Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SIYANG HUMIHIKAYAT NG MGA KALULUWA AY HE THAT WINNETH SOULS IS WISE – PART II ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang sermon na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles Gabi sa Araw “Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa” (Mga Kawikaan 11:30). |
Ipinangaral ko ang isang bahagi ng sermong ito noong Sabado ng gabi. Ngayong gabi ibibigay ko sa inyo ang pangalawang sermon sa parehong teksto,
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikaan 11:30).
Sinabi ko sa inyo na ang pinaka importanteng salita sa teksto ay “humihikayat.” Sinabi ko na kung alam natin ang ibig sabihin ng “humihikayat” ang ibang bahagi ng berso ay lumilinaw na natural, at madaling maipaliwanag. Sinabi ko na ang Hebreong salitang isinaling “humihikayat” ay nangangahulugang “upang maghatid sa loob,” upang “hilain papasok,” upang “tanggapin” (Isinalin mula kay Strong). Sinabi ko ng kung ipaliliwanag ang kahulugang iyan sa paliwanag na ibinigay sa Bagong Tipan ang berso ay madaling maintindihan – “Siyang […] humihikayat ng mga kaluluwa” ay ang taong “naghahatid papasok,” “humihila papasok,” at “tumatangap” sa mga nawawalang makasalanan sa lokal na simbahan. Iyan ang tunay na naghihikayat ng kaluluwa!
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikaan 11:30).
Sinabi ni Spurgeon,
Mayroong dalawang bagay sa teksto, at ang mga ito’y nakalatag…sa dalawang [mga bahagi] nito. Ang una ay – ang buhay ng isang nananampalataya…[na] dapat ay puno ng pagpapala ng kaluluwa – “Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay.” Sa pangalawang lugar – misyon ng isang nananampalataya ay dapat laging paghihikayat ng kaluluwa. Ang pangalawa ay kasing pareho ng una, yun nga lang ang unang [bahagi] ay nagprepresenta ng ating walang malay na impluwensya, at ang pangalawa ay ang ating gawain [sa] paghihikayat ng mga kaluluwa para kay Kristo (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Soul Winner,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1971 reprint, volume XXII, p. 254).
Sinusundan ang simpleng balangkas ni Spurgeon, titignan natin ang dalawang bahagi ng humihikayat ng mga kaluluwa.
I. Una, ang humihikayat ng kaluluwa ay dapat puno ng pagmamahal at pag-aalala upang makahikayat ng mga nawawala.
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay…”
(Mga Kawikaan 11:30).
Sa tingin ko ito’y tumutukoy sa “bunga ng Espiritu” sa buhay ng isang tunay na napagbagong loob.
“Ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil” (Mga Taga Galacia 5:22-23).
Ang taong nagsusubok na maghikayat ng mga kaluluwa, ngunit wala ang bunga ng Espiritu, ay maging wala lamang kundi isang relihiyosong debotong, nagsusubok na puwersahin ang mga nawawalang mga taong maligtas. Hindi ba iyan mismo ang nangyari sa Kadilimang Panahon [Dark Ages]? Si Augustine, kahit na tama sa ilang mga bagay, ay nagsabi na ang mga nawawala ay dapat mapilit na magpunta sa simbahan “gamit ang espada.” Ang pagtuturong iyan ay nagkaroon ng teribleng epekto sa mga Kadilimang Panahon na sumunod, na ang Ingkisisyong nagsusubok na puwersahin ang mga taong maging mga Kristiyano. Walang basehan sa Bibliya para sa ganoong pamumuwersa.
Natatakot ako na minsan ang mga Bautismo at mga ebanghelikal ay nalimutan na rin na ating dapat ipakita ang “bunga ng Espiritu,” at kaya hindi mga ayon sa Bibliyang humihikayat ng mga kaluluwa. Natatandaan kong nakakakita ng isang taong tulad niyan hinahabol ang isang matandang lalake sa kalye, sinisigaw sa kanyang, “Ika’y pupunta sa Impiyerno, matanda!” Isang aroganteng walang respeto sa “pagsasaksi” ay hindi nakahihikayat ng maraming mga kaluluwa, kung maryroon man!
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay…”
(Mga Kawikaan 11:30).
Sinasabi ng Bibliya,
“Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan. Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya’y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas” (Mga Awit 126:5-6).
Kaya, ang isang tunay na humihikayat ng mga kaluluwa ay hindi isang matigas-ang-pusong, mayabang na relihiyosong deboto. O, hindi! Ang isang tunay na humihikayat ng mga kaluluwa ay mayroong mga luha ng kabutihan, at nagagalak kapag ang isang tao ay naliligtas.
Naniniwala ako sa Impiyerno. Nangangaral ako ng madalas tungkol sa Impiyerno. Ngunit mayroong oras at lugar para diyan. Alam ko sa mga taon ng obserbasyon na ang mga tinatawag na humihikayat ng mga kaluluwa ay kayang maglibot na nagsasabi sa mga taong sila’y pupunta sa Impiyerno, at gayon hindi kailan man nakahihikayat ng isang kaluluwa na maaring mabilang o makikita sa isang simbahan. Pagkatapos ng ganoong uri ng “pagsasaksi” hindi sila makaturo sa kahit sinong aktwal na taong naligtas at pumasok sa isang lokal na simbahan. Nasaan ang mga napagbagong loob mula sa ganoong “pagsasakso”? Sila’y kakaunti at malayo sa pagitan – kung mayroon man!
“Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan” (Mga Awit 126:5).
Isang kapatid na alam ang paksang ito ay minsan nagsabi sa akin, “Maraming luha sa Tsina.” Alam niya kung gaano kadalas na ang mga Tsinong “bahay simbahang” mga Kristiyano ay lumuluha para sa mga nawawala. Sila’y lumuluha kapag sila’y napagbabagong loob. Sila’y lumuluha kapag sila’y nagdarasal. Sila’y lumuluha kapag humihikayat sila ng mga kaluluwa. Isang napaka laking grupo ng mga Tsinong Kristiyanong ito’y kilala pati bilang “mga taga-luha.” Ngunit ang mga luha ay hindi lang limitado sa grupong iyan lang. Ang pagluluha ay napaka karaniwan sa mga bahay simbahan sa Tsina. “Maraming mga luha sa Tsina.” Walang pagtataka na mayroon silang ganoong pagbabangong muli! Hinuhulaang mayroong 700 na pagbabagong loob sa Kristiyanismo bawat oras sa Tsina!
“Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan” (Mga Awit 126:5).
Hindi kailangang laging umiyak upang makahikayat ng mga kaluluwa. Ngunit ang ating mga puso ay dapat nasa ganoong pag-uugali, isang pag-uugali ng pagkawasak, pag-aalala, at pag-aaruga para sa mga kaluluwa ng mga nawawala!
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay…”
(Mga Kawikaan 11:30).
Sinabi ni Spurgeon,
Sa palagay ko ibig sabihin nito’y isang nabubuhay na punong kahoy, isang punong kahoy na naplanong magbigay ng buhay [sa] iba. Isang bunga na nagiging isang punong kahoy! Isang punong kahoy ng buhay! Nakamamanghang resulta ito! Si Kristo sa isang Kristiyano ay nagbubunga ng isang karakter na nagiging isang bungang punong kahoy ng buhay. Ang panlabas na karakter ay ang bunga ng panloob na buhay; ang panlabas na buhay mismo ay mula sa isang bungang lumalagong maging isang punong kahoy, at bilang isang punong kahoy ito’y nagbubunga sa iba (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 257).
Ating kinanta ang isang lumang ebanghelyong kanta, “Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya” (ni Harper G. Smyth, 1873-1945). Sa tingin ko’y inihahayag nitong maigi ang ibig sabihin ng ating teksto, “Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay” (Mga Kawikaan 11:30). Ngunit nagtataka ako kung ang ilang mga kabataa’y alam ang ibig sabihin ng “daluyan.” Ang ibig sabihin nito’y “isang daanan” na maaring daanan ng tubig.
Ang buhay mo ba’y isang daluyan ng biyaya?
Ang pag-ibig ng Diyos ba’y dumadaloy sa iyo?
Nagdadala ka ba ng mga nawawalang tao kay Hesus?
Handa mo na bang gawin ang Kanyang lingkod?
Kantahin ang koro!
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
Ang korong iyan ay isang dasal. Kantahin ito muli bilang isang dasal.
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay…”
(Mga Kawikaan 11:30).
Oo, ang tunay na humihikayat ng kaluluwa ay dapat puno ng pag-ibig at pag-aalala para sa mga iba. Gawin iyan ang ating panalangin, “Gawin akong isang ‘punong kahoy ng buhay’ sa mga nawawala! Gawin akong isang daluyan ng biyaya sa kanila!”
II. Pangalawa, ang humihikayat ng kaluluwa ay dapat maging pantas upang makahikayat ng mga nawawala.
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikaan 11:30).
Sinabi ni Spurgeon,
Ang dalawang bagay ay ipinagsama – ang buhay muna, pagkatapos ay ang gawa: ang ipinagsama ng Diyos ay huwag paghihiwalayin ng tao (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 259).
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikaan 11:30).
Ang ipinapaliwanag ng teksto na ang mga kaluluwa ay dapat mahikayat. Ang mga kaluluwa ng tao ay nawawala sa kalikasan. Ang kanilang pinaka kalikasan ay masama at nawawala! Dapat silang mahikayat para kay Kristo at para sa lokal na simbahan!
Dapat kang maging pantas upang makahikayat ng mga kaluluwa, lubos na pantas talaga! Hindi mo mahihikayat ang kahit sino ng aksidente. Dapat kang magkaroon ng karunungan ng Diyos upang mahikayat ang isang kaluluwa. Dapat mo itong pag-isipang mabuti, o hindi ka kailan man makahihikayat ng isang kaluluwa. Dapat kang magdasal ng matindi para sa karunungan o hindi ka kailan man makatutulong sa kahit sinong maging isang tunay na Kristiyano! Sinabi ni Spurgeon,
Ang mga tunay na umiibig ng mga kaluluwa ng tao ay natututunan ang sining ng pagkikipagkalakal sa kanila…Hindi ito dahil ang isang tao ay mayroong masmaraming kakayahan, o pinagsamasamang dahil mayroon siyang mas maraming biyaya, ngunit ginagawa siya ng Panginoong maibig ang mga kaluluwa ng tao ng matindi, at ito’y nagbabahagi ng isang lihim na kakayahan, dahil sa karamihang bahagi ang paraan upang makuha ang isang makasalanan kay Kristo ay upang mahalin sila kay Kristo (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 262).
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikaan 11:30).
Sinabi ni Dr. Criswell na mas magaling na isalin ito na “siyang madunong ay humihikayat ng mga kaluluwa” (Isinalin mula sa The Criswell Study Bible; sulat sa Mga Kawikaan 11:30). Anomang paraang, ang karunungan ay kinakailangan upang makahikayat ng mga kaluluwa. Sa karamihang bahagi, ang mga miyembro ng simbahan ngayon ay mayroong napakaliit na karunungan sa paghihikayat ng mga kaluluwa. Ang pangunahing dahilan ay hindi nila hinihingi sa Diyos ang ganoong karunungan. Sinabi ng Apostol Santiago,
“Kayo’y wala, sapagka’t hindi kayo nagsisihingi” (Santiago 4:2).
Muli sinabi niya,
“Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Diyos…at ito’y ibibigay sa kaniya” (Santiago 1:5).
“…siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikaan 11:30).
Ang isang tao ay maaring nagsasabing, “O Diyos, wala akong karunungan! Hindi ako madunong sapat upang matulungan ang kahit sinong maging isang Kristiyano! O Diyos, bigyan ako ng karunungan upang tulungan sila!” Kung magdarasal ka ng isang dasal na tulad niyan madalas at masinsinan, sinasabi ng Bibliya sasagutin ka ng Diyos!
““Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Diyos…at ito’y ibibigay sa kaniya” (Santiago 1:5).
“Kayo’y wala, sapagka’t hindi kayo nagsisihingi” (Santiago 4:2).
“O Diyos, bigyan ako ng karunungang matulungan ang isang taong maging isang tunay na Kristiyano!” Gawin iyan ang iyong panalangin parati!
“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikaan 11:30).
Kantahin ang korong iyan muli, “Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya.”
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
Hindi ko dapat isara ang sermong ito na hindi nagsasabi ng isang salita sa iyong nawawala. Maraming nagsikap na makuha kang makarating rito ngayong gabi. Ang iba ay nagdasal ng matindi para sa iyong kaligtasan. Maraming nag-ayuno, kumikilos na walang pagkain kahapon, nananalangin para sa iyong maligtas. Si Hesus Mismo ay dumaan sa matinding paghihirap at dinala ang iyong mga kasalanan sa Krus, binubuhos ang sarili Niyang Dugo upang ang mga kasalanan mo ay mahugasan. Manampalataya ka ba kay Hesus? Buhay siya, sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Pupunta ka ba sa Kanya? Sinasabi ng Bibliya,
“Manampalataya ka sa Panginoong Hesu-Kristo, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31).
Magdasal tayo para sa isang pagbabagong loob.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Ni Pedro 4:7-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Panginoon, Maglagay ng Ilang Kaluluwa sa Aking Puso”
Isinalin mula sa “Lord, Lay Some Soul Upon My Heart”
(ni B. B. McKinney, 1886-1952).
ISANG BALANGKAS NG SIYANG HUMIHIKAYAT NG MGA KALULUWA AY ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa” (Mga Kawikaan 11:30). I. Una, ang humihikayat ng kaluluwa ay dapat puno ng pagmamahal at
II. Pangalawa, ang humihikayat ng kaluluwa ay dapat maging pantas |