Paul Rader, 1878-1938).
ANG BALANGKAS NG PAGHIHILAHIL AT MULING PAGBABANGON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus” (Apocalipsis 12:17). (Mga Gawa 2:39; Apocalipsis 12:9, 13) I. Una, natutunan natin na 144,000 ng mga Hudyo ay magpagbabagong loob at magiging mga ebanghelista, Apocalipsis 7:1-8; Mga Taga Efeso 1:13; Apocalipsis 14:4; Mateo 24:14; Mga Gawa 28:31. II. Pangalawa, natutunan natin na ang isang di-mapapantayang bilang ng mga Gentil ay mapagbabagong loob Apocalipsis 7:9, 14; Joel 2:28-32. III. Pangatlo, natutunan natin na walang dami ng pagtalikod sa dating pananampalataya o pag-uusig ang makapipigil sa Diyos mula sa pagpapadala ng muling pagbabangon, Apocalipsis 13:6-8;
Apocalipsis 20:4; 6:9; Jonah 2:9; |