Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANIM NA MAKABAGONG PAGKAKAMALI UKOL SA
MULING PAGBABANGON

SIX MODERN ERRORS ABOUT REVIVAL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral ng ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Sabado, Ika-22 ng Agosto taon 2009


Wala akong pambukas na teksto ngayong gabi. Bubuksan natin ang ating mga Bibliya at titignin ang maraming mga berso ng Kasulatan. Ang paksa ng sermong ito ay ang “Anim na Makabagong Pagkakamali Ukol Sa Muling Pagbabangon.”

Una akong nagkainterest sa paksa ng muling pagbabangon noong taong 1961. Binili ko ang isang maliit na aklat sa Biola Bookworm tungkol sa Unang Dakilang Paggigising. Nilalaman nito ang mga hinango mula sa Talaan ni John Wesley, at inilimbag ng Moody Press. Ako’y nakapag-isip-isip tungkol sa muling pagbabangon, at nakapag-papanalangin para rito, ng halos 48 na taon na. Pribilehiyo kong makaranas ng dalawang kamangha-manghang muling pagbabangon sa mga Bautismong simbahan. Ang mga ito’y hindi mga ebanghelistikong pagpupulong, o “karismatikong” pagpupulong. Ito’y mga uri ng muling pagbabangon na mababasa mo sa mga aklat ng kasaysayan ng Kristiyanismo.

Pagkatapos ng 48 na taon ng pagbabasa at pag-iisip tungkol sa paksang ito, hindi ko nakikita ang sarili kong isang dalubhasa ng muling pagbabangon. Pakiramdam ko’y parang isang maliit na bata sa eskwela, na nagsisimula pa lang maintindihan ang ilang mahahalagang katotohanan tungkol sa muling pagbabangon.

Nagkamali ako noon. Sa maraming mga taon ako’y naligaw ng mga pagsusulat ni Charles G. Finney. Kahit ngayon hindi ako sigurado na naiintindihan ko ang paksa ng lubos,

“Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin”
      (I Mga Taga Corinto 13:12).

Ngunit ngayong gabi bibigyan ko kayo ng anim na mga pagkakamali tungkol sa muling pagbabangon, mga bagay na namulat akong pinaniniwalaang mga pagkakamali. Umaasa ako na ang mga puntong ito ay makatutulong sa inyong magdasal sa Diyos na magpadala ng muling pagbabangon.

I. Una, ang unang pagkakamali ay na dapat nating pagtuunang pansin ang mga Apolostikong pagkakaloob upang magkaroon ng muling pagbabangon.

Habang hindi ko kinamumuhian ang mga Pentekostales, sa tingin ko’y sila’y mali. At sa tingin ko na ang kanilang pag-didiin sa mga Apostolikong pagkakaloob ay naging balakid sa isang tunay na muling pagbabangon. Sinasabi ni Iain H. Murray,

Ang mga kaloob na ito ay hindi kilala sa panahon ni Chrysostom (Isinalin mula sa c. 347-407) at ni Augustine (Isinalin mula sa c. 354-430). O naimpluwensyuahan ng kahit sinong…pinuno ng kahit anong muling pagbabangon mula sa Repormasyon hangang sa kasalukuyang siglo…Ang mga Taga-reporma ay humango lamang sa Kasulatan. Pinanghawakan nila ang Apostolikong katotohanan, hindi mga Apostolikong kalooban. Pareho ay totoo sa panahon ng Puritano, tungo sa Matinding Paggigising sa panahon ni Edwards, Whitefield at Wesley, at hangang kay Spurgeon. Ang lahat ay sumang-ayon kay Whitefield na “ang mga milagrosong kalooban ay pinag-uusapan sa primitibong simbahan na matagal ng natigil.” Kung ang mga ganoong mga pinuno ay napuno ng Espiritu, gaya nila, upang magawa ang ganoong makapangyarihang gawain, ito’y di-karaniwan na wala silang alam na mga milagrosong kalooban…Ang lahat ng mga pagdedeklara sa panunumbalik na pagkabuhay ng kakaibang pangyayari na magkakasunod na ginawa sa loob ng nitong huling tatlom pu’t limang taon – pananalita gamit ang dila, pagpapagaling, paghuhula at “pagpatay sa Espiritu” – malayo sa paghahanda para sa muling pagbabangon, ay mas naging panggulo mula sa mga dakilang katotohanan na palaging pinararangalan ng Espiritu sa pagproproklama ng mga muling pagbabangon – (Isinalin mula kay Iain H. Murray, Pentecost Today? – the Biblical Basis for Understanding Revival, Banner of Truth, 1998, pp. 197-199).

Ang pagdidiin sa mga Apostolikong kalooban ay nagsanhi sa maraming mga taong ilayo ang kanilang mga sarili mula sa pag-iisip ng Banal na Espiritu at muling pagbabangon. Ito’y isang kahihiyan, dahil ang pangunahing gawain ng Banal na Espiritu ay ibinigay sa atin ni Hesus, sa Juan 16:8,

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol.”

Lubos nating kinakailangan ang Banal na Espiritu upang gawin ang gawaing ito sa ating mga simbahan ngayon.

At, pagkatapos, isang na namang dakilang gawain ng Banal na Espiritu ay ibinigay sa atin sa Juan 15:26,

“Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin.”

Kailangan natin pagsusumbat na gawain ng Banal na Espiritu. Kailangan natin Siyang magpatotoo para kay Kristo. Ito ang mga bagay na dapat gawin ng Diyos sa gitna natin kung tayo’y magkakaroon ng tunay, at makasaysayang muling pagbabangon!

II. Pangalawa, ang pagkakamali na hindi maaring magkaroong
ng muling pagbabangon ngayon.

Hindi ako gugugol ng maraming oras rito, ngunit dapat kong bangitin ito dahil napakaraming pinaniniwalaan ito. Sinasabi nila ang mga bagay na tulad ng, “Ang dakilang mga araw ng muling pagbabangon ay tapos na. Tayo ay nasa huling mga araw. Hindi na maaring magkaroon muling pagbabangon.” Ang mga iyan ay napaka-karaniwang pag-iisip sa mga nananampalataya sa Bibliyang mga Kristiyano ngayon.

Ngunit pinaniniwalaan ko itong isang pagkakamali para sa tatlong dahilan:

(1)  Sinasabi ng Bibliya, “sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya” (Mga Gawa 2:39).

(2)  Ang pinaka dakilang muling pagbabangon sa lahat ay darating sa gitna ng Dakilang Pagtatangis, sa ilalim ng Anti-kristo, sa pinaka-katapusan ng panahong ito (Isinalin mula sa paghahango mula sa Apocalipsis 7:1-14).

(3)  Ang pinaka dakilang muling pagbabangon sa buong kasaysayan ng Malayong Silangan ay nagaganap ngayon, ngayong gabi, sa Republika ng mga Tao ng Tsina, at ibang mga bansa sa Timog Silangang Asiya. Ang pinaka dakilang muling pagbabangon ng makabagong panahon ay nangyayari doon ngayon!


Ito’y isang teribleng pagkakamaling isipin na hindi maaring magkaroon ng muling pagbabangon ngayon!

III. Pangatlo, ang pagkakamali na ang muling pagbabangon ay
nakasalalay sa ating ebanghelistikong gawain.

Ito ay isang karaniwang pagkakamali sa mga Taga-timog na mga Bautismo at iba pa. Ang kaisipang ito ay naipasa sa kanila mula kay Charles G. Finney, na nagsabi na, “Ang muling pagbabangon ay kasing natural ng isang resulta ng paggamit ng tamang paraan gaya na ang isang ani ay nagamit sa tamang pamamaraan nito” (Isinalin mula kay C. G. Finney, Lectures on Revival, Revell, n.d., p. 5). Maraming mga simbahan ngayon ay nag-aayuno ng “isang muling pagbabangon” upang maumpisahan sa isang tiyak na araw – at matapos sa isang tiyak na araw! Ito’y tunay na Finneyismo! Ang muling pagbabangon ay hindi nakasalalay sa ating mga gawaing ebanghelistiko at pag-hihikayat ng kaluluwa!

Paki-lipat kasama ko sa Mga Gawa 13:48-49,

“At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan. At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.”

Ngunit bago ako magkumento sa mga bersong ito, dapat mong maintindihan na hindi ko pinanghahawakan ang lahat ng limang punto ng Calvinismo. Iyan ay dahilan na ang ilang mga tao ay nagsasabi na ako ay “Narepormang kaunti.” Sinasabi ko lamang sa iyo iyan upang malaman mo ang aking pananaw. Gayon, habang tinitignan ko ang mga bersong ito, ako’y napupuwersang aminin na tanging ang mga “nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan” Kahit na ang ebanghelyo ay “nailimbag sa buong rehiyon” yoon lamang “mga itinalaga sa buhay na walang hanggan” ang nagsisampalataya.

Sa tingin ko ang dalawang mga bersong ito ay nililinaw ang kaisipan na ang muling pagbabangaon ay nakasalalay sa ating ebanghelistikong gawain. Oo, tayo ay sinabihang “ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15) – ngunit hindi lahat ng bawat nilalang ay maniniwala! Sa mga panahon ng muling pagbabangon mas maraming mga tao ang maniniwala kay sa sa ibang panahon – ngunit malinaw na ang muling pagbabangon ay hindi nakasalalay sa ating ebanghelistikong gawain lamang.

Mayroong isang misteryo patungkol sa lahat ng ito – dahil mayroong mga bagay patungkol sa pagbabagong loob at muling pagbabangon na lumalampas sa pagdadahilan ng tao. Tayo ay sinabihang ebanghelismohin ang mga nawawala naniniwala man sila o hindi. Ngunit ang muling pagbabangon ay nakasalalay sa Diyos, hindi sa ating ebanghelistikong gawain.

IV. Pang-apat, ang pagkakamali na ang muling pagbabangon ay
nakasalalay sa dedikasyon ng mga Kristiyano.

Alam ko na maaring mayroong magsipi ng II Mga Cronica 7:14. Ngunit mukhang di-pangkaraniwan na hindi sila sumisipi ng isang Bagong Tipang berso upang suportahan ang kanilang teorya na ang muling pagbabangon ay nakasalalay sa mga Kristiyanong “nakikipag-ayos sa Diyos.” Bakit na ang bersong ito, na ibinigay kay Haring Solomon, ay magamit bilang isang tuntunin para sa isang muling pagbagbabagong loob sa isang Bagong Tipang simbahan? Wala na akong makitang dahilan upang gawin iyan ng isang mangangaral upang magpadala ng mga bapor mula sa kanyang simbahan, “na nagsisipagdala ng ginto, at pilak, garing, at mga ungoy, at mga pabo real,” gaya ng ginawa ni Solomon sa II Mga Cronica 9:21, dalawang kapitulo lang pagkatapos!

Sinasabi ni Iain H. Murray, patungkol sa II Mga Cronica 7:14, “Ang unang bagay na sabihin ay tiyak na ang ipinangako ay hinango sa [Bagong Tipang] muling pagbabangon, dahil ang pangako ay dapat maintindihan, sa unang pagkakataon, kaugnay sa panahon na ito’y ibinigay. Ito’y sa Lumang Tipang Israel at sa kanyang lupain kung saan ang paggagamot ay pinag-usapan” (Isinalin mula kay Murray, ibid., p. 13).

Ang kaisipan na ang muling pagbabangon ay nakasalalay sa dedikasyon ng mga Kristiyano ay mula kay Finney. Si Jonathan Goforth ay mas maiging lalake kay sa kay Finney, ngunit inalingawngaw niya ang pagtuturo ni Finney noong sinabi niyang, “Ang kasalanan na di-pagsusuko, mag-isa, ay makakapalayo sa atin sa muling pagbabangon… ang Pentecostes ay wala pa sa ating kapit. Kung isinususpindi ang muling pagbabangon mula sa atin ito’y dahil ang ilang anito ay nanatiling nasa trono” (Isinalin mula kay Jonathan Goforth, By My Spirit, 3rd edition, Marshall, Morgan and Scott, n.d., pp. 181, 189).

Isinulat minsan ni Winston Churchill sa kanyang batang apo, sinasabi sa kanyang aralin ang kasaysayan, dahil ang kasaysayan ay makapagbibigay ng pinakamaiging paraan para sa pagagawa ng mga intelehenteng paghuhula tungkol sa hinaharap. Sinusundan ang kasabihan ni Churchill, “Aralin ang kasaysayan,” matatagpuan natin na ang kaisipan na ang muling pagbabangon ay nakasalalay sa “buong dedikasyon” ng mga Kristiyano ay hindi totoo. Ang propetang si Jona ay hindi lubusang dedikado sa Diyos. Basahin ang huling kapitulo ng Jonas, makikita ninyo ang kanyang mga pagkukulang at kakulangan ng pananampalataya. Hindi, ang pinaka dakilang muling pagbabangon sa mga Hentil sa Lumang Tipan ay hindi nakasalalay sa “lubusang pagsuko” o “kaperpektuhan” ng propeta. Si John Calvin ay hindi isang perpektong tao. Mayroon siyang ipinasunog na lalake dahil sa maling pagtuturo – hindi nagpapakita ng isang Bagong Tipang kaugalian! Gayon ang Diyos ay nagpadala ng matitinding muling pagbabangon sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, at sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Si Luther ay mayroong malupit na timpla na mga ilang beses, at minsan sinabi na ang sinagoga ng mga Hudyo ay dapat sunugin. Gayon man kahit na sa minsan ay masakit, makasalanang anti-Semitismo, nagpadala ang Diyos ng muling pagbabangon sa ilalim ng kanyang paglilingkod. Pinapatawad namin si Calvin at Luther dahil naisip namin na sila’y mga medieval na mga kalalakihan, na naimpluwensiyahan pa rin ng mga bagay na ito ng Katolisismo. Gayon man, sa kasamaan ng kanilang mga pagkukulang, ang Diyos ay nagpadala ng makapangyarihang Repormasyong muling pagbabangon sa ilalim ng kanyang mga pangangasiwa. Si Whitefield minsan ay gumawa ng mga pagkakamali dahil sa mga “panloob na impresyon,” na nagkamali niyang naisip na mula sa Diyos. Si Wesley ay dumulog sa pagtatapon ay dais upang malaman ang kagustuhan ng Diyos. Paminsan ay humihithit ng tabako si Spurgeon, gayon man upang maging patas dapat nating maisip na ito’y hindi naisip na masama noon. Hindi ito naisip ng mga Vicotriano na mas higit pa kay sa paningin natin sa isang malakas na tasa ng kape. Si J. Frank Norris ay minsan malisyoso. Pinapatawad namin siya dahil naisip namin kung anong tindi ng hapit na siya’y nasa ilalim noon, sinimulan ang indipendiyenteng Bautismong kilusan, gaya ng ginawa niya. Gayon man nakakita sina Whitefield, Wesley, Spurgeon, Luther, Calvin at Norris ng mga matitinding muling pagbabangon sa kanilang mga pangangasiwa.

Nakikita natin, mula sa mga halimbawang ito sa kasaysayan, na ang mga di-perpektong mga kalalakihan, ang mga kalalakihang minsan ay hindi kasing banal o dedikado gaya ng naging dapat sana nila, ay makapangyarihang ginamit ng Diyos sa mga panahon ng muling pagbabangon. Dapat nating tapat na tapusin na si Finney at ang kanyang mga taga-sunod ay mali noong sinabi nila na ang muling pagbabangon ay nakasalalay sa mga Kristiyanong nagiging lubusang dedikado. Sinasabi ng Apostol Pablo sa atin,

“Nguni't taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili”
      (II Mga Taga Corinto 4:7).

Ang muling pagbabangon ay hindi nakasalalay sa mga Kristiyanong dedikado ang kanilang mga sariling lubusan, o muling naging dedikado ang kanilang sarili. Hindi – ang muling pagbabangon ay nakasalalay sa “kalalakhan ng kapangyarihan…mula sa Diyos, at [hindi] mula sa [atin]” (II Mga Taga Corinto 4:7).

Ginagamit ang II Mga Cronica 7:14, itinuro ng pumanaw na si Bill Bright ang mga Kristiyano na ang pagsisisi at pag-aayuno at pag-aalay ng kanilang sarili ay magbubunga muling pagbabangon. Ngunit si Gg. Bright ay nagkamali, kahit na siya ay isang mabuting tao sa maraming paraan. Kanyang walang malay na ineendorso ang kaisipan ni Finney na kayang gawin ng taong mangyari ang muling pagbabangon sa pamamagitan ng lubusang dedikasyon. Ngunit, malungkot na walang muling pagbabangon ang lumabas sa Kanlurang mundo bilang resulta ng gawain ni Gg. Bright. Bakit? Dahil tunay na muling pagbabangon ay hindi nakasalalay sa dedikasyon ng mga Kristiyano. Ito’y nakasalalay lamang sa “kalalakhan ng kapangyarihan…mula sa Diyos, at [hindi] mula sa [atin]” (II Mga Taga Corinto 4:7).

Isasara ko ang puntong ito sa pamamagitan ng paghahango sa sermon ni Stephen sa Sanhedrin. Tayo ay tiyak na sinabihin na si Stephen ay “puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, [at] gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao” (Mga Gawa 6:8). Gayon man hindi nakita ni Stephen na dumating ang muling pagbabangon mula sa kanyang pangangaral. Imbes, ay siya ay binato sa kamatayan. Siya ay isang banal at makatuwirang tao, ngunit ito’y hindi nagbunga ng muling pagbabangon na awtomatik sa kanyang pangangasiwa. Maari tayong mag-ayuno at magdasal, at maging tunay na nakamamanghang mga Kristiyano, ngunit hindi mapupuwersa ang Diyos na magpadala ng muling pagbabangon. Bakit? Ibinibigay ni Apostol Pablo ang sagot,

“Ano pa’t walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago” (I Mga Taga Corinto 3:7).

Lahat ng luwalhati sa muling pagbabangon ay dapat mapunta sa Diyos – at wala sa mga luwalhati ang dapat mapunta sa tao, kahit ang mabubuti at banal na mga kalalakihan! Kaya, hindi mo dapat isipin na kung tayo’y pupunta sa malalim na pagsisisi at malalim na muling pagiging dedikado na ito’y awtomatik na magdadala ng muling pagbabangaon. Iyan ay isang huwad na kaisipan mula kay Finney. Hindi ko sinasabi na huwag mo dapat gawing banal ang iyong sarili sa Diyos. Sa lahat ng paraan gawin mo ito! Ngunit tandaan na hindi tayo gumagamit ng salamangka! Hindi natin maaring puwersahin ang Diyos na magpadala ng muling pagbabangon sa pamamagitan ng paghahandog ng ating sarili. Nakabasa ko nito lang kung saan may isang nagsabing, “Ang muling pagbabangon ay magaganap kapag tayo’y tapat na magdasal na may kumpletong dedikasyon.” Masyado iyang parang tunog na “salamangka” upang sumakto sa akin! Hindi natin kontrolado ang Diyos at mapagawa Siyang magpadala ng muling pagbabangon. Dapat nating ipakumbaba ang ating mga sarili at aminin na kahit gaano “katapat” nating magdasal, at kahit na gaano “kakumpleto” ang ating dedikasyon, ang Diyos ang may huling sabi kung Siya’y magpapadala ng muling pagbabangon o hindi. Ito’y nakasalalay sa Kanya, hindi sa atin! Oo, dapat tayong palaging nagdarasal para sa muling pagbabangon, at sa parehong beses, laging tandaan “ang Dios na nagpapalago” (I Mga Taga Corinto 3:7). Ang naghaharing kapangyarihan ng Diyos lamang ang nakakapagbunga ng tunay na muling pagbabangon!

V. Panlima, ang pagkakamali na ang muling pagbabangon ay ang
karaniwang kalagayan, na dapat nating asahan sa simbahan.

Ang Banal na Espiritu ay ibinuhos sa mga Apostol sa Pentecostes. Nangaral sila sa mga tao sa sarili nilang mga wika, at tatlong libo ay napagbagong loob sa makapangyarihag muling pagbabangong ito na nakatala sa Mga Gawa, kapitulo dalawa. Ngunit natutuklasan natin na kailangan nilang mapuno ng Banal na Espiritu muli, gaya ng nakatala sa Mga Gawa 4:31,

“At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios” (Mga Gawa 4:31).

Pinapakita nito sa atin na napakaraming mga panahon ng muling pagbabangon sa maagang simbahan, mga di-karaniwang panahon ng muling pagbabangon. Ngunit mayroong ibang mga panahon na ang gawain ng mga simbahan ay nagpatuloy sa karaniwang pang-araw araw na paraan. Sa tingin ko ito ang ibig sabihin ni Apostol Pablo noong sinabi niyang, “Magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan” (II Timoteo 4:2). Sa tingin ko ang ibig sabihin nito ay na dapat tayong magpatuloy na mangaral at magdasal at sumaksi mayroon mang muling pagbabangon o wala. Tinatawag tayo ni Kristo na sundin ang Dakilang Utos (Mateo 28:19-20), at “ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15) mayroon mang muling pagbabangon o wala! Ang ilan ay mapagbabagong loob kahit na walang di-karaniwang pagkilos ang Diyos.

Kung iniisip natin na ang muling pagbabangon ay karaniwan paraan na ang Diyos ay kumikilos, tayo ay mahihinaang loob. Sinabi ni Iain H. Murray,

Dito sa puntong ito na si George Whitefield ay nangailangang bigyang babala ang kanyang kaibigan na si William McCulloch, isang minister ng Cambuslang [Scotland]. Noong 1749 si McCulloch ay nahinaang loob dahil hindi na niya nakita ang kanilang nasaksihan sa paggigising ng 1742. Ang sagot ni Whitefield ay ipaalala siya na ang taon 1742 ay hindi kung ano ang normal sa simbahan: “Dapat akong matuwang makarinig ng [isa na namang] muling pagbabangon sa Cambuslang; ngunit, Ginoo, nakakita na kayo ng ganoong mga bagay na bilang bihirang makita sa ibabaw minsan sa isang siglo.” Si Martyn Lloyd-Jones ay tumutukoy sa isang parehong pagkakataon sa kalagayan ng isang Welsh na ministor na ang kanyang “buong pangangasiwa ay nasira,” sa pamamagitan ng kanyang madalas na pagtingin pabalik sa kanyang nakita at naranasan sa muling pagbabangon ng taong 1904: “Noong ang muling pagbabangon ay natapos…kanyang inaasahan ang di-karaniwan; at ito’y hindi nangyari. Kaya siya ay nalungkot ng lubos at gumugol ng mga apat na pung taon ng kanyang buhay sa isang kalagayan ng katigangan, kalungkutan at kawalan ng kwenta” (Isinalin mula kay Iain H. Murray, ibid., p. 29).

Kung ang Diyos ay hindi magpadala ng muling pagbabangon, hindi dapat natin ito pabayaang pahinain ang loob natin. Dapat tayong magpatuloy, sa kapanahunan at di panahunan, prinoproklama ang ebanghelyo, at ginagabay ang mga makasalanan kay Kristo isa isa. Ngunit, sa parehong beses, dapat tayong magpatuloy na magdasal para magpadala ang Diyos ng isang espesyal na panahon ng paggigising at muling pagbabangon. Kung ito’y darating, tayo ay magsasaya. Ngunit kung ito’y hindi darating, tayo ay magpapatuloy na maggabay ng mga kaluluwa kay Kristo isa isa bawat oras! Tayo ay hindi mahihinaang loob! Hindi tayo susuko! Tayo ay magsikap sa kapanahunan at sa di kapanahunan!

VI. Pang-anim, ang pagkakamali na walang mga kondisyon na kahit
ano na nakaugnay sa muling pagbabangon.

Ang mga Kasulatan at kasaysayan ay parehong nagpapakita sa atin na ang muling pagbabangon ay hindi nakasalalay sa taong gawang pag-ebanghelismo o lubos na dedikasyon ng mga Kristiyano. Ngunit mayroong mga tiyak na kondisyon na dapat matupad. Ang mga ito ay mga namumunong tamang doktrina, at pagdadasal. Dapat tayong magdasal para sa muling pagbabangon, ngunit dapat rin tayong magkaroon ng tamang doktrina patungkol sa kasalanan at kaligtasan.

Sa kanyang aklat na, Revival (Crossway Books, 1992), mayroong dalawang kapitulo si Dr. Martyn Lloyd-Jones na pinamagatang “Doktrinal na Kawalan ng Kawagasan” [“Doctinal Impurity”] at “Patay na Ortodoksiya” [“Dead Orthodoxy.”] Sa dalawang kapitulong ito, ang taong ito na nakakita ng matinding muling pagbabangon sa kanyang maagang mga taon ng pangangaral, ay nagsasabi sa atin na mayroong mga tiyak na mga doktrina na dapat mapangaral at mapaniwalaan kung umaasa tayong magpadala ng muling pagbabangon ang Diyos. Babanggit lamang ako ng apat na doktrina na kanyang ibinigay.


1.  Ang Pagbagsak at lubusang pagkasira ng sangkatauhan – lubusang kasamaan.

2.  Ang muling pagbabangaon – o bagong kapanganakan – bilang isang gawain ng Diyos, hindi ng tao.

3.  Ang pagmamatuwid sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kristo lamang – hindi pananampalataya sa mga “desisyon” ng kahit anong uri.

4.  Ang pagkabisa ng Dugo ni Kristo upang malinisan ang kasalanan – ng parehong personal at orihinal.


Ang mga apat na doktrinang ito ay nilusob ni Charles G. Finney, at ipinababa o tinalikuran mula noon. Hindi nakakapagtaka na napaka kaunti ng muling pagbabangon simula 1859! Hindi ako makakapunta sa kadetalyehan nito, ngunit ang mga importanteng doktrina, na dapat muli ay mapangaral kung naghahangad tayong makakita ng muling pagbabangon sa ating mga simbahan. Ang ating mga simbahan ay puno ng mga nawawalang mga tao, na hindi kailan man mapapagbagong loob hanga’t mangaral tayo sa mga paksang ito ng puwersahan at malakas – at paulit-ulit!

Sinabi Dr. Lloyd-Jones,

Tignan ang mga kasaysayan ng mga muling pagbabangon, at makikita mo na ang mga kalalakihan at mga kababaihan ay nagsisidamang desperado. Alam nila na lahat ng kanilang mga kabutihan ay mga mistulang mga maruruming trapo lamang, at na lahat ng kanilang kabutihan ay walang halagang ano man. At ayon sila, nagdaramang wala silang magagawa, at humihiyaw sa Diyos ng awa at ng simpatiya. Ang pagmamatwid sa pamamgitan ng pananampalataya. Ang gawa ng Diyos. “Kung hindi gagawin ito ng Diyos sa atin,” sinabi nila, “gayon tayo ay nawawala.” At kaya [naramdaman nila] ang kanilang lubusang kawalan ng pag-asa sa harapan Niya. Hindi sila nagbibigay pansin, at hindi nagkakabit ng importansya, sa lahat ng kanilang nakaraang karelihiyohosan, at lahat ng kanilang pananampalataya sa pagpupunta sa simbahan, at maraming, marami pang ibang mga bagay. Nikikita nila itong walang kabutihan, kahit na kanilang relihiyon ay walang kahalagahan, walang bagay na may halaga. Dapat ipamatwid ng Diyos ang mga umaaring ganap sa masama. At iyan ang dakilang mensahe na lumalabas, kung gayon, sa bawat panahon ng muling pagbabangon (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, ibid., pp. 55-56).

“Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran” (Mga Taga Roma 4:5).

“Si Kristo Hesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:24-25).

Iyan ang mga doktrina ng muling pagbabangon! Iyan ang mga doktrina na nagdadala sa muling pagbabangon! Dapat tayong makakita ng pangungumbinsing nagkasala ng kasalanan, malamim, nakabibiyak ng pusong pagkakakita ng kasalanan. Dapat nating makita ang mga kaluluwang natagpuang nagkasala na pumuntang lumuluha para sa kanilang mga kasalanan kay Hesus, na nahahanap ang kaligtasan, “sa pamamagitan ng kanyang dugo.”

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

ANG BALANGKAS NG

ANIM NA MAKABAGONG PAGKAKAMALI UKOL SA
MULING PAGBABANGON

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

(I Mga Taga Corinto 13:12)

I.   Una, ang unang pagkakamali ay na dapat nating pagtuunang
pansin ang mga Apolostikong pagkakaloob upang
magkaroon ng mulint pagbabangon, Juan 16:8; 15:26.

II.  Pangalawa, ang pagkakamali na hindi maaring magkaroong
ng muling pagbabangon ngayon, Mga Gawa 2:39;
Apocalipsis 7:1-14.

III. Pangatlo, ang pagkakamali na ang muling pagbabangon ay
nakasalalay sa ating ebanghelistikong gawain,
Mga Gawa 13:48-49; Marcos 16:15.

IV. Pang-apat, ang pagkakamali na ang muling pagbabangon ay
nakasalalay sa dedikasyon ng mga Kristiyano, II Mga Cronico
9:21; II Mga Taga Corinto 4:7; I Mga Taga Corinto 3:7.

V.  Panlima, ang pagkakamali na ang muling pagbabangon ay ang
karaniwang kalagayan, na dapat nating asahan sa simbahan,
Mga Gawa 4:31; II Timoteo 4:2.

VI. Pang-anim, ang pagkakamali na walang mga kondisyon
na kahit ano na nakaugnay sa muling pagbabangon,
Mga Taga Roma 4:5; 3:24-25.