Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




KAPAG KAYO’Y NAG-AAYUNO

WHEN YOU FAST

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi sa Araw ng Panginoon, Ika-19 ng Hulyo taon 2009

“Pagka kayo’y nangagaayuno” (Mateo 6:16).


Si Hesus Mismo ay nag-ayuno ng apat na pung araw bago Niya sinimulan ang Kanyang makamundong pangangasiwa. Sinabi ni Hesus na ang kanyang mga disipolo ay mag-aayuno kapag Siya’y aakyat pabalik sa Langit,

“At kung magkagayo’y mangagaayuno sila” (Mateo 9:15).

Sinabi ni Dr. John R. Rice na ipinapakita nito na sila’y nag-ayuno at nagdasal sa loob ng sampung araw bago ng muling pagbabangaon sa Pentekos. Sa tingin ko ito’y totoo! Ang Apostol Pablo ay nag-ayuno at nagdasal ng tatlong araw noong siya ay napagbagong loob (Ang Mga Gawa 9:9, 11). Ang mga miyembro ng simbahan sa Antioquia ay nag-ayuno upang malaman ang kagustuhan ng Diyos (Mga Gawa 13:2). Muli sila’y “[nag-ayuno] at nagdasal” noong ipinadala nila si Pablo at Barnabas bilang mga misyonaryo (Mga Gawa 13:3). Sinabi ni Apostol Pablo na kanyang isinagawa ang “pag-aayuno […] madalas” (II Mga Taga Corinto). At dito sa ating teksto sinasabi sa atin ni Hesus na dapat tayong mag-ayuno. Sinabi Niya, “Pagka kayo’y nangagaayuno” (Mateo 6:16).

Mayroon akong dakilang respeto kay Dr. J. Vernon McGee. Noong 1960 inaral ko ang buong Bibliya, simula sa umpisa hangang sa huli, nakikinig sa kanyang berso kada bersong eksposisyon sa radyo. Tungkol sa ating teksto, “Pagka kayo’y nangagaayuno,” sinabi ni Dr. McGee, “Ang pag-aayuno ay may kahalagahan sa mga nanampalataya sa ating panahon, ako’y kumbinsido nito” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 38).

Maraming mga tao ay nag-iisip na si Hesus ay nangangaral laban sa pag-aayuno sa talatang ito, ngunit mali sila. Nagtuturo siya laban sa “pag-iisip ayon sa panlabas” [“externalism”] gaya ng nakalagay na sulat sa Scofield. Siya ay nagtuturo laban sa mapagkunwaring-pagaayuno. Ngunit hindi Siya nagtuturo laban sa tunay na pag-aayuno. Ang kabaligtaran nito – sinabi Niya, “Pagka kayo’y nag-aayuno,” at pagkatapos sinabi Niya sa kanila kung paano gawin ito, at bakit dapat nilang gawin ito. Hindi sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y nangaagaayuno.” O, hindi! Sinabi ni Hesus, “Pagka kayo’y nangaagaayuno.”

Ang pag-aayuno ay walang halaga ngayon. Ngunit kahit sa kanyang panahon ang tanyag na mangungumentong si Mathew Henry ay tumatangis “na ito’y…malawakang kinakaligtaan sa mga Kristiyano” (sulat sa Mateo 16:16). Mga halos 25 mga taon pagkatapos namatay ni Mathew Henry ibinalik ni John Wesley ang gawain, tinatawag ang kanyang mga tagasunod na sumunod sa halimbawa ng mga naunang mga Kristiyano sa pamamagitan ng pag-aayuno dalawang beses bawat linggo. Gayon ang Unang Dakilang Paggigising ay naipanganak sa panahon ng nanumbalik na interes sa pag-aayuno at pagdadasal. Ang nagising na pagdidiin sa pag-aayuno at nagkaroon ng ugat nito sa salaysay ni Kristong ito,

“Pagka kayo’y nag-aayuno” (Mateo 6:16).

At ang Bibliya ay nagtuturo na maraming mga dahilan upang mag-ayuno ng ilang beses kapag tayo’y nagdadasal ngayon. Mag-bibigay ako ng tatlo ng mga ito ngayong gabi.

I. Una, kailangan nating mag-ayuno at magdasal upang madaig ng Diyos ang kapangyarihan ni Satanas.

Paki lipat sa Marcos 9:28-29. Magsitayo at basahin ang dalawang bersong ito ng malakas.

“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin”
     (Marcos 9:28-29).

Maari ng magsi-upo. Gaya ng sinabi ko sa isang naunang sermong pinamagatang “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdarasal at Pag-aayuno” [“Only by Prayer and Fasting”] (Umaga ng Ika-14 ng Hunyo 2009), naniniwala ako na malinaw na ang mga salitang “pagdarasal at pag-aayuno” sa Marcos 9:29 ay inalis mula sa karamihan sa mga makabagong pag-sasalin. Sa tingin ko ito’y nakabase sa wala sa lugar na pagbabatikos. Nakalulungkot na ang berso 29 ay inalis na mula sa mga makabagong pagsasalin na ito. Naimpluwensyahan sila ng dalawang lumang mga dokumentong kinopya ng mga paring naimpluwensyahan ng Nostisismo, na inalis ang berso 29. Gayon isa sa pinaka mahalagang mga dahilan para sa pag-aayuno ay inalis mula sa isipan ng mga Kristiyano sa Kanluran na ngayon ay binabasa ang mga bagong pagsasaling base sa dalawang kadudadudang dokumento. Hindi nakapagtataka na ang ating mga simbahan ay mayroong napaka kaunting kapangyarihan laban kay Satanas! Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Huwag nating pagdudahan na ang batang ito ay literal na sinapian ng diablo [ng demonyo]. Ang masasamang mga espiritu ay nakapaligid sa atin” (Isinalin mula sa Commentary on the Gospel According to Matthew, Sword of the Lord Publishers, 1980 edition, p. 364; comment on Matthew 17:14-21) Sinasabi ng Bibliya,

“Ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa… mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12).

Talagang napakahirap na magtatag ng mga simbahan ngayon sa pamamagitan ng pag-eebanghelismo. Ang ilan ay nagsasabi na ang ebanghelikalismo sa Amerika ay patay. Para sa akin mukhang ang kapangyarihan ni Satanas ay napakatindi sa ating panahon. Para sa akin mukhang kailangan natin ang kapangyarihan ng Diyos upang daigin ang “mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” Tayo na’t mag-ayuno at magdasal para wasakin ng Diyos ang lubos na kapangyarihan ni Satanas! Iyan ay sukdulang tamang pagdadahilan sa mga araw ng pagtatalikod sa dating pananampalatayang ito at sa kalamigan ng mga simbahan, kapag si Satanas ay nakahawak sa ganoong kapangyarihan sa maraming mga taong ating sinusubukang mawagi para kay Kristo. Kantahin ang himno bilang 6, “Turuan Akong Manalangin,” ang pangalawang taludtod!

Kapangyarihan sa panalangin, Panginoon, kapangyarihan sa panalangin,
   Dito ‘sa gitna ng kasalanan at pagdurusa at pag-aaruga ng lupa;
Mga nawawala’t namamatay na mga kalalakihan, mga kaluluwang nasa
   lubos na kalungkutan;
   O bigyan ako ng kapangyarihan, kapangyarihan sa panalangain!
(“Turuan Akong Manalangin,” isinalin mula sa “Teach Me to Pray”
     ni Albert S. Reitz, 1879-1966).

Para sa akin mukhang ang kapangyarihan ng pananalangin ay diretsong konektado sa pag-aayuno, dahil sinabi ni Hesus,

“Pagka kayo’y nag-aayuno” (Mateo 6:16).

II. Pangalawa, kailangan nating mag-ayuno at manalangin upang mamagitan ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng muling pagbabangon.

Sa tingin ko hindi lahat ng bagay ay nakasalalay sa muling pagbabangon. Ngunit hindi pa tayo nagkakaroon ng pambansang muling pagbabangon sa Amerika simula 1859 – at ang lokal na mga muling pagbabangon sa simbahan ay naging napaka di karaniwan na kakaunti lang ang nakakita ng muling pagbabangon sa ating bansa. Natatandaan ko noong sinabi ni Dr. Ken Connolly, “Nabubuhay tayo sa isang henerasyon na hindi pa kailan man nalalaman ang muling pagbabangon.” Ngunit alam ng Apostol Pablo ang muling pagbabangon! Dumating ang Diyos at pinagpala ang mga paglilingkod na kanyang isinagawa sa buong Aklat Ng Mga Gawa. Hindi tayo dapat magulat, pagkatapos, noong nabasa natin na si Pablo’y

“[nagaayuno] […] madalas” (II Mga Taga Corinto 11:27).

Si Dr. Schaff, ang Kristiyanong dalubhasa ng kasaysayan, ay nagsasabi na ang naunang mga “Kristiyano ay itinakda ang Miyerkoles at lalo na ang Biyernes” bilang mga araw ng pag-aayuno (Isinalin mula kay Philip Schaff, Ph.D., History of the Christian Church, Eerdmans Publishing Company, 1976 edition, volume II, p. 379). Ibinalik ni John Wesley ang tradisyong ito sa loob ng Unang Dakilang Pagigising.

Hindi ko iniisip na ang magdadala ng muling pagbabangon ay ang pag-aayuno. O iniisip ko na mayroong mga saktong mga permanenteng araw para sa pag-aayuno at pananalangin. Hindi ko nakikita iyan sa Bibliya. Ngunit hindi ko nakikita kung paano natin mararanasan ang muling pagbabangon ngayon na hindi nagkakaroon ng ilang mga araw ng pag-aayuno at pananalangin. Sinabi Dr. John R. Rice,

Ang pinakadakilang mga santo ng Diyos sa buong Bibliya ay madalas nag-aayuno. Ang pag-aayuno ay madalas konektado sa buong pusong pananalangin, na may pagluluksa, na may pagsisisi, at may paghahanap ng pagkalaya mula sa mga kaaway o karunungan mula sa itaas. Si Moises ay nag-ayuno ng apat na pung araw sa Bundok ng Sinai, at ang ating Tagapagligtas ay nag-ayuno ng apat na pung araw sa ilang. Si Josue, David, Ezra, Nehemiah, Daniel, ang mga disipolo ni Juan Bautismo, Anna, ang mga Apostol, si Pablo at Barnabas, at iba pa ay nag-ayuno at nanalangin. Nakuha ng mga Santo ng Diyos na masagot ang kanilang mga panalangin noong sila’y naghintay sa Diyos sa kanilang pag-aayuno at pananalangin. Simula noong mga panahon ng Bibliya, ang pinakadakilang mga kalalakihan ng panalangin ay madalas nag-ayuno at nanalangin rin. Ang mga Kristiyano ay nasa kabutihan kapag siya ay nag-aayuno at nananlangin…ang Tagapagligtas ay hindi lamang nag-ayuno [Siya Mismo], ngunit tinuruan Niya ang Kanyang mga disipolong mag-ayuno. Ginawa nila pagkatapos Niyang [umakyat at] nakuha papalayo (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Prayer – Asking and Receiving, Sword of the Lord Publishers, 1970 edition, p. 215).

Si Dr. Rice ay nagsalita rin tungkol sa “muling pagbabangong dala ng pananalangin at pag-aayuno” (ibid. p. 227).

Gayon huwag nating isipin na “magagawang” dumating ng pag-aayuno at pananalangin ang muling pagbabangon. Tamang tamang sinabi ni Rev. Iain H. Murray,

Pinili ng Diyos na gawin ang pananalangin na isang paraaan ng biyaya, na hindi gayon na ang katuparan ng kanyang mga layunin ay nagiging nakasalalay sa atin, kundi upang tulungan tayong matutunan ang ating lubusang pagsalalay sa Kanya… Ang gayong pagkakaintindi ng pananalangin, malayo mula sa pagdadala sa resignasyon o doktrina ng kapalaran, ay nagbubunga ng kamalayan ng Diyos at ng tinatawag ng mga kontemporaryong may-akdang “radikal…na pananalangin at pag-aayuno” (Isinalin mula kay Rev. Iain H. Murray, Pentecost Today? The Biblical Basis for Understanding Revival, The Banner of Truth Trust, 1998, p. 69).

Ito’y mahusay na sinasabi na “Kapag ang Diyos ay naglalayong pagpalain ang Kanyang mga tao, inilalagay Niya muna sila sa pananalangin.” Inilalagay ito ni John Wesley sa iba pang paraan,

Hayaang ang pag-aayuno ay gawin para sa Panginoon na ang ating mga mata…nakatinging permanente sa Kanya. Hayaang ang ating intensyon dito ay ito, at ito lamang, upang luwalhatian ang ating Ama sa langit (Isinalin mula sa The New Encyclopedia of Christian Quotations, Baker Books, 2000, p. 360).

Ang pag-aayuno at pananalangin ay hindi ang “sanhi” ng muling pagbabangon. Ang Diyos ay ang sanhi. Sa pag-aayuno at pananalangin, tayo ay napapalapit sa Diyos, at kapag nakikita Niyang karapatdapat, Kanyang ipadadala ang isang pagbubuhos ng muling pagbabangon. Ito’y lahat nasa kamay ng Diyos. Gayon, ito’y totoo rin, na sa panahon ng muling pagbabangon, ang mga panalangin ng mga tao ay nagkabuhay at naging mas malalim at mas mayaman habang ang mga tao ay nag-ayuno at nanalangin. Ito’y sa isang panahon na ang Diyos ay nagpapadala na ng muling pagbabangon na matatanong ni John Wesley,

Nakapagtakda ka na ba ng kahit anong araw ng pag-aayuno at pananalangin? Bulabugin ang trono ng biyaya, at magpunyagi rito, at ang awa ay bababa (Isinalin mula sa Letters of John Wesley, p. 340).

Ngunit alam natin sa pamamagitan ng karanasan na hindi tayo makakapagkaroon ng mga pagpupulong para sa pananalangin at pag-aayuno tulad noong inilarawan ni Gg. Wesley, maliban na lang kung ang Diyos Mismo ang unang magbigay sa atin ng kapangyarihan sa panalangin. Ang Diyos Mismo ay ang may-akda ng panalangin na bumubulabog sa “trono ng biyaya [hangang sa] ang awa ay [bumaba].” Ang Diyos ay ang may-akda ng matinding muling pagbabangong pag-aayuno at pananalangin. Ang Diyos bilang ating may-akda at tagatapos nito lamang na kaya nating makapag-ayuno at manalangin sa paraang makapag bibigay lugod sa Kanyang magpadala ng muling pagbabangon. Kung hindi, lahat ng ating pag-aayuno at pananalangin ay darating sa wala. Hanapin natin ang mukha ng Diyos, at isuko ang ating mga kaluluwa sa Kanya, at mag-ayuno at manalangin na Siya nawa’y maluwalhatian sa Kanyang simbahan. Sa ganoong nakasentro sa Diyos na pananalangin lamang at pag-aayuno na maaring mabiyayaan ng tunay na muling pagbabangon. Magsitayo at kantahin ang “Turuan Akong Manalangin” muli! Ito’y bilang 6 sa papel, taludtod dalawa.

Kapangyarihan sa panalangin, Panginoon, kapangyarihan sa panalangin,
   Dito ‘sa gitna ng kasalanan at pagdurusa at pag-aaruga ng lupa;
Mga nawawala’t namamtay na mga kalalakihan, mga kaluluwang nasa
   lubos na kalungkutan;
   O bigyan ako ng kapangyarihan, kapangyarihan sa panalangain!
(“Turuan Akong Manalangin,” isinalin mula sa “Teach Me to Pray”
     ni Albert S. Reitz, 1879-1966).

III. Pangatlo, kailangan nating mag-ayuno at manalangin para sa mga taong mapagbagong loob.

Sinabi ni Hesus,

“Pagka kayo’y nag-aayuno” (Mateo 6:16).

Sinabi ng Diyos sa propeta Isaias,

“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).

Ang batang lalakeng hindi matulungan ng mga Disipolo ay nakagapos sa “mga tali ng kasamaan.” Hindi siya matulungan ng mga Dispolo dahil,

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin” (Marcos 9:29).

Hindi ba mayroong mga yoong pumupunta sa simbahan sa parehong kalagayan? Hindi ba na si Satanas ang “dios ng sanglibutang ito…[ay binulag] ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya”? (II Mga Taga Corinto 4:4). Hindi ba na ang Diyos ay nagsasalita rin sa atin noong sinabi Niya sa propetang si Isaias,

“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).

Sa tingin ko nasa isipan ni Charles Wesley ang bersong ito sa Isaias noong isinulat niya ang,

Sinisira niya ang kapangyarihan ng nawalang bisang kasalanan,
   Pinalalaya niya ang bilango;
Malilinis ng kanyang dugo ang pinaka madumi;
   Ang kanyang dugo ay pinagsamantalahan para sa akin.
(“O Para sa Sang Libong Dila,” isinalin mula sa
      “O For a Thousand Tongues” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Magsitayo at kantahin ito sa tono ng “O Gawing Kayong Bukas Sa Akin” [“O Set Ye Open Unto Me”].

Sinisira niya ang kapangyarihan ng nawalang bisang kasalanan,
   Pinalalaya niya ang bilango;
Malilinis ng kanyang dugo ang pinaka madumi;
   Ang kanyang dugo ay pinagsamantalahan para sa akin.

Maari ng magsi-upo.

O, gaanong kinakailangan nating mag-ayuno at manalangin para kay Kristo upang gawin iyan sa mga buhay noong mga ilan na narito na hindi pa rin napagbabagong loob! O, gaanong kinakailangan nating magdasal upang sirain ni Kristo ang kapangyarihan ng kasalanan na humahawak sa kanila sa kapit ni Satanas at ng sanglibutan! O, gaanong kinakailangan nating mag-ayuno at manalangin upang magawa ni Kristong,

“kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati…”! (Isaias 58:6).

Magdasal ngayon para sa ilan na iyong maisip na kailangang maligtas! (lahat magdasal). Ngayon kantahin muli ang himno ni Charles Wesley!

Sinisira niya ang kapangyarihan ng nawalang bisang kasalanan,
   Pinalalaya niya ang bilango;
Malilinis ng kanyang dugo ang pinaka madumi;
   Ang kanyang dugo ay pinagsamantalahan para sa akin.

Sinabi itong mahusay ng kapatid ni Charles na si John Wesley, na sa panahon ng muling pagbabangon,

Nakapagtakda ka na ba ng kahit anong araw ng pag-aayuno at pananalangin? Bulabugin ang trono ng biyaya, at magpunyagi rito, at ang awa ay bababa (Isinalin mula sa Letters of John Wesley, p. 340).

Nawa’y gawin natin iyan mismo sa susunod na Sabado! Nawa’y tayong mga makakayang mag-ayuno at manalangin sa bahay, sa pangalan, para doon sa mga nawawala sa ating paligid! Siyempre, lahat kayo’y hindi makakapag-ayuno. Ngunit habang ito’y pahintulutan ng panahon, kalusugan, at pangyayari, hayaan yoong magagawa ito gawin ito. Pagkatapos bumalik tayo rito sa simbahan sa susunod na Sabado 7:30 ng gabi, at manalangin muli para sa kanila ng kalahating oras, pagkatapos ay tapusin ang pag-aayuno ng isang hapunan, at umuwing nagpupuri sa Diyos! Dahil siguradong, ang himno ni Charles Wesley ay totoo! Kantahin ito muli!

Sinisira niya ang kapangyarihan ng nawalang bisang kasalanan,
   Pinalalaya niya ang bilango;
Malilinis ng kanyang dugo ang pinaka madumi;
   Ang kanyang dugo ay pinagsamantalahan para sa akin.

Sa lahat ng ating mga panalangin, at sa ating panahon ng pag-aayuno at pananalangin sa sunod na Sabado, ating tandaan na hingin sa Diyos na bigyan tayo ng kapangyarihan sa ating panalangin! Magsitayo at kantahin ito!

Kapangyarihan sa panalangin, Panginoon, kapangyarihan sa panalangin,
   Dito ‘sa gitna ng kasalanan at pagdurusa at pag-aaruga ng lupa;
Mga nawawala’t namamtay na mga kalalakihan, mga kaluluwang nasa
   lubos na kalungkutan;
   O bigyan ako ng kapangyarihan, kapangyarihan sa panalangain!
(“Turuan Akong Manalangin,” isinalin mula sa “Teach Me to Pray”
     ni Albert S. Reitz, 1879-1966).

Mayroon ba rito ngayong gabi na nawawala? Nagdasal kami para sa iyo. Kailangan mo si Hesu-Kristo upang palayain ka sa kapit ni Satanas at linisin ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Pupunta ka ba at makikipag-usap sa ating diakonong si Dr. Cagan tungkol sa pagiging ligtas sa pamamagitan ni Hesus? Kantahin natin ang himno ni Charles Wesley muli bago kayo magpunta. Kantahin muli ang himno ni Charles Wesley.

Sinisira niya ang kapangyarihan ng nawalang bisang kasalanan,
   Pinalalaya niya ang bilango;
Malilinis ng kanyang dugo ang pinaka madumi;
   Ang kanyang dugo ay pinagsamantalahan para sa akin.

Kung nais mong makipag-usap sa ating diakono at sa akin tungkol sa kaligtasan kay Kristo, maaring magpunta sa likod ng simbahan at gagabayin ka ng diakono papunta sa silid ng pag-eeksamen kung saan pag-uusapan natin ito. Lahat magdasal habang sila’y papunta.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 6:16-18.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Turuan Akong Manalangin” Isinalin mula sa “Teach Me to Pray” (ni Albert S. Reitz, 1879-1966).


ANG BALANGKAS NG

KAPAG KAYO’Y NAG-AAYUNO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Pagka kayo’y nangagaayuno” (Mateo 6:16).

(Mateo 9:15; Mga Gawa 9:9, 11; 13:2, 3;
II Mga Taga Corinto 11:27)

I.   Una, kailangan nating mag-ayuno at magdasal upang madaig ng Diyos ang kapangyarihan ni Satanas, Marcos 9:28-29;
Mga Taga Efeso 6:12.

II.  Pangalawa, kailangan nating mag-ayuno at manalangin upang mamagitan ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng muling pagbabangon, II Mga Taga Corinto 11:27.

III. Pangatlo, kailangan nating mag-ayuno at manalangin para sa mga taong mapagbagong loob, Isaias 58:6; Marcos 9:29;
II Mga Taga Corinto 4:4.