Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG HALIMBAWA NG MGA MARTIR THE EXAMPLE OF THE MARTYRS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24). |
Sinabi ni Kristo sa Kanyang mga Disipolo na “kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay…at siya'y patayin” (Mateo 16:21). Ngunit sinaway siya ni Pedro na nagsabing, “Hindi mangyayari ito sa iyo” (Mateo 16:22), “Ito’y hindi kailan man mangyayari sa iyo.” Lumingon si Hesus kay Pedro at sinabing,
“Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao” (Mateo 16:23).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Si Satanas talaga ang nagsasalita sa pamamgitan ni Pedro [sa pamamagitan ng] Satanikong pangungumbinsi. Ang natural na tao ay halos walang malay na umuurong sa isipan ng pakikipagsundong kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, at mapait na sinasalungat ito ni Satanas” (Isinalin mula sa isinulat ni Henry M. Morris, Ph.D, The Defender’s Study Bible, World Publishers, 1995, sulat sa Mateo 16:22).
Pagkatapos si Hesus ay tumingin muli sa ibang mga Disipolo. Sinasabi sa atin ni Marcos na Siya rin ay nagsasalita sa pulong ng mga tao (Marcos 8:34). Sinasabi sa atin ni Lucas, “sinabi niya sa lahat” (Lucas 9:23). Kaya Siya ay nagsasalita sa lahat sa pulong. Sinabi niya sa lahat,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin […] ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).
Ang “krus” rito ay hindi tumutukoy sa Krus ni Kristo. Tumutukoy ito sa krus ng mga Kristiyano. Kung ang kahit sino’y maghahangad na sumunod kay Kristo, dapat niyang “pasanin…ang kaniyang krus” at sundan si Kristo. Sa Mateo 16:24-27 nakikita natin ang tatlong mga bagay na patungkol sa krus na bawat Kristiyano ay tinatawag na tiisin.
I. Una, ang krus ng Kristiyano ay nangangahulugan ng pagtatanggi sa sarili.
Pansinin na sinabi ni Hesus,
“Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin […] ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).
Ginawang malinaw ni Kristo na ito’y para sa lahat, hindi lang sa kakaunting napili. Sinabi ni Kristo,
“Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko”
(Lucas 14:27).
Ngayon, lalo na rito sa Kanlurang mundo, naririnig natin na mayroong dalawang uri ng Kristiyano – ang malaking grupo ng mga sa tawag lang na Kristiyano, at pagkatapos ay ang napaka- liit na grupo ng mga disipolo. Malawakang pinaniniwalaan na mayroong mga tunay na mga Kristiyano. Ngunit hindi iyan ayon sa Bibliya. Sa Bibliya bawat Kristiyano ay isang disipolo. Nababasa natin sa Aklat ng Mga Gawa na
“ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia” (Mga Gawa 11:26).
Ipinapakita nito na bawat Kristiyano ay itinuturing na isang disipolo ni Kristo sa unang siglo. Walang naghihiwalay sa isang Kristiyano at isang disipolo ng Aklat ng Mga Gawa. Kung ika’y isang Kristiyano, ika’y isang disipolo ni Kristo. Kung hindi ka Kanyang disipolo, ika’y hindi isang Kristiyano. Ito’y nagbibigay ng mahalagang pag-iilaw sa ating teksto,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin […] ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).
Nagbibigay rin ito ng ilaw sa sinabi ni Hesus sa Lucas 14:27,
“Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko”
(Lucas 14:27).
Ang dakilang katotohanan na ito ay napakagandang inihahayag sa paboritong himno ni Dr. Rice. Kantahin ito. Ito’y bilang 17 sa anyong papel.
Hesus, aking krus dinala ko,
Lahat iiwan at susundan Ka;
Mahirap, kinaaayawan, naabandona,
Ikaw, mula gayon, maging lahat sa akin.
Patayin ang bawat iniibig na ambisyon,
Lahat ng aking ginusto, at inaaasahan at nalalaman;
Gayon man napaka yaman ng aking kalagayan,
Diyos at langit ay akin pa rin!
(“Hesus, Aking Krus Dinala Ko” Isinalin mula sa
“Jesus, I My Cross Have Taken” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin […] ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).
“Hesus, aking krus dinala ko, Lahat iiwan at susundan Ka.” Anong, pagtawag sa pagtatangi ng sarili! May kahit sino bang gagawa nito? Ginawa ng mga naunang mga Kristiyano! Si Dr. Philip Schaff, ang dakilang Kristiyanong dalubhasa ng kasaysayan ay nagsabi na,
Milyon milyon [sa Romanong mundo ng unang mga siglo] ay lubos na walang pagbabahala sa tanawin ng pagpapahirap ng tao. [Nagkaroon sila] ng isang paglasap at isang pagsisigasig para sa pagpapahirap…sa panonood panginginig ng matinding paghihirap…Ang pinaka teribleng naitalang pangyayari ng pagpapahirap ay madalas isinasagawa…na naroon sila sa arena. Nakabasa tayo ng mga Kristiyanong nakagapos sa mga kadena ng nagbabagang bakal, habang ang baho ng kalahating sunog na laman nila ay tumataas sa isang nakananaig na ulap papunta sa langit; ng ibang mga pinarapiraso hangang sa pinaka buto sa pamamagitan ng …mga kawit na bakal;… ng mga dalawang daan at dalawampu’t pitong mga napagbagong loob na ipinadala sa isang pangyayari sa mga minahan, bawat isa na ang mga litid ng isang binti ay naputol ng nagbabagang bakal, na ang isang mata ay na uka mula sa lalagyan nito; ng mga apoy na napaka bagal na ang mga biktima ay namamalupot ng maraming oras sa kanilang paghihirap; ng mga katawan na napirapiraso, o napaulanan ng tunaw na bakal; ng pinaghalong asin at suka na binubuhos sa balat na nagdurugo mula sa sudlan; ng pinatagal na pagpapahirap at iniiba sa loob ng isang araw. Para sa pagmamahal sa kanilang Banal na Panginoon [si Kristo], para sa dahilan na kanilang pinaniniwalaang totoo, kalalakihan, at kahit mga mahihinang mga kababaihan, ay tiniis ang mga ito na hindi kumikibo, kapag ang isang salita ay nakapagpalaya sana sa kanila mula sa kanilang paghihirap. Walang…pagsasagawa ng pari sa nahuling panahon ang dapat [magtatapos] ng pagrerespeto na ating yunuyukoran sa harap ng puntod ng isang martir (Isinalin mula sa isinulat ni Philip Schaff, Ph.D., History of the Christian Church, Eerdmans Publishing Company, 1976 edition, Volume II, pp. 80-81).
Si Irenaeus (130-202 A.D.) ay nagsabi na ang simbahan, para sa pagmamahal niya kay Kristo, “ay nagpapadala sa lahat ng mga lugar at sa lahat ng panahon ng malalaking bilang ng mga martir sa Ama” (Isinalin mula kay Schaff, ibid., p. 79). Ang Catacombs ng Rome ay mahahabang mga daanan sa ilalim ng matandang lungsod. Ang mga ito’y “humahabang halos siyam na daang Ingles na milya, at sinasabing naglalaman ng malapit sa pitong milyong mga libingan, isang malaking bahagi sa mga ito ay ang mga [buto] ng mga martir” (Isinalin mula kay Schaff, ibid., p. 80). Naidagdag sa aktwal na pagbibitay ng milyon milyong mga martir na ito ang “mas malayong mas maraming insulto, paninirang puring pasakit, at pagpapahirap, na ang kalupitan ng mga walang pusong mga hindi Kristiyano at mga mababagsik ay kayang maimbento…na sa isang libong pagkakataon ay mas matindi pa kay sa kamatayan” (Isinalin mula kay (Schaff, ibid. p. 80).
Sa pamamagitan ng kanilang paghihirap, ang mga martir ng unang tatlong mga siglo ay napanatili “ang Kristiyanong relihiyon sa lahat ng panahong parating…Ang mga martir at mga mangungumpisal ng panahon ng ante-Nicene ay nagdusa para sa iisang dahilan ng lahat ng mga Kristiyanong denominasyon at mga pangkat, at gayon ay makatwirang pinanghahawakan sa pagkataimtim at pasasalamat ng lahat” (Isinalin mula kay Schaff, ibid., p. 80).
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin […] ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).
Kantahin, “Saan Niya Ako Pangungunahan, Ako’y Susunod.” Ito’y bilang 18 sa papel.
Naririnig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
Naririnig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
Naririnig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
“Kunin ang iyong krus at sumunod, sundan ako.”
Saan Niya ako pangungunahan, ako’y susunod,
Saan Niya ako pangungunahan ako’y susunod,
Saan Niya ako pangungunahan, ako’y susunod,
Sasama ako sa Kanya, kasama Niya sa buong daan.
(“Saan Niya Ako Pangungunahan” Isinalin mula sa
“Where He Leads Me” ni E. W. Blandy, 1890).
II. Pangalawa, ang ibig sabihin ng krus ng Kristiyano ay pagkakawala ng iyong buhay alang alang kay Kristo.
Paki basa ang berso 25 ng malakas.
“Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon” (Mateo 16:25).
Ibinigay ni Dr. McGee ang kumentong ito sa Mateo 16:25,
Ang taong aangkinin ang panganib na kasama sa pagiging isang disipolo ng Panginoong Hesu-Kristo ay, sa katagalan, ay mawawala ang kanyang buhay magkainlan man. Ang kabaliktaran nito ay totoo rin (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 94; sulat sa Mateo 16:25).
Ang Bibliyang Kaalamang Kumentaryo ay nagsasabi sa bersong ito [Bible Knowledge Commentary],
Ang tunay na pagdidisipolo ay nangangailangan ng pagsunod kay Kristo at pagsasagawa ng Kanyang kagustuhan, saan man dadalhin ng daan (Isinalin mula kay John F. Walvoord, Ph.D., Roy B. Zuck, Th.D., editors, The Bible Knowledge Commentary, New Testament Edition, Victor Books, 1983, p. 59; sulat sa Mateo 16:25).
“Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon” (Mateo 16:25).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,
Ang banal na kontradiksyon ng pagkakamatay sa sarili at pamumuhay sa Diyos ay ang pinaka puso ng isang tunay… nakatutupad na buhay sa mundong ito at walang hangang buhay sa mundong darating (Isinalin mula kay Morris, ibid.; sulat sa kapantay na talata sa Mateo 10:39).
Kantahin, “Hesus, Aking Krus Dinala Ko,” bilang 17 sa papel.
Hesus, aking krus dinala ko,
Lahat iiwan at susundan Ka;
Mahirap, kinaaayawan, naabandona,
Ikaw, mula gayon, maging lahat sa akin.
Patayin ang bawat iniibig na ambisyon,
Lahat ng aking ginusto, at inaaasahan at nalalaman;
Gayon man napaka yaman ng aking kalagayan,
Diyos at langit ay akin pa rin!
(“Hesus, Aking Krus Dinala Ko” Isinalin mula sa
“Jesus, I My Cross Have Taken” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).
Paki basa ang berso 26 ng malakas.
“Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?”
(Mateo 16:26).
Kapag nakikita ko ang libing ng ilang mga tanyag na manganganta, tulad ni Frank Sinatra, Elvis Presley, John Lennon o Michael Jackson, lagi kong naiisip ang bersong ito. Dapat itong nasa ating isipan palagi.
“Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26).
Tinawag tayo ng Diyos na sabihin kasama ng Apostol Pablo,
“Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin” (Mga Taga Galacias 2:20).
III. Pangatlo, ang krus ng mga Kristiyano ay nagdadala ng mga gantimpala sa padating na Kaharian.
Paki basa ng malakas ang berso 27.
“Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa” (Mateo 16:27).
Sinabi ni Apostol Pablo,
“Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya” (II Timoteo 2:12).
Sa simbahan sa Smyrna, sinabi ni Hesus,
“Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay” (Apocalipsis 2:10).
Kantahin ang, “Hesus, Aking Krus Dinala Ko.” Ito’y bilang 17 sa papel.
Hesus, aking krus dinala ko,
Lahat iiwan at susundan Ka;
Mahirap, kinaaayawan, naabandona,
Ikaw, mula gayon, maging lahat sa akin.
Patayin ang bawat iniibig na ambisyon,
Lahat ng aking ginusto, at inaaasahan at nalalaman;
Gayon man napaka yaman ng aking kalagayan,
Diyos at langit ay akin pa rin!
(“Hesus, Aking Krus Dinala Ko” Isinalin mula sa
“Jesus, I My Cross Have Taken” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).
Ang Kristiyanong dalubhasa ng kasaysayan, si Dr. Schaff, ay nagsabi ng tungkol sa mga naunang mga martir,
Sa mga [mahahaba] at malulupit na pag-uusig na mga ito ang mga [Kristiyano] ay hindi lumabag sa pamamagitan ng rebolusyonaryong karahasan, walang ayon sa lamang pagpipigil, kundi moral na kabayanihan ng paghihirap at pagkamatay ng katotohanan. Ngunit ang pinaka-kabayanihang ito ay ang [kanilang] pinakamagaling na pamimigil na armas. Sa pinaka kabayanihang ito [kanilang] pinatunayan [ang kanilang sariling] karapat dapat sa [kanilang] banal na taga-tagpo, na inialay sa kamatayan ng krus para sa kaligtasan ng mundo, at nagdasal pati na ang mga pumatay sa Kanya ay mapatawad. [Ang mga martir ay nagdusa] sa pagkakait ng sarili sa alang alang ng isang sa kalangitang bansa, para sa isang korona na hindi kumukupas. Kahit ang mga lalake’t babae ay naging mga bayani, at nagmadali na may banal na pagpupursigi sa kamatayan. Sa mga panahong iyon [kanilang masinsinan nilang tinatangap] ang mga salita ng Panginoon, “Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko.” “Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin”… “Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran; sapagka't kanila ang kaharian ng langit” “Ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.” At hindi lang ito para sa mga martir, na ipinagpalit ang magulong buhay ng lupa para sa kabiyayaan ng langit, ngunit sa buong simbahan rin, dumating na mas wagas at malakas mula sa bawat pag-uusig, at gayon nagpakita sa kanyang hindi nawawasak na lakas… “Magpatuloy kayo,” ang sinabi ni Tertullian na nang-iinsulto sa mga hindi Kristiyanong mga gobernor, “pasakitin, pahirapan, durugin kami hangang sa maging pulbura: ang aming bilang ay tumataas sa proporsyon habang pinuputol ninyo kami. Ang dugo ng mga Kristiyano ay ang kanilang butil ng ani…At kung sino, pagkatapos nilang sumama sa amin, ay hindi naghahangad na maghirap?” (Isinalin mula kay Schaff, ibid., pp. 75-76).
Yoong mga…ikinumpisal si Kristo sa harap ng mga di-Kristiyanong mahistrado sa panganib ng kanilang buhay, ngunit hindi nabitay, ay napapangaralan bilang mga mangungumpisal. Yoong mga naghirap…ng kamtayan mismo, para sa kanilang pananampalataya, ay tinatawag na mga martiri o mga saksi-ng-dugo (Isinalin mula kay Schaff, ibid., p. 76).
O, anong sigasig na kinailangan nilang sundan si Kristo, upang matanggi ang kanilang sarili, upang buhatin ang kanilang mga krus, upang mawala ang kanilang nakasentro sa sariling mga buhay sa pagsunod sa Kanya, upang magpatuloy sa kanyang luwalhati sa Kanyang pagdating! Sinong mangangahas na sumunod sa kanilang prosesyon? Sinong mangangahas na magsabing, “Itatanggi ko ang aking sarili, at papasanin ang aking krus, at susundan si Hesus, ano man ang kapalit nito”? Sinong mangangahas na magsasabing, “Sasama ako sa Kanya, sa buong daan”? Kantahin, “Saan Niya Ako Pangungunahan, Ako’y Susunod,” bilang 18 sa inyong papel.
Naririnig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
Naririnig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
Naririnig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
“Kunin ang iyong krus at sumunod, sundan ako.”
Saan Niya ako pangungunahan, ako’y susunod,
Saan Niya ako pangungunahan ako’y susunod,
Saan Niya ako pangungunahan, ako’y susunod,
Sasama ako sa Kanya, kasama Niya sa buong daan.
(“Saan Niya Ako Pangungunahan” Isinalin mula sa
“Where He Leads Me” ni E. W. Blandy, 1890).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 16:21-27.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Pagpapako Sa Krus na Daan” (inisalin mula sa
“The Crucifixion Road,” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG ANG HALIMBAWA NG MGA MARTIR ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24). (Mateo 16:21, 22, 23; Marcos 8:34; Lucas 9:23) I. Una, ang krus ng Kristiyano ay nangangahulugan ng pagtatanggi sa sarili, Mateo16:24; Lucas 14:27;
II. Pangalawa, ang ibig sabihin ng krus ng Kristiyano ay pagkakawala ng iyong buhay alang alang kay Kristo,
III. Pangatlo, ang krus ng mga Kristiyano ay nagdadala ng mga gantimpala sa padating na Kaharian, Mateo 16:27; |