Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




LAKAS PARA SA PAGHIHIKAYAT NG KALULUWA SA
PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

STRENGTH FOR SOUL WINNING THROUGH PRAYER

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado Ika-1 ng Agosto taon 2009

“Silang nangahihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas” (Isaias 40:31).


Sinabi ni Dr. R. A. Torrey sa bersong ito,

Mayroong matinding kapangyarihan sa panalangin. Ito’y higit na may kinalaman sa ating pagkakamit ng pagkapuno ng kapangyarihan sa Kristiyanong buhay at paglilingkod. Ang isang hindi magbibigay oras para sa pananalangin maaring mag-iwan na rin ng lahat ng pag-asa para sa pagkakamit ng punong kapangyarihan ng Diyos para sa kanya. “Silang nangahihintay sa Panginoon” ang “mangagbabagong lakas” (Isaias 40:31). Ang paghihintay sa Panginoon ay nangangahulugang higit pa kay sa sa paggugugol ng kaunting minuto sa simula at sa pagsara ng bawat araw na binibigkas ang isang estereotipyang anyo ng kahilingan. “Nangahihintay sa Panginoon.” Ang tunay na panalangin ay nangangailangan ng oras at pag-iisip, ngunit ito’y isang maiging tag-impok ng oras. Sa lahat ng pangyayari kung ating aalamin ang punong kapangyarihan dapat tayong maging kalalakihan at kababaihan ng panalangin (Isinalin mula kay R. A. Torrey, D.D., How to Obtain Fulness of Power in Christian Life and Service, Fleming H. Revell, 1897, p. 95).

“Silang nangahihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas” (Isaias 40:31).

Bibigyan ko kayo ng ilang pinaiksing kaisipan sa tekstong ito mula kay Dr. Torrey, isang lalakeng marunong paghintay sa Diyos sa panalangin.

I. Una, mabibigyan tayo ng karunungang humikayat ng mga
kaluluwa sa panalangin.

Ang Bibliya ay simpleng nagsasalita tungkol sa puntong ito,

“Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat [na hindi naghahanap ng paninisi sa atin]; at ito'y ibibigay sa kaniya” (Santiago 1:5).

Hindi ka susumbatan ng Diyos, o sisisihin, o hanapan ka ng pagkakasala, kung hihingan mo Siya ng karunungan. O, hindi! “Ito’y ibibigay sa kanya.” Wala ng pangako ang mas malinaw pa riyan! Maari tayong magkaroon ng karunungan, ang karunungan ng Diyos Mismo, sa bawat punto ng buhay. Hindi gusto ng Diyos na tayo’y madulas sa kadiliman. Gusto Niyang ibigay sa atin ang Kanyang walang hangang karunungan. Ang dapat lang nating gawin ay hingin ito sa pananampalataya. Maraming mga tao ay nadadapa sa kanilang sariling kahangalan kapag sinusubukan nilang maghikayat ng mga kaluluwa. Wala silang paghihikayat ng kaluluwang karunungan. Hindi ka makahihikayat ng mga kaluluwa na walang karunungan. Hindi mo makukuha ang karunungang iyan na hindi nananalangin para rito! Ang Salita ng Diyos ay nagsasabing,

“Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios … at ito'y ibibigay sa kaniya” (Santiago 1:5).

Paano ko kakausapin iyang bagong tao pagkatapos niyang magpunta sa simbahan? Paano ko siya matutulungang pumasok sa simbahan? Paano ko siya matutulungang maging isang Kristiyano?

“Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios … at ito'y ibibigay sa kaniya” (Santiago 1:5).

Ngunit ang “[paghinging]” ito ay hindi dapat sa isang ritwal na anyo ng panalangin. Dapat itong maging malalim, seryosong panalangin na nanggagaling mula sa “[paghihintay] sa Panginoon” sa panalangin (Isaias 40:31).

“Silang nangahihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas” (Isaias 40:31).

Kapangyarihan sa panalangin, Panginoon, kapanyarihan sa panalangin,
   Dito ‘sa gitna kasalanan at pagdurusa at pag-aaruga ng lupa;
Kalalakihang nawawala at namamatay, mga kaluluwang mahinang loob;
   O bigyan ako ng kapangyarihan, kapangyarihan sa panalangin!
(“Turuan Akong Manalangin” Isinalin mula sa
    “Teach Me to Pray” ni Albert S. Reitz, 1879-1966).

II. Pangalawa, panalangin ay makapagdadala sa Banal na Espiritu sa lahat ng Kanyang nabiyayaang kapangyarihan papunta sa ating paghihikayat ng kaluluwa.

Sinabi ni Hesus,

“Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak: gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).

Ito’y pagkatapos na ang unang mga disipolo ay nagpatuloy “sa pananalangin [at paghibik]” (Mga Gawa 1:14) [KJV] na “silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 2:4).

Pananalangin ang nagdadala ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa ating mga buhay at sa gawaing ginagawa natin sa paghihikayat ng mga kaluluwa. Sa palagay ko’y marami sa inyong sasang-ayon na hindi kayo naghintay sa Diyos ng sapat sa panalangin upang maging tunay na epektibo sa pagtulong ng mga kaluluwang pumasok sa simbahan at maligtas. Maari kayang ito’y ang resulta ng hindi pananalangin para sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa inyong paghihikayat ng kaluluwa? Si Hesus ay nagbigay ng isang malinaw na pangako noong sinabi Niyang,

“Gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).

Humingi sa Diyos ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang tulungan kang mas maging isang biyaya sa mga nawawala sa paghihikayat ng mga kaluluwa. Ibibigay niya ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu kung maghihintay ka sa Kanya sa panalangin. Marami sa inyo ay kakaunti ang kapangyarihan sa paghihikayat ng mga kaluluwa simple dahil napaka liit na panahon ang iginugugol ninyo sa panalangin para sa kapangyarihan ng paghihikayat ng mga kaluluwa.

“Silang nangahihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas” (Isaias 40:31).

Kapangyarihan sa panalangin, Panginoon, kapanyarihan sa panalangin,
   Dito ‘sa gitna kasalanan at pagdurusa at pag-aaruga ng lupa;
Kalalakihang nawawala at namamatay, mga kaluluwang mahinang loob;
   O bigyan ako ng kapangyarihan, kapangyarihan sa panalangin!

III. Pangatlo, ang panalangin ay makapagdadala ng kapangyarihan ng Diyos sa ating ebanghelistikong gawain, sa ating pag-eebanghelismo sa mga kalye, at sa ating teleponong pag-eebanghelismo kapag tinatawagan natin sila upang makuha silang magpunta sa mga paglilingkod sa simbahan, at upang maging isang biyaya sa kanila kapag sila’y magpupunta sa simbahan.

Kapag ang mga Apostol ay nahaharap sa mga balakid, “nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios” (Mga Gawa 4:24). “At nang sila’y makapanalangin na,” naghihintay sa Diyos sa panalangin, ang kapangyarihan ng Diyos ay dumating at inalis ang lahat ng balakid (Mga Gawa 4:31-33 ; 5:13). Gusto mo ba ang kapangyarihan ng Diyos sa iyong pag-eebanghelismo at sa pagtatawag sa telepono, at sa sarili mong magdala ng mga tao sa simbahan? Gayon manalangin para rito. Maghintay sa Diyos sa panalangin para sa Kanyang kapangyarihan na dumating at tulungan ka.

Isang ina minsan ay pumunta kay Dr. Torrey na may matigas ang ulong anak na hindi nakikinig sa kanyang pagmamakaawa. Tinanong niya si Dr. Torrey kung anong gagawin. Sinabi niya, “manalangin ka.” Ang bata ay napagbagong loob maikling panahon pagkalipas at naging isang natatanging Kristiyano. Bakit? Dahil nakinig ang ina niya kay Dr. Torrey at nagsimulang maghintay sa Diyos sa seryosong panalangin para sa kanyang anak bawat araw – at sinagot ng Diyos ang kanyang mga panalangin noong siya’y naging seryoso tungkol sa paghihintay sa Diyos sa panalgin para sa anak niya.

Walang nangyaring matinding muling pagbabangon na walang higit na paghihintay sa Diyos sa panalangin. Sinabi ni Dr. Torrey, “Maraming mga tinawag na muling pagbabangon ay sanhi ng makinarya ng tao. Ngunit nagkaroon ng mga panahon sa matinding mga pagbabangon noong nakaraan na wala masyadong pangangaral, at ng halos walang makinarya. Ngunit wala pang isang matindi at tunay na pagbabangon na walang puspusang panalangin, na walang paghihintay sa Diyos sa panalangin. Maraming mga makabagong tinatawag na mga muling pagbabangon ay napalitaw ng makinarya ng tao.” Ngunit ang tunay na muling pagbabangon ay nangyayari sa pamamagitan ng paghihintay sa Diyos sa seryosong panalangin.

Maraming mga Kristiyano ay hindi naiisip kung gaano kahigit ang kanilang panalangin, o ang kakulangan nito, ay may kinalaman sa pagkamakapangyarihan o kawalan ng kapangyarihan ng pangangaral ng kanilang mga pastor. Ang pagpapabaya ng paghihintay sa Diyos sa seryosong panalangin ay makagagawa ng pagbabago sa gitna ng pagkakaroon man ng pagbabagong loob sa ating Linggong paglilingkod. Nagmamakaawa ako sa inyong magbigay ng dagdag na panahon upang maghintay sa Diyos sa panalangin para sa mga pagtitipong ito, para magkaroon ng kapangyarihan ang pangangaral, para ang mga nawawala’y mapagbagong loob. Hinihiling ko kayong magsimulang maghintay sa Diyos sa seryosong pananalangin para sa mga pagtitipong ito, sa inyong pribadong pananalangin. Umaasa akong magbubukod kayo ng ilang oras araw araw upang manalangin para tulungan ng Diyos ang pastor malaman kung anong ipangangaral, at tulungan siyang ipangaral ito ng may kapangyarihan upang mapagbagong loob ang mga nawawala. At gumugol ng maraming oras sa panalangin para sa mga nawawala, gamit ang kanilang mga pangalan kung posible, na buksan ng Diyos ang kanilang mga puso upang tangapin si Kristo sa mga pagtitipong ito, at lalo na manalangin upang gawin ka ng Diyos na maging isang biyaya sa mga nawawalang tao kapag pumunta sila sa simbahan sa Lingo. Umaasa akong magsasantabi ka ng ilang oras araw araw mula ngayon hangang sa gayon upang maghintay sa Diyos, at seryosong manalangin para sa mga importanteng bagay sa buhay ng ating simbahan. At magdasal at mag-ayuno para sa mga bagay na ito sa sunod na Sabado rin.

Gawin akong isang biyaya, Gawin akong isang biyaya,
   Naway si Hesus ay tuminag sa aking buhay;
Gawin akong isang biyaya, O Tagapagligtas, dasal ko,
   Gawin akong isang biyaya sa isang tao ngayon.
(“Gawin Akong isang Biyaya” Isinalin mula sa
     “Make Me a Blessing” ni Ira B. Wilson, 1880-1950).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”


BALANGKAS NG

LAKAS PARA SA PAGHIHIKAYAT NG KALULUWA SA
PAMAMAGITAN NG PANALANGI

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Silang nangahihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas” (Isaias 40:31).

I.   Una, mabibigyan tayo ng karunungang humikayat ng mga kaluluwa sa panalangin, Santiago 1:5.

II.  Pangalawa, panalangin ay makapagdadala sa Banal na Espiritu sa lahat ng Kanyang nabiyayaang kapangyarihan papunta sa ating paghihikayat ng kaluluwa, Lucas 11:13; Mga Gawa 1:14; 2:4.

III. Pangatlo, ang panalangin ay makapagdadala ng kapangyarihan ng Diyos sa ating ebanghelistikong gawain, sa ating pag-eebanghelismo sa mga kalye, at sa ating teleponong pag-eebanghelismo kapag tinatawagan natin sila upang makuha silang magpunta sa mga paglilingkod sa simbahan, at upang maging isang biyaya sa kanila kapag sila’y magpupunta sa simbahan, Mga Gawa 4:24, 31-33; 5:13.