Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MULING PAGBABANGON LABAN SA PUTING SALAMANGKA!

REVIVAL VS. WHITE MAGIC!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga Ika-23 ng Agosto taon 2009

“Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi, Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo”
(Mga Gawa 8:18-19).


Ang taong nagsabi nito’y si Simon ang Manggagaway. Siya ay isang salamangkero, at mayroon pa rin siyang pag-iisip ng isang salamangkero noong sinabi niyang,

“Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 8:19).

Kakasaksi lang ni Simon ng isang makapangyarihang muling pagbabangon na naganap sa Samaria sa ilalim ng pangangaral ni Kristo sa pamamagitan ni Felipe.

“At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo. At ang mga karamiha'y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe” (Mga Gawa 8:5-6).

Ito ay isang makapangyarihang muling pagbabangon, isang pagbubuhos ng Banal na Espiritu ng Diyos.

Noong nakita ni Simong Manggagaway ang kapangyarihan at lakas noong muling pagbabangon na iyon, sinabi niya,

“Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Mga Gawa 8:19).

At inalay niya ang pera ng mga Apostol upang makuha ng kapangyarihang iyon! Ipinapakita nito na nag-iisip pa rin si Simon na tulad ng isang salamangkero!

Iyan ang sagot ng isang salamangkero sa muling pagbabangon, ang sagot ng isang manggagaway! Natatakot ako na ito’y mas higit na mas karaniwan ngayon kay sa sa naiisip ko. Sinabi minsan ni Dr. A. W. Tozer, “Napaka lakas ng pagbiling ng puso ng tao papunta sa salamngka na wala halos panahon na ang pananampalataya kay Kristo ay hindi nasakuna nito” (Isinalin mula kay A. W. Tozer, “Magic No Part of the Christian Faith,” in Of God and Men, Christian Publications, 1960, p. 87). Ang hiyaw na, “Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito,” ay madalas marinig sa mga bilog ng mga Kristiyano kaugnay sa muling pagbabangon, ngunit ikanatatakot ko na ito’y mas higit na kaugnay sa salamangka kay sa sa itinituro ng Bibliya tungkol sa tunay na muling pagbabangon. Ipaliliwanag ko iyan sa pagbibigay ng tatlong punto:

1.  Ang kahulugan ng salamangka.

2.  Ang pagkakaiba ng salamangka at muling pagbabangon.

3.  Ang pagkakaiba ng pagdadasal para sa muling pagbabangon at ayon sa salamangkang pamamahala.

I. Una, ang kahulugan ng salamangka.

Si Dr. Merrill F. Unger ay isang propesor ng Old Testament Interpretation sa Dallas Theological Seminary mula 1948 hangang sa 1967. Sa kanyang aklat, Biblical Demonology (Scripture Press, 1952), ibinigay ni Dr. Unger ang kahulugang ito ng salamangka:

Ang salamangka ay maaring ipaliwanag na isang sining ng pagpapalitaw ng mga resultang lampas sa kapangyarihan ng tao sa pamamgitan ng pagsali sa mga higit sa natural na mga pamamaraan (Isinalin mula sa ibid., p. 108).

Sa kanyang aklat, Demons in the World Today (Tyndale House, 1983), nagsalita si Dr. Unger tungkol sa “puting” salamangka:

Ang puting salamangka ay itim sa debotong pagkukunwari. Ginagamit nito ang pangalan ng Diyos, ni Kristo, at ang Banal na Espiritu, sa pamamaraang pangsalamangka, kasabay ng mga parirala at terminolohiyo sa Bibliya, ngunit sa isang demonikong karakter. Ito’y isinasagawa sa maraming mga tinatawag na mga bilog ng mga Kristiyano…Ito’y tinatawag na “puting” [salamangka] dahil nagpaparada ito sa ilalim ng bandila ng ilaw, laban sa “itim” na salamangka na bukas na isinasali ang suporta ng mga kapangyarihan ng kadiliman (Isinalin mula sa ibid., p. 85).

Itinuro ni Dr. Unger na “Nagbibigay ang puting salamangka ng perpektong ilustrasyon ng pagbababala ni Apostol Pablo”:

“At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa” (II Mga Taga Corinto 11:14-15).

Gaya ng sinabi ni Dr. Unger, “Ang salamangka ay maaring ipaliwanag na isang sining ng pagpapalitaw ng mga resultang lampas sa kapangyarihan ng tao sa pamamgitan ng pagsali sa mga higit sa natural na mga pamamaraan.” Sinabi niya na ginagamit ng “puting” salamangka, sa isang salamangkang pamamaraan, ang pangalan ng Diyos, ni Kristo, at ng Banal na Espiritu, kasabay ng mga parirala at terminolohiya sa Bibliya…” Si Simon ang manggagaway ay nag-iisip ayon sa “puting” salamangka noong sinabi niyang,

“Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito”

(Mga Gawa 8

:19).

Inalok niya sila ng pera upang “makuha” ang kapangyarihang ito!

II. Pangalawa, ang pagkakaiba sa pagitan ng salamangka at muling pagbabangon.

Ang pangangaral ni Felipe ay pinuntahan ng tunay na muling pagbabangon, ngunit gusto ni Simong Manggagaway ng salamangka. Gusto niyang magbayad ng pera upang makuha ang higit sa natural na kapangyarihan upang maka “pagpapalitaw ng mga resultang lampas sa kapangyarihan ng tao sa pamamgitan ng pagsali sa mga higit sa natural na mga pamamaraan.” Ang simpleng pagkakaiba ay ito – “ipinangaral sa kanila ang Kristo” (Mga Gawa 8:5) ni Felipe, ngunit sinabi ni Simon,

“Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 8:19).

Ito’y “pagpapadaloy.” Ito ay ang kaisipan, sa salamangka, na ang isang tao ay nagiging “daluyan” ng higit sa natural na kapangyarihan. Inilalarawan ni Dr. Tozer ang salamangka bilang higit sa natural na kapangyarihan na ibinibigay “kung mga tiyak na pagkilos ay ginagawa o kung mga tiyak na mga sekretong salita ay ibinubulong” (Isinalin mula kay Tozer, ibid., p. 85). Para sa akin mukhang ang “dasal ng makasalanan” na iniisip ng mga taong pagsasaksi ay talagang isang anyo ng “puting” salamangka, kung saan ang pagbubulong ng mga tamang salita ay awtomatik na nagbubunga ng kapangyarihan at kaligtasan. Papano na ang anyo ng “pag-eebanghelismo” na ito ay iba sa puting salamangka? Kung sumasalungat ka sa sinabi ko, sagutin ang tanong na iyan!

Naniniwala ako na ipinakilala ni Charles G. Finney ang mga elemento ng “puting” salamangka sa paksa ng muling pagbabangon. Ito ay maaring isang bagong kaisipan sa iyo, kaya makinig ng mabuti. Sinabi ni Finney, “Ang isang muling pagbabangon ay hindi isang himala, o nakadenpende sa isang himala, sa kahit anong pag-iisip…ang isang muling pagbabangon ay ang resulta ng tamang gamit ng nararapat na pamamaraan” (Isinalin mula sa Revival Lectures, Revell, n.d., p. 5). Totoo na ginamit ni Finney ang pangalan ng Diyos, minsan ay nagsalita tungkol kay Kristo, at paminsan ay nagsisipi ng mga berso sa Bibliya. Ngunit ginagawa rin ito ng “puting” salamangka! Ang natutuklasan natin na ang Revival Lectures ni Finney ay halos katulad ng “pagpapadaloy” ng “puting” salamangka. Ito’y ang kaisipan na hindi naghaharing kontrolado ng Diyos ang muling pagbabangon, at na ang muling pagbabangon ay maaring “mapadaloy” sa pamamagitan ng mga Kristiyano sa pamamagitan ng “paggamit ng tamang nararapat na mga pamamaraan.” Sa madaling salita, maari kang magbayad ng pera upang makuha ito, o magsabi ng mga tiyak na mga salita o panalangin upang magawang mangyari ito! Sumasalungat si Finney laban sa

…Simbahan na kinukumbinsi na ang paghihikayat ng relihiyon ay maski paano’y napaka misteryoso isang paksa ng Banal na Paghahari, iyan ay walang natural na kaugnayan sa pagitan ng paraan at ng katapusan. Sa katunayan, ano ang mga resulta? Bakit, ang mga henerasyon ay nagsipunta sa impiyerno, habang ang mga Simbahan ay nananaginip at naghihintay para sa Diyos upang maligtas sila na walang gamit ng pamamaraan (Isinalin mula sa ibid., p. 6).

Iyan ay isang lubos na huwaad na salaysay. Nagbigay si Brian Edwards ng isang listahan ng 18 na pangunahing muling pagbabangon sa pagitan ng AD 1150 at ng panahon ni Finney, kung saan naparaming milyon na mga tao ay napagbagong loob na hindi gumagamit ng “paraan” ni Finney upang makuha ang muling pagbabangon, sa kanyang aklat, na Revival! A People Saturated With God (Evangelical Press, 1991, pp. 271-272). Ang “paraan” ni Finney ay hindi kilala sa Una at Pangalawang Matinding Paggigising, at hindi ginamit sa Pangatlong Matinding Paggigising, lumulundag gaya ng ginawa nito mula sa pagdadasal na pagpupulong sa Fulton Street. Hindi, ang tatlong matinding panahon ng muling pagbabangon sa Amerika ay hindi nagbunga sa pamamagitan ng paggamit ng “paraan” ni Finney sa kahit anong paraan – kasama ang Unang Matinding Paggigising (1730 at paharap) at ang Pangalawang Matinding Paggigising (1800 at paharap).

Sinalakay ni Finney ang doktrina ng paghahari ng Diyos sa pamamgitan ng pagbibigay ng huwad na mga patunay ng kasaysayan ng muling pagbabangon. Ginawa niya iyan dahil naniwala siya na ang muling pagbabangon ay nakasentro sa tao. Kaya sinabi niyang, “Ang isang muling pagbabangon ay hindi isang himala, o nakadenpende sa isang himala, sa kahit anong pag-iisip…Ang relihiyon ay gawain ng tao. Ito’y bagay para gawin ng tao” (Isinalin mula sa ibid., pp. 5, 1). Mali siya! Ang Diyos lamang ang makakapagpadala ng kapangyarihan! Ang Diyos lamang ang makakapagpadala ng muling pagbabangon! Hindi ito nakasalalay sa tao!

Nakikita mo ba kung paano nakakamukha ng mga kaisipan ni Finney ang “puting” salamangka? Sinabi ni Dr. Unger, “Ang salamangka ay maaring ipaliwanag na isang sining ng pagpapalitaw ng mga resultang lampas sa kapangyarihan ng tao sa pamamgitan ng pagsali sa mga higit sa natural na mga pamamaraan.” Para kay Finney, ang kapangyarihan ng Diyos ay napapadaloy sa pamamagitan ng simbahan kapag mga tiyak ng mga kondisyon ay natutupad. Sinasabi kong iyan ay puting salamangka!

Si Dr. Bill Bright ay isang mabuting tao sa maraming paraan, ngunit siya’y naimpluwensyahan ni Finney tungkol sa muling pagbabangon. Hindi ko siya masisisi dahil rito. Ako rin ay minsan nalito sa mga kaisipan ni Finney. Ngunit sinabi ni Dr. Bright,

Sa loob ng unang apat-na-pung araw ng pag-aayuno noong 1994, ibinigay ng Panginoon sa akin ang kasiguraduhan na Siya’y magpapadala ng isang matinding espiritwal na muling pagbabangon sa Kanyang simbahan,...Gayon man, sa kasiguraduhang iyan ng pagdating ng muling pagbabangon ay isang babala na ang mga nananampalataya ay dapat matupad ang mga kondisyon…Pagkatapos, sa aking pagkamangha, itinakda sa akin ng Panginoon na magdasal para sa dalawang milyong nananampalataya na sundan ako sa pag-aayuno at pananalangin para sa apat na pung araw upang tulungang matupad ang mga kondisyon noong pangakong iyan at makita ang muling pagbabangon… (Isinalin mula kay Bill Bright, The Transforming Power of Fasting and Prayer, New Life, 1997, page 7).

Ang pinaka pamagat ay mali, “Ang Nakakapagpabagong Kapangyarihan ng Pag-aayuno at Pananalangin” [“The Transforming Power of Fasting and Prayer”]. Walang “nakakapagpabagong kapangyarihan” sa pag-aayuno at pananalangin! Ang pamagat ay mali! Ang nakakapagpabagong kapangyarihan lamang ay ang Diyos Mismo, wala sa kahit anong pag-aayuno o panalangin na ginagawa ng tao!

Ang “kondisyonalismo” sa salaysay na iyan, gaya ni Finney, ay mukhang nagsasabi na ang Diyos ay isang “puwersa,” at na ang “puwersa” o “pamamaraan” ng kapangyarihan ng Diyos ay maaring makuha sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiyak na mga bagay. Napapaalalahanan ako nito ng salaysay ni Dr. Tozer, Napaka lakas ng pagbiling ng puso ng tao papunta sa salamangka na wala halos panahon na ang pananampalataya kay Kristo ay hindi nasakuna nito” (Isinalin mula kay A. W. Tozer, ibid., p. 87). Ang Diyos lamang ang makapagpapadala ng muling pagbabangon! Walang dami ng gawain ng taon ang makapagpapadala ng muling pagbabangon. Kung hindi ito ipapadala ng Diyos, walang gawa ng tao ay makapagsasanhi nitong dumating!

Hindi natin makukuha ang kapangyarihan ng Diyos gamit ang pera (gaya ng sinubukang gawin ni Simon ang salamangkero), o sa pamamagitan ng pag-aayuno, o “kung mga tiyak na pagkilos ay ginagawa o kung mga tiyak na mga sekretong salita ay ibinubulong” (Isinalin mula kay A. W. Tozer, ibid., p. 85). Ang Diyos ay hindi isang “puwersa” upang “mapadaloy” sa pamamagitan ng mga simbahan kung matupad natin ang mga tiyak na mga “kondisyon.” Ito’y isang “puting” salamangka! Ang Diyos ay hindi isang “puwersa” na tulad sa “Star Wars.” Ang Diyos ay isang Tao. Siya hindi isang “Diyos gaya ng pagkaintindi mo sa Kanya,” gaya ng sinasabi ng mga Alcoholics Anonymous. “Ang Diyos gaya ng pagkaintindi mo sa Kanya” ay isang demonyo. Ang tunay na Diyos ay ang “Diyos gaya ng hindi mo pagkaintindi sa Kanya!” Ang Diyos ay tiyak na hindi isang “puwersa” o “kapangyarihan.” Ang Diyos ay isang Tao – at dapat tayong magdasal upang magpadala SIYA ng muling pagbabangon!

III. Pangatlo, ang pagkakaiba ng pananalangin para sa muling pababangon at ang ayon sa salamangkang pamamahala.

Ang Diyos ay isang tao, hindi isang bagong-panahong puwersa! Sinabi ni Hesus,

“Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9-10).

Ang mga pamilyar na mga salitang ito ng “Panalangin ng Panginoon” ay nagpapakita sa atin na atin dapat itutok ang ating mga panalangin sa Diyos “sa langit,” at na dapat nating hingin na ang Kanyang kagustuhan ay “kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” Sinasabi ni Iain H. Murray na

…walang pangako ng isang kakaibang pagbibigay [ng Banal na Espiritu] sa kahit anong oras o pagkakataon ng ating sariling determinasyon…at hindi ito para sa atin na idikta sa Diyos ang kanyang kagustuhan. Ang mga Kritiko ng pananaw na ito ay hindi sa mga sarili nila’y naghaharap ng mga teksto ng Kasulatan na nagngangako ng di-karaniwan, kundi ibinabase nila ang kanilang lakas ng loob sa kontemporaryong paghuhula na ginawa ng isang tao o simpleng sa isang sarili nilang pagtatakda na kanilang malakas na loob na idinudugtong sa Banal na Espiritu. Ang kasaysayan ng Simbahan ay pinagkalatan ng mga halimbawa ng mga nawala sa lugar na mga pag-asa ng uri nito (Isinalin mula kay Iain H. Murray, Pentecost Today? The Biblical Basis for Understanding Revival, Banner of Truth, 1998, pp. 76-77).

Muli, sinasabi ni Murray, “Madalas masyado sa ika-dalawampung siglo mayroong pananampalataya sa ‘muling pagbabangon’ kung saan mayroong kakaunting pananampalataya sa Diyos mismo” (Isinalin mula sa ibid., p. 78).

Tinuruan tayo ni Hesus na magdasal upang ang kagustuhan ng Diyos ay matupad. Hindi natin madidikta sa Diyos kung magpapadala Siya ng muling pagbabangon o hindi. Maari tayo, at dapat, magdasal para sa muling pagbabangon. Ngunit sa katapusan ang pagdating ng muling pagbabangon ay nakasalalay sa kagustuhan ng Diyos, hindi sa atin. Iyan ang pagkakaiba sa pagitan ng panalangin para sa muling pagbabangon at ng “puting” salamangka na ipinakilala ni Charles G. Finney.

Noong sinabi ni Simong Manggagaway

“Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito” (Mga Gawa 8:19)

siya ay nag-iisip pa rin tulad ng isang manggagaway, sa paraan ng salamangka. Akala niya na ang kapangyarihan ng Diyos ay maaring panghawakan, at mapadadaloy sa kanya. Akala niya na maari niyang sabihin ang tamang mga salita at makuha ang gusto niya. Iniisip niyang pamahalaan ang isang “puwersa” kay sa sa pananalangin sa Diyos. Gaano karami ang mga tulad ni Simon ngayon!

Isang beses noon narinig ko ang isang tanyag na Bautismong pastor na nangaral ng isang sermon sa paksang, “Paano Makukuha ang Diyos na Gumawa ng mga Bagay.” Maraming mga guro ng “pananampalataya” ngayon ay nakadiin rin rito. Sa tingin ko ibinubunyan nito ang isang mala-salamangkang ayos ng pag-iisip. Hindi natin”makukuha” ang Diyos na gawin ang mga bagay! Maari tayong humingi sa Diyos na gumawa ng mga bagay – ngunit nasa Kanya ang banal na kapangyarihan na magsabing “hindi!”

Paki-lipat sa II Mga Taga Corinto 12:8-9. Sinabi ni Apostol Pablo,

Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin. At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo” (II Mga Taga Corinto 12:8-9).

Ang mga dasal ni Pablo ay simpleng hindi nasagot sa paraan na gusto niya silang masagot, kahit na nagdasal siya ng mahaba’t matindi!

Tinuruan tayo ni Hesus na magdasal para sa kagustuhan ng Diyos na matupad. Hindi natin diktahin sa Diyos kung sasagutin man Niya ang ating mga panalangin sa paraan na gusto natin sagutin Niya ang mga ito. Maari at dapat tayong mag-ayuno at magdasal para sa muling pagbabangon. Ngunit sa katapusan nakasalalay sa Diyos na magbigay ng sagot na pinaniniwalaan Niyang pinaka-mabuti. Gaya nito sa Apostol Pablo, sa II Mga Taga Corinto 12:8-9, dapat nating tanggapin ang sagot na ibibigay sa atin ng Diyos – maging ito man ay “oo” o “hindi.”

Ang “kapangyarihan” ng dasal ba, o ang dasal ng maraming tao’y, palaging bago ng muling pagbabangon? Upang maging tiyak, ang malalakas na panalangin ay madalas bago ng muling pagbabangon, ngunit ang Bibliya ay nagtuturo na ito’y hindi palagi ganito. Ang pinaka matinding muling pagbabangon sa kasaysayan ng tao ay hinulaan sa Apocalipsis 7:1-14. Gayon man tayo ay sinabihan na ang muling pagbabangon ay hindi mauunahan ng nag-iisang dasal ng kahit sinong Kristiyano sa lupa! Tayo ay sinabihan na ang mga Kristiyano ay maitatangay! Tayo ay sinabihan na walang nag-iisang Kristiyano sa lupa na nananalangin para sa makapangyarihang muling pagbabangon na ito kapag dumating ito patungo sa katapusan ng Paghihilahil!

Sa tingin ko dapat ipakita niyan sa atin na kayang magpagdala ng Diyos ng muling pagbabangon na walang pagdadasal ng mga tao ng Diyos sa lupa. Paki-lipat sa Apocalipsis 7:10. Ang matinding karamihan noong mga naligtas sa loob ng Paghihilahil na muling pagbabangon ay sisigaw,

“Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero… Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa” (Apocalipsis 7:10, 12).

Ang Diyos lamang ang may-akda ng kaligtasan at muling pagbabangon! Naintindihan ng Apostol Pablo ito. Paki-lipat sa Mga Gawa 3:12. Sinabi ni Pedro,

“Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya? Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus…” (Mga Gawa 3:12-13).

Hindi “aming sariling kapangyarihan at kabanalan” ang nagdadala ng muling pagbabangon – o kahit anong ibang mga himala! Ang Diyos ay nagpapadala ng muling pagbabangon Siya Mismo – upang maluwalhatian ang Kanyang Anak na si Hesus!

Oo, dapat tayong mag-ayuno at magdasal para sa muling pagbabangon! Ngunit dapat nating palaging tandaan na ang Diyos ang nagpapadala nito – upang luwalhatian ang Kanyang Anak na si Hesus! Ang Diyos, Mismo, ang may-akda ng muling pagbabangon! Kantahin ang himno bilang tatlo!

Ang Diyos ay kumikilos sa isang misteryosong paraan ang
   Kanyang kamanghaan upang itanghal;
Itinatanim Niya ang Kanyang yapak sa dagat,
   At sumasakay sa ibabaw ng bagyo.
(“Ang Diyos ay Kumikilos sa isang Misteryosong Paraan,” Isinalin mula sa
“God Moves in a Mysterious Way” ni William Cowper, 1731-1800).

Magdasal sa Diyos upang magpadala Siya ng muling pagbabangon! Siya ay hindi nakagapos! Hindi Siya mahina! Siya ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan! Magdasal na magpadala Siya ng muling pagbabangon – ayon sa Kanyang kagustuhan! Kapag magpasiya ang Diyos na ipadala ito, gayon ito’y darating, at hindi bago ng pagdarasal! Naniniwala ako na inalis na ng Diyos ang Kanyang kamay mula sa Estados Unidos ng Amerika. Iyan ang dahilan na walang lubos na muling pagbabangon rito ngayon. Ngunit ang Diyos ay nagpapadala ng makapangyarihang muling pagbabangon ngayon sa maraming bahagi ng mundo, lalo na sa Tsina at Timog Silangang Asiya. Ngunit ang Amerikanong mangangral ay masyadong takot na magsalita laban sa kasalanan upang magkaroon ng muling pagbabangon sa Estados Unidos. Ang mga simbahan rito ay halos Laodicea, at mananatiling ganoon!

“Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad” (Apocalipsis 3:17).

Kaibigan, idudura palabas ng bibig ng Diyos ang mga simabahang Laodicea sa Estados Unidos! Hindi ko nakikita ang muling pagbabangon na dumarating sa mga simbahang mayroong maliliit na sagradong mga mangangaral. Walang lumang-panahong pangangaral sa Estados Unidos. Hindi katagalan lang, isang matandang Bautismong may-akda na aking nakausap ay inirereklamo ang katunayan na walang matinding pangangaral ngayon. Sa katotohanan, ay talagang walang pangangaral! Mayroon tayong noong itinuturo ng Bibliyang, isang pang-kombersasyong tono. Tunay na pangangaral ay wala na sa Amerika. Iyan ang isa sa mga dahilan na hindi maaring magkaroon ng muling pagbabangon rito. Ang mga mangangaral ay mas interesado sa pananatili ng kanilang sweldo kay sa sa pagkuhang maligtas ang mga kaluluwa, o makita ang Diyos na kumilos sa isang muling pagbabangon. Walang handang mapunta sa panganib na mawala ang kaniyang sweldo, kaya hindi maaring magkaroon ng matinding pangangaral, at gayon, walang muling pagbabangon! Wala tayong mga mangangaral tulad ni Bunyan, Whitefield o Wesley; wala tayong pati mga kalibre ni Timothy Dwight o Dr. Asahel Nettleton. Wala tayo kahit tindig ng mga dakilang mangangaral na narinig ko noong bata pa ako. Hindi maaring magkaroon ng muling pagbabangon na walang tunay na pangangaral, pangangaral sa lubusang kasiraan, ang kalikasan ng taong makasalanan, at ang lubos na pangangailangan ng Dugo ni Kristo!

Kung ika’y hindi pa rin ligtas, matindi pinapayuhan kitang magsisi, hanapin ang pagka kumbinsing pagkakasala ng kasalanan, at magpunta kay Hesus at magtiwala sa Kanya. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay, at Siya ay buhay sa itaas sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. Magpunta kay Kristo. Ang Kanyang Dugo ay makahuhugas ng lahat ng iyong kasalanan. Magtiwala kay Kristo. Kaya ka Niyang iligtas mula sa iyong mga kasalanan, Impiyerno, at hukay! Hindi iyan salamangka! Iyang ang ebanghelyo ni Kristo!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 8:5-23.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhaying Muli ang Iyong Gawa, O Panginoon,” isinalin mula sa“Revive Thy Work, O Lord” (ni Albert Midlane, 1825-1909).


ANG BALANGKAS NG

MULING PAGBABANGON LABAN SA PUTING SALAMANGKA!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi, Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 8:18-19).

(Mga Gawa 8:5-6)

I.   Una, ang kahulugan ng salamangka, II Mga Taga Corinto11:14-15.

II.  Pangalawa, ang pagkakaiba sa pagitan ng salamangka at muling pagbabangon, Mga Gawa 8:5, 19.

III. Pangatlo, ang pagkakaiba ng pananalangin para sa muling pababangon at ang ayon sa salamangkang pamamahala, Mateo 6:9-10; II Mga Taga Corinto 12:8-9; Apocalipsis 7:10, 12; Mga Gawa 3:12-13; Apocalipsis 3:17.