Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGTATANGIS AT PANGANGARAL WEEPING AND PREACHING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Nang marinig nga nila ito, ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?” (Mga Gawa 2:37). |
Madalas kong sinasabi na ang emosyon at luha ay kasama sa bawat muling pagbabangon sa mahabang kasaysayan ng Kristiyanismo. Madalas kong sinasabi na dapat nating makita ang mga makasalanang mapunta sa puntong luhaan kung makakikita tayo ng tunay na pagbabagong loob sa atin. At sinabi ko sa inyo na hindi maaring magkaroon ng tunay na pagbabangon na walang luha. Noong huling Linggo ibinigay ko ito bilang isa sa pinakadakilang palatandaan ng isang nakamamanghang muling pagbabangong nagaganap ngayon sa Tsina. Ng dahil sa aking pagkakasaksi ng dalawang napakakakaibang, muling pagbabangong ipinadala ng Diyos, masasabi ko sa inyo ng may lubos na kasiguraduhan na hindi maaring magkaroon ng tunay na muling pagbabangon, at napaka kaunting tunay na isa-isang pagbabagong loob, maliban na lang kung ang mga tao ay nadadala sa luha para sa kanilang makasalanang kalagayan.
Ito ang nangyari sa unang matinding muling pagbabangon sa Araw ng Pentecostes. “Nangasaktan ang kanilang puso” (Ang Mga Gawa 2:37). Ang ibig sabihin nito’y sila’y napakakilos ng lubos sa pamamagitan ng pangangaral na sila’y nagsiluha at sumigaw, “Mga kapatid, anong gagawin namin?” (Ang Mga Gawa 2:37). Kantahin ang, “Panginoon, Ipadala ang Makalumang Kapangyarihan!”
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan!
Ang Iyong puwerta ng pagpapala sa amin ay buksang malawak!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan,
Na ang mga makasalanan ay mapagbagong loob at ang
Iyong pangalan ay maluwalhatian!
(“Pentekostal na Kapangyarihan” Isinalin mula sa
“Pentecostal Power” ni Charles H. Gabriel, 1856-1932).
Sa loob ng panahon ng pangangaral ni Felipe sa Samaria, hindi matagal pagkatapos ng muling pagbabangon sa Pentekos, tayo ay sinabihan na
“…mga karumaldumal na espiritu, ay nangagsilabas sila, na nangagsisisigaw ng malakas na tinig” (Mga Gawa 8:7).
Oo, mayroong pagluluha at kahit paghihiyaw kasunod ng pangangaral ni Felipe doon sa makapangyarihang muling pagbabangon sa Samaria. Kantahin ang koro muli!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan!
Ang Iyong puwerta ng pagpapala sa amin ay buksang malawak!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan,
Na ang mga makasalanan ay mapagbagong loob at ang
Iyong pangalan ay maluwalhatian!
Noong si Pablo ay kumanta at nagdasal, at isang lindol ang nagbukas sa mga pinto ng bilanguan kung saan siya at si Silas ay nabilango, ang tagapagbilango ay
“tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas” (Mga Gawa 16:29).
Ang kanyang panginginig at pagkatirapa ay walang pagdududang kasama ng matinding emosyon, at maraming luha. Kantahin ito muli!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan!
Ang Iyong puwerta ng pagpapala sa amin ay buksang malawak!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan,
Na ang mga makasalanan ay mapagbagong loob at ang
Iyong pangalan ay maluwalhatian!
Ngunit dapat tayong mag-ingat na pansinin na wala sa mga pagkakataong ito na tayo ay nasabihan na ang mga mangangaral mismo ay nagkaroon ng luha noong sila’y nangangaral. Oo, alam ko na sinabi ni Pablo sa mga Krisitiyanong Efeso,
“Hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha” (Mga Gawa 20:31).
Tayo ay sinabihan din na ginawa niya ito sa Efesos. Ngunit hindi tayo sinabihan na ginawa niya ito sa bawat beses na siya’y nangaral.
Hindi tayo sinabihan na si Pedro ay nangaral na may luha sa Pentekos. Hindi tayo sinabihan na si Felipe ay nangaral na may luha sa Samaria, o na si Pablo ay nangaral na may luha sa Filipiyanong tagapagbilango. Sinabihan tayo na ang mga mangangaral na ito ay napaka sinsero at napaka seryoso – ngunit hindi tayo sinabihan na mayroon silang luha sa bawat beses na sila’y nangaral.
Isa sa ating mga kabataang lalake ay nagsabi sa akin isang araw, “Anong magagawa mo upang makuhang lumuha ang mga tao ng dahil sa kanilang mga kasalanan?” Iyan ay isang maiging katanungan, at aking susubukang sagutin ito sa pinakamakakaya ko sa sermong ito.
I. Una, ang mangangaral ay dapat hindi kailan man tumangis at umiyak sa pulpito maliban na lang kung siya ay mapakilos ng Diyos na gawin ito.
Maingat kong pinili ang mga salitang iyon. Ang isang mangangaral ay dapat hindi tumangis at lumuha sa pulpito maliban na lang kung ang Diyos Mismo ay magpakilos sa kanyang gawin ito. Si George Whitefield ay madalas napapaluha kapag siya’y nangangaral. Ngunit siya ay nangaral na may luha lamang dahil siya ay napakilos ng Diyos na gawin ito. Nagsasalita tungkol doon sa mga sinubukang kopyahin si Whitefield, at umiyak sila sa bawat oras na sila’y nangaral, sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Siyempre, ang isang taong sumusubok na makagawa ng isang epekto [sa pamamagitan ng pagtatangis sa pulpito] ay nagiging isang aktor, at ay isang teribleng impostor” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Preaching and Preachers, Zondervan Publishing House, 1971, p. 93). Si Dr, Lloyd-Jones ay nakaranas ng isang matinding muling pagbabangon sa kanyang mga naunang pangangaral, ngunit bihira kung tumangis nga siya sa pulpito. Siya ay nangaral ng may matinding pagkasinseridad, ngunit iniiwasan niya ang kahit anong kamukha ng pag-aarte.
Naisip ko ang pangungusap na iyan mula kay Dr. Lloyd-Jones maraming beses sa maraming taon. Ako noon ay isang actor ng maraming taon na isang binatilyo, bago ako tinawag upang mangaral. Alam kong lubos, mula sa karanasan na mayroon ako bilang isang aktor maraming taon ang nakalips, kung paano makagawa ng luha. Ngunit mukhang madalas na huwad at peke ito para sa akin kung sinubukan kong gawin ito kapag nangangaral ako ng Ebanghelyo. Minsan ako ay naiiyak kapag ako’y nangangaral, kahit na ito’y bihira. Hindi ko kailan man ginagawa ito upang “makagawa ng epekto,” dahil naniniwala ako na si Dr. Lloyd-Jones ay tama noong sinabi niya na ginagawa nito ang isang mangangaral na “isang teribleng impostor” – isang simpleng aktor lamang! Higit sa lahat, hindi ko dapat piliing “umarte” sa pulpito. Kaya tumatangis lamang akong paminsan, kapag ang Diyos Mismo ang magpapakilos sa aking gawin ito. Matatag kong pinaniniwalaan na ang mangangaral ay hindi kailan man dapat tumangis o umiyak sa pulpito maliban na lang kung siya’y napakilos ng Diyos.
Natatandaan ko ang isang tanyag na mangangaral sa telebisyon na may luhang umaagos sa kanyang mukha sa halos bawat sermon. Ginamit niya ang kanyang pagtatangis upang pukawin ang kanyang kongregasyon, upang sila rin ay magsisigaw at magsitangis. Ngunit kaunting kabutihan ang dumadating mula rito. Ang mangangaral na iya’y lumilitaw na wala lang kundi isang aktor, at ang kanyang ministro ay napupunta sa wala sa huli. Binalaan tayo ni Hesus na huwag,
“mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno” (Mateo 6:16).
Sinabi ni Kristo ito ay wagas na mapagimbabaw. Walang pastor na naghahangad na maging isang biyaya ang dapat “mapagpanglaw” ang kanyang mukha at tumangis na tulad ng isang aktor! Hindi, ang pagtatangis sa pulpito ay dapat mangaling sa Diyos – o, kung hindi, dapat iwasan itong lahat ng mangangaral.
Paano, gayon mapaluluha ng mangangaral ang mga tao sa kanyang kongregasyon? Iyan ay isang maiging tanong na tinanong ng binata sa akin! Susubukan kong sagutin ito mula sa kasaysayan at mula sa Bibliya mismo.
II. Pangalawa, ang mangangaral ay dapat maging seryoso sa pulpito kung umaasa siyang mapakilos ang mga makasalanan ng pangungumbinsing nagkasala ng Banal na Espiritu ay magdadala sa pagbabagong loob.
Si George Whitefield ay halos laging nangaral na may luha sa kanyang mga mata. Siya ay lubos na seryoso, at ang kanyang mga luha ay walang dudang nangaling sa Diyos. Ngunit mayroong malayong mas kaunting luha, at malayong kakaunting emosyon, doon sa mga nakarinig sa kanya kay sa doon sa mga naroon sa pangangaral ni John Wesley – at si Wesley, sa aking pagkaalala, ay bihira kung minsan man nagbuhos ng luha noong siya ay nangaral. Ngunit si Wesley ay matinding napuna dahil sa matinding pagsabog ng pangingiyak at pagtatangis, at kahit pagsisigaw, sa loob ng kanyang mga sermon.
Ito’y nangyari ng paulit-ulit noong si Wesley ay nangaral na walang luha sa kanyang mga mata, ngunit ito’y nangyari malayong mas kaunti sa ilalim ng pangangaral ni Whitefield na may luhang dumadaloy sa kanyang mukha sa bawat sermon. Ito ay isang simpleng katunayan na ang kahit sino’y maaring matuklasan sa pamamagitan ng pagbabasa ng kasaysayan ng pangangaral nitong dalawang dakilang kalalakihan. Masasabi ko gayon ito – na ang pagtatangis sa pulpito ay hindi nangangailangang makagawa ng pagtatangis sa mga taong makaririnig sa mangangaral. Hindi ko pinupuna si Whitefield. Maraming beses na tinawag ko siyang “ang pinakadakilang mangangaral ng lahat ng panahon” – hindi kasali ang Apostol Pablo. Akin lamang ipinupunto mula sa naitalang kasaysayan na makukumparang ang pangangaral ni Wesley na matigas at di-emosyonal, na walang luha ay nagbunga ng malayong mas maraming pagtatangis at emosyon sa kanyang mga kongregasyon. Papaano ito nangyari? Madalas itong ipinaliliwanag sa termino ng psikolohiya. Ngunit naniniwala ako na ang sagot ay nakasalalay sa ibang lugar.
Hinikayat ni John Wesley ang mga taong tumangis. Hindi ito hinikayat ni Whitefield. Kahit na kinikilala ko si Whitefield na ang pinaka dakilang mangangaral ng buong panahon sa mundo ng mga may wikang Ingles, sa tingin ko’y siya ay nagkamali sa puntong ito. Ang kanyang patron ang Kontesa ng Huntington, ay minsang nagsabi kay Whitefield, “Hayaan mo silang sumigaw. Ikabubuti nila ito mas higit sa iyong pangangaral.”
Kahit na si Jonathan Edwards mismo ay hindi minsan tumangis sa pulpito, ang kanyang mga kongregasyon ay madalas gawin ito. Sa loob ng kataasan ng muling pagbabangon madalas silang napapabagsak sa luha. Ang mga tandang ito ay nangyari habang binabasa ni Edwards ang kanyang sermon mula sa isang buong walang emosyong boses, mas malapit na kamukha ng istilo ni Wesley kay sa malayong mas emosyonal na pangangaral ni Whitefield.
Ang pangunahing ebanghelistang sa Pangalawang Dakilang Pagigising ay si Dr. Asahel Nettleton. Si Dr. Nettleton ay hindi tumangis sa pulpito. Ang kanyang pangangaral ay taimtim, kay sa emosyonal. Gayon sa tuktok ng maraming muling pagbabangon na kanyang isinagawa yoong mga nawawala ay napabagsak sa luha, at pisikal na pangangayupa, pagbabagsak sa sahig sa ilalim ng pagkakumbinsi ng kasalanan. Kantahin ang koro muli!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan!
Ang Iyong puwerta ng pagpapala sa amin ay buksang malawak!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan,
Na ang mga makasalanan ay mapagbagong loob at ang
Iyong pangalan ay maluwalhatian!
Ang pagpapalagay ko gayon ay ito – ang pagbabagong loob at muling pagbabangon ay hindi nakasalalay sa luha ng mangangaral sa pulpito. Manapa’y, ang emosyon ng mararanasan ng makasalanan ay nakasalalay sa sinseridad at kaseryosohan ng mangangaral, na kinasasapian ng gawain ng Banal na Espiritu sa mga puso noong nasa kongregasyon na nawawala. Papano mapakikilos ng mangangaral ang mas maraming taong luhaan? Ang sagot ay hindi niya ito magagawa. Maari lamang niyang ihandog ang kanyang sermon ng sinsero at seryosong kataimtiman. Ang nadarama ng tao tungkol sa pagkakumbinsi ng pagkakasala ng kasalanan ay nakasalalay higit pa sa kakayahan ng mangangaral. Ang Banal na Espiritu lamang ang makapagdala ng tunay na pangungumbinsi ng pagkakasala ng kasalanan.
“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran at sa paghatol” (Juan 16:8).
Kantahin ito muli!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan!
Ang Iyong puwerta ng pagpapala sa amin ay buksang malawak!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan,
Na ang mga makasalanan ay mapagbagong loob at ang
Iyong pangalan ay maluwalhatian!
Papano mapakikilos na emosyonal ang mga nawawala? Papano sila makapupunta sa ilalim ng tunay na pangungumbinsi na nagkasala ng kasalanan? Ang mangangaral ay dapat sinsero, hindi isang actor. Ang mangangaral ay dapat maging taimtim at seryoso. Ang mangangaral ay dapat makapitan ng katotohanan sa kanyang pangangaral. Ang mangangaral dapat ay “itaas ang kaniyang tinig,” gaya ng ginawa ni Pedro sa araw ng Pentecostes (Mga Gawa 2:14). Ang mangangaral dapat ay mangaral ng parehong batas at Ebanghelyo. Dapat niyang sabihin sa tao na sila ay mga “makasalanan sa kamay ng isang nagpopoot ng Diyos,” gaya ng ginawa ni Jonathan Edwards. Dapat niya silang sabihan na “lumipad kay Kristo,” gaya ng ginawa ni Jonathan Edwards. Dapat niya silang sabihan na walang makaliligtas sa kanila mula sa poot ng Diyos kundi ang nakahuhugas na Dugo ng minsang napako sa krus, ngayon umakyat, na si Kristo. Dapat siyang mangaral, gaya ni Juan Bautismo,
“Narito ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29).
Kantahin muli ang koro!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan!
Ang Iyong puwerta ng pagpapala sa amin ay buksang malawak!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan,
Na ang mga makasalanan ay mapagbagong loob at ang
Iyong pangalan ay maluwalhatian!
III. Pangatlo, ang mangangaral, at ang mga ligtas sa kanyang kongregasyon, dapat ay magkaroon ng totoong kalungkutan at pag-ibig sa mga nawawala.
Oo, sinasabi ng Bibliya sa atin na tumangis. Oo, sinasabi nito,
“Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan” (Mga Awit 126:5).
Oo, tamang sinabi ni Dr. John R. Rice na,
Ang halaga ng muling pagbabangon, ang halaga ng paghihikayat ng kaluluwa,
Ang mahahabang oras ng pananlangin, ang bigat, ang mga luha…
(“Ang Halaga ng Muling Pagbabangon” Isinalin mula sa
“The Price of Revival” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Ngunit pansinin na sinabi niya, “ang bigat, ang mga luha.” Siya ay nagsasalita tungkol sa isang panloob na bigat para sa nawawala na ang Banal na Espiritu lamang ang makabibigay. Siya ang unang magasasabi sa atin na walang “mahiwagan” kapangyarihan sa “taong-gawang” luha. Ang “bigat” ay dapat mangaling mula sa Diyos. Ito’y dapat sinsero at tunay, gaya ng kay Hesus, na isang,
“taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53:3).
Kantahin ang koro muli!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan!
Ang Iyong puwerta ng pagpapala sa amin ay buksang malawak!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan,
Na ang mga makasalanan ay mapagbagong loob at ang
Iyong pangalan ay maluwalhatian!
Gayon dalawang beses lamang sa apat na Ebanghelyo na tayo ay sinabihan na si Hesus ay tumangis. At wala sa mga pagkakataong ito na Siya’y nangangaral. Pakilipat sa inyong Bibliya sa Lucas 19:41.
“At nang malapit na siya, nakita niya ang bayan, at ito’y kaniyang tinangisan” (Lucas 19:41).
Tumangis siya sa pagkamakasalanan ng lungsod. Ngunit hindi Siya nangangaral noong ginawa Niya ito. Siya’y tumangis para sa lungsod sa pananalangin. Ngunit hindi nagtagal pagkatapos binigyan Niya sila ng isang napaka lakas na sermon, na puno ng paghahato. Basahain ang mga bersong 45 at 46.
“At pumasok siya sa templo, at pinasimulang itaboy sa labas ang mga nangagbibili, Na nagsasabi sa kanila, nasusulat nga, at ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan: datapuwa’t ginawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Lucas 19:45-46).
Sundan natin ang halimbawa ni Hesus. Tumangis tayo para sa mga nawawala sa pribadong panalangin, at pagkatapos harapin sila ng kanilang kasalanan sa pangangaral!
Ang pangalawang beses na tayo ay sinabihan na si Hesus ay tumangis ay sa Juan 11:35. Paki lipat doon at basahin ang mga bersong 35 at 36 ng malaks.
“Tumangis si Jeshs. Sinabi nga ng mga Judio. Tingnana ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya!” (Juan 11:35-36).
Alam ni Hesus na Kanyang ibabangon si Lazaro mula sa pagkamatay. Ngunit Siya’y tumangis at “[nalagim]” pati habang Siya’y papalapit sa libingan ni Lazaro. Pagkatapos Siya’y nanalangin (Juan 11:41-42). At sa wakas nangaral si Hesus ng isang maikling sermon. Ito’y ibinigay sa Juan 11:43. Pakibasa ang bersong iyan ng malakas.
“At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka” (Juan 11:43).
Sa tingin ko dapat iyan ang ating halimbawa. Dapat tayong tumangis at malagim pati para doon sa mga “patay dahil sa [kanilang] mga pagasasalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Dapat tayong manalangin para sa kanilang kaligtasan. At pagkatapos dapat tayong umiyak na may “malakas na tinig…lumabas ka.”
“Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon” (Juan 11:44).
Iyan ang halimbawa na ibinigay ni Hesus sa pangalawang pagkakataon na tayo’y sinabihan na Siya’y tumangis! Tumangis at manalangin para doon sa mga nawawala, at mangaral sa kanila “lumabas kay Kristo.” Kantahin ang koro muli!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan!
Ang Iyong puwerta ng pagpapala sa amin ay buksang malawak!
Panginoon, ipadala ang makalumang kapangyarihan,
ang Pentekostal na kapangyarihan,
Na ang mga makasalanan ay mapagbagong loob at ang
Iyong pangalan ay maluwalhatian!
Hindi dapat natin isipin na si Hesus ay tumangis lamang sa dalawang pagkakataon na iyon. Dahil Siya ay “taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53:3) tiyak na tumangis siya sa iba pang pagkakataon din. Sinabihan tayo ng apat na beses na Siya ay “nahabag sa kanila” (Mateo 9:36; Mateo 14:14; Marcos 1:41; Marcos 6:34). Ngunit sa huling berso lamang na tayo ay sinabihan na Siya ay “nahabag sa kanila…at siya’y nagsimulang tinuruan sila ng maraming bagay.” Walang duda na Siya ay “nahabag” sa bawat panahong Siya ay nangaral, ngunit hindi ito naitala sa apat na mga Ebanghelyo. At tayo ay hindi minsan sinabihan na Siya ay tumangis habang Siya ay nangangaral, bago lamang Niya ibinigay ang Kanyang sermon na Siya’y tumangis (Lucas 19:41; Juan 11:35, 38).
Kinukuha ko ito mula sa halimbawa ni Kristo na karamihan sa ating pagtatangis at pananalangin ay dapat gawing pribado, o minsan sa loob n gating mga paglilingkod bago ng pangangaral, ngunit na dapat tayo’y maging “kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan” kapag tayo’y umuupo upang kumain kasama nila at maging mapagkaibigan sa kanila, gaya ng ginawa ni Kristo (Mateo 11:19).
Tumangis tayo at manalangin para sa mga makasalanan tuwing tayo’y mag-isa sa panalangin, o sa ating pananalanging pagpupulong, o marahil minsan sa mga paglilingkod. Lumabas tayo mula sa ating mga panalangin at pagtatangis upang mangaral sa mga nawawalang makasalanan, at pagkatapos ay maging isang biyaya sa mga nawawalang dumadating sa ating simbahan, pagkatapos ng mga paglilingkod! Kantahin, “Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya.”
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
(“Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya” Isinalin mula sa
“Make Me a Channel of Blessing” ni Harper G. Smyth, 1873-1945).
Manalangin para sa pagkakumbinsing nagkasala ng kasalanan (lahat magdasal). Manalangin para sa mga taong pumunta kay Hesus, at mahugasan mula sa kasalanan sa Kanyang Dugo (lahat magdasal).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Panalangin Bago ng Sermon ni Dr. Kreighton L. Chan.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Lumang-Panahong Kapangyarihan” Isinalin mula sa
“Old-Time Power” (ni Paul Rader, 1878-1938).
BALANGKAS NG PAGTATANGIS AT PANGANGARAL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Nang marinig nga nila ito, ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?” (Mga Gawa 2:37). (Mga Gawa 8:7; 16:29; 20:31) I. Una, ang mangangaral ay dapat hindi kailan man tumangis at umiyak sa pulpito maliban na lang kung siya ay mapakilos ng Diyos na gawin ito, Mateo 6:16. II. Pangalawa, ang mangangaral ay dapat maging seryoso sa pulpito kung umaasa siyang mapakilos ang mga makasalanan ng pangungumbinsing nagkasala ng Banal na Espiritu ay magdadala sa pagbabagong loob, Juan 16:8; Mga Gawa 2:14; Juan 1:29. III. Pangatlo, ang mangangaral, at ang mga ligtas sa kanyang kongregasyon, dapat ay magkaroon ng totoong kalungkutan at pag-ibig sa mga nawawala, Mga Awit 126:5; Isaias 53:3; Lucas 19:41, Lucas 19:45-46; Juan 11:35-36, 41-42, 43; Mga Taga Efeso 2:1; Juan 11:44; Mateo 9:36; 14:14; Marcos 1:41; 6:34; Mateo 11:19. |