Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SIYANG HUMIHIKAYAT NG MGA KALULUWA AY PANTAS –
BAHAGI I

HE THAT WINNETH SOULS IS WISE – PART I

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi Sabado Ika-25 ng Hulyo taon 2009

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
     (Mga Kawikaan 11:30).


Para sa akin mukhang ang pinaka importanteng salita sa pangalawang kalahati ng teksto ay “humihikayat.” Kung naiintindihan mo ang ibig sabihin ng “humihikayat” ang ibang bahagi ng berso ay lumilinaw ng natural. Itinuturo ni Dr. Strong na ang Hebreong salitang isinaling “humihikayat” ay “laqach.” Ibig sabihin nito’y “upang maghatid sa loob,” upang “hilain papasok,” upang “tanggapin.”

Kinamumuhian kong punahin ang mga kalalakihang pinapaboran kong sinsipi sa ibang paksa, ngunit para sa akin mukhang ang ilan sa mga mangungumento ay nakakaligtaan ang ibig sabihin ng bersong ito dahil hindi nila sinesentro ang pangunahing salitang “humihikayat.” Si Dr. Ryrie, na aking nirerespetong lubos, ay nagsasabing, “Hindi sa paghihikayat sa kanila sa kaligtasan sa ganitong paraan, ngunit inaakit ang iba at pinapasahan sila ng karunungan” (Isinalin mula sa (Ryrie Study Bible; sulat sa Mga Kawikaan 11:30). Kaya, hinihiwalay niya ang “paghihikayat sa kaligtasan” mula sa pag-aakit ng iba at pagpapasa sa kanila ng karunungan.” Ngunit ano ba ang “paghihikayat sa kaligtasan” kung hindi iyan yoon? Nag-aakit ng mga tao at pinapasahan sila ng karunungan tungkol kay Kristo ay paghihikayat sa kanila sa kaligtasan! Hindi ko nakikita kung paano mo mahihiwalay ang dalawang iyan tulad niyan! Muli, si Dr. McGee, na matindi kong nirerespeto, sa kanyang sulat sa bersong ito, ay nagsasabing, “Ngayon isang matinding pagbibigay pansin ay ibinibigay sa personal na pagsasaksi. Iyan ay mabuti” (Isinalin mula sa Thru the Bible; kumento sa Mga Kawikaan 11:30). Ngunit ang Mga Kawikaan 11:30 ay hindi nagsasabi ng kahit ano tungkol sa “personal na pagsasaksi.” Walang salita rito tungkol sa “personal na pagsasaksi” o kahit anong uri ng “pagsasaksi.” Ang teksto ay nagsasabing, “siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.” Hindi ito patungkol sa “pagsasaksi” kundi tungkol sa “paghihikayat,” iyan ay “pagdadala sa loob,” “hilain papasok,” “pagtatanggap.” Sa tingin ko ang problema ni Dr. Ryrie at Dr. McGee sa bersong ito ay dahil hindi sila mga Bautismo. Wala silang Bautismong pananaw ng kahalagahan ng lokal na simbahan. Kung ipaliliwanag mo ang Lumang Tipang teksto sa ayon sa Bagong Tipang pagtuturo sa pagkasentro ng lokal na simbahan, ang berso ay madaling maintindihan. “Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa” ay ang taong “nagdadala sa loob,” “humihila papasok,” at “tinatangap” ang mga nawawalang mga makasalanan sa lokal na simbahan. Ito ay ginawang malinaw sa Mga Gawa 2:47,

“At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Ang Mga Gawa 2:47).

Pinanghahawakan ko ngayon din, na ang ating teksto ay tumutukoy doon sa mga ginagamit ng Panginoon upang maghikayat ng mga kaluluwa sa pamamagitan ng paghihila sa kanila, at pagtatangap sa kanila sa lokal na simabahan.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
       (Mga Kawikaan 11:30).

Ating isipin ang negatibong panig – kung ano ang hindi paghihikayat ng kaluluwa; at pagkatapos ating iisipin ang positibong panig – ano ang paghihikayat ng kaluluwa.

I. Una, kung ano ang hindi paghihikayat ng kaluluwa.

Hindi ito pagsasaksi. Hindi ako laban sa pagsasaksi. Ako’y simpleng nagsasabi na ang bersong ito ay hindi tumutukoy sa pagsasaksi. Mabuting ibigay ang iyong testimonyo, at madalas ay nakatutulong para doon sa mga nawawalang marinig ang isang tunay na Kristiyanong testimonyo. Ngunit ang Mga Kawikaan 11:30 ay hindi nagsasabi ng tungkol sa pagsasaksi o pagbibigay ng testimonyo ng isang tao. Imbes, ay nagsasabi itong, “siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.”

Muli, ang paghihikayat sa mga kaluluwa ay hindi tumutukoy sa pagmimigay ng mga piraso ng papel. Hindi ako laban sa pamimigay ng mga piraso ng mga papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa Ebanghelyo. Hindi ako laban riyan kailan man. Ang sinasabi ko lamang ay na ang Mga Kawikaan 11:30 ay hindi tumotukoy sa pamimigay ng mga piraso ng papel. Minsan ang mga Kristiyano’y ginagamit ang pamimigay ng mga piraso ng papel na isang palusot, palusot para sa hindi kumayod ng matindi sa pagawa ng mas mahirap na gawain ng paghihikayat ng mga kaluluwa.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
       (Mga Kawikaan 11:30).

Gayon muli, ang paghihikayat ng mga kaluluwa ay hindi tumutukoy sa pagpunta sa bawat pinto at pagdarasal ng “panalangin ng makasalanan” kasama ng mga nawawalang mga tao. Sa aking palagay ito’y nagdala ng masmadalas ng mas maraming pinsala kay sa kabutihan. Maraming mga tao ay mayroong huwad na pag-asa na sila ay ligtas dahil sa mayroong gumabay sa kanila sa isang panalangin tulad nito. Hindi ko nakikita kung saan ito nakabaseng mula sa Bagong Tipad. Nasaan ang “panalangin ng makasalanan”? Para sa akin mukhang ito’y nangagaling mula sa kaisipan ni Finney kay sa sa Bibliya mismo. Wala, walang “panalangin ng makasalanan” sa Mga Kawikaan 11:30. Hindi ito sinasabi roon. Sinasabi nitong, “siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.”

Isa pang beses – ang paghihikayat ng kaluluwa ay hindi pangunguha ng mga pangalan at numero para “masundan muli”. Ginagawa natin iyan sa ating simabahan. Ito’y epektibo sa pangunguha ng isang grupo ng mga taong magpunta sa simbahan sa isang paglilingkod. Marami tayong ginagawang ganyan, marami tayong mga nawawalang mga tao sa bawat paglilingkod bilang resulta. Ngunit dapat kong sabihin, minsan muli, hindi iyan ang paghihikayat ng mga kaluluwa. Ang teksto ay hindi nagsasabing, “siyang nakakakuha ng mga pangalan upang masundan ay pantas.” Hindi, sinasabi nitong, “siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.” Siyang humihila sa kanila papasok at tumatangap sa kanila sa lokal na simbahan ay pantas.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
       (Mga Kawikaan 11:30).

Para sa akin mukhang ang makabagong paraan ng pag-eebanghelismo ay nagkukulang sa aktwal na pagtatangap ng mga nawawalang mga tao at isinasali sila sa lokal na simabahan. Sa tingin ko isa sa mga dahilan na ang ebanghelismo ay ngayo’y kinakaligtaan ay dahil napaka liit ng bunga ang nakikita natin mula rito. Napaka kaunting mga tao ang nadadagdag sa lokal sa simbahan na mayroon tayong layong isuko ang pag-eebanghelismo ngayon.

II. Pangalawa, ano ang paghihikayat ng kaluluwa.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
       (Mga Kawikaan 11:30).

Sinabi ko na sa iyo na ang ibig sabihin ng salitang “humihikayat” ay “humihila papasok” o “tumatanggap.” Mayroong isang natural na taong layon na hindi gustuhin ang kahit ano o kahit anong bago. Ang ating lumang ayon-kay-Adang kalikasan ay gustong ang lahat ay makinis at nahuhulaan. Wala sa malay nating hindi talaga natin gustong ang ating mga buhay ay maistorbo ng mga makasalanan. Tayo’y magpupunta at kukuha ng mga pangalan, o magpasa ng mga piraso ng papel, ngunit sa totoo lang, sa kailalimang loob, ay walang malakas na hangad na tumangap ng mga makasalanan sa ating mga simbahan! Hindi ba ito’y gumagawa sa atin na katulad lang noong mga Fariseo?

“At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan, na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan” (Lucas 15:2).

Ang mga Fariseo ay kontento sa mga taong mayroon na sila sa sinagoga. Hindi na nila gustong tumangap ng mga makasalanan sa kanilang mga buhay at puso. Pinuna nila si Hesus,

“na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan” (Lucas 15:2).

Hindi ba iyan ang pinag-uusapan ni Kristo sa Parabula ng Mabuting Samaritano? Sinabi ng Fariseo, “Sino ang aking kapuwa?” Sinabi ni Hesus sa kanila ang tungkol sa isang nawala at namamatay, at isang Samaritanong “inalagaan” siya (Lucas 10:34). Pagktapos sinabi ni Hesus, “Humayo ka, at gayon din ang gawin mo” (Lucas 10:37).

Huwag mong gawin! Hindi ako nagsasalita tungkol sa liberalismo. Alam ko mismo ang sinasabi nila. Hindi iyan ang tinutukoy ko! Hindi ako tumutukoy sa “istilo-ng-buhay” na ebanghelismo, o kahit anong tulad niyan! Tinutukoy ko ang Mga Kawikaan 11:30!

“Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.”

Si Dr. B. B. McKinney ay hindi isang liberal. Siya’y isang makalumang humihikayat ng mga kaluluwa sa Timog Bautismo. At sinabi ni B. B. McKinney,

Panginoon, maglagay ka ng ilang kaluluwa sa aking puso
   At mahalin ang kaluluwang iyon sa pamamagitan ko;
At naway ikaligaya kong gawin ang aking bahagi
   Upang mahikayat ang kaluluwang iyon para sa Iyo.
Ilang kaluluwa para sa Iyo, ilang kaluluwa para sa Iyo,
   Ito ang pinaka masinsin kong hiling;
Tulungan ako ngayon sa tabi ng daan ng buhay,
   Upang maghikayat ng ilang kaluluwa para sa Iyo.
(“Panginoon, Maglagay ng Ilang Kaluluwa sa Aking Puso” Isinalin mula
     sa“Lord, Lay Some Soul Upon My Heart” ni B. B. McKinney, 1886-1952).

Dapat nating mahalin ang taong ating sinusubukang hikayatin! Iya’y hindi liberalismo! Iyan ay paniniwala-sa-Bibliyang paghihikayat ng kaluluwa! Sinabi ni D. L. Moody, “Mahalin sila papasok.” Sinabi ni Dr. McKinney, “Mahalin ang kaluluwang iyon sa pamamagitan ko.” Hinihingi ko sa iyo ngayong gabi na magdasal na gawin ka ng Diyos na maging “daluyan ng biyaya” doon sa mga nawawalang pupunta sa simbahan bukas. Iyan lamang ang tanging paraan na “mahihikayat” sila! Wala ng ibang aktwal na paraan “hikayatin” ang nawawala!

Ang buhay mo ba’y isang daluyan ng biyaya?
   Ikaw ba’y naliligalig para doon sa mga nawawala?
Tinutulungan mo ba iyong mga makasalanang
   Mahanap si Hesus na namatay sa Krus?
Gawin akong isnag daluyan ng biyaya ngayon,
   Gawin akong isang daluyan ng biyaya, panalangin ko;
Ang mga angking ng aking buhay, ang paglilingkod na biyaya,
   Gawin akong isang daluyan ng biyaya ngayon.
(“Gawin Akong Isang Daluyan ng Biyaya” Isinalin mula sa
      “Make Me a Channel of Blessing” ni Harper G. Smyth, 1873-1945).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Panginoon, Maglagay ng Ilang Kaluluwa sa Aking Puso”
Isinalin mula sa “Lord, Lay Some Soul Upon My Heart”
(ni B. B. McKinney, 1886-1952).


BALANGKAS NG

SIYANG HUMIHIKAYAT NG MGA KALULUWA AY PANTAS –
BAHAGI I

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
     (Mga Kawikaan 11:30).

(Ang Mga Gawa 2:47)

I.   Una, kung ano ang hindi paghihikayat ng kaluluwa, Mga Kawikaan 11:30.

II. Pangalawa, ano ang paghihikayat ng kaluluwa., Lucas 15:2; Lucas 10:34, 37.